Tigsik CHRISTINE MARIE LIM MAGPILE, LPT
1. Ipagbili ang mga kasangkapan sa tahanan. Wala ng perang panggastos sa pag-aaral. Ayuda at tulong, napakatagal. Sige sa pagtrabaho, nakakapagal. 2. Kung parating nagagalit at naghihigpit, Darami ang maghihirap sa paligid. Tumulong sa mga kapos, huwag magalit. Ngayong pandemya, sa kapwa’y magbait. 3. Ang salapi ko na lang ay isandaan. Bibili ng gamot sa halip na bagong sapatos. Walang trabaho ngayon, magtitiis. Manawagan at manalangin sa Diyos. 4. Ang kaso ng COVID-19, mataas. An pagtulong sa kapwa, pusong ginintuan. Kun sa pagtulong, ipagmamayabang, Sa mga tao ay magdudulot ng kalungkutan. 5. Maliit ang aming tahanan. Maingay ang tunog ng telebisyon. Paano mag-aaral ng leksiyon? Kung tatanungin, face-to-face class ang nanaisin.
Tala: Ayon sa artikulo ni Aida Cirujales na “Ang Tigsik sa Modernong Panahon,” isang porma ng komunikasyon ang tigsik sa pagpapalawak ng mga salita na may apat na linya na may magkakaparehong tunog sa hulihan ng bawat linya. Nakapagpapatalas ng isip at nagbibigaykasiyahan kung paano maipaliwanag ang kahulugan ng mensahe. Tungkol sa pandemya ngayon ang tigsik sa koleksiyon. Mahirap man ang buhay, hindi tayo pababayaan ng Diyos. Katuwang natin ang ating pamilya kung may problema. Mapanganib ang COVID-19. Mahalaga ang pag-iingat upang hindi magkasakit. Panghuli, maging mabuti at matulungin sa kapwa.
8
|
ALPAS Issue 5