
3 minute read
Pag-aani ng Kaalaman, Komunikasyon ang Paraan
Ni: Clark James N. Abihay
Mistulang naging usap-usapan ang bagong batas na isinailalim ng Department of Education (DepEd) sa Executive Order no. 49 s. 2022 na naglalayong pigilan ang pakikipagtalastasan ng mga guro sa kanilang mga estudyante sa mga pampublikong lugar, pati na rin sa social media maliban kung sila ay kaanak.
Advertisement
Ikinababahala ito ng napakaraming estudyante, dahil sa pagkakataong ito akmang labis silang pinagkakaitan ng kakayahan sa pakikipagusap sa kanilang guro. Pang-edukasyon naman ang sadya, kaya bakit ito hahadlangan? Umalma rin ang mangilan-ngilang guro ukol dito.
Sa pagtuturo, may tinatawag na teacher to student relationship at parent to teacher relationship, nangangahulugan na ang ugnayan ng guro at estudyante ay hindi lamang nagtatapos sa loob ng silid-paaralan. Bilang pangalawang magulang ng bata, kinakailangang alam ng guro kung ano ang mga nangyayari sa kaniyang estudyante sa loob o labas ng paaralan, saad ito ng isang guro sa paaralang pansekundarya ng Mabini Colleges Inc. na si Mike Harold T. Jalata. Bukod sa paghahatid ng edukasyon, kaligtasan din ay nais iparating ng mga guro para sa kanilang mga mag-aaral. Hindi nangangahulugan na masama o may negatibong epekto ang relasyon ng isang guro sa kaniyang estudyante.
Pinagtitibay ng batas na ito ang propesyonalismo sa pagtataguyod ng saligang edukasyon para sa mga estudyanteng sumasailalim sa full in-person classes nitong taon. Ngunit hindi rito isinasaad kung paano ang gagawing solusyon para sa mga nahuhuling balangkas ng edukasyon. Maaaring
Ayon pa kay Bise Presidente Sara Duterte, na siya ring kalihim ng DepEd, layunin nitong mabawasan ang inklinasyon sa parte ng guro at sa mga krimeng maaaring maganap. “As a teacher, there has to be a line between his or her and the learner. They should not have friendly relations with their learners outside of the learning institution setting because people develop biases when they become friends with someone.” Dagdag pa niya, hindi malaking problema ang pagiging magkaibigan ng guro at ng kaniyang estudyante sapagkat ito ang nagpapatibay ng kanilang samahan sa loob ng paaralan. Ang pagtangkilik ng guro sa mga estudyante ay hindi nangangahulugang hindi ito propesyonal, sapagkat ito pa ang humuhubog sa pagkamakatao ng isang mag-aaral.
Hindi nga maitatanggi na may mga kaso ng intimate na relasyon ng isang guro sa kaniyang estudyante, ngunit may mga paraan naman upang maiwasan ito. Gawing pang-edukasyon lamang ang mga usapan dahil ito naman talaga ang pinakapuntong dahilan. Alamin ang limitasyon sa pakikipagusap sa guro, kahit na sila ay palakaibigan, tandaan na sila pa rin ay nakatatanda at dapat na ginagalang. Huwag maging insensitibo sa mga bagay dahil maaari itong pagmulan ng problema tulad ng hindi pagkakaunawaan.
Ibahin ang relasyon ng guro at estudyante sa iba pang mga relasyon, ito ay normal lamang at kailangan upang maitaguyod ang institusyong pang-edukasyon. Huwag mag-alinlangang makipagusap sa guro dahil isa silang sumusuportang haligi para sa kapakanan ng estudyante. Tanging ang talik na relasyon lamang ang dapat iwasan at hindi ang matinong ugnayan.