The Torch Publications TOMO LXXV Blg. 2

Page 16

PALARUAN NG IMPERYALISMO

Mahaba ang kasaysayan ng Estados Unidos sa pagpapalaganap ng pwersang militar sa mga pook na may interes sila. Nagsimula ito noong sumiklab ang Digmaang Espanyol-Amerikano ng 1898 kung saan nagkaroon sila ng panlasa para sa kolonisasyon at nagpatuloy ang kayamuang ito matapos ang Pangalawang Digmaang Pandaigdig kung saan nasemento ang kanilang status bilang isang pandaigdigang kapangyarihan. Mga caso en punto, pagbigay ng tulong militar sa Saudi Arabia laban sa Briton, pagsalakay sa Iraq, at agresyong Israeli - lahat ng ito upang kontrolin ang langis. Gamit ang mga kuko nito sa produksyon ng langis, tinitiyak ng U.S. ang kontrol sa Asya at pigilan ang pagbabanta ng Tsina. Ngunit dahil sa mga pagbabago sa relasyon ng internasyonal na komunidad, untiunting nawawalan ng pangil ang U.S. sa mga rehiyong dati nitong pinaghaharian. Tugon? Militarisasyon.

Ang Pilipinas, bilang isang arkipelagong bansa, ay isang natural na daungan. Sinakop tayo ng U.S. noong 1898 dahil sa katangiang ito na pinagsamantalahan nila upang i-deploy ang kanilang mga tropa, mapagalaw ang mga armamentong pandigma, at mapatakbo ang mga sasakyang pandigma sa Asya. Simula noong ibinasura ang 1947 RP-US Military Bases Agreement noong 1991 at pinalayas ang tropang Kano mula sa Baseng Clark at Subic Bay, walang tigil ang U.S. sa paghanap ng paraan upang maibalik ang kanilang mga tropa, armas at base militar sa bansa. Sa ilalim ng EDCA o Enhanced Defense Cooperation Agreement, nakamit nila ang kanilang mithiin gamit ang aprubadong siyam na itatatag na base militar sa iba’t ibang pook ng Pilipinas.

Layunin ng U.S. na pigilan ang Tsina sa pagkontrol nito sa mga daluyan ng kalakal sa South China Sea at napakahalaga sa kanilang magkaroon ng daungan sa

Asya upang kalabanin ito. Sa partikular, nakatutok sa Taiwan, West Philippine Sea at Karagatang Pasipiko ang mga base militar sa ilalim ng EDCA at may utilidad itong pagpapakilos ng barkong pandigma papasok sa South China Sea. Tiyak na gagamitin ang mga base sa koleksyon ng intelihensya at pagtatanghal ng mga pagsasanay militar sa lugar na maglalagay sa Pilipinas sa hawak ng mga kuko nito. Lantad na ang militarisasyon.

Ang pagbabalik ng base militar ng Kano ang magbibigay daan upang makaladkad ang Pilipinas sa gera na wala naman itong kinalaman. Gagawin tayong madugong koloseo ng digmaan ng dalawang bansang ito. Piliin mo na lang ang mas pamilyar na imperyalista, sabay na tugon ng dalawang dambuhalang kapangyarihan. Ang Tsina na tumututol sa ekspansyonismo ng Estados Unidos habang ninanakawan tayo ng yaman o ang U.S. na may mahaba nang kasaysayan ng kolonyalismo sa bansa natin.

Kung sumiklab ang armadong labanan sa pagitan ng China at Taiwan, hindi malayong sabihin na hindi tayo makatatakas sa pinsala ng digmaan. Sa katunayan, matatanaw natin ang pagdaloy ng libu-libong refugee, pagbabanta sa kapakanan ng mga Overseas Filipino Workers at aktwal na pagkalat ng digmaan sa Luzon. Bunga ang lahat ng ito ng pagpapailalim ng gobyerno ng Pilipinas sa presensyang militar ng Estados Unidos. Tiyak din na manghihimasok ang U.S. sa internal na usapin ng bansa at magpapakalat ng pwersang militar upang hadlangan ang pagkamit ng makatarungan at pangmatagalang kapayapaan sa bansa natin.

Kung hahayaan natin ang paghahari-harian ng dalawang bansang ito at gawing lunsaran ng digmaan ang mga pook natin, makakasigurong ang sambayanang Pilipino lang ang magdudusa. Malinaw ang kailangang gawin: mainit na pakikibaka laban sa panghihimasok ng U.S. at Tsina, tutulan ang karagdagang militarisasyon, at tuluyang pigilan na gawing palaruan ng imperyalismo ang Pilipinas.

Ralf Aaron Macapagal

Arianne Rosewell Maling

Katuwang naTagapamahala

Elvia Nicole Aguacito

Patnugot sa Balita

Elisha Nañola Patnugot sa Lathalatin

Joseph Eli Occeño

Punong Patnugot

Geline Despabiladeras

Kawaksing Patnugot sa

Filipino

Abbie Joy Salon

Kawaksing Patnugot sa Ingles

Erica Mae Gozo

Patnugot saPamamahala

Ederlyn Terrado

Patnugot sa Panitikan

Russen Jay Reyes

Patnugot sa Pananaliksik

Christian Paul Salon

PATNUGOT SA ISPORTS

Eric John Dimasakat

PUNO NG ARTS AND MEDIA TEAM

MGA ISTAP:

Franz Lenard Ander

Maria Ashley Denise Barbosa

Justine Cawaling

Patricia Anne Cleope

Andrea Crisologo

Monica De Vera

Jonalyn Domdom

Khyreen Flores

Kristine Rose Anne Garcia

Fatima Guinto

Shania Faith Legaspi

Lyra Ruth Leonardo

Mhaigne Ahne Lucanas

Theodora Malvar

Jenny Pabayos

Everlinda Olid

Angelica Rago

Mary Rose Salgado

Dan Laurenz Sipalay

Mark Joseph Tan

Miguel Tuga

Fyra Tumimang

MGA KORESPONDENT:

Pauline Mariel Aguilar

Ma. Cristina Aviso

Mark Patricio Balduman

Maria Carey Bigno

Erica Jhoy Buce

Mark Andrew Cadion

Angelo Caigas

Franclen Camarig

Aleah Razel Anne Chua

Kyla Dela Cruz

Shane Diergos

Carl Angelo Ebuenga

Jude Gabriel Español

Angelica Marie Fortin

Angelica Intong

Jeremiah Lumagbas

Angela Bianca Mariano

Kylene Alyana Mendoza

Maria Crisilda Pajarillo

Janna Ivory Quistadio

Julia Andrea Razon

Roberto Romualdo III

ARTS AND MEDIA TEAM:

John Paul Arellano

Bea Sophia Caratay

Julio Hisole Casilag Jr.

Charls Gianna Hernandez

Ma. Laura Dela Cruz

Justine Lozada

Gimelyn Luminate

Aira Mae Ongcal

Eric Dela Peña Jr.

King Hezekiah Proceso

Janina Raymundo

Rachelle Anne Tapacion

Janesse Valdez Zamora

Prop. Jasper Lomtong Kritiko sa Filipino

Dr. Joel Costa Malabanan

Tagapayong Teknikal

College of Editors Guild of the Philippines (CEGP) Progresibong Lupon ng mga Manunulat (PLUMA-PNU) Kasapi

Rm. 304- A Main Bldg., Philippine Normal University Opisina

PAGE 2 SECOND ISSUE | JAN - APRIL 2023
EDITORYAL
TORCH PUBLICATIONS A. Y 2022- 2023

As part of the commemoration of Inang Pamantasan’s Universityhood, students, teachers, faculties, and officials from across the PNU system: PNU Manila, PNU North Luzon, PNU South Luzon, PNU Visayas, and PNU Mindanao welcomes the opening of PNU Fair 2023. The PNU community queued at the Bonifacio Shrine at 7 in the

PNU CELEBRATES UNIVERSITYHOOD

morning where Dr. Honey Lacuna, city mayor of Manila, expressed her solidarity with the university.

“Ang PNU ay isang premier teaching institution at National Center for Teacher Education ng Pilipinas. Sabi nga nila, ang edukasyon ang nagbibigay katatagan sa buhay. Isang mahalagang bagay na hindi maaalis o mananakaw kahit ninuman.

Isang bagay na maipapamana natin sa ating mga anak. Ang kahusayan at

karunungan ng isang tao ay bunga ng masikap na pagtuturo at pagsasanay ng mga guro,” Mayor Lacuna said. She also acknowledged the presence of the PNU President, Dr. Bert Tuga, deans, and other working staff members of PNU.

Hon. John Martin C. Nieto, the Vice Mayor of Manila City, also delivered his welcome remarks and congratulated the PNU on its 31st anniversary of universityhood.

“Mga gurong nagtatanglaw sa ating

mga kabataang nangangarap ding maging isang magaling na guro sa susunod pang henerasyon,” he said.

PNU opened the morning program with a dance performance by PNU Manila staff, faculties, and students from its branches, as well as an introduction to the search for G. at Bb. Pamantasan.

THE TORCH | TOMO LXXV Blg. 2 /thetorchpnu
BALITA
CHRISTIAN PAUL SALON RETRATO NI: JOHN PAUL ARELLANO RETRATO NI: JANINA RAYMUNDO

RED-TAGGING NG DEPED, KINASTIGO NG ACT TEACHERS

PARTYLIST

Red-tagging ang naging tugon ng Department of Education (DepEd) sa kampanya ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) sa kanilang panawagang dagdagan ng 30,000 na mga guro at magpatayo ng 50,000 na silid-aralan hanggang taong 2028.

Giniit ni Bise Presidente Sara Duterte, na tumatayong kalihim ng DepEd ngayon, dibersyon lamang ang mga panawagan nito sa Deped sa nangyaring di umanong pag-atake sa Masbate.

“ACT Teachers, while silent about the NPA operations, apparently needed to come up with something outrageous to divert the public’s attention away from the damage that the NPA attacks caused to our Masbate learners,” ani Duterte.

Dagdag ni Duterte, “unrealistic” at “impossible” ang kahilingan ng grupo at hindi ito galing sa tunay na malasakit para sa mga estudyante.

DepEd: We are not blind

Matapos ito ipahayag ni Duterte, agad nitong dinepensahan na hindi bulag sa krisis ng edukasyon ang kagawaran.

“The hiring of teachers, the hiring of administrative staff, as well as the construction of new classrooms and school buildings are among the solutions identified and being pursued now,” giit ni Duterte.

Binigyang diin naman ni House Deputy Minority leader at ACT Teachers partylist Rep. France Castro na lehitimo at lohikal ang kanilang hinaing sa sektor ng edukasyon na tumanggap ng mga

bagong guro at magpatayo ng mga silidaralan upang puksain ang kakulangan ng mga guro at silid-aralan upang pahusayin ang kalidad ng edukasyon.

Dagdag pa ni Rep. Castro, dalawang nagdaang administrasyon ang nakayanang lumapit sa kanilang target na tumanggap ng 30,000 na kaguruan. Matatandaang tumanggap ng 29,166 na guro bawat taon ang administrasyong Aquino habang ang ama nitong si dating pangulong Rodrigo Duterte ay tumagap ng 25,000 na guro bawat taon sa ilalim ng kanyang panunungkulan.

“... ngayon lang nangyari na sabihin ng DepEd secretary mismo na ang mga panawagang ito ay ‘unrealistic and impossible’,” paliwanag ni Castro.

Representante ng sektor ng edukasyon

Diin naman ni Duterte, kung tunay na kinatawan ng kagawaran ng edukasyon ang ACT, hindi nito ipagsasawalangbahala ang pag-atake ng NPA sa Masbate.

Ayon kay Castro, dapat lamang ikondena ang nasabing pag-atake sa

Masbate at ugatin ng pamahalaan ang tunay na pinagmulan ng tunggalian.

“These incidents also highlight the need for the resumption of the peace negotiations between the Government of the Republic of the Philippines (GRP) and the National Democratic Front of the Philippines (NDFP) to address the root causes of the armed conflict,” ani Castro.

Sa isang press release naman ng ACT, iginiit nito na maliban sa pagtutol ni Duterte sa pagtaas ng sahod at pagdadagdag ng pasilidad at kaguruan, wala pa rin teaching overload pay, palugit na pahinga mula sa nonteaching duties, at napapanahong benepisyo para sa mga guro.

“She has already squandered too much time and energy on her trash-talk, it is high time that we see her act on the problems of teachers and the education sector. Otherwise, with her penchant for red-tagging and her militaristic style of leadership, she is better appointed as the Department of National Defense head or the spokesperson for the National Task Force to End Local Communist Armed Conflict,” pagtatapos nito.

PAGE 4 SECOND ISSUE | JAN - APRIL 2023
PHOTONEWS MAYO UNO MAY 01, 2023 Dala ang iba’t ibang panawagan, nagmartsa ang iba’t ibang sektor sa kahabaan ng España patungo sa Mendiola noong Mayo 1, Araw ng mga Manggagawa. RETRATO NI: RUSSEN JAY REYES MAYNILA Navotas Jefrey dalawang ng dating Ipinasiya Branch sina Guzman. records limang naman Si parusang taong parole kaanak para para at Ang Arquilita pumanaw viral Unang at 2017, magkasama ang Lungsod VP SARA DUTERTE VICE PRESIDENT OF THE PHILIPPINES DEPED SECRETARY

PULIS, HINATULAN SA PAMAMASLANG SA GIYERA KONTRA DROGA

MAYNILA - Hinatulan ng korte ng Navotas ang dinismiss na pulis na si Jefrey Sumbo Perez sa pagpatay sa dalawang binatilyo noong 2017 — panahon ng madugong giyera kontra droga ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. Ipinasiya ng Navotas Regional Trial Court Branch 287 na ‘sinadyang patayin’ ni Perez sina Carl Angelo Arnaiz at Reynaldo De Guzman. Suportado ito ng mga medical records na nagpapakita na binaril nang limang beses ang una at sinaksak naman nang 28 beses ang ikalawa. Si Perez ay sinentensiyahan ng parusang reclusion perpetua o 40 taong pagkakakulong nang walang parole at inutusang bayaran ang mga kaanak ng mga biktima ng P100,000 para sa civil indemnities, P200,000 para sa moral at exemplary damages, at P45,000 para sa aktwal na pinsala. Ang kanyang kapwa pulis na si Ricky Arquilita ay inakusahan din sa kaso ngunit pumanaw ito sa bilangguan sa hinihinalang viral hepatitis B noong Abril 2019.

Giyera Kontra Droga

Unang naiulat na nawawala sina Arnaiz at De Guzman noong Ika-17 ng Agosto, 2017, matapos silang huling makitang magkasama sa Cainta, Rizal. Natagpuan ang bangkay ni Arnaiz sa isang morgue sa Lungsod ng Caloocan makalipas ang labing-

isang araw habang ang kay De Guzman ay natagpuang lumulutang sa isang sapa sa Nueva Ecija noong Ika-5 ng Setyembre, 2017.

Iginiit ng pulisya na sinubukan ni Arnaiz na pagnakawan ang isang taxi driver at napaslang ito mula sa pakikipagbarilan kina Perez at Arquilita. Kinontra naman ito ng pangunahing

saksi sa krimen at sinabi na nakita niya si Arnaiz na bumaba sa isang sasakyan ng pulisya na nakataas ang kanyang mga kamay at sumisigaw ng kanyang pagsuko nang barilin siya ng mga pulis. Ang pagpatay kina Arnaiz at De Guzman ay isa lamang sa maraming kaso ng extra-judicial killings na naitala noong giyera kontra droga ni dating Pangulong Duterte. Matatandaang kaugnay nito ang kaso ay ang ng 17-anyos na si Kian De Los Santos, na inakusahan ng pulisya bilang isang drug courier, salungat sa kuha ng CCTV na nakitang kinaladkad ng dalawang opisyal ang walang armas na binatilyo bago ito pinagbabaril.

Imbestigasyon ng ICC

Sa anim na taong rehimen ni Duterte, paulit-ulit nitong hinikayat ang mga pulis na bumaril upang pumaslang. Naitalang 8,663 na indibidwal ang pinaslang sa madugong giyera kontra droga, ayon sa datos ng United Nations Office of the High Commissioner for Human Rights (OHCHR). Tinataya naman ng mga grupo para sa karapatang pantao na tatlong beses mahigit ito sa iniulat

dahil hindi kasama sa bilang ang mga pinaslang mala-vigilante na pinaniniwalaan ng Human Rights Watch (HRW) na katandem ng pulisya at mga lokal na opisyal. Taong 2019, binuksan ng International Criminal Court (ICC) ang imbestigasyon sa mga kaso ng pagpatay ngunit humiling ang pamahalaan ng Pilipinas ng pagpapaliban at iginiit na gumagawa na ito ng mga kaukulang hakbang upang imbestigahan ang mga kaso. Enero nitong taon, ipinagpatuloy ng ICC ang pagsisiyasat sa mga kaso ng pagpatay sa giyera kontra droga dahil hindi ito kumbinsido na ang pamahalaan ng Pilipinas ay nagsasagawa ng mga kaukulang pagtatanong na magbibigay-katwiran sa pagkaantala sa mga imbestigasyon ng korte.

“The Chamber concluded on the basis

(“Ang Kamara ay nagtapos sa batayan ng maraming mga kadahilanan na ang pagsisiyasat ng Pilipinas ay hindi sapat na sumasalamin sa nilalayon na pagsisiyasat ng Korte.”)

Samantala, malugod na tinanggap ng senior researcher ng HRW na si Carlos Conde ang desisyon ng korte ng Navotas ngunit idinagdag na ito lamang ang pangalawang paghatol sa giyera kontra droga mula sa libu-libong kaso. “Ito ay nagbibigay-diin kung gaano kasira ang kriminal at hudisyal na sistema sa Pilipinas at binibigyang-diin ang pangangailangan para sa isang masusing at tapat-sa-kabutihang pagsisiyasat at paguusig,” iginiit nito.

MGA KABABAIHAN, NANGUNA SA

PAGMAMARTSA BILANG PAGGUNITA SA IWWD

ELVIA NICOLE AGUACITO

Nagmartsa ang iba’t ibang sektor at unyon ng mga kababaihan mula Liwasang Bonifacio patungong Mendiola sa pangunguna ng Women Workers United upang gunitain ang pandaigdigang araw ng kababaihang anakpawis, ika-8 ng Marso.

Pinasinayaan ang programa sa Liwasang Bonifacio na pinangunahan ng mga kababaihan sa iba’t ibang sektor bitbit ang panawagang “Sahod, Trabaho, Pampublikong Serbisyo, at Karapatan” bilang hamon sa pagtugon ng administrasyong Marcos, Jr. sa patuloy na pagtaas ng mga pangunahing bilihin at ang pagsupil sa mga kababaihang manggagawa sa karapatang mag unyon.

“This year’s International Working Women’s Day is a challenge for us to push these issues in the front and center, to confront the Marcos administration to address our demands as working women,” pagtindig ni Clarice Palce, Secretary General ng Gabriela.

Binigyang diin ng mga progresibong sektor na sa kabila ng taunang paggunita ng ika-8 ng Marso ay nananatili pa rin ang paglaganap ng hindi makataong kondisyon at pagtrato sa kababaihang manggagawa sa bansa.

“Even if women make up half of the country’s workforce, their labor participation remains low, at 53.3 percent compared to 74.9 percent for their male counterparts. This means that their role in running

the economy is still not acknowledged,” giit ni Jacq Ruiz, tagapagsalita ng Kilusan ng Manggagawang Kababaihan.

Bilang karagdagan, binanggit ng

Gabriela ang kinakaharap ng mga

kababaihan sa ilalim ng pamamalakad ng

administrasyong Marcos, Jr. kung saan

laganap ang red tagging at panliligalig sa kabila ng kanilang pagtindig laban sa inhustisya na kanilang kinakaharap.

Ipinanawagan din ang paglaya ng mga kababaihang bilanggong pulitikal sa ilalim ng administrasyong Marcos, Jr. kung saan tinatayang nasa 160 ang bilanggong pulitikal na iligal na ikinulong at pinatawan ng mga gawa-gawang kaso

sa iba’t ibang mga bilangguan sa bansa. “There are many other women who have been victimized as they suffered economic and social dislocation due to aerial bombings, artillery attacks, militarization and the demolition of their communities,” pahayag ng Karapatan.

Sa kalagitnaan ng pagmamartsa ng mga progresibong sektor ay agad itong hinarangan ng kapulisan. “Tabi, tabi, dadaan kami,” ang naging kolektibong sigaw ng mga kababaihan sa patuloy na pagmamartsa hanggang sa matiyak nito ang daan patungong Mendiola.

THE TORCH | TOMO LXXV Blg. 2 /thetorchpnu
Prosecutor Karim Khan.
JOSEPH ELI OCCEÑO
(Mula sa Kaliwa) Ricky Arquilita at PO1 Jeffrey Perez sa Senate Hearing hingil sa pagpatay sa mga binatilyong sina Carl Arnaiz at Reynaldo De Guzman. RETRATO MULA SA RAPPLER.COM

OIL SPILL SA

ORIENTAL MINDORO

PATULOY NA BINABANTAYAN

ng Agutaya sa Palawan ang langis na tumagas mula sa MT Princess Empress.

Mahigit isang buwan na ang nakalipas nang lumubog ang oil tanker na MT Princess Empress na nagdulot ng oil spill sa Oriental Mindoro at sa ilang karatig probinsya. Ano na ang kalagayan ng Oriental Mindoro? Narito ang timeline ng mga kaganapan mula nang lumubog ang nasabing oil tanker.

FEBRUARY

Lumubog ang MT Princess Empress na may laman na 800,000 litro ng industrial fuel sa karagatang sakop ng Naujan, Oriental Mindoro. Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), galing sa Limay, Bataan ang motor tanker na may sakay na dalawampung tauhan at patungo ito sa Iloilo nang mag-overheat ang makina nito sa Balingawan Point.

MARCH

Idineklara ng PCG na tuluyan nang lumubog ang MT Princess Empress batay sa isinagawa nilang aerial search. Kaugnay nito, ipinadala ng PCG ang BRP Melchor Aquino na mayroong oil spill boom at ang CGH-1451, isang airbus helicopter, upang rumesponde sa MT Princess Empress. Sa kabila nito, nakipag-ugnayan ang Coast Guard Station Oriental Mindoro sa RDC Reield Marine Services, kompanyang mayari ng nasabing barko, upang

MARCH

MARCH 06

Nagbanta si Mayor Jennifer Cruz na kakasuhan nila ang opereytor ng oil tanker na nagdulot ng oil spill sa kanilang bayan. Ayon kay First District Rep. Arnan Panaligan, posibleng paglabag sa Oil Pollution Compensation Act at iba pang batas na may kaugnayan sa kalikasan ang isasampang kaso laban sa RDC Reield Marine Services.

MARCH 10

Ayon sa pahayag ng Philippine Coast Guard, umabot na sa baybayin ng Taytay, Palawan ang oil spill, 295 kilometro mula sa pinagmulan nito sa Oriental Mindoro. Humigit kumulang 14,000 na mangingisda at mga indibidwal na apektado ng oil spill ang target bilang mga benepisyaryo ng cash-for-work ng gobyerno na ipapatupad sa pamamagitan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

MARCH 14

Inuri ang oil spill bilang Tier 2 na nangangahulugang mas malaki ang lugar na apektado nito at nangangailangan ng agarang tugon mula sa gobyerno. Bilang tugon, P20 milyon ang naipamahagi bilang cash aid

permit o Certificate of Public Convenience (CPC) ang RDC Reield Marine Services Inc. na nagbibigay pahintulot para makapaglayag ang MT Princess Empress. Ayon kay MARINA Administrator Hernani Fabia, hindi pa nailalabas ang aplikasyon ng RDC dahil kulang pa ang mga dokumento para amyendahan ang kanilang CPC. Ikinabahala ito ng senado dahil mahihirapan silang makakuha ng kompensasyon sa insurance company na gagamitin para sa mga apektadong residente.

MARCH 20

Kinumpirma ng PCG na umabot na sa isla ng Verde sa Batangas ang oil spill. Bagamat walang bakas ng langis sa dagat base sa aerial inspection ng PCG, tatlong barangay ang nananatiling apektado ng insidente. Batay sa datos ng gobyerno, mahigit 32,000 na pamilya o 149,000 na mamamayan ang apektado ng oil spill habang 189 na residente ang nagkasakit.

MARCH 21

Kinumpirma ni Oriental Mindoro

Governor Humerlito Dolor na ang MT Princess Empress ay natagpuan na sa pamamagitan ng survey ng remotely operated vehicle (ROV) mula sa Japan, na nagsimula ng operasyon nito noong Lunes.

MARCH 24

Humingi ng tulong ang PCG sa International Oil Pollution Compensation Funds (IOPCF) upang palakasin ang clean up operation ng bansa sa nangyaring oil spill sa Naujan, Oriental Mindoro. Ayon sa pahayag ng PCG, ang tulong mula sa IOPCF ay binubuo ng dalawang organisasyon, ang 1992 Fund at ang Supplementary Fund, na nagbibigay ng tulong pinansyal para sa pinsala dulot ng mga tanker oil spill, ay makatutulong na mapabilis ang pagkuha ng mga ROVs upang gamitin sa cleaning operation ng mga apektadong lugar.

MARCH 25

Sa naganap na pagpupulong sa Camp Aguinaldo, napagplanuhan ng National Disaster Risk Reduction

MARCH 27

Umabot na sa 176,000 na indibidwal ang apektado ng oil spill sa Oriental Mindoro ayon sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC). Binahagi ng NDRRMC na ang pinakamalaking bilang ng mga apektadong residente ay mula sa MIMAROPA (Mindoro, Marinduque, Romblon, at Palawan) Region na mayroong 138,043, na sinundan ng Western Visayas na mayroong 27,145, at ng CALABARZON (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, at Quezon Province) na may naitalang 7,740. Kaugnay nito, nasa 9,463 na litro ng langis at 115 na sako ng mga kontaminadong materyales na ang nakolekta ng PCG sa kanilang cleanup operations.

MARCH 29

Nanawagan ang Stop the Oil Spill (SOS) Coalition sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno, tulad ng Bureau of Customs, MARINA, Philippine Coast Guard, at Office of the Civil Defense, ng transparent at agarang aksyon para mapigilan ang oil spill. Ayon sa SOS, nais nilang panagutin ang mga responsable sa oil spill na patuloy na kumakalat sa mga apektadong lalawigan at masigurado na mayroong sapat na kompensasyon at plano sa pagpapabuti ng mga apektadong komunidad at biodiversity. Binubuo ang bagong koalisyon ng mga kinatawan ng Protect VIP (Verde Island Passage) Network, Center for Energy, Ecology, and Development (CEED), Oceana Philippines, Greenpeace Philippines at ng mga apektadong komunidad sa Oriental Mindoro at Batangas.

MARCH 30

Dahil sa malawak na pinsala mula sa Oriental Mindoro oil spill, maaaring hindi maging sapat ang insurance coverage ng lumubog na MT Princess Empress oil tanker upang bayaran ang lahat ng claim na may kaugnayan sa kalamidad. Sa ilalim ng 1992 Civil Liability Convention (1992 CLC) at ng International Oil Pollution Compensation Fund 1992 (1992 Fund) ang mga biktima ng polusyon sa langis ay may karapatan na

MARCH

PAGE 6 SECOND ISSUE | JAN - APRIL 2023
28
01
05
15
BALITA
MARIA ASHLEY DENISE BARBOSA

MASUNGI GEORESERVE, AT ANG LABAN PARA SA KAPALIGIRAN

Dahil sa pinakabagong intrusyon, tila nagpatuloy ang kasaysayan ng panggigipit ng gobyerno sa mga organisasyong nangangalaga sa kalikasan. Ang mas nakababahala pa ay nakabatay sa mga proklamasyon at batas ang mga aksyon ng iilang pampublikong departamento, nagpapatunay lamang na suportado ang mga grupong ito ng kasalukuyang administrasyon. Ito ang kwento ng Masungi Georeserve, isang protektadong lugar sa lalawigan ng Rizal.

PAGMAMAHAL SA KALIKASAN

Taong 1993, nagsimula sa isang sikat na bato ang laban para sa kalikasan. Ipinanukala ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na gawing isang Strict Nature Reserve and Wildlife Sanctuary ang lugar. Dito nagsimula ang Masungi Georeserve Foundation o MGF, isang non-government organization (NGO) na kinilala ng iba’t-ibang makakalikasang grupo sa iba’t-ibang panig ng mundo dahil sa katangi-tanging adhikain at kontribusyon ng organisasyon sa bansa.

Kamakailan lang, nagwagi ang MGF ng Global Water ChangeMaker Award noong 2021 at UN Sustainable Development Goals Action Award noong 2022 para sa pagsasaayos at pagprotekta ng Marikina Watershed mula sa mga banta sa kalikasan.

Nagwagi din ang mga Masungi forest rangers ng isa sa mga pinakasikat na parangal, ang International Ranger Awards na iginawad ng International Union for Conservation of Nature (IUCN) noong Hulyo ng nakaraang taon. Nag-ugat ang pagkilala sa angking husay at dedikasyon ng mga nasabing forest rangers sa kanilang adhikain na protektahan ang kalikasan mula sa mga pwersa at grupo na ang tanging nais lamang ay magkamal ng yaman. Ang mga rangers na tumanggap ng nasabing parangal – Kuhkan Maas, John Paul Magana, at Monica Inonog ng Bayog Ranger Station – ay sangkot din sa engkwentro laban sa mga armadong grupo noong 2021.

PAGSIRA SA KALIKASAN

Noong gabi ng Hulyo 2021, bigla na lamang pinagbabaril ng hindi pa nakikilalang grupo si Maas at ang mga kasama nito habang sila ay nagpapahinga pagkatapos ng regular na pagpapatrolya sa lugar. Wala namang nalagay sa kritikal na kondisyon dahil sa insidente, ngunit nasundan pa ito ng isa pang pag-atake noong Pebrero 2022. Isang grupo ng resorts owners na pinamumunuan ng isang Jay Sambilay ang umatake sa pitong rangers habang ang mga ito ay kumakain sa isang karinderya, nagtamo ng sugat at pasa ang dalawa sa mga rangers na kaagad din namang isinugod sa ospital. Kamakailan lang ay may pagtatangka na naman ang ilang armadong grupo na pasukin ang Masungi Georeserve, kung saan ilang sasakyan ang dumating at nagkampo malapit sa lugar. Ayon sa MGF, ang grupo na nagngangalang Sinagtala ay may planong lusubin ang lugar at ibenta ang nakuhang lupa sa ilegal na pamamaraan.

Kinabukasan, Setyembre 19, dumating ang mga pulis sa lugar at hinalughog ang tinitirhan ng nasabing grupo. Dahil sa inspeksyon, nakumpiska ang ilang matataas na kalibre ng baril mula sa armadong grupo. Kahit na isinaad ng MGF na hinihintay nila ang pagkakaaresto sa mga miyembro, pinagmulta lamang ng isang libong piso ang mga miyembro dahil sa pagdadala ng mga armas ng walang kaukulang permit. Pagkalipas ng ilang araw, inanunsyo ng kasalukuyang Philippine National Police (PNP) Chief General na si Rodolfo Azurin na boluntaryong umalis sa lugar ang nasabing armadong grupo. Pagkatapos ng insidente, nagsagawa ng press briefing ang kasalukuyang sekretarya ng Department of Interior and Local Government (DILG) na si Benhur Abalos. Iginiit ni Abalos na walang armadong kampo sa nasabing lugar, at pinabulaanan ang paratang ng MGF na may armadong pagsalakay sa lugar. Ayon sa kanilang inspeksyon, ang namataang mga kotse sa lugar ay isa lamang pila ng mga nais magpagawa ng sasakyan dahil may malapit na talyer sa lugar.

Pinasalamatan naman ng MGF ang ginawa ng mga pwersa ng gobyerno, ngunit iginiit pa din nila na mayroong sama ng loob sapagkat napakatagal ng aksyon. Isa pang hinanakit ni Ben Dumalian, ang nagtatag ng MGF, ay ang pagkampi ng gobyerno sa pribadong sektor sa tuwing may panganib sa nasabing protektadong lugar. Paulit-ulit ang pagkwestyon sa legalidad ng proteksyon, isang aksyon na ikinababahala ng mga taong bumubuo sa MGF.

PAGTATANGKA SA KALIKASAN

Nito lamang ika-labing anim ng Pebrero, limang sasakyan at benteng katao mula sa Bureau of Corrections (BuCor) ang dumating sa Masungi Georeserve. Ayon sa mga ito, mayroong utos na magkaroon ng “ocular inspection” para sa bagong lokasyon ng New Bilibid Prison. Ipinakita ng nasabing grupo ang isang bagong titulo ng lupa para sa 270 hektarya ng Lot 10 na nakapangalan sa BuCor, habang ang natitirang tatlumpung hektarya ng Lot 10 ay nakapangalan naman sa DENR. Ang Masungi Georeserve ay binubuo ng Lot 10 at ng tatlong daang hektarya inaangkin ng mga nasabing institusyon ng gobyerno, isang paglabag sa legalidad at estado ng Masungi bilang isang protektadong lugar.

Kung matatandaan, itinalaga na ng DENR at MGF ang paggamit ng Lot 10 para sa konserbasyon at pangangalaga ng kalikasan sa Memorandum of Agreement (MoA) na pinirmahan ng dating DENR secretary na si Gina Lopez noong 2017

Para naman sa isyu ng alternatibong lokasyon ng New Bilibid Prison, nagpalabas na ng memorandum si dating DENR secretary Lito Atienza noong 2009. Nakasaad sa nasabing dokumento na dapat magpanukala ng iba pang alternatibong lugar ang DENR Regional Director, taliwas sa Presidential Proclamation 1158 na pinirmahan ni dating Pangulong Gloria Macapagal – Arroyo, sapagkat ang Lot 10 ay itinuturing na pribadong pag-aari. Bukod pa rito, ang pinagaagawang Lot 10 ay protektado ng Proclamation 1636, nilagdaan ng dating

Pangulong Ferdinand E. Marcos noong 1977, kasama ng DENR Administrative Order No. 33, nilagdaan ng dating DENR Secretary na si Dr. Angel C. Alcala noong 1993, at ng Proclamation No. 573 na ipinagtibay noong 1969.

Iginiit din ng MGF na matagal na nilang pinoproteksyonan ang lugar mula sa mga illegal na grupo na nais tumira sa lugar. Isa pa, ang kanilang mga forest rangers ay patuloy na inaalipusta at pinagtatangkaan dahil lamang sa araw-araw na pagpapatrolya sa lugar. Humihingi rin sila ng agarang tulong mula sa kasalukuyang Presidente ng Pilipinas na si Ferdinand “BongBong” Marcos Jr. at sa kasalukuyang DENR secretary na si Maria Antonia Yulo – Loyzaga

PANGAGALAGA SA KALIKASAN

Naglabas din ng mensahe ang MGF sa kanilang website, kung saan isinaad nila na ang mga tao na kabilang sa komunidad ay hindi man lang kinonsulta ng BuCor ukol sa kanilang panig sa nasabing isyu. Iginiit din ng nasabing grupo na nagpahayag ng oposisyon ang Sangguniang Bayan ng Tanay sa proyekto sa pamamagitan ng Resolution No. 2011 – 103 na inilabas noong Mayo 2011.

Nagpadala rin ng iilang sulat ang MGF, ipinadala noong Pebrero 2022 at Hunyo 2022, na naglalayong ipaalam ang nasabing impormasyon sa BuCor. Sa isang panayam kasama ang Philippine Star, iginiit ng acting director at Officer-in-Charge (OIC) ng BuCor na si Gregorio Catapang na iimbestigahan ng nasabing ahensya ang nasabing ‘ocular inspection’ sa lugar.

Sa huli, umapela ang MGF sa mga nangangalaga sa kapaligiran na dapat pangalagaan at protektahan ang nasabing lugar para ito ay maabutan pa ng mga susunod na henerasyon.

THE TORCH | TOMO LXXV Blg. 2 /thetorchpnu
LATHALAIN
DAN LAURENZ SIPALAY

Nanawagan ang Alliance of Concerned Teachers (ACT) na ibalik ng Department of Education (DepEd) ang bakasyon sa Abril at Mayo dahil sa hirap na dinaranas ng mga guro at magaaral ngayong panahon ng tag-init.

Kaugnay nito, nagpanukala rin ang ACT na sundin ang 185 na araw ng klase sa isang taon upang maagang matapos nang dalawa hanggang tatlong linggo ang bawat taong panuruan.

“The April-May school break is what suits our country best as the hottest months of the year are not conducive to learning, especially with our inadequate, cramped and non-airconditioned classrooms. These are also the peak months for agricultural harvest, which we know that majority of our learners in the rural areas participate in. As such, we must work towards reverting the school calendar to the pre-pandemic schedule,” pahayag ni Vladimir Quetua, tagapangulo ng ACT.

Ayon sa datos mula sa isinagawang survey ng ACT, karamihan sa mga magaaral ay hirap nang tumutok sa kanilang pag-aaral dulot ng napakataas na temperatura sa loob ng mga silid-aralan.

Ayon kay Quetua, marami rin sa mga

ACT, HINIKAYAT ANG DEPED PAIKLIIN ANG SCHOOL DAYS AT ISULONG ANG SUMMER BREAK

estudyante at kaguruan ang nakakaranas ng pananakit ng ulo, pagkahilo, at pagdurugo ng ilong dahil sa init.

Matatandaang isinugod sa ospital ang mahigit 100 na estudyante sa Cabuyao, Laguna matapos ang isang biglaang fire drill kung saan ilan sa kanila ay nawalan ng malay dulot ng matinding gutom at pagkauhaw.

Natukoy din sa survey na ang karamihan sa mga silid-aralan ay naglalaman ng mahigit-kumulang 50 na estudyante na gumagamit lamang ng bentilador upang maibsan ang init dito.

Idinagdag din ng ACT na hindi sapat ang blended learning bilang tugon sa problema ng kakulangan sa silidaralan dahil ipinapasa lamang nito ang suliranin sa mga magulang.

“Is the government willing to provide gadgets and internet support to every learner? It is not exactly an efficient solution to classroom shortage as it would cost about P280 billion to provide the 28 million learners with tablets alone, which are likely to malfunction in two to three years. Such amount is better invested in the construction of 140,000 classrooms.

We really cannot see the logic behind this proposal,” pagtindig ni Quetua.

Matapos magsagawa ng imbentaryo ng mga silid-aralan, matatandaang naunang nagpahayag si Epimaco Densing III, pangalawang kalihim ng DepEd, ng suliranin sa kakulangan ng itinatayang 91,000 na silidaralan, hindi pa kasama ang mga nangangailangan ng pagkukumpuni.

Iginiit ng ACT na walang basehan ang pahayag ng DepEd na ang taunang pagtatayo ng 50,000 na silid-aralan ay imposible dahil mahigit 100,000 ang silid-aralan na naitayo mula 2014 hanggang 2016.

“From 2014 to 2018, the budget allocations for classroom construction ranges from P39 billion to P109 billion yearly. It has been done and it can be done if only the current administration was sincere in addressing the classroom crisis,” dagdag pa ni Quetua.

Ang DepEd ay nakatanggap ng P710.6 bilyon na budget ngayong taon, ngunit P15.6 billion lamang ang itinalaga para sa pagtatayo ng mahigitkumulang 6,000 na bagong silid-aralan. Bukod pa sa mga nabanggit nang

suliranin, ang panukala ng grupo ay naglalayon ding bigyan ng karampatang pahinga ang mga guro.

“Our proposed schedule also ensures two months of school break for teachers and learners, which have been increasingly shortened in recent school years, depriving teachers of their right to ample rest and time to recuperate from the grueling work for more than ten straight months without sick leave nor vacation leave benefits,” paliwanag ni Quetua.

Dagdag pa nito, hindi na kaya pang ipagpatuloy ang pagpasok sa paaralan kasabay ng tag-init dahil naaapektuhan na nito ang kalusugan ng mga mag-aaral at kaguruan.

“We cannot afford to stick to the current schedule that we have right now as it is affecting the health and welfare of our teachers and learners, consequently impacting negatively as well to learning outcomes,” giit ni Quetua.

PAGE 8 SECOND ISSUE | JAN - APRIL 2023 BALITA
JENNY PABAYOS RETRATO MULA SA: BALITA.COM

“RAPE“, KINUNDENA NG MGA PROGRESIBONG GRUPO

Mariing kinundena ng mga progresibong grupo ang pahayag ng Korte Suprema hinggil sa teknikal na saklaw ng kasong panggagahasa dahil sa kawalang hustisya at inihahain nitong kapahamakan sa mga biktima.

Nag-ugat ito sa kamakailang paghatol ng statutory rape sa nakabinbing kaso ni Efren Agao noong 2014 matapos abusuhin ang 10 taong gulang na anak ng kanyang kinakasama, dahilan upang maglabas ang Korte Suprema ng paglilinaw tungkol sa hatol sa korte pagdating sa mga kaso ng panggagahasa.

Ang “rape” ayon sa Korte Suprema

Binigyang linaw ng Korte Suprema na anumang pagdampi o paghaplos ng ari ng lalaki sa ari ng babae ay maituturing nang panggagahasa.

“Mere introduction, however slight, into the cleft of the labia majora by a penis that is capable of penetration, regardless of whether such penile penetration is thereafter fully achieved, consummates the crime of rape,” paliwanag ng Korte Suprema.

Binigyang diin din ng Korte Suprema ang saklaw ng panggagahasa sa kaso ng mga biktimang nasa pre-puberty stage pa lamang.

“For child victims in the pre-puberty age, the genital contact threshold for a finding of consummated rape through penile penetration is deemed already met once the entirety of the prosecution evidence establishes a clear physical indication of the inevitability of the minimum genital contact threshold as clarified here,” dagdag pa ng Hukuman.

Inilahad ang mga sumusunod bilang batayan ng hukuman sa sakop ng

nasabing krimen “(i) when the victim testifies she felt pain in her genitals; (ii) when there is bleeding in the same; (iii) when the labia minora was observed to be gaping or has redness, or otherwise discolored; (iv) when the hymenal tags are no longer visible; or (v) when the sex organ of the victim has sustained any other type of injury.”

Rape is rape

Binigyang diin ng General Assembly Binding Women for Reform, Integrity, Equality, Leadership and Action (GABRIELA) na hindi nakatutulong sa mga biktima ang mga teknikal na probisyon ng korte bagkus, mas pabor pa ito sa mga may sala.

“While providing greater protection for the accused, it potentially provides an even more agonizing prospect for victims who now will have to face the torment of debates over millimeters,” giit ng GABRIELA sa isang pahayag ilang araw matapos maisapubliko ang kapasiyahan.

Giit pa ng GABRIELA, ang kapasiyahang ito ang magtutulak sa mga biktima na manahimik at pipigil sa kanilang isuplong ang karanasan sa karahasan dahil sa mga teknikalidad na hinihingi upang mapuntanayan ang akto ng may sala.

“With this ruling, women would now have the added burden of very specifically demonstrating beyond reasonable doubt that her rapist penetrated ‘into her labia minora’ for the court to consider it to be rape. We have no doubts that there would be even more rape victims forced into silence following this decision,” pahayag ng organisasyon.

Pinuna ni Clarice Palce, Secretary General ng GABRIELA, ang digri ng rape at attempted rape mula sa pahayag ng korte na nakabatay sa lebel ng

paglapat ng mga maseselang bahagi ng katawan at hindi sa pagyurak sa dignidad ng mga biktima nito.

“Rape is rape. No matter the nature or specifics, rape is a violation of a person’s humanity,” pagdiin ni Palce.

Ayon kay Palce, ang mga teknikal na pasiya ng Korte Suprema ay magdudulot ng kapahamakan hindi lamang sa mga kababaihan, ngunit pati sa mga kabilang sa sektor ng LGBTQIA+ na biktima rin ng mga sekswal na karahasan.

“There are women who either do not possess vaginas as in the case of non-op transgender women, women with undeveloped genitals, intersex women, and more who face the reality of sexual violence,” ani Palce.

Dagdag pa nito, nagpapakita lamang ng kawalan ng Korte Supreme ng kakayahang maunawaan ang bigat ng panggagahasa bilang isang mapangahas na pagyurak sa karapatang pantao ng mga biktima nito.

“The Supreme Court’s decision reeks of the complete inability to grasp what makes rape a heinous crime: not an offense on ‘honor’ or ‘sanctity’ of a vagina, but an offense on consent of the woman as a human being—something that no amount of overdetailing on the nature of the act based on body parts and crass anatomy will ever capture,” pagwawakas nito.

Krimen sa dignidad

Nagpahayag din ng hindi pagsangayon si Senior Associate Justice Marvic Leonen sa paglilinaw ng korte at iginiit na pagmamaliit ito sa krimen ng panggagahasa na hindi lamang isang pagdungis sa dangal,

kundi paglabag sa permiso ng isang indibidwal, gamit ang dahas.

“The prevalence of physical violence in many rape cases shows that sex is used as a weapon to assault a person. It is not so much a violation of chastity as much as it is a violation of dignity through degradation and humiliation that often results in ‘severe, long-lasting physical and psychic harm’,” pagbibigay diin ni Leonen.

Ayon kay Leonen, walang kinalaman ang digri ng paglapat ng ari ng lalaki sa ari ng babae upang tukuying ang lebel ng panggagahasang natamo ng biktima nito.

“There is no such thing as attempted rape. All rape is rape. All rape violates dignity. The finer points of the parts of the vagina touched by the penis is irrelevant,” dagdag pa nito.

Para sa Senior Associate Justice, hindi progresibong hakbangin ang kapasiyahan ng Korte Suprema at nagmimistulang pahintulot lamang sa pagtrato sa mga kababaihan bilang sexual objects na nakabatay ang halaga sa ari at sa pakinabang nito sa mga kalalakihan.

“I remain firm in my view that the reconceptualization of rape, and our more gender-sensitive laws and legal lenses, require us to examine human sexuality and sexual acts as more than just unwanted penile penetration,” dagdag pa ni Leonen.

“We urge the Supreme Court to remember that this ruling is set against the backdrop of a country where rape victims struggle as it is to find the courage to speak up and seek justice,” panawagan ng GABRIELA.

THE TORCH | TOMO LXXV Blg. 2 /thetorchpnu TEKNIKALIDAD NG KASONG
CHARLS GIANNA HERNANDEZ & ARIANNE MALING
BALITA

MEKANIKA NG ISANG SUSTENABLE AT MAKAMASANG SISTEMA NG TRANSPORTASYON

Walang ibang species na kayang humalaw ng bakal sa ore, initin at hubugin ito sa isang kagamitan na makapaghahatid ng sarili, kapwa, o bagay mula dako sa dako. Silang inilarawan ni Karl Marx na mayroong “conscious life activity” na kwalitatibong kataliwasan sa “animal life activity.” Itinala pa ni Lawrence Wilde, propesor ng political science, na tinutukoy nito ang kapasidad ng tao na lumikha/ magprodyus “according to plan on a grand scale…” Ibig sabihin, bukod sa magprodyus ng sasakyan ay ang kakayahang magdisenyo ng sistema ng operasyon nito. Sa konteksto ng isang lipunan na sa malaking bahagi ay nahihirati sa iilang nagmamayari ng kumpanya o korporasyon sa isang banda at nakararaming kailangan magkomyut papuntang trabaho sa kabila; ang dominante’t mapagpasiyang posisyon ng nauna ay hindi kailanman maaasahan ng nahuli para sa makatarungang sistema ng transportasyon.

Ang mekaniko

May pangalan ang partikular na sangay ng siyensya na tumatalakay sa paraan ng pagbubuo o ruta ng operasyon ng isang bagay—

mekanika (na ngayon ay ginagamit bilang metapora ng isang bahagi ng urban/rural planning, mabuti pa nga ay sa pangkalahatang economic development plan). Ngunit, kahingian sa pag-iral ng mekanika gayong hindi natural na umusbong sa mundo ang tagalikha, o, mas akmang sabihing nagmamay-ari nito.

Ayon sa isang policy study ng thinktank na IBON Foundation, sa sentro ng komersyo sa bansa, ang pampublikong transportasyon sa malaking bahagi ay “privately owned and controlled.” Halimbawa na lang, ngunit hindi limitado sa, jeep (PUJ) at bus (PUB); aksesible ang mga ito sa publiko ngunit ang nagmamayari, nagmimintina, at kumukontrol ay mga pribadong holder ng prangkisa. Samantala, ang rail transit (PNR, LRT 1, LRT 2), tanging mga asset na pagmamay-ari ng gobyerno, ay untiunti na ring inililiko sa direksyon ng pribatisasyon sa ngalan ng Public-Private Partnerships.

Bahagyang maipaliliwanag ng pribadong pag-aari sa pampublikong transportasyon kung para saan at para kanino ito. Sa panayam ng AlterMidya kay Riles Network spokesperson Sammy Malunes, pinaalala niyang tayo ang nauna sa pagpaplano ng railway sa Southeast Asia

ngunit tayo rin ang “pinakakulelat” ngayon sa dahilang “[p]inabayaan ng gobyero ang private sector na mag-provide ng transportation sa metropolis.” Ang implikasyon ng nagbabanggaang interes ng pribadong entidad at publiko, ng pansariling ganansiya at ng serbisyo para sa lahat, nauuwing “kulelat” ang nagsusulong sa mga nauna.

Rabaw pa lamang ng iceberg ang usapin sa pagmamay-ari. Sa ilalim nito ay ang sandamakmak na suliraning patuloy na sumasagasa sa masang drayber at komyuter.

Kasalukuyang depekto ng makina

Masisikip na trapiko, walang katiyakang oras ng arrival at departure, mahahabang pila ng komyuter, pagtaas ng presyo ng pamasahe, pagtaas ng presyo ng petrolyo, nadidiskaril na bagon, mga aksidente sa kalsada. Ilan lang ang mga ito sa iba-ibang mukha ng umiiral na krisis sa transportasyon. Krisis na ikinakaila pa nga ng ilang politiko.

Bahagi ng umiiral na sistema ng transportasyon sa bansa ang kawalan nito ng sistema…ng maayos na sistema. Idinadaliri ng IBON na repleksyon ito ng “general lack of central planning in

all aspects of national economy.” Sa ibang konteksto, pinuna ni Malunes ang kapabayaan ng gobyerno sa urban planning, ng pangmasang transportasyon (mass transportation) sa partikular. Komentaryo pa niya sa hindi organisadong iskema ng operasyon ng provincial buses ay “trial-and-error.” At, gaya sa alinmang ekonomikong krisis sa anomang panahon, ang sambayanan ang bumabalikat sa malay na pagpapabaya ng iilan.

Ang pribatisasyon at nakatuonsa-tubo na mga polisiya/programa sa transportasyon (bagama’t iminamaskara bilang solusyon, ayon pa kay Ka Sammy, “reseta ng korporasyon”) ay problema sa sarili nito ngunit nagsisilang din ng mga bagong problema. Inilalagay nito sa lalong bulnerableng posisyon ang masang drayber/komyuter. Kahit pa nga sa mga bansang itinuturing na maunlad (developed), inilarawan ng progresibong Amerikanong si Michael Parenti na “mess transit,” ang ligalig sa mobilidad, sa buhay mismo, at maski kalikasan bilang mga halimbawa kung paanong ang pribadong kita ay nauuna kaysa pampublikong pangangailangan.

Wala na sigurong mas masaklap pa sa katotohanang ang Pilipinas

PAGE 10
ERIC DELA PEÑA JR.

ay nananatiling nakikiangkas sa mauunlad na bansa sa kasawian ng sarili nitong pag-usad. Sa usapin ng transportasyon, mahihiwatigan ito unang-una na sa pag-asa natin sa importasyon. Halimbawa na lang ay ang modern jeep na kinakailangang iangkat mula sa Japan at China. Dahil hindi rin sa atin pinoprodyus ang mga mahahalagang bahagi nito gaya ng engine at chassis, malamang na iaasa rin sa iba ang maintenance nito. Samakatuwid, nagsusuhayan o nasa sitwasyong untul (deadlock) ang atrasadong ekonomiya at atrasadong sistema ng transportasyon.

Higit pa sa repair, o, tungo sa isang alternatibong disenyo

Sa harap ng problema sa malalang trapiko, mayroong absurdong preskripsyon si Salvador Panelo: maging “creative” lang. Kung ito ang magsisilbing mapa, malabo tayong makaparoon sa sustenable at makamasang sistema ng transportasyon. Wala itong kaibahan sa banalidad ng pagiging resilient sa panahon ng bagyo. Ito na ba ang pinakamahusay na kayang ibigay ng mga lider?

Iniluluwalhati ng kasalukuyan at nagdaang administrasyon ang pagpapatayo ng mga malawakang imprastraktura sa transportasyon gaya ng highway at expressway. Mula sa unang SONA ni Marcos Jr., hanggang sa Philippine Development Plan 2023-2028, umaalingawngaw ang “Build Better More” (inapo ng “Build, Build, Build) sa mga plano para sa sektor. Gayonman, ipinunto ng mga kritiko na senyales ng kakulangan sa pagunawa ng mga isyu na kinahaharap ng sektor ang labis na pagtuon sa mga imprastraktura imbis na sistema ng operasyon. Bukod pa, ipinahayag ng grupong PISTON na kwestyunable ang papel nito sa ekonomikong pag-unlad gayong pangitain ito sa paglobo ng utang

panlabas (foreign debt/investment).

Ang pagsalungat sa krisis ay nasa isang komprehensibong pampublikong pangmasang transportasyon alinsunod sa materyal na kondisyon ng sektor at siyentipikong datos. Isang manipestasyon ng pagkakomprehensibo ay kung masasaklaw ang tinatawag na small capacity transport (bus, jeep, tricycle) at active transport (paglalakad, pagbibisikleta) bilang komplement sa pangmasang transportasyon (tren). Prayoridad ang pangmasang transportasyon sapagkat ito ang magtitiyak na episyente ang mobilidad gayong kaya nitong magsakay nang maramihan, makarating sa destinasyon sa lalong maikling panahon at distansya. Samantala, upang maigpawan ang pinupunang “trial-and-error” na mga polisiya, nararapat lamang na kalahok ang mga drayber at komyuter sa pagdedesisyon.

Higit sa lahat, ang komprehensibong pampublikong pangmasang transportasyon ay nakasandig sa/ sinasandigan ng pambansang industriyalisasyon at tunay na repormang agraryo. Susi sa pagpapaandar ng pangmasang transportasyon ang kakayahan na makapagprodyus ng sariling riles, sariling bagon, sariling gamit sa maintenance o sa ibang tabas ng salita, lokal na industriya ng Public Utility Vehicle. Sa parehong pagkakataon na ang sektor ng transportasyon kaagapay ang iba pang pangunahing industriya gaya ng kalusugan, edukasyon, tubig, kuryente, pagmimina, atbp ay makatutulong sa pagtamo ng ekonomikong pagunlad. Matitiyak naman ng repormang agraryo na magiging pambansa ang antas ng pag-unlad kaya

sumusunod na kakailanganin din ang transportasyon sa kanayunan.

Ang realisasyon ng isang sustenableng transportasyon (episyente, maaasahan, aksesible, abotkaya, ligtas, makakalikasan) ay magiging posible lamang sa isang pambansa, siyentipiko, at higit sa lahat ay makamasang sistema na pinatatakbo ng mga pinakasulong na mekaniko ng mundo—ang masa, ang masa lamang!

LATHALAIN
DIBUHO NI: ERIC DELA PEÑA

Modernisasyon, PARA po Kanino?

Bawat isa sa atin ay may natatanging kuwentong dyip, mga karanasang hindi natin malilimutan sa pagsakay sa mga makukulay na sasakyang de-makina. Bilang isang komyuter, hindi na bago sa akin ang mga istoryang nakatulog habang byahe, paglagpas sa lugar na babaan, pagdausdos habang pababa o pasakay, at ang pagiging mahiyain sa paghingi ng sukli. Sigurado ako na marami ring baong karanasan ang ilang milyong kapwa komyuter na dumedepende sa dyip bilang pangunahing transportasyon sa araw-araw. Subalit, ang mga tinaguriang hari ng daan ay pilit tinatanggalan ng korona ng mapanupil na estado. Ang mga karanasan at mga kuwentong ito ay nagbabadyang mawala sa pagpapatupad ng Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP) na lason sa simbolo ng ating kultural na pagkakakilanlan bilang Pilipino.

Unang paglilinaw, hindi tutol ang mga drayber sa modernisasyon, ngunit sila ay nanawagan sa isang inklusibo, makatarungan, at makamasang plano kung saan walang taong maiiwan sa ere. Simula’t sapul, ito ang dahilan kung bakit nagsagawa ng malawakang transport strike ang mga tsuper mula ika-anim hanggang ika-pito ng Marso, kahit na pansamantala silang mawawalan ng hanapbuhay sa kabila ng mga nagtataasang bilihin at langis dulot ng oil deregulation law at excise tax. Kahit saang anggulo tignan, totoong maggigipit ang mga drayber at operator na mapipilitang pumasok sa mga kooperatiba at bumili ng mga yunit ng modernized public utility vehicles

(PUV) na

pumapatak sa isang milyon hanggang dalawang milyon bawat isa. Hindi kailanman magiging sapat ang kita nilang PHP 500-600 sa pang-arawaraw na napupunta rin sa mga gastusin lalo na sa mga may obligasyon na maghapag ng pagkain sa kanilang mesa. Ang mga drayber ay hindi lamang drayber, sila’y mayroong binubuhay at inuuwiang pamilya at tuluyan silang mababaon sa utang dahil sa huwad na modernisasyong ito.

Pinatunayan ng pagkilos na ito na ang jeepney phaseout ay hindi lamang isyu ng transportasyon. Ito’y isyung may kaugnayan din sa iba’t ibang

aspeto at sektor ng lipunan—edukasyon, kultura, kapaligiran, kabuhayan, at katarungang panlipunan. Kung hindi dahil sa katapangan ng mga tsuper, tiyak na hindi na labing-isa o labingdalawang piso ang iaabot natin tuwing magbabayad sa drayber kundi PHP 3540. Isa itong malaking dagok at pasakit sa mga komyuter na estudyante, guro, manggagawa, at propesyonal. Kung hindi dahil sa nagkakaisang tindig at boses ng mga drayber at operator kasama ang malawak na hanay ng masa, mahihirapan ang mga magsasaka sa pagpapadala at paglilipat ng mga sariwang produkto ‘gaya ng prutas at gulay mula sa bukirin tungo sa palengke at mga tingiang tindahan. Dagdag pa rito, hihina rin ang kita ng mga vulcanizing shops at mga tindahan ng piyesa at mga palamuti tulad ng mga nagpipinta at gumagawa ng plakard. Kung hindi dahil sa matagumpay na welgang bayan, nakaambang masadlak sa kahirapan ang higitkumulang dalawang milyong pamilya na nakaasa sa dyip bilang pangunahing pinagkukunan ng hanapbuhay.

Matagumpay ang isinagawang transport strike ngunit hindi rito natatapos ang laban kontra-jeepney phaseout hangga’t hindi pa tinutugunan ang interes at mga kahingian ng mamamayan. Bagama’t kinikilala natin ang mga kahinaan ng mga tradisyunal na dyip at epekto nito sa kapaligiran, ang modernisasyon ay dapat para sa lahat, hindi ito dapat nakapipinsala ng kabuhayan. Hanggang sa dulo, kasama ng mga drayber ang mga mamamayan sa kanilang pakikibaka, dahil ang laban ng tsuper ay laban ng lahat!

PAGE 12 SECOND ISSUE | JAN - APRIL 2023
KOLUM
SHANIA FAITH LEGASPI RETRATO MULA KAY: ELI OCCEÑO RETRATO MULA SA: BULATLAT.COM

ICC, IBINASURA ANG SUSPENSYON NG IMBESTIGASYON SA ‘WAR ON DRUGS‘

Hindi kinatigan ng International Criminal Court (ICC) Appeals Chamber ang kahilingan ng pamahalaan ng Pilipinas na suspendihin ang imbestigasyon sa naging madugong giyera kontra droga ni dating pangulong Rodrigo Duterte at mga kaso ng extrajudicial killings bilang dating alkalde ng lungsod ng Davao.

Ayon kay Judge Marc Perrin de Brichambaut ng ICC Appeals Chamber, “walang sapat na dahilan” upang kailanganing suspendihin ang naunang desisyon na nagpapahintulot sa tagausig ng ICC na ipagpatuloy ang pagsisiyasat nito sa posibleng krimeng lumabag sa karapatang pantao ng mga biktima ng ‘war on drugs’ at EJK sa Pilipinas.

“In the absence of persuasive reasons in support of ordering suspensive effect, the Appeals Chamber rejects the request. This is without prejudice to its eventual decision on the merits of the Philippines’ appeal against the Impugned Decision,” saad sa walong-pahinang desisyon ng ICC noong ika-27 ng Marso.

Dagdag pa ng ICC, tinukoy lamang ng Office of the Solicitor General ang mga implikasyon ng pakikitungo ng piskal sa mga suspek, saksi, at biktima na nagdulot sa Pilipinas na mabigo sa pagbibigay linaw kung paano magiging “napakahirap o imposible nang iwasto ang epekto ng pagsisiyasat ng ICC.”

“The Appeals Chamber is not persuaded that the implementation of the Impugned Decision would cause consequences that ‘would be very difficult to correct or that ‘may be irreversible’ or ‘could potentially defeat the purpose of the appeal,” ayon sa pasya.

Kasunod nito ay nagpahayag si pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na pinuputol na ng Pilipinas ang komunikasyon nito sa ICC sa pamamagitan ng isang

HUMAN RIGHTS DEFENDER BILL ISINUSULONG, NTFELCAC, UMAALMA

panayam sa mga mamamahayag sa Lungsod ng Pasay, ika-28 ng Marso.

“We will no longer appeal, the appeal has failed and there is, in our view, nothing more that we can do in the government and so at this point, we essentially are disengaging from any contact, from any communication with the ICC,” pagbanggit ng pangulo.

Bilang karagdagan, nanindigan si Marcos na walang hurisdiksyon ang ICC sa Pilipinas at hindi na makikipagtulungan ang gobyerno rito bilang pagsasaalangalang kung ano ang itinuturing bilang “panghihimasok at praktikal na pagatake sa soberanya ng republika.”

“I do not see what their jurisdiction is. I feel that we have in our police, in our judiciary, a good system. We do not need assistance from any outside entity,” giit ni Marcos. Sa kabilang banda, nagpahayag ng suporta si Bayan Muna Chairman Neri Colmenares, na isa ring abogado ng mga pamilya ng mga biktima ng EJK, sa desisyon ng ICC.

“In sum, the Philippine request for suspension of the investigation is only intended to delay it, and the Appeals Chamber is correct in denying the such request. We ask the Appeals Chamber to once and for all deny the appeal of the Marcos-Duterte administration so that the investigation could be concluded and hopefully, the trial of former president Duterte could ensue,” pahayag ni Colmenares.

Kaniya ring ipinanawagan sa pamahalaan na iwasan na gamitin ang pondo ng mamamayan bilang pagtatanggol kay Duterte.

“We demand that the Marcos-Duterte administration give him that chance and save the impoverished Filipino people, many of whom are deprived of government legal aid and ayuda, millions

Nakalusot na sa kamara ang panukalang-batas na Human Rights Defender Bill o ang House Bill 77 na nagsusulong ng proteksyon laban sa intimidasyon at karahasan para sa mga tagapagtuguyod ng karapatang pantao sa bansa.

Ayon sa pangunahing may akda na si 2nd Albay District Rep. Edcel Lagman, naging batayan ng mga tagapagsulong ng panukalang-batas na ito ang modelo na inilabas ng International Service for Human Rights. Binigyang diin niya rin ang kahalagahan ng agarang pagpapasa nito dahil sa tumitinding pag-atake laban sa mga aktibista.

“The emergence of human rights defenders is both an indictment and a symptom of the failure and neglect of the government to fully protect, promote, and fulfill human rights,”

“Ang pagsasabatas ng human rights defender bill ay isang indikasyon ng kabiguan at kapabayaan ng gobyerno na protektahan at isulong ang karapatang pantao,” ani ni Lagman.

Inalmahan naman ito ng The National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTFELCAC), ang grupong di umano ay binuo upang waksiin ang rebelyon sa bansa. Ayon sa NTF-ELCAC, ang pagsasabatas nito ay magpo-protekta lamang sa mga armadong grupo sa bansa, tulad ng New People’s Army.

Dagdag pa ng ahensya, nakasaad daw sa HB 77 ang pagsupil sa malayang pamamamahayag buhat ng pagsangga ng panukalang batas laban sa ano mang porma ng redtagging o ang malisosyong paguugnay sa isang grupo o indibidwal sa armadong grupo sa bansa na NPA.

Kung matatandaan, kilala ang grupong NTF-ELCAC sa sunod-sunod na redtagging, o pag-bansag na komunista, sa mga progresibong grupo at minorya sa bansa. Kabilang na rito ang tahasang panre-redtag ni Lorraine Ba doy sa grupong Karapatan na nagsusulong ng karapatang pantao sa bansa.

Dagdag pa ng grupo, hindi naman espesyal na klase ng mamamayan ang mga human rights defenders na kinakailangan pa ng batas para sila ay maprotektahan.

Ayon sa grupong Karapatan, simula nang maupo sa pwesto si Rodrigo Duterte noong 2016, mayroong naitalang humigit kumulang na 134 na pinaslang na aktibista, magsasaka, at abogado.

Matatandaang mayroon nang dalawang naunang panukalang batas ang naihain ukol dito sa nagdaang dalawang Kongreso–noong ika-17th at 18th na Kongreso. Unang inihain ang human rights protection bill o ang noon ay House Bill No. 1617 noong 2016 at ang ikalawa naman ay ang House No. Bill 9199 noong 2019.

Tinutulan din ng grupong Karapatan ang planong palabnawin ang panukalang batas. Ani nila, hindi nila matatanggap ang anumang pagtatangkang pagsusupil pa sa karapatang pantao.

Upang mas mapabibilis ang proseso ng pagpapasa nito, nanawagan ang grupo sa Senado na maghain ng kaparehong batas. Ani ng grupo, kailangan na ang agarang pagsasabatas nito dahil sa walang tigil na pag-atake laban sa mga human rights defender.

THE TORCH | TOMO LXXV Blg. 2 /thetorchpnu
BALITA

Ang Pangunahing Pwersa

Shania Faith Legaspi

Ilang beses man nila patahimikin ang bukirin, Isemento ang bukid sa dugo’t pawis, Lagi’t lagi sisibol ang mga punla, Ng taas-kamaong pag-aalsa.

Buhay- Endo

Julia Andrea Razon

Pawisan ang noo, baluktot na likod Matagal nang dumaraing, Katiting pa rin ang sahod.

Pagpapagal ng manggagawa Tugunan, ipaglaban.

Para sa haligi ng bayan, ipagsigawan! Kontraktwalisasyon, wakasan!

Kalachuchi

Fyra Tumimang

Kung ako’y magiging bulaklak, Hangad kong maging isang kalachuchi— Talulot ma’y banayad na kulay puti’t dilaw, Taglay nito’y takot sa likod ng halimuyak

Sintapang ng simoy nito, Ang kagitingang taglay ng mga Silang at Pacheco

Hindi takot madaplisan ng dugo; Matindi ang kapit sa umaalab na sulo

Gaya ng isang bungkos ng kalachuchi, Ako’y babaeng puno ng paninindiga’t tapang

Gamit sa iba’t ibang larangan — Kolektibong nakikibaka sa mapangahas na lipunan.

Ang Martsa ng Kabataan

Fatima Guinto

Malakas ang putukang bumalot sa bayan Terorismo na ang namayani sa kanayunan Sa gitna nito’y ang Martsa ng Kamatayan Na tanging layunin ay supilin ang taumbayan.

Haharangan ito ng militanteng kabataan Hindi magagapi ng abusadong makapangyarihan Gagamitin ang karunungan Patuloy na pumipiglas para sa kalayaan.

Bayaning Nakaputi

Khyreen Flores

Isang paa’y nakabaon sa hukay sa ngalan ng serbisyong tunay ginawang sanggalang sa bayang pilay at tila sila ay nawalan ng malay.

Kahit daing ay di marinig patuloy na titindig para sinumpaang pangako at para sa masang Pilipino.

PAGE 14 SECOND ISSUE | JAN - APRIL 2023
DIBUHO NI: BEA SOPHIA

Martsa ng Artista

Angela Bianca Mariano

Sa paglapat ng dayalogo, Saliw ng ilaw at musika, Hatid ay pagmulat, Sa pagbukas ng kurtina.

Tunay na magiting, Alagad ng sining, Handang magtanghal, Ipinta ang danas at lakas ng masa!

Kinabukasang Tangan

Kyla Dela Cruz

Araw-araw nagpapakapagod, Inaalipin ng mababang pasahod. Walang-tigil na pakikibaka, Gigisingin diwa ng masa.

Patuloy na kakalinga’t gagabay, Sa pagbabanyuhay aagapay, Magtatanim ng kaalaman, Papandayin ang kinabukasan.

Alpas

Janna Ivory Quistadio

Pilit ginagapos, tinitikom ang katotohanan

Pumipiglas, umaanib sa boses ng kalayaan Iyong pluma’t papel, Liwanag ng taong bayan.

Ginagapos, inililibing

Patuloy na titindig, Katarungan paaalingawngawin, Sa masa ang pagkiling.

Paglayag

Angelica Marie Fortin

Nasisindak ang mga ayaw sumuong Sa hampas ng mapanghusgang daluyong Ngunit kami ay hindi tatalikod Kailanma’y ‘di patatangay sa anod.

Hindi kami pasisiil at pagagapi Sa mga taong bukambibig ay pang-aapi Ilalaban namin ang hiling na kapantayan At lalangoy sa alon para sa aming karapatan.

Batok

Mhaigne Ahne Lucanas

Tubo ako sa lupaing ito Isa kang pontio pilato

Dama ko ang bawat mapang-aking yabag mo Malayo ka pa man, masangsang na sa ilong ko.

Sapat na ang balat ko bilang protesta Nakaukit sa akin ang bawat letra

Iniukit gamit ang tinta ng pagdurusa’t pang-aalipusta Sa hapdi ng pintang ito umaapoy ang pakikibaka.

Titiisin ko ang halik ng tinik para sa masa, Taglay ang poot para sa karapatan sa lupa Hahamak, magtitipon, aalsa Hindi pasisiil, kumupas man ang aking mga tinta.

THE TORCH | TOMO LXXV Blg. 2 /thetorchpnu PANITIKAN
SOPHIA CARATAY

RED CYCLE

Menstrual cycle must be one of the grueling challenges a woman has to come to grips with every month. From pelvic cramps to headaches, women have to bear constant agony especially in the workplace .But menstrual leave in the Philippines should no longer be seen as trivial, but a growing push for breaking the taboo.

Sure, there are laws that protect women from any forms of harassment—catcalling, unwanted touching, name it. But despite these enacted laws, traditional politicians remain resistant to attempts that would lessen the weight of what women have to carry.

Recently, Gabriela Rep. Arlene Brosa proposed the House Bill No. 7758 that seeks to grant a two-day leave per month for those female employees in both private and

firsthand. This remark coming from a politician is truly unsettling. This, for the nth time, reveals what kind of lawmakers we have— a bunch of ruling class who live far from reality. The masses were lax with them for not forcing them to start commuting to understand the congestion in the Metro, but maybe women should start altering men’s biological structure so they could understand how periods differ from one woman to another.

This remark from a former legislator only verifies that despite years of women’s struggle for equality and against oppression, we were still crucified for asking for benefits that would actually benefit everyone. Several studies have found that women who are experiencing menstrual cramps are significantly less productive at work. Therefore, when women feel heard and seen at work, this drives them to be more productive at work.

Women’s struggles transcend beyond social and cultural pressure. From expecting them to conceive a child once to bearing the pain of her monthly visitor. Periods can really

them on a pedestal of oppression.

But it frets me that menstrual leave has been framed as a sign of weakness against women. For centuries, women have been deemed to be overly emotional, weak, and have to conform to society’s archetype of women.

Menstrual leave in some countries has become a norm. In the United States and Spain, there is a growing push for breaking the taboo on menstrual leave as they allow their female workers to stay at home for at least three days per month. However, there are growing concerns over this policy. Some echoed their worry that this might fuel gender discrimination in the workplace by limiting opportunities for women. Passing this bill may alienate women in the workplace. This could result in employers hiring fewer women.

And no, a wider space for protecting women in all spaces would not translate to lesser rights for others. Setting this bill into motion supporting women only means that the Constitution supports and

PAGE 16 SECOND ISSUE | JAN - APRIL 2023
KOLUM

A MANIFESTO OF HOPE

How do you change the world?

For the Maoist activist, this is unfailingly simple: through the protracted struggle of the masses. This is the guiding principle to why activists persevere and why (much to the horror of the parents) they outright reject individual ambition in an unfair society. Instead, they study history and sharpen the theories by immersing themselves in the broad masses’ struggles. They actively undertake a role that is neither lucrative nor “successful”. And not only is this a thankless and unprofitable role, it’s even fatal. (See: any credible news source) But they soldier on because they understand that all aspects of our lives are intertwined with politics and economy. And the politics and economy of our country are dying at the hands of a few inter-marrying surnames who siphon our resources and own an army who kills farmers, silences workers, and snuffs out resisting voices. Every single day of our lives seems to become a grim dark reminder that victory is yet to be attained. Fun stuff!

To understand the activist and why they continue to soldier on requires some brief explanations of their psyche. We can tackle this by dispelling the myth that activists are romantic idealists, prone to cavalierism and elitist noblesse oblige, who discuss socialism in a Starbucks. This could not be further from the truth. Their drive comes not from some messianic complex to save the world but from the material conditions that pushed many victims of systematic oppression to take up arms in the countryside. They ground every decision they make in the social realities of their

surroundings. In this respect, one must accurately label them as materialists. This is an important distinction to make as apoliticism and apathy take root when the youth’s rising civic consciousness is dismissed as–– a passing sentiment brought on by idealism. Why is this so? Nick Joaquin insightfully explains:

“We glance at the state and say that, politically, we are a failed society. We study the prices and say that, economically, we are a bankrupt society. We peruse the latest crime rates and say that, spiritually, we are a violent society. We devour the latest scandals and say that, morally, we are a sick society.”

This generational lack of spirit - this defeatism, points to decades of semicolonial miseducation whose sole purpose is to numb us from our social realities; to crush our dreams of a more equal society. After all, it is much easier to oppress people when they think they have nothing left to fight for. And so far, one can be forgiven to think that it has finally succeeded. A year ago, we witnessed the most undemocratic democratic elections, one rife with systemic disinformation and historical distortion and which brought back to power the most corrupt family in our country. One does not have to look far to see what the elections cost us. Human rights defenders continue to be kidnapped, detained and, worse, disappeared. Indigenous people community leaders continue to be harassed and killed. Women still face violence and threats to their rights. Workers continue to receive immoral wages and farmers still do not own the land they till. Is the only option

JOSEPH ELI OCCEÑO

then to wring our hands in defeat?

One of the labels ascribed to activists is “radical”. It means a desire for a thorough and complete political and social change. This, coupled with the theories they sharpened from MarxismLeninism-Maoism, ultimately means that the activist is immune to pessimistic nihilism. They had already been long disillusioned with a system that meets reasonable calls for raising minimum wages with police brutality and then lies about it. They had long acknowledged the fact that the crooked reformist stance of traditional politicians on systemic problems brings no changes in each succeeding administration. It, in fact, reinforces the status quo and must be quickly discarded as a route for a just and lasting peace. Instead, the activist radicalizes reform to its most extreme degree and recognizes that the current state is a failure and must be uprooted and supplanted by a national, democratic, mass-oriented philosophy. They march to the streets carrying these ideas of change and action, and no wonder the state trembles at the mere sight of them - the radicalism brought by these revolutionaries is Hope! And they know we have nothing to lose but our chains.

How do we change the world? Look to the activist. Theirs is the revolutionary

struggle of fighting with the masses.

Now it would be a disservice if I ended this article without quoting one of my favorite writers, Discworld author Terry Pratchett. The following is a passage I have only quoted too many times and is taken from his essay, Let There Be Dragons. It goes like this:

“Why does the third of the three brothers, who shares his food with the old woman in the wood, go on to become king of the country? Why does James Bond manage to disarm the nuclear bomb a few seconds before it goes off rather than, as it were, a few seconds afterwards? Because a universe where that did not happen would be a dark and hostile place. Let there be goblin hordes, let there be terrible environmental threats, let there be giant mutated slugs if you really must, but let there also be hope. It may be a grim, thin hope, an Arthurian sword at sunset, but let us know that we do not live in vain.”

Hanggang sa Tagumpay!

THE TORCH | TOMO LXXV Blg. 2 /thetorchpnu KOLUM

PULS ng Masang PNUANs

Naging malaking usapin nang ang biglaang pagsulpot ng Facebook page ng isang kilalang university-based fraternity na animo’y nakabase kay Inang Pamantasan bilang isang lehitimong organisasyon. Ito ay nagbunga ng samu’t saring reaksyon sa PNUans

SIPAT NG PNUANS SA MGA USAPIN TUNGKOL SA

FRATERNITY AT NAKAAMBANG ISYU NG HAZING

dala ng takot at pagkabahala na siya namang mabilis na inaksyunan ng PNU University Student Council sa pamamagitan ng paglalabas ng isang opisyal na pahayag.

Sa unang kwarter ng 2023, sinipat ng publikasyon ang

posisyon at reaksyon ng masang PNUANs ukol sa lumalalang kaso ng hazing kaugnay ng pagkakatatag ng mga samahan. Pinulsuhan ang mga guro ng bayan ni Inang Pamant asan sa napapanahong isyu at inalam ang kanilang pananaw sa usaping ito. Ang Pulso ay

Ano ang iyong posisyon sa usapin ukol sa fraternity?

@fruorio

Wala itong puwang sa kahit anong akademikong institusyon. Kahit pa ito ay may layuning humubog ng pagkakaisa o ‘brotherhood’ sa pagitan ng mga miyembro nito, hindi ito maisasakatuparan gamit ang dahas o pananakit. Kung koneksyon lamang sa mga kilalang tao sa unibersidad ang layunin ng isa sa pagpasok nito, marami pang ibang paraan para makamit ito.

@stphst

Ako ay naniniwala na ang hindi makatarungang pamamalakad ng pamunuan ng fraternities ang dahilan kung bakit hindi na litaw ang tunay na tunguhin ng pagbuo nito. Ang dapat na layunin ng pagkakatatag ng isang fraternity o samahan ay ang mabigyan ng pagkakataon ang isang indibidwal na maging bahagi ng samahan kung saan niya mas mahuhubog ang kaniyang interes at kakayahan sa tiyak na larang. Ang tunguhin dapat ng fraternity ay ang mapaunlad ang bawat kasapi nito sa pamamagitan ng kolektibong pagkilos na hindi ginagamitan ng dahas. Sa paglipas ng panahon, tanging ang Fraternity-Related Violence na lamang ang litaw sa lipunan dahil sa kaliwa’t kanang isyung may kinalaman sa FRV. Bunsod nito, naging standard na ng mga umiiral na fraternity ang umiiral na kultura ng karahasan at impyunidad na walang lugar sa ating lipunan.

@Rebreb

Bilang guro sa loob ng Pamantasan, tinututulan ko ang anumang porma ng pagkakampikampi na magdudulot ng karahasan sa loob ni Inang Pamantasan. Walang lugar sa mga tagapagturo ng bayan ang takot dulot ng mga hindi pagkakaunawaan kaya walang silbi na magkaroon ng mga samahan na siyang magpo-protekta sa interes ng iilan lamang.

@Matahunggal

Ang pagkakaroon ng ganitong klaseng kilusan ay isang magandang oportunidad sana para mas pag-igtingin at pagtibayin ang pundasyon patungo sa magandang pagbabago at malinaw na hinaharap dahil sa pagkakaroon ng iisang layunin, kaya nito dalhin ang lipunan sa isang maayos na estado. Datapwat, nagkakaroon ng misconception at maling pagsasagawa para masukat ang iyong pagiging tapat sa pagkamit ng layunin na ito kaya’t mas lumalabo ang pagtingin nito sa magandang hinaharap sa dahilan ng malabong pagintindi sa kakanyahan nito.

@Jany

Mula sa kwento ng aking mga kaibigan, masasabi kong malaki ang pakinabang ng mga kasali sa fraternity sa kanilang samahan, lalo na sa mga isyu tungkol sa proteksyon/hustisya. Ngunit hindi maikakaila na ang mga fraternity ay may mga gawaing hindi ko maintindihan ang gamit tulad na lamang ng hazing. Hindi maituturing na pagkakapatiran ang samahang may dahas sa kanilang pagkakakilanlan.

Sa totoo lang, hindi ko talaga alam kung ano ang layunin ng fraternity bago ko ito i-search online. At ayon sa aking mga nabasa, ang hangarin nito ay magtaguyod ng isang samahan na mapapayabong ng kapatiran, lidership, at maging ng pakikiisa sa mga serbisyong pangkomunidad ng mga estudyante lalo na sa kolehiyo. Ngunit nagiging taliwas ang layon nito dahil na rin sa konsepto ng “hazing” o ng kanilang “initiation rights” na patuloy na lumalaganap. Bagama’t ito’y higit na pinagbabawal, may nga fraternity groups pa rin ang patuloy na nagsasagawa ng gawaing ito. Hindi ko lamang maintindihan kung bakit hindi nagtutugma ang kanilang layunin sa kanilang pamamaraan ng “recruitment”, dahil kung kapatiran lang rin naman pala ang kanilang ninanais, bakit kailangan pa nilang danasin ang hagupit ng pamalo at ng kung ano-ano pang materyales na ginagamit sa kanilang recruitment.

isinagawa sa pamamagitan ng isang onlayn sarbey at ang respondente ay nagkaroon ng kolektibong bilang na 100. Narito ang naging resulta ng Pulso ng Masang PNUANs:

Kinukundina ko ang ‘fraternity’ dahil bilang isang miyembro ng LGBTQIA+ naniniwala ako na naka-ugat ito sa patriarkal at macho-pyudal na sistema. Kailangan natin ng isang mas maayos at makataong uri ng organisasyon na sumusulong sa pagkakapantay-pantay at paggalang sa karapatan ng bawat miyembro–at naniniwala ako na hindi nagsusulong ng mga makataong uri ang ‘fraternity.’

@expeculiart

Tutol ako rito dahil sa masamang imahe ng fraternity o brotherhood. Ayon sa mga kakikilala kong may kaibigang kasali sa ‘frat’, tila trauma-bonding at pasahan ng bisyo (pagyoyosi, alak, karahasan atbp.) ang nangyayari sa samahang ito ng mga kalalakihan. Kadalasan, wala itong layunin, tungkulin, o ambag sa lipunan bagkus para lamang sa koneksyon at sariling interes. Sa kabilang banda, maaari akong pumabor dito kung may maayos na sistema ang samahan nila. Hindi naman lahat ng fraternity ay tungkol sa bugbugan o kayabangan, ‘brotherhood’ ito o kapatiran, at saksi naman ang kasaysayan sa isang tagumpay na halimbawa nito: ang Kataas-taasang, Kagalanggalanggang Katipunan ng mga anak ng bayan (KKK) kung saan nagdamayan at nagkaisa sila sa nais nilang mangyari.

PAGE 18 SECOND ISSUE | JAN - APRIL 2023
@N.D.C

HINDI PABOR PABOR

Ang fraternity bilang isang organisasyon ay walang dudang hindi masama. Ngunit dahil sa mga dahas at krimen na nagaganap sa loob ng isang fraternity, hindi nagiging maganda ang ang nasabing pagtitipon, bagkus nagdudulot lamang ng takot sa iilan. Malinaw na ngayon sa kasalukuyan ang banta ng mga pagsali sa fraternity bunsod ng mga hindi mabilang na kaso ng pagpatay at panyuyurak ng dignidad ng isang tao na nagnanais maging kabilang dito.

Magbubukas lamang tayo ng daan sa karahasan sa loob ng Pamantasan. Maraming paraan upang makabuo ng koneksyon sa maayos at malinis na paraan. Bukod pa riyan, kung mayroong fraternity sa loob ng paaralan, maaaring bumaba ang kalidad dahil hindi na kakayahan ang basehan kundi koneksyon. Maaari ring magiging pugad ang Pamantasan ng mga values na sasalungat sa katangiang dapat taglayin ng isang Iskolar ng Bayan at ng magiging guro sa hinaharap.

Ano ang nararapat na gawin ng mga administrasyon ng pamantasan upang tuluyang mahadlangan ang ideya ng pagkakaroon ng ganitong klase ng samahan na maaaring kasangkutan ng PNUans sa loob at labas ng pamantasan?

@Third

Paigitingin at magsagawa masusing pagbabantay. ‘Wag magpakampante at maging mapagmatiyag sa mga post o email ng panghihikayat. Palagiang paalalahanan ang mga magaaral na hindi tama ang ganitong kultura at dapat itong iwaksi sa loob man o sa labas ng paaralan para sa kaligtasan ng lahat.

@Tin Myoui

Ang mga administrasyon ng pamantasan ay dapat magtakda ng mga malinaw at maingat na polisiya at regulasyon tungkol sa pagkakaroon ng mga fraternity sa loob at labas ng paaralan. Dapat masiguro ng mga administrador na ang mga organisasyon na ito ay nagtataguyod ng mga positibong halaga at hindi nagiging sanhi ng pang-aapi, karahasan, o iba pang hindi kanais-nais na mga kaganapan.

Maaari rin silang magbigay ng mga pagkakataon para sa mga kasapi ng fraternity na makatulong sa komunidad sa pamamagitan ng mga proyekto at serbisyo. Mahalaga rin na magkaroon ng maayos na sistema ng pagpapatupad ng mga polisiya at regulasyon. Dapat ding maglaan ng mga mekanismo upang masiguro na ang mga kasapi ng fraternity ay ligtas at hindi napapahamak sa loob at labas ng paaralan.

@Buenavides

Honestly, one of the best ways to do it is to shun the possibility of it happening in its totality. Like, if we’re trying to fully prevent the establishment of a culture that can bring out the chance for violence that may very well continue for coming generations, I think it’s best to shut the discussions completely.

@Clover

Ang administrasyon ng pamantasan ay dapat maging mahigpit sa ganitong klase ng samahan sapagkat madami ng umiiral na usapin ang lumalaganap patungkol dito. Kung magkakaroon man ng ganitong samahan paaralan, alam dapat ng administrasyon ang mga miyembro nito, dahilan kung bakit sila sumali, at para saan ang samahang ito. Maaring magpasya ang administrasyon kung papayagan nila ang mga estudyante na magkaroon ng ganitong klaseng samahan ngunit kailangan pa rin nila magingat upang hindi masira ang imahe ng paaralan.

From what I understand, a fraternity is just a bigger school-funded club. Again, I think fraternities could be a good source of social connection for students if initiations were less deathly. However, as someone part of a non-funded organization in the university, I think our institution still has existing clubs that needs the board’s support, especially when it comes to clubs having their own spaces, materials and storage.

It’s amazing to know the support and openness of the school is limitless, but we must know how to handle one thing at a time. Yes we can support multiple causes but we must be realistic and see which causes our school can facilitate right now.”

Ang samahan ay isa sa mga magandang relasyon. Hindi maiaalis sa ating buhay ang pagkakaroon ng kapatiran. Ngunit hindi kaakibat ng kapatiran ang sakitan. Ang tunay na puso ng kapatiran ay damayan, tulungan, at pagpapaunlad ng sarili at maging ng lipunan.

Matapos ang isinagawang PULSO ukol sa usapin ng Fraternity at Hazing, makikita na nagkaroon ng magkahalong posisyon at tindig ang masang PNUan na nagpapakita lamang ng pagiging bukas nito sa diskusyon at kahilingang maglahad ng saloobin at suhestyon patungkol sa isyu. Kumiling ang resulta sa hindi pagpabor sa pagtatatag ng kaugnay na samahan dahil sa banta ng pang-aabuso, karahasan, isyu sa kaligtasan, at mga napapanahong balita ukol dito. Hinamon ang administrasyon sa mas ligtas, inklusibo, at malawakang pagpapatupad ng tungkulin sa loob ng pamantasan.

Ipinahayag ng masang PNUan ang hinaing na mas paigtingin ng administrasyon ng pamantasan ang pagpapatibay ng mga pamantayan, panawagan, at pagkilos upang tuluyang mapigilan ang banta ng pagkakatatag ng mga samahang ito. Sa kabila ng samutsaring opinyon, magkakasama ang mga magiging guro ng bayan sa pagtambol at pagkalampag sa pamantasan upang mapanatili ang kaligtasan ng bawat isa. Tungo lamang sa pagsisiwalat ng mga isyung matagal nang kumukulo sa ilalim ng karayagan natin masosolusyunan ang mga suliraning lubog na sa konserbatibong kultura at, sa huli, bunutin

DIBUHO NI: ERIC DIMASAKAT

THE TORCH | TOMO LXXV Blg. 2 /thetorchpnu Ano
90 (90%) HINDI
10 (10%) PABOR
ang iyong posisyon sa usapin ukol sa fraternity? BAKIT?
PABOR
@Con
@:>>
@R_R PABOR

Two months after the hazing death report of a University of Cebu student, another fraternity-related death once again alarmed the public last February 28, as the battered naked body of Adamson University 3rd year Chemical Engineering student John Matthew Salilig, 24, was found in an abandoned lot in Barangay Malagasang, Imus, Cavite. According to reports, Salilig attended the welcoming rites of the Tau Gamma Phi held in Biñan City on February 18 before his disappearance. The autopsy and postmortem exam conducted by Cavite Provincial Crime Laboratory revealed that Salilig was smacked with a paddle about 70 times causing severe blunt trauma to his lower extremities which ended the life of the student. Seven members of the Tau Gamma Phi were arrested.

This is the reality about fraternity

In Abraham Maslow’s Hierarchy of Needs, love and belongingness is on the third level of what human desires to fulfill. Humans are social creatures after all who want to be loved, to be wanted, and to belong. Some may find this sense of belongingness with their families and friends, while others may desire to be affiliated with a group such as joining fraternities and sororities.

Fraternity for men, or sorority for women, is an organized society where members are associated together in an environment of companionship and brotherhood. It aims to develop its member’s intellectual, physical, moral, religious, and/or social aspects. This society has taken over academic circles in the Philippines where some students join to feel a sense of belongingness, while others are due to peer pressure.

My brothers were both members of the infamous fraternity in the Philippines called the Tau Gamma Phi. This fraternity has a long withstanding history since the year it was established by the University of the Philippines (UP) in 1968 and has branched to different chapters in the Philippines. Growing up, I remembered looking up to this brotherhood because they served as protection and opened opportunities to my brothers. And with this positive image of fraternity in my head, I told my young

self that I will join sorority someday just to experience the same thing.

However, after being exposed to various social issues, I came to fear and oppose the sisterhood and brotherhood that I once dreamed to be part of, as brutal cases caused by the hyper masculine culture of fraternity surfaced in the media. Fraternities have this tradition of conducting initiation activities which take different forms - either through servitude or the dreaded hazing which often includes paddling or any activity that humiliates, abuses, or endangers members by requiring physical violence. For decades, these kinds of initiation rituals persist despite the fact that it’s uncomforting for some or, at worst, may result in the death of neophytes or its members. With this, I’ve been wondering why such violent activities still in existence even if it is taking away lives and dreams of people.

Filomin C. Gutierrez, a sociology professor in University of the Philippines Diliman, answered this question by emphasizing that a fraternity’s practice of hazing is “to affirm a culture of masculinity and honor a tradition held by senior members.” A tradition to filter out fraternity members and measure the devotion of each member to the brotherhood. Gutierrez added that fraternity leaders and members are so ingrained with this welcoming ritual since they find satisfaction from passing down an “honored tradition” from famous senior members to new members to “inculcate” their own experience of the initiation and the bond in general. And the worst thing about normalizing such a culture is that nobody thinks of it as an abuse until one gets seriously hurt or even dies from this violence.

In the Philippines, there have been 36 reported fraternity-related fatalities since the 1950s. Upsilon Sigma Phi’s member Gonzalo Mariano Albert was the first reported death by hazing in 1954 and the long lists of fatalities continue until this day. Among the cases of death by hazing, I remembered Horacio Castillo III, a freshman student of University of the Santo Tomas and a member of the Aegis Juris fraternity, who died in the hands

of his presumptive “brothers” during an initiation rites in 2017. His case lead to the amendment of the Republic Act 8049 or the AntiHazing Law to Republic Act 11053 which expands the definition of hazing to “any act that results in physical or psychological suffering, harm, or injury inflicted,” such as paddling, whipping, or subjecting to extreme temperature or pressure as an initiation before joining the fraternity. Moreover, the amendment put more teeths on the penalties to reclusion perpetua or imprisonment of up to 40 years, and a fine of up to P3 million.

However, perpetrators of hazing remain unperturbed by the amendment of the law. Just recently, the death of Adamson University 3rd-year chemical engineering student John Matthew Salilig, 24, once again alarmed the public that impunity in fraternity is still a continuing problem in the country. The battered naked body of Salilig was found in a shallow grave in Imus City, Cavite, 10 days after his family reported him missing last February 20. According to reports, Salilig attended the welcoming rites of the Tau Gamma Phi held in Biñan City on February 18 before his disappearance. The autopsy and postmortem exam conducted by Cavite Provincial Crime Laboratory revealed that Salilig was smacked with a paddle about 70 times causing severe blunt trauma to his lower extremities which ended the life of the student. Seven members of the Tau Gamma Phi were arrested.

Days after this event, the Philippine Normal University - University Student Council alerted the students last April 3 about a non-accredited organization recruiting members both on physical and virtual spaces of the institution. In the Facebook post, the council warned PNUans about sharing any information or joining any organization with a history of hazing or any form of violence from other universities, as there is a penalty, which is expulsion, for those who partake to any hazing-related activity under the PNU 2014 Student Handbook. This only shows that the university gives no space to fraternity-related violence since it defies the vision of the institution of producing high-quality teachers and education managers, who will teach

nonviolence, and not encourage the opposite of it.

Despite the passing of an Anti-Hazing Law and amending it to put harsher penalties against perpetrators, as well as each university’s effort to penalize fraternityrelated violence to protect students, such efforts didn’t end the culture of violence practiced in fraternities. Hazing prevails as members continue to normalize this inhumane tradition in a brotherhood that promised protection and belongingness to its neophytes. But where’s brotherhood in killing your “brothers”? Where’s brotherhood in disposing the lifeless body of your “brother” in a grave instead of taking him to the hospital, just to show a pang of guilt and accountability? Is this really the picture of brotherhood that every fraternity wants to pass down through its members? A brotherhood where the hands of the members are stained with the blood of the others?

Times like this is a wake up call for everyone that there is a need to collectively abolish lethal fraternity. In particular, universities and colleges should have a full implementation of the Anti-Hazing Law to ensure the safety of students and to assure the parents that there is no room for violence in their institution. This is also a call to members to challenge the old hyper masculine culture of violence of their fraternity and think of other ways to filter out members and measure their commitment to the group aside from torture or any physical violence.

There is no way to abolish fraternity as long as people feel the need to belong to a group for protection and connection. What the government or any respective groups or institutions can do to end fraternity-related impunity is to join hands with this brotherhood society to come to a common agreement on revising violent and deadly initiation rites in welcoming neophytes. And for students, we can avoid falling victim to hazing as long as we choose wisely on what groups or organizations we join. Say no to groups that practice hazing and stand against violence-related norms and even bills passed in the government. End impunity in any form now!

PAGE 20 SECOND ISSUE | JAN - APRIL 2023
JONALYN DOMDOM DIBUHO NI: JOHN PAUL ARELLANO

Ang paghubog ng nasyonalismo ay hindi maaaring idaan sa isang programa lamang o sa bawat palakat ng “kaliwa, kanan” ng nangangasiwa nito. Mas lalo pang hindi maaaring maging sagot ang pagsasabatas ng itinuturing nila na magbibigay daan sa disiplinadong mamamayan, lalo pa kung ito ay magdudulot ng hudyat upang busalan ang bibig ng mga kabataang lumalaban para sa kanilang karapatan. Sa isang bansa na laganap ang kaso ng pangaabuso, korapsyon, at diskriminasyon sa iba’t ibang sektor ng lipunan, kinakasangkapan ng estado ang represyon mula sa makinarya nito upang isulong ang mapanupil na batas upang mas bigyang katwiran ang kanilang mala-kolonyal at mala-pyudal na hangarin. Hindi na ito bago sa pang arawaraw na nabubuhay ang mga Pilipino.

Kamakailan ay pumutok na naman ang isyu sa pagpapanumbalik ng Mandatory Reserve Officers' Training Corps (MROTC) na iminumungkahi sa senado at pagsulong ng kasalukuyang kalihim ng Kagawaran ng Edukasyon at Bise Presidente Sara Duterte. Mariin naman itong tinutulan ng sektor ng kabataan

at pinaninindigan na ang pagtuturo ng nasyonalismo at disiplina ay maaring gawin nang hindi ipinatutupad ng MROTC. May dahilan kung bakit hindi ito mandatoryo at kung bakit hindi na dapat ito kailanman magkaroon ng lugar sa kolehiyo. May mga naitalang kaso na ng pang-aabuso sa mga estudyante noong mandatoryo pa ito. Taong 2001 nang paslangin si Mark Nelson Chua at natagpuang lumulutang sa ilog Pasig nang dahil sa pagbunyag nito sa mga katiwaliang nagaganap sa UST ROTC unit. Ang pagkamatay ni Chua ay naging hudyat upang ipanawagan ang pagkabuwag ng MROTC.

Ayon sa Gabriela Youth, sa potensyal na kapahamakang naidudulot nito, magtatanim lamang ang mandatoryong pagpapatupad ng ROTC ng kultura ng karahasan at impyunidad, kasama na ang diskriminasyon sa kababaihan. Noong nakaraan ay naalarma ang mga mag-aaral ng PUP sa tuluyang pagwakas ng PUP-DND accord na naglalayon sana sa proteksyon nito laban sa presensya at pagbabawal ng operasyon ng mga militar at pulisya nang walang pagsasangguni sa administrasyon

ng paaralan at pakikipagdayalogo sa mga mag-aaral. Ang nakaambang militarisasyon sa mga kampus ay magbibigay daan lamang sa mas malawak na redtagging at pagbabanta sa mga kritiko ng pamahalaan.

Dagdag pa rito, magdudulot lamang ito ng dagdag na gastusin sa kolehiyo imbes na ilaan ito sa mas kagyat na pangangailangan ng mga estudyante. Hindi matitiyak ang pagpapanumbalik ng nasyonalismo sa pagsulong ng MROTC dahil sa simula’t sapul ay naka angkla na ang edukasyon sa neoliberal na pamamalakad, kung saan ang mga estudyante ay itinuturing lamang bilang sangkap sa pakikipagkalakalan sa mga imperyalistang bayan mula sa export oriented-import dependent na ekonomya ng bansa. Maraming mga programa at asignatura ang tahasang tinanggal ng kagawaran ng edukasyon na dapat ay magsusulong ng pagpapahalaga sa ating kultura. Una, tinanggal ng CHEd ang Filipino at Panitikan bilang pangunahing kurso sa kolehiyo taong 2019. Ikalawa, kamakailan ay binabalak ding tanggalin ang Mother Tongue bilang asignatura sa ika-1 hanggang ikatlong

baitang sa elementarya. Ang mga ito ay manipestasyon ng kung ano ang tunay na prayoridad ng estado, at paniguradong hindi ito nakakaling sa makamamamayan at maka-estudyanteng panuntunan mula sa pagsasabatas ng MROTC bilang pagturo sa nasyonalismo.

Sa kabila ng mga anti-mamamayan at anti-estudyante na mga patakaran tulad ng MROTC, hindi ito kailanman pahihintulutan ng mga kabataang magaaral lalo pa kung ito ay magbibigay katwiran sa represibong pamamalakad ng estado at patuloy na pagkitil sa buhay ng mga kritiko. Kaya naman, dapat lamang na tutulan ang pagpapasabatas ng MROTC bilang pagturo ng nasyonalismo dahil ito ay huwad at mapanlinlang, lalo pa kung sa kasaysayan, ang tunay na nasyonalismo ay ang pagkilos ng mga kabataan laban sa pasismo at lagi nang nangunguna upang isulong ang tunay na kalayaan at kapayapaan.

THE TORCH | TOMO LXXV Blg. 2 /thetorchpnu KOLUM RETRATO NI: JULIO CASILAG JR.
ELVIA NICOLE AGUACITO DIBUHO NI: JOHN PAUL ARELLANO

NLEC BILANG BUNGA NG HILAW NA BALIKESKWELA

Sa pagpasok ng taong panuruan 20222023, lubhang naisiwalat ang kakulangan ng kahandaan ng sektor ng edukasyon sa muling pagbubukas ng mga paaralan at pamantasan. Hindi mahihiwalay dito ang kasalukuyang danas ng masang PNUans buhat ng inilunsad ang Normale Lectures (NLec), ang bagong kurikulum na ipinataw sa mga first year students, bilang transisyon ng moda ng klase sa ilalim ng programang Kaway Aralan sa Bagong Kadawyan.

Kaltas badyet, kaltas kalidad

Kumpara sa normal na istraktura ng klase, binubuo ito ng mas maraming bilang ng estudyante sa isang silidaralan. Tinatayang 100 na mag-aaral ang inilagak sa bawat seksyon at naghahati-hati sa tigtatlong guro kada kurso. Ininda ng mga PNUans ang balibaliko at malabong panuntunan mula sa administrasyon na nagbunga ng sanga-sangang problema, gaya ng ‘di makataong bigat ng gawaing pangakademiko, pagkalito ng mga kaguruan, kakulangan ng organisasyon sa klase, at kompromiso sa pakikilahok at pagkatuto ng mga mag-aaral.

Gayunpaman, hindi nalalayo ang laban natin sa kasalukuyang dagok na hinaharap ng Inang Pamantasan. Hindi lingid sa ating kaalaman ang pagtatapyas ng P10.9 milyong panukalang pondo ng estado sa institusyon na kung tutuusin ay kapos upang magampanan ang mandato nito bilang NCTE.

Libro, hindi bala

Ang NLec ay isang panandaliang tugon o band-aid solution sa lumulobong krisis pang-edukasyon at kawalang aksyon ng gobyerno upang matugunan ang pangangailangan ng sektor ng edukasyon. Ang nakaltas na milyong badyet ay malaking tulong upang matugunan ang mga suliraning kinakaharap ng masang PNUans, gaya ng pagpapatayo ng imprastraktura, pagdaragdag ng sahod sa mga kaguruan, pamamahagi ng mga learning materials, at pamimigay ng pinansyal na ayuda sa mga Iskolar ng Bayan.

Sa halip na gumasta sa mga makabuluhang proyektong pangedukasyon, pagbibigay subsidiya sa mga pampubliko at pampribadong paaralan, at pagtugon sa pangangailangan ng mga

guro at mag-aaral nito, pilit na niraratsada ng gobyerno ang anti-demokratiko at anti-estudyanteng panukala gaya ng Mandatory ROTC, budget cuts, at militarisasyon sa mga paaralan.

Kagaya ng panawagan ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) sa DepEd na tumanggap ng 30,000 na guro kada taon, panawagan din itong dagdagan ang mga instructors sa institusyon upang makamit ang angkop na class size kada silid-aralan. Kung paglalaanan lamang ng gobyerno ang sektor ng edukasyon ng sapat na badyet, mas maraming maipatatayong imprastraktura na susuporta sa mas maraming bilang ng mag-aaral.

Pandemya ng neoliberal na edukasyon

Manipestasyon ito ng mas lumalalang krisis na pumapatay sa pangarap at kinabukasan ng bawat kabataang Pilipino. Sa umiiral na sistema ng Neoliberalismo, masisipat natin ang panggigipit ng pamahalaan sa mga state universities and colleges (SUCs) upang magbigay puwang sa

GELINE DESPABILADERAS

pribatisasyon sa halip na palakasin ang mga batayang serbisyo gaya ng kalusugan, edukasyon, transportasyon, at pabahay. Pinananaig nito ang bulok na sistema ng pagtuturo at pagkatuto sa pamamagitan ng mga walang pakundangang patakaran, tambak na gawain, at kawalang malasakit sa tunay na danas ng sektor ng edukasyon. Bukod pa rito, itinuturing nitong makina ang mga mag-aaral at ikinukulong ang mga ito sa ilusyon ng masikhay na edukasyon habang gumagapang sa ngalan ng huwad na karangalan at walang katuturang kompetisyon.

Isang malaking hamon ang nakaatang sa Inang Pamantasan na suriin ang konkretong kalagayan ng masang PNUans, pakinggan ang kanilang panawagan, at humanay kasama ng mga ito. Bilang Pambansang Sentro ng Edukasyong Pangguro, nararapat lamang nitong tanganan ang responsibilidad na ipaglaban ang karapatan ng bawat mag-aaral, isulong ang dagdagsahod at benepisyo ng mga kaguruan, igiit ang Ligtas na Balik-Eskwela, at itaguyod ang libre, makabayan, siyentipiko, at makamasang edukasyon.

PAGE 22 SECOND ISSUE | JAN - APRIL 2023 KOLUM

KUHA NINA: ELI OCCEÑO

GELINE DESPABILADERAS

RUSSEN JAY REYES

YNA RAYMUNDO

ABBIE JOY SALON

ELVIA NICOLE AGUACITO

THE TORCH | TOMO LXXV Blg. 2 /thetorchpnu OFFCAM
ARAW NG MGA MANGGAGAWA

Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.