2 minute read
BBM, inimbitahan para sa kaniyang 3-day State visit sa China
Ni: Jamae B. Pelleja
Isinagawa ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kaniyang 3-day State visit sa Tsina noong Enero 3 hanggang Enero 5, 2023.
Advertisement
Sinamahan siya nina First Lady Liza Araneta-Marcos, dating pangulong Gloria Macapagal Arroyo, Speaker of the House of Representatives Martin Romualdez, Foreign Secretary Enrique Manalo, Finance Secretary Benjamin Diokno, Trade Secretary Alfredo Pascual, Tourism Secretary Christina Frasco, Information and Communications Technology Secretary Ivan John Uy, at iba pang mga punong kagawaran sa iba’t ibang departamento.
Higit sa 10 pangunahing bilateral na kasunduan ang inaasahang lalagdaan sa pagbisita, bilang karagdagan sa higit 100 kasunduan na mayroon na ang Pilipinas sa Tsina, saad ni Marcos sa isang talumpati noong Martes bago umalis patungong Beijing.
Layon ng kaniyang pagbisita ang usapin sa bolster trade, investment ties, infrastructure, development cooperation, people-to-people-ties, at tugunan ang mga isyu sa seguridad ng bawat panig.
“I will be opening a new chapter in our comprehensive strategic cooperation with China,”
Dagdag pa niya, tatalakayin niya ang mga isyu sa seguridad sa pulitika sa kaniyang pakikipagpulong kay Chinese President Xi Jinping.
Isinaad ni Marcos na sisikapin din niyang lutasin ang mga isyung ito sa Beijing para sa kapwa benepisyo ng dalawang bansa.
“The state visit is also expected to reaffirm the cordial and neighborly relations between the two countries, ensure continuity in many facets of the bilateral relationship, and chart new areas of engagement.”, ani Assistant Secretary of Philippine Department of Foreign Affairs (PDFA) Neal Imperial sa isang briefing ng palasyo noong nakaraang linggo
Nagsimula ang mga aktibidad ng pangulo noong Miyerkules: sunod-sunod na pagpupulong sa Chairman of the Standing Committee of the National People’s Congress Li Zanshu, Chinese Premier Li Keqiang, at President Xi.
Nilagdaan ni Foreign Secretary Manalo at Top Chinese Diplomat na si Wang Yiang ang mga napag-usapang kasunduan.