Silak Media | Literary Folio | Vol. XLII | No. 3 | November 2021

Page 90

Pamamangka

H

indi na mabilang ang mga araw na kami ay palutang-lutang sa malawak na laot na ito. Walang tigil sa pagsasagwan si tatay para kami ay makausad kahit paunti-unti. Halos hindi na matanaw ang ibang namamangkang kasama naming lumisan sa aplaya. Araw-araw, halos magkapareho lang ang mga nangyayari. Ngunit tila naiiba ang araw na ito. Malakas ang pakiramdam ni tatay na may nakaambang panganib. “Kailangan nating ayusin ang bangka bilang paghahanda sa paparating na bagyo,” ani tatay habang tinatakpan ang mga butas sa aming bangka. “Hanggang ngayon, nagtataka pa rin ako kung dinadanas din ng iba ang hinaharap nating kalbaryo araw- araw,” pagtataka ni nanay. Napaisip ako sa kanyang sinabi. Magkapareho kaya kami ng karanasan ng mga kasama naming pumalaot noon? Marahil, iba-iba. Marahil, nakasampa na ang mga barko sa daungan. Baka ang ibang maliliit na bangka ay napasama sa mga hindi pinalad na lumubog o tumaob sa kasagsagan ng bagyo. Pwede ring ang iba ay kagaya naming sinusubukan pa ring magsagwan upang makaraos. Iyan ang walang katiyakan. Hindi pa rin mawari ninuman kung ano ang kahahantungan ng bawat isa sa pakikipagsapalarang ito. Ang tangi na lamang naming pinanghahawakan ay ang pag-asang matatapos rin itong paghihirap. Makakadaong din kami sa minimithing dalampasigan. Ngunit ang tanong, kailan? Kailan pa kaya makakarating sa pampang ang mga katulad naming ang tanging hawak ay sagwan? - Dionessa Grace E. Galimba

88 | Cosmos


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook

Articles inside

Motion Sickness

0
page 95

The Puddle

1min
pages 96-97

PISCES

0
page 93

Pamamangka

1min
pages 90-92

Simbang Gabi

1min
page 94

When would I

0
page 89

Aquarius Girl’s Rebellion

0
page 88

The Call

1min
pages 85-86

Mundane sins

0
page 84

Reminisced controls

0
page 82

Home

3min
pages 78-80

Femme Fatale: Capricorn

0
page 83

Pandemya kay Ina

0
page 77

Pakikipagtuligsa

0
page 76

Red

1min
pages 70-72

Like the rain

0
page 75

Wise women say

1min
pages 66-67

I am you

0
pages 68-69

Flying

0
page 61

Dream

0
page 60

Dancing with the Wind

0
pages 50-51

The 11th Sign’s Mettle

1min
pages 42-43

A Falling Star

1min
pages 46-48

Brave Soul

0
pages 44-45

Beware

0
pages 40-41

Constellations

0
page 21

Behind Bars

0
page 27

The Sound of Silence

0
page 28

Ilaw

0
page 26

Bilog na Buwan

0
page 33

A Sea of Deathbeds

0
pages 29-30

Box of Nightmares

0
page 20

Cursed with the gift of life

0
pages 37-38
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.