THE DOLPHIN MAGAZINE VOL.60 NO.1 OCTOBER 2020

Page 36

Lumang larawan ng Old Prisons of Iloilo | Larawan mula sa newmoretransportservices

FILIPINO | MAKATAONG KAWILIHAN

Mula sa Larawang Kupas Isinulat ni Mdpn. Loween John H. Seloterio Mga Larawan ni Mdpn. Jayland E. Singuillo

M

anilawnilaw at hindi gaanong maaninag ang itsura, pero klaro ang kwentong gustong ipakita. Kung makapagsasalita lang ang mga lumang larawan, marami itong maibabahaging mga nakamamanghang kwento; mga kwentong ebidensya ng makulay na tagpo ng kasaysayan. Mula sa mga estruktura nitong parte ng isandaang taong nakalipas na pahanon, namumutawi parin ang kinang at ang naging kahalagahan nito sa nakalipas. Ito ang Old Prison ng Iloilo, isang kayamanan mula sa nakaraan. Tunay na nakabibigyani ang mga lumang larawan ng Old Prison ng Iloilo. Ang dating nagsilbing kulungan sa panahon ng mga Amerikano ay isa na ngayong museo – ang Western Visayas Regional Museum. Ang bago nitong ayos ay pinaglaanan ang National Museum ng pondong 80 milyong piso, at 18 milyong piso mula sa probinsyal na pamahalaan ng Iloilo na natapos noong 2016. Ang pinaglipasang kulungan ay nagsilbing tahanan sa kasalukuyan ng mga lumang kagamitan. Nakalagak sa naturang museo ang ilan sa mga mahahalagang bagay sa kasaysayan tulad ng “Oton Death Mask” na isang pre-Hispanic gold mask na natagpuan sa barangay ng San Antonio, Oton sa probinsya ng Iloilo. Bukod pa rito, maatatagpuan rin ang posil ng “Elephas,” isang uri ng elepante mula sa pamilya ng Elephantidae na pinaniniwalaang mula pa

34 THE DOLPHIN | UNRAVEL

sa Middle Pleistocene age o inaasahang umaabot sa 750,000 taon ang tanda. Ito ay nadiskubre ni Dr. L. Jocano noong 1965 sa Sityo Bitoguan, Brgy. Jelicuon, Cabatuan, Iloilo. Dagdag pa rito, ang nasabing museo ay isa sa mga limang regional extension ng National Museum kabilang ang Ilocos, Bohol, Butuan at Zamboanga. Mapalad ang probinsya ng Iloilo dahil isa ito sa mga napili na siya ring nagbigay-laan para maging bagong atraksyon ng probinsya. Pero sa likod ng bagong bihis ng museo mula sa ayos nitong kulungan ay nakatago ang hiwaga ng mga kwento ng nakaraan, na tanging iilan lamang ang nakasaksi at nakaaalam. Naghihintay lang na maibahagi at madiskubre ng iba ang mga kwentong humubog sa kinang ng kasaysayan.


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.