2 minute read
Parangal sa 2022 BRSC, iginawad
Ni: Carmela Sienna B. Naval
Ginanap ang taunang Bicol Regional Skill Competition sa prestihiyosong paaralan ng San Francisco Institute of Science and Technology noong ika-21 hanggang ika-23 ng Setyembre, 2022 sa Legazpi, Albay.
Advertisement
Nagwagi ng gintong medalya sina Michael Larry Baliza sa Electronics at John Jester H. Salen sa Web Technology, samantalang pilak naman ang inuwi nila Franz Czeska Rasco sa Graphic Design at John Alexis Abres sa IT Software Solution.
Dinaos ang pagtitipon sa pangunguna ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) Region V na dinaluhan ng 17 pampubliko at pribadong institusyon buhat sa limang lalawigan sa rehiyon ng Bicol upang itanghal ang kanilang karunungan at kasanayan sa iba’t ibang kompetisyon.
Inumpisahan ito ng motorcade kasama ang tipon ng mga kalahok at kani-kanilang mga taga-sanay, kasunod ang misa na pinamunuan ni Rev. Father Paul Ocfemia na nagbabas sa naturang kompetisyon.
Binigyang-dangal ni Albay Gov. Hon. Noel E. Rosal ang okasyon, binigyang diin ang kahalagahan ng pagtitipon at pinuri ang TESDA Region V sa patuloy na pagbibigay ng angkop na karanasan sa mga kalahok.
Idineklara ni Assistant Regional Director Ruth E. Dayawen ang opisyal na pagsisimula ng paligsahan sa seremonyal na pagputol ni Governor Rosal ng kadena na simbolo ng kompetisyon
Nakatakdang irepresenta ng mga nagwaging kalahok ang Bicol sa paparating na National Skills Competition.