3 minute read

Balik Eskuwela: Handa Ka Na Ba?

Ni: Giane Antonette A. Labarro

Naging ligtas ang isinagawang face to face classes sa paaralang pansekundarya ng Mabini Colleges nitong ika-8 ng Agosto, 2022. Gayunpaman, may mga estudyanteng umalma na maaaring lumala ang kaso ng COVID-19 (Coronavirus Disease) kung patuloy na magsasagawa ng klase sa loob ng paaralan.

Advertisement

Nababahala ang ilang estudyante ng Mabini Colleges sapagkat kalat pa rin ang mga kaso ng COVID-19 sa lalawigan ng Camarines Norte. Hindi nila nasisiguro ang kanilang kaligtasan kung sila ay papasok lalo na at hindi maiiwasan ang kumpulan ng mga estudyante sa mga pampublikong lugar at paaralan ngayong isinasagawa ang pagbabalik sa tradisyonal na paraan ng pag-aaral. “Babiyahe ako, papasok ako, bibili ako sa canteen, uuwi ako, puwede kong madala ang sakit sa pamilya ko, mas okay pa ang online class”, ayon sa isang estudyante ng Mabini. Hindi maiiwasan ang takot na mahawaan ng sakit, ngunit kung sumusunod naman sa patakaran ng Department of Health (DOH) na tumalima sa Safety Protocols ay nakatitiyak na napakababa ng tiyansang magkaroon ng hawaan ng sakit.

Ayon sa DOH, kanilang sinusuportahan ang pagtaguyod ng Commission on Higher Education (CHED) na muling tanggapin ang mga estudyante sa loob ng paaralan. Isinaad rin nila na 77% ang mga estudyanteng sumailalim sa opsiyonal na pagpapabakuna kontra COVID-19 at 90% naman ang mga nasa Higher Education Institution (HEIs) kung kaya’t maliit ang tiyansa na magkahawaan ang mga estudyante kabilang na ang mga guro. Ngunit hindi ito labis, sapagkat ang inaasahan ng nakararami ay mabakunahan ang lahat ng estudyante, lalo na ang mga may edad na 18 at pababa upang siguruhin ang kani-kanilang kaligtasan.

Tiniyak naman ng Mabini Colleges na ang mga guro at estudyanteng papasok sa kanilang paaralan ay Fully Vaccinated o sumailalim sa una at pangalawang dosis ng bakuna. Maingat ding isinasagawa at binabantayan ng paaralang ito ang mga Safety Protocols upang masiguro ang kaligtasan ng mga mag-aaral at mga guro. Magiging payapa ang saloobin ng mga estudyante, maging ang kanilang mga magulang kung patuloy ang ganitong angkop na pagpapatakbo ng paaralan sa ganitong sitwasyon ng bansa.

Hindi maiiwasan ang pangamba ng mga kabataan at maging mga magulang sa isinasagawang face to face classes sa bansa, dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa Pilipinas. Hindi naman maitatanggi na mas mabisa ang ganitong uri ng pag-aaral kumpara noong nakaraang dalawang taon ng 2020 hanggang taong 2021 sa kontrobersyal na Online Classes at Modular Learning. Mas mapapabuti nang husto ang sitwasyon ng edukasyon sa paraan ng pagpasok mismo sa mga paaralan.

Sa nakaraang dalawang taon ng pandemiya, may mga nakapagbigay na ng mga proseso sa pag-aangkat ng kaligtasan. Gayunman ay isa lamang ang mabisang solusyon sa pandemyang ito, ang pagtugis sa kaso ng COVID-19 at wakasan ito sa pamamagitan ng pag-implementa ng sapilitang pagbabakuna sa lahat ng tao. Subalit, salungat dito ang batas na naglalaman na maaari lamang hikayatin ng mga employer ang kanilang empleyado na magpabakuna ngunit, ang isang empleyado na ayaw pa magpabakuna ay hindi dapat makaranas ng diskriminasyon, saad sa Republic Act No. 11525. Dagdag pa rito ay hindi dapat gawing pangangailangan ang Vaccination Card sa paghahanap ng trabaho. Sa ngayon, ang pagsunod muna sa mga Safety Protocols ang pinakamakamabisang pagtulong sa pagpupuksa nitong pandemya.

Nakasisiguro na ligtas ang lahat ng mga nabakunahan, ang paaralan ng Mabini Colleges ay bukas para sa pagtaguyod ng kaligtasan ng mga estudyante; sa katunayan, sila pa rin ay nakikipagtulungan sa DOH kaukulan sa mga batang hindi pa nababakunahan. Huwag mabahala sa kaligtasan sa loob ng mga paaralan dahil ang mga silid ay nakasisigurong ligtas at sumusunod sa lahat ng patakaran ng DOH sa muling pagbubukas ng mga eskuwelahan.

This article is from: