The Capitol Lighthouse Vol. 2021 No. 1

Page 10

L GHTHOUSE The Capitol

P2k-10k educational assistance program para sa mga nasa kolehiyo, aprubado na ng SP page 3

SERBISYO PARA SA TAWO TAWO SERBISYO

AN MGA PROGRAMA NIN KAPITOLYO PARA SA GABOS JANUARY - SEPTEMBER 2021 | 12 pages The Government Publication of the Province of Catanduanes
Caramoran Isang isla, Samasamang pagbangon Ma, Pa, Iskolar na ako! 2 10 6
Kauna-unahang abaca fiber processing facility itatayo sa
THE LIGHTHOUSE 2021

balita

AN KAOGMAHAN SA TAHAW NING KASAKITAN SA PAGHAG-OT. Sa gitna nin guro ni May Talin, yaon an pandagdag sa kiyang hanapbuhay tanganing mataparan an kiyang mga kautangan buda pantabang sa kiyang pamilya tanganing makabuhat sa peligro nin nakaaging bagyo. Maski sa gitna nin pagtios, siring sa matuos na abaca, nakua ni May Talin na maguro maski pa puno ning problema an kiyang buhay, ta iyo ini an sarong patunay na an satong isla, sin tuos nin abaca.

PARA SA PAGPAPAUNLAD NG INDUSTRIYA NG ABAKA SA ISLA

Kauna-unahang abaca fiber processing facility ng PhilFIDA itatayo sa Caramoran

Pinangunahan ni Gov. Joseph C. Cua ang groundbreaking ceremony ng Abaca Tuxy Buying Special Project (ATBSP) Fiber Processing Facility ng Philippine Fiber Industry Development Authority (PhilFIDA) sa barangay Sabangan, Caramoran nitong Hunyo 22, 2021.

“With an established abaca facility in Catanduanes, the quality of our hemp and its production will transcend into new heights,” saad ng gobernador sa kaniyang mensahe sa naturang okasyon.

“Our farmers will no longer have to be self-sufficient but will instead develop into entrepreneurs,” dagdag pa niya.

Tiwala aniya ang gobernador na ang naturang pasilidad ay simula pa lamang ng marami pang mga proyekto para sa pagpapaunlad ng industriya ng abaka sa lalawigan.

Hinimok din ni Governor Cua

ang kooperasyon ng bawat isa.

“I am confident that this launching is just one of many more breakthroughs in the industry but only our collaborative efforts will help cement these possibilities,” kaniyang pagtatapos.

Samantala, suportado rin ni Cong. Hector S. Sanchez ang nasabing proyekto.

Sa mensahe na ipinaabot ng kanyang representante, sinabi nito na ang itatayong pasilidad ay susi para mapabilis ang proseso ng tuxying, at magbibigay ng dobleng kita sa halos 100 magsasaka ng abaca.

Nabanggit din ng kongresista na inaasahan ni PhilFIDA executive director Kennedy Costales sa naturang abaca facility na makapagpo-proseso umano ng mga firstclass na abaca fiber.

Sa ngayon, ang presyo nito ay umaabot ng P120 kada kilo, at sa

isang araw puwede umanong kumita ang mga Abacalero ng hindi bababa sa P1,000 hanggang P4,000 kada araw.

“No longer will our abaca farmers remain poor, and no longer, will other provinces or nations poach our world-class abaca,” mariing inihayag ni Congressman Sanchez.

Samantala, inihayag naman ni PhilFIDA - Technical Assistance Division (TAD) officer-in-charge Orlando Cocal na ang pinakalayunin ng proyekto ay mapabilis at madoble ang produksiyon ng abaka sa isla.

Ayon sa PhilFIDA, ang naturang abaca facility ay unang ipinatayo sa lalawigan ng Catanduanes dahil dito nanggagaling ang pinakamalaking porsyento ng produksyon ng abaka sa bansa.

Sa katunayan, tatlo pa aniya ang inaasahang itatayo na kapare-

How about vying for the Longest Rope made of Natural Fibers in the Guinness World Record with our prized Abaca for next year’s Abaca Festival?

hong pasilidad sa probinsiya sa mga susunod na taon.

Kaugnay nito, nasa P15 million Capital Outlay ang nakalaan para sa unang itatayo na pasilidad. Ang naturang pasilidad aniya ay mayroong warehouses, sleeping sheds, office spaces, trading centers, at covered drying space.

Kasali rin sa proyekto ang pagkakaroon ng 16-wheeler na truck at mga motorsiklo na gagamitin sa pagkuha ng abaka mula sa mga abaca farmers sa ‘collection hubs’, at ito rin umano ang magdadala sa mga natapos na produkto sa mga local processor maging sa mga exporter.

Pabor din aniya ang proyekto sa mga abaca farmer dahil hindi na ito dadaan sa mga ahente, bagkus ang kita ay mahahati direkta sa pagitan ng magsasaka at ng naturang pasilidad.

Current record holder: NONE

Our Target: 251 km of Abaca Fiber rope

2 | THE LIGHTHOUSE
Our farmers will no longer have to be selfsufficient but will instead develop into entrepreneurs.
Photo and Caption by Adelmo Rubio

P2k-10k educational assistance program para sa mga nasa kolehiyo, aprubado na ng SP

Aprubado na sa ikatlo at huling pagdinig ng mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan ang panukalang ordinansa na magbibigay educational assistance sa mga estudyanteng nasa pribado at pampublikong kolehiyo o unibersidad ng lalawigan.

Sa botong 11-0, nakalusot nitong Setyembre 13, 2021 ang resolusyon na inihain ni Provincial Board Member Robert Fernandez na aamyenda sa Provincial Ordinance No. 018-2013 o ang College Education and Livelihood for the Youth (CELY) Program na tatawagin ng “College Education Financial Assistance Program (CEFAP)”.

Ayon kay Fernandez, layunin ng CEFAP na magbigay ng ayudang pinansiyal sa mahigit 800 na estudyanteng nasa kolehiyo.

“This [CEFAP] will provide financial aid to the less fortunate Catandunganons,” saad ni Fernandez.

Ang programa aniya ay produkto rin ng kaniyang pakikipag-ugnayan kay Gov. Joseph C. Cua at sa tulong din ng kaniyang mga kasamahan sa SP.

“We [Governor Cua and SP members] have pushed [this] for the continuous inclusion of provisions in the provincial programs and budget for scholarships in our State Universities and Colleges (SUCs),” dagdag pa niya.

Nakasaad sa ordinansa na ang mga estudyanteng nasa pribadong institusyon ay makatatanggap ng

P4,000 kada semestre kung saan mas malaki ito ng P2,000 sa kasalukuyang tinatanggap ng mga benepisyaryo ng CELY Program.

Samantala, ang mga estudyanteng nasa pampublikong unibersidad naman gaya ng Catanduanes State University (CatSU) ay makatatanggap ng P2,000 kada semestre. Ito ay mas mababa ng 50 porsiyento dahil walang binabayarang matrikula sa State Universities and Colleges (SUCs) sa bansa batay sa RA 10931 o ang Universal Access to Quality Tertiary Education Act of 2017.

Nabanggit din ni Fernandez na ang naturang batas umano ang dahilan upang amyendahan ang CELY program at magkaroon ng bagong

programa.

“The main purpose of the revision of an existing ordinance [CELY program] is to provide a more aligned policy to the current situation of higher edication,” paliwanag ng SP member.

“The original ordinance provides subsidized tuition-free education [in SUCs] but it is no longer applicable because of the RA 10931,” dagdag pa niya.

Bukod pa rito, nakapaloob din sa panukalang ordinansa na may halos 200 piling mag-aaral ang makakukuha ng P10,000 kada semestre, kung saan P2,000 ang nakalaan sa transportation allowance, P5,000 para sa living allowance at P3,000 naman para sa internet allowance.

Kaugnay nito, tanging mga estudyante mula sa mga kolehiyo at unibersidad na may 92 o 1.8 General Weighted Average (GWA) ang kwalipikadong maging benepisyaryo ng P10,000 scholarship grant.

Samantala, ang mga mag-aaral na may 85-92 0 2.2-1.8 na GWA ay maaaring makapasok sa P2,000 na ayudang pinansiyal sa pampub-

NAGBUNGA ANG PAGTUTULUNGAN nina Gov. Joseph C. Cua at Provincial Board Member at Chairman ng Committee on Education Robert Fernandez dahil naaprubahan na sa ikatlo at huling pagbasa ang College Education Financial Assistance Program (CEFAP) na naglalayong magbigay ng pinansiyal na asistensiya sa mga estudyanteng nag-aaral pampubliko at pribadong kolehiyo sa lalawigan.

likong kolehiyo at P4,000 naman sa pribado.

Batay sa naturang panukala, halos 15 milyong piso ang taunang pondong nakalaan para sa pagpapatupad ng nabanggit na programa.

Sa ngayon, ang pinal na kopya at pirma ni Governor Joseph C. Cua na lamang ang hinihintay upang tuluyan na itong maging ordinansa at maipatupad sa isla-probinsiya.

Gov. Cua nakiusap sa PLDT ukol sa reactivation ng lease line sa lalawigan

Hiniling ni Gov. Joseph C. Cua sa PLDT ang re-activation ng lease line para sa Provincial Capitol at mga pampublikong hospital sa lalawigan sa ginanap na pulong nitong Pebrero, 18, 2021.

“Baka pwede tayo makahiram sa Catanduanes ng temporary; lagyan natin ‘yung provincial hospital at kapitolyo, kasi talagang very essential sa amin ang malakas na internet. Tulad ngayon, due to this pandemic, puro Zoom meeting na, which hindi kami

nakaka-attend because of poor internet,” saad ng gobernador sa naturang pulong.

Ayon kay Governor Cua, ang kaniyang hiling ay bilang karagdagan sa lumang radio internet equipment na kasalukuyang ginagamit ng lokal na pamahalaan.

Ito rin ay pansamantalang solusyon lamang upang maresolba ang problema kapag mayroong mga birtwal na pulong, aniya.

Kaugnay nito, hiniling din ng gobernador sa PLDT na bilang per-

manenteng solusyon sa problema ng internet connection, kailangan kumuha ang Kapitolyo ng 200 mbps iGate dedicated internet plan upang sa darating pang mga taon, maaari rin aniya itong maipatupad sa buong probinsiya.

PAGPAPALAKAS NG INTERNET SERVICE

Samantala, ilang taon mula ngayon ay mararamdaman na ayon sa PLDT ang 10 Gbps bandwith ng fiber internet at mas pinabilis na mobile internet sa isla kapag natapos umano

ang paglatag ng mga

fiber-optic cable.

Dagdag pa ng naturang kompanya, malapit na ring matapos ang mga natitira pang fiber-optic segments na tatawid sa pagitan ng mga bayan ng Viga-Baras (A2), Caramoran-Viga (A3), and Lictin-Caramoran (A4). Samantala, ang linya ng Virac-Baras (A1) aniya ay natapos na noong Disyembre 2020 pa.

“Yung remaining three segments po, hopefully ma-complete po siya within the first quarter of this year.

Pero I’m not sure with our engineer-

PARA SA PAGPAPALAKAS, PAGPAPALAWAK NG MOBILE CONNECTION

ing team if makakaya pong ma-meet pa ‘yung target kasi sana po wala na pong mga unforeseen events na mangyari,” saad ng isang PLDT official.

Dagdag pa ng opisyal, sa nakalipas na taon hanggang ngayon, ang Catanduanes aniya ay umaasa lamang sa internet signal mula sa radyo kung kaya’t kapag masama ang panahon at may kalamidad gaya ng bagyo, nawawala o humihina ang mobile internet at cellular phone signal sa isla-probinsiya.

21 karagdagang cell sites itatayo ng Smart telco sa Catanduanes

Upang matugunan nang maayos ang online learning ng mga estudyante, 21 karagdagang macro cell sites ang planong itayo ng Smart Communications Inc. sa isla.

Tatlo sa mga ito ay target na maitayo ngayong taon sa bayan ng Virac. Isa sa mga barangay ng Talisoy, Balite, at Sto. Domingo.

Ang naturang planong proyekto ng Smart ay tugon kina Gov. Joseph C. Cua at Cong. Hector S. Sanchez matapos magpadala ng sulat ang dalawang opisyal sa kompanya nitong ika-16 ng Agosto upang hilingin ang pagpapatayo ng karagdagang cell sites sa probinsiya.

Ayon sa dalawang opisyal, mahalaga ang pagkakaroon ng karagdagang cell sites dahil karamihan sa mga estudyante ngayon ang may online classes at sila ang lubos na mabebenepisyuhan ng proyektong ito.

“We also believe that its construction will foster a continued socio-economic growth development,” dagdag pa ng dalawang opisyal sa liham.

Samantala, 18 sa mga cell site ay itatayo sa anim pang munisipalidad sa lalawigan; 3 sa mga ito ay planong itayo sa bayan ng Bato, 4 naman sa Pandan, 1 sa Panganiban, 4 sa Caramoran, 3 sa Viga, at 2 naman sa munisipalidad ng Baras.

Ang mga nabanggit ay hindi pa kabilang sa mga cell site na target maipatayo ng Smart bago matapos ang 2021.

Kaugnay nito, ang planong dalawang macro cell site na itatayo sa bayan ng Baras ang magiging kauna-unahang cell site ng Smart sa lugar.

Nabanggit din ng Smart sa kanilang liham na suportado nila ang inisyatibo ng dalawang lokal na opisyal dahil aniya malaki ang gampanin ng malakas na internet connection lalo na ngayong online learning ang umiiral.

“Smart fully supports the Honorable Governor and the Honorable Congressman in [their] efforts to improve telecommunications and mobile internet services within [their] jurisdiction,” saad ng Smart.

“We sincerely understand that connectivity has played a vital role these times considering the alternative distance-learning program of DepEd and the various work-from arrangements,” dagdag pa nito.

Siniguro naman ng dalawang opisyal na bukas ang kanilang opisina upang bigyang asistensiya ang Smart sa pagpapatayo ng kanilang mga karagdagang pasilidad sa lalawigan.

“To achieve the aim of inter-connected Catanduanes, we commit to provide aid, on our personal capacities, in the installation of [the] said towers,” pahayag ni Governor Cua and Congressman Sanchez.

“As leaders in the local government, we assure our support in extending the necessary assistance,” pagtatapos ng dalawa.

Sa ngayon, mayroon lamang 10 cell sites ang Smart sa buong lalawigan; dalawa sa mga bayan ng Virac, Bato, Pandan, Caramoran, Viga, at San Miguel samantala isa lamang sa Panganiban.

THE LIGHTHOUSE | 3 JANUARY - SEPTEMBER 2021
L GHTHOUSE The Capitol

Sa kabila ng hamong dala ng bagyo’t pandemya

Kapitolyo patuloy sa pagpapatupad ng mga programa, proyekto sa lalawigan

HINDI MAGPAPAAWAT ang Lokal na Pamahalaan ng Catanduanes sa pangunguna ni Gov. Joseph C. Cua sa pagpapatupad ng mga programang magbibigay ng mas maraming oportunidad, at proyektong mas magpapabuti sa mga buhay ng Catandunganon sa kabila ng mga kalamidad at ng pandemiyang kinakaharap ng lalawigan sa kasalukuyan.

Sa kabila ng mga nagdaang bagyo at kinakaharap na pandemiya, patuloy ang lokal na pamahalaan sa ilalim ng administrasyon ni Gov. Joseph C. Cua sa pagpapatupad ng mga programa at proyekto sa lalawigan sa sektor ng edukasyon, turismo, trabaho, imprastraktura, agrikultura, at iba pa mula Mayo 2020.

MEDIKAL AT KALUSUGAN

Pinaigting ng lokal na pamahalaan, katulong ang Eastern Bicol Medical Center (EBMC) Indigency Program at DOH-Medical Assistance for Indigents ang asistensyang medikal sa mga pasyenteng Catandunganon.

Ayon sa datos ng EBMC, umabot sa 2,133 in-patients ang tumanggap ng asistensyang medikal mula Enero-Mayo 2021 na nagkakahalagang P13 million.

Samantala, umabot sa 312 benepisyaryong buntis ang nabigyan ng maternal milk powder sa loob ng 90 araw noong 2020 at 2021 base sa datos ng Provincial Nutrition Action Office.

PANDEMYA’T KALAMIDAD

Bilang pagtugon naman sa mga nagdaang bagyo, namahagi ng halos 209,106 relief goods ang pamahalaan sa buong lalawigan mula Nobyembre 2020 hanggang Pebrero at Marso ngayong taon.

Bukod sa food items, namahagi rin ng 2,202 laminated sacks, 247 na pares ng tsinelas, 30 buntis kits, 2,025 piraso ng face mask, 1,000 face shields, 150 malong, 2,189 kitchen kits, 450 sleeping kits, 2,887 mosquito nets, 4,804 family kits, 525 sleeping mats, 11 diapers, 154 bath towels, at 154 bagong mga damit sa buong probinsiya.

Nakapagpaabot rin ng P11.3 milyong ayudang pinansyal sa halos

2,087 benepisyaryo bilang bahagi ng programang Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS).

EDUKASYON

Samantala, upang maitawid ng mga mag-aaral ang modular learning approach ng mga pampublikong paaralan, namahagi ang tanggapan ng gobernador ng 182 reams ng A4 bond paper sa 76 na elementarya at sekondaryang paaralan maging sa limang Community Learning Hubs sa Catanduanes.

Bukod sa bond paper, nakapagbigay rin ng halos 70 Globe At Home Prepaid WiFi modems sa iba’t ibang bayan ng probinsiya sa tulong ng Ayala Foundation, Inc., Globe Telecom at Sangguniang Kabataan Federation.

TRABAHO

Samantala, nakapagbigay trabaho naman ang Provincial Social Welfare Development Office (PSWDO) sa ilalim ng ‘Food for Work’ Program kung saan kinakailangang lumahok sa community service gaya ng paglilinis o clearing operations sa kanilang komunidad o sa loob ng paaralan ang mga benepisyaryo kapalit ng DSWD food packs.

Ayon sa datos ng PSWDO, umabot na sa 5,032 DSWD food packs ang naipamahagi sa 10 bayan ng lalawigan mula Hunyo 25, 2021.

AGRIKULTURA

Bilang parte ng rehabilitasyon upang makabangon muli ang mga

magsasaka ng probinsiya, nagpaabot ng mahigit 5,500 sako ng binhi ng palay at abono sa halos 3,800 na magsasakang rehistrado sa Registry System for Basic Sectors for Agriculture (RSBSA) ang Office of Provincial Agriculture (OPAg).

Ayon din sa datos ng OPAg, nakapamahagi rin sila ng mga Hybrid na binhi ng palay na nasa 2,521 na sako para sa 1500 na magsasaka, 1,500 naman na Certified na binhi sa 1500 na magsasaka, at 1,438 na sako ng Urea fertilizer sa 850 benepisyaryo.

Mahigit 3,500 sako ng binhi ng palay at abono naman ang naipamahagi ng OPAG sa halos 3,100 na apektadong magsasaka ng probinsiya na rehistrado pa rin sa RSBSA.

Sa kabilang banda, inilunsad naman ngayong taon sa bayan ng Viga ang programang Integrated Community Food Production (ICFP) kung saan halos 300 na benepisyaryo mula sa 24 barangays ng nasabing bayan ang nakatanggap ng drums, mga manok at pato na aalagaan, kabilang ang feeds.

materyales para na magsisilbing kulungan ng mga ibon at may kasama na ring feeds ayon sa OPAG.

TURISMO

Upang matulungan ang mga apektadong indibidwal gaya ng mga tour guide, surfing instructor, at boat operator, inilunsad ng Provincial Tourism Office ang Tourism CARES (COVID-19 Alleviation and Response Efforts for Safety and Sustainability).

Sa ilalim ng naturang programa, mahigit 335 benepisyaryo ang nabigyan ng food packs at hygiene kits ng tourism office.

Bukod pa rito, pinangunahan rin ng probinsiya ang Cash-for-Work Program ng Department of Tourism at Department of Labor and Employment kung saan umabot sa 1,082 displaced tourism workers ang tumanggap ng tig-P5,000 na ayuda.

5,500 sako ng binhi ng palay at abono sa halos 3,800 na magsasaka

IMPRASTRAKTURA

Patuloy rin ang pagpapatayo at pagsasaayos ng mga kalsada, river control, at drainage system sa buong lalawigan sa ilalim ng administrasyon.

Ayon sa datos ng Provincial Engineer’s Office, umabot sa 27 na proyekto ang natapos sa taong 2020, karamihan dito ay pagsasaayos at pagpapatayo ng kalsada at river control.

Samantala, 4 na proyekto ay nagpapatuloy hanggang ngayon, at 14 naman ang nasa proseso na ng bidding.

335 TOURISM CARES BENEFICIARIES

Nasa 6,240 pugo naman ang naipamahagi sa 39 na piling benepisyaryo. May kasama itong mga P 11.3 MILYONG

3,500 SAKO NG BINHI NG PALAY

209,106 RELIEF GOODS

ayudang pinansiyal sa halos

2,087 benepisyaryo bilang bahagi ng programang Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS)

4 L GHTHOUSE The Capitol
4 | THE LIGHTHOUSE

Ordinansa, programa sa typhoon preparedness, hinmok ni Cua sa mga alkalde, SP member

Pagpasa ng mga ordinansa at mga programa tungo sa pagpapalakas ng depensa ng isla laban sa malalakas na hagupit ng bagyo ang hinimok ni Gov. Joseph C. Cua sa mga alkalde at mambabatas ng Catanduanes.

Sa ulat-probinsiya ni Governor Cua noong ika-18 ng Enero, hinamon niya ang mga mambabatas na magpasa ng mga ordinansa upang mas mapaigting ang paghahanda ng lalawigan sa mga kalamidad, tulad ng Super Typhoon Rolly na humagupit sa isla noong Nobyembre 2020.

“Resiliency, alone, is not enough. Something has to change. Let us find our resolve in moving forward as smarter citizens of a typhoon-prone island. Our minds must be geared towards a proactive disaster preparedness response,” wika ni Governor Cua.

Binigyang-diin din ng Gobernador na kailangang magpasa ng mga batas na magtatatag ng typhoon-resistant na mga imprastraktura tulad na lamang ng mga paaralan, opisina ng mnga pribadong sektor at ng pamahalaan, at higit sa lahat mga evacuation centers.

Maliban dito, hinimok din ni Cua ang mga alkalde na maglaan ng malaking pondo sa pagdadagdag ng mga cell sites at pagsasaayos ng mga service providers sa lalawigan, nang sa gayon ay mas mapadali ang komunikasyon sa pagitan ng mga munisipyo at ng Kapitolyo sa mga panahon ng kalamidad.

“We cannot afford to make the same mistakes again. It is no longer a question that we are indeed resilient people. But resiliency entails learning from our past experiences, and not tolerating inaction,” saad nito.

‘SIRONG SA HARONG’

Ipinagmalaki rin ng Gobernador ang bagong “Sirong sa Harong”

‘RESILIENCY IS NOT ENOUGH’ ang naging tugon ni Gov. Joseph C. Cua sa paghikayat niya sa mga alkalde at mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan na magpasa ng mga ordinansang magpapatatag at maghahanda sa isla Catanduanes sa mga panahon ng kalamidad, tulad na lamang ng Super Typhoon Rolly noong 2020.

program, kung saan ipagkakalooban ng limang kilong bigas ng lokal na pamahalaan ang mga pamilya o indibidwal na makakapagbigay ng tulong, pagkain man o tahanan sa mga panahon ng kalamidad.

“Gusto kong bigyang diin na hindi ito aking programa, ito ay programa na mula sa kultura ng mga Catandunganon. Let us show the rest of the country that this virtue is worth emulating,” pagmamalaki nito.

Batay sa datos ng Emergency Operations Center (EOC), mahigit 57,500 na mga Catandunganon ang lumikas sa mga pribadong bahay, higit na marami kung ikukumpara sa 10,000

na mga Catandunganong lumikas patungo sa mga government-owned evacuation centers.

UPDATE ON TYPHOON-RELIEF

EFFORTS

Ayon din kay Governor Cua, hindi matatapos sa pamamahagi ng relief packs ang pagbangon ng isla ng Catanduanes mula sa hagupit ng Super Typhoon Rolly.

“Mga kaibigan, hindi pa tayo tuluyang nakakalagpas sa pagsubok na dulot ng nakaraang bagyo. Ngunit, asahan ninyong hindi tayo padadaig sa mga pagsubok na ito. We will not slack off,” saad nito.

Ibinahagi niya na nakapamahagi ang lokal na pamahalaan ng nasa 179,000 na relief packs sa mahigit 76,000 na pamilya sa 11 na bayan. May naipamahagi rin na nasa mahigit 2,000 laminated sacks at hygiene kits.

“Sa ngayon, umabot sa humigit kumulang 12,000 ang yero na ating naipamigay, at sa mga susunod na araw, may darating pang karagdagang suplay nito,” pagpatuloy dito, kung saan dinagdag niya ang mga yero ay galing sa mga donasyon.

DOH-Bicol suportado ang pagtatayo ng blood bank sa Catanduanes

Handang magbigay ng asistensiya ang mga miyembro ng Department of Health (DOH) – Bicol kung sakaling maaprubahan ang inihaing resolusyong magtatatag ng blood bank sa isla ng Catanduanes.

Inamin ni DOH-Bicol Representative Maita M. Mortega, at kasalukuyang coordinator ng National Voluntary Blood Services Program (NVBSP) na ikinalulugod ng kanilang ahensiya ang planong ito.

Hinimok din niya ang pagsuporta ng lokal na pamahalaan upang maisakatuparan ang inihaing resolusyon ni Provincial Board Member Santos V. Zafe,

“It entails support from the province… since hospital-based siya. For the minimum requirements po [sa pagkakaroon] ng hospital blood bank, [ang kailangan ay] 1 pathologist, 9 medical technologists, 2 phlebotomists, and 1 registered nurse,” paliwanag ni Mortega sa isinagawang pagdinig ng Sangguniang Panlalawigan, Hunyo 22, 2021.

Iminungkahi rin ng NVBSP coordinator na mas makabubuti kung magkakaroon ng consultation meetings sa pagitan ng Eastern Bicol Medical Center (EBMC) at mga opisyal ng lalawigan para pag-usapan ang tungkol sa imbentaryo at karagdagang empleyado.

Sa kabilang banda, hiniling ni EBMC Chief of Hospital Vietrez Abella na gumawa na lang ng isang yunit na hahawak sa blood bank, at huwag nang idagdag pa ang naturang plano sa sangay ng EBMC.

“Madali magstart-up, [ang] mahirap ‘yung magmaintain,” pagamin ng EBMC chief.

Sa kasalukuyan, pito lamang ang regular na medical technologist sa kanilang hospital, kakaunti kung ikukumpara sa 40 na medical technologist na minimum requirement na itinakda ng national government.

Aquino.

Paliwanag naman ni Josefina Reyes, isa sa mga medical technologist ng EBMC, kailangan umano masunod ang minimum requirement dahil may iba’t ibang tungkulin ang bawat isa – koleksyon, pagpoproseso, at distribusyon ng dugo na kailangan suriin.

Samantala, inamin naman ni Celia Romano, provincial coordinator ng NVBSP, na lubos na naapektuhan ng pandemiya ang suplay ng dugo sa probinsiya, maging ang blood donation programs na regular isinasagawa sa mga munisipyo.

Ayon sa datos ng NVBSP ng DOH Central Office noong 2020, bumaba ng 1,041,037 bags o 22 porsiyento ang suplay ng dugo na kanilang nakolekta kumpara sa mga nagdaang taon.

ng

Ayon kay Mortega, ang resolusiyong ito ay malaking tulong sa pagpapabilis ng proseso ng pagsalin ng dugo dahil hindi na kakailanganin pang ipadala sa mainland Bicol ang mga blood sample para sa pagsusuri.

Tugon naman ni Dr. Robert John Aquino, Provincial DOH Officer, puwede naman makiusap at magpadala ng sulat sa national government kung kinakailangan.

“Siguro let us write a letter na lang sa licensing department [of national government] to consider [the suggestion], and provided also the explanations,” mungkahi ni Dr.

Samantala, kung maisasakatuparan ang naturang blood bank, Catanduanes ang tanging isla-probinsiya sa Bicol na magkakaroon ng sariling blood bank na may kapasidad sumuri ng dugo.

Sa ngayon, BRDC sa Albay, at Bicol Medical Center sa Camarines Sur ang tanging may kakayahang sumuri ng mga nakokolektang dugo para sa lahat na probinsiya sa rehiyon.

5 L GHTHOUSE The Capitol
THE LIGHTHOUSE | 5 JANUARY -SEPTEMBER 2021
... resiliency entails learning from our past experiences, and not tolerating inaction.
BUO ANG SUPORTA ng Department of Health (DOH) - Bicol sa resolusyong inihain ni Provincial Board Member Santos Zafe na naglalayong magtayo ng blood bank sa lalawigan ng Catanduanes. Layunin blood bank na ito ang mapabilis ang transaksiyon at pagsalin ng dugo sa mga mangangailangang pasyente. Photo from Philippine Red Cross - Catanduanes Chapter

ISANG ISLA, SAMASAMANG PAGBANGON

Nang hagupitin ng Super Typhoon Rolly ang Catanduanes noong Nobyembre 1, 2020, nag-iwan ito ng malaking pinsala sa mga ariarian at maraming kabuhayan. Milyon-milyon din ang naitalang pinsala sa imprastraktura at agrikultura. Pinadapa nito ang linya ng komunikasyon at ilang buwan ding walang kuryente sa kalakhang probinsiya.

Umere sa milyon-milyong Pilipino sa loob at labas ng bansa, sa mass at social media ang pagdaan ng Bagyong Rolly. Nagbigay-daan ito upang mas maraming tao ang maging mulat sa kinahinatnan ng Catanduanes at mga karatig-probinsiya. Dito nagsimula ang kampanyang #TindogCatanduanes.

Matapos ang sakuna, umusbong ang malasakit ng karamihan. Bumuhos ang tulong at donasyon. Kapit-bisig sa pagsasaayos ng mga bahay, pagtatayo ng mga poste, at pagdadala ng mga relief good sa mga nasalanta. Buhay na buhay ang bayanihan sa bawat isa.

6 | THE LIGHTHOUSE
L GHTHOUSE The Capitol

‘Rokyaw’ youth awards suportado ni Gov. Cua

Suportado ni Gov. Joseph C. Cua ang panukalang ordinansa ukol sa programang magbibigay ng parangal at insentibo sa mga natatanging kabataan maging ng kanilang proyekto sa probinsiya matapos aprubahan ito ng Sangguniang Panlalawigan nitong nakalipas na taon. Ang programa ay tatawaging

‘Rokyaw: The Outstanding Youth Awards’ kung saan ang Local Youth Development Office (LYDO) kasama ang Sangguniang Kabataan (SK) Federation President Camille Qua ang mangunguna sa pagpapatupad nito. Siniguro ni Governor Cua na buo ang kaniyang suporta sa naturang ordinansa dahil ito aniya ang magiging kauna-unahang programa na ipatutupad ng Lokal na Pamahalaan ng Catanduanes na magbibigay-inspirasyon at motibasyon sa mga kabataan na maging isang huwarang lider.

“I think it’s high time that we have a program like this, given the initiative some of the youth have shown in helping their fellow Catandunganon youth during the pandemic and after the typhoons,” saad ng gobernador sa isang panayam.

Ang mga parangal na maaaring igawad sa mga kabataan at maging sa kanilang proyekto sa ilalim ng nabanggit na programa ay ang mga sumusunod: Most Outstanding

TULONG PARA SA 9 RHUS, 11 DISTRICT HOSPITALS

Youth Organization Award, Most Outstanding Youth-Serving Organization Award, Most Outstanding Sangguniang Kabataan Award, Most Outstanding Youth Project Award in Health, Most Outstanding Youth Project Award in Education, Most Outstanding Youth Project Award in Economic Empowerment, Most Outstanding Youth Project Award in Social Inclusion and Equity, Most Outstanding Youth Project Award in Peace-building and Security, Most Outstanding Youth Project Award in Governance, Most Outstanding Youth Project Award in Active Citizenship, Most Outstanding Youth Project Award in Environment, at Most Outstanding Youth Project Award in Global Mobility.

Maaaring makatanggap ng halos P10,ooo ang mga kabataan at proyektong mananalo. Samantala, ang makakasungkit ng Most Outstanding Youth Organization Award ay makatatanggap ng P50,000.

‘KWALIPIKASYON’

Sa mga grupo ng kabataang Catandunganon na nais magawaran ng Most Outstanding Youth Organization Award at Most Outstanding Youth-Serving Organization Award, kinakailangan nilang magparehistro sa National Youth Commission’s Youth Organization Registration

Motortrade nagpaabot ng 1.1-M medical supplies sa lalawigan

Personal na tinanggap ni Governor Joseph C. Cua ang mga donasyong medical supplies na nagkakahalagang P1,100,000 mula sa Motortrade Life and Livelihood Assistance Foundation sa turnover ceremony na ginanap sa Provincial Health Office nitong Hulyo 09, 2021.

Ayon sa gobernador hindi madali ang paglaban sa pandemya, kaya naman aniya ang mga donasyong mula sa pribadong sektor gaya ng Motortrade ay malaking tulong para sa maayos na serbisyong medikal ng mga hospital at rural health unit sa lalawigan.

“The assistance from the private sector, like the Foundation, has been an immense help in ensuring that our local health system remain pushing forward despite a lot of challenges,” saad ni Governor Cua.

Kaugnay nito, lubos ang pasasalamat ng gobernador kay Motortrade president Thomas Ongtenco, at sa managing trustee ng foundation Helen C. Ongtengco, sa mga natanggap na donasyon ng lalawigan.

Nakapaloob sa naturang donasyon ang 1,550 kits ng Surgentech Antigen Rapid Test Kit, 72 units Blood Pressure (BP) apparatus

set, 72 units Pulse Oxymeter, at 62 units Oxygen Tank na ipamimigay sa pitong Municipal hospitals at labing-isang Rural Health Units sa buong lalawigan.

Kada RHU ay nakatanggap ng 50 test kits, tatlong BP apparatus at dalawang oxygen tank samantala ang mga district hospital ng Pandan, Viga, Gigmoto, Bato, San Andres at Caramoran ay tatanggap bawat isa ng 125 test kits, limang BP apparatus at lima namang oxygen tank. Ang Eastern Bicol Medical Center naman ay tumanggap ng halos 250 pirasong test kits, at sampung

BP apparatus at oxygen tank. Dumalo sa naturang turnover ceremony ang kinatawan ng Motortrade na si Jane S. Bagadiong, Motortrade area manager, Provincial Health Officer Dr. Hazel Palmes, EBMC chief Dr. Vietrez Abella, mga branch head ng Motortrade, at iba pang mga opisyal ng provincial at municipal health office ng probinsiya.

Program.

Samantala, lahat na SK sa loob ng isla-probinsiya ay kwalipikado upang magawaran ng Most Outstanding Sangguniang Kabataan Award.

Para naman magawaran ng parangal ang isang proyekto ng kabataan, ito ay kinakailangang nakaangkla sa tinatawag na ‘Nine Centers for Youth Participation’ alinsunod sa Philippine Youth Development Plan 2017-2022.

Nakasaad din sa nasabing ordinansa na ang proyekto ay kinakailangang naipatupad na nang halos isang taon upang maging kwalipikado na magawaran ng parangal at mayroon aniyang “verifiable” at “significant” na resulta.

Ang mga organisasyon at SK ay kinakailangan ding makitaan ng mga sumusunod na pamantayan para magawaran ng parangal: Effectiveness, Good Planning, Transparency, Financial Accountability, at Promotion of People’s Participation and Empowerment.

Samantala, ang mga proyekto na ipinapatupad aniya ay kailangan mayroong ‘Positive Results and Impact on Stakeholders, Promotion of People’s Participation and Empowerment, Effective Use of Resources, Innovation, and Transferability and Sustainability’.

8 L GHTHOUSE The Capitol
8 | THE LIGHTHOUSE
LAYONG MAGBIGAY-PUGAY sa mga natatanging kabataang lider ng Rokyaw Youth Awards, isang programang isinusulong ng Sangguniang Kabataan Provincial Federation na pinangungunahan ni Hon. Camille Qua.

‘Poon pa lang ini’- Gov. Cua layong paunlarin pa ang kalidad ng edukasyon sa Catanduanes

Nagsisimula pa lamang ang lokal na pamahalaan ng Catanduanes sa pagpapatupad ng mga programa upang maging mas dekalidad at abot-kamay sa mga Catandunganon ang pormal na edukasyon.

“Poon pa lang po ini kan satong mga dagdag na programa sa edukasyon,” mensahe ni Gov. Joseph C. Cua sa isinagawang Memorandum of Agreement Signing program noong ika-29 ng Hulyo, 2021.

Matapos ang isinagawang programa para sa pitong bagong iskolar na bahagi ng Medical and Law Scholarship program ng pamahalaan, inilatag naman ni Cua ang

ilan sa kaniyang mga hakbang sa pagpapaunlad ng antas kolehiyo at graduate school sa probinsiya.

Ngayong taon, planong amyendahan ang undergraduate scholarship program ng pamahalaan upang mas madagdagan pa ang mga iskolar ng probinsiya sa matrikula.

“Aamyendahan ta ang undergraduate scholarship program ta ini dai na gatupo sa Universal Access to Quality Tertiary Education Act. Gusto tang madagdagan ang tuition fee assistance asin matawan nin stipend an satuyang mga Provincial Scholars sa kolehiyo,”

banggit ni Cua.

Maliban sa Medicine at Law scholarships, patuloy naman ang pagpaplano ng lokal na pamahalaan upang maipasa ang ordinansang naglalayong magbigay ng scholarship sa mga estudyanteng nagbabalak kumuha ng Master’s at Doctoral degrees.

“Satuya man pong ipadagos ang pagpasa kan specialized scholarship for Masteral and Doctoral degrees. Padagos tang pigaplantsa ang proposed na ordinance na makatao nin asistensiya sa mga professionals para sa saindang Continuing Professional Development,”

ayon sa Gobernador.

Higit pa, pinaplantsa na rin ng pamahalaan ang pagtatag ng scholarship program para sa mga teknikal na kurso sa kolehiyo.

“In the coming years, we will have a scholarship program in critical areas like Meteorology, Agricultural Engineering, Urban Planning, Maritime, and Marine Science. This will be our next priority,” dagdag niya. Nagpaalala naman si Cua na ang pagpapaunlad ng kalidad ng edukasyon ay isang daan tungo sa mas magandang hinaharap para sa ating probinsiya.

“When we invest in education, we are securing a better future not only for the individuals but the society as a whole,” saad ng gobernador.

Kaugnay nito, binigyang-diin din niya na wala nang mas susulit pa sa paglalaan ng pondo’t mga programa para sa ikauunlad ng mga Catandunganon.

“There is nothing more worthwhile than investing in the development of the Catandunganon minds,” kaniyang pagtatapos.

200 tablets ihahandog ng PLGU sa mga estudyante ng CatSU

Dalawang-daang smart tablets ang nakatakdang ipamahagi ng Lokal na Pamahalaan ng Catanduanes sa mga piling estudyante ng Catanduanes State University (CatSU) sa pangunguna ni Gov. Joseph C. Cua.

Ang aksiyong ito ng lokal na pamahalaan ay pagtugon sa hiling na donasyong smart phones at tablets ni CatSU President Patrick Alain T. Azanza, upang maihandog sa mga nangangailangang estudyante ng nabanggit na unibersidad.

Sa ipinadalang sulat kay Dr. Patrick Alain T. Azanza, pangulo ng CatSU, ipinahayag ni Governor Cua na naging mahirap para sa mga estudy-

ante ang ipagpatuloy ang kanilang pag-aaral dahil sa bagong sistema ng edukasyong dala ng pandemiya.

“With the radical shift in the education system brought about by the COVID-19 pandemic, I understand how difficult it is for both the educators and the students to adjust in remote and/or virtual learning,” saad ng Gobernador.

Maliban dito, bahagi rin ang aksiyong ito sa pagsasakatuparan ng pangako nitong maging katuwang ng CatSU sa pagkamit at pagbigay ng kalidad na edukasyon sa mga Catanduanganon, pagpapatuloy ng sulat.

– Catandunganon

Tapos na ang mga araw ng pangungutang para sa mga magulang ni Catherine Tolentino, matapos niyang mapabilang sa pitong Catandunganon na napagkalooban ng limang taong scholarship ng programa ng lokal na pamahalaan ng Catanduanes.

“Pa, Ma, tama na po ang pangungutang, scholar na ako,” taasnoong sinabi ni Catherine Tolentino sa kaniyang maikling mensahe nitong Hulyo 29, 2021, sa ginanap na Memorandum of Agreement Signing para sa mga bagong iskolar ng Catanduanes.

Ayon kay Tolentino, noong nalaman niya ang Catanduanes Medicine and Law Scholarship Program ng lokal na pamahalaan, nilkasan niya ang kaniyang loob na magpasa ng aplikasyon, kahit na para sa kaniya’y napaka-imposibleng matatanggap siya.

“Hindi na ako nagpatumpik-

tumpik pa, muli kong nilakasan ko ang aking loob para sa pangarap, para sa aking kinabukasan,” ani Tolentino.

Sa kabilang banda, ibinahagi ng iskolar na hirap ang kaniyang pamilya sa paglikom ng pera para sa kaniyang tuition, lalo na’t nag-retiro na sa kaniya-kaniyang propesyon ang kaniyang mga magulang.

“Being raised in an average-income family, with both retired parents, napakahirap makabuo ng ipambabayad ng 6-digit tuition fee per semester ng aming paaralan,” banggit niya.

Binalikan din nito ang mga panahong kinailangan niyang magpadala ng promissory note sa kaniyang paaralan para lamang sa maipagpatuloy ang kaniyang pagaaral.

“Naalala ko na kailangan kong magpadala ng promissory note sa admission officer or cashier para

Samantala, ipinahayag naman ni Dr. Azanza ang kaniyang pagpapasalamat sa Gobernador sa isang Facebook post. Ayon sa kaniya, higit na kailangan ang kooperasyon at pagtutulungan ng kanilang unibersidad at ng pamahalaan lalo na sa mga panahong ito.

“Mabalos tabi Gov. Cua sa dakulang tabang na ini para sa satuyang mga estudyante na nangaipo tabi nin suporta hali sa gabos. This kind of partnership, and mutual cooperation are what we need with our local government units (LGUs),” pahayag ng Pangulo.

Ikinagulat din ni Azanza ang

biglaang pagbisita ng Gobernador sa CatSU upang personal na magbigay suporta at asistensiya sa mga planong programa at proyekto ng unibersidad.

“Instead of inviting me to the Capitol, he said he personally wanted to express his support to my vision as well as plans and programs for the Catanduanes State University. He found time and squeezed into his busy schedule this surprise courtesy call,” ani Azanza.

Ayon sa pangulo, naging mainit ang pagtulong at pagsuporta ng lokal na pamahalaan ng lalawigan, na pinangungunahan nina Governor

Cua at Congressman Hector Sanchez.

“Our LGU’s, led by Governor Cua, have warmly responded and have given strong support to our vision and plans for CatSU. Cong. Hector Sanchez, who sits as member of the CatSU Board of Regents has also expressed his full support,” wika nito.

Nakatakdang maipamahagi ang mga nasabing tablets bago magtapos ang taon. Maliban sa 200 tablets na ihahandog ng Kapitolyo, mayroon pang karagdagang 500 smart phones ang ihahandog ang isang pribadong sektor sa mga piling mag-aaral.

makapagtake ng prelims, midterms, at finals,” dagdag pa nito.

Sa kabila nito, malakas pa rin ang loob ni Tolentino para ipagpatuloy ang kaniyang pag-aaral at maging isang ganap na doktor.

“Hindi kami mayaman, pero may buo at malakas na loob ako para tapusin ang sinimulan ko,” ayon sa kaniya.

Dinagdag pa niya na walang imposible, at tibay at lakas ng loob na taglay ng isang tao ang magdadala sa kaniya sa tagumpay.

“Kapag gusto mo, magagawan ng paraan kahit na napaka-imposible. Persistence really pays off and success is always reachable if you really want it,” pagtatapos niya.

Si Tolentino ay kasalukuyang nag-aaral ng medisina sa AMEC –Bicol Christian College of Medicine sa Legazpi City.

9 L GHTHOUSE The Capitol
‘Ma, Pa, tama na po ang pangungutang’
iskolar
THE LIGHTHOUSE | 9 JANUARY - SEPTEMBER 2021
ISKOLAR NA AKO. Emosyonal na nagbigay ng mensahe si Catherine Tolentino sa isinagawang Memorandum of Agreement (MOA) ng mga bagong medicine at law scholars nitong ika-19 ng Hulyo 2020. PATULOY ANG PAGKATUTO ng kabataan sa Barangay Bote sa bayan ng Bato sa isinagawang reading lessons nina Ace John Tabuzo at mga kasamahan niya sa Governor’s Office nitong ika-22 ng Setyembre 2020. Photo by Jefferson Arcilla.

MA, PA, ISKOLAR NA AKO ! KILALANIN ANG UNANG BATCH NG SCHOLARS NG CMLSP

GARCIA, JIRAH S.

Dahil sa kagustuhang itaguyod ang pangarap na maging isang doktor, ipinagsabay ni Jirah Garcia ang pagtatrabaho sa isang clinic at ang kaniyang pag-aaral. Pero ngayon, hindi niya na ito kakailanganin pang gawin dahil ganap na siyang iskolar ng probinsiya.

Tubong Timbaan, San Andres, si Jirah ay lumaki sa mga negosyanteng magulang. Ang kaniyang mga magulang, sina Armando at Daisy Garcia, ang nagturo’t gumabay sa kaniya upang maging madiskarte at maparaan sa buhay. Kaya naman kahit siya’y nag-aaral, siya rin ay kumakayod upang makapag-ambag sa pamilya at makapag-ipon ng kaniyang pangmatrikula. Nariyan din ang kaniyang mga kapatid, sina Jeremy, Jeremiah, at Joanne, na hindi kailanman nagkulang sa pagsuporta, at patuloy na gumagabay sa kaniyang pag-aaral.

Nagtapos si Jirah na mayroong degree sa Chemistry sa Bicol University noong 2014. Sa kasalukuyan, 27 taong gulang na si Jirah, at nasa ikalawang taon siya ng pag-aaral ng Medisina sa AMEC – Bicol Christian College of Medicine sa Legazpi City. Determinado siyang tapusin ang pag-aaral at maipasa ang Physician Licensure Exams (PLE) – para sa pamilya, para sa probinsiya.

TOLENTINO, CATHERINE C.

Ngayong taon, hindi na muling mangungutang pa ng pera ang mga magulang ni Catherine C. Tolentino para makapagbayad ng pang-matrikula. Hindi niya na rin kakailanganin pang magpadala ulit ng promissory note sa admission officer para makakuha ng preliminary at final examinations. Ngayong taon, Catandunganon iskolar na si Catherine.

Mula pagkabata, nakatatak na sa isip at puso ni Catherine na magiging ganap na doktor siya sa kaniyang paglaki. Ngayon na siya’y 28 taong gulang na, maisasakatuparan na ang pangarap niyang ito. Nakapagtapos siya ng Bachelor of Science in Nursing (BSN) sa Catanduanes State University (CatSU) noong 2013, at kasalukuyan namang nag-aaral ng medisina sa AMEC – Bicol Christian College of Medicine sa Legazpi City. Lumaki sa mga magulang na parehong mga guro si Catherine. Ang kaniyang ama, si Rudy Tolentino na dating punongguro, ay isa nang Barangay Captain, at ang kaniyang ina naman, si Rebecca Tolentino ay isang retiradong guro sa Virac Pilot Elementary School (VPES). Sa ngayon, may dalawang anak na si Catherine. Bagama’t mahirap para sa kaniya na ipagsabay ang pagiging ina at ang pagtupad sa kaniyang pangarap, nandiyan ang kaniyang Ate Bam para gumabay at umalalay.

SANCHEZ, CHRISTINE BERNADETTE D.V.

Hindi na mananatili pa sa imahinasyon at mga panaginip lamang ni Christine Bernadette Sanchez ang pangarap niyang maging isang ganap na doktor dahil sa loob ng ilang taon ay maisasakatuparan niya na ito bilang isang Catandunganon iskolar.

Nakapagtapos ng Bachelor of Science in Biology sa University of Santo Tomas – Manila si Christine noong 2015; at ngayong taon siya ay nag-aaral sa Our Lady of Fatima/ University – College of Medicine. Lumaki sa San Pedro, Panganiban ni Christine – dito siya unang natuto, at siniguro niya na dito niya unang ibabalik ang mga kaalaman na makukuha niya sa kaniyang muling pag-aaral.

Ang kaniyang ina, si Maritez Sanchez ay isang guro; ang kaniyang ama, si Francis Sanchez ay isang manggagawa. Mayroon siyang dalawang kapatid, si Lizette Sanchez, na kasalukuyang nagtatrabaho bilang empleyado sa munisipyo ng Panganiban, at si Emmanuel.

Sa ngayon, nakatuon ang puso’t isipan ni Christine sa pagpapabuti ng kaniyang pag-aaral, maipasa ang Physician Licensure Exams (PLE), at mabigyan ng mas magandang buhay ang kaniyang pamilya. Higit sa lahat, adhikain din niyang matulungan ang mga taong nangangailangan ng tulong, at mapabuti ang sistema ng healthcare sa lalawigan ng Catanduanes.

10 L GHTHOUSE The Capitol

Marahil isa si Lynrose Tabuzo sa mga tao na mula pa lamang sa murang edad ay nagsisimula na sa paghahanda para sa kanilang mga pangarap sa buhay. Mula noong bata pa, ginusto niyang maging abogado.

Kumuha siya ng kursong Accountancy sa kolehiyo, nagtapos bilang Cum Laude, at naging Certified Public Accountant nang maipasa ang board exam noong 2018.

Mula sa malayong lugar ng Cabuyoan, Panganiban, Catanduanes, si Lynrose ay pursigidong maabot ang kaniyang mga pangarap gaano man kahirap ang proseso. Kaya nama’y buong-loob siyang nag-apply sa Catanduanes Law and Medicine Scholarship Program.

Ngayong taon ay sinimulan niya na ang kaniyang pag-aaral, bilang isang iskolar ng probinisya, sa Unibersidad ng Santo Tomas – Legazpi. Mula sa pag-aaral ng mga numero, ngayon nama’y magpapakadalubhasa siya sa batas.

Mula sa pag-aaral ng mga sukat, dimensyon, at tibay ng mga istruktura, patungo sa pag-aral ng mga probisyon, mandato, at parusa ng batas, hindi natin aakalain na itong inhinyerong si Sunshie Tapiador ay gusto maging isang ganap na abogado.

Si Sunshine ay residente ng Batong Paloway, San Andres. Siya ay anak nina Alfredo at Wilhelmina Tapiador. Nakapagtapos siya ng Bachelor of Science in Engineering sa Catanduanes State University. Sa kasalukuyan, siya ay ay nagtatrabaho sa Provincial Government.

Kapag wala sa trabaho, siya ay nasa kaniyang mga klase sa Unibersidad ng Sto. Tomas-Legazpi. Kapag kaniyang natapos ang kursong Juris Doctor at mapasa ang Bar, hindi na lamang siyang lisensiyadong inhinyero kundi magiging ganap na abugadong patuloy na magsisilbi sa probinsiya.

Maraming nagsasabing mas mainam na ating habulin ang ating mga pangarap kahit na nahuhuli na tayo kaysa hindi na natin ipagpatuloy pa ang laban. Isa sa mga taong ito si Jude Tacorda, na nagsisilbing patunay na hinding-hindi magiging huli ang mga bagay basta’t may determinasyon ka upang lumaban pa. Si Jude ay anak nila Marucio at Marilou Tacorda at kasalukuyang naninirahan sa San Isidro Village, Virac. Nang makapagtapos sa kolehiyo sa Catanduanes State University sa kursong Political Science noong 2018, agad niyang tinahak ang pag-aabogasiya isang taon ang makalipas. Kasalukuyan siyang nasa ikatlong taon sa University of Santo Tomas-Legazpi College of Law. Pangarap niya makatulong sa pamilya, kapwa at probinsya bilang isang abogado. Nais niyang maipaglaban ang mga magiging kliyente niya mula sa pang-aabuso ng iba. Sa kaniyang pagpasok sa law school, bitbit niya ang adhikaing ito upang magsilbing inspirasyon sa kaniya. Sa kaniyang pagiging iskolar ng probinsiya, mas naging maigting ang kaniyang pagpupursige para makapagtapos.

Bilang manunulat at isang feminista, naging motibasyon ni Rochelle Ann Molina ang mga karanasan bilang babae para tuluyang kumuha ng abogasiya. Sa kaniyang mga panayam sa harap ng panel interview, kaniyang inilahad na sa pagtahak sa landas na ito, gusto niyang ipaglaban ang karapatan ng mga kababaihan at maging katuwang nila upang mas maipahayag ang kanilang mga boses.

Isang iskolar ng bayan, si Rochelle ay nakapagtapos bilang Cum Laude sa premyadong institusyon ng Unibersidad ng Pilipinas Los Baños sa kursong Communication Arts (Major in Writing). Ngayon ay ipagpapatuloy niya ang pagiging ‘Iska’ dahil matagumpay siyang napabilang sa mga piling mag-aaral sa UP College of Law. Si Rochelle ay anak ng parehong nasa sektor ng edukasyon dito sa probinsiya – sina Roberto, punongguro, at Nena Molina, isang guro. Ang kaniyang pamilya ay mga residente ng Calatagan, Virac Catanduanes.

11 L GHTHOUSE The Capitol CATANDUANES MEDICAL AND LAW SCHOLARSHIP PROGRAM | 11
TABUZO, LYNROSE O. TAPIADOR, SUNSHINE Q. TACORDA, JUDE M.
MOLINA, ROCHELLE ANN T.

L GHTHOUSE The Capitol

JANUARY - SEPTEMBER 2021 ISSUE

12 PAGES

Simple ang naging plataporma niato kang kita poon pang maging Gobernador. Ini iyo an mas dakol ang matabangan tang parauma, parasila, paratukdo, estudyante, lalo mga tugang tang nangangaipo. Kita nangarap na ang isla-probinsiya, mas lalong maguswag sa paagi nin satong mga programa.

Naging madari ining maabot ta an pagtarabangan, natural sa mga Catandunganon. Ini satuya nang kultura uya na napapahiling lalo sa panahon nin kadeficilan. Sa tahaw kan pandemiya, pinamati niato an dakulang suporta sa satong frontliners sa pagdonar nin mga kaipong PPE asin pagkaon. Pagkatapos man kitang padapaon nin Super Typhoon Rolly, buminuhos ang tuwang asin donasyon para maasisteran kita sa satong pagtindog.

Dakula ang pagpamabalos ko na sa sakuyang termino bilang lider, dakol kitang katabang na parehas tang may pagmakulog sa kapwa. Kabali uya ang mga doktor asin nurses, pulis asin iba pang armed personnel, mga non-government asin humanitarian organizations, mga joven, pati an mga kaiba ta sa Kapitolyo. An kaogmahan niatong makatabang sa iba, saro asin pararehas.

Padagos kita sa satuyang mga ginigibo. Ini an satuyang pirming yapanghawakan sa satong trabaho: serbisyo para sa tawo.

Gov. Joseph C. Cua Province of Catanduanes

Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.