3 minute read
May Magbabago ba sa Pagbabago?
Ni: Alden Joshua V. Caceres
“Ang edukasyon ay susi sa magandang kinabukasan lalo na sa mga kabataan.”
Advertisement
Kadalasan itong naririnig ng mga mag-aaral mula sa kanilang mga guro at hindi maitatanggi na pawang katotohanan ang nakapaloob dito kung ang isang bansa ay mayroong maayos na sistema ng edukasyon.
Kamakailan lamang ay nagsasagawa ng pagpaplanong rebisyon ang Kagawaran ng
Edukasyon ukol sa K to 12 curriculum. Ito’y isang daan upang magkaroon ng epektibong sistema sa edukasyon ngunit hindi pa rin mawawala ang pagpapakita ng pagkabahala ng ilang mga guro sa gagawing rebisyon.
Sinasabing layon nito ang pagbibigay nng mataas na kalidad ng edukasyon sa pamamagitan ng adyendang “MATATAG.” Ang ilan sa mga layunin nito ay ang pagbibigay ng suporta sa mga guro upang makapagturo nang mas mabuti at pagsasagawa ng hakbang upang mas mabilis ang pagbibigay ng mga serbisyo sa batayang edukasyon. Ito ay magpapadali hindi lamang sa mga estudyante kung hindi ay pati na rin sa mga guro sa paaralan.
Noon pa man, isip ng madla na mas nakabubuti ang pagdaragdag ng ilang taong paninilbihan sa isang trabaho dahil ito ay mas epektibo upang makalikom ng karanasan na makatutulong sa isang empleyado at ang pagdaragdag din ng dalawang taon sa kurikulum ay makatutulong naman sa mga estudyante upang higit na makapagtipon ng mataas na antas ng kaalaman sa kanilang paaralan. Ngunit, mas epektibo ba ang ganoong pamamaraan?
Dahil sa pagkakaroon ng karagdagang dalawang taong pag-aaral, maraming hinaing ang dinig mula sa mga magulang na nahihirapang tustusan ang tuition ng kanilang mga anak na nag-aaral sa private institutions. Sa kabilang banda, marami pa rin ang nagsasabing ang Senior High School ay isang paghahanda para sa mga mag-aaral na magtatapos ng ikasampung baitang.
Samantala, sa pagpaplanong rebisyon ng K to 12 curriculum, tiyak na ito’y makapagbabawas sa gastusin ng magulang dahil sa planong tanggalin ang dalawang taong iyon at bawasan din ang mga learning areas mula pito patungo sa lima. Ibig sabihin, dalawa sa pitong asignatura ang planong alisin.
Kaya naman, maraming guro ang nagaalalang ang asignaturang kanilang itinuturo ang matanggal at magdulot pa ito ng pagkawala ng kanilang trabaho. Maraming boses ang baka sakaling hindi pakinggan sapagkat ipinipilit na ang pagbabagong ito ay hahantong sa magandang results sa mga mag-aaral.
Gayunpaman, ang mga pagbabawas na nagaganap ay hindi na pambihira sa planong rebisyon sa kurikulum. Kahit saan pa man humantong ang debatehan sa sistema ng edukasyon ay hindi nababawasan ang kaalaman ng mag-aaral na apektado gawa lamang ng pagbabago; sapagkat ang edukasyon ay mananatiling edukasyon kung nanaisin.