2 minute read

BEEP! Ang sabi ng dyip

ni: Clara Francesca G. Laganson

“Beep! Beep! Beep!” Iyan ang tunog na iyong maririnig habang naglalakad sa kalagitnaan ng Maynila. Mga busina na animo’ y mga kuliglig sa ilalim ng tirik ng araw.

Advertisement

Mayroong pula, puti, dilaw, at marami pang iba’t ibang naggagandahang mga kulay. Ang ilan nga ay may mukha pa ng mga paborito nilang artista, habang ang ilan naman ay may nakapintang imahe ng mga sikat na karakter sa palabas. Mayroon nga ring mga mukha pa ng kanilang pinaniniwalaang Santo at Santa ang nakapinta at may kabit pang maiikling slogan.

Iyan ang dyip, isang uri ng transportasyon na nagmula pa sa panahon ng pananakop ng mga Amerikano sa bansa, na kinalaunan, ay naging isang pampublikong sasakyan para sa mga Pilipino.

Subalit, pagkaraan ng ilang dekada, ito ngayon ay nanganganib na mawala. Dahil sa mga nakakalasong mga usok na binubuga nito, unti-unting nalulugmok ang kalidad ng hangin sa bansa. Naging

dahilan din ito para lalo pang lumala ang malala nang kalagayan ng kapaligiran, at a ng mga itim na usok na siyang nilalabas nito ay lubha ring mapanganib sa kalusugan ng mga tao.

Araw-araw animo’y isa itong smoke-belchers dahil sa 40-kilo ng carbon dioxide na nilalabas nito, bukod pa roon, ito rin ang responsable para sa 15% ng matter emission sa bansa. Naging dahilan ang mga ito kung bakit sinasabing ang mga dyip ay isa sa pinakamalaking contributor sa air pollution o polusyon sa hangin sa Pilipinas.

Tila ba isa itong matandang empleyado na malimit magkasakit at nangangailangan nang palitan ng bago, palitan ng isang makabagong dyip. Dyip na hindi nakakasama sa kapaligiran, at sa kalusugan ng nakararami. Isang dyip na magiging dahilan nang pagbawas ng carbon emission, at isang dyip na nagdudulot ng mas magandang kalidad ng hangin.

Napakahalaga ng kapaligiran, ngunit mahalaga rin ang mga dyip na naging parte na ng ating kultura. Mga dyip na saksi sa paghihirap ng mga Pilipino arawaraw at mga dyip na pamana pa sa atin ng mga kolonistang Amerikano.

Sa pagdaan ng mga taon, maraming administrasyon na rin ang natapos. Ngunit, ang mga busina ng dyip na ito ay patuloy pa ring gumigising sa atin tuwing umaga. Ikaw ba? Handa ka na bang hindi marinig ang, “Beep! Beep! Beep!” ng isang dyip?

This article is from: