Alpas Journal - Issue 5

Page 70

Whopper VITTENA ELOISA VIBAR

Pawis, pagod at abala ang lahat. Hindi mabilang sa kamay ang dami ng pasyente. Patung-patong ang mga papeles, iba’t iba ang amoy at tila mga langgam kung titignan mula sa itaas ang bilang ng tao sa Manila Public Hospital. Si Bobi, isa sa mga nars ng MPH, ay pumasok sa cloak room upang maghilamos at sulitin ang ilang minutong pahinga. Kumatok ang kanyang katrabaho at sumilip mula sa pintuan. “Bobi, emergency on-call ka ngayon sa Paramedics Team. Kunin mo’to.” Kinuha ni Bobi ang papel na inabot sa kanya. “May one hour ka pa para maghanda,” at isinara ng kanyang katrabaho ang pinto. Binasa niya ang laman. Para sa isang kilalang pamilya ang search operation. Nilabas ni Bobi ang kanyang cellphone at isang Twitter notification ang lumitaw sa screen. Binuksan niya ito. “Oh no, I’m really worried! Mrs. Rodriguez and the whole family is missing! :’( most importantly nasa isip ko ang son niya na si Matoy. The family’s in Tacloban to celebrate the kid’s 8th birthday #HelpTheRodriguezFamily #Yolanda2013” Nakaramdam ng matinding pag-aalala si Bobi sa bata. Nag-uumapaw ang kagustuhang mahanap at mailigtas ang kilalang anak ng mga Rodriguez. Sumisiklab sa galit ang araw pagkatapos ng delubyo. Umaalingasaw sa hangin ang amoy ng daan-daang naaagnas na mga katawan sa dalampasigan. Walang humihingang kaluluwa kundi durog at lumolobong mga bangkay. Ngunit sa karagatan ng naaagnas na mga

70

|

ALPAS Issue 5

piraso ng laman-tao, isang walong taong gulang na katawan ni Matoy ang nagpupumilit na umahon mula sa bangungot... Umulan nang napakalakas sa kumakagat na dilim. Ang katahimika’y nabasag ng mga iyak at hiyaw, ungol ng hangin at nakakabinging kulog. Naging malagim, masakit na trahedya ang isang gradiyosong bakasyon para sa pamilya ng tatlo. Nabitawan si Matoy sa pagkakahawak ng kanyang inay at itay nang sila’y nabagsakan at inanod ng steel scaffolding habang umaangat ang tubig-ulan sa loob ng hall ng isang hotel sa Tacloban. Umagos ang mas maraming lumulutang na patay at siya’y itinangay papalayo sa kanyang mga magulang. Umiiyak at sumisikap na umahon sa rumaragasang tubig hanggang siya’y nawalan ng malay. Napabangon si Matoy sa bangungot, humihingal. Isang higanteng nilalang ang bumungad sa kanya. Sa nakakapanindig-balahibong itsura nito’y napasigaw at napaatras sa takot ang bata. Sa kabila ng maladambuhala at malahalimaw na itsura nito at walong mga galamay, ang dalawang mata naman nito ay napakaamo. Dahan-dahang inangat ng higanteng pugita ang isa sa mga galamay nito para makipagkamay kay Matoy ngunit napatakbo ang bata papalayo at ibinaon ang kanyang munting katawan sa nakatambak na mga bangkay sapagkat mas kinatatakutan niya ang dambuhalang halimaw ng karagatan kaysa sa mga patay na pumapalibot sa kanya. Napansin ito ng pugita kaya siya’y lumangoy pabalik sa kabilang dapit ng baybayin. Nang maramdaman ni Matoy na ligtas ang


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.