3 minute read

Igkas sa Bagong Batas

ni: Clark James N. Abihay

D iretsahan nang ipinagtibay ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang SIM Card Registration Act sa isang pagpupulong sa Malacañang. Kaniyang binigyang diin na ang batas na ito ay makakatulong para sa pagpupuksa sa mga lupon ng masasamang gawain. Gayunman ay hindi positibong reaksyon ang natamo nito sa mga netizens.

Advertisement

Nitong Oktubre, taong 2022 lamang nilagdaan ni Pangulong Marcos Jr. ang Republic Act No. 11934 (RA 11934) o mas kilala bilang SIM Card Registration Act. Nakasaad sa batas na ito ang sapilitang pagbigay ng personal na impormasyon para sa mga gumagamit ng SIM Cards at bibili nito, para naman sa mga layong tututol sa batas na ito ay mapipilitang buwagin ang kanilang Telecommunication Services. Patunay lamang na nais wakasan ang pribasiya ng mga tao sa lipunan. Ano ang plano ng pangulo? Hindi kailanman naging mainam ang pagsasapubliko ng personal na impormasyon, kaya naman isa itong depekto kung ituring ng publiko.

“The way it looks now, SIM Card Registration threatens the privacy and the anonymity of activists, journalists, and whistleblowers, and this has been observed as an alarming consequence in other countries that tried to implement these measures,” panayam kay Philip Jamilla, isang human rights advocate. Isang patotoo sa katotohanan. Hindi bumababa sa 16 ang mga bansang aktibo ang ganitong klase ng batas, at sa kasalukuyan ay hindi gaanong maganda ang kinalalabasan ng batas na ito. Tulad na lamang ng bansang Tanzania, na hindi napoprotektahan ang pribasiya at personal na impormasyon ng mga suskritor, at naiiwang bukas sa iba-ibang uri ng huna ang mga datos dahil sa kakulangan ng seguridad nito.

Ikinabahala na rin ito ng ilang netizens dahil maaari itong pagmulan ng iba’t ibang uri ng krimen kumpara sa orihinal nitong pakinabang. Anila, matutuwa ang mga hackers pati na rin ang mga magnanakaw ng identidad dahil mas mapapadali ang kanilang mga lisyang gawa. Subalit, dahil din dito madaling mababakas ang mga may sala, kaya hindi rin maitatanggi na makakatulong ito sa seguridad ng TELECOM Services.

Kahit papaano ay may kapakinabangan pa rin ito, kung tuluyan na itong imamandato ay inaasahang mawawala na ang mga scam messages. Ayon sa Globe Telecom Inc., kinakailangan ang sistema ng National ID upang mas maging malawak at maimplementa ang seguridad ng bagong batas. Magiging mahirap ang pamamalakad kung isasangkot dito ang National ID, dahil matagagalan pa ang proseso subalit hanggang ngayon ay hindi pa lahat ng tao sa bansa ng Pilipinas ay natatanggap ang kani- kanilang mga National ID.

Butas ang bagong batas ng Pangulo, asahan na magiging problema ang pagtagas ng mga personal na impormasyon, maging ang mga pambablackmail. Maaaring gamitin ito sa mga tao, pati na rin sa mga importanteng tao katulad ng Pangulo, at iba pa. Nilalalabag din nito ang Republic Act No. 10173 (RA 10173) na naglalayong protektahan ang personal na impormasyon at sistema ng komunikasyon laban sa gobyerno at ng mga pribadong sector. Kumbaga, hindi naman talaga ito kinakailangan para sa mga krisis na kinakaharap ngayon. Ituon nalang sana ang mga susunod na ordinansa sa mga importante at mahalagang problema na kinakailangang malutas tulad ng mga isyung merkado o palitan.

Dahil sa batas na ito, naging maugong ang usap-usapan kung mapagkakatiwalaan nga ba ang mga TELECOM Services at kung ano ang malalim na rason sa pagsasabatas ng ganitong klaseng tuntunin. Nararapat na hindi isapubliko ang personal na impormasyon dahil delikado ang kilos na ito. Ang batas na ito ay hindi mahalaga at mapanganib para sa lahat kung kaya’t dapat na itong ibasura.

This article is from: