
2 minute read
Pagluluwag sa mga dayuhan, inaprubahan ng Malacañang
ni: Aldwin Jake Caramoan
I naprubahan ng Malacañang ang Resolution no.2 ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) nitong ika-4 ng Oktubre 2022 sa isang teleconference.
Advertisement
Ang resolusyong ito ay naglalayong paluwagin ang testing at quarantine protocols sa bansa para sa mga inbound travellers.
Ayon sa isang panayam kay Office of the Press Secretary Officer-inCharge-Undersecretary, Ref. Atty. Cheloy Velicaria–Garafil, magsisimulang magkaroon ng bisa ang memorandum sa Oktubre 28, 2022.
Pinapahintulutan na ang mga fully vaccinated, dayuhan man o Pilipino, na bumiyahe sa loob at labas ng bansa kahit na walang pre-departure testing at anti-gen test. Kinakailangan ding magpakita ng Vaccination Certificate o iba pang mga katibayan na nagpapatunay na nakumpleto ang dalawang dosage ng vaccine, 14 na araw o higit pa bago ang departure sa bansang pinagmulan.
Samantalang ang mga hindi vaccinated, ano man ang dahilan, ay nangangailangang magsumite ng negatibong resulta ng anti-gen test, 24 na oras bago ang arrival sa Pilipinas.
Ang mga inbound travellers naman na nagpositibo sa COVID-19 ay dapat na sumailalim sa quarantine at isolation protocols ng Department of Health (DOH).
Inatasan din ng palasyo ang Bureau of Quarantine ng DOH na makipagtulungan sa iba pang mga ahensya sa bansa upang matukoy ang mga katanggap-tanggap na patunay ng vaccination.