2 minute read

Karunungang Hindi Pipilay sa Kinabukasan

Ni: Christine L. Espinosa

Nasa harapan ng maraming kabataan ang isang gurong tanging ang saklay na kaniyang ginagamit ang tumutulong sa kaniya upang makatayo at makalakad sa classroom. Siya ay inspirasyon ng nakararami dahil ang pilay niyang paa ay hindi naging hadlang bagkus naging bunga kung bakit siya nakatayo sa harap ng blackboard at nagtuturo.

Advertisement

Minsan tinanong ng mga mag-aaral kung bakit ang paa na nagbigay ng pasakit sa kaniya ay ngayon naging motibasyon para sa kaniyang propesyon.

Ang mga tanong at kuryosidad ng mga estudyante ang naging dahilan kung bakit napakuwento tuloy siya at kung ano ang aral na kaniyang natutuhan sa kabila ng paghihirap, takot, at pangambang kaniyang naramdaman sa nakaraan. Nagsimula ang kaniyang kuwento noong labinlimang taong gulang pa lamang siya. Isang estudyanteng gising pagdating sa mga kalokohan ngunit tulog pagdating sa eskuwelahan. Isang estudyanteng ginagawang biro ang lahat at hindi sineseryoso ang mga pangaral.

Dumating ang panahong hindi inaasahan ng lahat, panahong tumatak at hindi kailanman mawawala sa kaniyang isipan.

Ang pagbagsakan ng mga gamit at pagkataranta ng kaniyang mga kasamahan at nakararami ang nagdulot kung bakit takot at buhol-buhol lamang na isipan ang naging laman ng kaniyang utak. Hindi niya alam ang kaniyang gagawin, hinahayaan niya na lamang matumba ang mga katawang nanghihina at pinipigilang tumulo ang mga luhang papatak nang wala sa oras.

umalingawngaw kasabay ng kaniyang pagsigaw hindi dahil sa takot, kundi dahil ito ay bumagsak sa parte ng kaniyang katawang tanging nag-aalalay sa paglakad, pagtakbo, at pagtayo.

Tumigil man ang pagyanig ng lupa ngunit hindi pa rin tumitigil ang kaniyang pag-iyak sa sakit na kaniyang nararanasan.

“Kung hindi lang ako nataranta, kung umalis lang ako sa aking kinatatayuan, kung alam ko lang ang gagawin ko,” marami pang “kung” ang bumagabag sa kaniyang isipan sa oras ng sandaling siya ay tinanggalan ng pagkakataon makalakad nang walang saklay ang mag-aalalay.

Ang kuwento ng kaniyang nakaraan ang nagsilbing aral at insipirasyon niyang makapagturo sa iba ng mga gagawin sa oras ng kalamidad, mga pangaral na balang araw sasagip sa buhay na muntik pang bawiin sa kaniya.

At isa pa, karunungan, isang salita ngunit malaki ang magagawa. Palibhasa, ito ang natatanging daan upang ang bangungot na kaniyang naranasan ay hindi na maulit pa. Karunungan na tutulong sa mga paslit na kaniyang tinuturuang maging handa sa pagyanig ng lupang tiyak na pipilay sa kanilang kinabukasan.

This article is from: