2 minute read

Groundbreaking Ceremony, isinagawa para sa pagtatayo ng bagong gusali sa MC

Ni: Giane Antonette A. Labarro

Upang magbigay hudyat sa pagsisimula ng konstruksiyon ng bagong 4-Storey School and Administrative Building sa Mabini Colleges, isinagawa ang Groundbreaking Ceremony sa institusyon noong ika-11 ng Enero, taong 2023.

Advertisement

Pinangunahan ng administrasyon ng paaralan kasama ang mga pinuno ng bawat departamento ang nasabing seremonya upang ipagdiwang ang pagtatayo ng gusali na ayon sa kanila’y magbibigay ng mas mataas na kalidad ng edukasyon sa mga mag-aaral ng Mabini.

Dumalo rin ang mga arkitekto at inhinyerong mamamahala sa proseso ng konstruksiyon na sina Arch. Jasper Guy Centeno, Engr. Karl Anthony Garcia, Engr. Jaison Madred, Engr. Emmanuel Charvet, at Arch. Jenrey Raña, at ang konsehal ng ikapitong barangay ng Daet na si Kenneth Bryan Abaño.

Ayon kay Marcel N. Lukban, ang pangalawang pangulo ng MC, ang mga tauhan ng institusyon ay nagagalak sapagkat ang proyektong matagal nang ipinaplano ay maisasakatuparan na rin sa kabila ng mga naging balakid dito.

“One great lift starts with the first step,” dagdag pa ni Dr. Erlinda J. Porcincula, ang Vice President for Academic Affairs ng paaralan.

Ibinahagi rin nila na ang kanilang prayoridad ay ang quality education na dapat matamo ng bawat mag-aaral na papasok sa MC at kasama rito ang pagkakaroon ng maayos na mga pasilidad at silid na kanilang papasukan sa arawaraw.

Sinimulan ngayong taon ang pagpapatayo ng gusali para sa nalalapit na ika-100 anibersaryo ng institusyon sa tulong ng J.Centeno Design & Construction Project Management Service, Varin Construction & Hardware Supply, Gridline Engineering Services, at Coldplay Co. Ltd.

This article is from: