Ang Paham - Tomo X, Blg. 01

Page 10

PANANATILI SA TUGATOG LPSci muling namayagpag sa Division Level Academic Science Contest

pagkakaantala ng face-to-face science fair dulot ng pandemya ay napanatili ng Las Piñas City National Science High School (LPCNSHS) ang kanilang legasiya sa Agham matapos humakot ng mga parangal sa idinaos na 2023 Division Science Academic Contest noong ika-20 ng Mayo sa Las Piñas National High School.

Inilunsad ito na may temang “Agham at Teknolohiya: Kabalikat sa Maunlad at Matatag na Kinabukasan” kung saan dinaig ng LPCNSHS ang 12 pang mga pampublikong paaralan sa Las Piñas sa mga antas ng Junior High School (JHS) at Senior High School (SHS).

Bagamat karamihan ng kalahok ay baguhan, nangibabaw pa rin ang galing ng mga Lapisyano sa Science Investigatory Project (SIP).

Itinanghal na unang pwesto, best presenter, at best pitch ang lahat ng kinatawan ng LPCNSHS sa JHS sa parehas na individual at group na mga kategorya sa paggabay nina Bb. Lyneth Cabria at Bb. Leslie Villegas. Ang mga nagwaging kategorya ay ang mga sumusunod:

Bagong kasaysayan ang inukit ng Timog NCR matapos magtipon-tipon ang halos 1000 kalahok mula sa rehiyon upang magsanibpuwersa sa pagsasagawa ng malawakang mangrove cleanup drive sa Las Piñas-Parañaque Wetland Park (LPPWP) nitong ika-19 ng Pebrero.

Pinangunahan ng PANGEA, isang organisayong pangkalikasan, ang programa na may temang “make a difference, be a part of history” sa kanilang pagtatangka na makuha ang world record na may pinakamalawak na mangrove cleanup drive sa kasaysayan.

Sinuportahan ito ng mga mag-aaral at guro ng iba’t ibang pampublikong paaralan mula sa mga lungsod ng Timog NCR.

Kabilang sa mga nakiisa rito ay ang Schools Division Office ng Las Piñas City sa pamumuno ni Dr. Joel T. Torrecampo, Local Government at City Environment and Natural Resources Office ng Parañaque City, Pasay City Educators 104 Lions Club, at Boy Scouts of the Philippines.

“It would be amazing if you will participate in this community service. With you there, we will be able to make a massive positive impact together,” hayag ni Arianna Mangco, Volunteers Coordinator ng PANGEA.

Iginiit din ni Mangco ang papel ng

Grade 12 students nasungkit ang tansong medalya sa SISFU-GDO 2023

NISSY CINCO REGALADO

Gantimpala

Life Science (Team) — Unang Gantimpala

Physical Science (Individual) — Unang

Gantimpala

Physical Science (Team) — Unang

Gantimpala

Robotics and Intelligent Machines (Individual) — Unang Gantimpala

Robotics and Intelligent Machines (Team) — Unang Gantimpala

Sa kabilang banda, umani rin ng mga parangal ang mga kinatawan ng SHS sa SIP sa pagsasanay nina Bb. Ayra Alvero. Ang mga nakapagtala ng panalo ay ang mga sumusunod:

Life Science (Team) — Unang Gantimpala

Physical Science (Team) — Unang

Gantimpala

Robotics and Intelligent Machines (Individual) — Unang Gantimpala

Robotics and Intelligent Machines (Team) — Ikalawang Gantimpala

Physical Science (Individual) — Ikalawang

Gantimpala

Nakatakda silang sumabak sa

Setyembre.

Masugid na pagsagot ang ipinamalas ng mga kinatawan ng LPCNSHS sa Sci-Quiz kung saan nasubok ang kanilang dunong sa mga MELCs ng kasulukuyang kurikulum sa Science.

Nagkamit ng unang parangal ang pangkat nina Miguel Datilles, Kriz Rubias, Joshua Sacedon, at Trisha Jerafusco sa antas ng JHS.

Nang ibahagi ang kanilang karanasan, inihayag nila ang pagkagalak sa kanilang tagumpay sa kabila ng maikling panahon na paghahanda dulot ng masikip na iskedyul.

“Masaya po, at nanalo kahit nagsimula lang po ako mag-aral nang maayos mga limang araw bago ng contest kasi po sumabay siya sa pagtatanghal namin sa JHS,“ wika ni Jerafusco mula sa 10-Commitment.

Para naman sa SHS, nakuha ng tambalang Regel Aggabao at Gabriel Caluya ang ikatlong gantimpala sa paggabay ni Gng. Marjorie Nariz.

BAGONG KASAYSAYAN

1K katao sa Timog NCR nagsanib-puwersa sa Mangrove Clean-Up

nasabing programa, lalo na ang mga mangrove ang pumoprotekta sa mga residenteng malapit sa katubigan mula sa matitinding baha at pag-angat ng lebel ng dagat.

“After the cleanup, we plan to install a river barrier in specific river locations to capture the trash upstream before it reaches the

Naiuwi ng mga piling mag-aaral mula sa ika-12 baitang ng Las Piñas City National Science High School (LPCNSHS) ang

ikatlong gantimpala sa semi finals round ng Global Dimensions Olympiad (GDO) 2023 nitong ika-15 ng Abril sa Southville International School Campus.

Binandera nina Gabriel Caluya, Althea David, Gwen Go, Lawrence Gobot, Ralph Nuñez, Ashley Sabandal, at Christine Soriano ang LPCNSHS sa GDO sa paggabay ni Bb. Aprilyn Miranda, guro sa ika-11 baitang.

Sa isang panayam, ibinahagi ng mga kalahok ang kanilang magkahalong emosyon sa kanilang pagkawagi.

“Nagulat kami kasi nanalo kahit

mangroves, and ultimately the oceans,” dagdag ni Mangco. Ang mga makokolektang basura sa LPPWP ay gagamitin upang makagawa ng recycled sunglasses mula sa mangrove at mga eco-brick para sa mga lokal na komunidad.

kaunti lamang ang aming preparasyon, pero masaya pa rin kami na nagkamit kami ng Ikatlong Gantimpala kahit ganoon,” saad ni Ralph Nuñez, mula sa 12-Efficiency. Samantala, pinangunahan ng Southville International School affiliated with Foreign Universities (SISFU) at ng The Rotary Club of Makati Salcedo ang GDO sa kanilang adhikain na makakalap ng natatanging mag-aaral na karapat-dapat maging susunod na iskolar ng naturang paaralan.

Bukod sa handog na scholarship, nakatanggap din sila ng PHP 10,000 mula sa SISFU at “extra money” mula sa trivia round na ibinahagi ng The Rotary Club Makati Salcedo.

Hindi naman nagpahuli ang malikhaing kamay ng mga Lapisyano sa mga idinaos na On-the-Spot Poster Making Contests.

Sa pagsasanay ni Bb. Emerina Bernante, nasungkit ni Angelina Musa, mula sa SHS, ang tansong medalya sa kaniyang Digital Poster.

Binigyang-diin ni Musa sa kaniyang obra ang malaking potensiyal ng bansa sa larangan ng agham at teknolohiya.

“Bumibilis ang pagtuklas ng mga inobasyon at konsepto, simula sa satellites na gawang-Pinoy, hanggang sa pagyabong ng e-commerce. Ito yung naisipan kong ilagay sa aking obra,” aniya.

Karagdagan, naiuwi rin ng kaniyang kamag-aral na si Amanda Stinson ang ika-apat na pwesto sa kaniyang Traditional Poster na likha sa oil pastels, graphite at colored pencils.

Para naman sa antas ng JHS, nagkampeon si Elion Esquera sa Digital Poster habang nasilat naman ni Marycar Cristobal ang ikalimang puwesto sa kaniyang Traditional Poster.

Bagong hanay ng mga punongguro ng LPCNSHS, dumating na

Mainit na pagtanggap ang inihandog ng Las Piñas City National Science High School (LPCNSHS) nang dumating ang kanilang mga bagong hirang na punongguro noong ika-12 ng Enero sa School Field.

Nagbigay-pugay ang Boy Scouts at Girl Scouts of the Philippines sa pagdating nina Gng. Eleanor Honrales, G. Damaso Salbatona Jr., at Gng. Genovie Tagum sa isang programang pinangunahan ng Supreme Student Government at Faculty Club.

Ipinaabot naman ng mga Lapisyano ang kanilang pagtanggap sa mga bagong tagapamahala ng paaralan sa pamamagitan ng pagwagayway ng mga banderang pula, berde, at dilaw, mga kulay na sumisimbolo sa LPCNSHS.

Ayon sa nakasaad sa Division Memorandum No. 74, pangangasiwaan ni Gng. Honrales ang buong paaralan bilang punongguro, habang sina G. Salbatona at Gng. Tagum ang magsisilbing pangalawang punongguro ng JHS at SHS Department. Samantala, lumisan na ang dating punongguro ng LPCNSHS na si Gng.

Leonora Lustre

patungo sa Las Piñas National High School Almanza

matapos ang

kaniyang dalawang

taong serbisyo sa LPCNSHS.

MATINDING HINAHARAP 9 LAKAS NA IPINAMALAS 5 TOMO X | BLG. 01
SIGE, SIGE, IKEMBOT!
paham ang 16
Papel ng Katotohanan. Tinta ng Katapatan HUSAY NG LPSCI. Ngumiti nang may buong pagmamalaki ang mga Lapiscian pagkatapos hakutin ang unang pwesto sa maraming kategorya sa 2023 Division Science Academic Contest na ginanap noong Mayo 20 sa Las Piñas National High School. LARAWAN MULA KAY RUTH BONAGUA. JAMES MARK CAPONPON STEMazing na Pananaliksik Tagisan ng talino Mensahe mula sa nagwaging obra
PERPEKTONG MAG-AARAL?
JEROME LEE CAPONPON BAYANIHAN PARA SA KALIKASAN. Nagkakaisa at abala ang ilang mga Las Piñero sa paglilinis sa River Drive dahil sa idinaos na Clean-up Drive noong Enero 19, 2023. LARAWAN MULA KAY MARIA BRISEIS GANIBO. NGITING WAGI. Tagumpay ang nadama ng mga piling mag-aaral ng LPSci mula sa Baitang 12 nang matanggap ang mga sertipiko sa SISFU-GDO 2023. LARAWAN MULA SA SISFU.
Enero 12
LPCNSHS. KUHA NI MICHELLE ERIKA CONTE. AGOSTO 2022 - HUNYO 2023
MA. ROWELA HEART PINEDA
MALIGAYANG PAGDATING. Sinamahan ni Gng. Leonora Lustre (kaliwa) ang bagong dating na punongguro ng JHS na si Gng. Eleanor Honrales (kanan) sa turnover ceremony noong
sa

KRISIS SA EDUKASYON

Kakulangan sa gamit, kalidad ng edukasyon kailangang tutukan – UNESCO

Nilatag ni United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (UNESCO) Foundation Chief Researcher Dr. Reynalyn Marcia, sa kanyang diskusyon sa International Forum for Educators, ang mga pangunahing isyung pang-edukasyon sa bansa na kinakailangan ng pagsisiyasat at agarang solusyon nitong ika-25 ng Enero sa SM Mall of Asia.

Kabilang sa listahan ang lumalalang kalidad ng edukasyon, kakulangan sa gusali, libro, at gamit, mababang sweldo ng mga guro, bilingual policy, mismatch, at globalisasyon.

Nanguna sa tala ang lumulubha umanong kalidad ng edukasyon sa bansa na maiuugnay sa maliit na pondo ng gobyerno para rito, ayon sa mga pag-aaral.

Tinuturo rin nito bilang sanhi ang mababang kalidad ng kaguruan, pasilidad, laboratory, aklatan, at kapaligiran.

Samantala, tinalakay din ang kapansin-pansing kakapusan sa klasrum at mga aklat sa mga paaralan matapos pumalo sa 4% ang inaakyat ng enrolment rate sa elementarya kada taon mula taong 1960.

Ayon sa tala, aabot sa 40,000 ang kulang na silidaralan, habang maraming paaralan na ang nagpapatupad ng two-shift operations upang mapunan ito.

“Hassle talaga siya actually. Napipilitan kaming gumawa ng mga activities, trainings, at klase kung saan-saan lang,” hayag ni Richard Respeto, mag-aaral ng CAA National High School na nakararanas din ng two-shift operations.

Sa kabilang banda, mas nakababahala aniya ang suplay ng aklat makaraang maitala ang 10:1 pupil-textbook ratio sa mga mababang pampublikong paaralan.

Binunyag din ang talamak na ulat ng korapsyon kaugnay ng paglalabas ng suplay ng libro at pagpapatayo ng mga gusaling pampaaralan.

“This situation handicaps the teaching staff in their work,” saad sa sipi.

Karagdagan, nababagabag naman ang UNESCO sa mababang sweldo nga mga guro, dagdag pa sa labis na trabahong ipinapataw sa kanila.

“Dapat lamang na itaas ang sweldo ng mga guro. Underpaid sila, overworked, ang dami nilang ginagawa, tapos yung sweldo nila kulang pa sa isang buwan,” ani Regel Aggabao, mag-aaral ng Las Piñas City. National Science High School.

69% ng Batch 2024 nagpatala sa ACAD1

Sumali ang 69% ng mga mag-aaral sa ika-11 baitang ng Las Piñas City National Science High School (LPCNSHS) sa ACAD1 Review Center bilang paghahanda sa UPCAT sa darating na Hunyo.

Matapos ang dalawang taong pagpapaliban ng UPCAT, matatandaang inanunsyo ng University of the Philippines (UP) ang pagbabalik nito para sa taong panuruang 2023-2024.

Inaasahan umano ng mga mag-aaral ng Batch 2024 ang madugong pagsusulit kaya’t labis na lamang ang kanilang preparasyon para rito.

“Diagnostic test pa lang sa ACAD1 sobrang hirap na, paano pa kaya sa aktwal na entrance exam? Panigurado kakabahan pa ako niyan,” wika ng isang mag-aaral na nagpatala sa ACAD1.

Higit na nakatulong din daw sa mga mag-aaral ang pagpapahintulot ng Division Office ng Las Piñas na sa paaralan mismo ganapin ang rebyu. “Bawas sa iniisip” kung kanilang ilarawan.

Samantala, ginhawa naman sa mga magulang ang kaloob na diskwento sa mga mag-aaral ng pampublikong paaralan.

“Naging malaking tulong talaga na sa school siya ganapin kasi bukod sa binigyan kami ng discount, bawas na

rin sa pamasahe at pagod kung sakaling sa Maynila pa gaganapin,” dagdag pa ng mag-aaral na ito.

Bilang pagtatapos ng rebyu, ginanap ang mock test noong ika-6 ng Mayo kung saan sinuri ang antas ng mga estudyante ng LPCNSHS kumpara sa ibang mag-aaral na nagpatala sa ACAD1.

Nangibabaw rito si Takao Dollente ng 11 - Altruistic na nakapagtala ng kabuuang net score na 139.5, kung saan inungusan niya ang 99% ng mga magaaral mula sa iba’t ibang Science High School sa bansa.

69%

PARA SA BATA

DepEd pinasinayaan ang DPAP

Koneksyon. Kalidad. Kaunlaran.

Ito ang pinagtibay ni Assistant Secretary for Administration Christopher Lawrence Arnuco sa paglulunsad ng DepEd Partnership Assistance Portal (DPAP) nitong ika-23 ng Mayo sa DepEd Central Office.

Ang DPAP ay isang pangkalahatang portal na naglalayong paglapitin ang mga paaralan at mga pribado at pampublikong organisasyon.

Sa tulong ng DPAP, mas madaling matutugunan ang mga pangangailangan ng mga institusyong pang-edukasyon sa bansa.

“Through your support and assistance we are able to discuss resource gaps in the delivery of quality basic education,”

Pinasalamatan din ni Arnuco ang mga patuloy na sumusuporta sa tunguhin ng kagawaran.

“The Department of Education is grateful for our partners who join in the tireless promotion of the education agenda of no less than Vice President and DepEd Secretary Sara Duterte,” wika niya.

Samantala, hinikayat naman ni Arnuco ang publiko na makiisa sa kanilang layunin.

This plan will only come into fruition if all of us here work together to make it happen,” aniya.

Pinaunlakan din ni Arnuco ang PLDT, Gabay Guro, at Metro Pacific Investment Corporation sa pangunguna sa unang yugto ng pagbuo ng “portal”.

Iginiit ng Asst. Secretary for Administration na naninindigan ang DepEd sa layunin nitong magpatupad ng kurikulum na lumikha ng responsable at handang mamamayan, pagbutihin ang mga pasilidad, at isulong ang kapakanan ng mga estudyante at guro.

Kaugnay nito, inilahad sa programa na nakatatanggap ang DepEd ng pinakamalaking hati sa nationalbudget ngunit mas mababa pa rin sa inirerekomendang investment para sa edukasyon.

DepEd bukas sa hirit na ibalik ang April-May summer break

Bagamat naunang ibinahagi ng Department of Education (DepEd) na hindi nila ibabalik ang bakasyon ng mga paaralan sa Abril at Mayo kahit lumalala ang tag-init sa bansa, bukas ang kagawaran na ikonsidera ang mungkahi ni Sen. Win Gatchalian at ng ilan pang mga grupo patungkol dito.

”We will take note of the suggestions and study the matter,” ani DepEd Spokesman Michael Poa sa mga reporters bilang sagot sa mga katanungan ukol sa mungkahi ng senador.

Matatandaang hinihimok ni Sen. Sherwin Gatchalian ang ahensya na ilipat ang bakasyon ng mga paaralan matapos maiulat na isinugod sa ospital ang mga estudyante ng isang paaralan sa Laguna dulot ng matinding init na kanilang natamo sa pagsasagawa ng fire at earthquake drills.

“Kailangan ibalik ‘yan sa dati (We need to bring it back) … It’s time to

bring it back, especially now that it’s normal already,” ayon kay Sen. Sherwin Gatchalian.

Maraming estudyante ang nawalan ng malay dahil sa gutom at dehydration dahil sa matinding init sa araw kung saan sinasabing umabot sa 39 hanggang 42 degrees celsius ang temperatura.

Kasabay nito, nagpakita din ng suporta ang Alliance of Concerned Teachers matapos igiit ang kanilang isinagawang online survey kung saan ibinahagi ng mga guro ang hindi magandang epekto ng matinding init sa pag-aaral ng mga bata.

Binigyang-diin naman ng DepEd na maaaring magsuspinde ng klase ang mga regional offices at mga pinuno ng paaralan kung sakaling hindi na makakayanan ang kondisyon sa paaralan, tulad ng pagkakaroon ng matinding init.

“Subject to reportorial requirements with the division office, our school heads/principals have always had the discretion to suspend in-person classes if the environment is no longer conducive to learning. That’s on a case-to-case basis,” ayon kay Poa.

2 paham ang BALITA
pagrerepaso sa ACAD 1 matapos kumuha ng mock exam noong Mayo 6 sa LPCNSHS. LARAWAN MULA KAY LEIGH TIFANNY STO. TOMAS.
PAGHAHANDA PARA SA KINABUKASAN. Nakumpleto na ng mga mag-aaral mula sa Baitang 11 ang kanilang mga sesyon ng
ng Grade 11 nagpatala sa ACAD1 bilang paghahanda sa nalalapit na UPCAT LEORISSE LEIGH STO. TOMAS LEORISSE LEIGH STO. TOMAS LEORISSE LEIGH STO. TOMAS MICAH CLARISSE BRONDO LAMAT NG KRISIS. Masigasig na nag-aaral ang isang estudyante mula sa baitang 12 sa isang silid-aralan ng LPSci. KUHA NI JEMIMAH TRISHNA CORALES.

Mathletes ng LPSci hakot-parangal sa International Stage

Muling naghari ang mga Mathletes ng Las Piñas City National Science High School (LPCNSHS) nang kanilang ibulsa ang siyam sa mahigit 50 medalyang nasungkit ng Sangay ng Las Pinas sa naganap na International Math Kangaroo Competition (IKMC) 2023 noong ika-18 ng Marso.

Ang IKMC ay itinuturing na isa sa pinaka prestihiyosong pandaigdigang kompetisyon sa Matematika na naglalayong payabungin ang talento at interes ng mga kabataan sa naturang larangan.

Nagpamalas ng pambihirang bilis sa pag-sagot at talas ng pag-iisip ang mga kinatawan ng LPCNSHS sa problem solving, gayundin sa iba’t ibang larangan ng Sipnayan tulad ng Geometry, Abstract Reasoning, Logic at Basic Algebra.

Ang mga nagkamit ng parangal sa IKMC 2023 ay ang mga sumusunod na mag-aaral:

Junior Division

Miguel Alejandro Datiles; Silver Award

Dwayne Lyndon Gutierrez; Silver Award

Glendyll Frias; Silver Award

Jan Russell Gaad; Bronze Award

Tagapagsanay: G. Gabriel Estrella at Bb. Krizia Caole

Intermediate Division

Tenju Doi; Silver Award

Trisha Jerafusco; Bronze Award

Ranier Anthony Belarmino; Bronze Award

Tagapagsanay: G. Joel Ferrer at Gng. Rosita Taloza

Senior Division

Justine Raphael Gaad; Silver Award

Alisha Ulah; Bronze Award

Tagapagsanay: G. Galford Cristobal

Binigyan ng pagkilala ang mga mag-aaral na ito sa isang awarding ceremony noong ika-23 ng Mayo sa Cultural Center of the Philippines kung saan tumanggap sila ng mga medalya at sertipiko.

Kaugnay nito, ipinaabot ng Kagawaran ng Edukasyon sa isang facebook post ang kanilang pagpuri sa 1,310 Pilipinong nagwagi sa IKMC dahil sa ipinakita nilang pagsisikap at dedikasyon sa kabila ngnapakaraming matatalinong bata na sumali sa aktibidad na ito.

Anila, ang kompetisyon na ito mismo ay tanda ng kapangyarihan ng matematika na makapagbigay inspirasyon sa mga kabataan na hamunin at hubugin ang kanilang murang kaisipan.

Tinatayang nasa 10,000 mga mag-aaral mula sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa buong Pilipinas ang lumahok sa edisyong ito ng IKMC.

Posibilidad, Pagkakataon, Pagbabago

Ganito inilarawan ni Bb. Aprilyn G. Miranda, Senior High School Guidance Advocate ng Las Piñas City National Science High School (LPCNSHS) ang career talk hinggil sa Architecture at Design na inilunsad ng King Mongkut’s University of Technology Thonburi (KMUTT) mula sa Bangkok, Thailand nitong Marso 20.

Mainit na pagpapaunlak ang ipinamalas ng LPCNSHS sa KMUTT sa pangunguna ni Gng. Genovie G. Tagum, Ikalawang Punongguro ng Senior High School katuwang si Bb. Miranda.

Hinikayat ng KMUTT ang mga Lapisyano na pasukin ang mundo ng architecture sa Thailand sa pamamagitan ng pag-aalok ng scholarships na pumakaw sa atensyon ng mga mag-aaral.

“We believe that successful design education should aim to produce not only competent and skillful designers but also creative practitioners who have sociocultural awareness and environmental possibilities,” saad ng KMUTT.

Ang Career Talk na ito ay nagsilbing pagbubukas ng

bagong oportunidad at posibilidad para sa mga mag-aaral na nais maging arkitekto sa mga programa ng unibersidad.

Karagdagan, bahagi ito ng proyekto ng Guidance Services ng paaralan, alinsunod sa Career Guidance Program (CGP) ng Kagawaran ng Edukasyon upang tulungan ang mga mag-aaral na gumawa ng mapanuring desisyon tungkol sa kanilang mga pagpipiliang kurso.

“Magandang chance iyon na makita ng mga student kung what is in there outside the Philippines, opportunities talaga ito. Mas nabubuksan ang isip nila na may ganito pala, posible na magkaroon ng financial aid. Napakahalaga na naeexpose ang mga bata sa ganiyan,” giit ni Bb. Miranda.

Maalalang nauna nang bumisita ang KMUTT nitong Enero sa LPCNSHS upang talakayin ang mga programa at scholarship na kanilang handog sa mga Grade 12 students na nais kumuha ng mga kursong may kinalaman sa Agham at Pag-iinhinyero.

Samantala, plano ni Bb. Miranda na paigitngin ang mga programang gaya nito sa paaralan sa pamamagitan ng taunang pagdaos nito alinsunod sa CGP.

“Active labor market programs including measures like skills training, job search assistance, wage subsidies, public works programs, and entrepreneurship promotion should be further strengthened.”

Ito ang panawagan ng Senior Economist on Social Protection and Jobs Global Practice ng World Bank na si Yoonyoung Cho sa kanilang ulat noong ika-22 ng Marso na isulong ang mas dekalidad na mga trabaho para sa kabataang Pilipinong higit na naapektuhan ng pandemya.

Nabatid ng ahensya na ang kalidad ng mga trabaho ay nananatiling alalahanin sa bansa, lalo na sa mga kabataang Pilipinong napilitang kumuha ng mga part-time jobs bunsod ng pandemya.

Nasiyasat din ng bangko na ang trabaho ng mga kabataan noong nakaraang taon ay nanatiling mababa kahit pa muling nakabalik ang ating labor market sa estado nito bago mag pandemya.

“With the strong rebound of the economy, employment indicators appear to have returned to pre-pandemic levels, but the quality of jobs remains a concern particularly for young people,” hayag ng World Bank.

Karagdagan, ayon sa kanilang ulat na “The Philippine Jobs Report: Shaping a Better Future for the Filipino Workforce” ay marami sa mga kabataan ang humantong sa mga trabahong may maliit na sahod matapos sumadsad ang bilang ng high productive jobs dahil sa pandemya.

Binanggit ng World Bank na mahigit kalahati ng populasyon ng kabataang edad 15 hanggang 24 ang wala sa lakas paggawa at ang antas ng kahirapan sa pagtatrabaho ay mas mataas para sa kanila bago pa man ang pandemya noong 2019.

Samantala, Inamin naman mismo ng pinuno ng National Economic and Development Authority na ang trabaho na nililikha taun-taon ay halos part-time at nauuri bilang mahina.

Pinaburan ng Commission on Human Rights (CHR) ang pasya ng Department of Education (DepEd) na muling ikasa ang blended learning bilang tugon sa matinding pagtaas ng temperatura ngayong tag-init, ayon sa pahayag nito noong ika-2 ng Mayo.

Dulot ng krisis sa klima, pumanig ang CHR sa paalala ng DepEd na maaaring ilunsad ang blended learning modality o magkahalong face-to-face classes at distance learning sa mga paaralan.

“CHR supports DepEd’s decision to pursue blended and ADM learning to promote a safe learning environment for children pursuant to the Convention on the Rights of a Child, and a safe working environment for faculty and staff in line with international labor standards,” ulat ng CHR.

Ayon sa ahensya, habang inaatasan ng DepEd ang mga paaralan na bumalik sa face to face noong 2022, ang pag-implementa ng blended learning kasunod ng mga ulat ng mga estudyanteng nagkakasakit dahil sa init ay nagpakita ng kapuri-puri na pagtugon at kakayahang umangkop ng

departamento sa krisis at pagbabago.

“Displaying commendable responsiveness and adaptiveness, DepEd adjusted their perspective on blended learning arrangements following reports of students experiencing heat-related health issues,” tugon ng human rights body.

Pinahahalagahan ng CHR kung paano iniwan ng DepEd ang pagpapasya sa pagpapatupad ng blended learning sa mga pinuno ng paaralan, sapagkat maaaring may iba’t ibang karanasan at kapasidad ang bawat paaralan sa pagharap sa init ng tag-araw.

“Respecting the context of each school helps these learning institutions maximize students’ access to their right to education,” giit ng CHR.

Binigyang-diin ng CHR ang ulat ng International Labor Organization noong 2019 na ang matinding temperatura dahil sa pagbabago ng klima ay nagbabanta sa kaligtasan ng mga taong naninirahan bansang nanganganib sa climate change.

Bilang tugon, agarang aksyon tulad ng pagiimplementa ng mga programa at pagbibigay ng tulong pinansyal ang hirit ng World Bank upang malutas ang malaking dagok na ito para sa mga kabataan.

°C 50 °C

Highest Computed

3 paham ang BALITA
JAMES MARK CAPONPON NAOMI FRANCHESCA CAMUS
HEAT INDEX
42
REGIONAL NATIONAL (May 20, 2023) Metro Manila Science Garden, Quezon City Bicol Region Legazpi City, Albay (May 17, 2023)
CAPONPON KMUTT nagkaloob ng ‘Architectural Scholarships’ sa LPCNSHS
JEROME LEE
PANAWAGAN PARA SA KABATAAN Active labor should be strengthened — World Bank CHED aprub sa Blended Learning ng DepEd vs tag-init YSABELLA ERISH CAMUS TAGISAN SA SIPNAYAN. Matingkad ang ngiti ng mga kinatawan ng LPSci nang mag-uwi sila ng mga pilak at tansong medalya mula sa IKMC 2023 noong Marso 18. LARAWAN MULA KAY TRISHA JERAFUSCO. USAPANG ARKITEKTURA. Ibinahagi ng inimbitahang tagapagsalita sa mga mag-aaral ng LPSci ang mga insight ukol sa arkitektura at disenyo noong Marso 20 sa KMUTT Career Talk. LARAWAN MULA KAY APRILYN MIRANDA.
JAMES MARK CAPONPON

MAKALIPAS ANG TATLONG TAON

K-10 solusyon ng DepEd sa ‘congested’ na K-12 program

We are set to release the final draft of our K to 10 curriculum guides for interested stakeholders so we get feedback from them.” Ito ang binitawang pahayag ni Undersecretary for Curriculum and Teaching Gina Gonong noong ika-13 ng Abril nang kanyang kumpirmahin ang plano ng Department of Education (DepEd) na ipatupad ang K-10 curriculum sa susunod na taon upang paangatin ang antas ng edukasyon sa ating bansa.

Agad na inilabas ng DepEd ang draft ukol sa pagpapatupad nito nang matuklasan sa kanilang pag-aaral ang mga suliraning kinahaharap ng ating bansa sa ilalim ng kasalukuyang K-12 program.

Awiting 70’s, OPM bida sa muling pagkabuhay ng BOTB

Matapos ang mahigit tatlong taong pagkaudlot, ibinalik ng Mataas na Paaralang Pang-agham ng Lungsod ng Las Pinas ang Battle of the Bands (BOTB) noong ika-23 ng Pebrero sa Villar Gymnasium na pinamunuan ng SSG at MAPEH Club.

Bahagi na ng tradisyon ng paaralan ang taunang pagdaraos ng BOTB upang maipamalas ng mga Lapisyano ang kanilang galing sa pag-awit at pagtugtog.

Para sa taong ito, limang banda ang nagtagisan sa Junior High at tatlo naman sa Senior High kung saan bawat banda ang mga awiting OPM at 70’s na kanilang napili. Tampok sa kanilang tugtugan

Karamihan sa mga tumutgtog ay mga baguhan, kabilang na ang mga grupong Valenines, Contented at Asterismo mula sa Junior High.

Nangingibabaw sa kanila ang bandang Marahuyo sa pagtatanghal ng kantang ‘Huling Sayaw’ ng Kamikazee at Awitin Mo at Isasayaw Ko’ ng VST & Company dahilan upang masilat nila ang mga parangal na Best Vocalist at Best Lead

Guitarist.

Sinundan sila ng mga bandang Kalbo and Hairs at ng Asterismo na nakakuha naman ng ikalawa at ikatlong puwesto.

Sa kabilang banda, hindi naman nagpadaig ang mga bandang Hollow Blocks at EPI na binubuo ng mga kilala at batikang manunugtog ng LPCNSHS sa Senior High Level.

Ngunit naghari pa rin sa kanilang antas ang bandang 100 meters na nagbulsa ng samu’t saring parangal kabilang na ang unang pwesto at ng mga special awards na Best Keyboardist, Best Drummer at Best Vocalist sa kanilang bersyon ng mga awiting ‘Umaasa’ ng Calein at ‘Bonggahan’ ng Sampaguita.

Samantala, nagpakitang gilas din sa kanilang pampasiglang bilang ang pangkat na Hello VI — binubuo ng mga mananayaw ng ika-sampung baitang — na naghari naman sa Dance Competition na naunang idinaos ng MAPEH Club.

Bilang pangwakas, nagpasiklab din ng galing ang Coro Lapisciano Choir Director na si G. Larry Byl Cuenca, kasama ang mga hurado ng programa na sina Alvin Arevalo ng Piranha Philippines, John De Zuñiga ng bandang Reggae Mistress, at Alex Quebral na dating bahagi ng mga bandang Taipan at Sangre Blues Revival.

Lumitaw sa kanilang pag-aaral ang ideyang i-decongest ang K-12 dahil sa mataas na bilang ng Most Essential Learning Competencies (MELCs) o ang mga aralin na kinakailangang maituro ng mga guro sa bawat taong panuruan.

Bilang tugon, iminungkahi ng kagawaran na bawasan at rebisahin ang pagkakasunod-sunod ng mga paksa. upang matiyak ang mabisang paglalahad ng mga aralin at masigurong angkop ito sa kailangang matutunan ng bawat baitang.

“We will recalibrate iyong ating curriculum. Kasi nakita natin na congested… so pwede talagang magbawas tayo ng competencies para po mapagtuunan talaga natin at mabigyan natin ng panahon iyong core subjects,” saad ni spokesperson Atty. Michael Poa sa isang mensahe.

Pagrerepaso sa Kurikulum

Kabilang sa mga pagbabago na nakasaad sa inilabas nilang draft ay ang padaragdag ng mga kontrobersyal na paksa sa kurikulum ng iba’t baitang sa Araling Panlipunan. Tampok rito ang pag-aaral sa human rights violations tulad ng red-tagging, trolling, at extrajudicial killings, gayundin ang sigalot sa West Philippine Sea na kasama sa kurikulum ng ikasampung baitang.

Kasama rin sa kurikulum ng ikasampung baitang ang pagdaragdag ng gender related topics tulad ng same sex marriage at same sex unions.

JEROME LEE CAPONPON

Iginawad ng Department of Education - National Capital Region (DepEd NCR) ang parangal para sa TALA Project ng Las Piñas City National Science High School - Senior High School (LPCNSHS - SHS) nitong Enero 25 sa Manila Hotel matapos makamit ng paaralan ang ‘zero drop-out rate’ sa taong panuruang 2021-2022 Tinanggap ng paaralan ang parangal sa pangunguna ni Gng. Leonora Lustre, dating punongguro ng LPCNSHS, katuwang si Bb. Aprilyn G. Miranda, Guidance Advocate ng SHS.

Ang proyektong Systemized Action to Lessen Drop-Out Thru Holistic Observation, Monitoring and Evaluation 2.0 (SALO-HOME 2.0) ay inilunsad ng paaralan upang mapanatili ang kalidad na edukasyon sa mga mag-aaral habang walang naiiwan na Lapisyano sa gitna ng pandemya.

Dahil dito, hindi kinayang patumbahin ng pandemya ang mga Lapisyano matapos walang magdrop-out sa nasabing paaralan sa nakalipas na dalawang taon.

Gayunpaman, hindi maiiwasan na may mga suliraning tumambad sa mga mag-aaral sa gitna ng pandemya tulad ng paglobo ng kaso ng mental health na naging pangunahing rason kung bakit dumami ang bilang ng Learners at Risk (LARs) sa magkasunod na taon.

Hindi ito ginawang hadlang ng paaralan matapos maglunsad ang SHS Guidance Office ng mga programa sa ilalim ng SALO-HOME 2.0 gaya Online Kumustahan, Home Visitations, at paggamit ng DepEd TV upang masiguro na walang mag-aaral ang mapagiiwanan.

“Ang encouragement ay nagpaplay ng role sa motivation ng isang bata. Connected ito sa selfefficacy which means naniniwala sila na kaya nila. That is why encouragement plays a vital role para ang tao, mamomotivate na magpursigi sa sariili niya at mapataas ang kaniyang adversity quotient as a human being,” ani Bb. Miranda.

Samantala, binabalak naman suungin ni Bb. Miranda ang pagsulong ng kaniyang bagong adbokasiya na Project Refer kung saan handa ang SHS Guidance Office na magrekomenda ng mga propesyonal sa mga mag-aaral na kinakailangan ng tulong hinggil sa mental health.

Talon Dos VAW Desk nakiisa sa GAD Seminar

Nakibahagi bilang speaker ang kinatawan ng Violence Against Women Desk (VAW) ng Barangay Talon Dos na si PMSg Romina Cruz Casangkapan sa isinagawang Gender and Development (GAD) Seminar for Students ng Las Piñas City National Science High School (LPCNSHS) na ginanap sa LPCNSHS Auditorium noong ika-24 ng Abril.

Nakasaad sa Memorandum Circular No. 2011-01 na kinakailangang isagawa ng bawat paaralan ang GAD bawat taon upang patuloy na mapalaganap ang kamalayan ng mga mag-aaral, magulang, at mga guro sa mga karapatan at isyung may kinalaman sa Gender Equality.

Linahukan ang naturang programa ng mga pangulo ng bawat pangkat mula Junior High School (JHS) hanggang Senior High School (SHS) kasama ang mga pangulo ng bawat organisasyon sa LPCNSHS.

Tinalakay ni Cruz ang Anti-Bastos Law o ang Safe Spaces Act kung saan ibinahagi niya ang legal na depinisyon nito pati na ang mga parusang maaaring harapin ng sino mang lalabag dito.

Ang “Anti-Bastos Law” o RA 11313 ay isang batas na naglalayong paigtingin ang personal space at public safety ng bawat indibidwal mula sa banta ng lumolobong kaso ng “gender-based sexual harassment” sa mga pampublikong

Karagdagan, isunusulong din ng DepEd ang pagtuturo ng sexual at reproductive health mula sa ikaapat na baitang pati na rin ang pagtatanggal ng Mother Tongue bilang subject na umani ng samu’t saring reaksyon. Samantala, wala masyadong pagbabago at patuloy pa rin ang isinagawang review para sa Senior High School. Kaugnay nito, magugunitang naunang ihain ni dating Pangulo at Deputy Speaker Gloria MacapagalArroyo ang House Bill 7893, o ang K+10+2 Bill na naglalayong putulin sa Grade 10 ang mandatory education at gawin na lamang karagdagang requirement ang dalawang taon sa Senior High School para sa mga nais kumuha ng professional degree sa mga unibersidad.

INTROSPEKTIBO

lugar.

Karagdagan, namahagi rin si Cruz ng mga flyers upang magsilbing karagdagang mapagkukunan ng impormasyon ng mga kalahok.

Naging matagumpay ang pagdaraos ng programa sa pamamagitan ng pagtutulungan ng GAD Technical Working Group sa pamumuno ng Supreme Student Government (SSG), kasama ang mga GAD Heads na sina Gng. Dureza Dancal mula sa JHS at G. Rizaldy Medina sa SHS. Samantala, nauna nang magkaroon ng GAD Seminar ang LPCNSHS para sa Persons with Disability (PWD) at Senior Citizens, pati na sa mga magulang bilang bahagi ng Memorandum Circular No. 2011-01.

4 paham ang BALITA
‘Zero drop-out’ ng LPSci nagkamit ng parangal sa DepEd NCR
2023; Safe Spaces Act isinulong
JAMES MARK CAPONPON JAMES MARK CAPONPON SANTINO MIGUEL SANTOS
“Hindi ito isang laro”
SUNDAN SA PAHINA 8 Bawas o dagdag perwisyo?
JAMES MARK CAPONPON
PAGKAKAPANTAY-PANTAY.
NI LEORISSE LEIGH STO.
Ibinihagi ni PMSg Romina Cruz Casangkapan ang mga batas ukol sa anti-harassment sa Gender and Development Seminar na nilahukan ng mga lider ng bawat organisasyon at ng mga pangulo ng bawat klase. MGA
KUHA
TOMAS.
RAKRAKAN NA! Nagpakasaya ang mga mag-aaral ng LPSci habang nanonood ng mga pagtatanghal ng banda sa BOTB 2023. KUHA NI MICHELLE ERIKA CONTE.

Lubid ng Balidasyon

Noon pa man, hindi na maiaalis sa bandera ng bawat mag-aaral ng mga paaralang pang-agham sa Pilipinas ang kanilang labis na dedikasyon sa pag-aaral. Hindi alintana ang puyat, gutom, kahit nga ang minsang pagkakasakit dahil sa paningin ng iba sa kanila, higit na mayroong importansya ang mataas na markang makukuha sa bawat asignatura. Bunga rin ito ng matayog na pagtingin +- kanila ng kapwa nila mag-aaral, guro at iba pang taong umaasa sa kanilang kakayahan. Mahirap man isipin at mabigat man sa damdaming tanggapin, ganito ang reyalidad ng ilang estudyanteng nasa mga prestihiyosong ‘science high school.’

Matutukoy ang ganitong uri ng karanasan ng mga mag-aaral bilang manipestasyon ng ‘academic validation’ at presyon o ‘pressure’ na nararamdaman nila sa kanilang pag-aaral. Ang ‘academic validation’ ay isang karanasan kung saan ang mga estudyante ay nakahahanap ng matinding kasiyahan sa mahusay na pagganap nila sa paaralan. Tila ba ang kanilang mga marka ay nakatali sa kanilang pagkatao at halaga bilang mga pag-asa ng bayan. Karamihan sa mga nakararanas nito ay takot na pumalpak o biguin ang eskpektasyon ng mga tao sa kanilang paligid dahil sa animo’y etiketa ng kahusayang nakakabit sa kanilang pagkakakilanlan.

Karaniwang naoobserbahan ito sa mga pangagham na paaralan dahil sa mas mahigpit na kurikulum na ipinapatupad dito at dahil sa mas mapaghamong mga takdang ipinagagawa sa mga mag-aaral. Para sa karamihan, nakaugat ang pag-udyok ng ‘academic validation’ sa itinakdang tunguhin ng mga estudyanteng pantayan ang galing ng isang perpektong bata na siyang nagpapanatili ng walang kadungis-dungis na reputasyon bilang isang mamamayan. Ngunit sa totoo lang, mayroon nga ba talagang “perpektong mag-aaral?”

Sa perspektibo ng ilang mag-aaral sa Mataas na Paaralang Pang-Agham ng Las Piñas, naibahagi nilang namumutawi ang ‘academic validation’ sa tuwing nararanasan nila ang labis na pangangailangang makiayon sa kanilang kapaligiran. Lumilitaw ang pakiramdam na oo, may kamalayan ang lahat na hindi kompetisyon ang pinupunto ng kanilang araw-araw na pagpasok sa silid-aralan, ngunit lumilitaw din kasi ang pangamba sa kanilang kalooban na kung hindi nila mapantayan ang kanilang mga kamag-aral, mag-iiba ang pagtrato sa kanila ng ibang tao.

Para bang pinipilit ang bawat isa na makisabay sa alon ng karagatang tinutumbok ng nakasisindak na bagyo. Matapos ang pagpalya ng mga mag-aaral na makisabay sa along ito, mapapaisip na lamang sila na maaari ngang

SALINDIWA

Ni SOPHIA DENIELLA MABANSAG

Nilimitahang Pangarap sa Pamamahayag

Hindi pa nakalilipas ang dalawang buwan nang ilabas ng Kagawaran ng Edukasyon ang opisyal na memorandum para sa 2023 National Schools Press Conference na nakatakdang ganapin sa darating na Hulyo 17 hanggang 21. Sa pagpapalawig ng naturang memorandum, halos buong bansa ang nagulantang lalo na ang mga pampaaralang mamamahayag gayundin ang kani-kanilang ‘school paper advisers.’ Kapansin-pansin kasing nalimitahan ang bilang ng mga kalahok na maaaring kumatawan sa bawat rehiyon sa bansa, bagay na malaki ang kaibahan kung ikukumpara sa mga nagdaang NSPC noong mga nakaraang taon. Marami ang nadismaya dahil tila napatid ang pagnanasa ng maraming batang mamamahayag na makarating sa naturang prestihiyosong kompetisyon ng pamamahayag sa Pilipinas. Nalimitahan din tuloy ang kakayahan ng ibang maipakita sa pambansang antas ang kanilang pagkadalubhasa sa pagsulat at paghayag ng katotohanan.

Bilang bahagi ng lupon ng patnugutan ng aming pampaaralang pahayagan, labis akong nalungkot nang malaman na isa na lamang ang tatanggapin mula sa bawat rehiyon upang kumatawan sa NSPC 2023. Ito ay kalungkutang hindi para sa aking sarili kundi para sa mga kapwa ko mamamahayag na alam kong may malaking potensyal at matinding pagnanasa na makarating sa ibang probinsiya at buong pusong katawanin ang kanilang dibisyo’t rehiyon.

Tiyak na maraming pagnanasa, pag-asa at pangarap ang napigilan dahil sa naturang pagbabago sa pamantayan.

Kung susuriin, bago pa maudlot ang pagsasagawa ng

NSPC dahil sa pandemya, umaabot pa sa tatlong kinatawan sa bawat rehiyon para sa indibidwal na kategorya ang ipinapadala sa naturang paligsahan upang lumahok. Iba na ito sa isinasaad sa kalalabas lang na DepEd Memorandum

No. 024, s. 2023 kung saan isang kalahok na lamang mula sa bawat rehiyon ang pahihintulutang makasali. Maoobserbahan

nagkaroon sila ng pagkukulang. Ang mahirap pa rito’y mas pinaprayoridad ng mga estudyante ng ‘science high schools’ ang kanilang titulo bilang ‘science high students’ para lamang sa pagsang-ayon at papuri ng kanilang mga guro’t magulang.

Tunay ngang ang ‘academic validation’ na pinagdadaanan ng ilang mga kabataan ay nagiging susi nila upang mas lalong pag-igihan ang pag-aaral dahil sa pagturing nila rito bilang epektibong ‘academic motivator.’ Ito ang tumutulak sa bawat mag-aaral na makisangkot sa mabuti at makabuluhang kompetisyon na umiiral sa silid-aralan. Gayunpaman, hindi dapat ito maging sanhi ng mababang pagtingin ng mga estudyante sa kanilang sarili sa oras na hindi umayon sa kanilang inaasahan ang mga numerong lilitaw sa ‘report card.’

Hindi kailanman masusukat ng kahit anong numero o titulo ang halaga at tunay na adhika ng isang mag-aaral

Huwag ikumpara ang sarili sa kapwa magaaral! Bawat estudyante ay may kanya-kanyang larangan ng kadalubhasaan na hindi laging naisasalamin sa mga markang nakikita ng mga mata. Magtiwala sana ang mga kabataan lalo na ang mga ‘science high student’ sa kanilang kahusayan at sa katotohanang sapat sila, sapat ang ginawa nila at sapat ang kakayahang taglay nila. Higit sa lahat, huwag dumepende sa prinsipyo na nagsasabing ang kinabukasan ay nakabatay sa mga papuri at gradong natatamasa sa paaralan.

Hindi kaakibat ng pagiging mag-aaral ng paaralang pang-agham ang pagiging perpekto. Ano pa ang silbi ng pagpasok sa paaralan kung ang mag-aaral ay hindi na rin naman masidlan pa ng kahit anong kaalaman ukol sa mundo? Pakatandaan na hindi kailanman masusukat ng kahit anong numero o titulo ang halaga at tunay na adhika ng isang mag-aaral. Kaya bilang mga estudyante, walang dahilan upang hayaang masakal ang sarili sa lubid na nakapulupot lamang sa paniniwalang sinasalamin ng pagkakakilanlan ng indibidwal ang kanyang mga markang pang-akademiko.

ding mula sa sampu ay lima na lamang sa ‘school paper category’ mula sa bawat rehiyon ang maisasali sa NSPC.

Hindi man natin gustuhin ngunit naidudulot ng pagbabagong ito ang pag-udyok sa mga mamamahayag na tratuhin bilang purong kompetisyon na lamang ang naturang kaganapan.

Hindi maikakaila na dahil nga mas naging mahigpit ang Kagawaran ng Edukasyon sa pamimili ng mga kalahok, tataas din ang posibilidad na higit na maging mapag kompetensya ang mga ‘campus journalist.’

Iyon ang bagay na alam kong ayaw na ayaw naman nating mangyari dahil hindi iyon ang pangunahing layunin ng pagsasagawa ng ‘schools press conference’ sa Pilipinas simula’t sapul pa lamang. Isinasagawa ang nasabing pangyayari upang mahubog ang kabataan na gamitin ang kanilang kalayaan sa pamamahayag na nakaangkla rin sa Republic Act 7079 o ang “Campus Journalism Act of 1991.” Hindi naman talaga ito para sa kompetisyon o anumang karera sa ranggo ng pamamahayag. Ito ay upang masigurado rin na ang bawat mag-aaral sa bansa ay maturuang gamitin ang kanilang kalayaan sa pagkilatis ng pampublikong impormasyon.

Nawa’y sa mga susunod na pag-organisa ng mga ‘schools press conference,’ higit na maging maagap at patas ang Kagawaran ng Edukasyon sa pamantayang kanilang inilalabas. Repasuhin ang mga alituntunin ukol dito at siguraduhin sanang hindi magiging mahigpit na paligsahan ang magiging imahe ng ‘schools press conference’ para sa mga kabataan. Kung kinakailangang paulit-ulit na balikan ang tunay na saysay kung bakit ginagawa ang nasabing kaganapan taon-taon, bakit hindi isagawa kung para rin naman ito sa kapakanan ng mga pampaaralang mamamahayag sa bansa?

Kahit lamang sa pamamaraang ito ay maiparamdam sana sa mga ‘campus journalist’ na kayang kaya nilang maipakita sa pambansang larangan ang kanilang dedikasyon at matayog na pangarap para sa larangan ng pamamahayag.

Siguraduhin sanang hindi magiging mahigpit na paligsahan ang magiging imahe ng ‘schools press conference’ para sa mga kabataan.

Liham sa Patnugot

Naging usap-usapan kamakailan lang sa Twitter at Facebook ang balita ukol sa posibleng pagbabalik ng sistema ng edukasyon sa makaluma at tradisyonal nitong kurikulum. Ipinanukala raw ito bilang 'K-10+2' kung saan mula kinder hanggang ika-sampung baitang na lamang ang maituturing na "mandatory" na makumpleto ng mga mag-aaral. Matapos nito ay nakadepende na sa kanila kung kanilang ipagpapatuloy ang pag-aaral nang dalawang taon sa 'senior high school' bago tumungtong ng kolehiyo.

Sa totoo lang, magkahalong tuwa at takot ang aking nadama nang nalaman kong may binubuong bagong programa kaugnay ng nakasanayang 'K-12' na para sa iba ay hindi naman ganoon naging matagumpay at epektibong tunay para sa lipunan. Namutawi ang aking tuwa dahil sa wakas ay hindi na sapilitan pa para sa ibang mag-aaral ang pagaaral sa 'senior high school.' Ngunit, nariyan pa rin ang takot. Ito ay ang takot sa posibleng hindi inaasahang pagbabago at pagpalpak ng ipinapanukalang programa. Paano na ang edukasyon sa Pilipinas kung magiging alanganin din ang pagpapatupad ng nasabing bagong panukala?

Tugon ng Patnugot

Salamat sa pagbabahagi mo ng iyong pananaw kaugnay ng usaping ito. Oo, naiintindihan naming nakapagdudulot ng pangamba ang inaasahang pagbabago na naman sa sistema ng edukasyon sa Pilipinas. Normal na maramdaman mo ito dahil sa hindi rin kasi sobrang tatag na estado ng ating edukasyon. Gayunpaman, minsan ay kinakailangan ng lahat na tanggapin ang epektong maidudulot ng pagbabago sa isang bagay.

Mas mainam namang magkaroon ng pagbabago kaysa sa hayaan ng gobyernong manatili sa lugmok na sitwasyon ang kalagayan ng edukasyon sa ating bayan. Bigyan din natin ng pagkakataon ang Kagawaran ng Edukasyon na repasuhin ang nakagisnang 'K-12 curriculum' at obserbahan ang maibubunga ng ipinapanukala pa lang na 'K-10+2 curriculum.'

5 paham ang OPINYON
ASHANTI LEONARDO
" "
"

TAPATAN

Labas o Loob

Foodpanda, Grab Food at iba pang delivery apps — iilan lamang ito sa mga maaari nating gamitin para bumili ng pagkain nang hindi pumupunta sa aktuwal na mga kainan. Mas naging laganap ito simula ng kasagsagan ng pandemya sapagkat hindi tayo basta-bastang nakalalabas sa ating mga tahanan.

Magmula nang magbalik ang ‘face-to-face classes,’ kadalasang nakikita sa labas ng Mataas na Paaralang Pang-Agham ng Las Piñas ang iba’t ibang ‘food delivery riders’ na nag-aabang sa mga estudyante o guro upang kuhain ang kanilang mga biniling pagkain.

Hindi na rin ito kataka-taka sapagkat nakagawian na natin ito. Kung kaya sa tuwing naghahanap tayo ng

DURUNGAWAN

Ni ANDREA TANCINCO

Presyo, Kalidad ng mga Produkto sa LPSci Canteen: Sulit Nga Ba?

Madalas ka bang sumingit sa pila sa ating kantina?

Araw-araw na nating gawain ang bumili sa ‘school canteen.’ Sa samot saring pagkain na inihahain doon, meryenda man, tanghalian, o mga inumin ay tiyak na napupuno ng kasiyahan ang ating mga tiyan. Madalas na hinahanap natin sa canteen ay mga pagkain na magpupuno ng ating mga tiyan na sakto pa rin sa ating badyet. Ngunit, masasabi nga ba nating sulit ang mga paninda roon? Alamin natin ang saloobin ng mga Lapiscians!

Mula sa pananaw ng aking mga nakapanayam na Lapiscians na palaging pumupunta sa canteen, ang presyo ng ilang produkto ay hindi abot kaya ng bulsa. Masasabi na may kamahalan ang mga paninda roon. Ayon sa kanila, hindi ito gaanong patas at makatwiran para sa mga estudyante lalo na't marami ang kulang sa badyet at may mga kailangan pang pagkagastusan tulad ng transportasyon. Ayon pa sa kanila ay medyo kaunti ang mga ‘servings’ na nakadadagdag sa problema ng ilang mga mag-aaral sa pagiging ‘overpriced’ nito.

Ni SAMANTHA GRACE BALIAO Kalayaan sa

“Mga mamamahayag”

Sila ang mga taong nasa likod ng paglalathala ng mga balita. Ang isang mamamahayag ay mayroong mapanganib na trabaho. Bakit? Dahil kasabay ng pagbibigay o paglalahad nila ng katotohanan para sa bayan, kanilang buhay ang maaaring kapalit. Totoo rin na sa isang iglap lamang ng paglalahad nila ng maling impormasyon ay kritisismo at pambabatikos na ang kanilang dinaranas.

Sa kasalukuyang panahon, tila hindi pa rin malaya ang pamamahayag at paglalathala ng balita sa Pilipinas. Nariyan ang mga krimen na nangyayari sa mga Pilipinong mamamahayag. Ayon sa tala ng National Union of Journalists of the Philippines (NUJP), 197 na mga nagta-trabaho sa midya ang pinatay mula noong taong 1986. Ang pagkamatay nila ay may kaugnayan sa kanilang ginagawang trabaho.

Noon ngang taong 2009 ay 32 mga mamamahayag ang pinatay. Ang krimeng ito ay ang Maguindanao Massacre na tinaguriang “the world’s worst single attack on journalists.” Ayon sa isang artikulong isinapubliko ng Alto Broadcasting System and Chronicle Broadcasting Network (ABS-CBN), kahit mga estudyanteng mamamahayag ay nakatatanggap ng mga pagbabanta mula sa mga mamamayang Pilipino. Isa na nga sa nakaranas na makatanggap ng pagbabanta ay si Polynne Dira, dating editor ng Philippine Collegian, ang opisyal na pahayagan ng University of the Philippines (UP) Diliman. “I’m just at home. What if someone on a motorcycle passed by to shoot at me? I became wary of talking to strangers who look at me for more than 3 seconds. I’ve heard so many incidents of human rights defenders who first received death threats and then were later killed. It’s better to be paranoid rather than dead,” sambit ni Dira.

Mahirap ang trabaho ng isang mamamahayag dahil sa oras na maisapubliko ang isang balitang kanilang inilathala, ang impormasyon ay maikakalat at

makakain, una nating naiisip ang mga produktong mabibili sa pamamagitan lamang ng ilang pindot sa ating mga ‘mobile phones.’ Ngunit kung tutuusin, mas nakatutulong sa ating paaralan kung mas tatangkilikin ng mga estudyante ang ating kantina. Dagdag kadahilanan na rin na malapit ito sa atin at nakakukuha ng ‘feedback’ ang ating mga pasilidad sa kanilang serbisyo.

Hindi na bago ang balitang ito sa mga namamahala ng paaralan kaya sila ay patuloy na gumagawa ng aksyon upang mapukaw nila ang mga mata’t tiyan ng mga estudyante.

Pagbabawas ng presyo, pagpapalawak ng menu at pagpapasagot ng sarbey ukol sa mga pagkain na nais ng mga estudyanteng maidagdag — iyan ang ilan sa mga aksyong tinahak ng ating paaralan hinggil sa isyung ito.

Naiintindihan ko ang kagustuhan ng aking mga kapwa mag-aaral na bumili ng pagkain sa labas dahil mas maraming mapagpipilian mula rito at mas masusulit natin ang perang ating ilalabas. Ngunit, ating alalahanin na tayo ay may sariling kantina na maaari nating matulungan kung lilimitahin natin ang pagpapadeliver.

Ikaw, anong pipiliin mo, labas o loob?

Sa kabilang banda, maganda naman ang kalidad ng mga paninda sa canteen. Para sa mga Lapiscians na aking nakausap ay masarap at katakam-takam ang mga pagkain doon. Sari-saring mga pagkain ang ibinebenta kaya hindi nawawalan ng pagpipilian ang mga mag-aaral. Ang mga produkto ay malinis din at hindi mapanganib sa ating kalusugan.

Importante rin na malinang ang "healthy eating habits" sa mga kabataan.

Matapos nating malaman ang pananaw ng mga Lapiscians, masasabing kinakailangan pa ng kaunting pagbabago sa presyo ng mga bilihin sa ‘school canteen.’ Inaasahang mas magiging maunawain sa pagtatakda ng presyo at magiging angkop ito sa badyet ng mga estudyante. Gayundin ay kinakailangan namang panatilihin ang mataas na kalidad ng mga produkto na ibinibenta rito sa pamamagitan ng pagkakaroon ng malusog, masustansya, at abot-kayang pagpipilian sa menu. Makatutulong ito sa mga mag-aaral na kumain nang maayos at upang maiwasan ng mga magulang ang pag-aalala sa kung ano ang kinakain ng kanilang mga anak sa paaralan. At panghuli, importante rin na malinang ang “healthy eating habits” sa mga kabataan sapagkat ang pinakaprayoridad pa rin ay ang kalusugan ng lahat ng mag-aaral.

maipamamahagi sa bawat mamamayan. Sa usapang mga pambabatikos at pangingialam sa kalayaan ng pamamahayag ay hindi maitatanggi na kung minsan ay nangingialam din ang gobyerno, lalo na kung ang balita ay hindi makabubuti sa imahe nila. Sa kabila nito, sana naman ay hindi makisangkot ang gobyerno at iba pang mga mamamayan sa usaping pamamahayag dahil ang layunin lamang nito ay magbigay o maglahad ng makatotohanang mga impormasyon.

Mahirap ang trabaho ng isang mamamahayag.

Sana’y maitigil na ang mga karahasang ginagawa sa mga mamamahayag, gaya ng pagpatay at mga pagbabanta. Sa likod ng pagiging matapang nila sa paglalathala at pagsasapubliko ng mga impormasyong naglalaman ng katotohanan ay nakakubli ang kanilang pagkatakot para sa kanilang sariling kapakanan. Nararapat lamang na depensahan ang kalayaan ng mga alagad ng katotohanan! Delikado ang daang tinatahak ng mga mamamahayag, ngunit sa kabila nito ay patuloy silang nagiging matatag upang masiguradong manaig ang katotohanan sa lipunan.

ALPAS

na Magsulat para Makapagmulat

Kilala ang Las Piñas City National Science High School (LPCNSHS) bilang tahanan ng mga manunulat. Mula pa noon ay likas na sa mga Lapiscian ang angking galing sa pagsulat, lalo na sa larangan ng pamamahayag. Subalit habang tumatagal ay kaunti na lamang ang nahihimok na sumali at maengganyo upang mamamahayag sa paaralan. Kailangang patuloy ang paghikayat sa mga panibagong henerasyon ng mag-aaral sa paaralan na makapagsulat para magmulat. Nang nagkaroon ng pandemya, pansamantalang naudlot ang pagtawag sa mga kasapi ng mamahayag ng paaralan. Bagaman may mga ‘online workshops,’ ang mga kasapi rito ang mga dati pang miyembro, kung may mga baguhan man, sila naman ay nabibilang sa mga matataas na baitang. Ika-11 baitang ako nang nagsimula akong sumali sa pamamahayag at ngayong pa-gradweyt na ako, nangangamba ako kung may mga panibagong manunulat pa ba ang maeengganyong magsulat sa kabila ng sandamakmak na gawain na ginagawa sa paaralan. Maraming mga Lapiscian ang may angking galing sa pagsulat, subalit kulang naman sila sa ensayo, lalo na ‘yong mga bagong tapak pa lamang sa paaralan. Maganda sana na magsagawa ng workshops para matutukan ang kanilang kasanayan upang makapag-produce ang paaralan ng mga bagong manunulat na papalit sa amin. Subalit salat ang oras upang isagawa ito, kulang ang mga eksperto na makakapagpamahagi ng karanasan at karunungan. Higit sa lahat, malaking kalaban ang mga gawain at responsibilidad na hawak naming mga mga kasapi ng organisasyon.

Kaya naman, naisip ko sanang mahikayat ang mga bata na magsulat sa pamamagitan ng pagpost ng posters sa ‘social media’ ng paaralan. Pwede ring maglaan kami ng oras para bisitahin ang mga silid upang hikayatin silang magsulat at magbahagi ng talento, hindi lamang para sa paaralan, bagkus para isulong ang katotohanan sa lipunan. Dapat ay marami kaming makuhang mga kabataan na imulat sa kagandahan ng ‘campus journalism.’ Sa oras na sila’y mamulat ay tiyak na sila’y gaganahang makisapi sa pagsulong ng pamamahayag sa paaralan. Hindi dapat natin hahayaang mamatay ang diwa ng pamamahayag sa paaralan at maging sa bayan. Naniniwala ako na nagsisimula sa atin ang pagsulong ng katotohanan para makaabot sa bawat mamamayan ng bayan. Biniyayaan tayo ng mata para makita ang kalagayan ng lipunan, boses para iboses ang daing ng sambayanan at puso para patuloy na ipaglaban ang Pilipinas. Kaya’t patuloy nating buhayin ang ‘campus journalism’ sa paaralan at huwag tayong mapagod sa pagpuksa sa mga kasinungalingang ‘toxic’ sa lipunan.

Papel ng Katotohanan. Tinta ng Katapatan.

FRANCHESCA CAMUS

ABEGAIL POLOAN

ng Agham

ERIN GUTIERREZ

DWYNE MACKENZIE TATEL

CARLO SABANAL

SERGIO MANUEL BIGLAEN

6 paham ang OPINYON
SANDIGAN
Pamamahayag,
Ipaglaban!
" "
Manghikayat
Ni JEANINE CIELSEY REVAULA
" PATNUGUTAN paham
MARIELLA BALBODA Gurong Tagapayo SOPHIA DENIELLA MABANSAG Punong Patnugot ISRAFIL AL-KHABIR VIRAY Ikalawang Punong Patnugot REIGN RAXSHANA BONOAN Kalihim JAMES MARK CAPONPON Patnugot ng Balita Mga Kontributor LEORISSE LEIGH STO. TOMAS JEROME LEE CAPONPON YSABELLA ERISH CAMUS NAOMI FRANCHESCA CAMUS NISSY REGALADO MICAH CLARISSE BRONDO MA. ROWELA HEART PINEDA SANTINO MIGUEL SANTOS EDITORYAL AT KOLUM Mga Kontributor MARIE ADRIELLA ALDAY JEANINE CIELSEY REVAULA ARRYN LEIGH DELOS REYES ANDREA TANCINCO SAMANTHA GRACE BALIAO LHYNDELLE ANGELA RAMOS JOSH CHRISTIAN DIAZ RAFAEL QUILLING III Patnugot ng Lathalain Mga Kontributor JOHN MARTIN HULIPAS JOHN STEVEN CALARA MADELINE AYEZA ORTEGA MA. ROWELA HEART PINEDA MARY GRACE DIONALD NAOMI
ang
Patnugot
Mga Kontributor JAMES DEAN GUMIRAN JANELLA
JAZMIN BALTAZAR CHRISTINE AYESSA PADILLA JENINA BALDEDARA
Patnugot ng Isports Mga Kontributor ROMEO
Patnugot
Mga
ALYSSA
DARLA
GERVI
JOHN
Mga
JEMIMAH
Mga
JULIANA
DENISE
JET
RIYANNA
ng Pag-aanyo
Kontributor
MAXENE FIGUEROA
DREW GUERRERO MARIA ELAINE QUINALAYO
PAULO CORADO
LOUIE AREJOLA ABBY SOFIA SOLSONA Patnugot ng Larawan
Kontributor MICHELLE ERIKA CONTE
TRISHNA CORALES ASHANTI KATE LEONARDO Patnugot ng Dibuho
Kontributor
MALABAYABAS
DE VERA
ALIWANAG
DACASIN

SANDIGAN

Komprehensibong SexEd, Isulong!

Dahil sa patuloy na pagtaas ng naitatalang bilang ng maagang pagbubuntis at kaso ng nagkakaroon ng Human Immunodeficiency Virus (HIV) na maaaring magdulot ng Acquired Immunodeficiency Syndrome (AIDS) sa Pilipinas, pinag-uusapan ang kompulsaryong pagtuturo ng “comprehensive sexuality education” sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa bansa. Ayon sa Department of Health, ang “comprehensive sexuality education” ay naglalayong pahintulutan ang mga mag-aaral sa elementarya hanggang sekondaryang antas na makakuha ng wasto at sapat na impormasyong tutulong sa kanilang maunawaan ang kanilang tungkuling maibsan ang diksriminasyon sa mga kapwa nila nabubuntis sa murang edad at kabilang sa LGBT at ‘indigenous groups.’ Ang mga aralin na ituturo sa comprehensive sexuality education ay papatungkol sa human body & human development, personhood, healthy relationships, sexuality and sexual behaviors, sexual and reproductive health, personal safety, at gender, culture, and human rights.

Marami ang naitatalang bilang ng maagang pagbubuntis at HIV/AIDS dahil sa kakulangan ng impormasyon na naibibigay o naibabahagi sa isang kabataan o mamamayan sa paaralan patungkol sa maagang pagbubuntis at mga maaaring makuhang sakit na may kaugnayan sa ‘reproductive health.’ Sa katunayan, isa sa kada sampung kababaihan na may edad 15-19 ay sinasabing maagang nabuntis. Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), 3,739 na mga sanggol ang ipinapanganak kada araw sa Pilipinas.

BALINTATAW

Ni MARIE ADRIELLA ALDAY

Ang Batas na Maka-Mag-aaral

Halos isang taon na nang tuluyang inilunsad muli ng Department of Education ang ‘face-to-face classes’ sa iba’t ibang unibersidad at paaralan sa bansa. Tila bumalik sa simula at nangangapa ang karamihan sa mga guro at magaaral dahil dito. Sa pangangapang ito ay mapapansin nating nagdulot ito ng iilang kaguluhan na nagbigay ng kakaibang karanasan para sa mga mag-aaral.

Bigyang halimbawa ang pagtambak ng mga gawaing pampaaralan at ang pagbibigay ng mga takda kahit sa katapusan ng linggo. Hindi lamang ang mga mag-aaral ang umapela rito, bagkus pati rin ang mga magulang sapagkat kahit ang mga kasama natin sa tahanan na umaasa sa ating presensiya ay apektado na.

Bilang pagtugon sa nabanggit na suliranin ay ipinanukala ng senado ang Senate Bill No. 1792 o ang "No Homework Act of 2023.” Para bang tinanggalan ng tinik sa dibdib ang mga mag-aaral sa ginhawa dahil mababawasan na rin ang kanilang mga gawain. Isinasaad ng Senate Bill No. 1972 o ng "No Homework Act of 2023" na ang pagbibigay ng takdang aralin tuwing Sabado o Linggo ay ipinagbabawal na. Bagkus, ang pagbibigay na lamang ng mga takdang aralin

BALINTATAW

Ni MARIE ADRIELLA ALDAY

Hadlang Sa Tagumpay?

Hindi na bago para sa mga Lapiscian ang pagkakaroon ng mga pagtatanghal kada buwan bilang isang pamamaraan ng pagdiriwang ng mga aktibidad sa bawat asignatura sa Las Piñas City National Science High School. At isa sa mga sangkap ng pagkakaroon ng matagumpay na pagtatanghal ay ang puspusang pag-eensayo ng bawat pangkat at baitang. Sa muling pagbabalik ng mga buwanang pagtatanghal matapos itong maihinto dahil sa COVID-19 ay nagbabalik na din ang kagustuhan ng bawat mag-aaral na maging matagumpay ang kanilang mga pagganap sa entablado. Ngunit paano maisasakatuparan ang ninanais nilang ito kung ang natatanging sangkap ay ipinagbabawal? Hindi ba’t isa itong pagputol sa aming mga pagnanais na maibahagi ang aming mga talento at makagawa ng isang memorya bilang isang pangkat?

Kamakailan lamang ay ipinagbabawal na ang mga mag-aaral sa LPSci na magsagawa ng ensayo sa paaralan pagkatapos ng oras ng klase para sa mga itinuturing na ‘school-related performance’. Ikinagulat ito ng mga mag-aaral sapagkat hindi lamang sila nabawasan ng oras upang makapag-ensayo, kundi ay nabawasan rin sila ng

Sa loob ng taong 1960-2020, ang Pilipinas ay nasa ika-69 na puwesto sa ‘birth rates’ sa buong mundo, at ika-14 naman sa kontinenteng Asya. Sa kasalukuyan namang HIV/AIDS Registry of the Philippines, 86 na mga Pilipino na may edad 19 pababa ay may HIV/AIDS. Sinasabing 79 na mga kabataan na may edad 10-19, at pitong kabataan na wala pang 10 taong gulang ay mayroon nang ganitong klase ng sakit.

Maging malakas, matatag at matapang

Dahil sa maagang pagbubuntis at pagkakaroon ng HIV/AIDS, nahihirapan sa pamumuhay ang mga nakararanas nito. Mga panunukso, pang-aapi at pang-aabuso ang kanilang pinapasan. Maraming mga kabataan ang napupunta sa maling landas dahil sa maagang pagbubuntis. Ang ilan sa mga maagang nabubuntis ay napapabayaan ang kanilang mga anak na nagdudulot sa hindi pagtapos ng pag-aaral at pagkakaroon ng problema sa kalusugan ng kanilang mga anak. Ngunit, hindi rin naman nagaganap ang nabanggit sa lahat ng pagkakataon dahil hindi lahat ng mga maagang nabubuntis ay napupunta sa maling landas. Mayroon ding mga maagang nabubuntis na ngayo’y mayroong sapat na kaalaman at kakayahan na palakihin nang maayos ang kanilang mga anak. Tandaan, sa mga sitwasyon gaya ng maagang pagbubuntis at pagkakaroon ng HIV/AIDS, tama at sapat na impormasyon at kakayahan ang kailangan. Huwag ikahiya ang pagkakaroon ng HIV/AIDS. Maging malakas, matatag at matapang.

mula Lunes hanggang Biyernes ang pinahihintulutan. Bilang mag-aaral, isa sa mga maituturing kong hadlang sa pagpapahinga ay ang pagdala ng mga gawaing pampaaralan hanggang sa aking pag-uwi. Hindi lamang ang aking pisikal na abilidad ang napapagod sapagkat napapagod rin ang aking mental na kakayahan upang makapagsagot ng mga gawaing ito.

Iginigiit naman ng mga guro na ito lamang ang kanilang paraan upang masiguro na nananatili sa isipan ng mga mag-aaral ang mga aral na kanilang tinatalakay, ngunit sa tingin ko’y may iba pang paraan upang mapanatili ang aralin sa isipan ng kabataan, katulad na lamang ng panonood ng mga ‘video lessons.’ Karamihan ay sasabihin na tamang pamamahala sa iyong oras ang tanging solusyon upang hindi ka matambakan ng mga gawain, ngunit maipapayo mo pa ba ito sa taong mag-isa lamang sa bahay? Masasabi mo pa ba ito sa batang inaasahan ng pamilya sa mga gawaing pantahanan?

Hindi lang naman sa pag-aaral umiikot ang buhay natin. Mayroon din tayong mga problema na ating inaalala at mga tungkulin pagkauwi sa bahay. Dahil bago tayo maging isang mag-aaral, tayo ay isang anak, kapatid at kaibigan.

Ang pagpapatupad sa polisiyang ito ay isang oportunidad upang bigyan ang bawat mag-aaral mula kinder hanggang senior high school ng pagkakataon na makapagpahinga mula sa nakapipiga ng utak na oras sa paaralan. Ang pagsunod ng bawat paaralan dito ay pagpapatunay na hindi lamang ang edukasyon ng mga magaaral ang kanilang pinahahalagahan, kundi pati na rin ang kanilang kagalingang panlahat.

oportunidad na magkaroon ng maayos na presentasyon at matataas na grado para rito.

May isang hindi kanais-nais na pangyayari sa isang baitang na nagtulak sa mga kaguruan upang ipatupad ang panukalang ito sa buong junior high school ng LPSci. Ngunit, kung ating titingnan ay hindi pa rin makatarungan ang tuluyang pagpapatupad nito sapagkat oras at enerhiya pa rin ng mga mag-aaral ang pinag-uusapan dito. Kadalasan, kaya nagkakaroon ng mga ensayo pagkatapos ng oras ng klase ay dahil sa kakulangan ng oras upang makapag-ensayo sa oras mismo ng klase, dahil iilan lamang ang mga gurong pumapayag na gamitin ang kanilang oras para sa pag-eensayo. At naiintindihan rin naman naming mga mag-aaral na ang mga guro ay may paksang kailangang talakayin ayon sa kanilang mga lesson plan. Gayundin ay para rin naman sa amin ang mga araling kanilang binabahagi araw-araw.

Hindi nga naman na responsibilidad ng mga tauhan ng paaralan ang mga maiiwang mag-aaral na nagsasanay pa sa paaralan matapos ang oras ng klase ngunit, ano ba

LAPISYANO, Ano'ng Say Mo?

Comprehensive Sex Education

“Mahalaga ito upang magkaroon ng malusog at responsableng mga desisyon tungkol sa sexual at reproductive health.”

— Mag-aaral mula sa ika-7 na baitang

“Layunin nitong bigyan ng malay ang kabataan sa tamang pakikipagtalik, panganganak, at ang reproductive health ng isang tao.”

— Mag-aaral mula sa ika-8 na baitang

“Maganda ito dahil mas nagiging ‘aware’ ang mga bata sa kung ano ang mga dapat at hindi dapat gawin.”

— Mag-aaral mula sa ika-9 na baitang

“Malaking tulong ito upang mapababa ang bilang ng ‘teenage pregnancies’ at lumawak ang kaalaman ukol sa reproduksiyon.”

— Mag-aaral mula sa ika-10 na baitang

“Mahalagang magkaroon ng kamalayan at kaalaman ang mga estudyante tungkol sa sekswalidad.”

— Mag-aaral mula sa ika-11 na baitang

“Panahon na upang maging maalam at maging bukas ang mga mag-aaral o sa mga kabataan sa ganitong mga paksa na magagamit at maaapply sa totoong buhay.”

— Mag-aaral mula sa ika-12 na baitang

naman ang iilang oras para payagan ang mga mag-aaral sa usaping ito nang makapaghanda para sa nalalapit na mga pagtatanghal?

Ito rin ay resulta ng pagbibigay ng mga gawain na ang pagitan lamang nito sa araw ng presentasyon ay halos iilang araw o linggo lamang. Kailangan ding maintindihan ng mga guro na hindi porket kami ay magaaral ng isang paaralang pang-agham ay kaya na naming ipagkasya sa aming oras ang napakaraming mga gawaing pampaaralan.

Kung inaalala lang naman ng kaguruan ang ating kalagayan ay mas mabuti pang payagan na lamang ang mga mag-aaral na mag-ensayo sa loob ng paaralan nang sa gayo’y maaari nilang matutukan at mabantayan nang husto ang mga mag-aaral sa kanilang paghahanda at maiwasan ang mga hindi kanais-nais na pangyayaring maaaring makaapekto sa kanila at sa kanilang presentasyon.

Tandaan na kaakibat ng pagiging isang mag-aaral ng paaralang pang-agham ang mga extracurricular na mga aktibidad, at hindi ito maisasagawa nang maayos kung hindi makapaghahanda nang husto ang mga kalahok nito. Isa lamang ang pagpapayag na ibigay ang iilang oras sa paaralan upang kami ay makapaghanda at makapag-ensayo sa pamamaraan ng pagsuporta. Nawa’y payagan na muli ang paghahanda at pageensayo sa ‘school premises’ pagkatapos ng oras ng klase para sa mga ‘school-related performance,’ sapagkat sa huli, ang tagumpay ng isang Lapiscian, ay tagumpay rin ng buong LPSci.

7 paham ang OPINYON
" "
"
Ang tagumpay ng isang Lapiscian, ay tagumpay rin ng buong LPSci.

SILAKBO

Ni ARRYN LEIGH DELOS REYES

Kakulangang

Kailangan

Tugunan

Hindi na panibagong isyu sa Pilipinas ang kakulangan ng sahod ng mga guro. Sa katunayan, noong Abril 3 nitong taon lamang ay nagprotesta muli ang Alliance of Concerned Teachers o ACT sa Department of Education upang mapakinggan ang kanilang mga hinaing sa sobrasobrang trabaho na hindi naman natutumbasan ng kakarampot nilang sahod.

Agarang aksyon ang tunay na kinakailangan ng mga Pilipinong guro nang mawakasan na ang suliraning matagal na nilang kinahaharap. Hindi ito ang nararapat na pagtrato sa mga bayaning humuhubog sa iba't ibang propesyonal.

Hindi mapapantayan ng milyong pasasalamat ang mga sakripisyo ng mga guro para sa ikabubuti ng kanilang mga estudyante. Ayon sa mga gurong aking nakapanayam, matinding pagmamahal sa napiling propesyon ang taglay ng isang guro upang magtagal sa larangang ito. Kung ating ibabase sa deskripsyon ng kanilang trabaho, walong oras lamang ang kanilang kailangang igugugol para sa trabaho. Ngunit, buong araw nila ang nakalaan upang matugunan ng pangangailangan ng kanilang mga itinuturing na anak. Sa sitwasyong ito pa lamang, atin nang nasasaksihan ang dedikasyon na mayroon sila sa pagtuturo.

Tunay na napakalaki ng naiambag at maiaambag pa ng mga guro sa panlipunang Pilipino. Hindi lamang sila nagbibigay ng aral pang-akademiko sa mga mag-aaral, bagkus sila rin ang mga taong humuhubog sa pagkatao ng mga kabataan. Nagiging katuwang din ng pamahalaan ang ating mga guro tuwing eleksyon, isang responsibilidad na hindi naman talaga sakop sa kanilang trabaho ngunit kailangan pa rin nilang tugunan. Karapat-dapat ang mga guro sa mas mataas na pasahod upang matumbasan ang

BANTAY

Ni LHYNDELLE ANGELA RAMOS

Silid-aralan

Kulang na Kulang

Isa sa mga naging at nagiging hamon ng ‘education sector’ ay ang kakulangan ng mga silid-aralan. Ngayong taon dito sa LPSci, “na-dissolve” ang ibang mga pangkat sa kadahilanang kulang ng mga silid-aralan. Kaya naman, nagdulot na naman ito ng pagbabago at maraming adjustments.

Tinatayang kulang ng 167,901 na silid-aralan ang bansa ayon sa 2019 National School Building Inventory (NSBI). Matapos talakayin ang 2023 national budget, ibinahagi ni Senator Win Gatchalian na kinakailangan ng bansa ng P420 bilyon para mapunan ang kakulangan sa mga silid-aralan.

Sa ngayon, isa sa mga naging solusyon ng mga paaralan ay ang pagkakaroon ng iskedyul sa paggamit ng silid. Ito ay nangangahulugan na sa isang araw ay hindi lang iisang klase ang gagamit nito. Ito rin ay nangangahulugan na may kahati ang mga mag-aaral sa mga kagamitan na nasa loob ng silid. Ngunit, hindi sapat ang pagkakaroon ng

DURUNGAWAN

Ni ANDREA TANCINCO

K-10+2: Plus o Minus Perwisyo

Noon ay halos madaliin ang pagpapatupad ng programang K to 12 kahit hindi pa handa ang lahat ng paaralan sa bansa. Ngayon, maaari na namang baguhin ang kurikulum at ibalik ito sa dati sa pamamagitan ng patakarang “K to 10 Plus Two” na panukala ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo. Sa programang ito, tinatayang pananatilihin ang apat na taon na pag-aaral sa hayskul habang ang baitang 11 at 12 ay gagawing ‘mandatory’ para lamang sa mga nagnanais na makapag-aral ng kolehiyo. Magkakaroon nga ba ng malaking pagkakaiba ang kasalukuyang K-12 curriculum at ang kumakaway na K-10+2? Madadagdagan ba o mababawasan ang paghihirap sa pag-aaral ng mga estudyante dahil sa bagong panukalang ito?

Ayon sa International Trade Administration, noong taong 2020, ang mga estudyante na nag-aaral sa kolehiyo dito sa bansa ay nasa mahigit tatlong milyon. Dahil marami pa ring mag-aaral sa bansa ang nagnanais na makapag-aral sa mataas na edukasyon, hindi ba’t halos walang ipinagbago ang K to 12 sa bagong programang K to 10 Plus Two dahil kinakailangan pa rin ng mga estudyante na maging SHS graduate para makakuha ng degree sa kolehiyo?

matayog na kahalagahan nila sa ating bayan.

Noon pa man ay hindi na sapat ang sinasahod ng mga guro sa ating bansa, ngunit dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin ay lalo silang nahihirapang pagkasyahin ito. Ayon sa Philippine Go, ang buwanang pasahod ng isang Teacher 1 o ang “entrylevel position” sa pagiging public school teacher ay PHP 27,000. Nagmimistula lamang itong malaki sa mata ng iba subalit halos hindi natatapos ang mga gastos na kakambal ng pagiging isang guro. Mayroong mga sitwasyon kung saan ang guro mismo ang bumibili ng kagamitang pang-eskwela ng kanilang mga estudyante, isang pangangailangang ang pamahalaan dapat ang nagsusustento.

Ang mga kaguruang Pilipino ang ugat ng bawat propesyong mayroon tayo. Hindi magkakaroon ng pulis, doktor, o piloto kung walang guro ang maghahasa sa kanilang maging magaling sa kanilang larangan. Pero kung iyong mapapansin, nagsitaasan na ang mga sinasahod ng mga ibang manggagawa, ngunit ang mga guro ay nananatiling sumisigaw para sa bagay na matagal na dapat nilang nakamit.

Agarang aksyon ang tunay na kinakailangan ng mga Pilipinong guro.

Nakalulungkot na lamang talagang malaman na para bang nababalewala ang mga paghihirap ng mga gurong humulma sa mga Pilipinong nagpapaunlad sa ating bansa. Habang ang Pilipinas ay patuloy na tumutungo sa progreso, ang ating mga guro ay nananatili sa pagsusumikap para sa kinabukasan ng mahal nating bayan.

Papaabutin pa ba natin ang problemang ito sa puntong mapapagod na ang ating mga guro? Sana ay matutunan nating mga Pilipino na pahalagahan ang mga taong nagbigay ng aral at leksyon na ating dadalhin habang buhay. Huwag tayong matatakot lumaban para sa alam nating nararapat para sa mga gurong nagsisikap at nagsasakripisyo para sa atin!

iskedyul para sa hating classroom. Kapag may nawawalang gamit na naiwan ay mahirap sumisi ng iba, lalo na kung walang ebidensya.

Ang pinakamagandang solusyon ay ang pagpapatayo ng mga ‘annex’ na maglalaman ng mga karagdagang classrooms. Sapagkat, hindi naman natin mapipigilan ang pagdami ng mga estudyante. Hindi man agaran ito ay magandang simulan na upang malutasan ang mga darating pang mga hamon na dulot ng isyung ito sa hinaharap.

Kinakailangan bigyang prayoridad na malutasan ang problemang ito. Sapagkat, isa itong hadlang sa mga mag-aaral na nagsisikap upang maabot ang kanilang mga pangarap. Sa apat na sulok ng isang simpleng silid, maaaring maabot ang tuktok ng tatsulok.

Sa apat na sulok ng isang simpleng silid, maaaring maabot ang tuktok ng tatsulok

Makikita ang hirap ng mga guro, magulang, at mga mag-aaral nang bumagsak ang patakarang K to 12 sa kanilang harapan. Ngayon pa kayang magpapatupad na naman ang gobyerno ng isa pang hanay ng mga komplikadong pagbabago sa sistema ng ating edukasyon. Oo, mayroong posibilidad na mas mapadali nito ang buhay ng mga estudyanteng nais makapagtrabaho agad dahil sa pinaiksing taon ng pag-aaral nang sa gayo’y makapagtatapos at makakukuha sila ng trabaho nang mas maaga. Ngunit, dahil sa daming pagsasaayos na kanilang inihahain ay mas magiging mahirap na makasunod ang mga mamamayan.

Hindi ito laro at nakadepende rito ang estado ng edukasyon

Marapat na pag-aralang muli ang daloy ng magiging programang ito upang tunay na malaman kung mayroon itong bawas o dagdag na pighati. Hindi biro dahil mahabang panahon ang kinakailangang paghahanda para sa sinasabing patakarang ito.

Masisira ang sistema ng ating edukasyon kung magpapatupad ng mga malaking pagbabago agad-agad! Hindi ito laro at nakadepende rito ang estado ng edukasyon ng mga estudyante! Anumang kurikulum ang gamitin, ang kalidad ng edukasyon ang siya pa ring dapat na pangunahing prayoridad ng lahat.

ALPAS

Ni JEANINE CIELSEY REVAULA

Edukasyon sa Gitna ng Tag-init

Nitong Mayo, inilunsad ng Department of Education (DepEd) na magpatuloy muna sa ‘blended learning’ habang ang bansa ay nakararanas ng matinding init nang dahil sa El Niño. Magandang adhikain ng ahensya na ipagpatuloy ang pagsulong ng edukasyon kahit sa kalagitnaan ng krisis ng tag-init. Gayunpaman, ang kakulangan ng preparasyon para sa biglaang pagsulong nito ay makahahadlang sa magandang dulot nito sa estado ng edukasyon sa bansa. Mababalitaan na kaliwa’t kanan na kaso ng ‘stroke,’ pagkahimatay at ‘dehydration’ ang nararanasan ng mga tao sa tindi ng init ng panahon, lalo na sa mga kabataan na napasok pa sa paaralan. Binago kasi ng DepEd ang ‘school calendar’ nang dahil sa pandemya kaya’t may pasok ngayong Marso hanggang Mayo na dating buwan ng bakasyon. Kaya naman, hindi maikakaila na marami nga ang nahirapan na magpatuloy sa pag-aaral sapagkat lubha ang init na nararanasan ng bawat isa, lalo na ang mga nasa pampublikong paaralan.

Dagdag pa rito, karamihan sa mga pampublikong paaralan ay kulang sa mga ‘electric fans’ at siksikan pa ang mga mag-aaral sa maliit na silid. Hindi talaga maiiwasan na maapektuhan ng matinding init ang mga mag-aaral kaya’t ito ay makahahadlang sa kanilang pag-aaral.

Mabuti na lamang na naisipan ng DepEd na ilipat muna sa ‘blended learning’ ang sistema ng edukasyon upang makapagpa-ginhawa kahit papaano sa mga guro at magaaral.

Bagaman makatutulong ito upang maiwasan ang kaso ng ‘heat stroke’ at ‘dehydration,’ mahirap pa rin ang biglaang pagpatupad ng ‘blended learning’ sa bansa. Marami pa rin ang nahihirapang makasabay sa ‘online classes’ nang dahil sa kahinaan ng ‘internet connection’ at maging sa kakulangan ng gadgets para rito. Marami rin ang walang ‘personal space’ sa kanilang mga tahanan at may mga responsibilidad na dapat punan. Higit sa lahat, nakapapanghina ang ‘online classes’ nang dahil walang pisikal na interaksyon sa pagitan ng kapwa magaaral at sa kanilang mga guro. Matatandaang marami ang nakaranas ng ‘anxiety’ at iba pang ‘mental health problems’ noong nagpatupad ng ‘online classes’ noong nakaraang pandemic. Sa susunod, upang hindi biglaan ang pagbago ng sistema ng pagsusulong ng edukasyon sa bansa, mainam na pag-isipang mabuti ng DepEd ang hakbangin para sa kapakanan ng lahat, lalo na ng mga guro at mag-aaral. Mainam na maghanda sila ng plano sa tuwing sasapit ang ‘di inaasahang kalamidad upang handa sila kung sakaling magkakaroon ng ‘blended learning.’ Higit sa lahat, ang pag-aaral upang amendahan muli ang school calendar ay kinakailangan upang tiyakin na hindi tatapat sa panahon ng matinding tag-init ang pagpasok ng mga bata sa paaralan. Isipin dapat ng DepEd na dapat maisulong nang wasto at komprehensibo ang edukasyon sa bansa. Kapakanan ng lahat ang dapat nilang isaalang-alang. Hindi nawawala ang pagkatuto at walang makahahadlang sa pagpapatuloy ng edukasyon sa bansa. Ito ay kinakailangan upang makapag-produce pa ng mga panibagong propesyunal at ‘critical thinkers’ para sa ikabubuti ng bayan. Mabuting isulong ng gobyerno ang pagsindi ng determinasyon sa mga estudyante na magpatuloy sa pag-aaral at hindi pilitin silang mag-aral sa gitna ng matinding tag-init.

8 paham ang OPINYON
"
" "
"

Ariba! Lakas ngLapisYana Ariba! Lakas ngLapisYana

68.18%. Batay sa aming munting pananaliksik, iyan ang porsyento ng mga kababaihang namumuno sa paaralan at mga organisasyon ng Mataas na Paaralang Pang-Agham ng Las Piñas (LPCNSHS).

Matatag ang isang paaralang mayroong maaasahan at matapang na kababaihan, ‘di lamang sila dedikado sa kanilang trabaho at responsibilidad sa paaralan, marahil ginagawa rin nila ang kanilang makakaya para sa mga taong nakapaligid sa kanila. Subalit nakalulungkot na kadalsan ay nalilimutan nila unahin ang kanilang sarili bago ang iba. Hindi man kasama sa grado ng mga mag-aaral ang mga organisasyon, ngunit nagagawa pa rin nila itong pamunuan at pagtuunan ng pansin.

namin si Sophia Deniella Mabansag na kasalukuyang Punong Patnugot ng opisyal na Pahayagang Filipino ng Las Piñas City National Science High School na Ang PAHAM ukol sa nararamdaman niya sa pagiging pinuno ng isang organisasyon. “Na-debunk or na-disregard ko yung belief na akala ko hindi ko kaya mamuno or akala ko hindi ko kayang maglead ng isang malaking organization” sabi ni Sophia. Marami ang matutuklasan mo hindi lamang sa pamamahayag kundi sa mga kwento ng tao at sa mga bagay na nangyayari sa kapaligiran mo dagdag ni Sophia.

Bilang isang pinuno kailangan mong piliin ang makabubuti para sa lahat, ito ang binanggit ni Coleen Galagate na copresident ng organisasyong Ilustrado Book Club.

“Ilustrado was very hard to form, in the start, so dun pa lang I feel like was a big test on how we would look at it” Wika ni Fiona Fuentes, co-president din sa nasabing organisasyon.

Sila ay nagpursige upang maitayo ang Ilustrado na masasabi nilang dahilan ng pagbabago sa kanilang buhay bilang mga mag-aaral. Nagawa nila ang lahat ng ito sa tulong ng tagapayo at mga kinatawan ng kinabibilangang kapisanan. Mula rin sa karanasang ito natutunan nila ayusin ang oras upang mabalanse nila ang pagiging mag-aaral at pinuno ng organisasyon.

Nakausap din namin si Leorisse Leigh Sto Tomas na Pangulo ng Supreme Student Government (SSG) sa LPCNSHS.

“Pinakamagandang natutunan ko is yung kahalagahan ng youth paticipation and ng active participation din natin syempre as citizens” ani niya.

Hindi lamang sya Presidente ng SSG, siya ay Kalihim Tagapagpaganap o Executive Secretary ng Las Pinas Alab Youth Advocates (LAYA). Tulad ng sinabi ni Sophia, nabanggit din ni Leorisse na marami pa rin ang maaaring magbago sa mundong ating

“Hayaan mo ‘yan may sariling mundo ‘yan!”

kinagagalawan, mahalaga rin para sa kanya na magkaroon ng ugnayan sa mga taong nakapaligid sa iyo.

“Hindi lang talaga yung mga nasa taas para maka-angat ka, kailangan alam mo kung ano yung nangyayari sa ilalim kasi yun yung way kung pano ka makakuha ng na solutions sa mga problems” sambit ni Leorisse.

Nag-iba ang kanyang perspektibo sa buhay dahil sa edad na 15 taong gulang, aktibo na siya sa mga organisasyong kanyang kinabibilangan. “I know how hard it is to juggle things, kaya mas nagiging empathetic din ako” Wika niya.

“Yung pagiging leader ko sa school, sa bahay, sa mga kapatid ko, sa lahat ng bagay. Iisa lang, kumbaga iisa lang yung nangyayari — yung consistency ng leadership nandodoon parati.” Banggit ni Bb. Ma. Johanna Carvajal na Pangulo ng Faculty Club Officers.

Ang pagiging pinuno ay hindi madali, ngunit hindi ito dapat maging hadlang sa mga kababaihang gustong mamuno. Huwag kang matakot na magkamali, at humindi. Ang isang pinuno ay hindi nangyayari sa isang gabi, ito ay binubuo. Hindi ka rin dapat pinagsisilbihan ng mga kinatawan mo, “pay it forward” diin ni Bb. Johanna.

“Embrace the opportunity, do not say no — say yes to the opportunity and do your best as much as you can to help other people develop and grow” Dagdag niya.

Sa halos 68% kababaihang namumuno sa mga organisasyon at kaguruan ng paaralan, 100% ang binibigay nila para sa ikagaganda ng LPCNSHS. Malayo ang narating natin sa pagpapahalaga ng kakayahan ng mga kababaihan lalo na sa paaralan, ngunit ang pagiging pinuno ay hindi lamang natatapos sa paaralan. Nadadala ito sa pamilya, kaibigan at sa Inang Bayan.

RAFAEL QUILLING III

Maraming magandang mapupulot kung ika’y magiging mamamahayag na magaaral. Ay! Pasensiya na. Madalas masyado ang gamit ko sa katagang “ma.” Matagal din tayong nakulong sa’ting mga tahanan ngunit huwag mabahala. Halina’t sa akin ay sumama.

Ibabahagi ko sa’yo ang iba’t ibang “ma” na iyong mapapala matapos maging isang ma? mamamahayag.

Ma? Matututo ka.

Malalaman mo kung paano panindigan ang katotohanan habang iniiwasang kumiling sa kasinungalingan at mga impormasyong walang kasiguraduhan. Sa aming paaralan, ang Mataas na Paaralang Pang-Agham ng Las Pinas, maaari kang magsulat gamit ng magkaibang istilo katulad ng Balita, Lathalain at Editoryal. Bukod pa rito, puwede mong pagtuunan ng pansin ang mga paksang Isports at Agham. Mayroon pang kategoryang pagwawasto ng balita para sa mga metikuloso sa gramatika at layon ng mga sulatin.

Ma? Marami kang makikilala.

Hindi mawawala ang kolaborasyon sa isang organisasyon. Ayon sa aming gurong nagtapos ng Sikolohiya na si Bb. Aprilyn Miranda, nagkakaroon ng koneksyon, katauhan, inspirasyon at karagdagang kakayahan ang isang binata o dalagang magiging miyembro ng isang organisasyon at kabilang na rito ang mga school paper.

Ma? Magiging masaya ka.

Batay sa isang pananaliksik na naibahagi rin sa modyul ng

Personal Development ng mga nasa ika-11 na baitang, napatunayang mas masaya ang mga kabataang sumasali sa mga organisasyon at mas napalalayo sila

sa mga bisyo. Kahit ako, nakararamdam ng katuparan at pagkalugod bilang isang Campus Journalist dahil nakikita ko sa sarili kong marami pa akong kayang gawin bukod sa mag-aral lang. Nabanggit naman ng Department of Health (DOH) sa isang pag-aaral na halos 3.6 milyong Pilipino ang nakaranas ng mental health issues noong 2021 kung kaya’t maaaring makatulong ang mga organisasyon para sa atin.

Ma? Mamahalin mo ang ating Inang Bayan. Maraming magandang mapupulot kung ika’y magiging mamamahayag na mag-aaral at kabilang na rito ang nasyonalismo. Ngayong lumalaganap pa rin ang pekeng impormasyon, kailangan natin ng mga kabataang magtatanggol sa katotohanan ng mga isyung pampaaralan, panglungsod at panlipunan. Matagal tayong nakulong sa’ting mga tahanan kaya halina’t lumabas at kumilos para ipalaganap ang

Akala yata nila ay hindi ko naririnig ang mga sinasabi nila. Nakatutok lamang ang aking atensyon sa binabasa kong magasin habang okupado ang mga tenga ko ng wireless earphones. Mas gugustuhin ko pang huwag na lamang pansinin ang mga tao sa paligid na wala namang ginawa kundi pumuna ng kapwa.

BABALA:

Pero syempre para hindi naman magmukhang bastos, maigi na lamang na i-greet mo sila with a smile tapos move on na sa buhay. Ganiyan lang naman talaga kasimple buhay kung iisipin. Lahat tayo’y mabubuhay nang tahimik kung magpapadala sa mga taong nagiging balakid sa ating ligaya.

Gaya lang din ng aking usual na routine sa araw, ako sa sari-sari store ni Aling Nena para magmeryenda. Tunay na ako ng kasiyahan dito dahil nakakain ko naman ang cravings ko dahil mura na, masarap pa!

At kapag dumilim na ang paligid, hudyat lamang ito na oras nang umuwi. Ewan ko at ewan mo rin, baka mapahamak pa ako kung lalo pang magpagabi. Madilim pa naman ang eskinitang dinadaanan, baka pa ako’y masagasaan. Ops! Knock on wood, ‘wag naman sana!

Bago ipikit ang mga mata sa oras ng pagtulog, napapaisip nalang talaga ako na sana mayroon nalang akong sasakyan para hindi na ako nagmamadaling maglakad pauwi. Mukha namang madali magdrive, kaso wala akong kotse.. ‘Di bale, itutulog ko na lamang ito at mahabang araw pa ang sasalubong sa akin bukas.

Hindi mapigilan ang pag-indak at pawang galak ang sinisigaw ng puso. Hindi maipaliwanag kung ano ba itong nararamdaman, basta para akong lumulutang. Ang liwanag ng paligid ngunit hindi naman ako nasisilaw. Kita ko ang mundo sa aking pagyuko at dito ko napagtanto, nakaangkas pala ako sa alapaap. Kasabay ng pagtangay ng hangin sa aking buhok, tinatangay rin nito ang mga problema sa buhay na pilit kong kinakalimot. May bigla akong narinig na pamilyar na boses “Gusto mo bang sumama?”

Dito ako biglang nagising at naghabol ng hininga. Panaginip lang pala ang lahat. Tinignan ko ang oras at pinatay na rin ang musikang naiwan ko palang tumutunog sa aking tenga. Kakaiba talaga ang epekto sa akin ng mga kanta ng Eraserheads at para talaga akong may sariling mundo. Kung hindi ka pamilyar sa mga kanta nila, isa lamang ang nais kong ipaalala. MASAKIT SA TENGA! Masakit sa tenga kapag hindi mo na napigilan tumigil na pakinggan sila dahil talaga namang nakakaadik ang kanilang musika!

9 paham ang LATHALAIN
ASHANTI LEONARDO
REIGN RAXSHANA BONOAN MADELINE AYEZA ORTEGA ASHANTI LEONARDO LEORISSE LEIGH STO. TOMAS SSG PRESIDENT MRS. MA. JOHANNA CARVAJAL SOPHIA DENIELLA MABANSAG PUNONG PATNUGOT, ANG PAHAM

Bunsod ng alab ng ating puso, tayong mga Lapisyano ang tatahak ng landas tungo sa mga pintuan ng mga pangarap na kolehiyo. Mga salamin ng kinabukasang pinapangarap ang nagliliwanag sa hinaharap habang dahan-dahan tayong lumalapit ngunit, isang pagsubok muna ang ating haharapin bago tuluyang makamit ang ating inaasam. Ito ang mga College Entrance Test (CET).

pagsusulit padayon! ,

Sa katunayan, 69% ng mga mag-aaral ng batch 2024 sa Las Piñas City National Science High School (LPCNSHS) ay sumali ACAD1 review center upang makapaghanda sa nalalapit na UPCAT sa Hunyo.

Bilang karagdagan, nakausap ng Ang Paham ang ilang mga mag-aaral na nakapasa sa mga CET ngayong taon. Napagdaanan nina Reign Bonoan ng 12 - Generosity at Karl Olalia ng 12-Diplomacy ang hirap ng mga pagsusulit mula sa mga unibersidad na kabilang sa “Big Four” tulad ng Ateneo de Manila University (ADMU), De La Salle University (DLSU) at Unibersidad ng Sto. Tomas (UST). Mula sa kanila, pinagsama namin ang mga paalala at gabay upang tulungan ang mga Lapisyano sa kanilang paghahanda.

Tuwing tayo ay nangangamba sa nalalapit na pagsusulit na siyang didikta sa ating kapalaran sa kolehiyo, ating tandaan ang salitang “PADAYON”.

Paghandaan ang sarili maaga pa lamang

PNabanggit ni Karl Olalia na maaga pa lamang ay simulan na ang pagpaplano upang magkaroon ng sapat na panahon sa pag-aaral ng lahat ng mga mahahalagang aralin. Payo naman ni Reign Bonoan ang wastong pamamahala sa oras at pagkaroon ng kumpiyansa sa sarili upang hindi magsisi sa huli.

A

Alamin ang format ng bawat CET na tatahakin Ayon sa parehong mag-aaral, magkaiba ang format ng bawat CET ng mga unibersidad, tulad ng mga asignaturang nakapaloob, oras ng pagsagot, at mga alintuntunin habang sinasagutan ito. Mahalagang alamin ang mga ito upang makabuo ng mga paraan sa pagharap at pagsagot ng pagsusulit.

Makikita natin ang format ng bawat unibersidad sa kanilang mga social media page. Makikitang Mathematics, Science, English, at Abstract Reasoning ang kadalasang nagiging laman nito.

Kay sarap balikan ng nakaraan na humubog at nagpatibay sa iyong pagkatao at nagturo kung paano magpakatao. Katulad na lamang ng Mataas na Paaralang Pang-Agham ng Las Piñas, ang kinalakihang pook ng napakaraming magaaral magmula ng ito’y itayo, magpahanggang sa kasalukuyan. Sa paglipas ng panahon, ang paaralan na itinuturing na pangalawang tahanan ng lahat ay unti-unting nagbabago upang masabayan ang agos ng buhay. Kalimitan ay imprastraktura lamang ang nababago ngunit dahil na rin sa pagbabago ng panahon at henerasyon may mga tradisyon na nawala at mayroon rin namang nanatili at isinasabuhay pa rin magpahanggang ngayon.

Ang eskwelahang nagsimula sa nagiisang matayog na gusali ay naging dalawa, tatlo hanggang sa naging apat. Ang mga ito ang naglimlim sa mga musmos na mga binata’t dilag na ang hinihiling lamang ay makamit ang mga napakagandang aral na kanilang mapupulot sa loob ng paaralan na madadala nila kahit sa labas ng apat na sulok nito. Mga aral at karanasan na magsisilbing gabay sa kanila kung paano labanan at makisabay sa mabibigat at malalakas na alon na ihahampas sa kanila ng buhay bago nila masabing ang buhay ay kanila na ngang tuluyang napagtagumpayang languyin at sisirin ang kaibituran nito.

Pagmamano ang tanda ng pagbibigay respeto ng mga Pilipino sa kanilang mga nakatatanda. Ngunit

kapag iyong pinasok ang paaralang ito makikita ang mga estudyanteng may malalaking ngiti sa labi habang nakalagay ang kanang kamay sa dibdib at yuyukod ang ulo, sabay sabing “Good morning po, miss/sir!”. Datapwat hindi ito katulad ng normal na tradisyon ng mga Pilipino na pagmamano, ito pa rin ang sinisimbolo ng pagbibigay respeto nila sa mga tumayong pangalawang ina at ama sa kanilang buhay.

Kalimitan mang bukambibig ng mga mag-aaral ay “Ang daming gagawin”, “Ang daming ipapasa bukas”, “Ayoko na, pagod na ko!”, na kadalasang nagbibigay takot sa mga mag-aaral na nagbabalak pa lamang pasukin ang buhay sa likod ng napakalaking tarangkahan nito.

Subalit ang mga linyang ito ay puro lamang reklamo ng mga mag-aaral sapagkat ang mga gawaing itinakda sa kanila ay handa na ipasa kinabukasan at makikita sa kanilang mukha ang saya pati na ang pagod na kanilang ibinigay upang matapos ito. Isa ito sa hindi na mababago pa at mawawala sa eskwelahang nagpasakit sa ating ulo, nagpaluha sa ating mga mata at nagbigay ng napaka gandang ngiti sa ating mga labi.

Mga alaalang tangayin man ng panahon sa tagal, madagdagan man ang mga bagong mag-aaral o magbago man ang itsura ng imprastraktura, hindi ito magiging hadlang upang hindi natin malasap ang sarap ng bawat memoryang hindi mapapalitan ng kahit anong salapi.

Silip sa Nakaraan

Diskartehan ang mga tanong, magsagot ng mock

exams Isa sa pinakamahalagang payo ng dalawang mag-aaral ay ang pagsagot ng mga practice test, lalo na kapag inoorasan ang sarili habang sumasagot.

Nakatutulong ito sa kasanayan sa limitadong oras ng pagharap sa mga katanungan. Bukod pa rito, mahalaga rin ang pag-aaral ng mga diskarte sa pagsagot ng pagsusulit tulad ng pagtingin sa “context clues” at ang sikat na “process of elimination”.

Ayon sa dalawa, mahalagang aralin ang practice test pagkatapos itong sagutan upang sa susunod na pagharap sa mga tanong ay maiiwasan natin ang muling pagkakamali.

Aralin ang mga kahinaan, balikan ang mga natutunan

Mula sa mga mock exams, makikita natin ang mga kahinaan natin na dapat bigyang prayoridad. Isinaad ni Reign na mas mahalaga ang malawak na pag-aaralan imbes na malalim dahil mahalaga na marami tayong konseptong maaral kahit pa hindi na natin masyadong napagnilayan ang bawat detalye nito.

Yakapin ang oportunidad, at magsikap sa pagaaral

Dahil sa napakalaking halaga ng kolehiyo sa ating buhay, huwag nating sayangin ang pagkakataong makapaghanda nang maayos para sa mga CET.

Hinihikayat tayo nina Karl at Reign sa pag-enroll sa mga review center upang magsanay at makakuha ng mga review materials. Maaari rin namang mag self-review na lamang kung di kaya ng financial status natin dahil marami rin tayong makakalap na review materials nang libre sa Internet.

Organisahin ang iyong oras Ayon muli kay Karl, isa sa paraan ng pag-organisa ng oras ay ang pagsagawa ng iskedyul upang maging sistematiko ang daloy ng paghahanda at maiwasan ang paggagahol. Idiniin pa nila ni Reign ang pagkakaroon din ng sapat na oras para makapagpahinga at makapagasikaso ng iba pa nating prayoridad sa buhay.

D A Y o N

Naising humingi ng tulong at gabay sa iba Huwag tayong mahiyang humingi ng payo sa ating mga ate at kuyang Lapisyano sapagkat maaari silang makatulong sa atin dahil sa kanilang karanasan sa pagsagot ng CET o kaya sa kanilang kahusayan sa konseptong ating kahinaan. Huwag din nating kalimutang magdasal bago ang araw ng pagsusulit para sa karagdagang gabay at suporta mula sa itaas.

Sa pagharap ng pagsubok na ito, huwag nating hayaang mawala ang ating motibasyon at huwag na huwag natin balewalain ang landas na nakalaan para sa ating kinabukasan. Isaisip kung para kanino natin ginagawa yung pagsisikap na ginagawa natin ngayon bilang mga mag-aaral at bilang pag-asa ng bayan.

Ito ang kabuuan ng mga payo mula kina Karl and Reign. Iwasan ang pangangamba sa araw ng pagsusulit. Ibuhos ang lahat ng kakayahan mula sa ating determinasyon at pagsisikap. Higit sa lahat, Magkaroon ng kumpiyansa sa sarili upang hindi magsisi sa huli. Padayon!

“A brilliant leader is nothing without a humble heart”

Ibinahagi ng ating dating punongguro na si Gng. Leonora L. Lustre ang kaniyang mga naging karanasan sa Mataas na Paaralang Pang-Agham ng Las Piñas (LPCNSHS). Sa kabila ng kalungkutan na nadarama niya sa pag-alis ng paaralan ay nagpapasalamat pa rin siya sa mga magagandang alaala at mga leksiyon na kaniyang natutunan sa loob ng apat na sulok ng paaralan.

Isa sa mga naibahagi niya ay ang kaniyang nagawang kontribusiyon para sa ikauunlad ng nasabing paaralan. Kagaya na lamang ng tiling ng Senior High School, School Library, School Clinic, at Guidance Office. Ito ay dahil sa pagsasaalang-alang ng kaligtasan ng mga magaaral. Kaniyang tinutukan ang pagsasaayos ng physical facilities dahil ito ang nakikita niyang nararapat gawin sapagkat wala naman siyang nakikitang problema pagdating sa academic performance ng kaniyang paaralan.

Kaniya ring hinihikayat ang bawat guro na magbahagi ng enhancement materials para sa mga estudyante, ito ay para maibsan ang malaking dagok na dinanas ng mga ito sa panahon ng pandemya.

“Probably meron sila nung desire to learn. Nandoon yung desire niyo kasi gusto niyong matuto, you are excited kasi faceto-face na, pero kasi parang meron tayong learning lost. Kahit nakaonline tayo, iba pa rin yung set-up ng face-toface as we analyze.” Ani pa niya.

Naibahagi rin niya ang kaniyang mga natutunan sa loob ng paaralan. “I appreciate talaga yung mga bata dito na with all their fortune ay napakahumble nila.” saad niya. Dahil dito kaya gusto niyang ibaon at isapuso nang lubos ang mantra ng paaralan na “A bright mind is nothing without a humble heart” na kaniyang nasabing mas aangkop ito sa kaniya kung ito ay “A brilliant leader is nothing without a humble heart.” Na nagpapa-alala sa kaniya na kailangan ang iyong mga paa ay laging nakatapak sa lupa at siguraduhing nasisilbihan mo ang iyong nasasakupan.

Bago matapos ang aming usapan, nagiwan siya ng payo para sa mga estudyante. “Focus, Aim high, and live up to the school mantra.” Saad ni Gng. Lustre.

paham ang LATHALAIN 10
MARY GRACE DIONALDO
Pinunong Punong Puno Magandang Pamumuno ng -
RIYANNA DACASIN STEVEN CALARA MARY GRACE DIONALDO MICHELLE ERICA CONTE
pagsisikap

Tadhanang Tumahan sa Nakaraan

Minsan, ang tadhana ang magdadala sa iyo sa mas malayong destinasyon ng iyong kinabukasan, ngunit sa hindi inaasahan, ay ibabalik ka nito sa nakaraan. Ganito ang karanasan ng isang guro sa Mataas na Paaralang Pang-Agham ng Las Piñas na dati ring estudyante rito. Sa loob ng kanyang paglalakbay tungo sa inaasam na kinabukasan, ay lingid sa kanyang kaalaman na dadaan siya sa punto na babalik siya sa kanyang pinagmulan.

Siya si Bb. Philina Beatrix S. De Guzman, 23-taong gulang, at nagtapos sa kursong Bachelor of Science in Medical Technology sa Philippine Women University. Nagsimula ang kanyang buhay sa LPSci noong 2012, at lumisan noong 2016. Naisipan niyang lumipat noong siya’y tumapat sa senior high school. Para sa kanya, oras naman para sa bagong kapaligiran. Inakala ng kanyang mga dating kaklase na kaya siya lilipat ay dahil sa hindi akma ang strand na kukunin nito para sa kurso na kanyang tatahakin. ”Common misconception kasi na kaya ako lumipat kasi di ako nagtake ng STEM, pero STEM kinuha ko”.

“Gusto ko kasi, balak na sa Maynila magcollege para seamless yung transition.” Kanyang itinuloy ang senior high school sa Saint Paul University-Manila, at agad namang napansin ang mga pagbabagong nangyari. Sa kabila ng lahat ng ito, ay hindi pa rin maalis sa kanyang sistema ang tatak Lapisyano, sapagkat nadadala niya pa rin ang kultura nito, gaya na lamang ng paglagay ng kamay sa dibdib at pagyuko bilang pagbati sa mga guro. Ika niya, sa bagong sistema ng paaralan ay mas magaan kaysa sa LPSci. Kung ikukumpara ang mga paaralang kanyang napasukan, masasabi niya na hindi lahat ng paaralan ay may magaan na tungkulin, nakadepende ito sa kurikulum na kinasanayan.

Isa sa mga pangunahing plano niya pagkatapos ng kolehiyo ay kumuha ng lisensya para maging isang MedTech at magtrabaho muna ng isang taon bago tumuloy sa medisina. Ngunit nagbago lahat ng iyon nang maisipan niyang mag-apply ng iskolarship mula sa Department of Science and Technology o DOST noong siya’y nasa ikatlong taon

sa kolehiyo. Dati ay nakapasa rin siya sa nasabing aplikasyon, ngunit agad niya itong binitawan nang hindi ito umangkop sa kurso o paaralan na kanyang kukunin kaya ginamit na lamang ang iskolarship ng paaralang kanyang pinasukan.

Kaya niya muling pinili ang iskolarship ng DOST para makatulong sa gastusin nila sa kanilang tahanan, lalo na noong panahon na iyon ay nagkasakit ang kanyang lola at wala pang trabaho ang kanyang ama dahil sa pagbabantay nito sa may sakit. Lubos na nakatulong ang nasabing iskolarship para sa pinansyal na pangangailangan niya sa paaralan. Ngunit, kinakailangan niyang magsilbi bilang guro sa loob ng dalawang taon, ayon din sa Republic Act No. 10916.

Laking gulat niya lamang nang ipinaalam sa kanya na siya ay magiging guro sa Mataas na Paaralang Pang-Agham ng Las Piñas, ang kaniyang dating paaralan.

Thankful din naman ako kasi again, familiar yung territory…” Ika niya, kampante ang kanyang kalooban na maging matiwasay ang kanyang pagtuturo para sa dalawang taon na serbisyo bilang guro.

Ikinagulat niya na nilagay siya sa senior high school, marahil wala siyang kakilala sapagkat halos ay nasa departamento ng junior high school. Ngunit mas minabuti na lamang na hindi siya isinama sa mga dati niyang kaguruan, para na rin walang kaasiwaan dahil para sa kanya, ay mga idolo pa rin ang turing niya sa mga ito.

“Ang naisip ko kasi noong pumasok na ako, yung actions ko dapat hindi na parang nung student ako”, sinisigurado na propesyonal dapat ang bawat kilos, kahit sinasanay niya ang kanyang sarili. “I can’t be this extroverted and friendly, especially sa students, so may boundary.” Isa rin sa kinakailangan niyang tutukan ay ang pagiging tumpak ng mga talakayan na kanyang inihahatid sa mga estudyante.

Kumpara sa pagiging estudyante, nauunawan niya na ang pagiging guro ay mahirap sapagkat kinakailangan niyang sundin ang bawat hakbang ng ginagawa ng kanyang mga estudyante upang

masigurado na natututo ang mga ito. Habang tumatagal, natututuhan niyang balansehin ang kanyang oras sa sarili, sa trabaho, at sa pamilya. Hindi niya mapili kung mas gugustuhin niyang maging estudyante o guro sa LPSci. Ika niya, swerte siya at naranasan niya ang parehong mukha ng paaralan– ang pag-aaral at pagtuturo. Hindi rin naging madali ang kanyang pinagdaanan bilang mag-aaral ng nasabing eskwelahan, sapagkat kagaya sa atin ay naranasan niya kung gaano kahirap ang mga gawain na ibinibigay at mas maraming asignaturang inaaral. Ngunit naunawaan niyang ang pagiging guro sa isang espesyal na paaralan na gaya ng LPSci ay hindi biro, dahil tila pangmataasang kaalaman ang ibinibigay sa mga estudyante.

Ngayon na siya ay isang guro, gusto niya maging isang magandang ehemplo sa mga estudyanteng kanyang tinuturuan. “Masaya maging teacher na pwede ka maka-inspire, na you will do the same like how the past teachers had done to you.” At hinihiling niya na sana ay maibahagi niya ang kanyang kaalaman para sa kabataan, at para sa bayan.

Marahil pakiramdam natin ay hindi natin tinatahak ang daang inaasam natin, ngunit talagang mapaglaro ang tadhana, nasa sa atin na lamang kung paano natin ito ipapanalo sa buhay.

Pagkahumaling sa Taong Papel

Dumating na ang bagong kasapi sa aking koleksiyon! Ako nga pala si “binder” o ang mistulang nagtitipon-tipon ng mga papel na nakahihiligang kolektahin ng mga K-pop fans – ang ‘photocards.’ Maaaring narinig mo na ang salitang ito mula sa kamakailang palabas ng Kapuso Mo, Jessica Soho kung saan itinampok nila ang isang batang babae na nagngangalang “Bea”, na nagnakaw umano ng mahigit P2 milyon sa kanyang pamilya para makabili ng K-pop merchandise. Naku! Nahatulan tuloy ng maling ideya ang publiko sa halaga at gampanin ng aking koleksiyon. Alam kong hindi madaling unawain ang pagkahumaling sa likod ng mga ‘photocard,’ dahil ito ay karaniwang mukha ng isang idolo sa isang papel.

Maaaring nakabibigla sa isang baguhan, higit pa sa isang taong hindi pamilyar sa mga grupong korean. Mula sa pagkilala sa mga miyembro, pakikinig sa kanilang musika, at pakikinig sa kanilang mga panayam at iba’t ibang palabas – napakaraming dapat malaman! Ngayon, ika’y bibigyan ko ng isang bimder tour upang mas mapalalim ang iyong kaalaman ukol sa proseso ng hilig kong tunay na nagbibigay kaligayahan sakin.

Sa bawat pahina, iyong masusulyapan ang mga eksklusibong larawan ng aking mga idolo na hindi pa nailalabas sa ibang plataporma. Ang mga ito ay aking nabubunot bilang freebie sa mga album na inilalabas ng mga grupo.

Ala-suwerte ang pagkuha sa mga papel na ito, sapagkat isang diskarte ito upang akitin ang mga tagahanga na bumili ng higit pang mga kopya ng album sa pag-asang makuha ang kanilang paboritong miyembro (ang kanilang “bias”) o para lamang kumpletuhin ang koleksyon.

Sa mga susunod na pahina, bagama’t nagsimula sila bilang isang simpleng pabingwit sa mga album, makikita mo rin ang mga photocard na nakukuha ko sa bawat paglabas ng merchandise. Maging ang mga magasin, DVD, kalendaryo, medyas, at mga bote ng tubig ay may mga photocard bilang kanilang mga freebie ngayon. Sa kabila ng pagtaas ng halaga ng mga papel na ito sa paglipas ng panahon, hindi maisasantabi ang hirap na ginagawa ng mga kolektor para lamang makuha ang kanilang mga gustong photocard. Hindi nakagugulat na karamihan sa mga tagahanga ay pabirong tumawag ng kanilang pangongolekta bilang investment. Ngunit habang ang presyo sa merkado ng mga photocard ay maaaring kakila-kilabot para sa mga hindi tagahanga, ang kasiyahan nadarama ng pagkuha ng iyong kinagagalakang photocard o sa panahong makumpleto ang iyong koleksiyon ay tunay na hindi nabibili ng salapi.

paham ang LATHALAIN 11
MA. ROWELA HEART PINEDA
DACASIN
NAOMI FRANCHESCA CAMUS
RIYANNA

KKK Kasaysayan, : Kaalaman, Kahalagahan

Encyclopedia Britannica na nadamay lang ang Pilipinas sa pitong taong digmaan sa Europa kung saan magkatunggali ang grupo ng Russia, Sweden, France, Saxony, at Austria laban sa kaharian ng Prussia, Hanover, at ang Britanya. Ayon din sa isang artikulo sa Britannica, nagsimula ang giyerang ito sa pagtangkang bawiin muli ng Austria ang Silesia, isang rehiyon sa Poland. Sa loob ng pitong taon ay puro agawan ng lupain, trono, at kapangyarihan ang naganap. Kabilang sa paghihiganti ng Britanya sa Espanya ay ang pag-agaw sa kolonya nito: ang Pilipinas.

Mula naman sa mga datos ng UP

LiKas o UP Lipunang Pangkasaysayan, taong 1962 ay nilusob ng Britanya ang Maynila mula sa pagpasok sa

sundalo, 13 na barkong pandigma, mga kanyon at pambomba, tumuloy ang Britanya sa Intramuros at sinimulan ang pakikibaka sa Espanya, umaasa na sila ay magtagumpay sa kanilang layunin.

panahon ng kanilang pananakop sapagkat opisyal nang natapos ang digmaan ng Europa sa pamamagitan ng Treaty of Paris, kung saan sila ay nagpalitan ng mga nasasakupang lupain bilang alay ng kapayapaan sa pamamagitan ng dalawang partido. Gayunpaman, malaki ang naibahagi ng mga Ingles sa Pilipinas, lalo na sa mga lugar na nasa Norte, kagaya ng kultura at kaugalian.

ang mga impormasyong ito ay maaaring wala nang

ang

kasagsagan ng pamumuno ng mga espanyol sa ating bansa? Kahit ako ay nagulat at nagtaka kung bakit hindi ito sinama sa mga talakayan ng kasaysayan noong ako’y nasa elementarya.

Para sa kaunting kaalaman, kumpirmado mula sa mga tala ng

malilimutang tanong ng kabataang kabilang sa ika-21 siglo. Ito rin ang panahon kung saan mas gugustuhin pa ng mga bata ang maglaro sa labas kahit na ang araw ay tumitirik at ito rin ang mga araw na ayaw matulog nang tanghali dahil sa kagustuhang maglaro sa labas. Kabilang sa mga larong ito ang Patintero.

website na Kultura Pilipinas, paano nga ba laruin ang Patintero?

dalawang grupo— bangon at taya. Gumuhit ng parihabang may anim na parisukat sa loob. Ang mga pinakasentrong linya ang tatayuan ng mga Taya.

ang mga Bangon ay lalagpas sa mga linya nang hindi nahuhuli. Ang mga Taya naman, gamit ang liksi at atensyon, ay babantayan ang mga linya at susubukang mataya ang mga Bangon gamit ang mga kamay habang nakatayo sa linya. Kapag nalagpasan ng mga bangon ang taya, hindi na sila maaring tayain at dederetso sa susunod.

Ngiting

Hindi Mapapalitan

Ang inakalang makahulugang litrato ng pagkakaibigan, ay may tinatagong kasakiman, na dahilan ng pagkapunit nito. May mga yakap, tawa, matatamis na ngiti, tila isang perpektong grupo, ngunit ano nga ba ang kahulugan nito? Ang mga pagkakaibigan ay hindi perpekto, ika nga, maituturing mo rin silang isang pamilya. Sa isang pamilya, ang problema ay hindi kailanman maiiwasan, darating ito at magiging suliranin sa inyong relasyon. Ganoon din sa isang grupo ng magkakaibigan, ang pagsubok ay maaring tumungo sa kaayusan o katapusan. Karaniwan itong nangyayari sa kabataan kung saan may mga sitwasyong nagtatapos ang isang pagkakaibigan sa hindi kaasam-asam na paraan. May mga pagaaral na tumatalakay ukol sa epekto ng hindi magandang pangyayari sa pakikisalamuha mo sa iyong kaibigan o naging kaibigan.

Ayon sa ilang pag-aaral, ang pakikitungo mo ay naiimpluwensyahan ng mga pangyayaring maganda o hindi maganda, halimbawa na ang tunggalian. Ayon kay Ayra Moore, kakulangan sa pag-unawa, komunikasyon, at ang hindi pagtitimpi, ang mga dahilan kung bakit ito nangyayari. Ang mga pagtatalo ay nagmumula sa kakulangan sa pakikinig bagkus, ang interaksyon sa

pagitan ng mga tao ay maaaring maging masilumot. Ang komunikasyon ay mahalaga dahil ito ang puno’t dulo ng isang relasyon mo kasama ang mga tao. Ayon kay Dr. Michele Kerulis, ang paglalabas ng saloobin ay hindi madali sapagkat ang isang mabuting komunikasyon ay ang pagbigay ng kalayaan upang maipahayag mo ang iyong mga nararamdaman at pangangailangan. Isa rin itong paraan upang masolusyonan ang isang problema. Sa katunayan, ang hindi pagiging bukas sa mga usapin sa pagkakaibigan ay magiging dahilan lamang ng pagkawakas nito sapagkat ito ay hindi titibay. Sa lipunang kinabibilangan natin, iba-iba ang ating mga pananaw, ngunit hindi ibig sabihin nito ay hindi na tayo maaaring bumuo ng isang relasyon, maayos na komunikasyon lamang ang kinakailangan upang higit na maunawaan ang ating pagkakaiba. Ika nga ng isang Sikolohista, “Communication leads to community, that is, to understanding, intimacy and mutual valuing.” Tulad ng isang litrato, ang isang pagkakaibigan ay minsan nang hindi naging kaaya-aya. Tuwing kulang ito sa wastong pag-alaga, kaayusan nito ay mawawala. Ang punit na litrato, kapag nabuo muli, pareho pa ba ang kahulugan o hindi na matatanggap kailanman?

ang mga Bangon kapag JOHN MARTIN HULIPAS JOHN MARTIN HULIPAS
LEONARDO
ASHANTI DENISE DE VERA DENISE DE VERA
paham ang LATHALAIN 12
MA. ROWELA HEART PINEDA

“Kulang ng piso.” Sambit ng tindera habang binibilang ang perang binayad ko para sa binili kong isda.

Todo halungkat ang aking ginawa simula sa aking pitaka, hanggang sa kalalim-laliman ng aking mga bulsa. Sinubukan ko ring ilaglag ang lahat ng gamit mula sa dala-dala kong supot, makahagilap lamang ng isang baryang pilak upang mapawi ang gutom na nadarama ng aking tiyan.

Sa wakas! May narinig akong tunog ng barya at ako ay napatalon sa tuwa, ngunit agad akong napangiwi nang ito ay nilabas ko. Singkong butas lang pala.

Kung hindi lang nagtuloy-tuloy ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin, buong araw na akong busog sa tulong ng singkong butas pero sa panahon ngayon, ikamamatay mo na kung kulang ng piso ang iyong salapi.

Lungsod ng Dakila’t Dangal

Mutya sa timog ng kamaynilaan, Dala ang angking ganda ng kapaligiran, Gayundin ang ‘kay babait na mamamayan, Sa Las Piñas n’yo lang ‘yan masisilayan.

Kahit sagana sa mga water lilies ang katubigan, Ang pagpuksa sa dami nito ay napipigilan, Ginagawa nila itong mga palamuti tuwing may kasiyahan, Ang mga lokal na tagakuha nito ay naambunan din ng kabu hayan.

At saan pa ba pinakakilala ang Las Piñas?

Aba! Dito lamang matatagpuan ang instrumentong walang kupas.

Bawat tono, melodiya at ritmong hatid nito, Tiyak nakikipagsabayan sa pag-awit ng matatamis na himno.

Wala ng mas hihigit pa sa sinaunang Bamboo Organ, Ito ay kanilang pinagyayabong at inaalagaan, Hinuhubog din nila ang mga natatanging kabataan, Na nagpapamalas ng angking galing sa pagtugtog nito sa simbahan.

Ang maganda pa sa mga Las Piñeros, marunong sila magkusa. Sa paglilinis ng kapaligiran at pagtiyak ng kapayapaan, sila’y nagkakai Mga kapitbahay at kalapit-bayan ay masigla nilang kinakamusta, Matatamis na ngiti at malalakas na tawanan ang nangingib abaw tuwing may pista.

Subalit dito ako natutong maging Makadiyos, Makabansa, Makaka Tanging lungsod na karapatdapat ipagmalaki at pangaralan,

Ang nagpapakatotoo ang pinaka perpektong uri ng tao dahil walang dalisay sa mundo. Sa kasalukuyan, ang maayos ay nagiging kasingkahulugan ng perpekto. Tila kahit saan tayo lumugar, ito ang hinahanap ng mga tao. Kung ‘di man umayon sa ganitong pagbabago, pagtanggi naman ang salamin ng pagsuko.

Sa pagsintang labis sa kapangyariha’t tibay, Gumugulo ang kahulugan ng isang pagkataong tunay. Kung ang katahimikan ay nangangahulugang wala lang, Marahil ang buhay mong perpekto ay katahimikan lamang. Sa simula’t sapul na sumibol ka, ika’y nag-ingay at lumuha. Mangmang pa na kayang ipagkibit-balikat lahat, at ang pagtupad sa kagustuhan mo ay isang biyaya. Paulit-ulit kang nahilig, nalibang, nagsawa, naghanap, nakapili hanggang sa wakas, lumigaya. Sa simpleng regalo, ika’y sandaling nagbago ngunit wala lang ito sa mga tao.

Buksan mo na ang iyong mata’t samahan mo ako kahit na tayo’y nakakulong sa itim na abstratong kawalan.

Mayroon ditong mga salamin na magkatapat sa iyong kaliwa’t kanan, kaya halika, dumaan sa gitna, para mas mapalawig ko pa itong kaisipan.

Hindi mo rito makikita ang iyong repleksyon, tanging mga memorya lang sa buhay ng katapatan. Ipinakikita ng karaniwang salamin sa totoong buhay ang pisikal nating katangian, ngunit bahagi lang iyon ng mas malaking katotohanan.

Kung titignan mo ang iyong sarili sa mga salamin dito, ito ang mundong kaya mong sabayan. Ang katauhan ng pagkilala’t pagkahilig, ang magulong habang buhay na perpekto at sa iyo’y sumasang-ayon.

Hindi ito ang iyong maaabot kung mababaliwala ang sinimulan mo. Ang pagbabago’y laging nariyan ngunit sa iyong pagkilos, ito’y magiging kongkreto. Kapag napatibay mo na ang iyong pundasyon na abutin man ng taon at linggo, Hindi ba masarap sa pakiramdam na minahal mo ang sarili mo?

Sa labas ng isang kawalan na walang kahulugan, tayo lang ang makapupuno ng laman nito.

Sa pagbuo ng iyong pagkatao, nakikihalubilo ka na sa kahit sino. Kahit sa mga mata ng isang maliit na grupong malapit sa’yo, ika’y maayos at totoo.

Dahil hindi mahalaga ang resultang minamadali mo bagkus ang paglalakbay na kalakip ng pagkatuto.

Walang dalisay sa mundo at ito’y isang ‘di matigil-tigil na bisyo kaya pagbabago ang magbibigay depinisyon sa tao.

Hindi natin maaabot ang buhay na perpekto dahil tayo’y may kanya-kanyang interpretasyon sa pagbabago.

III

paham ang PANITIKAN 12
PISO
MA. ROWELA HEART PINEDA JEANINE CIELSEY REVAULA
Perpektong
Pagbabago
RAFAEL QUILLING
DENISE DE VERA JET ALIWANAG RIYANNA DACASIN DENISE DE VERA JULIANNA MALABAYABAS
ASHANTI LEONARDO JET ALIWANAG

SCIENCE KONEK

Laban kontra Climate Change, binigyang diin sa naganap na Youth Summit

Unity in Sustainability: Environment, Social, and Governance. Ito ang naging sentro ng Youth Summit na isinagawa ng ScienceKonek sa F1 Hotel Manila, Bonifacio Global City, Taguig City noong Pebrero 11, 2023.

Isa ang ‘Ang Paham’, ang opisyal na pahayagang Filipino ng Las Pinas City National Science High School, sa mga napaunlakan bilang maging student media partner ng isinagawang Youth Summit. Katuwang ang iba’t ibang organisasyon, institusyon at mga ahensya ng pamahalaan. Matagumpay na naidaos ang nasabing pagpupulong na nilahukan ng mga Earth Science student leaders at advocates mula sa Luzon, Visayas at Mindanao. Kasama rin sa dumalo ang ilang mga opisyales ng gobyerno,mga kilalang personalidad at marami pang iba. Ilan sa mga tinalakay ay ang mga problemang nararanasan natin partikular na ang isyu ng Climate Change.

Isa ang Carbon emission, resulta ng pagsusunog ng mga fossil fuels tulad ng uling, dahon ng puno, natural gas, oil, at mga kagamitang gawa sa kahoy ang nabigyan ng pokus sa presentasyon ni Miss Earth

2017, Ambassador for the World Wide Fund for Nature Philippines (WWF PH) at Youth Ambassador Bb. Karen Ibasco. Ayon sa kanya, bukod sa mga human activities, malaki ang parte ng Carbon emission sa paglala ng Climate Change. “Fossil fuels are coal, oil, natural gases, and so on, so once you burn them you actually creates so much carbon in the atmosphere and you increase the greenhouse gasses in the atmosphere. That causes so much

Cleanest Classroom Contest, pinasinayaan ng YES-O

Opisyal nang inilunsad ng Youth for Environment in Schools Organization (YES-O), ang proyektong ‘Cleanest Classroom’ sa Las Piñas City National Science High School (LPCNSHS) nitong Marso.

Unang inanunsyo ng organisasyon ang magiging patakaran sa patimpalak noong Marso 14 2023 kung saan kanilang ginawaran ng parangal na “Cleanest Classroom of the Month” ang anim na pangkat mula sa iba’t ibang baitang na nakapag-panatili ng pinaka malinis na silidaralan sa buong buwan ng Marso.

Ilan sa mga pangkat na kinikilala ay ang pangkat Bravery ng ika-pitong baitang, Connection ng ika-walong baitang, Family ng ika-siyam na baitang at pangkat Fortitude para naman sa ika-10 baitang. Samantala, nagwagi rin ang pangkat Altruistic ng ika-11 baitang at Generosity ng ika-12 baitang.

Ayon sa mga kasapi ng nasabing organisasyon, ang buwan ng Marso ay ang simula ng tagsibol o spring season sa maraming bansa. Ito ang nagsisilbing hudyat sa tinatawag na “spring cleaning” kung saan isinasagawa ang masinsinang paglilinis upang makaiwas sa allergies na dala ng mga bagong sibol na halaman at pollens. “As we consider our classrooms as our second home we should start cleaning for the best day-to-day moments in our school year,” saad pa nila.

Napatunayan sa ilang mga pag-aaral na isinagawa sa Canada at U.S. na ang kalinisan sa silid-aralan ay mayroong direktang epekto sa kalusugan at academic performance ng mga mag-aaral.

Sa pahayag ng nasabing organisasyon, layunin ng proyektong ito na hikayatin ang mga mag-aaral na isabuhay ang isa sa tatlong core values ng DepEd–ang pagiging makakalikasan. Bukod pa rito, adhikain din nito na ipagpatuloy ang disiplina sa kalinisan ng bawat pangkat.

Bilang pagpapatuloy sa proyekto, nitong Abril muling kinilala ang mga seksyon na nakapagpanatili ng kalinisan sa kanilang mga silid sa buwan na iyon.

Ginawaran ng “Cleanest Classroom of the Month” award ang pangkat Accountability ng ika-pitong baitang, Connection ng ika-walong baitang, Faith ng ika-siyam na baitang at hindi rin nagpahuli ang pangkat Commitment ng ika-10 baitang.

Inaasahan ng organisasyon na magpapatuloy ang inilunsad na proyekto hanggang sa pagtatapos ng taong panuruan 2022-2023.

Hinihikayat naman ang bawat isa na makilahok upang mapanatili ang kaayusan at kalinisan sa lahat ng silid-aralan ng LPCNSHS.

heat to be trapped in the planet,” saad ni Bb. Karen

Dagdag pa rito, tinalakay din ng

Founder ng Communities Organized for the Resource Allocation (CORA) at United Nations Environment Programme (UNEP) Goodwill Ambassador na si Bb. Antoinette Taus ang mga negatibong epekto ng mga plastic at food waste sa ekonomiya, biodiversity at kalusugan.

“I was so shocked to find out that food waste is actually the third largest greenhouse gas emitter in the world,” wika ni Bb. Antoinette Taus. Sa Pilipinas, tinatayang umaabot sa 1,717 metric tons ng food waste ang nakokolekta bawat araw. Ito ay base sa datos na inilabas ng Department of Science and Technology-Food and Nutrition Research Institute (DOSTFNRI).

Bilang tugon sa lumalalang krisis na pangkalikasan, ibinida naman ng mga nabanggit na organisasyon ang ilan sa kanilang mga programa at kampanya na inilunsad upang labanan ang climate change. Isa na rito ay ang “Ayoko na Plastik Movement” ng WWF PH. Layon ng programang ito na limitahan ang paggamit ng mga singleuse plastics.

Bukod pa rito, nagkaroon din ng partnership sa pagitan ng United States Agency for International Development (USAID) at CORA, ito ang “Clean Cities, Blue Ocean” kung saan adhikain nitong tanggalin ang mga plastik sa katubigan lalo na sa mga lugar ng Manila Bay, Philippine Sulu at West Philippine Sea.

“What we can do is to start changing our ways, to start recalibrating our minds and redirecting ourselves because together as a global community our micro efforts will have a macro effect to help save our home and our planet.” pahayag ni Bb. Karen Ibasco.

Plastic Bottle Recycling, muling inilunsad ng YES-O

Upang makatulong sa pagpapanatili ng kalinisan sa eskwelahan at maisulong ang proseso ng recycling sa paaralan, muling inilunsad ng Youth for Environment in Schools Organization (YES-O) ang kanilang proyektong Plastic Bottle Recycling sa Las Piñas City National Science High School (LPCNSHS) noong Agosto 2022 matapos ang dalawang taong pagkakatigil nito dulot ng pandemya.

Ang YES-O ay isang school youth organization na naglalayong isulong ang mga gawaing patungkol sa environmental protection and conservation. Ito ay pinangungunahan ng kanilang gurong tagapangasiwa na si Gng. Kathleen Joy E. Baja katuwang ang kanilang mga pinuno na sina Sergio Manuel Biglaen mula sa SHS at Andrei Joaquin Paat.

Sa nasabing proyekto, may mga bins na nakalagay sa pagitan ng Aguilar at DepEd Building pati na rin sa canteen kung saan dapat itapon ang mga plastic bottles. Matapos kolektahin ay kanilang pinaghihiwa-hiwalay ang mga parte ng bote tulad ng labels, katawan ng bottle, rings, at caps. Ang mga labels ay tinatapon upang hindi na maging pollutants, samantalang ang mismong bote naman ay pinapadala sa junk shop upang duon ay marecycle.

“Ang prosesong ito ay ginagawa na sa paaralan noon pa man ngunit ngayong pandemya ay nawala na ang bins para sa white papers, at colored papers at natira na lamang ang sa plastic bottles sapagkat bawal na nga ang paglalagay ng trash bins sa kada silidaralan upang maiwasan ang prolonged human contact,” saad ni Gng. Kathleen.

Noong bago pa man magpandemya ay isinasagawa na rin ang nasabing proyekto kung saan lima hanggang walong kilong bote ang narerecycle ng organisasyon. Bukod pa rito, ilan din sa kanilang mga programang inilunsad bago tumama ang COVID-19 ay ang cleanup drives sa loob at labas ng paaralan; pangangasiwa ng cleanest classroom contest; dengue brigade; seedling planting; CD collecting; paglalagay ng ecobox, at signages; at paggawa ng eco bricks.

Para sa taong panuruan 20222023 may mga panibagong planong inihanda ang YES-O, ilan na rito ay ang: Project APABLE (Anti-Plastic Awareness for Sustainable Learning Environment) hangad ng proyektong ito na bawasan ang mga

JANELLA ERIN GUTIERREZ

single-use plastics sa pamamagitan ng paggamit sa mga reusable containers, Tanim para sa Kalusugan Project kung saan muling lilinangin ang garden ng paaralan, at E-Mulat na naglalayong i-promote ang environmental awareness sa mga mag-aaral sa tulong ng mga infographics, at advocacy videos.

Magbabalik din ang ilang mga programa tulad ng KalikaSign na may layuning magbigay kaalaman patungkol sa water at electricity conservation sa pamamagitan ng mga signages; Cleanest Classroom Contest; at Tara, Linis! Program na pangungunahan ng YES-O kasama ang Supreme Student Government (SSG) at Campus Integrity Crusaders (CIC) sa pagsasagawa ng mga clean-up drives.

Para naman sa mga Lapiscians na hindi miyembro ng YES-O, pakiusap ng organisasyon na sumunod sa mga alituntunin at magtapon sa nararapat na tapunan upang makatulong sa pagpapanatili ng kalinisan sa ating mahal na paaralan at upang makaiwas na rin sa sandamakmak na basura na maaaring magdulot ng iba’t ibang mga sakit.

ABEGAIL POLOAN
CHRISTINE AYESSA PADILLA
paham ang AGHAM 13
PAGBABAGO SA PAGMIMINA. Ipinapahayag ni Teodorico Marquez Jr. ng DENR-MGB ang kanyang opinyon ukol sa Sustainable Mining sa Science Konek 2023 na iginanap sa BGC, Taguig, Pebrero 11, 2023. KUHA NI ABBY SOFIA SOLSONA. BOTE MO, I-SHOOT MO! Isang Lapiscian ang naghahagis ng PET plastic bottle bilang pagtangkilik sa BasketBote project ng YES-O ngayong taon. KUHA NI JEMIMAH TRISHNA CORALES.

Upos na kalusugan, hindi sapat na dahilan?

Pagod na ako. Isa marahil sa mga kadalasang namumutawi sa bibig natin ay ang katagang ito. Paano ba naman sa dami ng responsibilidad at tungkulin na kinakailangang gawin ng bawat isa sa atin, hindi kata-takang darating tayo sa punto na bumibigay na ang ating pisikal na pangangatawan at mental na kalusugan. Subalit dahil sa kahusayan at pagsisikap na ating ipinapakita, tila hindi pa rin ito katanggap-tanggap upang humingi tayo ng kaunting pahinga mula sa mga trabaho at gawain na kinakailangan nating gampanan.

Ayon sa World Health Organization ang burnout ay resulta ng matagal ng stress na nararanasan, na siyang talamak at paniguradong kinahaharap ng karamihan. Kadalasan itong nararamdaman kapag masyado na tayong nao-overwhelm sa mga nangyayari sa ating paligid, emotionally drained o hindi na natin kinakaya ang mga problemang pinagdaraanan.

Base sa mga pananaliksik na isinagawa ilan sa mga sintomas ng burnout ay ang pagkapagod, kawalan ng motibasyon na gawin ang iyong trabaho, pananakit ng ulo, kawalan ng kumpiyansa sa sarili at pagdududa sa sariling abilidad o kakayanan. Gayunpaman, sa kabila ng mga siyentipikong pananaliksik, hindi pa rin ito sapat na dahilan upang ilagay ang rason na ‘burnout’ sa ating mga excuse letter na siyang pangunahing requirement kapag tayo ay lumiliban sa klase o trabaho.

Sa inilabas na resulta ng sarbey ng American Psychology Association, sa U.S. umabot sa 1,501 na mga manggagawa o 79% ang nakaranas ng work-related stress. Habang sa Pilipinas, tinatayang nasa 52% ng mga trabahador ang nakararanas ng burnout, ito ay ayon sa inilathalang pagaaral ng Milieu Insight and mental health technology firm Intellect. Higit na mas mataas ng apat na porsyento kumpara sa naitalang datos mula sa Singapore at Indonesia.

Dagdag pa rito, isa rin sa mga nagpapahirap sa bawat estudyante ay ang burnout. Sa dami ba naman ng mga projects, sunod-sunod na reportings, at halos arawaraw na pagsusulit hindi kataka-takang isa sila sa mga nasa unahang linya na maaaring makaranas nito. Subalit nakakalungkot lamang isipin na sa kabila ng mga proyekto na inilulunsad ng DepEd upang isulong ang ‘mental health’

PAGHUPA NG PANDEMYA

COVID-19 ‘di na ‘global health emergency’ - WHO

Opisyal nang idineklara ng World Health Organization (WHO) ang wakas ng COVID-19 bilang isang public health emergency nitong ika-lima ng Mayo 2023, tatlong taon mula nang orihinal itong idineklara noong ika-30 ng Enero 2020.

Nagpulong ang Emergency Commitee ng global health agency at inirekomenda sa United Nations (UN) Organization na wakasan na ang COVID-19 crisis bilang isang public health emergency of international concern o ang pinakamataas na public health alert level.

Ayon sa datos ng WHO, ang COVID death rate ay bumababa mula sa 100,000 katao kada linggo noong Enero 2021 sa 3,500 kada linggo noong Abril 2023 na sinasabing epekto ng laganap na pagbabakuna, pagkakaroon ng access sa mga treatments, at population immunity ng mga nauna nang nagka-COVID.

“It is therefore with great hope that I declare COVID-19 over as a global health emergency,” anunsyo ng WHO Director-General Tedros Adhanom Ghebreyesus. Dagdag niya na hindi ibig sabihin nito ay hindi na dapat

kabaliktaran naman nito ang paraan na ipinapakita ng mga paaralan sa pagtanggap sa konsepto ng ‘burnout’.

Bilang mag-aaral ng isang eskwelahan na ang paniniwala at kaalaman ay nakabase sa Agham. Nakakadismayang isipin na ang pagtingin sa konsepto ng ‘burnout’ ay isang walang saysay na dahilan sa pagliban sa klase. Kaya naman ang iba ay napipilitan na lamang pumasok kahit na unti-unti ng bumibigay ang kanilang katawan sa takot na baka sila ay magkaroon ng mababa o bagsak na grado na siyang maging dahilan upang sila ay magkaroon ng suliranin sa paaralan.

Kaya naman ang tanong ng karamihan, patuloy na lamang ba magiging ganito ang sistema ng ating pamumuhay?

Kapaguran, paghihirap at halos walang karapatan magpahinga?. Ano pang saysay ng mga isinasagawang proyekto’t programa upang labanan ang depresyon at isulong ang ‘mental health’ kung ang konsepto lamang ng burnout ay hirap na silang intindihin? Hanggang kailan ang paghingi ng kaunting araw para makapagpahinga at halos suntok sa buwan kung ibigay?

Tandaan, hindi mareresolba ang isang suliranin kung hindi mismo tatanggalin ang ugat nito. Kung tunay na nais nga ng mga kumpanya, ahensiya ng gobyerno at mga institusyon na bigyang solusyon ang tumataas na populasyon ng mga nakakaranas ng depresyon. Hindi nila ipagdaramot na ibigay ang pahingang hinihiling ng kanilang mga kinasasakupan, sapagkat alam nilang makatutulong ito upang mapabuti ang kalagayan ng mga manggagawa at mag-aaral. Nawa ay dumating din ang panahon na ang pagtingin sa konsepto ng burnout ay hindi lamang isang balahibo na maaaring tanggalin sa damit kung kailan mo gugustuhin. Bagkus, tratuhin bilang isang bagay na maaaring makaapekto sa ating pamumuhay kung hindi agad bibigyang pansin.

Pagrami ng AI, para sa kaunlaran

o kapahamakan?

pang mag-ingat ang mga tao dahil ito ay isa pa ring global health threat na nagawang pumatay ng humigit-kumulang 6.9 milyong katao.

“We can’t forget those fire pyres. We can’t forget the graves that were dug. None of us up here will forget them,” saad din ng technical lead ng WHO na si Maria Van Kerkhove sa isang emosyonal na conference call kung saan nagawa ang desisyon.

Ang pagtatapos din ng emergency ay makaaapekto sa mga international collaboration or funding efforts na dating nakatutok sa pagresolba ng virus. Sa kabila nito, hinihikayat ng WHO ang mga bansa na magnilay at matuto sa mga aral na dala ng pandemya.

“The battle is not over. We still have weaknesses and those weaknesses that we still have in our system will be exposed by this virus or another virus. And it needs to be fixed,” pahayag ng WHO’s emergencies director Michael Ryan.

Kaso ng Dengue, sumipa sa

Pumalo sa walong kaso ng dengue ang naitala sa Las Pinas City National Science High School (LPCNSHS) mula Agosto hanggang Disyembre 2022.

Batay sa datos na nakalap mula sa klinika ng paaralan, karamihan sa mga tinamaan ng dengue ay mula sa mga mag-aaral ng Junior High School, kung saan dalawang kaso ang naitala sa ika-pitong baitang, tatlo sa ika-siyam na baitang, habang dalawa ang naitala sa ika-10 baitang. Samantala, isang kaso naman ang naitala mula sa ika-11 na baitang sa Senior High School.

Ang pinakahuling kaso ay naitala mula sa ika-pitong baitang noong Disyembre 9, 2022, ayon kay Teacher II Jan Marie Daylo, guro mula sa Sangay ng Agham at isang Junior High School Clinic Teacher. Isang araw bago ito maitala, nagkaroon din ng fogging sa paaralan bilang tugon sa pagtaas ng mga kaso ng dengue.

Ayon kay Master Teacher I Reynaldo A. Gayas,

LPCNSHS

koordineytor ng Dengue Brigade sa LPCNSHS, mayroong naitalang isang kaso ng dengue sa paaralan noong unang linggo ng Brigada Eskwela 2022, ngunit walang kasiguraduhan kung sa paaralan ba nakuha ang sakit. Mula sa isang kaso ay umakyat ito papuntang walo sa loob ng humigit-kumulang apat na buwan.

“Noong nagkaroon naman ng case ng dengue ay naglagay tayo ng gamot [insecticide] sa area ng quadrangle, kasi mayroong area d’yan na kung saan, kapag umuulan, ‘yung tubig ay nagiging stagnant d’yan sa area na ‘yan, kaya naglagay tayo ng gamot d’yan na para kung sakaling mangitlog ‘yung lamok, ‘di na sya made-develop into an adult mosquito,” tugon ni G. Gayas tungkol sa mga ginagawa ng paaralan upang maiwasan ang mga kaso ng dengue.

“Aside from that, hinanap din natin yung mga pinamumugaran ng [mga] lamok, pinangingitlugan ng [mga] lamok, at tinanggal natin ‘yon,” dagdag ni G. Gayas.

Ang artificial intelligence (AI) ay ang kakayahan ng isang kompyuter na gumawa ng mga gawaing karaniwang nangangailangan ng human intelligence. Bagaman nakatutulong ang AI sa iba’t ibang sektor, lalo na sa pagautomate ng mga gawain, hindi maikakaila na ito ay may mga masasamang epekto. Ayon sa pag-aaral na inilabas ng International Labor Organization (ILO) noong 2020, karamihan ng mga trabaho sa bansa tulad ng construction worker, domestic cleaner, at salesperson ay nanganganib na maapektuhan sa paglaganap ng digitalization at AI. Kasabay ng paglaganap ng AI ang pag-usbong din ng mga AI-enabled crimes o mga krimeng gumagamit ng AI upang gumawa ng masama. Batay sa isang pag-aaral ng University College London noong 2020, maraming AI-enabled crimes ang maaaring lumitaw at magdulot ng kapahamakan sa Internet sa mga sumusunod na taon. Isa na rito ang pag-iral ng mga deepfakes — mga sintetikong imahe o video na ang layunin ay gayahin ang itsura ng isang indibidwal at makapang-loko — at AI-generated fake news na maaaring gamitin upang manira at magkalat ng maling impormasyon.

Upang masiguradong magagamit ang AI para sa ikabubuti ng mga Pilipino, mahalagang magkaroon ng batas at mga polisiyang mahigpit na magbabantay sa paggamit ng AI sa iba’t ibang sektor ng lipunan. Mahalaga ring magkaroon ng malawakang upskilling sa mga manggagawang Pilipino para mabigyang-pansin ang kasalukuyang digital skills divide sa Pilipinas. Hindi man computer virus ang AI, huwag na nating hintayin na ito ay lubusang makaapekto sa milyun-milyong Pilipino. Huwag nating hayaang gamitin para sa kapahamakan ang isang instrumentong magagamit para sa kaunlaran.

Sa inilabas na artikulo ng World Health Organization noong Enero 2022, isa sa mga senyales ng dengue ang pagkakaroon ng mataas na lagnat na karaniwang sinasabayan ng dalawa pang sintomas, tulad ng matinding pagsakit ng ulo, pagsusuka, pagkahilo, pagsakit ng mga kasukasuan at kalamnan, at dengue rash. Kung magkaroon man ng mga senyales o sintomas tulad ng mga nabanggit, inirerekomendang manatili muna sa tahanan, magpahinga, uminom ng maraming tubig, at ipagbigay-alam ang sitwasyon sa doktor at classroom adviser.

Upang maiwasan ang dengue, hinihikayat naman ni Bb. Daylo ang mga mag-aaral na maglagay ng anti-mosquito lotion bago pumasok at magsuot ng mga mahahabang medyas sa tuwing magsusuot ng palda. Pinapayuhan din ang bawat isa na maglinis ng kanya-kanyang silid-aralan at lumayo sa mga liblib at madamong lugar.

paham ang AGHAM 14
EDITORYAL
ERIN GUTIERREZ HINDI PA TAPOS ANG LABAN. Abala sa pagbili ang mga mag-aaral ng SHS ng pagkain mula sa kantina habang suot pa rin ang kanya-kanyang masks bilang pagsunod sa polisiya ng LPSci. KUHA NI JEMIMAH TRISHNA CORALES.
JANELLA
JAMES DEAN GUMIRAN JET ALIWANAG

PRESKONG PAMUMUHAY NGAYONG TAG-INIT

Bukod sa asul na karagatan at pinong buhangin. Tanyag din ang Pilipinas sa klima nitong tropikal na maaaring ilarawan sa pamamagitan ng mataas na temperatura at mahalumigmig na panahon na nangyayari sa buong taon. Kung pagbabasehan ang Agham isa marahil sa mga pangunahing salik kung bakit natin ito nararanasan ay dahil sa lokasyon ng ating bansa. Kaya naman nang pumasok ang panahon ng El Niño tila ba parang nasa ibang planeta tayo sa tindi ng init na nararamdaman.

Hindi maitatanggi na ang mga mag-aaral ay isa sa mga direktang naapektuhan ng init na ito. Paano ba naman sa isang maliit na silid-aralan na binubuo ng mahigit 40 estudyante, tanging apat hanggang limang electric fan lamang ang nagpapaikot at nagbibigay hangin sa loob ng silid.

Kaya naman babala ng mga eksperto na maaaring magdulot ng negatibong epekto ang labis na init ng panahon sa ating pangangatawan. Ilan na rito ay ang mga sakit tulad ng sore eyes, ubo, sipon, sakit sa balat, diarrhea at marami pang iba.

Subalit huwag kayong mangamba! Narito ang ilan sa mga paraan na aming nasaliksik kung paano mapangangalagaan ang katawan mula sa init na ating nararanasan.

1.) Manatiling hydrated

Uminom ng maraming likido, partikular na ang tubig, upang manatiling hydrated. Iwasan ang mga matatamis at may caffeine na inumin dahil maaari magdulot ito ng dehydration. Ugaliin din ang pagdadala ng sariling lagayan ng inumin at ugaliin ang pag uminom nang madalas.

2.) Maghanap ng malilim at malamig na kapaligiran Kapag ikaw ay nasa labas, humanap ng malilim

ng aircon at gumamit ng mga bentilador o gumawa ng cross-ventilation sa pamamagitan ng pagbubukas ng mga bintana at paggamit sa natural na simoy ng hangin.

3.) Orasan ang aktibidad na panlabas Magplano ng mga aktibidad sa labas ng tahanan sa mas malamig na oras ng araw, tulad ng bago pa sumilip ang araw sa umaga o kapag nakalubog na ang araw sa hapon. Ito ay makatutulong upang mabawasan ang panganib ng mga sakit na dala ng init.

4.) Gumamit ng mga panangga sa araw Ugaliing maglagay ng sunscreen na may mataas na SPF (Sun Protection factor) sa tuwing ikaw ay lalabas na tirik ang araw upang maprotektahan ang iyong balat mula sa mapaminsalang UV rays. Panatilihing magsuot ng malapad na sumbrero, salaming pang-araw, at gumamit ng mga payong bilang panangga.

5.) Laging tingnan ang mga pagtataya ng panahon

Manatiling updated sa mga pagtataya ng panahon at mga paalala tungkol sa init na ibinibigay ng mga lokal na awtoridad. Sapagkat ang mga impormasyong ito ay makatutulong na planuhin ang iyong mga aktibidad at gawin ang mga kinakailangang pag-iingat.

6.) Kumain ng magagaan o sariwang pagkain Ugaliing kumain ng mga mga nakakapreskong pagkain tulad ng mga prutas at gulay. Iwasan ang mabibigat, mamantika, at maanghang na pagkain na maaaring mag pataas ng metabolic heat production sa ating katawan.

Paalala naman ng mga eksperto na agad na humingi ng medikal na atensyon kung nakararanas ng mga sintomas ng heat exhaustion o heatstroke. Tulad ng pagkahilo, mabilis na tibok ng puso, pagduduwal, pagkabalisa, at panghihina.

Mahalagang tandaan din na ang mga karanasan at opinyon tungkol sa nararamdamang

Madalas nating nararanasan ngayon ang pagbuhos ng malakas na ulan sa kabila ng tirik na araw at matinding init ng panahon. Isa lamang ito sa senyales na ang ating mundo ay nakararanas ng Climate change o abnormal na pagbabago ng klima katulad ng matinding pag-init o paglamig nito.

Labis na tayong naaapektuhan nito kaya hindi natin ito dapat ipagsawalang bahala.

Hindi lamang dito nalilimita ang mga epekto ng Climate change, nagdudulot din ito ng sumusunod:

Kumpara sa tag-init na nararanasan noon, mas mahaba ito ngayon at mas mataas ang temperatura. Bilang resulta, natutuyo ang mga lupa at nawawalan ng pakinabang sa pagsasaka. Kaya naman, ginagastusan ito ng mas malaking patubig upang mataniman.

Palakas nang palakas ang mga bagyong nararanasan natin kumpara sa mga bagyong tumama noon. Kaya naman mas mahirap na bigyang aksyon dahil nagdudulot ito ng pagbaha na lagpas pa sa ikalawang palapag na bahay. Mas madaming apektadong lugar, kaya mas madami ang nasasawi dahil dito.

Ngayong pandemya, itinataas ang alerto ng mapanganib na COVID-19 virus lalo na ngayong mainit ang panahon. Mas madaming kaso ng positibo rito dahil mainit ang panahon at mas madaling dumapo ang

4. Pagkasira ng mga tirahan ng iba’t ibang organismo Dulot ng mga kalamidad na tumatama, nasisira ang mga gubat na pinaninirahan ng maraming hayop. Namamatay din ang mga coral reefs kaya nababawasan ang mga isdang nabubuhay dahil wala na silang

Ngayong nakararanas na tayo ng epekto ng climate change,

init sa Pilipinas ay maaaring iba-iba base sa mga indibidwal at rehiyon sa loob ng bansa. Ang mga lokal na salik, gaya ng geograpikal na lokasyon at altitude, ay maaaring maka-impluwensya sa intensidad ng init na nararanasan.

Ngayong panahon ng tag- init mahalagang alagaan natin ang ating mga sarili. Sa pamamagitan ng pagsunod sa mga tips na ibinigay maaari itong magsilbing gabay upang magkaroon ka ng preskong pamumuhay.

dapat ay lalong mamulat tayo na kailangan at maaari natin itong masolusyonan sa pamamagitan ng mga sumusunod:

1. Pagtitipid ng kuryente:

Isa sa mga malalaking kontributor ang usok mula sa paggamit ng langis para sa produksyon ng kuryente. Kaya naman makatutulong tayo kung magtitipid tayo sa pagkonsumo. Maaaring palitan na natin ang ating mga bumbilya sa LED at kung bibili man ng kagamitan sa bahay dapat ay iyong mababa lamang ang konsumo. Kung hindi naman kinakailangan na matuyo agad ang damit, hayaan na lamang itong nakasampay kaysa gumamit ng dryer.

2. Iwasang manakayan o gumamit ng sariling sasakyan kung malapit lang ang pupuntahan:

Kung hindi nagmamadali at kayang lakarin o pumunta sa patutunguhan na naka bisikleta, huwag na tayong manakayan o huwag na nating gamitin ang ating sariling sasakyan upang mabawasan ang usok na ibinubuga ng mga transportasyon sa kalsada na siyang may malaking kontributor sa paglala ng climate change.

3. Huwag magsayang at magtapon ng pagkain:

Kung sinasayang lamang natin ang mga pagkain ay para na rin natin sinayang ang ginamit ng enerhiya para sa produksyon nito. Maging matalino dapat tayo sa pagbabadyet sa bibilhing pagkain, dapat ay iyong sakto lamang at hindi sobra. Kung puro lamang tayo tapon ng pagkain, nagiging kontributor ito ng methane,isang greenhouse gas na nakadadagdag sa paglala ng climate change.

4. Sundin ang 4R’s (Reuse, Reduce, Recover, and Recycle): Katulad ng ating pagtitipid sa pagkain, dapat din tayong magtipid sa kagamitan dahil ginagastusan din ito ng enerhiya. Kung maaari pa itong magamit muli o hanapan ng gamit sa ibang pamamaraan ay dapat hindi pa natin ito itapon basta-basta.

Hindi tayo dapat na magpakampante dahil hindi lamang ang henerasyon natin ang maaapektuhan nito, kung hindi ang kinabukasan ng ating magiging pamilya. Sa kabila ng pag-aalaga natin sa sarili ay huwag din nating kalimutang alagaan ang ating kapaligiran. Kaya naman bago pa tuluyan nang hindi matirhan ang ating mundo, sundin natin ang mga aksyon na dapat nating gawin upang masolusyonan ang paglala ng climate change.

paham ang AGHAM 16
NGAYONG TAG-
BASANG PANAHON
lARAW
JAZMIN BALTAZAR JENINA BALDEDARA DENISE DE VERA RIYANNA DACASIN

INTRAMS 2023: Nasaan na?

Sa kabila ng oras at panahon na nasakop ng pandemya, isang palahok na matagal nang inaabangan ng maraming estudyante ang pagkakaroon ng Intramurals. Layunin ng isang paaralan na magsagawa ng Intramurals taontaon upang makapili ng mga mahuhusay na manlalaro sa iba’t ibang larangan ng isports upang ipaglaban sila sa mga kompetisyon tulad na lamang ng Cluster Meet. Ngunit, ano nga ba ang dahilan kung bakit pinalawig ang palahok na ito at nagkaroon ng limitadong impormasyon sa mga anunsyo hinggil sa pagdaraos ng Intramurals sa Las Piñas City National Science High School (LPCNSHS) ngayong taon?

lamang ang Intramurals ng Senior High School (SHS) ng LPCNSHS.

Kalakip nito, hindi matutuloy ang Intramurals ngayong taon marahil sa idineklarang memorandum ng Division Office na isinatupad nitong Pebrero 17,18, at 19 kung saan ito ay ginanap sa Biyernes, Sabado, at Linggo. Ayon pa kay Ginang De Vera, mahigit 60 na estudyante ng ika-11 na baitang ay hindi available sa mga araw na iyon sapagkat sila ay naghahanda sa nalalapit na Division Schools Press Conference (DSPC). Kasabay nito, ang ilan sa kanila ay magsisimula sa kanilang academic review sa mga nasabing araw kung kaya’t napagdesisyunan na ikansela na lamang ang Intramurals ngayong taon sa mga kadahilang ito.

"

Hindi pa naman ito ang katapusan para sa mga Lapiscians

Kagitingan ng Kababaihan, Bakas sa Kasaysayan

MACKENZIE TATEL

Madalas na naiuugnay ang larangan ng isports sa mga kalalakihan marahil sa kinakailangan na likas na lakas at tikas ng katawan. Ngunit sa makabagong panahon ngayon, nabibigyang-pansin na rin ng taong-bayan ang kahusayan ng mga kababaihan na kaya rin nila magpakitang-gilas at makipagsabayan sa iba’t ibang isports. Kabilang na rito sina Hidalyn Diaz, Margielyn Didal, Olivia “Bong” Coo, at iba pang mahuhusay na babaeng manlalaro na ginawaran ng samu’t saring gantimpala at parangal mula sa iba’t ibang patimpalak na kanyang sinasalihan. Ngunit, napapaglaanan ba ng sapat na pagkilala ang mga Pinay na atleta sa kanilang mga pagtatagumpay sa karerang pampalakasan?

Hindi matatawaran ang kakayahan ng mga Pinay na atleta na sumungkit ng karangalan sa bansa. Bitbit ang karanasan at talento, namumukadkad ang kani-kanilang karera sa larangan ng iba’t ibang isports. Ang ipinamalas nilang husay sa kanilang larangan ay nararapat na magsilbing kamulatan sa sambayanan upang bigyan ng suporta at pagpapahalaga ang ating mga Pinay na atleta. Sa panahon kung sila ay aalayan ng sapat na pagkilala, tiyak na mas lubos na mahahasa ang kanilang mga talento upang bumulsa ng karangalan para sa Pilipinas.

Isang ehemplo nito ay si Hidilyn na noong una ay nagsasanay lamang sa isang simpleng gym sa kanilang probinsya. Kung ang iba pang babaeng atleta katulad ni Hidilyn na may angking kakayahan at kahusayan sa larangan ng weightlifting ay mabibigyan ng sapat na suporta sa kanilang pagsasanay, tiyak na aangat ang bansa at masungkit muli ng ginto. Bunsod nito, napatutunayan ng mga Pinay na atleta na hindi lamang ang mga lalaki ang may kakayahang makipagbakbakan sa entablado ng mga internasyonal na kompetisyon sa larangan ng mabibigat na isports tulad ng weightlifting kaya ito ang dapat pagtuunan ng pansin.

Karapat-dapat lamang na mas pagtuunan ng pansin ang mga babaeng atleta na may malaking kontribusyon sa kasaysayan ng isports upang ibandera ang Pilipinas. Marami pang sektor ng isports ang mas kinakailangan ng suporta mula sa gobyerno tulad na ang ating mga Pinay na atleta upang mas malayo ang kanilang mararating sa larangan ng isports. Mahalaga na maging inklusibo at bukas-palad ang mga namamahala sa mga atletang Pilipino upang maging daan sa mga oportunidad na maipapamalas sa internasyonal na entablado ang talento at kahusayan ng mga babaeng atleta.

Sa pag-iisip na ito, mapapaunlad natin ang larangan ng pampalakasan para sa lahat ng mga atleta sa Pilipinas, lalo na sa ating mga babaeng atleta. Maaari nating pukawin ang mga kababaihan na manindingan at pagtagumpayan ang kanilang mga laban sa nasyonal at internasyonal na entablado kung susubukan nating baguhin ang ating mga paraan sa kung paano natin tratuhin ang ating mga atleta. Ang pagkilala sa kanila ay mahalaga para sa pagpapabuti ng isports sa Pilipinas at mag-iwan ng makabuluhang bakas sa ating kasaysayan.

Ngunit sa panahon ngayon na ipinagdidiriwang ang pagbubukas ng buwan ng MAPEH ay wala pa ring opisyal na anunsyo ukol sa pagsasagawa ng Intramurals sa LPCNSHS. Mahihinuha sa isang manlalaro ng Intramurals ngayong taon na nabalitaan niya kay Ginang Angel De Vera, organizer ng LPCNSHS–Senior High School Intramurals, na hindi matutuloy ang naturang palahok dahil sinubukan nilang ihabol ang oras at panahon ngunit walang angkop na araw upang ipagpatuloy ang paligsahan na ito. Idinagdag pa rito na maaaring ituloy ang Intramurals ng Junior High School (JHS) at kanselado

Sa mga nakalap na impormasyon, masasabi na hindi talaga preparado at planado ang administrasyon na humahawak sa pagpapatupad ng Intramurals sapagkat mahabang oras na ang nakalipas ngunit kahit ang mga guro na nangangasiwa sa naturang palahok ay hindi sigurado sa gaganaping paligsahan na ito. Kung matatandaan, halos dalawang taon nasa online na setup ang paraan ng pagaaral ng mga estudyante at hindi posible na magkaroon ng pisikal na Intramurals dahil sa restriksyon dulot ng pandemya. Sa kadahilanang ito, naurong din ang pagimplementa ng paligsahan na ito na ginaganap dapat tuwing buwan ng Agosto.

ASHANTI LEONARDO

Talaga namang nakakapanghinayang isipin na kanselado ang Intramurals ngayong taon lalo’t na nagsimula muli ang face-to-face classes sa LPCNSHS. Ang Intramurals ay naging bahagi na ng kultura ng LPCNSHS kung saan pinagbuklod-buklod nito ang mga mag-aaral upang sumikap na masungkit ang tagumpay. Subalit ganito man ang kinalabasan, hindi pa naman ito ang katapusan para sa mga Lapiscians, mayroon pang susunod na taon upang maisakatuparan ito na walang hadlang. Nawa’y sa susunod na ipapatupad ang palahok na ito, ay mapaglaanan ito ng sapat na panahon, pondo, at pagsisikap nang sa gayon ay magkaroon ng matagumpay na Intramurals upang ipagbunyi ang diwa ng pagkakaisa.

Pondong Kulang,

Matinding Hadlang

MACKENZIE TATEL

Matagal nang kilala ang Pilipinas sa madamdaming kultura ng palakasan, na may mga mahuhusay na atleta na umuusbong mula sa iba’t ibang sulok ng kapuluan. Mula sa boksing hanggang sa basketball, ang bansa ay gumawa ng mga kahanga-hangang atleta na gumawa ng kanilang marka sa internasyonal na entablado. Gayunpaman, sa likod ng kinang at kaluwalhatian ay namamalagi ang isang malupit na katotohanan—hindi sapat ang pondo upang masuportahan nang sapat ang ating mga atletang. Ang isyung ito ay hindi lamang nagpapahina sa kanilang potensyal kundi nakahahadlang din sa kakayahan ng bansa na maging mahusay sa mundo ng palakasan.

Ito na ang angkop na panahon upang bigyan ang mga Pilipinong atleta ng suporta at pondo

Mahalagang kadahilanan na nag-aambag sa hindi sapat na pondo para sa mga atleta ay ang hindi sapat na alokasyon mula sa badyet ng gobyerno. Ang kaunting pondong inilalaan ay kadalasang naglilimita sa mga pagkakataong magagamit para sa pagsasanay, pagtuturo, at pagbibigay ng mga kinakailangang mapagkukunan para umunlad ang ating mga atleta. Ang kakulangan ng suportang pinansyal ay may direktang epekto sa pagaccess ng mga atleta sa mga kalidad na programa sa pagsasanay at mga kawani ng suporta, na pumipigil sa

kanila na maabot ang kanilang buong potensyal. Sa kasamaang palad, sa Pilipinas, ang sponsorship sa isports ay nananatiling limitado, lalo na para sa hindi tradisyunal o hindi gaanong kilalang sports. Bagama’t ang mga sikat na isports tulad ng basketball ay tumatanggap ng samu’t saring suporta at sponsorships, ang ibang mga disiplina ay naiwan lang para sa kanilang mga sarili. Ang kakulangan ng investment sa ating mga atleta ay lalong naghihigpit sa mga oportunidad na magagamit, na nagpapahirap sa kanila na ituloy ang kanilang mga pangarap at kumatawan sa bansa sa mga internasyonal na kompetisyon.

Gayunpaman, maraming natatanging talento sa iba’t ibang disiplina ng isports ang matatagpuan sa bawat sulok ng ating bansa. Ang iba’t ibang institusyong pang-isports ay nagpupumilit na patuloy na makamit ang kahusayan ng ating mga atleta upang makarating pandaigdigang yugto. Sa ganitong pamamaraan, nabibigyan pa rin ng suporta ng ating gobyerno ang ating mga atleta sa halip na maliliit pa ang kanilang hakbang tungo sa pagsuporta sa mga Pilipinong atleta.

Ang talamak na kakulangan ng suportang pinansyal para sa mga atleta ay isang nakasisilaw na isyu na dapat matugunan nang madalian. Sa pamamagitan ng pagbibigay-priyoridad sa pagpopondo sa isports, ang gobyerno at mga stakeholders ay maaaring magbigay ng daan tungo sa isang mas maliwanag na kinabukasan para sa mga atletang Pilipino, paggamit ng kanilang talento, pagpapaunlad ng kanilang kakayahan, at pag-usbong sa napakalaking benepisyo sa ekonomiya na maidudulot ng isang umuunlad na industriya ng palakasan. Ito na ang angkop na panahon upang bigyan ang mga Pilipinong atleta ng suporta at pondo nararapat para sa kanila. Kung kaya’t ito’y maaaring magsilbing pagkakataon na maiposisyon ang ating bansa bilang isang mabigat na puwersa sa pandaigdigang mundo ng isports.

paham ang ISPORTS 17
ISPORTS EDITORYAL
"

TULOY TULO Y LANG

Nitong nakaraan lang ay pinagharian ng Las Piñas City National Science High School (LPSci) ang 2023 DanceSport Competition sa Cluster Meet sa pangunguna ni G. Peter Bangug na tumayong coach ng mga estudyanteng kalahok. Sa loob lamang dalawang buwang pagsasanay ay naharbat nina Arvin Padilla at Ysabelle Estrada ang ginto sa kategoryang Modern-Standard, samantalang nasungkit naman nina Matthew Mangulabnan at Kadine Valdez ang ginto sa Latin. Hindi lang ito ang kauna-unahang beses na nagpadala ang LPSci ng kalahok sa mga nabanggit na paligsahan kundi ito rin ang unang pagkakataon na nakasali si G. Bangug sa ganitong patimpalak bilang coach. Unang apak

Bata pa lamang ay kinahiligan na ni G. Bangug ang pagsasayaw. Sa katunayan ay na sa elementarya pa lamang siya noong una siyang tumapak sa dance floor, kung saan natutuhan niya ang Latin. Hanggang sa college ay tinahak niya pa rin ang dancesport. Nakapagtapos siya bilang Bachelor of Physical Education Major in School Physical Education sa Cagayan State UniversityCarig Campus. Ayon pa sa kaniya, ang unibersidad na ito raw ang humubog sa kaniyang talento sa pagsasayaw at naging dahilan din kung bakit napagtanto ni G. Bangug na ang dancesport ay bahagi na ng kaniyang buhay.

Pag nadapa, bumangon ka

Tila ang mga katagang ito ang itinatak ni G. Bangug sa kaniyang isip sa pagpapasya sa kaniyang mga hakbangin sa buhay. Kahit na marami na kasi siyang karanasan sa dancesport ay hindi kailanman nakapag-uwi ng karangalan sa pagsasayaw si G. Bangug. Ngunit hindi ito naging dahilan upang itigil niya ang pagsasayaw. Bukod pa rito, sa unang subok niya na maghanap ng trabaho bilang guro sa Las Piñas noong taong 2020 ay hindi siya natanggap. Pero muli siyang sumubok at mapalad na nakakuha siya ng trabaho bilang guro sa LPSci.

ADHIKAING MAGPALIPAD

sa Atletang Lapisyano

“Pangarap kong manalo,”

Ito ang sambit ni G. Bangug sa isang panayam bago sumabak sa kompetisyon ang kaniyang mga estudyante. Isang mag-aaral sa sekondarya noon si G. Bangug nang una siyang makasali sa isang patimpalak sa DanceSport ngunit sa kasamaang palad ay hindi siya nagwagi. Kaya naman ganoon na lang ang kaniyang galak nang sa wakas ay nanalo na siya kahit na bilang coach at hindi bilang mananayaw.

‘Wag lang puro isip

Ang pagtutuon ng pansin sa iba pang aspeto ng mga magaaral ay isa sa mga adbokasiya ni G. Bangug. Kilala ang LPSci pagdating sa mga paligsahan sa Math, Science, at Journalism. Subalit para maging holistiko ang pagkatuto ng mga mag-aaral ay ibinahagi at patuloy na binabahagi ni G. Bangug ang kaniyang talento. Sa ngayon, walang sawang tinuturuan ni G. Bangug ang mga mag-aaral na nais ding kumatawan para sa LPSci sa larangan ng dancesport.

Hindi palpak

Marami sa atin ay malamang sumusuko na sa ating mga ginagawa lalo na kung hindi naman tayo nakakikita ng magandang resulta. Ngunit, pinatunayan ng kwento ni G. Bangug na dapat lang na huwag tayong mawalan ng kumpiyansa kung hindi kaagad tayo nakatatanggap ng magandang resulta. Ang pinakamahalaga sa lahat ay masaya tayo sa ating ginagawa at ang tagumpay ay kusang lalapit sa atin. Tuloy tuloy lang! Ikaw ay magtatagumpay din, lalo sa mga pagkakataong hindi mo inaasahan.

“Mahalaga na iangat ang mga Lapiscians pagdating sa larangan ng isports.”

Iyan ang mga salitang ibinitaw ng Las Piñas City National Science High School (LPSci) Men’s Volleyball team Coach na si Ariel Delos Santos sa isang panayam matapos ang isang Semi Finals finish ng naturang paaralan sa nakaraang Cluster Meet.

Pinagmulan na hindi malilimutan.

Nagsimula ang angking kaalaman ng guro sa larangan ng volleyball sa pagtungtong niya ng High School matapos makasali sa kanilang Volleyball team. Mula rito, nagsimula na ang kaniyang pagmamahal sa paglalaro ng isports.

Hitik sa mga ginintuang karanasan.

Gamit ang kaniyang mga karanasan mula sa kaniyang pagkabata, kinuha niya ito sa bilang kalakasan sa pag-gabay ng mga magaaral na atleta ng LPSCI. Dahil dito, kilala siya ng mga mag-aaral na isang guro na may angking kagalingan sa maraming isports at unti-unting nagiging aktibo sa mga kompetisyon, sa loob at labas ng paaralan. Ramdam niya rin ang pagkasabik ng kaniyang puso nang ihandog sa kaniya ang posisyon bilang Coach ng mga manlalaro ng volleyball ng LPSCI, lalo na’t isa ito sa mga unang palaro pagkatapos ng pandemya.

“Siyempre naging excited at masaya nu’ng binigyan ako ng pagkakataon na maging coach para ma-develop at ma-train ang mga players sa volleyball pagkatapos ng pandemic” ani, Delos Santos.

“Hindi lamang sa pampalakasan ng katawan kundi sa kalakasan ng isip”

Bantog ang mataas na paaralang pang-agham ng Las Piñas sa mag-aaral na may maliwanag na katalinuhan ngunit, sa larangan ng pampalakasan, tila’y baluktot ang storya. Kung kaya’t ikinatuwa ni Coach Delos Santos ang paggamit ng mga atletang Lapisyano sa kanilang matalas na kokote sa kanilang mga laro laban sa isa sa mga pampublikong paaralan ng Las Piñas.

Balakid ay wawasakin.

Sa likod ng kanilang pagkapanalo, mistulang nagpakawala ng matulin na ispayk ang mga atleta sa mga hamong dinaranas nang magawang mag ensayo para sa nararating ng Cluster Meet at ipinamalas ang pagiging masunurin sa kabila ng higpit ng oras sa pageensayo, mga gawaing pang-akademiko, at ang “no disruption of classes” policy na mahigpit na ipinatutupad ng dibisyon.

Ngiti sa taas ng net.

Palagi-laging ipinapabatid

sa pagrepresenta ng paaralan at ng cluster ang pagtatapos sa istorya ng mga manlalaro, nakatatak na sa isip ni Coach Delos Santos ang kanilang gitgitang laban sa Semis at iyon lamang ang nais niya sa mga manlalaro, ang magpamalas ng isang magandang laban at magpanatili ng dangal sa pagkaranas ng pagkatalo. Bagaman bigo na maihatid ang panalo sa Cluster meet, naiukit na ng coach sa mga Lapisyano na hindi siya naghahangad na sungkitin ang panalo dahil sa kakulangan at dami ng hadlang sa kanilang paghahanda. Bagkus, nung sila ay nakakamit ng isang panalo, abot-taingang tuwa ang nakapinta sa mga mukha ng mga batang balebolista.

Pagbubukas ng kurtina sa bagong duluhan.

Ang kanilang pagkabigo ay nagsisilbing paalala sa mga naghahangad na atletang Lapisyano na hindi lamang ang kagalingan sa pang-akademiko ang handog ng paaralan. Kundi mga guro, tulad na lamang ni Coach Ariel Delos Santos, na pabagsakin ang paniniwala na ang mga Lapisyano ay mayroong pangbrusko sa larangan ng isports sa halip na talas lamang ng isip.

paham ang ISPORTS 18 ISRAFIL VIRAY

PAGSIBOL NG ISANG DINASTIYA

Sibol Mobile Legends team, nilampaso ang Malaysia para sa pangatlong ginto, 3-0

PARA SA GINTO

Gilas Pilipinas, pinatumba ang Cambodia sa SEA Games 2023, 80-69

Pinabagsak at pinawalang bisa ng Gilas Pilipinas ang depensa sa loob ng mga nagtataasang miyembro ng Cambodia matapos makamit at ibalik ang ginto para sa Pilipinas sa nakaraang Southeast Asian (SEA) Games 2023 Men’s 5x5 Basketball event na ginanap sa Morodok Techo National Stadium sa Phnom Penh, Cambodia nitong May 16, 80-69.

Pinasiklab agad ni Justin Brownlee ang magandang opensa ng Gilas sa unang quarter ng laban matapos magpakawala ng mga behind-the-back at cross court passes, pinahulog niya pa ang mga tira nina Marcio Lassiter at Cristopher Newsome upang maidikit ang kalamangan ng Cambodia sa isa, 21-22.

Hindi naman inalintana ng Gilas ang laki ng diperensya sa laki ng kanilang kalaban at ipinamalas ang mahusay na opensa sa loob ng paint at sa mga salaksak na siyang nagpasimula ng 14-2 run sa pangunguna pa rin nina Lassiter na nagtala ng 10 puntos at Brownlee na kumana naman ng 23 puntos, pitong rebounds at apat na assists, 44-33.

Sinunggaban naman ng Gilas ang tyansang makabawi sa malaking kalamangan ang Cambodia nang ipinagpatuloy ni CJ Perez ang kaniyang maliliksing layups at jumpers at kumolekta ng siyam na puntos na sinundan naman ni Chris Newsome at kumana ng 16 puntos

Sinabayan naman ni Jerom Lastimosa ang mga pagtatangkang opensa ng Cambodia sa kabila ng kaniyang pagkakaiba sa tangkad at nakapagtala pa ng apat na puntos at rebounds, sinupalpal pa niya ang pag-asang mapababa ang kanilang pinakamalaking kalamangan na 13 puntos sa ikatlong quarter, 64-51.

Pinadapa ng Pilipinas ang pagsisikap ng

IBALIK ANG KORONA!

La Salle, winakasan ang UAAP Season 85

Namayani ang De La Salle Lady Spikers sa UAAP women’s volleyball landscape upang masungkit ang kampyeonato matapos humataw ng reverse sweep kontra National University Lady Bulldogs, 19-25, 23-25, 25-15, 25-17, 15-10, na ginanap sa SMART Araneta Coliseum nitong Linggo. Sa tagumpay na ito, binulsa ng La Salle ang kanilang ika-12 na UAAP champion title sa pangunguna ng rookie at Most Valuable Player na si Angel Canino na nagtampok ng mahigit 19 puntos at 10 digs para tulungan ang Lady Spikers sa finals.

Gayundin, nakapasok si Thea Gagate sa fifth set para tulungang pabagsakin sa trono ang NU at ibalik ang La

Cambodia na makabalik sa laro at itinigil ang 6-0 run nito sa pamamagitan ng matinik na opensa nina Brownlee at Perez na siyang dinagdagan pa ng dinamikong pagsasama nina Newsome at ni Brandon Ganuelas-Rosser upang maselyuhan ang laro, 80-69.

Natatandaang natalo ang Gilas sa Cambodia sa maagang mga laro ng torneyo at kinailangan ng Gilas na makabawi mula sa tambak na pagtatapos ng naturang larong iyon sa sa iskor na 79-68.

“There were those who doubted this team after that first defeat to Cambodia. But I can tell you in the dugout, what I told the players was that it was a defeat that was required. We needed that defeat to bring that fire.” ani Gilas Pilipinas Coach Chot Reyes Bagaman nabigo, pinatunayan naman ng Cambodia ang kanilang bagsik sa court sa pangunguna ng kanilang forward na si Brandon Peterson na naghulog ng 18 points at 14 rebounds para sa mga Cambodian.

Inambagan naman ng malalaking puntos ang Cambodia matapos magtala ng anim na puntos si Darius Henderson at sinamahan naman ni Sayeed Pridgett na nagkamit ng 13 markers, anim na rebounds, at limang assists na silang nagtigil sa Gilas na makuha ang kanilang pinakamalaking kalamangan sa ikalawang quarter.

Sa kabila ng malaking kalamangan na kailangang habulin sa nalalabing oras ng ikaapat na quarter ng laban, nagsimula ang Cambodia ng 6-0 run na siyang nagpakilos sa Gilas at nagpaliit ng kanilang malaking kalamangan.

Samantala, pinag eensayuhan naman ng Gilas Pilipinas ang nalalapit na FIBA World Cup na idadaraos sa Agosto 25 hanggang Setyembre 10 sa Europa.

Salle bilang powerhouse sa kompetisyon kung saan ito ang dating proverbial bar para sa maraming paaralan.

“Happy dahil ayun nga, na-redeem namin yung pagkatalo namin nung second round so eto, nasa finals na. Pero hindi pa tapos ‘to, mahaba pa kaya kailangan pa naming mag-training at mag-improve pa,” pahayag ni La Salle assistant coach Noel Orcullo.

Diniin pa ni Orcullo na ginusto ng kaniyang koponan na manalo at sa mga panahon na hindi napupunta sa kanilang pabor ng laban, ay hindi pa ito ang katapusan, kailangan nila bumangon at harapan ang mga hamon na ito.

“Nangangatog na talaga kasi pinaghirapan namin yung season na ‘to. But thank you kay Lord, kay coach Ramil (De Jesus) at sa mga patuloy na naniniwala samin since day one,” sinambit ni Mars Alba ang graduating setter ng La Salle kung saan nasungkit niya rin ang Finals MVP.

Sa kabilang dako, si Alyssa Solomon ay nagtala ng 34 puntos para sa Lady Bulldogs habang si Mhicaela Belen ay nagtampok naman ng 11 puntos. Ngunit kung wala si Sheena Toring na na-injure ang kanyang tuhod sa Game 1, halos hindi na nagkaroon ng pagkakataon ang Lady Bulldogs na tapatan ang Lady Spikers.

“There’s always pressure. But sinasabi ko lang sa sarili ko na huwag na isipin ‘yung nasa labas, but kung ano pa ang meron na ilalaban—’yung goal—which is for us to be champions,” ani Canino.

Mahusay na nakamit ng Lady Spikers ang kabayaran sa tagumpay nang ibalik nila ang pabor sa NU na tumangay sa kanila sa yugtong ito noong nakaraang taon.

“Siyempre next dream is to makakuha uli ng championship sa UAAP. Heto yung biggest goal namin at ‘di kami titigil dito,” dinagdag ni Canino.

Nilunod ng Sibol Esports team ang Malaysia sa kanilang malalim na hero pool at bersatayl na paglalaro upang masungkit ang 3-peat gold streak ng Pilipinas, sa nakaraang Southeast Asian Games (SEA) 2023 Men’s Mobile Legends:Bang Bang event sa Phnom Penh, Cambodia nitong May 14, 3-0.

Ibinida agad ni Michael “SAYSON” Angelo ang kanyang Fredrinn pick sa gitna ng gitgitan na lord fights at mahahabang teamfights, sa unang laro ng serye at kumana ng apat na kills at 10 assists upang maitanghal bilang Most Valuable Player ng naturang larong iyon, 1-0.

Nawalan naman ng talulot ang Malaysia matapos pitasin ng Pilipinas ang kanilang malambot na carries ng teamcomp ng mga Malay sa pangunguna naman ni Rowgien “UNIGO” Stimpson sa kanyang walang mintis na Franco, matapos magpakawala ng nakakasindak na hooks para maselyuhan ang lord at ang ikalawang laro, 2-0

Isinagawa ng Harith counter-pick ni Marco “REQUITIANO” Stephen ang isang masaker sa gold lane matapos paglaruan ang Karrie ni Muhammad “CikuGais” Fuad at magtala ng dalawang solo-kills na nagpaluhod sa gold laner ng Malaysia.

Kakapit bisig naman ng Harith pick ni Requitiano na nagtala ng 7 kills at 5 assists ang agresibong Helcurt pick ni SAYSON na siyang nagpadilim sa pag-asa ng Malaysia para makabangon sa 14 thousand gold lead ng SIBOL at tapusin ang laro sa loob ng 11 minuto, 3-0.

Kilala ang mga kinatawan ng Pilipinas bilang Bren Esports sa Pilipinas na nagkaroon ng dominanteng pagtakbo nitong regular season ng Mobile Legends: Bang Bang Philippine League (MPL) at nagkaroon ng nalugmok sa playoffs.

Maituturing ito bilang unang pagkapanalo ng nasabang lineup ng koponan sa isang malaking paligsahan.

Sa kabilang banda, hindi nagpakita ng pagsuko ang Malaysia sa unang laro ng laban matapos maidepensa ang kanilang base laban sa tatlong lord na nakuha ng Sibol at kinailangan pa respetuhin ang masakit na damage na handog ni CikuGais sa kanyang Beatrix pick.

Nakipagsabayan naman ng kamandag sa maagang oras ng pangalawang laro ang mga Malay matapos magpakita ng mga plays na nakasentro sa kanilang Valentina pick na si Mohammad “Izanami” Lim at nagtala ng tatlong kills sa pitong kills ng Malaysia

Hindi lang sa pangalawang laro nagtatapos ang pagpupumiglas ni Izanami sa malaking kalamangan ng Sibol sa gold, naghatid mula siya ng tatlong kills sa anim para sa Malaysia sa pangatlong laro.

Samantala, dedepensahan naman ng Pilipinas ang kanilang posisyon bilang isang powerhouse country sa larangan ng MLBB sa darating na M5 World Championship na magaganap sa Disyembre.

paham ang ISPORTS 19
sa Malaysia sa SEA Games 2023 Men’s Mobile Legends: Bang Bang noong Mayo 14. LARAWAN MULA SA POC/PSC MEDIA.
VICTORY! Ipinagdiriwang ng Sibol Esports ang kanilang tagumpay laban ROMEO CARLO SABANAL ROMEO CARLO SABANAL LAKAS NG GILAS. Dinaig ng Gilas Pilipinas ang Cambodia sa SEA Games 2023 Men’s 5x5 Basketball noong Mayo 16. LARAWAN MULA SA OLYMPICS MEDIA. MACKENZIE TATEL PAGBABALIK NG KORONA. Muling nabawi ng DLSU ang kampeonato nang matalo ang NU sa UAAP Season 85 Women’s Volleyball noong Mayo 14. LARAWAN MULA SA UAAP MEDIA.

paham ang ISPORTS

Matthew at Kadine ang dance floor nang kabugin nila sa paggiling at sa pagpapakita ng masiglang expresyon ng mukha ang mga pambato ng LPENHS sa opening round na cha-cha-cha.

LPSci DanceSports umariba sa Cluster Meet

Nang tumugtog na ang kanta para sa slow waltz, binasag nina Arvin at Ysabelle ang kasiglahan at dinala ang mga manonood sa isang mapayapang dance floor sa pamamagitan ng kanilang elegante at malinis na routine.

Ngunit tila hindi natinag ng malumanay na pagtatanghal ng Standard teams ang liyab ng damdamin ng Latin team ng LPCNSHS nang magpamalas sila ng isang mabagsik na routine sa rumba na sinamahan ng masisidhing ekspresyon ng

Mula sa makapigil-hiningang tagisan ng Standard teams, muli na mang pinasigla nina Matthew at Kadine ang tanghalan sa kanilang buwis buhay na stunts dahilan upang mangibabaw ang kanilang jive routine kontra sa kanilang katunggali.

Tinapos naman nina Arvin at Ysabelle ang unang round sa isang pulido at masigasig na quick step routine.

Nilamon ng dalawang koponang LPCNSHS ang tanghalan nang muling isakatuparan ang kanilang mga routine sa marathon dahilan upang hindi na hayaan pang makabawi sa puntos ang LPENHS sa pagtatapos ng ikalawa at huling round ng patimpalak.

Hindi mailarawan ni G. Bangug ang labis na kasiyahan matapos na magkampeon ang LPSci sa unang beses nitong paglahok sa naturang patimpalak.

“I feel like in a cloud 9 right now, hay…I can’t explain, Ano ba? Yea, overwhelmed at the same time I am very proud. I trained them for almost, how many months, two months and ayan nagbunga na ang training namin,” sambit ni Coach Bangug ilang minuto pagtapos ianunsiyo ang kanilang pagkapanalo.

ang kanilang mga routine sa marathon sa huling round ng kompetisyon.

Pinainit nina

Bagaman matagumpay ang LPSci DanceSport sa kanilang Cluster Meet, hindi rito nagtatapos ang kanilang pag-eensayo sapagkat paghahandaan naman nila ang NCR Meet na gaganapin sa Mayo.

Hindi lang hiyawan ng Lapiscians kundi pati ang karisma ng Las Piñas City National Science High School (LPSci) Volleyball Boys ang nangibabaw nang magwagi ang koponan, 25-23, 13-25, 25-16, kontra Las Piñas East National High School (LPENHS) sa 2023 Volleyball Boys Cluster Meet sa Las Piñas National Senior High SchoolDoña Josefa Campus, nitong ikatlo ng Marso.

Humataw ng walong puntos si John Carl Del Valle ng LPSci sa do-or-die na set kabilang ang isang spike para iangat sa walo ang kalamangan, 11-3.

Tila nag-alab naman ang puso ng mga manlalaro ng LPENHS nang maisakatuparan ang 3-0 run matapos ang isang technical timeout dahil sa flag retreat, 16-11.

Samantala, pinanginig naman ni Del Valle ang depensa ng LPENHS nang magtala siya ng dalawang service aces upang itarak ang sampung kalamangan sa huling set, 23-13.

Pumalo ng match point spike si Luiz Gabriel Delgado, 24-16, at nag-commit naman ng error ang LPENHS sa pagtatapos ng laro, 25-16.

Ayon kay Coach Ariel Delos Santos, guro sa Senior High School sa LPSci, ang pagkakaisa at pag ng kaniyang mga manlalaro ang naging susi upang makatungtong sila sa semi finals.

“Napakaganda ng pinakita ng ating mag-aaral na atleta mula sa LPSci dahil nag-enjoy lang sila sa kanilang laro at pinakita nila na sila ay iisa, ang galaw, ang ispirito para manalo,” sambit ni Coach Ariel ilang minuto matapos ang laban.

Dagdag pa niya, pinatunayan ng LPSci na hindi lang sa akademiko magagamit ang katalinuhan ng mga mag-aaral nito.

“Ang galing ng LPSCi ay hindi lamang sa palakasan ng katawan kundi sa kalakasan ng isip kasi yung mga

LPSci Vball boys pasok sa semis ng Cluster Meet

strategies nila, yung mga techniques nila, talagang naging wise yung kanilang moves,” buong pagmamalaki ni Coach Ariel.

Samantala, nakatikim naman ng mapait na pagkatalo ang LPSci sa Golden Acres National High School kinabukasan, dahilan upang maglaho ang pangarap nilang maabot ang kampeonato.

Hindi ito ang unang beses na nakatungtong

ng semi-finals ang koponan ng LPSci sa cluster meet, gayunpaman, tinuturing pa rin ng mga manlalaro nito na isa itong hakbang tungo sa tagumpay.

“I think though na kaya pa mag-improve, given na most of us are new to the team and to the sport, I think reaching the semi-finals is a good foundation for improvement,” saad ni Jairo Granada, isa sa mga rookies ng LPSci Vball Boys.

ISRAFIL VIRAY INDAK NG TAGUMPAY. Ipinamalas nina Arvin Padilla, Sophia Estrada, Matthew Mangulabnan, at Kadine Valdez ng LPSci ang kanilang kahusayan sa pagsasayaw noong Marso 3 sa DanceSport Competition. KUHA NI MICHELLE ERIKA CONTE. ISRAFIL VIRAY Papel ng Katotohanan. Tinata ng Katapatan. | TOMO X | BLG. 1 LARAWAN MULA SA LPSCI VOLLEYBALL TEAM
18
“Hindi lamang sa pampalakasan ng katawan kundi sa kalakasan ng isip” ADHIKAIN PARA SA MGA ATLETA

Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.