FILIPINO | SEA EXPERIENCE
Aking Unang Sampa Isinulat at mga larawan ni D/C Ivan Guzman
S
a kabila ng pandemya, ang taon na ito ay isa sa mga pinakamahalaga at hindi malilimutang taon ng aking buhay, ang isang estudyanteng tulad ko na piniling kumuha ng kursong “maritime” sa wakas ay makasasampa na sa kanyang pinakaunang barko.
Kung iisipin, sobrang bilis ng mga pangyayari, sobrang laki ng agwat at pinagka-iba, mula sa pagiging presidente ng Student Council, na mas sanay sa pamumuno, kumpara ngayon bilang isang kadete na dapat marunong kang sumunod at ikaw mismo ang gagawa ng mga gawaing dati ikaw ang nag-aatas, pero sa kabila ng lahat, hindi ko maipag kakaila na may malaking ambag ang natutunan kong leadership skills, dahil bilang isang lider, dapat marunong ka ding makinig at sumunod, at ito ang pinakamahalagang katangian na dapat meron ang isang marino sa barko. Ika-28 ng Nobyembre, marka ng simula ng buhay ko bilang isang kadete sa barko. Nariyan ang pakiramdam ng galak, pangamba at pag-aalinlangan kung kakayanin ko ba ang namuo sa aking isip habang isa-isa ko hinahakbang ang aking mga paa
50 THE DOLPHIN | UNRAVEL
sa accommodation ladder paakyat ng barko. Tinungo ang aking kabina na magsisilbing kwarto ko sa loob ng sampung buwan, nag bihis ng coverall at inikot ang buong barko, isa isang inaral at kinabisado ang mga magiging trabaho. Sa pwerto, ramdam ko ang kakulangan sa tulog at puyat, habang hinihintay ang pagdaan ng oras, siguraduhing nakalista ang lahat ng nangyayari sa operasyon, kung nakakabit ba ang mga tali, at minuminutong pagbantay ng pag-angat o pagsadsad ng accomodation ladder ay ilan lamang sa mga kailangan kong gawin sa loob ng apat na oras kong gwardya mula alas dose hanggang alas kwatro. Sa “anchorage” ang mga bagay na hindi mo nagagawa sa iyong bahay ay magagawa mo sa loob ng barko. Nasubok ang aking katawan sa mga mabibigat