
2 minute read
Nanakal na Chinese national, nagwala sa presinto matapos ireklamo
ni: Carmela Sienna B. Naval
Dinala ang isang Chinese national sa himpilan ng Manila Police District (MPD) noong Enero 29, 2023 pagkatapos atakihin ang dalawang taxi drivers habang papunta sa kaniyang nais na destinasyon.
Advertisement
Kinilala ang Tsino na si Zhang Tianlong, sinasabing inatake niya ang isang driver habang nakasakay sa taxi na nag-udyok dito upang dalhin siya sa pulis.
“Kasi sabi niya alam niya raw ‘yung pupuntahan niya tapos wala, kahit saan kami mapunta, ‘No, no, no.’ ‘Yung metro malaki na hindi niya raw babayaran,” saad ng isa sa taxi drivers.
Ayon pa sa kaniya, tila kayang basagin ng Tsino ang salamin sa bintana ng taxi dahilan para siya ay pumunta sa pulis ngunit bago ito ay hinintay muna niyang kumalma ang suspek.
Hindi mapigil ang Tsino sa presinto at naghubad pa ng pantalon, kalaunan ay kumalma rin ito pagdating ng kaniyang mga kasamahan. Habang nasa MPD, isang taxi driver naman ang dumating at nagreklamo ng isang insidente dahil pa rin sa nasabing suspek.
Nag-book ang Tsino sa isang transport network vehicle service upang dalhin siya sa isang hotel sa Pasay City noong gabi bago ang naunang reklamo.
“Nagwawala na ‘yung ano, ‘yung pasahero, tapos pilit niya na na kinukuha ‘yung kamay ko sa manibela. Nung hindi niya makuha, ‘yun na, sinakal niya na ako,” ayon sa driver.
Sinasabing dinala rin niya ang Tsino sa MPD Station 5, iniwan niya ito sa loob ng taxi habang inuulat ang insidente ngunit pagbalik ay wala na ito.
Kinahaharap ngayon ng Tsino ang singil sa physical injury at estafa para sa hindi pagbayad ng pamasahe.