1 minute read

MC, inuwi ang una, ikaapat na puwesto sa 2022 Rizal Oratorical Contest

Ni: Khrixia Grace D. Torero

Nagwagi ang mga magaaral mula sa Mabini Colleges High School Department matapos lumahok sa Oratorical Contest na ginanap sa Camarines Norte Provincial Library noong ika-12 ng Disyembre, taong 2022.

Advertisement

Nakuha ng kinatawan ng MCHS na si Anthonete Nicole Samonte mula sa ika-11 baitang ang unang pwesto sa kategorya ng senior high school habang naiuwi naman ni Aldwin Jake Caramoan mula sa ika-10 baitang ang ikaapat na pwesto sa kategorya ng junior high school.

Idinaos ang kompetisyon na may temang, “Rizalism: A Wellspring of Hope in the Midst of Adversities, a Source of Courage in the Quest for Progress” upang gunitahin ang ika-126 na taon ng kamatayan ng pambansang bayani ng Pilipinas na si Jose Rizal.

Nagbigay pasasalamat ang mga kinatawan ng MC sa kanilang mga tagapagsanay na gurong sina Gwen Dans at Blaise Henry Ilan.

Itinaguyod ng pamahalaang panlalawigan ng Camarines Norte ang nasabing aktibidad sa pamamagitan ng inisyatibo ng Museum Archives, and Shrine Curation Division Information and Education Hub ng probinsya.

This article is from: