1 minute read

Davao Occidental, niyanig ng lindol

Ni: Lovely Marie L. Rosas

Naitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang magnitude 7.3 na lindol noong Enero 18, 2023 sa malayong parte sa pampang ng Davao Occidental.

Advertisement

Ayon sa PHIVOLCS, naramdaman ang sinasabing lindol bandang ikalawa ng hapon sa layong 352 kilometro, timog-silangang bahagi ng Sarangani at may tinatayang 64 kilometrong lalim.

Iniulat ang Intensity II sa lugar ng Don Marcelino, Davao Occidental; Nabunturan, Davao de Oro; Glan at Kiamba, Sarangani; General Santos City; at Tupi, Santo Niño, Koronadal City, at T’Boli sa South Cotabato.

Samantala, Intensity I naman ang naranasan sa Kidapawan City, Cotabato; Maitum at Maasim, Sarangani; Tantangan, Lake Sebu, Tampakan, Suralla, at Norala, South Cotabato; at Zamboanga City, Zamboanga del Sur.

Ayon sa PHIVOLCS, walang rason upang maglabas sila ng tsunami alert dahil patuloy pa rin nila itong pinag-aaralan ngunit kailangan pa rin ang pagiging alerto.

Inabisuhan din nila ang mga mamamayan sa nasabing lugar na maghanda at maging mapagmatyag sa mga posibleng mangyari tulad ng aftershocks.

This article is from: