3 minute read
Silip sa Nakaraan
Diskartehan ang mga tanong, magsagot ng mock exams Isa sa pinakamahalagang payo ng dalawang mag-aaral ay ang pagsagot ng mga practice test, lalo na kapag inoorasan ang sarili habang sumasagot.
Nakatutulong ito sa kasanayan sa limitadong oras ng pagharap sa mga katanungan. Bukod pa rito, mahalaga rin ang pag-aaral ng mga diskarte sa pagsagot ng pagsusulit tulad ng pagtingin sa “context clues” at ang sikat na “process of elimination”.
Advertisement
Ayon sa dalawa, mahalagang aralin ang practice test pagkatapos itong sagutan upang sa susunod na pagharap sa mga tanong ay maiiwasan natin ang muling pagkakamali.
Aralin ang mga kahinaan, balikan ang mga natutunan
Mula sa mga mock exams, makikita natin ang mga kahinaan natin na dapat bigyang prayoridad. Isinaad ni Reign na mas mahalaga ang malawak na pag-aaralan imbes na malalim dahil mahalaga na marami tayong konseptong maaral kahit pa hindi na natin masyadong napagnilayan ang bawat detalye nito.
Yakapin ang oportunidad, at magsikap sa pagaaral
Dahil sa napakalaking halaga ng kolehiyo sa ating buhay, huwag nating sayangin ang pagkakataong makapaghanda nang maayos para sa mga CET.
Hinihikayat tayo nina Karl at Reign sa pag-enroll sa mga review center upang magsanay at makakuha ng mga review materials. Maaari rin namang mag self-review na lamang kung di kaya ng financial status natin dahil marami rin tayong makakalap na review materials nang libre sa Internet.
Organisahin ang iyong oras Ayon muli kay Karl, isa sa paraan ng pag-organisa ng oras ay ang pagsagawa ng iskedyul upang maging sistematiko ang daloy ng paghahanda at maiwasan ang paggagahol. Idiniin pa nila ni Reign ang pagkakaroon din ng sapat na oras para makapagpahinga at makapagasikaso ng iba pa nating prayoridad sa buhay.
D A Y o N
Naising humingi ng tulong at gabay sa iba Huwag tayong mahiyang humingi ng payo sa ating mga ate at kuyang Lapisyano sapagkat maaari silang makatulong sa atin dahil sa kanilang karanasan sa pagsagot ng CET o kaya sa kanilang kahusayan sa konseptong ating kahinaan. Huwag din nating kalimutang magdasal bago ang araw ng pagsusulit para sa karagdagang gabay at suporta mula sa itaas.
Sa pagharap ng pagsubok na ito, huwag nating hayaang mawala ang ating motibasyon at huwag na huwag natin balewalain ang landas na nakalaan para sa ating kinabukasan. Isaisip kung para kanino natin ginagawa yung pagsisikap na ginagawa natin ngayon bilang mga mag-aaral at bilang pag-asa ng bayan.
Ito ang kabuuan ng mga payo mula kina Karl and Reign. Iwasan ang pangangamba sa araw ng pagsusulit. Ibuhos ang lahat ng kakayahan mula sa ating determinasyon at pagsisikap. Higit sa lahat, Magkaroon ng kumpiyansa sa sarili upang hindi magsisi sa huli. Padayon!
“A brilliant leader is nothing without a humble heart”
Ibinahagi ng ating dating punongguro na si Gng. Leonora L. Lustre ang kaniyang mga naging karanasan sa Mataas na Paaralang Pang-Agham ng Las Piñas (LPCNSHS). Sa kabila ng kalungkutan na nadarama niya sa pag-alis ng paaralan ay nagpapasalamat pa rin siya sa mga magagandang alaala at mga leksiyon na kaniyang natutunan sa loob ng apat na sulok ng paaralan.
Isa sa mga naibahagi niya ay ang kaniyang nagawang kontribusiyon para sa ikauunlad ng nasabing paaralan. Kagaya na lamang ng tiling ng Senior High School, School Library, School Clinic, at Guidance Office. Ito ay dahil sa pagsasaalang-alang ng kaligtasan ng mga magaaral. Kaniyang tinutukan ang pagsasaayos ng physical facilities dahil ito ang nakikita niyang nararapat gawin sapagkat wala naman siyang nakikitang problema pagdating sa academic performance ng kaniyang paaralan.
Kaniya ring hinihikayat ang bawat guro na magbahagi ng enhancement materials para sa mga estudyante, ito ay para maibsan ang malaking dagok na dinanas ng mga ito sa panahon ng pandemya.
“Probably meron sila nung desire to learn. Nandoon yung desire niyo kasi gusto niyong matuto, you are excited kasi faceto-face na, pero kasi parang meron tayong learning lost. Kahit nakaonline tayo, iba pa rin yung set-up ng face-toface as we analyze.” Ani pa niya.
Naibahagi rin niya ang kaniyang mga natutunan sa loob ng paaralan. “I appreciate talaga yung mga bata dito na with all their fortune ay napakahumble nila.” saad niya. Dahil dito kaya gusto niyang ibaon at isapuso nang lubos ang mantra ng paaralan na “A bright mind is nothing without a humble heart” na kaniyang nasabing mas aangkop ito sa kaniya kung ito ay “A brilliant leader is nothing without a humble heart.” Na nagpapa-alala sa kaniya na kailangan ang iyong mga paa ay laging nakatapak sa lupa at siguraduhing nasisilbihan mo ang iyong nasasakupan.
Bago matapos ang aming usapan, nagiwan siya ng payo para sa mga estudyante. “Focus, Aim high, and live up to the school mantra.” Saad ni Gng. Lustre.