ANG MAGITING

Page 8

NG M

A A M

AGITING

Matapat na pagbabalita, Maasahang mamamahayag

Sa pangunguna ni Bb. Maricar Convencido guro sa asignaturang MAPEH at tagapag-ugnay ng CCHS Disaster Risk Reduction Management naglunsad ng demonstrasyon ng paggamit sa Brayden Adult CPR mannequins sa mga magaaral bilang paghahanda sa oras ng pangangailangan.

8 sa 10 Cramenians, pabor sa pagbabalik ng nakagawiang school calendar

BATANG HANDA

Cramenians, tinuruan ng proper CPR

Itinuro sa mga mag-aaral ng Camp Crame High School (CCHS) ang tamang paraan ng cardiopulmonary resuscitation (CPR) gamit ang Brayden Adult CPR mannequins na ibinahagi ng Defense Technologies Inc.

Noong Agosto 23, 2022, nagsagawa ang Defense Technologies Inc. ng inisyatibang

Project Safe na nagbigay sa mga mag-aaral ng

CCHS ng pagsasanay sa paggamit ng Basic Life Support (BLS) at Automated External Defibrillator (AED). Ito ay upang mapalawak ang kanilang kaalaman sa pagsagip sa kanilang kapwa.

Layunin ng Defense Technologies Inc. at ng Pilipinas AED na maturuan ang mga mag-aaral kung paano makapagligtas ng buhay gamit ang mga gadyet na ito.

“Ang mission naming ay to empower and also (ma-improve) ‘yung sa skills ng students,” ani Bb. Princess Llorente, kawani ng Defense Technologies Inc.

Ipinaliwanag ng Punong-guro ng paaralan sa isang panayam na si Ginoong Edwin Abengoza, ang pagpapalunsad ng programang ito ay para sa kaligtasan ng nakararami at sa programang ito

matutunan ng mga estudyante ang makapagligtas ng buhay ng ibang tao.

“Nilunsad natin ‘yan (Project Safe), dahil para makapag-save tayo ng buhay. Iyong tinuro sa atin, ‘yan ay simple, pamamaraan kung sakasakaling nagkaroon ng isang kasama ninyo sa loob ng paaralan na atakihin o kaya sa isang okasyon naman ay nalunod, very effective ‘yan(Project Safe), para ma-save natin ang buhay ng tao” ika nito.

“CPR is a very basic(procedure), lalonglalo na ‘pag ganitong sitwasyon natin na medyo mainit so hindi natin maiiwasan na, malay natin, ‘no? Along the way or within the campus may atakihin, kailangan ‘yan ng first aid na CPR. So kung lahat ng bata marunong mag-CPR, kumbaga malaking chance sa ‘tin ‘yon to save lives” dagdag nito.

Ayon naman sa mga mag-aaral ng CCHS, ang programang ito ay nakatulong sa kanila at

nagsilbing isang mahalagang bagay na maaaring magamit nila sa pagtulong sa ibang tao sa hinaharap.

“Tinulungan ako nito (programang Project Safe) kung paano mag-survive o paano tulungan ‘yung mga kailangan i-cpr dahil importante rin ‘to sa buhay na matutunan dahil kakailanganin mo rin ‘to para sa sarili mo na kung may nangangailangan sa ‘yo, matutulungan mo,” ani Kiell Yap, mag-aaral ng CCHS.

“Kapag nangyari man ‘yon sa isang lugar o sa isang event, p’wede natin siyang (CPR) magamit,” ika ni Jecca Lista, mag-aaral din ng CCHS.

Ayon sa Philippine Heart Association, malaking porsyento ang inaatake sa puso sa labas ng Hospital. Ang pag-aaral kung paano gawin nang tama ang CPR ay makatutulong upang mabigyang tulong ang ibang tao kung mayroong mang mga insidente ang mangyari.

Kasing-init

ng panahon ang usapan tungkol sa panawagan ng mga magulang, mag-aaral at mga guro sa pagbabalik sa nakagawiang school calendar.

Matatandaang pinirmahan ni dating Education Secretary Leonor Briones ang inilabas na DepEd Order No. 012, series of 2021 bilang tugon sa pagbabago ng sistema ng edukasyon dahil sa panahon ng pandemya.

Nagsagawa ng sarbey ang mga mamamahayag ng Ang Magiting sa kanilang pananaw kung dapat bang magpatuloy ang ganitong school calendar matapos ipatulad ng bagong Education Secretary na si Bise Presidente Sara Duterte ang implementasyon ng full face-to face classes na naglalayong matugunan ang learning loss sa mga mag-aaral dulot ng pandemya.

Lumabas sa sarbey na walo sa sampung mag-aaral ang sumasang-ayon na ibalik na ang nakagawiang school calendar upang maiwasan ang mga karamdamang dulot ng mainit na panahon at kahirapan sa pagtuturo sa mga guro.

Ayon kay Angela Lauriano mula 9-Gonzales, “Para sa akin ay oo. Dapat nilang ibalik sa dati nitong buwan na Hunyo hanggang Marso upang maiwasan ang mga panahon na mainit na nagiging dahilan upang maraming estudyante ang nahihimatay at nahihirapan sa loob ng classroom dahil sa init ng panahon.”

“Kung may plano talaga ang DepEd na ibalik sa dati ung school calendar mas okay kasi mainit ‘yung mga buwan ng March hanggang May lalo na kung magtuturo tayo sa Physical Education sa mga mag-aaral,” ani Bb. Gisela Marie Parenas, guro sa asignaturang MAPEH.

Isang panibagong karanasan

Assalamualaikum.

.
Ang Opisyal na Pahayagan sa Filipino ng Mataas na Paaralan ng Kampo Crame
Bilang 1; Tomo 1
Angelina Amanda BATANG MATATAG, BATANG HANDA: Kuha ni: Neil Mathew P. De Vera
BAYAN NA WALANG PLASTIK QC plastic-free future youth forum, ginanap BALITANG AGHAM BALITANG LATHALAIN OPINYON BALITANG SARBEY
Neil Mathew P. De Vera 9-Roco
27% BALITANG COVID Pagtaas ng kaso ng COVID-19, binigyang-pansin Lanie P. Camacho 10 Aguinaldo -Ituloy sa pahIna 04Bilang ng Cramenians na hindi bakunado K+10+2: Bagong alternatibo nga ba tungo sa reyalidad? -Ituloy sa pahIna 06- -Ituloy sa pahIna 06-
06-
Muling nagalak at nabuhay ang mga puso ng mga Pilipinong Muslim nang sumapit ang ika-22 ng Abril 2023. -Ituloy sa pahIna

Tree planting, isinakatuparan sa QC

Bagong punla, bagong pag-asa.

Bilang tugon sa climate change

MAGULANG KO, KASAMA KO: Ilan sa mga magulang na nakiisa sa programang pangkabuhayan ay natuto sa paggawa ng origami vase na maaring maging bagong simulain ng kanilang negosyo. Kuha ni: Bb. Ronalyn Lopez

Programang Pangkabuhayan, pinalakas

Eira Joedi Baldevarona 9-Gonzales

Matapos ang dalawang taong nahinto ang programang pangkabuhayan ay muling nagbukas ang pinto para sa mga magulang na nais matuto ng pangkabuhayan

Ginanap sa CCHS school quadrangle ang

“Project Pangkabuhayan para sa Pinoy (4P’s)” ni Gng.

Empaynado nitong ika-4 ng Pebrero, 2023. Nakiisa ang mga magulang ng mga mag-aaral na nasa ikapitong baitang at mga miyembro ng 4P’s o pantawid pamilyang Pilipino Program.

Ayon kay Gng. Gng. Rowena Empaynado guro sa Technology and Livelihood Education at nangangasiwa sa nasabing program na may layong matulungan at matugunan ang pangangailangan ng mga magulang para matulungan silang makabuo ng sarili nilang negosyo.

Nang magbukas ang klase nagsimula ang proyekto sapaggawa ng “Do It Yourself” o DIY na origami vase at sinundan ng dishwashing liquid.

“Ang programa ay naging masaya at edukasyonal. Natutunan ko rito na gumawa at magbenta ng dishwashing liquid. Natutunan ko rin kung paano ang estratehiya sa pagbebenta at kung paano magbudget para sa mga sangkap na kakailanganin. ayon ka Gng Lyduena Juance, isa sa mga nakiisa sa nasabing programa.

Ang programang ito ayon kay Gng. Juance ay hindi lamang nakatulong sa kanya, kundi sa magulang din na wala masiyadong pinagkakaabalahan.

Suportado ng punong-guro at mga guro ang nasabing gawain at Inaasahan na magpapatuloy ang programang ito, ang susunod na gawain ay paggawa ng polvoron o kaya paggawa ng banana bread.

SULONG CRAMENIANS: CCHS, kinilala ng RC PHINMA

Stephen Rhey Todoc 10-Magsaysay

Tinanggap nina Gng. Arlene Tusing at Gng. Chita Mejia bilang kinatawan ng mga guro ng Camp Crame High School ang pagkilala Republican College PHINMA Education bilang “Top 60 Partner Schools, noong ika-7 ng Oktubre 2022.

Ayon kay Gng. Tusing, “ Bilang guidance advocate, malaki ang tulong nito dahil nagiging kasama tayo sa kanilang mga programa at activities tulad ng seminar. Ang pagkilala na ito ay makakatulong para mapatatag pa ang ating partnership sa kanila.

Ang pagkakaroon ng ugnayan ng CCHS at PHINMA Education ay naging daan para magtulugan ang ilang pangangailangan ng paaralan dahil sa kanilang mga donasyon tulad ng hygiene kits.

Nagiging tagapagsalita rin ang kanilang mga kaguruan sa mga seminar tulad ng career guidance.

nakiisa ang mga kaguruan ng Camp Crame High School (CCHS), sa tree planting na ginanap sa La Mesa Dam, Quezon City kung saan mayroong 150 na mga boluntaryo mula sa iba’t-ibang mga lugar at paaralan Ang mga gurong miyembro ng Faculty Club ay sina G. Erwin Taguinod, Presidente ng Faculty Club; G. Christopher Frades, Bise Presidente ng Faculty Club; at Gng. Irene Bitancor na Sekretarya ng Faculty Club, at ilang mga mag-aaral ng CCHS ay nakibahagi sa tagumpay nang pagtatanim ng 2,300 punla.

Paliwanag ni Gng. Bitancor, ang dahilan ng pagpunta niya sa programang ito ay dahil sa pagmamahal niya sa kalikasan at para matulungan na rin ito “Gusto ko kasi ‘yung mga nature tripping tapos isang paraan na rin ‘yon para makatulong sa ating kalikasan,” ika nito Kanya ring ipinaliwanag na ang programang ito ay may malaking tulong sa kalikasan at nakatutulong din na makapagbigay alam sa mga tao tungkol sa estado ng ating tinitirhang kalikasan ngayon. Dagdag niya pa na

mahalagang ipagbigay alam sa ibang mga tao ang kahalagahan ng ating kalikasan upang mapabuti pa ang pagligtas natin sa ating kapaligiran. Ang programang ito ay inihandog ng Million Trees Foundation Inc. para sa “Earth Day” nitong ika-22 ng Abril, 2023.

Ito rin ay isinakatuparan upang mabuksan ang isipan ng mamamayan tungkol sa kalagayan ng ating mundong ating ginagalawan partikular ang climate change. Ang kanilang misyon ay makapagtanim ng 10 milyong puno hanggang taong 2030.

Ika naman ni G. Erwin Taguinod, napawi rin ang lahat ng pagod at paghihirap nila upang makapagtanim ng maraming puno sapagkat natupad ang kanilang hangarin na makatulong sa kalikasan.

Kabilang ang mga miyembro ng Supreme Student Government sa nasabing tree planting bilang bahagi ng kanilang adbokasiya sa pagtulong sa kalikasan.

Ayon kay Nathalie Britania, Presidente ng SSG, nakatulong ito upang magkaroon ng kaalaman tungkol sa pagtatanim sa gulayan sa paaralan.

ISANG PUNLA SA PAGBABAGO: Kaiisa ang mga guro (mula sa kaliwa Gng. Irene Joy Bitancor at G. Erwin Taguino) ng Camp Crame High School sa patulong upang labanan ng climate change sa tulongng Tree planting sa pangunguna ng Milli Trees Foundation Inc.

Kuha ni: Gng. Arlene Tusing

SULONG TUNGO

SA PAGKAKAISA:

Malugod na tinanggap ni Gng. Chita B. Mejia, (pangalawa mula

kaliwa) ang tropeyo ng pagkilala bilang Top 60 Partner School ng

PHINMA Education.

Kuha ni: Gng. Arlene

Tusing

“Isang malaking pribilehiyo na magkaroon ng scholarship. Maganda na nagbibigay ng voucher ang Department of Education (DepEd) pagkatapos mong grumaduate sa isang pampublikong paaralan. Laking pasasalamat sa pagkakataon na ito, na nagbibigay inspirasyon na mas mag-aral nang mabuti,” pahayag ni Annessa Zamora ng 10-Aguinaldo.

Sa pagkakaroon ng ugnayan na ito ay makatutulong para sa mga mag-aaral lalo na sa nasa ikasampung baitang para sa kanilang senior high school.

Ang PHINMA Education ay nagsimulan noong 2004 sa Araullo University sa Nueva Ecija at nagpatuloy na maabot ang iba pang paaralan tulad sa PHINMA Cagayan de Oro College, PHINMA University of Pangasinan, PHINMA University of Iloilo, Southwestern University PHINMA in Cebu City, PHINMA Saint Jude College in Manila, PHINMA Republican College in Quezon City, PHINMA Rizal College of Laguna, and PHINMA Union College of Laguna.

Freedom of Speech, suportado ng Cramenians

Neil Mathew P. De Vera 9-Roco

Kalayaang makapagpahayag at magbigay ng impormasyon ay sinusuportahan ng Cramenians.

Bilang kinatawan ng mga estudyante, binigyan oportunidad ng Camp Crame High School - Supreme Student Government (CCHS-SSG) na ipahayag ang mga saloobin ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng Project UNO na ngangahulugang UNA sa pakikinig NG mga OPINYON at saloobin ng mga cramenians.

Layunin ng proyekto na matulungan ang paaralan na matukoy ang mga suliranin na kinasasangkutan ng mga magaaral.

Sa pamamagitan ng Project UNO, binibigyan ng pagkakataon ang mga mag-aaral na maiparating sa mga opisyales ng grupo ang anumang iregularidad na nakikita at napapansin sa paligid ng paaralan o mga gawaing nakakaapekto sa kanilang pag-aaral..

“Gusto ko na maipahayag ng bawat estudyante ang kanilang mga opinyon at saloobin tungkol sa kanilang mga

na obserbahan sa loob at labas ng paaralan” ani Denzelle Rome Salvador na opisyal ng pampublikong impormasyon ng CCHS-SSG.

Sinisigurado ng pangkat na magiging pribado at sagrado ang mga liham ng mga estudyante. at agarang bibigyan aksyon ang mga mag-aaral na nagpaparating ng sumbomh sakanilang mga guro at masosolusyunan ang mga problema ng paaralan.

“We encourage the CRAMEnians na lahat ng nakikita nilang lumalabag sa handbook is idrop sa “Project UNO and this also serves as freebox box that what ever concern na meron sa school they can freely and without hesitation” ani Bb. Ronalyn A. Lopez, tagapayo ng CCHS-SSG ukol sa pagpapalawak ng kalayaan sa paglalahad ng opinyon ag saloobin ng mga mag-aaral ng Crame.

Batch ‘76, nagpatayo ng palikuran

Janessa Tucyap 10-Aguinaldo

Oncea Cramenias, always a Cramenians.

Matagumpay na naitayo ang bagong tatlong palikuran na donasyon ng Batch 1976.

Ang pondo para sa pagtatayo ng mga bagong palikuran sa paaralan ay ipinagkaoob ng mga alumnus na kabilang sa Batch ‘76.

Ang donasyong banyo ng Batch 76 ay nagsilbing napakalaking pakinabang para sa ating paaralan sapagkat limitado lamang ang mga pasilidad ng banyo na nagagamit dito.

Labis na pasasalamat naman ang ibinigay ng punongguro, G. Edwin M. Abengoza at ni Gng. Librada Q. Simon sa mga alumnus na nagpatayo ng palikuran.

Ayon kay G. Abengoza, dahil sa mga bagong palikuran na ito, nagkaroon ng sapat na palikuran para sa mga mag-aaral.

“Maraming salamat sa kanila, ilang estudyante mayoon ang Camp Crame, around less than 600? Ang ratio ng bata sa CR is 50:1, kung 600 tayo dapat 12 ang mayroon,” saad ng punong-guro.

Ani ni G. Abengoza, malaking tulong ang alumni association ng paaralan sa pagtugon sa pangangailangan ng paaralan.

“Masaya (kami) kasi dahil hindi na kami or ako mahihirapan kapag kailangan pumunta sa palikuran. Ngayon mas komportable na at mas marami na kaya maiiwasan ang pagpila o paghihintay ng matagal” ani Lanie Camacho, mag-aaral ng CCHS.

“Natutuwa ako talaga. I’m so happy na kahit wala na sila rito, still, ‘yung puso nila nasa atin pa rin,” ika naman ni Gng. Librada Q. Simon, DalubguroI at ang tagapag-ugnay ng CCHS alumni association.

Pinaalalahan naman ang lahat na panatilihing malinis, maayos at iwasan ang vandalism.

Ang nasabing palikuran ang kabilang nasa sa mga pasilidad na tinignan ng Department of Education Wash in School Monitoring na buwanang bumibisita sa mga paaralan sa lungsod ng Quezon.

Kalinisan, kaayos ng daloy ng tubig at mga kagamitan tulad ng ilaw, lababo at gripo.

Nangako ang ilang mag-aaral na magiging responsable sa pagpapanatili ng kalinisan at pangangalaga ng bagong palikuran.

Inaasahan na magiging modelo sila ng mga susunod na henerasyon.

BALITA . 02 Ang MAGITING Ang Opisyal na Pahayagan sa Filipino ng Mataas na Paaralan ng Kampo Crame Agosto 2022-Mayo 2023

BAGONG PAG-ASA, TUNGO SA KAAYUSAN: Pormal ng ini ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr, ang pagtatalaga kay Police Major General Benjamin C. Acorda Jr bilang bagong PNP Chief, bahagi ng kanyang mga plano ang pagpapaunlad ng nasabing ahensya at hangad ng CCHS na tagumpay ng kanyang panunungkulan.

Kuha mula sa Google.com

Rosales, nagbahagi sa Big Talk ng BayLayn 2023

Yassen M. Usman 9-Roco

Pinangunahan nina Elijah Felice Rosales mula Philippine STAR at Wilmor Pacay III ang talakayang isinagawa sa programang Big Talk ng pagbubukas na seremonya ng BayLayn 2023.

Si Rosales ang naunang nagbahagi ng talakayan. Sinimulan niya ito sa katanungang “should we trust the news?” (dapat ba nating pagkatiwalaan ang balita?) at sinunod ang kung ano ang journalism o pamamahayag.

Kanyang ipinadiinan na ang lahat ng pagpapahayag ay komunikasyon, ngunit hindi lahat ng komunikasyon ay pagpapahayag. Ibinahagi niya rin kung paano mailalagay sa balita ang kamatayan ng isang tao. Tatlo ang kanyang ibinigay, pagpapakabayani, politikal at katangahang dahilan ng kasawian.

Inilunsad niya rin ang ideyang tawagin ang publikasyon na ginagawa ng mga mag-aaral na mamamahayag na student publication (publikasyon ng mga mag-aaral) imbes na school publication (publikasyon ng paaralan).

Isinunod niya ang pangkalahatang-ideya, pagmamay-ari, iba’t ibang uri ng midya, at relasyon ng midya’t simbahan, at midya’t estado.

Ang trust at distrust rating naman ang kanyang sinunod na tinalakay.

Ipinakita nito na 27% lamang ng mga Pilipino ang may tiwala sa midya sa pagaaral noong 2022.

Sumunod naman ang pagmamay-ari. Kanyang ipinakita na ang midya na kumontrol sa 58% ng merkado noong 2016, ABS-CBN na pinamumunuan ng Lopez family. Ikalawa, ang GMA Network na hawak ng Gozon-Jimenez-Duavit Family at ang midya na nakapagpatuloy pa rin ng operasyon sa gitna ng Martial Law.

Naririto ang iba pang naibahagi: Philippine Star ni Manuel V. Pangilinan na 50% ang shares, 20% naman sa Belmonte family na unang nagmay-ari nito; Inquirer na hawak ng Rufino-Prieto sa 60% shares nito at si MVP na 13% ang shares; Net25 ng Iglesia Ni Cristo (INC); at ang mga midya na hawak ng gobyerno o ng Presidential Communications Office.

Napag-usapan din ang isa sa mga progresibong site na nagbabalita, ang Bulatlat.com na itinayo noong 2001. Sa huli kanyang pinagdiinan na ang isang mamamahayag ay may pinapanigan, ang katotohanan, ngunit balanse sa pagbabalita.

Tumatak naman ang kasabihang kanyang ibinahagi, “it requires a kilometric process to publish a story” (kinakailangan ng kilometrong proseso ang pag-uulat ng balita) sa mga kabataang mamamahayag na nakikinig.

Ang 2023 na edisyon ng Para Sa Bayan at Lasalyano (BayLayn) ay ang nagsilbing pagbabalik nito. Ito ay isang inter-high school workshop at kompetisyon na pinamamahalaan ng Pahayagang Plaridel ng Pamantasang De La Salle. Ginanap ang BayLayn 2023 noong ika-25 ng Marso 2023.

Sa huli, nagwagi ang isa sa mga pambato ng Camp Crame High School na si Yassen M. Usman sa kategoryang Pagwawasto at Pag-uulo ng Balita kung saan itinanghal siya sa ikatlong pwesto.

BALITANG DAgLI

The Valiant, tagumpay

BALITA BAlita

SPECIAL REPORT

Acorda, bagong hepe ng PNP

Jeremi Luther Bandiola 10-Magsaysay

Itinalaga bilang bagong Philippine National Police (PNP) chief si Police Major General Benjamin C. Acorda Jr. na nitong nakaraang Abril 22, 2023 lamang ay nakatalaga sa ikalawang mataas na pwesto sa PNP.

Marami ang naniniwala sa kanya na maipagpapatuloy niya kung ano ang nasimulan ng nakaraang PNP chief.

Pinangunahan naman ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang change-of-command ceremony at ang pagbibigay karangalan sa pagreretiro ng dating hepe ng PNP, General Rodolfo Azurin Jr. Si Azurin ang unang hepe sa ilalim ng bagong administrasyon kung saan nanilbihan siya sa loob ng walong buwan.

“Because many things are happening in the police force, we are looking at a lot of things. We encountered problems so we need to place a reliable commander and our new PNP chief, Benjie Acorda, is somebody who is well known to me,” saad ni PBBM.

Nangako si Acorda na dating hepe ng PNP Directorate for Intelligence (DI), na ipagpatuloy niya

ang kampanya ng kanyang hinalinhan na linisin ang organisasyon ng pulisya ng mga scalawags.

Narito ang kanyang mga pangako na nakadaglat sa kanyang huling ngalan:

A - Administratively call for unity and nation building move toward a modifiied PNP

C - Commitment to anti-illegal drugs campaign.

O - Organization assignments and positioning will be based on merit, ability and moral ascendency.

R - Relentless on anti-criminality campaign through intensive police visibility and sincere police presence.

D - Development/morale and welfare of personnel in the organization.

A - Always do the right thing and let us hate crimes and fight criminals.

Ayon sa punongguro ng mataas na paaralan ng Kampo Crame, G. Edwin M. Abengoza, “Since there is a consortium between the PNP and the

DepEd Central Office pertaining to our building, I hope and wish that he will allow us to construct a new one just within our school perimeter.”

“Lahat ng Designated CPNP (Chief of the Philippine National Police), may magandang reputasyon dahil sila ang pinili ng pangulo, tanging ang programa, istilo, o uri ng pamumuno lang ang naiba nila, at kung paano nila pinamamahalaan nang tama at tapat ang bawat sitwasyon,” ani Police Senior Master Sergeant Rodel Cayetano, ama ng isang mag-aaral sa CCHS.

Bago ang kanyang appointment, kabilang na siya sa Philippine Military Academy “Sambisig” Class of 1991 kung saan siya ang nanguna sa intelligence at counterintelligence efforts ng PNP. Kabilang sa iba pang posisyon na hawak niya ay ang chiefof-staff ng Civil Security Group, deputy director for operations ng National Capital Region Police Office,

magpapakita ng pagiging malikhain ng mga scout sa pamamagitan ng pagluluto, pagsasagawa ng first-aid, pagsasagawa ng wastong pagtutupi ng watawat at mga man gawaing sa loob ng kampo.

KAPIT BISIG PARA SA KAAYUSAN: Sa tulong ng mga CCHS-BSP, sila ay nanguna sa mga pagsasanay na kailangan ng bagong opisyale noong Marso 31, 2023.

BSP-CCHS CHAPTER:

Opisyal na kinilala

Dumaan sa butas ng karayom ang mga mag-aaral na nais maging bahagi ng Boy Scout of the Philippines ng Camp Crame High School.

Pinangunahan ni Bb. Maricar

A. Convencido ang tagapayo ng BSP-CCHS Chapter, ang taunang investiture kasama ang ilang alumni na sina August Mendior, Layunin ng programang ito na kilalanin at tanggapin ang mga tungkulin ng mga batang scout, kabilang na ang pagiging matalinong mamamayan, at kasama sa lingkod bayan.

Naganap nasabing programa noong ika-31 ng Marso sa CCHS

“Masaya ako na nagkaroon ako ng ganon kagandang experience bilang isang leader at nagawaran ako at mga scout ko ng mga award. Siguro makatutulong siya sakin na maging mas mabuti at maging responsable sa araw-araw, nakatulong ito sa akin na maging bukas ang isipan dahil lahat ng problema ay may solusyon dahil dapat lagi tayong nagsisikap,” ani Anthony Castillo isang senior scout.

Binigyang parangal ang mga alumnus, eagle at mga bagong scout. Tinanghal sa Best Leadership Award si John Anthony Castillo mula sa pangkat ng Taurus.

Gynmasuim.

“Ang school is always getting a help from the scouts, lahat ng event sa school ang scout ay nagme make sure na ung club ay okay at sa safety den ay nagbabantay ang mga scout ,so malaki ang tulong ang scout para sa school at yun naman talaga ang purpose ng scout ay ang makatulong sa school pati narin sa community at family nila,” saad ni Bb. Convencido. Kasama sa programang

SJC, tinalakay ang SHS strand

Eidjanelle P. Saudagar, 9-Roco

Para sa bayan kailangan tutukan ang mga bata-Espino

Julianne Gabriel C. Bautista, 10-Magsaysay

Nasungkit ng publikasyong The Valiant ng Camp Crame High School (CCHS) ang ika-walong puwesto sa Editorial Page at ika-pitong puwesto naman sa Science Page sa nakaraang Praise for School Paper Publication.

Ayon sa tagapayo ng nasabing publikasyon, “Masaya ako na kinilala ang The Valiant sa nakaraang Praise for School Paper Publication dahil hindi lang ang publication ang kinilala sa parangal na ito, kundi pati na rin ang lahat ng mga journalists na nasa likod ng tagumpay na ating nakamit.

Pinangunahan ito ni Bb. Maria Joey T. Roxas mula sa PHIMNA Saint Jude College Quezon City, ang pagpapaliwanag sa iba’t ibang strand na maaring kunin ng mga mag-aaral na nasa ikasiyam na baitang ng Camp Crame High School.

“Nakatulong ang seminar ng aming dinaluhan upang mapalawak at madalian pa akong makapag desisyon sa strand na aking kukunin, nagkaroon din ako ng ideya at kaalaman sa maaaring mangyari kapag ako’y nakatungtong na sa Senior High School. Nakatulong din ito sa pagdedesisyon kung ano nga ba ang kaya/gusto kong gawin at kaya rin ng budget ng aking mga magulang.” Ani Aubrey Jhoelle Pataray na mag-aaral ng CCHS.

Nagbigay ng talumpating pasasalamat si Janna Espino, auditor ng Camp Crame High School-Supreme Student Goverment sa ginanap na Don Alejandro Roces Sr. Science and Technology High School.

Dinaluhan ng mga piling mag-aaral sa buong lungsod ng Quezon City, ang nasabing pagdiriwang. “Mahalaga ang pagdiriwang na ito sa aming mga mag-aaral para maging bukas ang isip namin sa kasalukuyang sitwasyon ng kapwa naming kabataan. Dahil para sa ating bayan kailangan tutukan ang mga bata sa usaping kalusugan at kaisipan.”, ani ni Espino.

Layunin ng pagtitipon ay magbigay ng kaalaman sa mga sitwasyon kabataang Pilipino.

. Ang MAGITING
Agosto 2022-Mayo 2023 03
Ang Opisyal na Pahayagan sa Filipino ng Mataas na Paaralan ng Kampo Crame
Nahati sa apat na pangkat ang mga scout na pinangunahan nina Raphael P. Ramilo para sa Leo, John Anthony A. Castillo para sa Taurus, Kian Sancho S. Salinas para sa Scorpio, at Kaith Nathaniel Aloyodan para sa Pisces. Neil Mathew P. De Vera 9-Roco Stephen Rhey D. Todoc, 10-Magsaysay Kuha ni: Jeremi Luther D. Bandiola Taurus Leo Scorpio Pisces

Bansang Makabata, Batang Makabansa, isinusulong sa CCHS

Janessa C. Tucyap 10-Aguinaldo

“Bagong taong panuruan, bagong Crame”, wika ni G. Erwin M. Taguinod bagong presidente ng Faculty Club.

Inihalal ang bagong faculty club officer Camp Crame High School (CCHS) noong ika-20 ng Setyembre 2022.

Ang misyon ng bagong administrasyon ay maibigay ang mataas na kalidad ng edukasyon sa paaralan at pagpapatibay ng karapatan ng mga guro.

Bilang tugon sa pangangailangan ng mga mag-aaral, sinisikap ng mga bagong halal na opisyales na sina: G. Erwin M. Taguinod bilang presidente; G. Christopher F. Frades bilang bise presidente; Gng. Irene Joy S. Bitancor bilang kalihim; Gng. Jonah M. Asuncion bilang ingat-yaman; Bb. Ronalyn A. Lopez bilang Public Relations Officer (PRO); at G. Jeffrey O. Jamosin bilang Probation Officer (P.O) ang pagbuo ng proyektong pang mag-aaral.

Isa sa mga ito ay ang pagsuporta sa mga proyekto ng mga guro at iba’t ibang asignatura, tulad ng KumusTawag bilang tugon mga learners at risk, mga seminar na nakatuon sa usaping mental health at karapatan ng mga bata at kababaihan, mga pagpapakita ng mga kasanayan tulad ng basic CPR at paggamit ng fire extinguisher.

Maliban dito, sa pangunguna ni G. Peter Philip C. Ogena ang property custodian naipamahagi ang mga schools supply galing sa lokal na pamahalaan.

Naglalaman ang mga suplay na ito ng dalawang buong papel, limang kwaderno, A4 bond paper, graphing paper, colored paper, 86B flash drive, plastic fastener, dalawang ballpen, at dalawang lapis.

Para sa karagdagang kaalaman ng mga guro, ang learning action cell session naman, maisasagawa sa pamamagitan ng pag-organisa ng tagapagsalitana tutok sa mga kasanayang kailangan ng mga guro at napapanahong paksa.

Ayon kay G. Taguinod kailangan pang mapagtibay ang ugnayan ng paaralan at ibang stakeholders. Isa sa mga naging hakbang ay ang pagbuo ng bust ni Gen. Crame ay ilalapit sa mga stakeholder para sa tulong pinansyal.

Hinihikayat rin niyang makiisa sa mga guro sa mga aktibidad sa labas ng paaralan katulad ng pagsali sa mga Non-Governmental Organization (NGO) na may adhikaing makatulong sa kalikasan at kapwa katulad ng rebbaging ng saplings, seedlings, at aralin sa kalsada.

Binigyang-diin rin niyang ang mga proyektong ito ay hindi lamang para sa kapakanan ng paaralan, kundi kasama na rin sa pag-unlad ng bawat guro at mag-aaral.

Kaiisa ang mga opisyals ng faculty sa aghikain ng Kagawaran ng Edukasyon na magkaroon ng batang Pilipinong may pusong makabansa at kakayahang makabayan.

“Experience is the best teacher,” ika nga nila.

BATANG HANDA, BATANG LIGTAS: Sa tulong ng PNP Base Fire Protection HSS at ng PNP Explosive Ordance Disposal, nagpakita ng wastong paggamit ng fire extinguisher ang mga mag-aaral at nagtalakay dapat isaalang-alang sa oras ng sunog at banta ng bomba.

Kuha ni: Jerald Firei Arnaldo

FALEO: Bagong Ugnayan para sa CCHS

Neil Mathew P. De Vera 9-Roco

PARA SA BATA, PARA SA BAYAN: Tinitiyak ng Faculty Club na masuportahan ang mga pangangailangan ng mga mag-aaral tulad ng (mula sa itaas) pagkilala sa kanilang paniniwala at pamamahagi ng gamit na pang-eskwela.

Mula sa pahina 1

Ayon sa pananaliksik ni Guido David ng OCTA Research noong ika-20 ng Mayo, na sa 1.700 hanggang 1,900 ang naitalang bagong kaso ng COVID-19 sa buong bansa na nagdulot ng 24.3 porsyento ang itinaas.

Karamihan ng kaso nito ay nasa National Capital Region (NCR) na may 760, na sinundan ng Cavite na may 191, Laguna na may 110, Rizal na may 96 at Bulcan na may 74 at ang huli ay Batangas na may 69.

Sabi ni David, “may have peaked in NCR, but not yet in some province.” Samantala, ayon sa Department of Health (DOH) ay nagtala ng 1,912 na bagong kaso ng COVID-19 na nagtala ng kabuuang bilang na 4,127,628 simula ng pumasok ang taong 2020.

“Nakababahala dapat pa rin nating sundin yung mga health protocols, at maging maingat pa rin upang hindi na kumalat pa nang malawak ‘yung COVID-19,” ani ni G. Erwin M. Taguinod, guro sa Camp Crame High School.

Sa kabila ng pagtaas ng kasong, nagpapatuloy ang balik face-to-face sa lahat ng paaralan sa buong bansa.

Kaya mahigpit na bilin ni G. Edwin M, Abengoza na hikayatin ang mga mag-aaral na magsuot ng facemask sa loob ng paaralan at nagpapaalala sa mga magulang na maging maagap sa kung anuman ang nararamdaman nila. Ito ay bilang tugon sa 27% na bilang ng magaaral na walang vaccine.

Patuloy ang pagbibigay ng mga facemask ng mga naitalagang clinic teacher na sina G. Christopher M. Frades at Bb. Maricar Convencido na kapwa mga guro sa asignaturang MAPEH.

Cramenians, inihanda sa banta ng bomba, sunog

Princess Angelica F. Marcelo 9-Gonzales

Dahil sa kabalikat ang PNP sa mga adbokasiya ng Kagawaran ng Edukasyon, sila ay nag-iikot at sa iba’t ibang paaralan upang ituro ang mga paghahandang dapat gawin sa oras ng sakuna kabilang ang sunod at banta ng bomba.

“Ang batang may alam, ay ligtas”, iyan ang pinaalala ng Philippine National Police (PNP) - Base FireProtection HSS at PNP - Explosive Ordance Disposal (PNP-EOD) sa mga mag-aaral na Camp Crame High School (CCHS) noong ika-15 ng Marso dahil sa kanilang pagtatalakay ng Bomb Threats at Fire Prevention.

Gamit ang daglat na TPASS, sundin ang mga sumusunod: Twist the pin, Pull the pin, Aim the muzzle, Squeeze the lever, and Swipe from side to side. Maaari ring tumawag upang humingi ng tulong sa mga kinauukulan.

Samantala, hangga’t maaari, maging alerto ang bawat isa sa tuwing may banta ng pagsabog ng bomba sapagkat hindi lahat ng bomba ay pare-pareho.

Ang mga improvised explosive device (EID) ay maaaring nasa anyong bag, flashlight, lunch box, at iba

pa. Mangyaring sundin ang sumusunod na paaalala: manatiling kalmado; huwag hawakan, pakialaman, o ilipat ang pakete, bag, o bagay; abisuhan kaagad ang mga awtoridad; sundin ang mga tagubilin; mahinahon na tumakas sa lugar kung walang ibinibigay na tagubilin; maniwalang ikaw ay nasa mapanganib na sitwasyon kaagad; at siguraduhing maging alerto.

Ayon kay G. Peter Philip Ogena, ang school property custodian ang paaralan ay walang sapat na kagamitan na maaaring magamit ang paaralan upang mapuksa ang mga posibleng sakuna sa loob ng pasilidad nito.

Bilang tugon sa pangangailangan ng paaralan at masigurado ang kaligtasan ay agbigay donasyon ang PNP ng fire extinguishers.

Mga

damit, bag, satapos, mga gamit sa opisina at ibang gamit na pang-sports ay ilan lamang sa ipinamahagi ng FilipinoAmerican Law Enforcement Officers (FALEO) sa kanilang pagbisita sa Camp Crame High School (CCHS).

Taong 2000 pa lamang ay isinasagawa na nila ang ang ganitong serbisyo sa mga paaralan sa tulong ng kanilang mga pamilya, iba’t ibang negosyo at organisasyon “They came from people that aren’t Filipino but they heard what we do” ani Police Lieutenant Eric Quema.

Sa pangunguna ng Presidente ng organisasyon na si Robert Nishiyama ay kanilang ibinahagi ang mga panahi, mga damit, kagamitan opisina, chess boards, mga bola ng volleyball, basketball, soccer ball na makakatulong upang ito’y magdagdag sa mga pisikal na aktibidad ng mga mag-aaral.

“Makakadagdag ito sa ating mga kagamitan na maaring magamit ng mga batang may pangangailangan sa kanilang pag-aaral, lalo na ang mga gamit tulad ng bola kailangan na kailangan ito ng sports club natin lalo na ngayon sunod-sunod na ang mga palaro sa ating division”, panayam ni Bb. Maricar Convencido guro sa asignaturang MAPEH at isang tagapagsanay sa iba’t ibang isports.

Ayon naman kay G. Peter Philip Ogena ang property custodian ay nakipagugnayan siya sa Supreme Student Government upang maipamahagi ang mga gamit sa mga batang higit na nangangailangan.

“Prayoridad talaga namin ang mga paaralan sa ilalim ng Camp Crame”, dagdag pa ni G. Quema.

Ipinangako rin ng mag-aaral na iingatan ang mga kagamitang handog.

Inaasahan na magbabalik ang FALEO sa susunod na taon upang ipagpatuloy ang nasimulan na ugnayan nito sa CCHS.

PARA SA BAYAN, PARA SA BATA: Buong gilas na ipinakita nina (mula sa kaliwa) Bb. Ronalyn Lopez at Gng. Arlene Tusing ang kanilang husay sa pagtuturo sa buong distrito apat.

Kuha ni:

#TATAKCramenians Lopez, Tusing, wagi sa pakitang-turo

Ipinakita nina Bb. Ronalyn Lopez at Gng. Arlene Tusing kanilang mga pinakamagagandang paraan ng pagtuturo sa buong distrito apat noong ika-17 ng Marso 2023 sa Quezon City High School para sa Search For Outstanding Demonstration Teacher.

“I am highly elated by the results of [the] AP teacher’s demo teaching. There’s a sense of accomplishment. I salute their efforts and never underestimate the power of genuine praise,” ani Elizabeth San Pedro, dalubguro I ng Araling Panlipunan na isa sa mga naging kritiko para sa paghahanda ng presentasyon.

Kinilala si pinakamahusay si Bb. Lopez para sa Araling Panlipunan (AP) ng Junior High School Category at si Gng. Tusing sa ikaanim na pwesto para sa Edukasyon Sa Pagpapakatao (ESP) ng parehong kategorya.

Batid ng dalawang guro na hindi naging madali ang

paghahanda na kanilang ginawa ngunit naging malaking tulong ang pagbibigay input ng kapwa nila guto gayundin ni G. Edwin M. Abengoza, punongguro ng Camp Crame High School.

Ikinararangal ni Bb. Lopez na mabigyan ng pagkakakilanlan sa CD IV ang CCHS ani niya, “My accomplishment is also accomplishment of Camp Crame High School. Kasi paunti-unti[ng] nakikilala ang school natin, and thru my achievement,”.

Hindi man nakapwesto sa division level si Bb. Lopez ngunit lubos siyang nagpapasalamat sa suporta at ayon sa kanya magpapatuloy siyang ipakita ang magandang kalidad ng pagtuturo para sa kaniyang mga mag-aaral.

04 BALITA . Ang MAGITING
2023
Ang Opisyal na Pahayagan sa Filipino ng Mataas na Paaralan ng Kampo Crame Agosto 2022-Mayo
Bb. Elizabeth B. San Pedro Eira Joedi Baldevarona 9-Gonzales Mga Kuha ni: Bb. Ronalyn Lopez

Agosto 2022-Mayo 2023

Ang Opisyal na Pahayagan sa Filipino ng Mataas na Paaralan ng Kampo Crame

Cyberbullying: 6.03%

Gender-based/biased: 5.92%

Social bullying: 25.43%

Physical bullying: 56.79%

Retaliation: 5.83%

BALITANG larawan

BALITANG MAY LALIM

Ibang-iba na po ‘yung mundo na ginagalawan ng mga kabataan ngayonAraullo

Cybercrime, bullying, tinalakay

Angelina Amanda A. Garcia 10-Aguinaldo

Ayon sa datos na inulat ng Pilipino Star Ngayon noong Pebrero na mahigit sa 17.5 milyon na mga estudyante ang nakakaranas ng pambu-bully sa kanilang mga eskwelahan.

Isa ito sa mainit na pinag-uusapan ng mga kawani ng edukasyon dahil sa patuloy na pagtaas ng bilang ng bullying sa paaralan. Binigyang-pansin ng Department of Education Assistant Secretary Dexter Galban ang datos na 11,000 ang naulat na kaso nito noong taong 2020 pa lamang at inaasahan an marami pa ang hindi naiuulat.

Pagpasok ng taong 2023 halos 28 milyong mag-aaral ang nasa loob ng pampublikong paaralan at lalo pang tumataas ang bilang ng kaso nito. At lumabas sa kanilang pag-aaral na 6.03% ay dulot ng cyberbullying.

Kasama ang mga piling mag-aaral ng Camp Crame High School sa pagdiriwang ng ika-10 anibersaryo ng Philippine National Police - Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG) ay nagsulong sila ng seminar na may temang “Keeping Cyberspace Safe and Secure for Children.” noong ika-29, ng Mayo.

Kabilang si G. Atom Araullo sa mga tagapagsalita ng program ani niya “Ibang-iba na po ‘yung mundo na ginagalawan ng mga kabataan ngayon, sa mundong ito, may iba na pong impluwensya sa paghubog ng kanilang pagkatao. Sa isang banda, maswerte sila dahil maraming kabutihang naidulot at inidudulot ng internet. Halimbawa na lang napakabilis na at napakadali makakuha ng impormasyon at makapag-research gamit ang internet. Kaya nagbubukas ito ng napakaraming mga bagong mga kalidad para sa

#TATAKCramenias

mga kabataan,”.

Malaki ang tulong sa pag-aaral ng social media dahil madaling makakuha ng impormasyon. Dagdag pa ni Araullo, “Pero sa kabilang banda, pinagkukunan din ito ng mga bagong panganib na hindi naranasan ng mas nakatatandang henerasyon at sa lalong pagsulong ng teknolohiya, palaki rin nang palaki ang hango sa ating lahat na panatilihin silang ligtas.”

Sunod niyang ipinaliwanag ang mga panganib na dala ng internet tulad na lamang ng cyberbullying, scam, at marami pang iba.

Ayon sa kanya, nais niyang mapanatili ang kaligtasan para sa kanyang mga pamangkin habang sila’y gumagamit ng teknolohiya.

“Bilang isang tito, madalas ko itong iniisip, syempre iniisip ko ang mga pamangkin ko. Nandiyan ang cyberbullying, mga scam, at iba pa,” paliwanag nito.

Hindi lahat ng implikasyon ng ng bullying ay makikita sa pisikal, paalala ng Ateneo School of Medicine and Public Health maaring ito ay emosyonal kung saan makakaramdam ng pagkabilisa, sikolohikal ang pagkakaroon ng depresyon, seikomatic ito ay ang hindi mabaha ang pagtulog at higit sa lahat sa akademiko partikular ang hindi madalas na pagpasok o kaya pagbaba ng marka.

Mamamahayag ng CCHS, namayagpag sa PressCon

Yassen M. Usman 9-Roco

Namayapag ang mga manunulat ng Camp Crame High School sa iba’t ibang Press Con sa buong Pilipinas.

Ginanap sa Eugenio M. Lopez Jr. Center for Media Arts

Senior High School ang CDIV Press Con na may temang”Campus Journalism: Locally Responsive, Globally Engaged” noong Ika-10 ng Disyembre 2023. kung saan hinirang na pinakamahusay sa pagsulat ng Agham si Stephen Rhey D. Todoc, ikalawang pwesto sa Editorial Writing si Jillian Trinity B. Fiesta, at ikatlong pwesto sa Pagsulat ng Editoryal si Neil Mathew P. De Vera, sa ikaapat na pwesto si Eira Joedi R. Baldevarona sa Pagsulat ng Agham, ikaapat na pwesto rin para kay Jaivee Andrei G. Daverao sa Copyreading & Headline writing, at ikaanim naman sa Pagwawasto at Pag-uulo ng Balita si Yassen M. Usman. Tatlo naman ang nakakuha ng ika-sampung pwesto: Jeremi Bandiola sa Pagsulat ng Balitang Isports, Aubrey Mapili sa Editorial Cartooning, at Eidjanelle Saudagar sa Kartun Bilang paghahanda sa Division Press Con ay dumalo ang mga mamamahayag ng The Valiant at Ang Magiting ng CCHS sa UP Elevate 11 na may temang “Press and Polarities: Media in the Midst of Political Divisiness” na sa unang pagkakataon ay matagumpay na nasungkit ni Yassen M. Usman ang ikatlong pwesto sa Mobile Journalism Filipino na may paksa na Pananaw ng mga estudyante ukol sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin. Naging puspusan ang paghahanda ng mga mamahayag ng

The Valiant at Ang Magiting ng CCHS para sa Division Press Con sa San Francisco High School sa tatlong magkakasunod na sabado mula sa Ika-18 at 25 ng Pebrero hanggaang ika-apat ng Marso 2023. Tinanghal sa ika-limang pwesto sa Pagwawasto at Paguulo ng Balita si Yassen M. Usman at sa ika-pitong pwesto sa Column Writing si Avryll Jhaica P. Caldamo.

Sa unang pagkakataon ay nasubukan ng mga mamahayag ng ating paaralan ang sumali sa kompetisyon na isinakatuparan ng University of the Philippines Diliman na itinatawag na “Elevate 11”, sa patimpalak na ito, nagwagi si Yassen Usman sa ikalawang pwesto sa Mobile Journalism Filipino na may paksa na “Pananaw ng mga estudyante sa pagtaas ng mga bilihin”.

Isang panibagong karanasan naman para sa mga mamamahayag ang kanilang pakikilahok sa PUP Radio Conference na sinalihan ng iba’t-ibang paaralan sa Pilipinas, dalawang grupo ng mga mamahayag ang nagtanghal ng kanilang mga talento sa broadcasting at podcast mula sa CCHS “Isang karangalan na maparangalan ng mga competitions na sinasalihan namin, lahat ng pinaghirapan ko nagkakaroon ng magandang outcome kaya napakalaki ng pasasalamat ko sa mga kapuwa ko journalist at adviser.na laging nakasuporta sakin.” ani Usman.

QC, Housing Project para sa mga guro

Lanie P. Camacho 10-Aguinaldo

Nagkaroon ng seremonya ng groundbreaking isang housing project para sa mga guro na Pinangunahan ni Quezon City Mayor Joy Belmonte kasama si Vice President at Department of Education (DepEd) Secretary

Sara Duterte Layunin ng Quezon City Mayor Joy Belmonte kasama si Vice President Sara Duterte na mabigyan ng magandang oportunidad para sa mga masisipag na guro kahit non-teaching personnel sa mga pampublikong paaralan sa lungsod ay magkakaroon din ng pagkakataong maka-avail ng mga house units.

HALIGI NG EDUKASYON: Pinagtibay nina Vice President at Department of Education (DepEd) Secretary Sara Duterte at Quezon City Mayor Joy Belmonte ang pagpapasimula ng pabahay para sa mga guto ng QC Kuha mula sa Facebook ng QC Government.

“Lubos na nagsusumikap ang pamahalaang lungsod ng Quezon na mabigyan ng katiyakan sa paninirahan ang ating mga minamahal na mamamayan sa pamamagitan ng pagpapatupad ng isang progresibong programang bahay na magkakaloob sa bawat residente ng pantay pantay na oportunidad na magkaroon ng tirahan”, sabi ni Belmonte.

Malaking benepisyo ang natanggap ng maraming kaguruan sa lungsod ng Quezon dahil nagbigyan sila ng oportunidad magkaroon ng bahay na malapit sa kanilang pinagtatrabahuan at hindi na nila kailangan isipin ang mga bayarin o renta sa kanilang tinutuluyan.

Dumalo si G. Erwin M. Taguinod sa groundbreaking ng proyektong pabahay.

“Ang ganitong programa ni Mayor Joy Belmonte ay importante sa amin mga guro dahil sa wakas ‘di na kami mahihirapan pa na maghanap ng bahay na malapit sa aming trabaho na presyong abot kaya.” ani niya.

Ang mga nakakuha ang ng bahay sa proyektong ito ay mga guro na kwalipikadong residente ng Quezon City, sila’y nagpasa ng mga personal na mga dokumento upang magkaroon ng bahay sa isinagawang proyekto. Ipinatayo ng proyektong ito ang isang 12-storey at walong 5-storey residential buildings sa Holy Spirit Quezon City.

Nanumpa ang mga bagong opisyales ng Camp Crame High School - Supreme Student Government (CCHSSSG). “For the longest time, I see the SSG as a working body lang ng mga teachers, I never see them initiating for their fellow Cramenians, kaya ang goal ko talaga, magkaroon ng student leaders ang CCHS that will represent their group, their vision, creativity, talent and love as youth,” ani ng kanilang tagapayo, Bb. Ronalyn Lopez.

Bilang paggunita sa buwan ng kababaihan, handog ng Mary Kay sa mga guro ng Camp Crame High School ang “pampering.” Ginamitan ang mga guro ng mga produkto ng Mary Kay tulad ng lotions, kolorete, moisturizers, at iba pa. Laking pasasalamat naman ng mga guro sa kanilang serbisyong natanggap sa pangunguna Retired Col Celedonia P. Jabel.

Pormal ng nagkaroon ng kasundan ang Camp Crame High School Bikers Club at West Crame cycling Group sa pamamagitan ng pagpirma ng isang Memorandum of Understanding.

05 BALITA BAlita . Ang
MAGITING
Kuha ni: Bb. Elizabeth B. San Pedro #PitikNgMagiting
Datos mula sa rappler.com kaugnay sa mga kaso ng bully I ng
Kuha ni: Princess Angelica F. Marcelo #PitikNgMagiting Kuha ni: Jan Lanvin Velasco #PitikNgMagiting Kuha ni: G. Marvin Louise Baldestamon #PitikNgMagiting Matagumpay na nasungkit nina Clougilance A. Cagnaan ng 8-Santos at Johanna M. Pepito ng 9-Roco ang korona ng Mr & Ms CCHS 2023.

K+10+2: Bagong alternatibo nga ba tungo sa reyalidad?

Editoryal

Sa kasalukuyan 12 na taon ang ginugugol ng mga mag-aaral bago pa man makapasok sa kolehiyo, ngunit sa paglipas ng panahon tila ba’y napapansin ng mga mamamayan na isa itong pasakit para sa mga estudyante at maging sa mga magulang na nagpapaaral ng kanilang mga anak. Sa bansang 18 porsyento ang saklaw ng kahirapan, kinakailangan pa nga ba talaga ang dalawang taon upang maihanda ang mga estudyante para sa kolehiyo na dapat sana’y sila na ang isa sa mga nakatutulong sa kanilang mga pamilya at may kahandaan na kahit paano upang maiharap ang kanilang mga sarili sa reyalidad ng buhay?

Isinasaad sa House Bill No.7893, na dadaan pa rin ang mga mag-aaral sa kindergarten at sampung taon para sa Basic Education. Sa panibagong panukalang K+10+2 na sinusulong ng dating Presidente na si Gloria Macapagal-Arroyo at kasalukuyang Representative ng Pampanga, isa itong nakikitang solusyon upang mabigyang pansin ang hinaing ng ibang mga mag-aaral at magulang. Naglalayon ang isinusulong na batas na magkaroon ng pagkakataon ang mga estudyante na magdesisyon kung kukuha pa sila ng karagdagang dalawang taon na kilala bilang Senior High School (SHS) alinsunod dito ang layunin na isa sana itong preparasyon upang kanilang mapaghandaan ang kanilang degree na kukunin tungo sa pagiging propesyonal. Sa kabilang banda, kung maipapatupad din ito makikitang parang naibalik lamang ang sistema ng batayang edukasyon sa dating pagkakabuo nito, kung saan ituturing na mga high school graduate ang mga mag-aaral matapos makumpleto ang kindergarten, anim na taon ng elementarya, at apat na taon ng sekondarya samantalang ang Grade 11 at 12 ay kinakailangang kunin na lamang ng mga tiyak na tutuloy sa kolehiyo.

Bagamat sa sitwasyong ito, makikitang maaaring magkaroon na ng pagpipiliian ang mga estudyante sapagkat hindi maitatago ang katotohanang marami pa ring kabataan sa ngayon ang nangangapa sa patuloy na pagsusulong ng kanilang edukasyon tungo sa reyalidad ng buhay na kanilang tatahakin sa hinaharap. Kung matatandaan, ipinangako sa mga mamamayan na noong unang nailunsad ang K-12 program ay magiging handa na ang mga estudyante sa trabaho kapag sila ay nakapagtapos ng SHS, ngunit mula sa isang pag-aaral ng Philippine Business for Education, 14 lamang mula sa 70 na nangungunang kumpanya sa bansa ang tumatanggap ng mga nakapagtapos ng SHS habang pinipili pa rin ng ibang mga kumpanya ang mayroong degree sa kolehiyo. Isa ito sa mga negatibong epektong nagpapakita na hindi ganoong naging epektibo ang K-12 para sa mga mag-aaral na nasa laylayan ng lipunan. Pinapakita lamang nito na pinapatagal lamang ang pag-aaral ngunit walang kasiguraduhan ang mga mag-aaral kung may naghihintay ng trabaho sa kanila. Naglulunsad ng panibagong solusyon upang ito’y malutas, subalit mabibigyang solusyon na nga ba nito ang pinaka ugat ng problema sa larangan ng edukasyon ng bansa?

Kahit ano pa ang pagbabago na pilit nilang gawin ay babalik pa rin ito sa pinaka ugat na suliraning pikit matang binibigyang atensyon ng sangay ng edukasyon at ito ang pagsasaayos ng kasalukuyang kurikulum na parehas na nagbibigay ng bigat sa mga guro at mag-aaral. Nararapat na pagtibayin pa ang pagtuturo ng mga angkop na aralin para sa mga mag-aaral tungo sa kanilang tatahakin na prospesyon sa hinaharap. Sa datos na inilabas ng Department of Education (DepEd) noong taong 2021-2022, ipinakikita na 28.93 porsyento ng mga SHS na estudyante ang pumili sa Technical,

Solusyong tutugon

Vocational, Livelihood (TVL) na track habang lagpas 70 porsyento ang kumuha ng academic track, kaya naman kahit ano pa ang kanilang gawin ay mapipilitan pa rin ang mga estudyante na kumuha ng karagdagang dalawang taon sa pag-aaral ng sekondarya. Para saan pa ito at isinusulong kung mas minumungkahi ng mga kumpanya ang mga nakapagtapos ng kolehiyo subalit minimum wage lamang din ang kanilang mauunang magiging sweldo. Sa pag-aaral ng Philippine Institute for Development Studies, noong taong 2020, 70 porsyento ng mga nakapagtapos ng SHS ang piniling ipagpatuloy ang kolehiyo upang makakuha ng degree, habang kulang-kulang 20 porsyento naman ang piniling makipagsapalaran na at magtrabaho.

Binigyan man ng pagkakataon magdesisyon ang mga estudyante kung ipagpapatuloy pa nila ang kanilang pag-aaral ay mapipilitan pa rin silang ipasok ang kanilang mga sarili sa kolehiyo dahil sa sistema ng mga kumpanya sa bansa. Kaya’t hindi na rin nakapagtataka kung maraming mga Pilipino ang nakikipagsapalaran sa ibang bansa upang makapagtrabaho, dahil sa sariling bansa nila mismo ay hindi tinatanggap ang kanilang estado sa edukasyon. Kahit pa ilang taon ang kanilang ginugugol at halaga na ipinasok para sa edukasyon ay hindi pa rin ito sapat, para masabihan ka ng “Tanggap ka na”.

Maging parte man ito ng kasalukuyang kurikulum ay hindi pa rin magbabago ang pinagdadaaanan ng bawat estudyante sa ilalim ng sistema ng bansa upang makapagtrabaho. Masasabing handa lamang ang isang indibidwal na harapin ang reyalidad pagkatapos ng pag-aaral kung nahasa na ang kanilang mga kakayahan para sa trabahong kanilang pipiliin, ngunit magiging handa lamang sila kung sila’y may sapat na kaalaman na kanilang makakamit lamang kung sila ay kukuha ng karagdagang dalawang taon na may matibay na pundasyong maglalatag sa kanila. Nawa’y magbunga ng isang malinaw na aksyon ang pinaka ugat ng suliraning ito at pag-aralang mabuti bago ipatupad upang makapagtrabaho na mismo ang mga estudyante sa ating sariling bansa. Magkaroon ng buong desisyon ang mga mag-aaral kung saan hindi sila mapipilitan sa kanilang kailangan gawin, at hindi na sila mahihirapan maghanap ng trabaho sa kanilang natapos sa kolehiyo ng dahil sa mga mapiling kumpaniya. Tunay nga na ang pagtatapos ng pag-aaral ay parang isang sinulid na dadaan sa hindi lang isang karayom, ngunit ang pagkakaroon nang maayos na sistema ng edukasyon para sa isang bansa upang mabigyan ng mga opurtunidad ang bawat mag-aaral sa kanilang hinaharap na propesyon kaakibat ang nararapat na sahod ay kapaki-pakinabang upang tumbasan lamang ang mga pawis, luha, at mga pagsasakripisyo na kanilang ibinigay para sa kanilang pag-aaral.

Kung ang manggawa ang nagpapatakbo ng ekonomiya, bakit hindi ito ang pagtuunan ng pansin ng ating pamahalaan?

Isang

malaking dagok sa buhay ng bawat mamamayang Pilipino ang kawalang kakayahang makahabol sa mga nagtataasang bilihin ngayon. Sapat pa kaya ang kinikita ng ating mga manggagawa upang mapunan ang kanilang mga pangangailangan sa gitna ng malubhang krisis sa ating ekonomiya.

Paano nga ba maigagapang ng mga mamamayan ang kanilang mga sarili upang maisalba ang ekonomiya na nanganganib nang bumagsak. Sa kasalukuyan umabot na ng 6.6 porsyento ang pangkalahatan implasyon sa bansa. Ito na ang pinakamababang implasyon na naitala simula nitong pumasok ang taong 2023.

Mahabol pa kaya ito ng mga Pilipino? Kung tutuusin ang pinakamababang pasahod sa Metro Manila ay 570 pesos lamang kada araw, sa patuloy na pagtaas ng mga bilihin sa merkado ay isang bugtong kung lutasin ng mga manggagawa kung paano nila ipagkakasya ang kanilang sahod upang mabuhay ang kani-kanilang sarili at pamilya.

Matapat na pagbabalita, Maasahang mamamahayag

na Pahayagan sa Filipino ng Mataas na Paaralan ng Kampo Crame General Castadena, Lungsod ng Quezon

Kung ang manggawa ang nagpapatakbo ng ekonomiya, bakit hindi ito ang pagtuunan ng pansin ng ating sistemang pamamahala? Ang ating mga manggagawa ang isa sa mga nagpapatakbo ng ekonomiya, kung wala sila ay mahihirapang umasenso ang bansa, ngunit kung ang pamahalaan mismo ang unti-unting nagpapalugmok sa kanila matitiyak ang mabagal na pag-usad ng bawat mamamayan. Ano pa ang saysay na may mga nakaupo sa kanilang posisyon upang mapatakbo ang ating bayan kung sa ngayon ay wala pa ring ginagawa man lang o nakikitang plano upang ito ay bigyang pansin at solusyon. Sa sitwasyong ito, masasabi na kahit ang mga manggawa’y hindi nagiging prayoridad ng kasalukuyang administrasyon.

Mananatiling dilat na lamang ba kahihintay sa pagtaas ng sahod ang mga Pilipino? Hanggang saan pa kaya aabot ang kanilang paggawa upang kanilang

masolusyunan ang suliranin kung may maidudukot pa ba sila sa kanilang mga bulsa para sa mga gastusin sa arawaraw.

Nakikita ba ng mga nakaupo ang paghihirap ng mga nakatindig na mga mamamayan para sa inang bayan. Ang kanilang mga panandalian solusyon ay hindi kailangan ng ekonomiya, ang kailangan nito ang pagkakaroon ng pangmatagalang tutugon sa suliranin maging ang simpatya ng gobyerno para sa mga mamamayan nito.

Buksan ang mga mata at isipan at alamin na ang katugunan para sa suliranin na ito ay ang pagsasaalangalang ng mga aspetong makatutulong sa pagpapaasenso sa bansa. Bigyang pansin ang mga mamamayang nasa ilalim ng lipunan na kung makikita’y ginagapang na lamang ang kanilang sarili upang mabuhay sa gitna ng krisis na ito. Ang pagkakaroon ng malawakan at mabisang solusyon ang tanging sasagot para sa malawakang implasyon.

PAMATNUGAN 2022-2023

Punong Patnugot: Neil Mathew P. De Vera

Katuwang na Patnugot: Angelina Amanda A. Garcia

Patnugot ng Balita: Eira Joedi R. Baldevarona

Patnugot ng Lathalain: Lanie P. Camacho

Patnugot ng Opinyon: Janessa C. Tucyap

Patnugot ng Agham at Teknolohiya: Stephen Rhey D. Todoc

Patnugot ng Isports at Tagakuha ng Larawan: Jeremi Luther D. Bandiola

Tagawasto ng sipi: Yassen M. Usman

Kartunist at Tagaanyo: Eidjanelle T. Saudagar

Mga Manunulat: Jan Lanvin D. Velasco, Julienne Gabrielle Bautista, Princess Angelica F. Marcelo, Avryll P. Caldamo

Tagapayo: Bb. Alexandria M. Castillo

Punongguro: G. Edwin M. Abengoza

Tagamasid Pansangay sa Filipino at Pamamahayagang Pangkampus: Dr. Rodolfo F. De Jesus

06 Ang MAGITING Ang Opisyal na Pahayagan sa Filipino ng Mataas na Paaralan ng Kampo Crame Agosto 2022-Mayo 2023
“ . NG M A A MAGITING
Neil Mathew P. De Vera 9-Roco Ang Opisyal

Kapakanan sa tag-init

Janessa C. Tucyap 10-Aguinaldo

“Angpagkakaroon ng pag-asa para sa kinabukasan ay isang layunin na hinihubog sa paaralan, pero mahuhubog ba talaga ang mga utak ng mga mag-aaral kung ito’y nagkakasakit dahil sa sitwasyong ito?

Tag-init na naman! Apektado na naman ang mga mag-aaral sa panahon ng tag-init. Ang mga pampublikong paaralan ay hindi para sa ganitong uri ng klima kung saan laging pawis, masakit ang ulo, at maging isa sa nagdudulot nang pagsusuka ng mga guro at mag-aaral. Kaya naman, napagpasiyahan ng Kagawaran ng Edukasyon na bigyang awtoridad ang mga paaralan na itigil ang klase at ibalik muli ito sa birtwal na porma upang maiwasan ang malubhang init sa mga silid-aralan. Ayon sa nilalaman ng DepEd No. 42, S. 2012 sa implementasyon ng Executive Order No. 66, itinatalaga ang mga panuntunan ukol sa kanselasyon o suspensyon ng mga klase at trabaho sa mga tanggapan ng pamahalaan dahil sa mga bagyo, baha, panahon at mga kalamidad.

Marapat na isasaalang-alang ang kalusugan at kapakanan ng mga mag-aaral sa tuwing may ganitong sitwasyon sa bansa upang masigurado na nasa tama silang pangangalaga. Ang ipilit na ipasok ang mga mag-aaral sa tag-init ay isang kahibangan. Kung iisipin, napakaraming mag-aaral ang posibleng mahimatay, sumakit ang ulo, dumugo ang ilong, at magka-heat stroke nang dahil sa tag-init.

Sa datos, hindi pa bumaba ng 35 ang index ng init sa National Capital Region (NCR) mula ika-18 hanggang ika-22 ng Mayo, 2023. Isang palantandaan na kailangan na ng labis na pagiingat mula sa init.

Nasa pamunuan ng paaralan kung ipagpapatuloy pa ba ng mga mag-aaral ang pagpasok o ito’y gagawin na sa birtwal na porma. Ngunit bakit pa ilalagay sa panganib na dala ng tag-init ang mga mag-aaral kung binigyan naman ng Department of Education (DepEd) ng pagkakataon ang mga paaralan? Isa itong pasakit sa mga guro na kahit gustong magturo at mga mag-aaral na gustong matuto ay nasa ganitong namang kalagayan.

Ang kapakanan ng bawat guro at mag-aaral ang dapat na pangunahing isinasaalang-alang

ngayon. Paano makapagtatrabaho nang maayos ang mga guro at mabibigyan ng mga kaalaman ang mga bata kung sila mismo ay nasa hindi magandang kalagayan. Ang matututo at malinang ang kaalaman ng mga mag-aaral ay hindi magiging epektibong mangyayari kung hindi sila makapagpokus sa kanilang gawain nang dahil sa sobrang init ng kanilang paligid.

Ang pagkakaroon ng pag-asa para sa kinabukasan ay isang layunin na hinihubog sa paaralan, pero mahuhubog ba talaga ang mga utak ng mga mag-aaral kung ito’y sumasakit dahil sa sitwasyong ito? Paano na ang mga guro at mag-aaral na araw-araw nakikipagsapalaran sa init ng kalsada? Paano na ang mga pangarap ng bawat isa kung ang tanging pinagtutuunan lamang nila ay kung paano nila maiibsan ang init na kanilang nadarama?

Sa bawat mag-aaral na tumatagal sa paaralan sa ganitong uri ng panahon ay nadaragdagan lamang ang mga buhay na nailalagay sa kapahamakan. Kung kaya’t mas mabuti na uminom lagi ng tubig, magpayong, at hindi dapat magtagal sa tuwing lalabas upang maiwasan ang malubhang init at mga sakit na posibleng makuha rito. Ang bawat mag-aaral na nalalagay sa kapahamakan ay isang kinabukasang nalalagas sa bayan.

Edukasyon o Politika “

Itoba ang isa sa mga katangian na dapat na tinataglay ng isang namumuno sa kagawaran ng edukasyon?

Hanggang ngayon may paniniwalang umiikot sa pamahalaan na sa bawat galaw na ginagawa ng mga Pilipino dahil sa gobyerno, bawat boses ng mga mamamayan tungkol sa sistema, palatandaan na agad na sila’y komunista. Ito ba ang isa sa mga katangian na dapat na tinataglay ng isang namumuno sa larangan ng edukasyon?

Noong maitalaga bilang sekretarya ng Kagawaran ng Edukasyon si Bise Presidente Sara Duterte maraming mamamayan ang pinagtakahan ang naturang pangyayari sa kagustuhan ng kasalukuyang Pangulo na si Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Kung iisipin, napakaraming suliranin na kailangang tutukan at tugunan sa aspetong edukasyon ng bansa. Subalit napakalaking tanong sa isipan ng nakararami ang pagtatalaga sa posiyong mamumuno sa Department of Education (DepEd) si Duterte gayong ang mga nakalipas nitong mga trabaho ay walang kaugnayan sa larangan ng edukasyon sa halip ang tuon niya ay talaga namang sa politika.

Ngayon na siya ay nailuklok bilang Co-Vice Chair ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC), matutuunan pa kaya niya ng pansin ang sistema ng edukasyon? 11 bilyon ang halaga na nasa pangangalaga ngayon ng Bise Presidente dahil sa pondong inilaan para sa Office of the Vice President (OVP), DepEd, at NTF-ELCAC na kung tutuusin ay napakalaking perang kinuha mula sa kaban ng bayan.

Napakarami na ang mga problemang kinahaharap ng sektor ng edukasyon na dapat pagtuunan ng pansin at agarang aksyon, ngunit bakit nagawa pa niyang tanggapin ang posisyon sa NTF-ELCAC? Makatutulong ba ito upang solusyunan ang mga pangunahing problema na kinahaharap ng mga kaguruan at mag-aaral tulad na lamang na mapabilis ang mga mababagal na laptop ng mga guro maging ang maibsan ang init na kinahaharap ng mga kaguruan at estudyante sa ngayong panahon sa mga pambublikong paaralan.

Ang mga pampublikong guro ang higit na nangangailangan ng laptop upang makasabay sa bagong kurikulum ng edukasyon, ngunit ang inilunsad para sakanila ay isang tinipid lamang na proyekto na tinawag pang “Multi-Billion Peso Program” na hindi man lang binusisi ang paghahanap ng kalidad na laptop para sa kanila.

Sa pangyayaring tinawag niya rin ang mga guro na parte ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) nang hilingin nila na suspindihin ang klase sa mga lugar na maapektuhan ng pangmalawakang tigil pasada ay isa sa mga ikinagalit ng karamihan.

Maraming kabataan na ang pananaw sa edukasyon ay isang ilaw ng pag-asa para sa kanila, pero magiging tanglaw pa nga ba ito ng makatuwirang kinabukasan na maituturing kung ang edukasyon na humuhubog sa kanila ay ikinukulong ang opinyon ng bawat isa na kapag ika’y nagsalita tungkol sa mga nakikita mong pagkakamali at kakulangan ng sistema ay isa ka ng rebelde sa kanilang paningin.

Liham sa Patnugot

Magandang araw, minamahal naming patnugot!

Bilang mag-aaral ng Kampo Crame personal kong nasaksihan ang bawat suliraning hinarap at patuloy pa rin nating kinakaharap sa kasalukuyan. Patuloy ang kaunlarang umiiral sa ating paaralan magmula sa pisikal na aspeto, sosyal, pang-akademiko, at maging sa iba’t ibang larangan. Subalit sa kabila nito ay marami pang bagay ang dapat pagtuunan ng pansin at iilan sa mga suliraning ito ang nararapat nang masolusyunan. Bilang mga susunod na pagasa ng bayan, ang paaralan ang pangalawang tahanan para sa mga estudyante na humuhubog sa mga ito ngunit dito pa minsan nangyayari ang mga pangyayari na alinsunod sa Kagawaran ng Edukasyon. Nais ko lang po malaman kung sino po ba talaga ang may kakulangan ukol sa usaping ito.

Lubos na gumagalang, Mag-aaral sa ikasiyam na baitang

Maganda Araw! Hindi maiiwasan ang mga suliranin sa loob ng paaralan dahil hindi perpekto ang sistema ngunit maraming paraan upang maisayos ang mga nakasanayanang maling kagawian, katulad na lamang ng bandalismo sa mga palikuran at pagtatapon ng basura sa hindi tamang tapunan. Ang paguulat sa mga kaguruan at pagpaparating ng ng mga suliranin at iyong mga saloobin ukol dito ay hindi magiging mali, dahil malayang napapahayag ng estudyante ang kanyang mga napapansin sa loob ng paaralan. Ang ugnayan sa pagitan ng kaguruan at mga estudyante ay importanteng bagay upang mapunan ang mga pagkukulang nito. Dahil hindi malalaman ang totoong suliranin ng paaralan kung walang koneksyon sa isa’t isa ang mga kasapi nito. Ang pagkakaroon ng malayang pamumuno na may limitasyon ang kinakailangan upang isapuso ng kabataan ang tama at mali sa kanilang mga nakagawian at upang hindi lang sa pisikal, soysal at pang-akademiko umunlad ang paaralan, pati na rin ang disiplina ng mga mag-aaral

pulso ng kampus

Ayon sa bagong panukala ng sekretarya ng Department of Education (DepEd) na si Bise Presidente Sara Z. Duterte-Carpio, hindi na sapilitan ang pagsusuot ng uniporme sa mga pampublikong paaralan ayon sa DepEd order no. 65 s.2010, upang mabawasan ang mga gastusin dahil sa implasyon sa bansa.

Nagsiyasat ang mga mamamahayag ng Ang Magiting tungkol sa opinyon ng mga estudyante, guro, at magulang ukol sa panukala ng sekretarya.

Narito ang mga saloobin na ibinahagi ng mga estudyante, guro, at magulang ng Camp Crame High School ukol sa isyung ito:

Nakatulong ba sa iyong mga mag-aaral ang hindi pagsuot ng uniporme sa paaralan?

“Sa amin napansin ko hindi, kasi hindi nila kami makilala. Makikilala lang kaming guro dahil nga nasanay sila na nakauniporme kami.”

“Sa ibang mga guro ay oo ngunit sa iba hindi. Sa aking pananaw ay kailangan nating intindihin na hindi lahat ng mga estudyante ngayon ay kayang bilhin ang uniporme lalo na’t ngayon na mahal ang mga bilihin at maliit ang sahod ng ating mga magulang pero sana sa kahit ganoon ay sumunod tayo sa patakaran o dress code sa ating eskwelahan tulad ng pagsuot ng white t-shirt” -JaIryl trIesh p conI, 9-carIno

Sa tingin mo ba dapat pa rin magsuot ng uniporme kabaligtaran sa pagsuot lamang ng I.D? Oo o Hindi? Bakit?

“Para sa akin mas formal ang magsuot ng uniform dahil mas malinis ‘to tignan lalo na kaming mga estudyante na papasok.”

“I think hindi naman kailangan ang uniporme kasi ito’y kasuotan lamang. Kung hindi naman sila magsusuot ng uniporme ay meron naman silang ibang pagkakakilanlan dahil sa kanilang suot na ID

- arkIn m. Ferrer, 10-aguInalDo

Bilang isang guro sang-ayon ba kayo na ibalik sa dati kung saan required ang uniform?

“Sa kalagayan ng Pilipinas, may mas malalim akong dahilan bakit ko sinusuportahan ang pagsusuot ng uniporme base sa dalawang rason:

Una, maiiwasan ang pagkukumpara ng mga mag-aaral sa uri ng kanilang kasuotan.

Pangalawa ang seguridad, mas madaling matukoy ang mga tunay na magaaral na ng isang paaralan kapag sila ay nakasuot ng uniporme.

Ganun pa man, hiling ko lamang na sanay isama sa budget ng DepEd o gawing proyekto ng Secretary ng Department of Education na gawing libre ang uniporme sa lahat ng mga mag-aaral sa buong bansa upang makamit ang ganitong mithiin.

ronalyn a. lopez, guro

Bilang isang magulang nakatipid ba kayo sa gastusin dahil hindi niyo na kailangang bumili ng uniporme?

, “Mas nakakatipid ako sa uniform kasi kahit yun ang suotin ng anak ko araw-araw walang problema kapag yung mga civilian o iba’t ibang gagamitin niya bilang mag-aaral aksaya pa sa labahan ito, ngunit iba’t iba naman kasi may labahan naman din tulad ng mga non wash and wear.”

- gng. lou Jane garcIa magulang-

“Bilang magulang na may tatlong anak at dalawa ‘yung nasa high school, isang malaking tipid din kasi kahit papaano hindi na kailangan bumili ng uniporme, isang pares lang ok na”

- gng. evangelIne a alIbaDbaD,magulang-

Opinyon opinyon . 07 Ang MAGITING Ang Opisyal na Pahayagan sa Filipino ng Mataas na Paaralan ng Kampo Crame
- steven luke s. cruz , 10- magsaysay - bb. - Johanna m. pepIto, 9-roco Eira Joedi R. Baldevarona 9-Gonzales

Ang guro

Isa, dalawa, tatlong hakbang, akala ko malayo na ko pero malayo pa pala. Mula sa kinatatayuan ko malawak pa ang mundong tatahakin ko. Hindi pala natatapos sa diploma at toga ang pagiging matagumpay dahil bawat hakbang ay maituturing na tagumpay. Ngunit kailangan magsimula sa ito sa isang matibay na pundasyon. Matibay na sandigan ng lakas. Bilang kabataan, edukasyon ang unang hakbang sa pag-unlad. Kabalik dito ang mga guro tulad ng idol kong guro.

Ang sining ng pagsulat ay isang kahanga-hangang regalong taglay ng iba sa atin. Ito ay nagsisilbing paraan ng pagpapahayag sa mundo ng tanging lakas ng tao ay at ito ay may kapangyarihang iangat at bigyang-inspirasyon ang iba. Kaya ang pagsusulat ay isang talento na maaaring gamitin hindi lamang para sa sariling kapakanan kundi para sa ikabubuti ng iba.

Ang karunungang ay hindi lamang makikita sa mga matataas na marka sa loob ng silid-aralan. Ang batang matayog ang pangarap ay may matayog na pangarap sa kaniyang bayan. Maliban sa pangunguna sa klase, idolo ko rin ang mga mag-aaral na mga miyembro ng Camp Crame High School-Supreme Student Government. Lalo na sa kanilang mga adbokasiya para sa aming mga mag-aaral

Batang Matatag, Batang Maasahan

Pinagtibay at pinatatag ng kinatawan ng mga estudyante ang kanilang adhikain sa pamamagitan ng pagiging parte ng Earth Day kung saan

G.

Erwin Taguinod ang pangalan ng isa sa aking hinahangaan na guro sa aming paaralan, ay isang nagsilbing halimbawa ng konseptong ito. Dahil maliban sa mahusay na guro ay kilala rin siya sa pagsusulat ng mga aklat at umaabot ang kanyang mga sulatin hanggang online platform, isa na rito ang prestihiyosong Global Scientific Journal.

Ang ilan sa kanyang naisulat ay PDU30 tungo sa Federalismo:isang pagaanalisa; Educating for the Best; Philippine Politics Governance particular the Citizenship, Government, Rights, Duties and Responsibilities; Game-based Learning in Online Setup and its Implications to Academic Performance and Learners Motivation; Bakuna, ligtas nga ba?

Unang beses niyang sumulat ay nakadama na siya ng ligaya dahil sa pamamagitan ng kanyang pluma ay naabot niya ng mga kabataang uhaw sa karunungan. Pangarap niyang darating ang panahon na makita ng mga kabataan ang kahalagahan ng pagbabasa para makatulong sa kanilang pangarap.

Kailangan maibalik ang sigla ng pagbasa sa mga kabataan at hindi umaasa sa madaling prosesong ibinibigay ng modernisasyon. Nais niyang bahagi ng pagbabago sa paraang pagkatuto ng mga mag-aaral, gamit ang kanyang mga naisulat na akda.

Responsibilidad, ito ang tingin ni G. Erwin sa bawat aklat na kayang naisusulat. Isang malaking responsibilidad ang magiging manunulat ng aklat dahil nakasasalay sa kanyang panulat ang maiiwang kaalaman ng mga susunod na henerasyon.

Tulad ng pagiging isang guro, responsibilidad niya lahat ng kaniyang magaaral. Isa iyan sa katangian ng gurong hindi maaalis dahil unang minamahal ng mga guro ang kaniyang mga mag-aaral tungo sa pag-unlad.

Obligasyong mabigat man ang pagiging isang guro pero para kay G. Erwin isa itong propesyong may gintong yamang hindi makakamtan ng mga taong nasa matataas na gusali. Isa lamang siya sa lib-libong guro sa bansa na nais maipataas ang kalidad ng edukasyon ng Pilipinas. Tunay na kung anuman ang husay ng isang guro sa loob ng silid-aralan ay malaki pa rin ang gampanin ng mag-aaral sa proseso ng pagkatuto. At isa na dito ang kasanayan sa pagbasa. Buhay na patuto si G. Erwin na mayroong mga tulay tungo sa tagumpay. Simulan lamang sa maliit na hakbang tulad ng pagbabasa.

Ang Kuwento ng Tagumpay

Ang Nangangarap

Ang Tahanan

Ni: Neil Mathew P. De Vera, 9-Roco

Ang aking paaralan ang aking ikalawang tahanan.

Tahanang humuhulma ng pagkatao at pangarap. Kaisa ang aking mga guro at kamag-aral nagiging makulay ang aking pangalawang tahanan. Tahanang kailangan rin ng atensyon at pagkalinga mula sa mga naninirahan dito. Dahil ang tanging nakakaalam ng tunay na pangangailangan ng isang tahanan ay ang mga tayong naninirahan dito.

Nagkakaisa ang mga guro, mag-aaral, mga magulang, mga alumni gayundin ang mga organisasyong bukas palad na nagbibigay tulong para sa aming paaralan.

Sa muling pagbubukas ng klase, pinalakas ang mantra ng aming paaralan ang #SULONGCCHS: 3r’s RESILIENT, RESPONSIVE at REVITALIZED.

ResilientUpang

maging handa ang paaralan sa kaligtasan ng mga

Cramenians sa pamamagitan ng mga kagamitan na makakatulong para rito. Sa tulong ng iba’t ibang organisasyon ay naging batang matatag ang mga

Cramenians katulad na lamang ng Project READY ng Philippine National Police (PNP) kung saan maingat ang mga estudyante mula sa ipinagbabawal na druga.

Ang mga Braiden Mannequins na ibinigay ng Defense Technologies Inc. upang maging handa sa pagsagip ng mga buhay ang mga Cramenians. Dahil sa mga katulad nito ay naging handa ang paaralan para sa pang akademikong taon puno ng mga pagpupulong ukol sa kaligtasan ng mga mag aaral sa sintang paaralan.

ResponsiveUpang mapunan ang mga pangangailangan ng mga estudyante at mga kasapi nito sa pamamagitan ng mga aktibidad na nakatuon sa pag-aaral at serbisyo na kalidad. Bayanihan ang naging solusyon upang mapunan ang mga pangangailangan ng mga Cramenians. Katulad na lamang ng libreng gupit sa mga lalaki bago magsimula ang klase na pinangunahan ni Jay Arr T. Cagnaan na presidente ng General Parents-Teachers Association (GPTA).

RevitalizeUpang mapaghandaan ang mga pasilidad sa paaralan para sa pagbabalik ng mga mag-aaral. Mga bagong kagamitan panlinis, electric fans, libro, halaman, at samu’t saring pagtutulungan ang naging dahilan upang maging posible ang paghahanda ng sintang paaralan para brigada matapos ang dalawang taon pagkakulong sa mga tahanan ay hindi pa rin nawala sa mga ito ang paglilingkod ng walang hinihintay na kapalit.

Tunay na ang mga programang ito ay isang malaking pinto sa pagbabago ng aming paaralan. Ang aming pangalawang tahanan na apat na dekana ng nagbibigay daan sa pangarap ng nararami, at bibilang pa muli ng bagong apat na dekada o higit pang pagsulong sa pagbabago ng isang kabataan.

Ang Tagumpay

Ni Janessa Tucyap, 10-Aguinaldo

Ang mga hindi nagpapatinag na Cramenians. Ganyan mailalarawan ang pagsisikap ng mga dating mag-aaral ng Camp Crame High School (CCHS) na ngayon ay namamayagpag na sa iba’t ibang larangan. Hinubog at pinanday ng kanilang mga karanasan sa sintang paaralan upang maisakatuparan ang mga pangarap ng isang batang krame.

Sa karanasan ni Danny G. Marquez na namamayagpag na ngayon sa larangan ng pamamahayag. Isa na ngayon tagasulat ng senaryo at direktor si Danny na nakapagtapos ng sekondarya sa Kampo Crame sa akademikong taong 1985 kung saan hindi siya pinalad na maging parte ng ingles na publikasyon ng paaralan na “The Valiant” na nagbigay ng daan sa kanya na magpursige at ipagpatuloy ang kanyang pagiging manunulat.

Ngayon ay naging punong patnugot na siya ng komiks na Espesyal at Hiwaga sa Filipino at sa Ingles sa isang arawang pahayagan na PhilippineMiddle East at Philippine-Hongkong na mga edisyon.

Ang isang pagkadapa ay hindi sagot upang hindi na ipagpatuloy ang paglalakbay. Bilang isang indibidwal ay napakaraming pagsubok ang susubok sa katatagan at kung gaano kahaba ang pasensya upang malampasan ang mga ito bago ang tamis ng tagumpay. Ngunit para sa isang Cramenian, walang uurungan na laban para sa kinabukasan.

May mga Cramenians sa kasalukuyan na lumalaban hindi lang para sa kanila ngunit para na rin sa bansa at kasama na ang pamahalaan sa pagpuksa ng kasamaan. Katulad na lamang ni Yasser Usman na isa na ngayong Pulis na nakabase sa iba’t ibang parte ng Mindanao na nagtapos ng sekondarya sa akademikong taong 2011.

Pitong taon ang naging pakikipagsapalaran ni Yasser bago maging parte ng kapulisan. Hirap man makahanap ng pinagkukunan upang makapag aral ay hindi ito naging hadlang upang makuha niya ang kanyang diploma.

Sa mga taon na kanyang ipinurpusige ang pagiging pulis ay dala niya ang mga aral na kanyang natutunan sa sintang paaralan. “Maniwala ka sa sarili mo, at magkaroon ka ng kumpyansa” kaya naman gumulong, dumapa, gumapang man sa putik ay hindi niya ito pinakawalan at patuloy niyang ginapi ang mga hadlang sa kanyang mithiin na pagseserbisyo sa Lupang Sinilangan.

Ito ang mga palatandaan na kapag binigyan ng pagsubok ang mga Cramenians ay hindi nila ito uurungan hangga’t makamit nila ang tagumpay. Mapagod man ay magpapahinga lamang at tuloy pa rin ang laban, ganyan ang batang krame. Maipagmamalaki nang taas noo sa buong mundo. Pareho silang nagsimulang mangarap, nagsikap.

Tagumpay

Nangangarap

Lathalain lathalain

Isang panibagong karanasan

Ni Yassen M. Usman, 9-Roco Assalamualaikum. Muling nagalak at nabuhay ang mga puso ng mga Pilipinong Muslim nang sumapit ang ika-22 ng Abril 2023. Buwan na muli ng Ramadan. Ang buwan na itinuturing na pinakabanal, mapayapa, masaya, at puno ng pananalig sa Islam.

Sa unang araw ng pag-aayuno, naging mahirap ito para kay Eidjanelle Saudagar, isang mag-aaral mula Camp Crame High School. Siya ay pumapasok ng hapon kaya’t hindi niya maiwasang makaramdam ng uhaw at gutom sapagkat pagtapos pa ng kanyang klase maaaring muling makakai’t makainom. Dumagdag pa na siya’y bumabiyahe sa tatlong lungsod: Pasig, kung saan siya naninirahan; San Juan, kung saan matatagpuan ang kanilang tindahan sa Greenhills at ang kanyang pinaglilipasan ng oras bago pumasok; at Quezon na kung saan nakatayo ang kanyang paaralan.

Laking pasasalamat naman nito na nagbigay suporta’t respeto ang paaralan para sa kanila. Pinayagang makauwi bago sumapit ang oras ng Iftar o ang pagkain sa oras ng paglubog ng araw. Binigyang pagkakataon din sila na makapagsamba sa loob ng paaralan.

Sa unang linggo, naging maayos naman ito para sa kaniya, ngunit naroroon pa rin ang pagkauhaw sapagkat kasabay ng Ramadan ang panahon ng tag-init subalit napagtagumpayan pa rin niyang mairaos ang linggong iyon.

Magigising ng madaling-araw, kakain, mag-aayuno, sasamba,

magpapahinga, babiyahe, sasamba, mag-aaral, pupuntang Greenhills, muling kakain, sasamba, at uuwi ng Pasig. Ganito ang kaniyang naging nakasanayan sa mga araw na siya’y may pasok.

Nang sumunod na linggo, nagkaroon na ng kasanayan ang kaniyang katawan sa gutom, uhaw, at init. Simula na rin noong bata pa lamang siya ay naging aktibo na siya sa pag-aayuno.

Lumipas ang mga araw at halos patapos na ang buwan ng Ramadan, tila naging normal na para sa kanya ang nakagawian. Galak ang kaniyang nadarama rito kasabay ng lungkot na mag-aantay muli siya ng isang taon para magbalik ang pinakamahalagang buwan sa Islam.

Abril 20, 2023, ang araw ng pagtatapos ng Ramadan. Ngiti ang namutawi sa kanyang mga labi sapagkat natapos niya ito nang maayos at may pagmamahal sa kaniyang puso.

Ang mga alaalang ito ay hindi na muling mawawawala sa kanyang isipan. Naging karanasan ito na hindi malilimutan sapagkat mas lalong nadama ng mga katulad niyang Mulsim ang suporta at respeto ng mga kapatid na Pinoy.

Sa Dulo ng Walang Hanggan

Tutunog na ang kampana. Unti-unting magbubukas ang pinto. Hahawi ang puting kurtinang pumapares sa magarbong kasuotan ng bawat isa. Punong-puno ng palamuti’t bulaklak. Masaya ang lahat—may ilang naluluha sa galak at pumapalakpak. Maglalakad sa pasilyo tungo sa altar ng simbahan dala-dala ang pag-asa’t panalangin. Magpapalitan ng mga pangakong magsasama sa hirap at ginhawa. Magmamahalan—hanggang sa dulo ng walang hanggan.

Ganito. Ganito ang pinapangarap kong kasal. Bata pa lamang ako, naiisip ko na ‘to. ‘Yung tipong handa kang harapin lahat ng pagsubok na maaring ibigay ng Maykapal. Eh sino nga bang tatanggi sa kasal? Kung sa araw na iyon, ikaw ang pinakamaganda at masayang babae sa mundo.

Pero habang hinahakbangan ko ang bawat yugto ng buhay— hindi lang pala nagtatapos sa masayang pagsasama ang pag-iisang dibdib. Bagkus ay simula pa lang ito ng buhay may asawa at pagbuo ng sariling pamilya. Dito pa lang nag-uumpisa ang mga maliliit at malalaking pagsubok na posibleng bumuwag o magpatatag ng isang relasyon. Ganito ako namulat at pinalaki ni nanay at tatay. Sa relasyong bigat ng suntok ang sagot sa hindi pagkakaunawan, sisihan kung sino ang nagkukulang sa pinansyal na kakanyahan, at takot imbes na pagmamahalan. Pinalaki nila ako sa takot.

Isang gabi, habang nasa kalagitnaan na ng mahimbing kong pagtulog, nagising na lamang ako sa ingay at kalabog sa bahay. May nagsisigawan at pawang nag-aaway. Si nanay at tatay iyon. Umuwi na naman ang itay nang lasing at inubos ang perang dapat sana’y pambili naming ng pagkain kinabukasan. Winaldas sa alak at sugal. Maya-maya pa, matindi na ang pagkalabog. Humihikbi na si nanay. Hindi ko alam ang gagawin. Natatakot at kinakabahan.

Kinabukasan, normal pa rin naman. Paliliguan pa rin ako ni nanay, bibihisan at ihahatid sa eskwelahan. Pero alam kong pagod

na siya. Magaspang na ang kaniyang mga kamay sa pagtanggap ng labada may maipambaon ko lang. Alam kong sawa na siyang tanggapin ang bawat suntok na natatamo niya tuwing nalalasing si tatay. Pagod na siyang mamuhay nang normal—kung ganito rin lamang naman. Sawa na siya sa perang winawaldas ni tatay para sa mga babae niya. Pero kasi, pinag-isa sila ng simbahan—nakakabit dito ang mga responsibilidad na hindi matatakasan sa isang bansang pinagkakaitan ng diborsyo.

Sa buong mundo, tanging dalawang bansa na lamang ang hindi pinapaboran ang diborsyo—ang Vatican City at ang Pilipinas. Kung titingnan, ang nangungunang relihiyon sa Vatican ay pawang katoliko lamang. Ngunit sa Pilipinas, binubuo ito ng maraming mga relihiyon, partikular na ang katoliko at islam. Sa bilang na inilabas ng Philippine Statistics Authority (PSA), sa loob ng Enero at Pebrero taong 2022, umabot agad sa bilang na 21,495 ang mga nagpakasal na Pilipino, kumpara sa Vatican na may maliit na populasyon, 100 bilang lamang ang ikinakasal sa loob ng dalawang buwan.

Marami nang inihaing batas na magpapawalang bisa ng kasal sa pamamagitan ng diborsyo. Lahat ito, ay madiing kinokondena at tumatakbo lang sa ilang mga pagbasa sa senado. Ngunit patuloy na inilalaban na maisabatas ito ng kongreso. Taong 2022, inihain ni Albay 1st District Representative Edcel Lagman at ni Negros

Occidental 4th District Representative Juliet Marie De Leon Ferrer ang House Bill No. 78 o Absolute Divorce Bill sa ilalim ng ika-19 na kongreso. Nakapaloob sa panukalang batas na ito ang paghahain ng diborsyo bilang alternatibong pagsasawalang bisa ng kasal maliban sa annulment.

Sa napakaraming nabigong kasal sa Pilipinas—ang ilan ay pinipilit lamang magtiis upang makakuha ng sustento, may mga sumusubok sa panibagong relasyon kahit na illegal ito sa ilalim ng batas, at ang ilan ay pilit kumakawala sa pang-aabuso.

Pag-ibig, tiwala, at respeto. Ito ang ilan sa mga pundasyon ng isang relasyon. Ngunit sa loob ng mahabang panahong kinalimutan ito ng isang mag-asawa, maibabalik kaya ng sertipiko ng kasal at ng simbahan ang sinasabi nilang pagmamahal? Kailan kaya ako makakawala sa pangamba at takot na dala ng inay at itay?

Bukas, sa isang linggo, o kaya sa isang taon, papangarapin ko muli ang pagtunog ng kampana ng simbahan. Ang muling pagbukas ng pinto at paghawi ng kurtinang senyales ng pagsisimula. Ang isang magarbong selebrasyong pagpaparamdam sa akin na ako ang pinakamagandang babae sa araw na iyon. Ang ngiti ng bawat isa at mga luhang pumapatak mula sa kanilang mga mata. Ang paglakad sa pasilyo ng simbahan—nang walang takot. Ngunit sa dulo ng walang hanggan, maaring hindi na ito pagmamahal. Maaring ang nasa dulo ng walang hanggan ay dalawang daang simula ng pag-asa at panibagong buhay.

Diksyonaryo ng Marites

Ni Lanie P. Camacho, 10-Aguinaldo

“Alam mo ba si ano , ganto kase iyan?” ‘’Tignan mo siya oh!” Ito ang ilan sa naririnig, nababasa , o nakikita madalas sa social media o kung saan-saan pa. Mga salitang lumalabas mula sa bibig ng mga taong mahilig mamuna ng mga kapwa nila. Hindi iniisip ang magiging resulta o kalalabasan matapos bitawan ang mga salitang hindi man lang pinag-iisipan. Madalas na ginagawang katatawanan o binibigyan ng hindi magandang komento ang isang tao. Hindi lang ito isa , dalawa o tatlo kundi marami na ang nagiging bagong boses ng lipunan ang mga marites. Ang salitang “marites”ay pinasikat sa social media noong nasa gitna ng pandemya. Ang mga kabataan ngayon ang kadalasang gumagamit nito. At dahil patuloy na naapektuhan ng modernisasyon ang panahon ngayon, unti-uti narin nagbabago ang pananalita at pagkilos ng bawat indibidwal. Pag-asa ng bayan, sila pa nga ba? Bakit tila iba na ang lumalabas sa mga matatalas nilang dila?

Marami ang pwedeng i-marites tulad ng buhay ng tao , hayop, bagay, o kung ano-ano pa. Kadalasang makikita sila sa mga social media sites tulad nga Facebook, Twitter o Instagram. Ikaw naranasan mo na bang i-marites? O ikaw ang nagma-marites? Anong uri ng Marites ka nga ba?

MARIPOSA

Mare, post mo na!

Sila naman ‘yung uri ng marites na palaging nagpo-post. Mahilig magpatama ng mga salita tungkol sa kanilang kaaway. Kahit hindi sila parte ng away basta’t kilala nila ang kasali sa away ay kasali na rin sila para lang masabi na nagaalala sila.

“Blind item: hindi nagbabayad ng utang pero may pang-gala”

“Hoi!Tigil tigilan mo ako!hindi mo kilala ang kinalaban mo”

MARIFE

Mare feram pera

Ito ‘yung marites na bibigyan ka ng tsismis tapos kapag napasarap na ang usapan ay isisingit na ang pangungutang. Bago pa ito makipagusap ay planado na kung paano ito mangungutang at handa na rin ang idadahilan kung bakit siya mangungutang.

“Mare baka naman may pera ka diyan pautangin mo naman ako”

“Mare may kailangan kasi bayaran ‘yung inaanak mo baka pwedeng umutang”

MARIDEL

Mare, delikado tayo dyan!

Ito ‘yung marites na kahit papaano alam kung ano ang dapat at hindi. Nakaabang sila lagi sa tsismis pero kapag alam nilang nasa maling panig sila ay uurong muna sila upang makaiwas sa posibleng pagkadehado.

“Naku!Baka ipabarangay pa tayo niyan”

“Mare wag mo na patulan, may point naman siya”

MARISSA

Mare, may isa pa.

Ito ‘yung mga taong hindi nauubusan ng chismis. Maging pati ang mga tsismis sa kabilang barangay ay alam nito. Ito ‘yung mga tsismosa na nakakasagap ng tsismis kung kani-kanino at ipapasa rin sa iba.

“Hindi pa diyan nagtatapos ang chismis”

“Mare, marami rami ‘tong paguusapan natin”

MARIGOLD

Mareng manlilibre para lang sa tsismis

Ito ‘yung taong mayaman na lahat gagawin para lang sa tsismis, pati na ang panlilibre. Hindi natatapos ang kanilang araw hangga’t walang chismis na nasasagap kaya manlilibre sila ng mga may alam sa tsismis na gusto nilang malaman.

TOLITS Lalaking tsismoso

Ito ‘yung mga lalaking mahilig din sumagap ng chismis at manchismis. Minsan ay daig pa nila ang mga babae sa mga nakukuha nilang chismis. Hanggang sa inuman ay may chismis silang dala.

“Pare, grabe naman ‘yung tsismis ngayob tungkol sa kapitbahay”

“Kumpare, balita ko ‘yung buntis na ‘yung inaanak ko ah”

Pinakikita lamang niyo ang pagbabago ng wika. Ang wika ay buhay at daynamiko kaya sumusunod ito sa pagbabago ng mundo. Anuman ang pangalan natin hindi ito nakabatayan sa pagkakaunawa ng iba, bagkus kung paano natin kilala ang ating mga sarili. Mabuhay ng wikang Filipino.

10 Ang MAGITING Ang Opisyal na Pahayagan sa Filipino ng Mataas na Paaralan ng Kampo Crame Agosto 2022-Mayo 2023
.
Ni Princess Angelica Marcelo, 9-Gonzales

Hanggan

Super Nanay ko Kasama ko sa pangarap ko

dito, punta riyan. Ang ilaw ng tahanan na si Gng. Cyrille ang nagsilbing tungkod upang matugunan ang kanyang mga gampanin sa kanyang pamilya at mapagaan ang mga pasanin na hinaharap ng mga kasapi nito. Ang kanyang asawa ay nagtatrabaho sa labas ng bahay, siya ang naiwan bilang pangunahing tagapag-alaga para sa kanyang anak, ina at bunsong anak. Hindi lang siya ang nagsisilbing liwanag para sa mga ito, ngunit bilang sandigan at pundasyon ng matatag na pagsasama

Ni:Angelina AmandaA.Garcia-10Aguinaldo

Lakad

Sapaggisingniyatuwingumaga, angunanginiisipniyaayangkapakananngkanyangpamilya.Masipagsiyangnaghahandangalmusalparasa kanyangpamilya, angkanyanganakniCyrilleaypapasoknasaeskwela.SatuwingLunes, kungsaanwalangpasokangkanyangasawasatrabaho, ito angnaghahatid-sundosakanilanganaknamayroongkaramdamansapaanasiAlliyah.NgunittuwingMarteshanggangBiyernes, inaakoniCyrille angresponsibilidadnaalalayansaeskwelaangkanilanganakupangmaihatid-sundoitosapaaralan.Pagtaposihatidangkanyanganak, uuwisiyasa kanilangbahay.Kanyanamanggagawinangtungkulinngpag-aalagasakanilangbunsonganak, habangsabaynainialayangsarilisapangangalagang kanyangina. Habangpapalapitanghapon, planoniCyrillenasunduinangkanyanganaknasiAlliyahsapaaralanupangmaalalayanito.Kaniyangipinahayag angkanyangpag-aalalatungkolsaposibilidadnganumanghindikanais-naisnamgainsidentenamaganapsalabasngeskwelahankayaniyaito’y inihahatid-sundo.Nangmakaratingsakanilangtahanan, magsisimulanasiyanggumawangmgagawaingbahayhabanginaalagaanangkaniyang

bunso.Ditoumiikotangpang-araw-arawnagawainniCyrille.Sakabilangmgahamonnakanyangkinakaharap, nananatilingnakatuonsiGinang

Pandagadangansapagtitiyakngkagalinganatkaligayahanngkanyangmgamahalsabuhay.Angkanyangmgaarawaypunongpag-asikasosakanilang

mgapangangailangan, mulasapagtapaksabahayhanggangsapagkuhangmgakinakailangangbagay.

NgunitangkanyangpinangangarapnamanaymakapagtaposangkanyanganaknasiAlliyahsapag-aaralatmakakuhaitongmagandangmarka saeskwela.Naisniyarinitongmagingligtasatmalayosapahamak.Malakiangpag-asangmag-asawanagagalingatbubutipaangkaramadamanng

kanilanganakathindisilamagsasawanabigyanitongdeterminadongsuporta.

Sakabilangpagodnadulotngnapakahirapnagawain, nananatilingmatatagsiGinangPandagadangansakanyangpangakosakanyangpamilya.

Angkanyangpagiginghindimakasariliathindinatitinagnadedikasyonayisangpatunaynglakasatkatataganngespiritungtao.

Angpapelnaginagampananngpagiginginaayisangmabigatnagawain, isananangangailanganngsakripisyongkanyangorasatsiglaupang matugunanangmgapangangailanganngkanyangmgasuplingatpamilya.Gayunpaman, sakabilangmgakapighatiannanararanasannilasadaan, nananatilisilangmatatagsakanilangnanag-uumapawsaatinngsaganangpagmamahal.Angkanilangwalangpatidnasuportaatwalanghangganna pag-ibigaylagingnaroroonathindinatitinag.Kaya’tangpagiginginaangnagiisangtrabahonakahitkailanayhindimapapalitanngsalapidahilang paraanngkanilangpagmamahalaymakabuluhan.

Pamana ng Pagbasa

Ni Janessa Tucyap, 10-Aguinaldo

Hindi milyones, lupain, o mansyon—kundi pag-asa. Ito ang pamana ng pagbasa. Sa bawat pahina, hinahanda mo ang daan tungo sa mas maliwanag na hinaharap ng kapwa’t pansariling pangarap.

Pagbasa ang daan para makipagkumunika ang nakararami, daan kung paano nila ipahayag ang kanilang tunay nadarama. Ang pagbabasa rin ang paraan ng pamumuhay, katulad na lamang kung ikaw ay nagtatrabaho sa opisina, o kung magbabayad ka ng pera para malaman mo ang halaga nito. Hindi ka rin maliligaw kapag marunong kang bumasa dahil nababasa mo kung nasaan ka naroroon. Subalit para sa iba, ang pagbabasa ay isang pagtakas sa reyalidad lalong-lalo na kung ang babasahin mo ay isang kwento na bibigyan ka ng emosyon na masaya, malungkot, galit, takot, at iba pa.

Bilang ako na isang mag-aaral na gumawa rin ng proyektong iyon, maraming oras ang ginugol ng aking mga kamag aral para makagawa at makatapos ng “story box” o kahon na naglalaman ng kwento. Simula sa pagkumpleto ng mga kakailanganing gamit, pagbuo ng kahon, pagimprenta ng mga pahina, pagkulay, at s’yempre ang pagkukuwento nito sa iba pang mga baitang.

Sobrang nakakatuwang pagmasdan na nakikinig sila at nagkakaroon ng kaalaman tungkol sa mga kuwento, sa pamamagitan pagiging malikhain sa paggawa ng mga kahon at librong may kwento.

Inaasahan na sa mga ganitong mga proyekto na kami ay mahikayat na magbasa sa pamamagitan ng pagbabasa para sa amin ng iba pang mga mag-aaral. Dahil habang kami ay nakakarinig ng mga kwento na galing sa mga libro, natututunan nating mahalin ang mga istoryang ito mapakatatakutan, kathang-isip, science-fiction, kasaysayan, at kwentong pagmamahalan.

Ang pagbasa ay isang kapangyarihan. Oportunidad natin ito na maging maalam sa mga bagay-bagay. Nararapat lang na tayo ay manghikayat sa ibang tao na bumasa ng mga kuwentong nagbibigay-aral. Sa panahon ngayon laganap na ang teknolohiya, hindi na napapansin ang mga tradisyonal na libro. Karaniwan sa mga kabataan ay umaasa nalang sa internet. Normal lang naman na tayo ay magbasa rin sa internet, ngunit ang mga libro ay panghabang buhay pati na ang kaalaman na ibinibigay nito.

Kaya naman, tayo ay magbasa, magbasa nang magbasa. Para ang susunod na henerasyon—maipamana natin ang kapangyarihan ng bawat libro at pahinang naghuhubog sa ating pagkatao. Dahil ang ating pagbasa ay tutungo sa pagbasa rin nila.

Batang Matatag, Batang may Disiplina

Perfect, Punctuality Attendance and Cleanliness ito ang Project PPAC na inilunsad ng Camp Crame High Schoool na may layuning buhayin ang disiplina sa mga mag-aaral.

Kaya tandaan:

Insta Collage

Pagsusuring Pampelikula

erfect ang perpektong Cramenian ay walang liban sa klase at liliban lamang kung kinakailangan, kaya nitong mapanatili ang kalinisan sa silid-aralan

unctuality ang Cramenian ay dapat na pumapasok sa takdang oras upang walang maging marka ng liban at hindi mahuli sa mga aralin sa klase, na maaring gayahin ito ng ibang mga mag aaral kapag nakasanayan.

ttendance ng laging pagiging aktibo at nasa klase ang kinakailangan upang mapunan ang pamantayan ng isang magiting at matapat na Cramenian, tandaan na “Attendance is a must.”

P P a c

leanliness ang Cramenian ay kailangan maging malinis sa kapaligiran, dahil hindi lang ito silid-aralan ngunit ito ang nagsisilbing ikalawang tahanan. Sumasalamin sa kilos ng mga ito kung paano nila pangalagaan ang kanilang tahanan.

Siya ang bumubuhay, umaalalay, nagpapatatag, at nagsisilbing proteksyon ng pamilya;siya ang ama. Pero paano kung sa loob ng walong taon, wala siya sa tabi mo para kilalanin ka? Masakit ito para sa isang anak, at mas mataas ang posibilidad na magkakaroon ito ng sama ng loob sa kanyang ama, pero sa kondisyon ni Yumi ay iba. Si Yumi ay isang karakter mula sa pelikulang Doll House. Si Rustin o mas kilala niya sa pangalang tito “Clyde” ay ang kanyang tinuturing na matalik na kaibigan, ngunit hindi niya alam na ito ang kanyang totoong ama. Nawalay sila sa isa’t isa dahil sa kadahilanang hindi naging maayos ang naging relasyon ng kanyang mga magulang na si Sheena at Rustin;magkaiba ang tunguhin ng magkarelasyon sapagkat, si Sheena ay maraming magagandang hinahangad para sakanila, si Rustin naman ay patuloy sa pagbabanda at pag gamit ng illegal na droga.

Pinapakita rito ang pagmamahal at pagpupursigi ng isang ama para makabawi at magampanan ang kanyang responsibilidad sa kanyang anak. Hindi lang ito tungkol sa relasyon ng ama at anak, kundi ipinapakita rin dito ang sitwasyon sa totoong buhay. Mahirap maka ahon sa bisyong nakasanayan na, lalo na’t kung pakiramdam ng tao na ito na lamang ang nagbibigay ng sigla sa buhay niya.

Ang pagkalulong sa droga ay isa sa mga bisyong karaniwan na ating nababalitaan. May kanya kanyang rason sila pag gamit ng pinagbabawal na gamot;ngunit ang madalas na dahilan ay para “matakasan” ang problemang kanilang kinakaharap. Naniniwala sila na ang pag gamit nito ay makakatulong para kahit papaano ay hindi na nila maisip ito.

Madaming moral na aral ang maoobeserbahan sa pelikulang ito;tulad na lang ng pagtitiwala, respeto, pagsasabi ng totoo at marami pang iba. Ito ay isang pelikula na tiyak magugustuhan ng karamihan dahil nakakapag udyok ito ng damdamin at ipinapakita ang reyalidad.

Naipapakita rito ang pagpapahalaga sa buhay, hindi natin alam kung kailan tayo mawawala sa mundo, kaya bawat desisyon ay ating pag-isipang mabuti nang hindi magsisi sa huli.

Lathalain Ang MAGITING Agosto 2022-Mayo 2023 Ang Opisyal na Pahayagan sa Filipino ng Mataas na Paaralan ng Kampo Crame
Ni Princess Angelica F. Marcelo 9-Gonzales Ni Avryll Peig Caldamo, 9-Roco Guhit ni Genelle Azores Guhit ni Genelle Azores

BAYANG MAKAKALIKASAN: Plastic-free QC, sinusulong

Ginanap ang Quezon City Plastic-Free Future Youth Forum kung saan ibinahagi ang mga kaalaman tungkol sa pagpapanatili ng kalinisan ng kapaligiran.

Dumalo rito ang ilan sa mga mag-aaral ng Camp Crame High School at ang naging tagapagsalita ang Senate President Pro-Tempore Honorable Loren Legarda.

Tinalakay niya ang krisis ng bansa kaugnay sa plastik, mga polisiya kaniyang inilunsad tulad ng “Single Use Plastics Regulation and Management Act.” na kanyang ipinasa bilang isang senador.

“We need the youth to help us innovate creatively and fast to find a way to replace all the things industry tells us that single-use plastic is good for,” pagbibigay-diin ni Legarda.

Ang nasabing batas ay nagbabawal sa mga “hindi kailangang” isahang gamit ng mga plastik. Sinasaklaw nito ang mga ahensya ng pambansang pamahalaan, mga yunit ng lokal na pamahalaan, at lahat ng iba pang mga opisinang kontrolado ng gobyerno.

“Plastics, especially single-use plastics, are a concern for us Filipinos. Not only do we have a massive plastic consumption problem but also a massive pollution problem due to the amount of mismanaged plastic waste that leaks into our open environment,” ani Legarda.

Maliban kay Legarda ay may apat pa na panelista na nagbahagi tungkol sa suliranin ng kalikasan sa plastic.

Si G. Christian Derafera, ang youth ambassador mula sa Break Free from Plastic ay nagbahagi ng epekto nito buong bansa partikular sa kalinisan

TRIVIA TIME

ng lungsod ng Quezon, samantala nagsalita rin ang Quezon City Climate Change and Environmental Sustainability Department Head na si Bb. Andrea Villaroman tungkol sa plastic waste management program at kautusan tungkol sa paggamit ng plastic sa nasabing lungsod.

Bilang dagdag ayon kay Bb. Miriam Azurin ang Zero Waste Asia Deputy Director ay pagpapaigting ng recycling sa bansa, samantala si Bb. Marian Ledesma isang zero waste campaigner ng Greenpeace Philippines, binigyang-diin ang pagsasagawa ng reuse at refill systems ay malaking tulong sa bansa.

“It is vital that we respond to the plastic pollution crisis at its source. By changing problematic systems, the materials that are causing a lot of harm, different kinds of packaging that are hard to manage when they become waste, we can really look at reducing or eliminating the impacts of harmful plastics right from when they are being produced up to their disposal,” ani ni Ledesma.

Neil Mathew De Vera, punong patnugot ng Ang Magiting at isa sa mga kalahok ng program ay lubos na nagpapasalamat sa bagong kaalaman na kanilang natutuhan na maari nilang maging gabay sa paggawa ng programang pampaaralan bilang siya rin ang bise presidente ng CCHS Supreme Student Government

Matapos ang forum ay nagkaroon ng pagkakaroon ng pagkakataon ang mga mag-aaral na mabisita ang Life in Plastic interactive art exhibit na nagpapakita ng malawak na epekto ng plastic sa mundo at kalikasan.

“Dati akong mag-aaral ng CCHS, pasasalamat ito” – Pasadilla

Cramenians, alam nyo ba na ...

sinabi sa ilang pag-aaral, na ang pagiging underweight o kulang sa timbang ay maaaring magdulot ng problemang pangkalusugan dahil maaring hindi nakakakuha ng sapat na nutrisyon upang gumawa ng malulusog na buto, balat at buhok.

Ayon kay Undersecretary Maria Rosario Vergeire,ng Department of Health maliban sa malnutrisyon ay suliranin din ang 10% ng mga mag-aaral na nasa kategorya na obese o ang timbang ay masyadong mataas para sa taas ng bata.

Nakita sa isang pag-aaral ng United Nations Children’s Fund na 74% ang mga batang Pilipino na nasa edad 13 hanggang 15 ay mahina sa pagkain ng prutas at gulay ngunit malakas sa matatamis, maaalat, at matatabang pagkain. Samantalang 28% ang umiinom ang softdrink kada araw.

Kailan Nagiging Underweight ang Isang Tao?

Ang pagsukat ng body mass index (BMI) ang mabisang paraan upang malaman kung ang isang tao ay underweight, nasa tamang timbang, o overweight, ayon sa Center for Disease Control and Prevention (CDC)

Narito ang interpretasyon ng resulta ng BMI:

Underweight 18.5 pABABA

Normal 18.5 HANGGANG 24.9

Overweight 25.0 HANGGANG 29.9

Obese 30

pATAAs

htstps://www.ritemed.com.ph/articles/signs-ng-pagiging-underweight https://newsinfo.inquirer.net/1746249/doh-poverty-driving-malnutrition-among-kids

Angelina Amanda A. Garcia 10-Aguinaldo

“Ang aking layunin ay magkaroon ng libreng pakain sa mga estudyante. Kaya pumasok sa isip ko na kung tutuusin, dati naman akong mag-aaral ng CCHS. Kaya bakit hindi na lang ito magsilbing pasasalamat sa aking dating paaralan,” ani Macmiel Pasadilla.

Bilang tugon sa malnutrisyon, nagsagawa ng libreng pakain sa mga mag-aaral sa pangunguna ng mga dating mag-aaral ng Mataas na Paaralan ng Kampo Crame mula sa Batch ‘19 at ‘18.

Pinangunahan nina Pasadilla mula sa Batch ‘19 at Julie Gamboa Culala mula sa Batch ‘18 ang libreng pakain na naganap sa apat na Biyernes ng Setyembre mula sa ikapito hanggang sa ika-10 na baitang.

Sa datos tungkol sa body mass index ng mga mag-aaral ng CCHS, lumalabas na 106 na mag-aaral mula sa ikapitong baitang ang kulang sa timbang, 93 sa ikawalong baitang, 87 sa ikasiyam na baitang, at 46 naman sa ika10 na baitang. Sa kabuuan, mayroon 332 na mag-aaral ang kulang sa timbang

Ayon naman sa Centers for Disease Control and Prevention, mayroong ugnayan sa pagitan ng wastong nutrisyon para sa mga bata at ng kanilang akademikong

Sugal para sa enerhiya “

Angelina Amanda A. Garcia 10-Aguinaldo

pagganap. Ang balanse at masustansyang pagkain ay maaaring makatulong sa pagpapahusay ng kakayahan ng isang bata na matuto at maging mahusay sa paaralan. “To help the students, lalo na ‘yung mga bata na walang makain or kulang ng kinakain. Makatutulong sa kanila ito o makatutulong ‘yung eskwelahan sa pamamagitan ng pagsasakatuparan ng libreng pakain sa kanila ng mga masusustansiyang pagkain,” saad ni Gng. Librada Q. Simon, guro mula sa departamento ng TLE.

Inaasahan ng paaralan na marami pang mga dating mag-aaral ng CCHS ang mahihikayat na tumulong sa mga kasalukuyang mag-aaral dahil sa programang ito.

KABALIKAT SA MAAYOS NA KALUSUGAN: Nagtulungan ang CCHS Boys Scout at piling mag-aaral sa pagbabahagi ng almusal na handog ng alumni ng CCHS na si G.. Macmiel Pasadilla. Kuha mula sa Facebook Page ng CCHS

PANG-AGHAM NA KOLUM

Angsalita lamang ay hindi sapat upang mapatunayan na ito’y ligtas at hindi malalagay sa kapamahakan ang mamamayan.

Pagbabalik matapos ang 37 na taon. Ang Bataan Nuclear Power Plant ay itinayo sa ilalim ng administrasyon ng dating pangulong Ferdinand Marcos Sr. upang masolusyunan ang krisis sa langis noong 1973. Ngayon na presidente na si Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ay muling isinusulong ang pagpapatayo ng Nuclear Power Plant dahil kailangan ngayon sa merkado ang pagkukunan ng malinis na enerhiya. Subalit magiging ligtas ba talaga ito para sa publiko?

Sinisigurado ng Pangulo na hindi matutulad sa nangyaring trahedya sa Fukishima, Japan ang Nuclear Power Plant na itatayo. Ngunit pinapangambahan ng karamihan na hindi kaya ito maging eksperimsento lamang na may dalang kapamahakan sa mga Pilipino.

Ang pagbibigay ng katiyakan na ito’y magiging ligtas at walang dapat ikabahala ang mga mamamayan ay kinakailangan lamang na may katiyakan dahil sa isang napakalaking proyekto na gagamit ng iba’t ibang kemikal na lubhang mapaminsala kung sakaling may mangyaring hindi maganda sa planta ay napakalaking unos na kahaharapin ng mga naninirahan sa Bataan.

Malaking sugal sa kaligtasan ang gustong mangyari ng Pangulong Marcos. Maaari man itong makatulong sa bansa upang masolusyunan ang problema nito sa kawalan ng pagkukunan ng malinis na enerhiya ngunit ang bawat mamamayan na maapektuhan nito ay pangmalawakan dahil isang mapanganib na radioactive waste ang nalilikha nito.

Sa kasalukuyan ay mayroong 32 na bansa na nagpapatakbo ng 439 na Nuclear Power Plant sa buong mundo. Ang Estados Unidos ang may pinakamaraming nagoopera na may 92 na

planta. Kasama sa layunin ng pangulo na sumubok ng bagong teknolohiya upang makahanap ng mga bagong pagkukunan ng enerhiya. Ang salita lamang ay hindi sapat upang mapatunayan na ito’y ligtas at hindi malalagay sa kapamahakan ang mamamayan. Seguridad na makakaya at masusuri nang may katiyakan at maayos ang pangunahing maging layunin sana nito. Palaging nasa huli ang pagsisi subalit kung may nauunang kahandaan upang maiwasan ang mga panganib na dulot ng proyektong may layunin naman talagang makatulong ay tunay na kapakinabangan sa bawat mamamayang Pilipino.

Huwag nawang maging sanhi ng dagdag problema ang ganitong uri ng proyekto. Nararapat na tiyakin muna ang kaligtasan ng bawat taong nakapaligid dito bago pa man isagawa ang kahit anong gawain na patungkol sa planta. Isaalang-alang maging ang kaangkupan ng lugar at huwag basta na lamang gawin ng walang malinaw na pag-aaral ukol rito dahil maituturing na isang sugal para sa enerhiya ang proyektong ito na ang kapalit naman ay ang mga buhay ng mga naninirahan malapit sa lugar na kinatatayuan ng planta kung hindi magiging maingat sa pagsasagawa.

12 Ang MAGITING Ang Opisyal na Pahayagan sa Filipino ng Mataas na Paaralan ng Kampo Crame Agosto 2022-Mayo 2023 agham .
BAYAN KO, PROTEKTADO KO: Si Senator Loren Legarda bilang pangunahing tagapagsalita sa Plastic-free Qc Forum na nagtalakay sa kahalagahan ng pagiging bahagi ng pangangalaga ng kalikasan. Kuha ni: Stephen Rhey D. Todoc
AHA!

agham

Upuan para sa mga batang krame

Yassen M. Usman 9-Roco

at ligtas para sa kalikasan ang gawang plastik.

“Malaking pasasalamat ang buong upuan, syempre ang school natin sa kanila dahil natutulungan nila ang mga bata rito sa Camp Crame na magkaroon ng maayos na kagamitan sa paaralan para lalo silang ganahan na mag-aral nang mabuti dahil magaganda ang mga gamit nila,” ayon kay Bb. Maricar Convencido, isang guro sa CCHS. Tunay na nakahahanga ang proseso ng paggawa sa mga upuang ito. Hindi mo aakalaing gawa ang mga ito sa mga patapon nang bagay sapagkat napakaganda ng kalidad nito. Kagaya lamang ito ng mga ginagamit na upuang gawa sa mga hilaw na materyales ngunit mas mababa ang gastos

Ang mga kompanyang tulad ng Sentinel ay hulog ng langit. Hindi lang sa mga natutulungan nito, kundi maging sa ating inang kalikasan. Parami nang parami ang mga basura na naiipon sa mga landfill kaya kung minsan, kinakailangang magpatayo ng bago. Kung mas marami at lalaki ang mga basura natin, mababawasan ang espasyo para sa mga tao at sa ibang mga hayop. Matagal na ring inaanyayahan ang mga mamamayan na gumamit ng ibang bagay maliban sa mga single use na plastik. Halimbawa na lamang, ikaw ay pupunta ng grocery o mamamalengke, imbes na plastik na isang beses mo lang magagamit, sa isang eco bag mo na lang ito ilagay

Ayon naman sa punong guro ng CCHS, G. Edwin M. Abengoza, bago pa man ang pandemya ay inaanyayahan na ng paaralan ang mga mag-aaral nito na iwasan ang paggamit ng single use plastics.

Kilala ang Sentinel UpCycling Technologies bilang kumpanya na gumagawa o nagmamanupaktura ng mga produktong yari sa sachet, boteng plastik at mga tarpolin na ipinamigay ng mga may mabubuting loob. Nitong Setyembre 20, 2022 kung kailan nagsipagbalikan na ang mga mag-aaral sa paaralan, ginawaran ng 45 upuan ng Sentinel ang mataas na paaralan ng Kampo Crame. Naging malaking tulong ito sa huli sapagkat ang ibang upuan nito ay matagal na at ang iba ay sira-sira na.

“Nakakatuwa na kami ay may mga bagong upuan at hindi na sasakit ang aming mga likod dahil hindi na kahoy ang aming sasandalan at hindi na kami mangangawit sa tuwing kami ay uupo at magaaral” ani Raphael Peralta Ramilo

Tunay ngang maiibsan na ang pangangawit ng mga estudyante at lalong mas mapabubuti ang kanilang pagaaral sa mga komportable na upuan, ang mga plastik na nakasisira ng ating kalikasan ngayo’y inuupuan na ng mga esstudyante. Ngayo’y hindi lang ang kanilang kapaligiran ang

AI: Ang makabagong paraan ng pagkilos

Editoryal na Pang-agham

Ang ating mga nakasanayan ay patuloy ang pagbabago, kakayanin pa ba natin na makasabay dito?Ang Artificial Intelligence (AI) ang naging alternatibo para sa kabataan noong kasagsagan ng pandemya lalo na ang mga kompyuter at ngayon ay patuloy pa rin ang pag usbong nito dahil sa makabagong anyo ng pag-aaral.

Ngunit matutulungan ba talaga nito ang mga mag-aaral upang mahubog ang kamalayan nito o natututo lang sila na umasa sa modernong anggulo. Maging sa mga

trabaho ng tao ay kaya na nitong palitan at higitan pa, gayundin ito na ang makabago. Kailangan pa ba tayong mga tao sa pagseserbisyo?

Kaya na rin nitong gumawa ng desisyon para sa ibang bagay, ngunit hindi ba ito kayang gawin ng mga tao o ipauubaya na lang nila lahat ang trabaho na wala naman hahantungan na pagkatuto. Hindi ba’t nagtatrabaho ang isang tao upang umunlad ang kanyang kakayahan na pinag aralan ng ilang taon, na ngayon ay ginagawa na ng makabagong teknolohiya na tao rin ang nakaisip.Taong 2022 ay tinatala na 35 porsyento ng negosyo sa buong mundo ang gumagamit nito. Kung ganito rin naman ay para saan pa ang pagbabanat ng mga buto ng mga mag aaral kung pagkatapos ng kanilang pag aaral ay hindi rin nila ginagamit ang kanilang mga kakayahan. Magkakaroon pa ba tayo ng silbi paglipas ng ilang taon o magsisilbing palamuti nalang tayo sa mga opisina. Kaya pati ang kabataan ngayon ay umaasa na lamang sa mga ito dahil alam na nila ang kanilang hahantungan pagkatapos ng pagaaral.

Kulis Pinay,

Ni: Stephen Rhey D. Todoc, 10-Magsaysay

Pagdating ng panahon ay aasa na ang mga manggagawa sa iba’t ibang makabagong makinarya dulot ng iba’t ibang ideya upang mapagaan ang trabaho ng bawat tao. Ngunit ang pagpapagaan ng trabaho ay hindi ibig sabihin na tuluyan silang tanggalan ng gagawin, dahil mapapairal lamang nito ang kanilang katamaran sa paggawa at kanilang makakasanayan na mayroon magiging sandigan sa tuwingMagigingtinatamad.kailangan pa din ito ngunit ang pagsasanay sa mga sarili na iaasa ang mga gawain dito, may paa at kamay ang bawat isa, bakit pa iaasa kung kaya?Hindi maiiwasan na magkaroon ng pagbabago sa mundo at maapektuhan ang bawat nilalang dito ngunit ang pagbabago ay sinasabayan ng mga makabagong paraan na may limitasyon, kung saan hindi maapektuhan ang pagkatao at kasipagan nito.

Alagang Pinay

Sa panahon ng tag-init, maraming kondisyon ang ating kinakaharap. Isa na rito ang mga iba’t ibang karamdaman na nararanasan ng ating balat o kutis. Hindi maitatanggi na maingat at pursigido tayong mga Pilipino sa pagpapanatili ng kagandahan ng ating kutis; kaya naman kapag mayroon tayong nakikitang mga produkto na mayroong magandang epekto sa ating balat, agad natin itong naiisipang bilhin.

Karamihan ng mga ginagamit nating mga produkto sa skin care ay ini-export natin mula sa iba’t ibang bansa. Mao-obserbahan din natin na mataas ang presyo ng mga ito ngunit mabenta pa rin sa mga Pinoy sa kadahilanang ito ay epektibo at tunay nga na makatutulong sa pagpapanatili ng magandang kondisyon ng balat.

Kung may naiambag ang ibang bansa sa atin, tiyak naman na hinding hindi magpapahuli ang sariling atin; ang Brilliant Skin Essentials ay isa sa mga kinikilalang beauty at cosmetics brand sa ating bansa. Ito ay pinamamahalaan ng chief executive officer na si Glenda Victorio. Mayroon ding Careline Skin na ang pangunahing produkto ay Acne Drying Lotion, Primer Sheet Mask, Micellar Tonic. Samantalang ang

Apotheke ay nakatuon sa pagbebenta ng Niacinamide na 10% Serum na nakakatulong upang mabawasan ang acne. Ang Hello Glow ay nakatuon sa Advanced Rejuvenating Set, kaiba naman ng Human Naturen na nagbebenta ng mga produktong organic katulad ng Acne Defense Solution Gel, Balancing Face Toner, at. Sunflower Beauty Oil. At hindi naman magpapatalo ang Belo products sa pangunguna ni Dr. Vicki Belo nakilala ang kaniyang produkto hindi lamang sa loob ng bansa kundi sa buong mundo. Kabilang dito ang AcnePro Pimple Gel, Collagen Powder Drink, Intense White Deo, at Kojic Acid line Paano ba namang hindi ito kagigiliwan kung ang set na ito ay naglalaman ng mgaa produkto na makakatulong sa pagpapanatili ng taglay na

kagandahan ng kutis; kojic acid soap, toner, topical cream, at sunscreen gel-cream. Ang set na ito ay ginagamit para sa mukha, layon nito na mapanatiling maayos ang kalagayan ng mukha kung sakaling nakararanas man ng iba’t ibang kondisyon.

Ito na rin ang pagkakataon upang tangkilikin natin ang sariling atin. Ang paglikha ng mga ganitong bagay ay hindi lamang para sa taglay na ganda kundi para na rin sa ikabubuti ng kondisyon ng ating kalusugan dahil ang balat ay parte ng ating katawan na sensitibo at kailangangan ng maayos na pangangalaga.

. 13 Ang MAGITING Agosto 2022-Mayo 2023 Ang
Opisyal na Pahayagan sa Filipino ng Mataas na Paaralan ng Kampo Crame
Rhey D. Todoc
Kuha ni Stephen
Kuha ni Neil Mathew P. De Vera

Tag-init

:aray ko po, ang sakit!

Ni: Yassen M. Usman, 9-Roco

Nagsimula na ang tagtuyot sa Pilipinas. Ito ang panahon kung saan mataas kaysa sa normal ang klima sa isang lugar. Dahil dito, hindi ito maiwasang makuhaan ng iba’t ibang uri ng sakit, pinaka-karaniwan ang heat stroke.

Ito ay isang karamdaman kung saan hindi na makontrol ang ng isang tao ang temperatura ng kanyang katawan na patuloy sa pagtaas. Ang pinakadahilan nito ay ang pageehersisyo o pagta-trabaho sa tuwing mainit ang panahon kung saan hindi nagagawa ng isang taong palitan ng bagong inom na tubig ang ihi o pawis na inilabas ng kanyang katawan.

Kung ang isang tao ay nakararamdam ng labis na sakit sa ulo, nalilito, hindi pinagpapawisan, mainit at tuyong katawan, nasusuka, mabilis na pagtibok ng puso at nawawalan ng malay, maaaring inaatake ito ng heat stroke.

Kung hindi maagapan, maaari itong magbigay ng mga seryosong komplikasyon na maaaring humantong sa kamatayan ng isang biktima. Mas makabubuti sa taong inaatake ng heat stroke kung madadala ito nang mabilisan sa isang ospital at makahingi ng medikal na tulong. Ang mga may edad ang karaniwang nakakukuha ng sakit na ito.

Kakambal naman nito ay ang heat exhaustion. Ito naman ang tugon ng katawan ng isang tao na kulang na kulang sa tubig at asin. Tulad ng heat stroke, matatanda rin ang karaniwang naaapektuhan nito at ang mga nagta-trabaho sa mainit na kapaligiran.

Ilan sa mga sintomas ng heat exhaustion ay ang pagsakit ng ulo, pagkahilo, pagsusuka, pamumulikat ng mga kalamnan, at iba pa. Upang maagapan ang taong inaatake nito, siguraduhing maluwag ang kanyang kasuotan, siya ay nasa malamig na lugar, at painumin ito ng malalamig na inumin o di kaya mga energy drink.

Sunod naman ang mga maaaring makuhang kondisyon na ulot ng init sa ating mga balat. Una na rito, ang karamdamang pinaka-karaniwan sa mga nasa panahon ng pagbibinata at pagdadalaga, ang pagkakaroon ng tigyawat. Hindi lamang ito nakukuha sa tuwing tag-init, kundi pati na rin sa iba pang mga panahon, maging ang mga taong wala na sa panahon ng puberty ay nakukuha ito.

Namumuo ito sa tuwing nagmamantika ang mukha ng isang tao na nagresulta mula sa mainit na panahon. Kung hindi aalagaan, maaari itong kumalat pa at dumami. Upang ito ay maiwasan, pinapayuhan ang bawat isa na maging maalaga sa mukha ang mga nakararanas nito o tinatawag sa Ingles na “skin care.” Hangga’t maaari, manatili sa malalamig na lugar at iwasan ang sikat ng araw upang hindi ito lumala.

Isa pa sa mga karamdaman sa balat na nakukuha tuwing tag-init ay ang bungang-araw. Nangyayari ito sa tuwing

natutuyuan ng pawis ang balat ng isang tao. Ang mga sintomas nito ay ang pangangati, pamumula at pagpapaltos ng balat. Kusa itong nawawala ilang araw matapos itong mamuo ngunit sa iba, tumatagal ito ng ilang linggo o buwan.

Upang hindi lumala, inaabisuhan ang mga mayroon ito na wag itong katihin, iwasan ang paggamit ng mga likidong produkto sa katawan na may kemikal at palamigin ito sa pamamagitan ng yelo.

Narito pa ang ilan sa mga karamdamang maaaring makuha tuwing tag-init: asthma; chickenpox; conjunctivitis; influenza; measles; mumps; at iba pa.

Tag-init na nga, uso pa ang mga sakit, pandemya ri’y patuloy na lumalapit. Tandaan na laging uminom ng tubig, mag-ingat, alagaan ang ating katawan, magpahinga, at maging malusog nang sa gayon ay makaiwas sa mga ito. Iligtas ang ating mga sarili sa mga napapanahong sakit.

proyekToNG pANGkAliNisAN,

Ni:Avryll Peig Caldamo , 9-Roco 1 2 3

Ayon kay Gng Rowena Empaynado ang dishwashing liquid soap ay hindi lamang magagamit sa paghuhugas ng pinggan kundi pati na rin sa paglilinis ng mga suklay, kusina’t banyo, at ng mga sapatos at tsinelas sa tuwing ito ay marumi’t hindi na presentableng tignan. Kaya malaking tulong ito sa gitna ng pandemya dahil sa dami ng gamit nito.

Ang proseso ng paggawa ng dishwashing liquid ay may kadalian kung mayroon tayong sapat na kaalaman at kasangkapan upang makagawa nito.

Maglagay ng 14 na litrong tubig at ibuhos ang PREMIX (ang PREMIX ay naglalaman ng: degreasing agent, antibacterial, chelating agent, scent at colorant).

Ibabad ng 20 minuto bago haluin nang mabuti. Kinakailangang sakto ang sukat ng tubig sapagkat magiging malabnaw ito kung sosobra o magkukulang ang inilagay na tubig.

Ang huli at pinakaimportanteng hakbang, paunti-unting ibuhos ang thickener habang hinahalo nang pinakamabagal hanggang sa matunaw at maubos ito. Takpan ito at pagpahingahin ng 24 oras, at maaari na itong magamit pagtapos.

Malaking tulong ang programang ito hindi lamang sa larangan ng negosyo kundi pati na rin sa pagpapanatiling malinis ang ating kinakainan.

NG BAGyo

Pag-ibig, relasyon at kasawian. Ayon sa datos mula sa National Center for Mental Health na 7,500 na tawag ang kanilang natatanggap mula noong 2021 hanggang sa kasalukuyan ang mga pangunahing sanhi ng deprasyon ng mga Pilipino na nasa edad 18 hanggang 30.

Ito’y maaaring dahil sa stress o pagkakaroon ng problema tulad ng pagkamatay ng mahal sa buhay, presyon na nararanasan, at isang pangyayari sa iyong buhay na may malaking epekto sa iyong mentalidad.

Ito ang ilan sa mga karamdamang may kaugnayan sa pag-iisip ng isang tao: depresyon; pabago-bago ang nararamdaman; pagkabalisa; obsessive compulsive disorders o paulit-ulit na hindi gustong mga pag-iisip; bipolar o hindi pangkaraniwang pagbabago sa nararamdaman at enerhiya; konsentrasyon ng isang tao; at karamdaman sa pagkain sa pamamagitan ng matinding pagkagambala sa mga gawi rito na may kaugnayan sa pag-iisip at emosyon.

Narito ang mga sintomas o senyales ng isang tao na maaaring may karamdaman sa pag-iisip: Madalas nakararamdam ng pagkapagod o panghihina; nahihirapan magpokus sa anumang gawain; pagkawala ng interes sa mga kaibigan, libangan, at aktibidad; mabilis magalit o uminit ang ulo sa mga simpleng bagay; pagbabago ng timbang at pagkawala ng gana kumain; at pakiramdam ng kawalan ng halaga o saysay sa buhay.

Ayon sa ulat ng PhilStar, sinabi ni Young Adult Fertility and Sexuality Study (YAFS), Youth for Mental Health Coalition chair Alyannah Lagasca na marami sa kabataang Pilipino mula sa edad na 15 hanggang 24 ay nakararanas ng depresyon na humahantong sa pagputol sa kanilang buhay. Dahil 62% dito ay pinipiling hindi sumangguni sa mga doktor.

Kung ikaw ay nakararanas ng mga nabanggit na sintomas, ito ang mga maari mong gawin:komunsulta sa psychologist; ipaalam ito sa mga taong malapit sa ‘yo tulad ng pamilya o mga kaibigan para maagapan ito; mag-ehersisyo sapagkat nakatutulong ito upang malibang ang isang tao; iwasan ang pagkukulong ng sarili sa kwarto o pagbababad sa cellphone; at kumai’t matulog sa tamang oras.

Maaring tumawag sa National Center for Mental Health toll-free crisis hotline sa numerong 1553 para sa landline; para naman sa mobile, sa mga numerong 0917-899-8727; 0966-351-4518, or 0908-639-2672.

14 Ang MAGITING Ang Opisyal na Pahayagan sa Filipino ng Mataas na Paaralan ng Kampo Crame Agosto 2022-Mayo 2023 . agham agham https://www.philstar.com/headlines/2023/02/27/2247906/depression-caused-heartbreak-rise
Ni Lanie P. Camacho, 10-Aguinaldo
TropICAl DepressIoN Na may lakas ng hangin na umaabot hanggang 61kph malapit sa gitna TropICAl sTorM ay bagyong may hanging 62 kph hanggang 88 kph seVere TropICAl sTorM ito ay may lakas ng hangin sa pagitan ng 89 kph hanggang 117 TypHooN naman ang tawag sa bagyo na umaabot ang dalang hangin sa pagitan ng 118 kph hanggang 220 sUper TypHooN Ang pinkamataas na classification ngayon sa Pilipinas ito ay may dalang hangin na di bababa sa 220 kph. Cramenians, alam mo ba ang AHA! https://www.pagasa.dost.gov.ph/
kATeGoryA
Kuha ni Stephen Rhey D. Todoc
Guhit ni Eidjanelle Saudagar inilunsad sa CCHS
Kuha ni Stephen Rhey D. Todoc

Indak para sa Kalusugan: Wellness suportado ng CCHS

“Ang pagsasayaw ay isang paraan upang manatiling malakas..”Convencido

Isa pa rin ang malnutrisyon sa suliranin ng batang Pilipino.

Bilang bahagi ng solusyon dito ay kaisa ng Department of Education (DepEd) ang Nestlé Philippines sa pamamagitan ng patuloy na paglunsad ng Nestlé Wellness Campus na may adbokasiyang nakatuon sa kalusugan at maunlad na pagkatuto ng mag-aaral.

Ngayong taon ay ipinagdiriwang ang isang dekadang pag-indak tungo sa balanse at malusog na pangangatawan.

“As the Kasambuhay sa Kalusugan of Filipino families, Nestlé Philippines launched the Nestlé Wellness Campus program in 2013 to educate and encourage our students to develop healthy habits that would help them lead healthier and happier lives. We are grateful to the DepEd for being our partner in this advocacy, as we continue to promote proper nutrition and wellness practices through various materials and activities for the students, their parents and teachers,” ayon kay Jose Uy III, ang Senior Vice President at Head of Corporate Affairs of Nestlé Philippines sa isang panayam sa Inquirer, Kabilang ang Camp Crame High School sa patuloy sa paaralang bahagi ng program. Ayon kay Bb. Maricar Convencido guro sa MAPEH Camp Crame High School (CCHS), “Ang wellness dance ay itinalaga sa lahat ng mag-aaral ng Camp Crame hindi lamang dahil ito ay kinakailangan ng Division Office kundi pati na rin upang ang mga mag-aaral ay aktibong makilahok sa pisikal na aktibidad at mapabuti ang kanilang kabutihan. Ang pagsasayaw ay isang paraan upang manatiling malakas, mapabuti ang cardiovascular endurance, muscular strength at endurance, at motor fitness. Nagbibigay ito ng mas magandang koordinasyon, kakayahang umiwas, at kakayahang mag-stretch ng mga mananayaw. Napapalakas din dito ang mga kasanayan sa pag-iisip at

BALITANG SARBEY

National Academy of Sports

Badminton, patok sa Cramenians

Ni:Eidjanelle Saudagar, 9-Roco

Sa kapangyaihan ng RA 11470 taong 2020, naipatayo ang National Academy of Sports na may layuning maglinang ng mga kakayahan ng mga mag-aaral sa karangalan ng isports. Ang paaralang ito ay susundin ang mga pamantayan sa pang-internasyunal upang maging gabay sa mga patimpalak.

Ito ay nasa ilalim ng Department of Education at Philippine Sports Commission, na nagbibigay suporta sa mga atletang Pilipino at makapaglunsad ng mga pagsasanay.

Ang panugutang Ang Magiting ay nagsagawa ng sarbey sa mga mag-aaral ng Camp Crame High School ng sumusunod:

Ano ang antas ng kaalaman nila sa National Academy of Sports?

Kung ikaw ay papasok sa NAS, anong isports ang iyong kukuhain mo sa sumusunod: Athletics, Aquatics (Swimming), Gymnastics, Badminton, Judo, Taekwondo, Table Tennis and Weightlifting?

Lumabas na anim sa sampung mag-aaral ng CCHS ay hindi lubusang alam ang tungkol sa National Academy of Sports at naging hati ang pananaw ng mga mag-aaal dahil 57% ang nais kumuha ng isports na badminton,na sinundan ng swimming na nasa 20%, ang 13% naman ay nais ang judo at 5% para sa Taekwondo at gymnastic

Lahat ng mag-aaral na nagbabalak pumasok dito ay may kanya-kanyang kagustuhan o libangan pagdating sa isports, kaya ang paaralang ito ay tutulong sa kanila upang gumaling pa sila rito.

BATANG MATATAG, BATANG MALUSOG: Mga mag-aaral mula sa ikasiyam na baitang ay sabay-sabay na umindak para sa Wellness Dance sa pangununa ni Bb. Maricar a. Convencido guro sa asignaturang MAPEH, bilang pagsuporta sa pakikipaglaban sa malnutrisyon at obesity.

panlipunan. Ang pagsasayaw ay nagpapalakas ng tiwala sa sarili at pagpapahalaga sa sarili.”

“Iyong kanta at sayaw ay nagbibigay ng motibasyon sa estudyante para mas maging malusog at para pag-isipan nila ang kanilang pagkatao. Ang mga liriko ng kanta ay nag-iimpluwensiya at tinuturuan ang mga estudyante kung ano kailangan nila kainin para maging malusog. Bilang isa sa mga tumulong para ituro ang sayaw na ito sa aking mga kapwa kaklase, masasabi ko na masaya ito dahil maganda ang tono ng kanta at nakakaakit ang mga liriko nito,” ani Choelene Rye Hangad ng Nestlé Philippines na maunawaan ng mga kabataan ang kahalagahan ng may magandang kalusugan para

Laban ni

ISPORTS LATHALAIN Idol

Ni:Yassen M. Usman 9-Roco

Sa edad na anim, nagsimulang maglaro ng basketball si Tenorio. Noong siya ay nasa ikatlong baitang, siya ay nakipagsapalaran at sumubok sa koponan ng basketball ng Don Bosco-Makati.

Nagpatuloy ang kanyang karera sa pagbabasketball. Nakatanggap siya ng napakaraming pagkilala sa kanyang talento sa nasabing isport. Natanggap niya ang mga sumusunod: limang kampeonato sa PBA (2010 Fiesta, 2016 Governors’, 2017 Governors’, 2018 Commissioner’s, 2019 Governors’); tatlong panalo sa PBA Finals MVP (2010 Fiesta, 2016 Governors’, 2017 Governors’); PBA Best Player of the Conference (2013 Commissioner’s); siyam na wagi sa PBA AllStar (2009, 2011–2015, 2017–2019); dalawang paghahari sa PBA Mythical First Team (2010, 2013); PBA Most Improved Player (2010); PBA All-Rookie Team (2007); PBA Order of Merit (2017); PBL Champion (2005-06 Unity Cup); UAAP Champion (2002); at dalawang sunod na kampeonato sa UAAP Mythical Team (2004, 2005).

Sa kabila ng lahat ng kanyang tagumpay, noong Marso lamang siya ay nakitaan ng senyales ng stage 3 colon cancer. Inanunsyo niyang na-diagnose siya ng nasabing sakit, ngunit nangako siyang babalik pa siya sa PBA kung saan inilaan niya ang 17 taon ng kanyang buhay. “I am not yet retiring from the game I love, and with the help of the best doctors in the Philippines and Singapore, I believe I can touch a basketball once more and return stronger,” ani nito.(“Hindi pa ako magre-retire sa larong gusto ko, at sa tulong ng pinakamahuhusay na doktor sa Pilipinas at Singapore, Naniniwala akong kaya kong humawak muli ng basketball at makabalik ng mas malakas,”)

Nakikita pa rin na siya’y lumalaban kahit pa maraming ibatong problema sa kanya ang buhay. Hindi hadlang ang kahit na anong uri ng sakit para mawalan ng pag-asa ang isang tao. Nawa ay patuloy na maging inspirasyon ang katulad ni Tenorio na kahit na anong bagyo ang dumaan ay hindi sumusuko para sa mga bagay na mahal mong gawin.

ISPORTS KOLUM

Pribilehiyong Naabuso

sila

ba’y hindi matanggap bulang atleta sa sa kanilang bansa at nais pa nilang agawin ang pwesto ng mga lokal na manlalaro?

Lumikha ng ingay at init ang nagdaang Southeast Asian Games 2023 matapos ang mga kontrobersya na may kaugnayan sa mga panuntunan at organisasyon ng mga laro. Isa na rito ang naturalisasyon. Karamihan sa mga manlalaro ng nanguna sa mga palaro, Cambodia ay mga naturalisado.

Pinaulanan ng ibang bansa ng batikos ang Cambodia matapos nitong abusuhin ang karapatang magpadala ng mga naturalisadong manlalaro sa mga palaro. Isa na rito ang mga Pilipino na hindi pinalagpas ang tatlong naturalisadong manlalaro ng Cambodia sa 3x3 men’s basketball at ang pagpuno ng mga naturalisado sa grupo ng nasabing bansa sa 3x3 women’s basketball.

Tila hindi na nga tama ang ganito. Nawawala ang diwa ng pagiging makabansa sa mga ganitong pangyayari. Dapat na nga bang limitahan ang mga maaaring makasali sa mga kompetisyong tulad ng SEA Games? Sa aking palagay, oo. Kung naturalisado ang magdadala ng pangalan ng isang bansa, hindi na ito matuturing na nasyonalismo.

Ang isang tao na naninirahan sa ibang bansa ngunit ginagamit ang ngalan ng isa pa nitong nasyonalidad, napakagahaman na kung ituring. Mas katanggap-tanggap pa siguro kung ang isang tao na may dugong dayuhan at naninirahan sa bansang nais irepresenta ang magdadala ng pangalan ng bansa. Sa ganitong paraan, naroroon pa rin ang diwa ng pagka-makabansa.

Kung mahal mo talaga ang bansang nais mong irepresenta, bakit ka naninirahan sa ibang lugar? Hindi mo ba nais na maranasan at maramdaman ang simoy ng nasyonalismo sa loob mismo ng bansang iyon? Tunay ngang labis na ang mga naturalisadong manlalaro. Sila ba’y

hindi matanggap bilang atleta sa bansang kanilang tinitirhan at nais pa nilang agawin ang pwesto ng mga lokal na manlalaro?

Hindi hamak na mas magandang tignan at pakinggan kung mga lokal na manlalaro ang magdadala ng pangalan ng kanilang bansa kaysa naman sa mga naturalisadong tiyak na babalik din sa bansang kanilang tinitirhan at dayuhan na kung ituring.

Isa pa sa mga problema ay ang mentalidad ng ibang mga tao. Paniniwala nila, mas magaling at mahusay ang mga naturalisado kaysa sa mga manlalarong lokal. Sa tingin kasi nila, mas maganda ang pag-eensayong dinaanan ng mga naturalisado, at mas nakatataas ang mga ito dahil sa kanilang estado.

Dapat nang matigil ang ganitong mentalidad. Hindi dapat maging basehan ang pagkakaroon ng dayuhang dugo upang mairepresenta ang bansa. Karamihan sa mga taga-Timog-Silangang Asya, ganito ang pag-iisip. Marapat lamang na tangkilikin ang sariling atin, ang mga lokal na manlalaro.

Bilang pagtatapos, ang proseso ng pagtanggap ng mga naturalisadong manlalaro sa iba’t ibang palaro, liga, at iba pa ay talagang walang saysay. Hayaan dapat ng mga bansa na irepresenta sila ng mga lokal na manlalaro na kung saan masisigurado nila na hindi sila nito maipagpapalit sa ibang bansa nang mabilisan. Kung ano ang kaya ng isang naturalisadong manlalaro, kaya rin ng lokal.

isports isports . 15 Ang MAGITING Agosto 2022-Mayo 2023 Ang Opisyal na Pahayagan sa Filipino ng Mataas na Paaralan ng
Crame
Kampo
Jeremi Luther D. Bandiola 10-Magsaysay Kuha ni: Bb. Maricar A. Convencido
57% BADMINTON 20% SWIMMING 13% JUDO 5% TAEKWONDO 5% GYMNASTIC
Kuha mula sa spin.com Datos ng mga Cramenians sa isports na nais nilang pag-aralan Ipinanganak si Lewis Alfred Vazquez Tenorio noong Ika-9 ng Hulyo 1984. Siya ay isang propesyonal na manlalaro sa larangan ng basketball at assistant coach para sa Barangay Ginebra San Miguel ng Philippine Basketball Association (PBA).

NG M A A M

Matapat na pagbabalita, Maasahang mamamahayag

Ang Opisyal na Pahayagan sa Filipino ng Mataas na Paaralan ng Kampo Crame General Castadena, Lungsod ng Quezon

BALITANG SEA GAMES

56 Gold Silver Bronze

Palarong Pambansa:

Atletang Cramenians

naghahanda

Niel Mathew De Vera 9-Roco

Matapos ang dalawang taon, inanunsyo ng Department of Education (DepEd) ang pagbubukas ng 2023 Palarong Pambansa mula Hulyo 29 hanggang Agosto 2023 sa Lungsod ng Marikina.

“Masaya kami na nagbukas ulit ung Palarong Pambansa, at mula ngayon nakikita na namin na magkakaroon ng mas matinding training para sa makapasok ang skul natin”, ani ni Edrienne Gaerlan, atleta ng Camp Crame High School.

Ayon naman kay Bb. Maricar Convencido, ang coach ng CCHS kailangan ng magbigay daan ng paghahanap ng mga atleta sa paaralan. Binigyan-diin rin niya na ang sports track ay hindi gaanong napapansin kumpara sa iba. Hangad niya at ng iba pang atleta na sa pagbubukas ng Palarong Pambansa makita ang kahalagahan ng isports sa kabataan.

Sa pagbubukas nito, ay nagkaroon ng mga pagbabago sa delegasyon, umiiksi ang oras laro at bumaba ng pondo dahil sa banta pa rin ng COVID-19.

Ayon sa DepEd Memorandum No. 5, s. 2023 o ang Conduct of the 2023 Palarong Pambansa, ang Division Meets at Regional Meets ay magaganap sa Pebrero 6-10 at Abril 2428, alinsunod sa Palarong Pambansa Secretariat.

BATANG MATATAG, BATANG MAGITING: Si Edrienne Gaerlan ay isa sa mga atleta ng Camp Crame High School at nakasungkit ng tatlong medalya sa katatapos na Quezon City Division meet. Siya rin ay nagpakitang gilas sa mga kompetisyo sa labas ng paaralan tulad ng Triathlon.

Kuha mula sa Triathlon Association of the Philippines

Atletang Cramenians, wagi sa QC meet BATANG MAGITING

Samuling pagbabalik ng mga klase, ang mga atleta ng ating paaralan ay muling nagpakitang gilas ngayong taon sa paligsahan sa larangan ng isports.

Sa division meet ng taong ito, ang mga magaaral ng Camp Crame High School ay lumaban sa iba’t-ibang mga isport sa tulong ng mga guro mula sa departamento ng MAPEH na sina Bb. Maricar Convencido, Bb. Gisela Marie Parenas, at G. Christopher Frades. Ang mga guro ay nakahanap ng mga mag-aaral para sa athletics, basketball, badminton at pampalakasan sa paglangoy.

Nirepresenta nina Stephen Salapantan, Anthony Castillo, Jonard Caduada, at Marlon Garan ang 3x3 boys’ basketball habang sina Lourraine Del Mundo, Alliah Balderama, at Aizel Regine Iyo naman sa 3x3 girls’ basketball.

Sa unang pagkakataon, natalo ng CCHS ang Ramon Magsaysay (Cubao) High School sa

3x3 boys’ basketball. Hindi naman pinalad ang paaralan laban sa parehong paaralan ang 3x3 girls’ basketball.

Nagpakitang gilas naman si Edrienne Gaerlan at Juden Barreda sa larangan ng atletika. Sa badminton naman ay lumaban sina Aldian Santiago, Angelo Panahon, at Huzelle Owel. Inirepresinta naman muli ni Gaerlan ang ating paaralan sa pampalakasan sa paglangoy.

Matagumpay na nag-uwi si Gaerlan ng tatlong medalya sa larangan ng athletics.

Kaniyang nakamit ang ikatlong pwesto sa 3000 metro at 1500 metro, habang ikalawang pwesto naman sa 5000 metrong pagtakbo.

Kanya ring napagtagumpayan ang larangan ng

#TatakCramenians:

pampalakasan sa paglangoy, nakakuha siya ng tatlong tansong medalya sa 400 freestyle, 1500 freestyle, at 200 fly.

“Masaya (ako) kasi nakakuha pa rin ng ganong awards pero kulang kasi sa ensayo kaya gano’n. Pero pagbubutihin ko na sa susunod,” ani Gaerlan.

Dagdag pa nito, “May mga school pa na gusto akong kunin pero hindi ko pa nabibigyan ng ginto ang Crame, Crame muna.”

Inaasahan na mas marami pang masasalihan sa larangan ng pampalakasan ang paaralan sa susunod na taon upang mabigyang oportunidad ang mga mag-aaral na mahubog ang kanilang mga kanya-kanyang kakayahan.

Ogena, bumida sa AUDAX ‘23

Eira Joedi Baldevarona 9-Gonzales

“Nasiraan man ako ay hindi pa rin ako nagpatinag kasi doon ako sumasaya at nagiging active,” ani G. Peter Philip C. Ogena, guro sa Camp Crame High School.

Si G. Ogena ay hindi lang guro sa asignaturang Agham kundi isa ring siklista na hinarap ang iba’t ibang hamon, mapakalsada man o bundok.

Sinubok muli ng pagpedal si G. Ogena noong siya’y lumahok sa AUDAX Tarlac 2023 mula ika-25 hanggang ika-26 ng Pebrero. Tinapos niya ang 200 kilometro gamit ang kanyang bisikleta sa loob ng 12 na oras.

Hindi nagpatinag sa init ng araw si G. Ogena upang matapos ito. “Malayo na, pero malayo pa,” ito palagi ang kanyang sinasambit sa sarili upang magpatuloy kahit marami pa ang dumaang pagsubok sa kasagsagan ng pagpedal.

“Yung huling apat na kilometro ko, flat na ‘yung gulong pero hindi ko na iniisip kasi hinahabol ko ‘yung oras,” dagdag nito.

Noong bago naman magkapandemya, lumahok din siya sa 7/11 Trail kung saan inilarawan niya ito bilang “suicidal” dahil bundok ang tatahakin dito.

Sumabit man sa puno at nasiraan, hindi bumitaw ang kanyang mga paa sa pagpedal at tinuloy pa rin ang hangganan nito.

Kahit siya ay nasa posisyon na ng paghubog sa mga bagong pag-asa ng bayan, hindi niya pa rin pinapalampas ang mga oportunidad na magkaroon ng mga bagong karanasan at kamalayan sa pagbibisikleta na maipapasa niya rin sa kanyang mga mag-aaral.

Si G. Ogena ang kasalukuyang tagapayo CCHS Bikers Club kung saan may layuning maipakilala sa mga kabataan ang mabuting epekto ng bisikleta sa kalusugan at kalikasan.

Bilang 1; Tomo 1
260
86
Bilang ng medalya ng Pilipinas sa SEA Games 2023
116
PADYAK PARA SA KALUSUGAN: Si G. Peter Philip C. Ogena ay guro sa asignaturang Agham sa Camp Crame High School, kabilang siya sa mga kalahok sa buong bansa sa katatapos lang na AUDAX Tarlar 2023. Kuha ni: Bb. Rodalyn Bautista

Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.