Armas at iba pang mga gamit pangdigma nasamsam sa sagupaan ng militar at NPA sa Surigao Norte Nagkaroon ng sagupaan sa pagitan ng kasundaluhan ng 30th Infantry Battalion (30IB), Philippine Army, at New People’s Army o mga NPA sa bulubundukin bahagi ng Barangay Motorpool, Tubod, Surigao del Norte nitong ika-16 ng Enero 2022 kung saan nagresulta ito ng pagkarekober ng isang mataas na kalibreng armas ng mga armadong NPA at iba’t ibang kagamitan. Bago ang nasabing engkwentro, nakatanggap ang kasundaluhan ng sumbong mula sa mga sibilyan hingil sa presensya ng armadong grupo na nangingikil at nananakot sa komunidad. Ang mga nasabing armadong grupo ay napag-alaman na miyembro ng pinaghalong Sandatahang Yunit Pangpropaganda (SYP) 16C1 at 16C2, Guerilla Front (GF) 16 North Eastern Mindanao Regional Committee (NEMRC) na pinamumunuan nina Alberto Castañeda alias “JD” at Roel Neniel alias “Jacob”. Bilang tugon sa nasabing sumbong agad nagplano ang kasundaluhan ng 30IB upang kumpirmahin ang nasabing balita kung kaya habang nagsasagawa ng security patrol ay agad pinaputukan ng mga armadong grupo ang mga tropa ngunit agad nakaganti ang mga kasundaluhan ng putok kung saan tumagal ito ng 15 minuto. Pagkatapos ng sagupaan, matagumpay na nakuha ang isang AK47 Rifle, 11 magazines na naglalaman ng mga bala, 182 bala ng AK47 at 376 bala ng M16, isang rifle grenade, limang 40mm live rounds, dalawang set ng
20
| January 15-21, 2022
IEDs o pampasabog na may kasamang blasting caps, anim na backpack na may mga pansariling kagamitan, iba’t-ibang dokumento at mga pagkain at medisina. Sa pahayag ni Lt. Col. Ryan Charles G. Callanta, pinuno ng 30IB, taus-pusong nagpapasasalamat sa patuloy na pagsuporta ng mga mamamayan laban sa terorismo. “Sa ating mga kababayan, kami ay lubos na nagpapasalamat dahil sa patuloy na pagsuporta niyo laban sa terorismo. Patuloy lamang po kayong magtiwala na aming gagampanan ang aming tungkulin lalo na po ngayon na humaharap tayong lahat sa pagsubok. Hindi po namin hahayaan na mapagsamantalahan ang ating kababayan at gamitin para sa kanilang pansariling pangangailangan. Asahan niyo po na patuloy namin poprotektahan ang komunidad at sisiguraduhin na maibigay sa kanila ang tulong na kanilang kailangan,” dagdag niya. (2Lt. Benjamin Elisand De Dios, 30IB/PIA-Surigao del Norte)
Caraga INFOCUS