1 minute read

Factor, wagi sa 2022 Vinzons' Day: Provincial Oratorical Competition

Ni: Althea Denise R. Delos Reyes

Ginanap ang Oratorical Competition bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-112 na anibersaryo ng kapanganakan ni Wenceslao Q. Vinzons Sr. sa Tanggapan ng Panlalawigang Museo ng Camarines Norte noong ika-27 ng Setyembre, 2022.

Advertisement

Nagkamit ng unang karangalan ang kinatawan ng Mabini Colleges na si Ken Rein Samuelle I. Factor mula sa siyam na kinatawan ng iba’t ibang paaralan na lumahok sa kompetisyon upang ilahad ang kani-kanilang oratorical piece tungkol sa temang “Wenceslao Q. Vinzons: A Model for Uprightness in Government and Society.”

Nakuha naman ng mga kalahok mula sa Camarines Norte State College Abaño Campus ang pangalawa at pangatlong karangalan.

Ayon kay Factor, hindi naging hadlang sa kaniya ang maikling panahon na ibinigay upang magsanay para sa naturang kompetisyon sa tulong ng kaniyang tagapagsanay na si Edwin Datan Jr. at tagapag-ugnay na guro ng Ingles na si Gwen Dans.

Matapos maigawad ang iba’t ibang karangalan, nagbigay pasasalamat ang pamahalaan ng Camarines Norte sa mga paaralan at kabataan na lumahok sa kompetisyon.

This article is from: