
1 minute read
MCHS, lumahok sa 7th RIJHS Biosciences Quizbee
Ni: Carmela Sienna B. Naval
Muling lumahok ang Mabini Colleges-High School (MCHS) Department sa Regional Inter-Junior High School (RIJHS) Biosciences Quizbee noong ika-30 ng Marso, 2023 sa Central Bicol State University of Agriculture ng Pili, Camarines Sur.
Advertisement
Nakamit ng unang koponan na sila Marc Terrence Adante, Reddick McChester Contreras, Brian Roll, at Kyla Colleen Dionisio ang ikatlong puwesto sa paligsahan.
Nakaabot naman sa nangungunang 10 ang grupo nila Alden Joshua Caceres, Aldwin Jake Caramoan, Gelian Mojo, at Shanelle Kim Villaflores.
Ginabayan sila ng kanilang tagapagsanay na si Syrom Miranda kasama ang mga gurong sina Jean Berlyn Baldesoto at Arra Grizzel Morico.
Ginanap ang taunang paligsahan sa buong Bicol upang hasain ang interaksiyon at kaalaman sa agham ng bawat kalahok gayoon din ang kanilang mga tagapagsanay.
Pinasimulan ni Darrel M. Ocampo, PhD., Master of Ceremony, ang unang bahagi ng patimpalak sa pambansang awit kasunod ang pambungad na mensahe ni Melinda P. Pan, PhD.
Natamo ng MCHS ang puwesto sa kabila ng 65 bilang ng mga pangkat na lumahok sa buong rehiyon ng Bicol.