Alpas Journal - Issue 5

Page 20

Isda NATHANIEL T. DELA CRUZ

Mabuti pa ang mga isda sa karagatan, walang COVID-19. Wala din silang lockdown o curfew. Walang online classes ang “schools of fishes”. Kahit sila ay dikit-dikit na parang nasa lata ng sardinas, ok lang. Hindi naman required ang social distancing. Ayon sa isinulat ni James E. Morrow at Alexander Mauro na pinamagatang Body Temperatures of Some Marine Fishes na inilathala sa Copeia, ang journal ng American Society of Ichthyologists and Herpetologists, ang mga isda ay karaniwang itinuturing na “poikilothermous animals” na ang ibig sabihin ay magkapareho ang temperatura ng kanilang katawan at ng tubig kung saan sila naroroon. Kung mataas ang temperatura ng katawan ng isda, ito ay dahil mainit ang tubig, at kung mainit ang tubig, pare-parehong maiinit ang mga katawan nila. Walang dahilan para may maka-quarantine at mapaghinalaang may COVID-19. Walang isdang magtatago sa mga baranggay health workers. Walang isdang ichi-chismis ng kapitbahay. Sa ilalim ng dagat, walang GCQ, ECQ, EECQ, MGCQ, o MECQ. Madali sa kanila ang pagparoo’t-parito sa mga probinsyang para sa mga tao na nakatira sa NCR Plus ay tawid-dagat, gaya halimbawa ng Mindoro. Hindi kailangan maging Authorized Persons Outside Residence (APOR), first responders, o frontliners para makalabas at makapaglibot. Hindi kailangan ng negative test result sa reverse transcriptionpolymerase chain reaction (RT-PCR). Hindi kailangan mag-register sa kahit anong online registration. Hindi kailangan ng health and exposure assessment at

20

|

ALPAS Issue 5

issuance of QR Code. Hindi kailangang sungalngalin ang ilong para sa swab test. Normal ang buhay ng mga isda sa ilalim ng dagat, habang ang mga tao sa lupa ay sinasanay ang sarili sa “new normal”. Noong panahon na ipinagbawal ang pagpapalaot ng mga mangingisda, ang pagsu-swimming sa dagat, at ang pag-byahe ng mga sasakyang pandagat dahil sa lockdown, marahil nagtataka ang mga isda bakit tahimik ang dagat at wala ang mga kadalasang nambubulabog sa katahimikan ng dagat. Ilang araw din ang dumaan na hindi sila kakaba-kaba na masilo ng lambat o masagi ng barko o masabugan ng dinamita. Habang nagdudusa ang mga tao sa hirap na dala ng COVID-19, patuloy lang sa paglangoy ang mga isda sa dagat. Kung pwede lang sanang maging isda. Kahit panandalian lamang. At languyin ang dagat ng kalayaan. Magba-bike ako simula dito sa bahay sa Malabon hanggang Navotas, lulusong sa Manila Bay, at lalangoy palabas ng Maynila kasama ang Sardinella pacifica, na unang natuklasan dito noong 2019. Babaybayin namin ang baybayin ng Tanza, Naic, at Maragondon sa Cavite, hanggang marating ang Nasugbu Bay sa Batangas. Lalangoy pa kami palayo, hanggang malampasan ang Lian at Calatagan at marating ang Verde Island Passage at tunguhin ang direksyong timog-silangan hanggang madaanan ang isla ng Tingloy at matawid ang Batangas-Sabang Western Nautical Highway at mapagitnaan ng Verde Island at baybayin ng Puerto Galera. Patuloy kaming lalangoy hanggang


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.