2 minute read

pagsusulit padayon! ,

Next Article
PARA SA GINTO

PARA SA GINTO

Sa katunayan, 69% ng mga mag-aaral ng batch 2024 sa Las Piñas City National Science High School (LPCNSHS) ay sumali ACAD1 review center upang makapaghanda sa nalalapit na UPCAT sa Hunyo.

Bilang karagdagan, nakausap ng Ang Paham ang ilang mga mag-aaral na nakapasa sa mga CET ngayong taon. Napagdaanan nina Reign Bonoan ng 12 - Generosity at Karl Olalia ng 12-Diplomacy ang hirap ng mga pagsusulit mula sa mga unibersidad na kabilang sa “Big Four” tulad ng Ateneo de Manila University (ADMU), De La Salle University (DLSU) at Unibersidad ng Sto. Tomas (UST). Mula sa kanila, pinagsama namin ang mga paalala at gabay upang tulungan ang mga Lapisyano sa kanilang paghahanda.

Advertisement

Tuwing tayo ay nangangamba sa nalalapit na pagsusulit na siyang didikta sa ating kapalaran sa kolehiyo, ating tandaan ang salitang “PADAYON”.

Paghandaan ang sarili maaga pa lamang

PNabanggit ni Karl Olalia na maaga pa lamang ay simulan na ang pagpaplano upang magkaroon ng sapat na panahon sa pag-aaral ng lahat ng mga mahahalagang aralin. Payo naman ni Reign Bonoan ang wastong pamamahala sa oras at pagkaroon ng kumpiyansa sa sarili upang hindi magsisi sa huli.

A

Alamin ang format ng bawat CET na tatahakin Ayon sa parehong mag-aaral, magkaiba ang format ng bawat CET ng mga unibersidad, tulad ng mga asignaturang nakapaloob, oras ng pagsagot, at mga alintuntunin habang sinasagutan ito. Mahalagang alamin ang mga ito upang makabuo ng mga paraan sa pagharap at pagsagot ng pagsusulit.

Makikita natin ang format ng bawat unibersidad sa kanilang mga social media page. Makikitang Mathematics, Science, English, at Abstract Reasoning ang kadalasang nagiging laman nito.

Kay sarap balikan ng nakaraan na humubog at nagpatibay sa iyong pagkatao at nagturo kung paano magpakatao. Katulad na lamang ng Mataas na Paaralang Pang-Agham ng Las Piñas, ang kinalakihang pook ng napakaraming magaaral magmula ng ito’y itayo, magpahanggang sa kasalukuyan. Sa paglipas ng panahon, ang paaralan na itinuturing na pangalawang tahanan ng lahat ay unti-unting nagbabago upang masabayan ang agos ng buhay. Kalimitan ay imprastraktura lamang ang nababago ngunit dahil na rin sa pagbabago ng panahon at henerasyon may mga tradisyon na nawala at mayroon rin namang nanatili at isinasabuhay pa rin magpahanggang ngayon.

Ang eskwelahang nagsimula sa nagiisang matayog na gusali ay naging dalawa, tatlo hanggang sa naging apat. Ang mga ito ang naglimlim sa mga musmos na mga binata’t dilag na ang hinihiling lamang ay makamit ang mga napakagandang aral na kanilang mapupulot sa loob ng paaralan na madadala nila kahit sa labas ng apat na sulok nito. Mga aral at karanasan na magsisilbing gabay sa kanila kung paano labanan at makisabay sa mabibigat at malalakas na alon na ihahampas sa kanila ng buhay bago nila masabing ang buhay ay kanila na ngang tuluyang napagtagumpayang languyin at sisirin ang kaibituran nito.

Pagmamano ang tanda ng pagbibigay respeto ng mga Pilipino sa kanilang mga nakatatanda. Ngunit kapag iyong pinasok ang paaralang ito makikita ang mga estudyanteng may malalaking ngiti sa labi habang nakalagay ang kanang kamay sa dibdib at yuyukod ang ulo, sabay sabing “Good morning po, miss/sir!”. Datapwat hindi ito katulad ng normal na tradisyon ng mga Pilipino na pagmamano, ito pa rin ang sinisimbolo ng pagbibigay respeto nila sa mga tumayong pangalawang ina at ama sa kanilang buhay.

Kalimitan mang bukambibig ng mga mag-aaral ay “Ang daming gagawin”, “Ang daming ipapasa bukas”, “Ayoko na, pagod na ko!”, na kadalasang nagbibigay takot sa mga mag-aaral na nagbabalak pa lamang pasukin ang buhay sa likod ng napakalaking tarangkahan nito.

Subalit ang mga linyang ito ay puro lamang reklamo ng mga mag-aaral sapagkat ang mga gawaing itinakda sa kanila ay handa na ipasa kinabukasan at makikita sa kanilang mukha ang saya pati na ang pagod na kanilang ibinigay upang matapos ito. Isa ito sa hindi na mababago pa at mawawala sa eskwelahang nagpasakit sa ating ulo, nagpaluha sa ating mga mata at nagbigay ng napaka gandang ngiti sa ating mga labi.

Mga alaalang tangayin man ng panahon sa tagal, madagdagan man ang mga bagong mag-aaral o magbago man ang itsura ng imprastraktura, hindi ito magiging hadlang upang hindi natin malasap ang sarap ng bawat memoryang hindi mapapalitan ng kahit anong salapi.

This article is from: