Alingwan Newsletter

Page 1

Alingwan

Pinagkalooban ng maagang pamaskoangmgamag-aaralng Balindan Elementary School sa pagbisita ng mga kawani ng Awareness Service Action (ASA) noong Nobyembre 9, 2022.

Mapalad ang BES dahil isa ito sa mga napiling mahandugan ng mga biyaya. “Ito ang simpleng paraan namin para masuklian ang mga biyaya na ipinagkaloob ng mga miyembro ng Paracelis at ibabalik namin ito sa mga aktibidad na kagaya nito,” sabi ni Marissa Lopez, representante ng ASA-Paracelis.

LIGTAS ANG MAY ALAM!

Ibinahagi ng mga kawani ng BFP ang mga dapat gawin tuwing may lindol at sunog sa pagsabay sa National Simultaneous Earthquake Drill noong Marso 9, 2023 sa Balindan Elementary School.

BES nakisabay sa eartquake drill

Gyth Acha-ol

Nakisabay ang mga magaaral, mga guro at magulang sa malawakang pagsasagawa ng National Eartquake Drill noongMarso9,2023.

Pinangunahan ito ng mga kawani ng Bureau of Fire Management- Paracelis sa kanilang pagbisita sa paaralan. Masusi nilang itinuro ang mga dapat gawin tuwing may

lindol at sunog. Ipinalala nila na gawing makatotohanan at seryosohin ang pagsasanay na ito. Ito ay para maiwasan ang mga casualty tuwing may kalamidad lalong lalo na madalas na ang mga lindol na nagyayari sa ating bansa. Maayos naman na isinagawa ng mga bata ang “duck, cover and hold.”

Samantala nagpalabas

ang pamahalaang lokal ng Paracelis ng mga precautionary measures tuwing may darating na bagyo at palatandaan kung gaano kalakas ang bagyo. Sinuri ang mga pwedeng evacuation centers at isa ang BES na lugar para sa mga evacues ng sitio Mabaclao at Masablang.

BES wagi sa sabayang bigkas

Sabay sabay na ipinamalas ng mga mag-aaral ng Balindan

Elementary School ang piyesa sa sabayang bigkas para makamit ang unang gantimpala sa online na kumpetisyon noong Nobyembre 2, 2022 sa distrito ng Paracelis North.

Sinalihan ito ng iba’t ibang mababang paaralan ng distrito. Ang programang ito ay ionrganisa ng Regional

Subcommittee for the Welfare of Children (RSCWC) at Regional Juvenile Justice Welfare Committee (RJJWC) para sa selebrasyon ng National Children’s Month at Justice Consciousness Week na may tema na “Kalusugan, Kaisipan at kapakanan ng Bawat Bata Ating Tutukan.”

Layunin ng programang ito na mahasa

ang mga bata na maipakita ang kanilang mga talento sa pagsusulat at pagbabahagi ng kanilang mga komposisyon para tawagin ang pansin ng lahat at ang mga kinakaukulan na pahalagahan at pangalagaan ang kapakanan ng mga bata.

Ang BES ang kakatawan sa distrito sa pandibisyong kompetisyon sa sabayang pagbigkas

Nagpamigay ng mga payong at mga school supplies. Bukod dito ay nagpakain din sila ng lugaw sa mga magaaral. Laking pasasalamat ng mga bata sa mga biyayang naipagkaloob sa kanila. “Maraming salamat at isa ang balindan ES ang napili na makatanggap ng mga regalo,” ani ni Mam Gladys LibanSchool Head.

Samantala, sinabi naman ng pamaunuan ng ASA na sila ay tumatanggap ng mga aplikante para sa scholarship. Kaya pinagsabihan ang mga magulang na magsumite ng

Tomo 5 Blg 1|AGOSTO-MARSO 2023 Ang Opisyal na Pahayagan ng Mababang Paaralan ng Balindan, Paracelis, MP, CAR
ng
Handog Pamasko
ASA
Nova Lapawen Jasper bawal SA ASA MAY PAG-ASA. Bumisita ang mga kawani ng ASA at namahagi ng mga pamasko at nagpakain sa mga mag-aaral ng BES noong Nobyembre 12, 2022.

Diwa ng Bayanihan Bayanihan isinasabuhay sa Balindan

WOW, BALINDAN! Inilunsad

Nagkaisang inilunsad ng mga magulang, PTA at mga stakeholders ang programang WOW BALINDAN! ng Balindan Elementary School noong Agosto 23, 2022.

Patuloy ang mga gawaing pagsasaayos at pagpapaganda sa Mababang Paaralan ng Balindan sa kooperasyon at pagtutulungan ng mga stakeholders noong Brigada 2022.

Naipamalas ang kooperasyon ng mga magulang at iba pang mga stakeholders na boluntaryo na tumulong sa pagsasayos sa mga pasilidad ng paaralan at pagpapaganda sa kapaligiran nito para sa paghahanda sa face to face na pasukan sa darating na Agosto.

Nagtulong tulong ang mga magulang ng nasa KinderBaitang 3 para sa pagkumpuni sa mga sirang CR. Samantala, ang mga magulang naman ng G4-G6 ay ipinagpatuloy ang riprap sa

harapan ng G4 at G5 at pag-ayos ng mga daluyan ng tubig. Sama sama naman ang mga benepesaryo ng mga TUPAD para sa pagsemento sa ground ng paaralan.

May mga volunteers din na na nagsakripisyo ng kanilang oras gaya ng Philiipine National Police - Paracelis na nagpinta sa mga silid aralan. Ang mga kawani naman ng Bureau of Fire Prevention (BFP) ang nagpinta sa mga gulong sa kapaligiran. Dumating din ang mga kasapi ng 4 P’s at sila ang naglandscape sa paaralan kasama pa ang mga iba pang volunteers.

Naisakatuparan ang malawakang paggawa sa koordinasyon ng mga

stakeholders. Ang mga materyales na ginamit gaya ng semento, graba at buhangin, pintor ay pawang mga donasyon. Kasama ang mga meryenda at mga pagkain na pinagkaloob din ng PTA. Malaki ang pasasalamat ng mga PTA officers at mga guro ng paaralan dahil sa kooperasyon at tulong na iniabot at ibinahagi sa paaralan. Dahil dito ay handang handa na ang paaralaran sa sa darating na face to face na pasukan.

Dahil dito napili ang paaralan na pambato ng Paracelis North District sa Best in Brigada Implementer at Best in Landscaping sa Schools Division of Mountain Province

Ang programang ito ay nakasentro sa lahat ng mga aktibidad na layuning mapayaman, mapanatili at mapahusay ang mga kultura na ipagtuloy na isinasabuhay ng mga stakeholders para sa kapakanan ng komunidad ng BES. Nahahati ang programang ito sa apat na aspeto. Una ay ang WOW makabasa ako. Ito ay para lahat ng mag-aaral ng Balindan ay walang maiiwan at lahat ay makabasa. Ikalawa ay ang WOW kasama ako na nakasentro sa koordinasyon ng mga magulang, ang patuloy nilang partisipasyon sa lahat ng mga aktibidad ng paaralan. Pangatlo ay ang WOW Ganda!, ito ay para sa pagpapanatili ng kagandahan at kaayusan ng paaralan at pang-apat ay WOW Galing! Na nakasentro sa paglinang ng mga talento ng mga bata at kanilang partisipasyon sa Sports, Journalism at Academic Festivals.

Naging matagumpay ang programang ito sa koordinasyon ng mga stakeholders ng paaralan. Bawat aspeto ay binubuo ng komite at sila ang naatasan na magsagawa sa mga programang nais nilang gawin.

Buong taon ito isasagawa at magkakaroon ng ebalwasyon sa katapusan ng taon.

2 BALITA Alingwan
WOW READEr ako! Di inantala ng mga guro ang init ng araw at pagtahak sa putik para lang mabisita ang kanilang mga estudyante. Jasper Bawal

clean up drive noong Setyembre 9, 2023.

Clean Up Drive, lingkod ng BES

Nakisabay ang mga mag-aaral na sinalihan ng mga guro ng Mababang Paaralan ng Balindan mula kinder-baitang 6 ang paglilinis sa kapaligiran ng paaralan at sa lansangan ng Sitio Mabaclao ng Barangay Bantay sa malawakang pagsasagawa ng Clean Up Drive noong Setyembre 9, 2022.

Sinimulan ang

paglilinis sa paaralan hanggang sa kalye ng Sitio Mabaclao.Ang mga mag-aaral ay nagsipulot ng mga kalat na selopin, papael, bote at plastics. Santambak ang mga basura na nakolekta na inihiwalay ang mga pwedeng irecycle at ibenta. Ang mga selopin ay isunuksuk sa mga eco-bottle.

Pinangunahan ito ng mga kasapi ng YES-O, Health Scouts at SDRRM.

Layunin ng aktibidad na ito na panatilihing malinis at maayos ang kapaligiran at ipamulat sa komunidad na ugaliing maglinis sa mga lansangan. Pinaalalahan din ang mga tao sa tamang pagbabasura at pagsuporta sa mga programa ng pamahalaan para sa kalinisan ng ating kapaligiran.

District Press Confab, dinagsa

Nagtipon-tipon ang mga mag-aaral at school paper adviser ng iba’t ibang mababa at mataas na paaralan ng distrito ng Paracelis North sa Serapio Gawan National High School (SGNHS) para sa pagganap ng Pandistritong Kumperensiya noong Marso 18-19, 2023.

Sinimulan ang aktibidad ng isang simpleng pambungad na programa sa bulwagan ng SGNHS. Binati ni Gng. Meriam Ilacad ang lahat ng dumalo. Aniya,

ipagpatuloy ang paglinang sa iyong kakayahan bilang mga batang manunulat at magbahgi ng mga balita na pawang katotohanan.

Ang tema ng patimpalak ay “Pahayagang Pangkampus: Kaagapay sa Paghilom at Pagbangon ng Matatag na Sambayanan.” Ito ay para sanayin ang mga mag-aaral na maipahayag ang kanilang mga damdamin at kaisipan at maturuan ang mga bata sa iba’t ibang aspeto ng Campus Journalism.

Nagsilbing tagapagsalita at hurado sina Maynard Pacleba, James Tulipa, Clint Totanes at Kevin Bandoc. Sila ang nagturo sa mga batabg manunulat kung paano magsulat ng balita, editoryal, cartooning, agham at teknolohiya, lathalain, isports at pagkuha ng larawan. Ang mga mananalo na nas una at ikalawang puwesto sa kumperensiya na ito ay sasali sa pandibisyong presscon sa Bontoc, Mountain Province sa darating na April 1-2, 2023.

BALITA 3
Ang Opisyal na Pahayagan ng Mababang Paaralan ng Balindan, Paracelis, MP, CAR OPLAN LINIS. Nakisabay ang mga mag-aaral ng BES para sa paglilinis sa mga lansangan ng sitio Mabaclao, Bantay Paracelis Mountain Province sa malawakang Nova Lapawen Alfea Balacanao

EDITORYAL

No Permit, No Exam

Tanggalin

Napapanahon na pagtibayin ang panukalang batas na tanggalin ang No Permit, No Exam Policy.

Ang implementasyon nito ay hindi nilalagay ang kompromiso-ang kinabukasan ng mga mag-aaral. Ang No Permit, No Exam ay sinisikil ang karapatan ng mga bata na mag-aral.

Hindi dapat magpataw ang mga paaralan n g anumang patakaran na pumipigil sa kanilang mga pangarap dahil lang sa hindi makabayad ng matrikula. Huwag sanang pagkakitaan ang mga bata na pagasa ng bayan.

Naiintindihan natin ang sentemento ng mga pribadong paaralan dahil sa matrikula sila kumukuha ng pasahod sa mga guro at opersyon sa eskwelahan pero dapat din nilang alalahanin na ang edukasyon ay isang karapatan ng bata .

Maglatag ng mga ibang mga paraan paro lalong mahikayat ang mga bata na mag-aral gaya ng pagbibigay ng scholarship program o panghikayat na mga bata na mag wo rking student.

Sa pamahalaan naman ay maglaan ng sapat na pondo sa paaralan para hindi na ipapasa sa mga magulang ang mga kakulangan sa paaralan.

Kahit sino ay maaaring maging isang mamamahayag at may mga pagkakataon para sa ating lahat na mag-ambag ng mga kwento, katotohanan, at mga kasanayan sa malikhaing. At hindi ito darating sa iyo kung hindi ka pupunta dito.

HANDA KA BANG SUMALI SA AMING KOPONAN AT MAGING ISANG MAMAMAHAYAG?

Maging isa sa amin! dahil ang Ang Alingwan ay naghahanap ng isang bagong hanay ng mga mamamahayag sa campus na masigasig na maglingkod sa campus ng paaralan sa loob ng maraming taon upang positibong maimpluwensyahan ang pampublikong diskurso sa mga mahahalagang paksa, linangin ang mga malakas na koneksyon, at bumuo ng mga kasanayan.

SAMA KANA AT MAGING ISANG MABUTI, WALANG KINIKILINGAN AT MAKATOTOHANANG MAMAMAHAYAG APPLY NA!

Alingwan

PAMATNUGUTAN

ANG OPISYAL NA PAHAYAGAN NG MABABANG PAARALAN NG BALINDAN, PARACELIS, MOUNTAIN PROVINCE, CAR | TOMO 5 BLG 1 | AGOSTO-MARSO 2023

4 EDITORYAL Alingwan
JASPER
| NOVA
RHENZ
| JASPER
BAWAL Ulong Patnugot
LAPAWEN, GYTH ACHA-OL, ALFEA BALACANAO
TAMBAWAN Mga Manunulat
BAWAL Photojournalist
| MARK DAVE LATOGAN Kartonista BRYANT PINEDA Tagapayo | GLADYS CABO Konsultant BASAHIN

Epekto ng Mobile Legend sa mga Kabataan

Ang larong Mobile Legend ay isang laro na kahanga hanga at ito ay nilalaro upang hindi maboring. Marami sa mga kabataan ngayon ang nahuhumaling sa larong ito. Masaya itong laruin ngunit hindi mo malalaman kung hindi mo susubukan.

Ang opinyon ko dito ay ang mga bata ay nagpapabaya dahil dapat unahin ang pag-aaral.

Sa panahon ngayon ang larong mobile legends ay nagdudulot na ng epekto sa mga manlalaro nito. Meron itong hindi magandang epekto na naadik o sobra sobra na ang paglalaro nito. Nagdudulot din ito ng pagkasakit sa isang manlalaro dahil sa nalilipasan na sila ng gutom. Nagsasahin

din ito ng away sa bawat manlalaro. Hindi na nagagawa ng mga bata ang kanilang takdang aralin at wala na silang oras na magbasa ng mga aklat.

Hindi naman masamang maglaro ng mobile legend pero ilagay sa isip at maglagay ng limitasyon at kontrolin ang paglalaro nito. Unahin muna ang pag-aaral at gamitin ang mga online games na mahasa ang angking galing at hidi para malulong dito.

Face to Face o Modular

Dahils sa pandemyang COVID-19 napilitan ang mga mag-aaral at mga guro na lumipat sa bagong “distance learning” na palatorma, ang online class at modular.

Ang face to face ay ang pinakamaayos at epektibong paraan ng pag-aaral ng mga bata. Hindi tayo sanay sa online class bilang alternatibong paraan ng pag-aaral dahil kailangang nang tutukang maigi ang mga bata upang matuto. Isa pa, kulang tayo sa mga kagamitang teknolohiya para maka online class. Kagaya ng mga modules na madalas na mga magulang na ang sumasagot at wala nang natutunan ang mga bata. Mas mainam pa rin ang face to face classes para sa kinabukasan ng mga mag-aaral. Ngunit mas paigtingin ang seguridad ng mga bata sa COVID-19.

Paggamit ng Facemask

Dapat ipagpatuloy ang paggamit ng facemask para

maproteksyunan ang sarili at ang mga minamahal sa buhay. Bagama’t sagabal ito sa iba, ang pagsusuot ng facemask ay hindi lamang para sa COVID-19 kundi nakakatulong sa hindi paglaganap ng mga sakit. Sa aking palagay, wala namang mawawala sa atin kung tayo ay magsout ng facemask lalong lalo na sa mga matataong lugar. Ang pagsout ng facemask ay para sa ating proteksyon sa tiong sarili at para din sa ibang tao.

Kaya dapa’t pa rin magsuot ng facemask lalo na kung ikaw ay may karamdaman at kung nasa matataong lugar..

No Homewoork Policy

Ang mga mag-aaral ay dapat himuking magbasa ng mga libro at gumawa ng mga kapaki-pakinabang na bagay na makakatulong sa kanilang pag-aaral sa loob at labas ng paaralan.

Ang ipinanukalang “No Assignment” ay hindi magbubunga ng mabuti dahil lalong malulong ang mga bata sa kalalaro ng mga on line games sa computer at lalong mahuhumaling ang mga bata sa walang kakwenta kwentang mga gawain.

Ang takdang aralin ang siyang pinakamagandang bonding ng mga bata sa kanilang mga magulang na magabayan sa kanilang pag-aaral. Ang pagbibigay ng homework ay para mabigyan ng oras ang mga magulang na echeck ang performance ng kanilang mga

Charter Change

Abalang abala ang mababang kapulungan ng Kongreso sa pagsulong sa pagpalit ng 1987 Constitution. Marami daw pumapabor na magkaroon ng Con-con. Habang ang Senado ay malamig ang pagtanggap sa charter change.

Sinabi naman ni pangulong Ferdinand Marcos Jr. Na hindi prayoridad ng kanyang administrasyon ang pagpapalit ng 1987 Constitution.

Sang-ayon ako na may mas mahalaga na dapat pagtuunan pa ng pansin. Sa kasalukuyang kalagayan ng bansa na bago pa lamang bumabangon sa pagkalugmok dahil sa bagsik na dulot ng pandemya. Dapat isantabi na

anak sa eskwelahan at para bigyan ng kaukulang aksyon para makasabay ang kanilang mga anak sa pag-aaral.

Maaraing limitahan lamang ang pagbibigay ng homeworks ngunit ang tanggalin ito ay hindi nakakatulong at lalong napapababa ang interes ng mga mag-aaral sa pag-aaral. Maari ding hindi magbigay ng mga homeworks sa katapusan ng linggo upang matamasa nila ang pagiging bata at magkaroon ng oras para sa kanilang pamilya.

muna ang usapin sa pag-amyenda at pagtuunan kung paano mapapagaan ang pasanin ng mamamayan na ngayon ay sinasagasaan ng inflation.

Malaki ang gagastusin sa sa pagdaraos ng plebesito. Ang halagang para dito ay napakalaking tulong para sa kapakanan ng mga mamamayan. Unahin ang kumakalam na sikmura at mga walang matirhan at desenteng trabaho.

OPINYON 5
Ang Opisyal na Pahayagan ng Mababang Paaralan ng Balindan, Paracelis, MP, CAR
Japer
Nova Lapawen | Sagip Japer Bawal | Pansin Mo ba?

Aktibo

Malasakit, Ugnayan, Kaakibat ang PTA

Ang samahang Parents-Teachers Association (PTA) ay lehetimong organisasyon na binuo para sa kapakanan ng paaralan at ng mga mag-aaral. Sila ang katulungan, “support group” at “significant partner” sa pagpapatupad ng mga programa ng paaralan. Sakop ng DepEd Order 54 s.2009 ang mga detalye tungkol sa PTA kasama ang mga layunin at gagampanan ng PTA.

Kitang kita ang aktibong partisipasyon ng PTA tuwing “Brigada Eskwela” at iba pang aktibidad ng paralan. Ipinapakita nila ang pagmamalasakit at pagpapahalaga sa edukasyon. Ang kanilang taos pusong

pagtulong sa paaralan ay para na rin sa kapakanan ng kanilang mga anak para sa de-kalidad na edukasyon at maayos na paaralan. Kasama ang iba pang mga stakeholders na walang sawa at humpay sa pagtulong sa pagpapanatili ng kaayusan at kalinisan ng

ituinuturing na ikalawang tahanan ng mga bata. Ang magandang pakikipag-ugnayan sa mga opisyal ng PTA ay ang bukas na komunikasyon at respeto sa isa’t isa. Ang pakikipagtulungan ng PTA at stakeholders ay isang dignidad

at prebilehiyo ng isang komunidad na may magandang pundasyon at pagkakaisa para sa edukasyon. Naniniwala sila na ang edukasyon ang susi ng tagumpay at kaunlaran ng ating bansa. Sumasalamin ang paaralan sa kabutihan at kagandang loob ng mga tao sa komunidad sa kanilang pagpapahalaga sa edukasyon. Di madali ang pagtawag ng mga pagpupulong sa anumang oras para talakayin ang mahahalagang bagay na tumutugon sa kapakanan ng paaralan at ng mga mag-aaral. Ang opisyal ng PTA ay walang sahod para sa kanilang oras at panahon na inilalaan sa paaralan.

Ipagpatuloy ang kuluturang nasimulan, ang kulturang pagtutulungan, pagmamalasakit at pagkakaisa.

6 LATHALAIN Alingwan
Jasper Bawal

WOW BALINDAN!

Sama samang inilunsad ng mga magulang, PTA at mga stakeholders ang programang

WOW! Balindan ng Balindan Elementary School noong Agosto 23, 2023 sa kick off ng Brigada Eskwela

Nahahati ang programang ito sa apat na aspeto. Una ay ang WOW makabasa ako. Ito ay para lahat ng mag-aaral ng Balindan ay makabasa. Ikalawa ay ang WOW kasama ako na nakasentro sa koordinasyon ng mga magulang. Pangatlo ay WOW Ganda para sa kalinisan at kaayusan ng paaralan at pang-apat ang WOW Galing na nanghihikayat sa mga bata na makilahok sa anumang aktibidad sa paaralan at sa labas ng paaralan at pati rin sa mga

kaguruhan na makisali sa mga propesyunal na pagtitipon.

Nakita ang kagandahang epekto ng programang ito buhat nang

pormal na ilunsad. Ito na ang magsisilbing umbrella sa lahat ng mga programa ng paaralan. Ang bawat aspeto ay pinamumunuan ng mga

komite at sila din ang gagawa ng plano sa mga aktibidad na gusto nilang ipatupad.

Naging positibo ang pananaw ng mga stakeholders kasi nakikinita na nila ang magandang kalalabasan ng programa at lalong naengganyo ang mga magulang sa kanilang partisipasyon sa lahat ng programa ng paaralan.

Isa na namang makasaysayan ito sa BES dahil napapanahon dahil sa nakalipan na pandemya na pinadapa ang halos na programa ng paaralan. Ang WOW BALINDAN ay kinonsepto para mapanatili ang kapakanan ng mga bata at maayos na paaralan.

LATHALAIN 7
Ang Opisyal na Pahayagan ng Mababang Paaralan ng Balindan, Paracelis, MP, CAR Nova lapawen

Kultura Identidad Pagkatao

Ipinamalas sa International Indigenous Peoples Day

-Gyth acha-ol

Napakayaman at katangi tangi ang ating kultura. Napakaganda ng ating mga tradisyunal na sayaw, awit at tugtugin pati na ang ating kasuotan. Napatunayan ang mga ito sa pagsasagawa ng mga Festival dito sa rehiyon ng Cordillera. Noong buwan ng Agosto ay tinawag na International IP Day o Indigenous People’s Day at Buwan ng Oktubre, ginaganap and National IP Day

tribo na namumuhay sa isang lugar. Bata, matanda, may pinag-aralan o wala at iba pa ay kasali sa ganitong pagtitipon saanmang lugar nanggaling dahil ang IP ay

dito nagtipon tipon ang mga iba’t ibang tribu gaya ng Ga’dang, Balangao, Ifugao, Kankanaey at iba pang mga tribu. Layunin ng pagtitipon na mapagkaisa ang mga tao anuman ang iyong lahi para

ng modernong panahon ay kinikilala pa rin natin ang ating katutubong salita, kaugalian, kabuhayan at

8 LATHALAIN Alingwan

Ang kalamidad ay wlang pinipiling oras at araw para kumitil ng buhay at sumira ng mga ari-arian. Ayon sa pagsusuri, 40% ng kamatayan sa buong mundo ay dulot ng mga sakuna tulad ng lindol, bagyo at sunog.

Madalas tamaan ang ating bansa ng lindol, bagyo at sunog. Noong Disyembre ay niyanig ng lindol ang Northern Luzon at ang sentro nito ay sa lalawigan ng Abra. Maraming bahay ang sira at pagguho ng lupa, slamat naman at walang buhay na nawala.

Sa bansang Lebanon at Syria ay niyaning din ng napakalakas na lindol na kumitil ng libong buhay.

Sandata ng Sambayanan Kahandaan

kapahamakan.

Ang kahandaan sa anumang sakuna ay maaring pagtulungan ng mga mamamayan. Napagsisikapan nating maiwasan ang epekto nito kung tayo mismo ay nakikilahok sa mga adbokasiya at matuto sa nakaraang karanasan.

Sa mga di inaasahanh pangyayaring ito, nararapat na ugaliing maging handa. Isaunang-una ang kaligtasan ng bawat isa. Maraming mga paraan ng

Kalinisan at Kaayusan

paghahanda para maiwasan o mabawasan ang mga pinsala at kung maari ay zero casualty. Palagi ring tandaan na ang may alam ang siyang alas at sandata sa

Kaya bago pa man tayo tuluyang malunod sa mga epekto ng sakuna, maging handa at makipagtulungan tayo sa pagbabantay at pagpapakitang mahal natin ang kalikasang ugat ng ating pagkabuhay.

Sa ngayon isinasagawa na ang earthwuake drill kada 2nd week ng buwan bukod sa quarterly drill.

responsibilidad ng Bawat Isa

Problema na ngayon ang santambak na basura. Ito na ay isang seryosong suliranin sa ating kapaligiran. Ang pagrerecycle ang nakita naming solusyon sa mga basura. Bilang magaaral, ginagawa naming kapakipakinabang ang mga bagay na patapon.

Inihihiwalay namin ang mga plastic, papel at mga cellophane. Ang mga plastic bottles ay pininturahan namin at ginawang bakod sa aming gulayan at flower beds. Isinusuksok namin ang mga cellophane sa mga eco-bottles na ginamit naming pang riprap sa aming kapaligiran. Ang mga cellophane naman any ginawa naming kurtina at pangdekorasyon sa aming silid aralan. Samantala, ang mga papel ay ginagawang charcoal.

Kawiliwili ang paggawa ng mga ito at napapganda

namin ang kapaligiran ng aming paaralan. Bukod pa diyan ay nakakatulong kami sa hindi pagsunog ng mga basura na nakakadagdag sa carbon emission na nagdudulot ng polusyon at pagtalima sa Paris Climate Change Agreement. Ang Paris Climate Change Agreement ay pagbabawas ng pagbubuga ng greenhouse gas na nakakapinsala sa ating kalawakan. Dahil dito napagkasunduan naming mga opisyal ng SPG, Health Scots, YES-O at SDRRM na susuporta sa mga programa ng pamahalaan para mabawasan ang epekto ng climate change.

Ang pagpapanatiling maayos, malinis at kapakipakinabang ang ating paaralan ay isang manipestasyon ng sama-samang paggawa at pagtutulungan.

AGHAM AT TEKNOLOHIYA 9
Ang Opisyal na Pahayagan ng Mababang Paaralan ng Balindan, Paracelis, MP, CAR -Nova lapawen -Jasper Bawal

Organikong Pataba - Tugon sa Organikong Agrikultura

Pagpapabuti ng Soil Productivity -Gyth acha-ol

Ang organikong pataba ay isang sistema ng produksiyon na magpapanatili ng kalusugan ng tao at ng lupa. Ito ay alternatibong pagkakakitaan sa paaralan o di kaya sa tahanan.

Ang Gulayan sa Paaralan ay inilunsad sa bawat paaralan upang mapalawak ang kaalaman ng mga bata sa larangan ng pagtatanim at agrikultura na puwedeng isagawa sa bahay o vise versa. Ang programang ito ay naglalayong matugunan ang paglala ng malnutrisyon at ipamulat sa mga bata ang pagkain ng masustansiya para sa malusog na katawan at para hindi sakitin. Ang paaralan ay magsisilbing laboratoryo ng agrikultura kung saan dito nila matutunan ang mga scientipikong pamamaraan ng pagtatanim gaya ng paggawa ng organikong pataba. Ang paggawa ng organikong pataba ay siyang pantapat sa paggamit ng mga bagay na may nakapipinsalang epekto.

Sa organikong agrikultura ay pinagbubuklod ang tradisyon, inobasyon at siyensa upang makapagbigay benepisyo sa kalikasan. Napangangalagahan ang kalusugan ng lupa, tanim, hayop, tao at kalikasan sa organikong agrikultura. Napapanatili ang sustansya sa lupa at nagdudulot ng magandang kalidad, mayabong at masaganang mga produkto.

Aming napag-aralan sa Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan (EPP) at sa Science ang paggawa ng organikong pataba. Dahil dito ay tuluyan naming isinusulong ang paggamit ng mga ito sa aming gulayan.

Ipinanukala din namin sa aming tahanan o backyard gardening. Mainam ang paggamit ng organikong pataba dahil sa ito ay libre at nakakatulong pa sa kaayusan ng ating kapaligiran at napapangalagaan ang kalusugan ng mga tao at lupa.

10
AGHAM AT TEKNOLOHIYA Alingwan

ISPORTS Balik Sigla ng

Muling nanumbalik ang sigla ng palarong pampalakasan matapos ang dalawang taong pananamlay dahil sa pandemya.

Nsaksasihan na ang pagbabalik sigla ng mga taong mahilig sa isports at mga fans na nahuhumaling manood ng mga palaro. Panay na ang mga torneo at puspusan na ang paghahanda at pagsasanay ng mga atleta na sasabak sa mga palaro.

Mas mainan na sa isports malibang ang mga bata kaysa sa paglalaro ng mga onlline games. Ang paglalaro ng palakasan ay isang bagay na kinakailangan para sa pag-unlad ng pisikal at utak ng bata. Ang makasaysayang pagkapanalo ni Carlos Yulo sa 49th FIG Artistic World Championship ay itinaas muli ang moral ng larangan ng isports. Isa itong inspirasyon sa mga kabataan na hahatak sa larangan ng isports.

Nalalapit naman ang pagganap ng SEA Games na sasalihan ng ating bansa. Sana maibalik ang lakas ng atletang Pilipino na pantayan o lampasan ang kanilang performance noong 2018. Ipagpatuloy nating suportahan ang mg atletang Pilipino.

Sports Enthusiast

Galaw Galaw SA PAARALAN

Rhenz Tambawan |

Ang pag-eehersisyo araw araw ay makakabuti sa ating katawan. Ugaliing maglaan ng 30-minuto kada araw upang ikaw ay pagpawisan, tulad ng pagtakbo, paglakad, pagpanik-baba ng hagdan at pagsasayaw o zumba.

Sapat na ito upang magkaroon ng malusog na puso at immune syatem. Ang pag-eehersisyo ay nakadepende sa kung ano ang iyong madalas na ginagawa.

Bahagi na sa aming paaralan ang pag-eehersisyo tu-

wing umaga. Isinasagawa namin ang wellness dance na Galaw Galaw Pilipinas na ionorganisa ng Health Scouts at MAPEH group. Layunin nito na mapagtibay ang mga buto at kalamnan, pagpapabuti ng koordinasyon ng katawan, pampaalis stress, pagbabawas ng timbang at dagdag pogi at ganda points para sa malusog at masigla na paaralan.

Maari tayong magpakonsulta sa mga eksperto nang sa gayon ay magkaroon tayo ng tinatawag na “Balanced diet” walang labis walang kulang.

ISPORTS 11
Ang Opisyal na Pahayagan ng Mababang Paaralan ng Balindan, Paracelis, MP, CAR
LATHALAIN
MAG-EHERSISYOTUWINGUMAGA.Kinaugaliing gawainngmgamag-aaralngBESparasamalusogatmasigla na katawan.

EDITORYAL Kulang sa Ensayo

Pandistritong Palaro, Ginanap

Rhenz Tambawan

Ginanap ang pandistritong palaro sa Paracelis Central Schoola dalawang grupo lang ang magkatunggaling North at South noong ika 11 ng Marso 2023.

Ito na ang kaunaunahang dalawang distrito ng Paracelis ang naglaban laban sa iba’t ibang larangan ng isports magmula nang mahati ang bayan ng Paracelis ng dalawang Distrito. Ang distrito ng Paracelis North ay binubuo ng Barangay

Poblacion, Bantay, Bunot, Bacarri at Buringal. Samantala ang distrito ng Paracelis South ay ang mga Barangay Bananao, Butigue, Palitod at Anonat.

Nagpakitang gilas ang mga atleta sa kani kanilang larangan . ang pambato ng Norte na si Ryan Pigan ay nakatala ng ikalawang puwesto sa 100m run at running long jump. Nanguna naman si Beth Maglia ng Paracelis Central School sa 400m run.

Nasungkit din ni Mark Caballero

Pigan, ginto sa 100m run at Running Long Jump

at isa pang ginto sa Running Long Jump sa Paracelis Central School sa ginanap na Zonal Meet 2023 noong Marso 4, 2023.

ang unang ginto sa discuss at javeline throw. Kumpleto na ang koponan ng bayan ng Paracelis sa darating na Probinsyang Palaro na gaganapin sa Bontoc Mountain Province

Hindi kagandahan ang naging resulta ng Zonal Meet noong Marso 4, 2023 na ginanap sa Paracelis Central School na tanging si Ryan Pigan lang ang nakapwesto sa Barangay Bantay. Kulang na kulang ang preparasyon o kaya ensayo ng ating mga atleta. Nakipagsabayan naman sila pero parang bitin ang kanilang paglalaro. May mga bagay na dapat intindihin at bigyan ng kaukulang pansin. Una, kulang sa plano at preparasyon ng pagsagawa ng Zonal Meet 2023. Pangalawa, kulang sa ensayo ang mga atleta, ilang araw na lang ang pasabi na may gaganapin na patimpalak at bukas makalawa ay sasabak na. Panghuli ay kulang sa mga kagamitan.

Kailangan ng isang atleta ang sapat na oras na ensayo para paghandaan ang anumang pisikal na kumpetesyon. Kailangan ang pagsasanay para maikondisyon ang katawan ng mga atleta bago sasabak sa laro.ika nga nila “Prsactice Makes Perfect.” dito sa atin ay pinagtyatyagaan ang mga kagamitang pang isports na improvised at di maayos na mga palaruan.

bababe na kasama sa pangkat. Di naman pinalad sina Reggie Marafo, Justin Mar Cuaresma, Jasper Bawal na di nakapwesto sa karera.

Gayunpaman , may laban ang ating mga atleta kahit kinulang sa ensayo. Kung ating seseryosohin talaga ay malamang hanggang sa palarong pambansa ang mararating ng ating mga atleta.

Naungusan ni Ryan Pigan, baitang 6 ng Balindan Elementary School ang mga kalaban para maangkin ang ginto sa 100m run

Kasama si Pigan na delegado ng BES sa pagdaos ng kauna-unahang Zonal Meet. Si Pigan ay nagtala ng oras na 10.37 segundo, ilang segundo ang lamang sa ikalawang pwesto. Nakalundag naman ng 4.3 metro sa Running Long Jump na siyang dahilan na pangunahan ang torneo.

Samantala, nagtapos naman sa ikalawang pwesto si Rose Ann Banggot, ang tanging

Sa iba pang mga laro ay di rin nakadiskarte na makakuha ng medalya sina Benzar Pablo sa Discuss Throw, Rhenz Tambawan sa Javelin Throw at Ryan Pigan sa Shotput. Kinulang naman sa sentimetro ang layo ng javeline na ibinato ni Pigan na syang dahilan na pumwesto lang na pang-apat.

Kasama si Pigan at ibang kasamahan sa Paracelis North District na sasabak sa pandistritong palaro.

Nawa bigyan ng pansin ng lokal na pamahalaan ang pagkukulang na ito at pati na rin sa mga kinauukulan at mabigyan ng solusyon para naman makapaglaro ang ating mga atleta ng patas at may kumpyansa sa sarili.

Hindi natin saklaw ang mga pagkukulang na ito pero mas mainam na isagawa ang ating makakaya. Kung panalo din ang

ay dapat mag-atubili na para makamit ang magandang kapalaran sa pampalakasan.

ISPORTS
nanaisin Rhenz Tambawan Rhenz Tambawan READY GET SET GO. Nanguna si Ryan Pigan ang unang gantimpala sa 100m run sa ginanap na Zonal Meet sa Paracelis Central School noong Marso 11, 2023 TALON NG TAGUMPAY. Nasungkit ni Ryan Pigan ang unang pwesto sa running long jump sa ginanap na Zonal Meet sa Paracelis Cenrral School noong noong Marso 11, 2023.

Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.