3 minute read

Saba, Saba Tayo!

ni: Tyrone James Z. Delos Santos

Iba’t ibang uri ng meryenda ang makikita sa bawat tindahan, ngunit ang pinaka paborito ni Angela ay ang iba’t ibang luto ng sabang malinamnam at kung papantayan mo pa ng panulak na cucumber juice o buko juice ay tila sasampalin ka ng kasarapan ng mga ito sa iyong dila. Patok na patok ang lasa, hahanap-hanapin mo pa nang madalas na tila ito ang rason sa iyong kumukulong kalamnan at kapag ito’y iyong natikman, maiintindihan mo na pak na pak nga talaga ang saba! Sabang masarap, sabang masustansya!

Advertisement

Ang saba ay kilala bilang saba na saging, matamis na plantain, o saba senegalensis. Ito ay tumutubo sa mga bungkos sa tuktok ng puno ng saging. Ang prutas ng saba ay mas maikli at mas makapal kaysa sa karaniwang saging subalit hindi pa din maikakaila na marami itong benepisyo sa kalusugan kagaya ng karaniwang saging kinakain madalas ng mga tao.

Kung kakainin araw-araw ay hindi ka magsasawa sapagkat ang saba o saging ay maaaring lutuin sa iba’t ibang paraan. May nilagang saba, turon, banana cue, maruya, chips, minatamis na saging, ginataan, at maaari rin bilang panghimagas na banana con yelo. Nilalagay din ang saging sa iba’t ibang ulam kagaya ng adobo, sinigang, menudo at iba pa.

Ang pagkain ng saba ay may mataas na antas ng sustansya sapagkat mayaman sa starch o almirol na katulad ng nilalaman na carbohydrate sa isang patatas. Ito rin ay isang mahusay na mapagkukunan ng mga bitamina A, B, at C at naglalaman din ito ng dietary fiber at iron. Ang prutas ng saba ay may pinakamataas na nutritional value kapag natupok nang hilaw o kaya nama’y nilaga, subalit may nutritional value pa rin naman kahit ito’y niluto na.

Isa sa mga benepisyo nito ay ang pagkakaroon ng kakayahan na makatulong upang matunaw ang pagkain sa katawan dahil sa konsentrasyon nito sa dietary fiber kaya maaari nitong mapagtagumpayan ang mga sintomas ng paninigas ng dumi at bawasan ang

panganib ng mga ulcer sa tiyan at iba pang mga problema sa gastrointestinal ng isang tao. Ikalawa, kaya ng saba na mapabuti ang metabolismo dahil ang vitamin B nito ang nagbibigay-daan upang mapabuti ang metabolic process sa katawan at maaari din nitong mapabuti ang mga function ng nervous system. Ikatlo, makatutulong ito sa pag-iwas sa stroke at atake sa puso dahil ang prutas ng saba ay mayaman sa potassium na isang vasodilator kaya ito ay may kakayahan na bawasan ang strain sa mga daluyan ng dugo. Bukod pa dito ay may mataas na lebel ng Iron na nakatutulong sa mas maayos na sirkulasyon ng dugo at oxygen ng tao. Dagdag pa rito ay ang kakayahan nito sa pagpapabuti ng paningin, pagkontrol sa blood sugar, pagbabawas sa panganib ng hika at iba pa.

“Ang galing ng paborito kong meryenda! May benepisyo sa kalusugan hindi kagaya ng mga chichirya na masama sa katawan!” Sigaw na ani ni Angela, dalagang naniniwala na ang kalusugan ay kayamanan kaya hangga’t maaari ay dapat kumain ng masusustansyang pagkain ang mga tao kaysa sa mga junk foods lalong lalo na sa mga mag-aaral na kabataan dahil mas mabuti na habang maaga pa ay dapat pinangangalagaan na ang kalusugan upang mas mamuhay ng malusog, matagal at ligtas sa mga karamdaman.

This article is from: