Cosmos | 31
Bilog na Buwan Napakagandang pagmasdan ang bilog na buwan. Habang iniisip ang mga alaalang ibinaon na dapat sa nakaraan. Itong bilog na buwan ang nagsilbing takbuhan at naging kaibigan niya sa kanyang nararamdaman. Siguro, isang balde na ng luha niya ang nasayang sa taong hindi niya dapat iniiyakan. Sa katotohanang kailanman ay hindi siya kayang suklian dahil pareho sila ng kasarian. - Toonet