1 minute read

Eleksyon ng Barangay, SK, suspendido

Ni: Khrixia Grace D. Torero

Opisyal nang nilagdaan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang Republic Act (RA) No. 11935 o pagpapaliban ng Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) noong ika-10 ng Oktubre, taong 2022.

Advertisement

Pormal na sinuspinde ang nakatakda sanang eleksyon sa darating na ika-5 ng Disyembre, 2022, ipagpapatuloy ito sa ika-30 ng Oktubre, 2023 at nakatakdang ulit-ulitin sa bawat pagtapos ng tatlong taon.

Saad ni Pangulong Marcos hinggil sa kautusang ito, “Well, we have sufficient precedent for the postponement of Barangay and SK Elections. Nakailan na tayo. In my time lang in government, I have seen I think four maybe five postponements.”

Ayon pa sa kaniya, nasa kapangyarihan na ng Kongreso ang pagpapaliban sa eleksyon sapagkat hindi ito laman ng Konstitusyon, bagkus ito ay bahagi ng Kodigo ng Gobyernong Lokal.

Naipasa at pinirmahan ang kasulatang ito na House Bill No. 4673 at Senate Bill No. 1306 sa Kongreso noong ika-28 ng Setyembre, 2022.

Nakasaad sa bagong batas na hanggang hindi pa naihahalal ang kanilang mga kahalili ay nakatakdang manatili ang mga kasalukuyang opisyales ng barangay at Sangguniang Kabataan (SK) sa kanilang katungkulan maliban na lang kung sila ay isuspinde.

This article is from: