3 minute read
Balikatan: Para Saan?
Ni: John Ivan Daniel L. Pilapil
K amakailan, pagkatapos ng anim na taon ng pagtigil ng joint military exercises ng bansang Pilipinas at Estados Unidos ay ibinalik na. Ang alyansa ng dalawang bansa ay nag-anunsyo ng kanilang kasunduan na kumpletuhin ang pagtatayo ng limang orihinal na site at magtalaga ng apat na mga bagong site, para sa Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA).
Advertisement
Ang layunin ng military activity na ito ay kontrahin ang operasyong pandagat ng CCP (Chinese Communist Party sa loob ng West Philippine Sea (WPS). Gayunpaman, hindi rito natuwa ang Tsina at binalaan pa ang bansa laban sa EDCA na nagsasabing “seriously harm” ang bansa. Na hindi katanggap-tanggap lalo na sa mga mamamayang Pilipino.
Sa loob ng maraming dekada, ganap na nakontrol ng Tsina ang mga pangunahing bahagi ng West Philippine Sea (WPS). Nagtatapon din sila ng malaking dami ng lupa at buhangin sa ilang bahagi ng dagat na bumubuo ng mga artipisyal na isla. Ibig sabihin, kahit na sinasabi nilang hindi nila tayo inaapi, kung salungat naman sila sa paglalagay ng mga bagong site ng gobyerno at ng US, at hindi lamang iyon dahil matagal na nilang inaapi ang bansa noon pa man dahil sa kanilang mga nakaraang operasyon. Kaya hindi makatwiran ang panawagan ng CCP (Chinese Communist Party) na itigil ang “Balikatan”.
Bukod dito, ang joint operation ng ‘Balikatan’ ay binubuo ng Naval operations sa Subic, pagtatayo ng mga pasilidad para sa mga patrol vessel at pag-iimbak ng mga baril. Sa Fuga Island, nais nilang palawakin ang kasalukuyang detatsment ng hukbong-dagat para sa marine at air operations. Ganoon din sa Busuanga at Balabac Islands, at sa Northern Luzon at Palawan.
Kahit na alam ng mga Pilipino na ang US ay may mga nakatagong intensyon, tulad ng alam ng lahat, gusto nilang ang bansa Pilipinas ang maging unang linya ng depensa. Ngunit ang bansa ay may katulad na pagtatalo gaya ng US, ang kanilang sama ng loob para sa CCP sa nakalipas na ilang taon sa Vietnam War at Korean War. Walang dahilan ang bansa para tumanggi dahil sapat na silang na-bully ng China.
Samakatuwid, ang bansang Pilipinas ay walang magagawa kundi ang bumuo ng isang alyansa sa gobyerno ng US para sa parehong pagpapabuti ng strategic point at makatwirang mga dahilan para dito. Bagama’t makabubuting huwag gawing kumplikado ang mga bagay laban sa Tsina ngunit, wala silang magagawa kundi palakasin ang kanilang mga depensa. Para sa pag-iyak ng CCP para makuha ang ilang bahagi ng teritoryo ng Pilipinas, panahon na para lumaban ang mga Pilipino.