FILIPINO | KULTURA
Sa Hindi Ordinaryong Gabi sa Syudad ng Iloilo Isinulat ni Mdpn. Loween John H. Seloterio Mga Larawan ni Mdpn. Jayland E. Singuillo Guhit ni Mdpn. Vincent Jay A. Vigo
D
umating na ang gabi’t lahat ay naghahanda. Ang saliw ng musika, kasabay ang indak ng mga kumukutitap na ilaw ang nagbibigay sigla sa takip-silim ng pagsasaya. Kumpas ng katawan, awiting kay saya, at mga kaibigang kasama sa tuwa’t saya. Wala na atang tutumbas sa kasiyahang hatid tuwing biyernes ng gabi. Handa na, naka pusturang maganda, suot ang mamahaling damit at makintab na sapatos. May makinang na alahas, halimuyak na sobrang bango at awrang minsan lang mapansin. Alas-9 ng gabi, biyernes, isa na namang normal na pagkikita para sana magsaya kasama ang kaibigan. Pero bukod tangi ang biyernes na ito dahil nakasentro sa pandemya. Ang dating tuwaan at kasiyahan sa umuusbong na kultura ng “night life” sa Iloilo City ay napalitan ng mga tahimik na gabi dulot ng banta ng virus.
Si Brent, hindi nya tunay na pangalan, siya ang aking ka kwentuhan tungkol sa mga masasayang ala-ala ng “night life” sa Iloilo City. Kami’y naka pwesto sa intrada ng sentro ng kasiyahan sa syudad, ang Smallville. Habang nag-uusap, ramdam ang preskong dampi ng hangin sa gabi, mga sasakyang nag sisiunahan at mga ilaw nitong nagkikinangan. Halatang dahil sa nararanasan na pandemya, natigil ang maraming mga negosyo, at pati buhay ng mga tao ay lubhang naapektuhan. Ang mga gabing kay saya sa syudad ng Iloilo ay napalitan ng bangungot at lungkot.
UNRAVEL
| THE DOLPHIN 39