Alpas Journal - Issue 5

Page 62

Tungo sa Muling Pagkabuo JULES YUAN B. ROLDAN

Sa buhay, may mga pagkakataon na pilit nating sinisira ang ating katauhan. Ika nga, nagse-selfdestruct. Parang isang bagay na magagamit lamang sa isang partikular na oras at panahon, pagkatapos nito’y wawasakin na nito ang kanyang sarili. Hindi na magagamit muli. Ganito rin tayo sa iba’t ibang yugto ng buhay natin. Winawasak din natin ang iba’t ibang parte ng pagiging tao natin. Parang available lang tayo kapag masaya at may magandang nangyayari. Pero kapag kaguluhan na ang bumabalot sa paligid, hindi na tayo maasahan. Hindi na magamit. Hindi na gumagana katulad ng dati. Ayun nga lang, mahirap nga namang ikumpara ang “bagay” at “tao”. Masama kapag itinuring na bagay na ginagamit ang isang tao. Pero parehong minamahal ang “bagay” at “tao”. Halimbawa, mahal na mahal natin ang ating cellphone at hindi natin ito maiwan kahit saan tayo magpunta. May function at nagagamit sa iba’t ibang sitwasyon ang bagay at tao. Pareho rin itong nawawasak, kundi man siya/ito mismo ang nagwasak sa sarili nito. Sa yugto ng self-destruction, binubugbog at lalo pang sinusugatan ang mga parte ng sarili na matagal nang bugbog sa mga pasa, sa mga sugat. Pinalilitaw ng yugtong ito ang pagiging kritiko ng ating sarili. Na kesyo hindi tayo magaling, matalino, maganda’t gwapo. Madalas na kinukumpara ang sarili sa iba. Humagahilap pa ng atensyon at pagmamahal ng mga

62

|

ALPAS Issue 5

taong hindi kailanman naging interesado sa ating pagiral. Lalo pa tuloy nalunod sa kumunoy ng kawalan ng pag-asa at ang malala, self-pity. Kung ‘di naman ganito, pilit naman tayong lalayo o itutulak natin palayo ang mga taong malapit sa ‘tin. Yugto ito na punong-puno ng kaguluhan at pagtataka. Normal na lang sa akin ang pagse-self-destruct sa iba’t ibang yugto ng aking buhay. Pero ‘pag sinabing normal, ‘di ba dapat “sanay” ka na. Normalisado na nga, e. Parte na ng sarili at pag-iral mo ‘yun. Pero hindi ganoon ang kaso sa’kin. Para kasi ‘tong bisitang hindi mo aakalaing darating. Paulit-ulit na darating nang walang pahintulot. Wawasakin nito ang mga pinto at harang na binuo mo sa mahabang panahon ng pakikipagtunggali sa kanya. Pero hindi. Hindi ka naman talaga nasanay. Hindi naman talaga ako nasanay. Minanhid na lang ako ng ilang beses na pakikipagtunggali rito. Kumapal na lang ang balat sa bagyong dala nito. Isang uri ng pagtanggap, pag-surrender, sa isang kalaban na mahirap kalabanin. Lahat naman ng tao ay may problema. Ang sabi nga nila, kapag wala kang problema, hindi ka tao. Pero minsan, tila ba nawawalan tayo ng kontrol sa mga bagay. Imbis na mag-isip ng solusyon sa problema, mas lalo pa nating idinudukdok ang ating sarili rito. Hindi na maka-usad, kasi hindi mo na alam kung paano pa


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.