UPLB Perspective Vol. 49, Issue 1 (April 26, 2023)

Page 12

VOLUME 49, ISSUE 1 JANUARY - MARCH 2023 BAKLASIN ANG MAKINARYA, BIGUIN ANG DIKTADURYA! EDITORYAL PAHINA 24

Students, faculty register last semester’s struggles, oppose MROTC

A decline in DRP and LOA cases signifies how students gear toward #LigtasNaBalikEskwela and emphasize the need of faculty and staff.

As the first semester for Academic Year (AY) 2022-2023 came to an end, students and faculty aired their struggles and calls during the First Day Fight (FDF) last February 14.

Last semester, UP system implemented the blended learning mode, a combination of face-to-face (F2F) classes and remote learning setup. This hyflex mode is intended for transitioning to full face-to-face classes after four semesters of pure online learning.

Amid this transition, the Office of the Vice President for Academic Affairs (OVPAA) Memorandum No. 2022-127 was released. This memorandum reinstates such academic policies that were previously lifted since the second semester of A.Y. 2019-2020.

Furthermore, the memorandum stipulates the return to a minimum of 15-unit regular course load, removal of No Fail Policy, reinstatement of academic delinquency rules, enforcement of Maximum Residency Rule (MRR), and return of University policies on attendance and deadlines for dropping and filing of leave of absence (LOA).

“Ang pag-aalis ng no-fail policy ay hindi nakatulong, dahil maraming estudyante ang napressure at napunta ang lahat ng problema sa pag-iisip kung paano mag-aadjust at aayusin ang academics nila,” UPLB College of Engineering and Agro-Industrial Technology (CEAT) Student Council emphasized during the FDF.

(The removal of the no-fail police did not help, because a lot of students felt pressured and their minds became cluttered with thinking on how to adjust and fix their academics).

The First Day Fight was held at the Carabao Park to amplify and echo the calls of the studentry on the current issues in the education system. This protest serves as a sem-starter mobilization for UP students.

FDF revealed many concerns during the last blended learning semester. Common concerns include finance, internet connectivity, lack of student spaces, and heavy academic workload.

The mobilization also called out the budget

cuts, the implementation of the Mandatory Reserve Officers’ Training Corps (MROTC).

In the middle of the mobilization, a snake rally was formed wherein participants marched to Freedom Park where the annual protest fair “UPLB February Fair” (Feb Fair) was being held. The end of the protest marked the official start of the Feb Fair.

For this current semester, the University still adapted the blended learning model. However, there will be more classes to be delivered with Model 2 and 3, which has F2F classes as compared to last semester.

DRP AND LOA CASES

UPLB Perspective reached out to the Office of the University Registrar (OUR) to compare the data for drop (DRP) and LOA cases for the last two semesters. Second Semester AY 2021-2022 was conducted in a full online mode, whereas blended learning was implemented for the 1st Semester of AY 2022-2023.

LOA cases refer to those who enrolled and opted to go on LOA, while DRP cases refer to those who dropped at least one course.

For undergraduate students, a total of 1,489 DRP cases were reported last semester, while there were 3,111 DRP cases during

the second semester of A.Y 2021-2022. This accounts for a 70.52% difference.

As for LOA cases, a 2.24% decrease can be observed since 221 LOA cases were reported last semester, while 2nd Sem A.Y. 2021-2022 had 226 LOA cases.

On the other hand, a total of 100 DRP cases were reported in the last semester for Graduate students. This has a 37.40% difference for 2nd Sem A.Y. 20212022 with a total of 146 DRP cases during the second semester of A.Y 2021-2022.

Shortly after the First Day Fight, UPLB Perspective interviewed Student Regent (SR) Siegfred Severino regarding his thoughts on how to overcome high DRP cases this current semester.

“Dapat ang ating administrasyong ay gumagawa ng kondisyon na masigurado na ang pag-aaral ng ating mga estudyante ay hindi nasasagabal at nakakapag-aral sila in the most conducive way possible at sa tulong ito ng pag-eexpand ng ating mga student support services. Kailangan mas pagtibayin ‘yung mga subsidy at scholarship programs [to] ensure na mabibigyan ng oportunidad at kakayahan ang mga estudyante na bumalik sa campus at magamit ang mga pasilidad,” said SR Severino.

(Our administration should make the

JANUARY-MARCH 2023 UPLBPERSPECTIVE.ORG
2 | NEWS Double trouble in MIMAROPA PAHINA 04 PAHINA 08 Sa himig at indak ng pakikibaka Beyond EDSA PAHINA 15 PAHINA 20 Ang puna ay mapagpalaya
GRAPHICS BY
COVER VOLUME 49, ISSUE 1 FEBRUARY - MARCH 2023
LEOJAVE ANTHONY INCON All recorded cases of LOA or DRP for 2nd Semester of A.Y. 2021-2022 and 1st Semester A.Y 2022-2023 in all UPLB colleges as the transition to face-to-face classes occur.

conditions to ensure that the learning of our students is unobstructed and in the most conducive way possible, which can be done with the help of the expansion of our student support services. We have to strengthen the subsidy and scholarship programs to ensure that we can give the opportunity and ability for the students to return to the campus and use the facilities).

Perspective also reached out to Vice Chancellor for Student Affairs (VCSA) Janette Malata-Silva about the reasons for high DRP cases. She explained that time management is one of the primary reasons why students drop a course. Aside from this, VC Malata-Silva ensured that the OVCSA is committed in addressing the issues faced by the students.

“Crucial ang datos sa mga rason for dropping. Those reasons must be the primary considerations in addressing the issues on DRP. Honestly, DRP is better than a failing grade so perhaps a bit of contextualization is necessary. Failing grades lead to a dismissed or permanently dismissed status. DRP means students did not earn the unit/s,” she added.

UNITE TO STRUGGLE

During the first semester of the academic year, issues like the P2.5-billion UP budget cut and the National Citizen Service Training (NCST) bill arose.

The NCST bill was passed last December 15 in the House of Representatives during its third reading. The bill mandates that the first two years of college will include “citizen’s soldier training”.

SR Severino states the initiatives of the campus in order to oppose the Mandatory Reserve Officers’ Training Corps (MROTC). UPLB student councils will also be assisting the Office of the Student Regent (OSR) in their endeavors until lawmakers from congress and senate heeds their calls.

Alongside that, the first semester of blended learning revealed many issues regarding the academic workload, enrollment, student spaces, and dorms.

SR Severino expressed the council’s plans to fix students’ concerns, especially with the return of face-toface classes. OSR plans to talk with UP system officials to ensure that the policies for the second semester would be followed.

“Kabilang dito ang on-going negotiation namin para i-revamp yung Student Learning Assistance System or SLAS, kasi time-and-time again napatunayan natin na sobrang bagal ng release ng mga budget subsidies ng mga estudyante. Karugtong pa dito, nagrequest tayo na mapasama sa isang system-wide task force na magrereview at mag-eexpand ng mga dormitory slots on all constituent units sa buong UP system”.

CLAIRE DENISE SIBUCAO

Punong Patnugot

GABRIEL JOV DOLOT

(Part of this is the on-going negotiation we have in order to revamp the Student Learning Assistance System or SLAS, because time-andtime again we have proved that the release of the budget subsidies of the students are slow. Additionally, we requested to be included in a system-wide task force that will review and expand the dormitory slots on all constituent units in the whole UP system)

As the representative of the student body, SR Severino set his expectations for the new UP President Angelo Jimenez.

“Karugtong, papatak din sa simula ng kanyang termino yung pagpapalawig ng pagbubukas ng atin kampus. Kaya inaasahan natin na sa pagbalik natin o sa pagpasok natin sa new normal, na tinatawag nila, magiging bago rin yung pakikitungo ng administrasyon sa mga estudyante. Mas magiging bukas ang mga daluyan ng impormasyon at komunikasyon. At higit sa lahat, magiging prayoridad ang kapakanan at karapatan ng atin mga estudyante”

(Additionally, the start of his term is the opening of our campus. That is why we expect when we come back to the campus or the new normal, which they call it, the administration will also approach the students in a new way—channels of information and communication will be more open. Most importantly, the welfare and rights of the students will be prioritized). [P]

KYLE RAMIEL DALANGIN

Patnugot ng Kultura

AIRA ANGELA DOMINGO

RELATED STORIES

READ: Upon return to campus, students raise concerns on Internet connection, limited spaces for blended learning

READ: UPLB students, staff call for higher provisions amid infrastructure drive in proposed additional budget

SINCE 1973 • TAON 49, BILANG 1

Ang opisyal na pahayagan ng mga magaaral ng Unibersidad ng Pilipinas Los Baños

Silid 11, 2nd Floor Student Union Building, Mariano M. Mondonedo Avenue, UPLB 4031

EDITORIAL perspective.uplb@up.edu.ph

OPINION opinion.uplbperspective@gmail.com

ORGWATCH orgwatch.uplbperspective@gmail.com

Miyembro, UP Systemwide Alliance of Student Publications and Writers’ Organizations (UP Solidaridad) at ng College Editors’ Guild of the Philippines (CEGP)

Kapatnugot

ARON JAN MITCHELL SIERVA

Tagapamahalang Patnugot sa Internals

ALIAH ANNE ZYRELLE PINE

Tagapamahalang Patnugot sa Externals

MARK ANGELO FABREAG

Patnugot ng Balita

MARL VINZ OLLAVE

Patnugot ng Lathalain

Patnugot ng Opinyon

ARIANNE MER PAAS

Patnugot ng Produksyon

MICHAEL IAN BARTIDO

Kapatnugot sa Paglalapat

LEOJAVE ANTHONY INCON

Kapatnugot sa Grapiks

JONEL REI MENDOZA

Kapatnugot sa Litrato

SHANE RACHEL DEL ROSARIO

Patnugot sa Broadcast

FEDERICK BIENDIMA

Tagapamahala ng Sirkulasyon

RAINIE EDZ DAMPITAN

Patnugot ng Online

AUBREY BEATRICE CARNAJE

Tagapamahala ng Pinansya

BIANCA YSABEL RABE

Recruitment and Training Officer

KYLA FFYETTE ADORNADO

Recruitment and Training Officer

JANUARY-MARCH 2023 UPLBPERSPECTIVE.ORG NEWS | 3
PHOTO BY JONEL MENDOZA Students and faculty members mobilized a snake rally from Carabao Park to the Freedom Park.
#FirstDayFight #DefendAcadFreedom #NoToMandatoryROTC ONLINE uplbperspective.org

Double trouble in MIMAROPA: Brooke’s Point and Sibuyan dig their way out of mining threats

Brooke’s Point, Palawan and Sibuyan Island, Romblon both face mining threats from private companies, and subsequently, fight against these threats through collective action.

Recent incidents proved how Palawan and Romblon are not just similar in the region they belong to, nor with the large nickel deposits that they are known for. Residents in Brooke’s Point, Palawan, and Sibuyan Island, Romblon are also united by the same cause – to collectively stand up against large-scale mining operations in their communities.

The controversy on mining operations has sparked in Brooke’s Point and Sibuyan Island recently: both communities face a huge threat due to mining activities facilitated by two large private companies that both lack legal permits.

Last February, the mining issue in Brooke’s Point once again resurfaced. A human barricade called “Barikada ng Bayan” was put up through the collective action of residents to oppose the mining operations of Ipilan Nickel Corporation (INC).

Residents and local government officials alike assert that the company currently operates without a Mayor’s Permit and Certificate Precondition (CP) from the National Commission on Indigenous Peoples (NCIP).

Amid the call for the Department of Natural Resources (DENR) Cease and Desist Order against INC, a Temporary Restraining Order (TRO) was issued last March 11, against anti-mining groups that are holding barricades at the mining site. Regional Trial Court of Brooke’s Point issued a TRO for a period of twenty days against the “rallyists that are occupying a portion of INC’s property and have set up barricades”, as stated in the order.

Brooke’s Point has long been experiencing destructive mining activities of different companies. In fact, data shows that the mining sites are situated within heavily protected areas.

Meanwhile, last January, mining operations in Sibuyan Island started, which was facilitated by Altai Philippines Mining Corporation (APMC). Despite heavy opposition from residents and environmentalists, APMC pushed through with the operations until suspended by DENR due to notices of violations.

The said suspension is not possible without the collective action of the Sibuyanons for the past couple of weeks. Residents set up their own barricade called “Barikada Kontra-Mina” in front of the mining site. Similar to Brooke’s Point, the company continues to operate despite not securing complete permits from concerned agencies.

Two Sibuyan defenders were also left hurt after trying to block mining trucks from entering the private port. These trucks, aided by the police, forced their way through the human barricade.

In line with this turn of events, Alyansa Tigil Mina (ATM) launched its Anti-Mining Solidarity Week, from March 6-11, to echo calls opposing mining activities in Brooke’s Point and Sibuyan Island.

ATM is a coalition of mining-affected communities that aims to stop large-scale mining in the Philippines.

UNEARTHING THE DANGERS

Brooke’s Point, dubbed as the “Growth

Center of South Palawan,” is home to the Mount Mantalingahan Protected Landscape (MMPL) – the highest mountain in Palawan island and a 120,457-hectare protected area that is home to natural forest and watersheds. It is depended on for agriculture, drinking water, and various livelihoods.

Brooke’s Point is also home to several endangered species. In a 2021 interview with the Perspective, Brooke’s Point Vice-Mayor Jean Feliciano also deemed the place as the “food basket of Palawan”, supplying large amounts of food products in the province.

On the other hand, Sibuyan Island in Romblon dubbed the “Galapagos of Asia”, is considered “one of the densest forests in the world”. According to AGHAM – Advocates of Science and Technology for the People, Sibuyan is a small island ecosystem with “forests, mangroves and seagrass beds [that] are natural carbon sinks that serve as a defense for intensifying climate events”.

This rich biodiversity is what the residents seek to protect as they call to stop mining activities. According to Cleng Julve, Campaigns Officer of AGHAM, “Mining has no place in a small island ecosystem such as Sibuyan.”

Elizabeth Ibanez, Coordinator of Sibuyanons Against Mining (SAM), added that mining on the island is “unacceptable”.

“To allow mining in Sibuyan, which is known to be the Galapagos of Asia, is

unacceptable. Large-scale mining will drastically and negatively impact the rich biodiversity of our region as well as affect the livelihood of our people,” Ibanez said.

In fact, when DENR suspended mining operations in Sibuyan last February, they also ordered the Romblon Provincial Environmental and Natural Resources Office to investigate “the potentially damaged sea grass and other marine resources”.

Meanwhile, Feliciano also exposed the environmental implications supposedly brought upon by mining activities.

“We are already experiencing the harsh effects of the mining as our communities were damaged by flash floods, which we suspect are due to mining. We do not want to mining in the region, and the government must respect our decision to determine for ourselves our development programs,” Feliciano said, calling on the DENR to cancel the Mineral Production Sharing Agreement (MPSA) of Ipilan Nickel Corporation.

A study by Palawan State University, Brooke’s Point Campus Faculty Lhynette Zambales, published in the European Scholar Journal (ESJ) in February 2021, showed the impacts of mining in Palawan. Through interviews with communities, it was found that significant effects of surface mining include land degradation. The interviews add that the use of machines in mining

JANUARY-MARCH 2023 UPLBPERSPECTIVE.ORG
4 | NEWS
PHOTO FROM ALYANSA TIGIL MINA The tension between Sibuyanons and police as a mining truck forced its way through the human barricade.

makes the land “uncultivable for agricultural purposes”. Mining also led to the siltation of rivers and the loss of biodiversity.

A 2021 article by the Perspective showed that mining in mountainous areas will have adverse consequences on food production capacity, while also increasing the risk of landslides. Hence, mining in Brooke’s Point – deemed as the “food basket of Palawan” – will adversely affect residents’ ability to manage food shortages.

In addition to the activities being environmentally-destructive, it accounts for a negligible contribution to the local economy.

According to IBON Foundation, while the Philippines has some 30% of its land area having high mineral potential, mining and quarrying accounted for only 0.8% of the gross domestic product (GDP) and 0.5% of total employment in 2022. The biggest beneficiaries of these activities are large mining corporations, while mining communities are said to remain among the “poorest in the country”.

DIGGING DUBIOUS ACTIVITIES

Aside from the negative effects of mining in Brooke’s Point and Sibuyan, the companies facilitating the operations also exhibit parallelism.

Even before former President Fidel Ramos signed into law Republic Act No. 7942 or the Philippine Mining Act of 1995, INC already showed interest in Brooke’s Point. INC operates under an agreement with Celestial Nickel Mining Exploration Corp. (CNMEC), which holds MPSA No. 017-93-IV. This agreement covers a vast area of 2,835 hectares including areas situated within the Mt. Mantalingahan-Pulot Range, which is a designated protected landscape and nominated as a UNESCO World Heritage Site.

In 2021, the Office of the Ombudsman suspended Brooke’s Point Mayor Mary Jean Feliciano on grounds of “oppression or grave abuse of authority”. Mayor Feliciano is at the forefront of opposing the mining activities in Brooke’s Point.

In an exclusive interview with Perspective in 2021, she recounted a personal experience wherein different mining companies attempted to bribe her to continue their operations. Feliciano asserted that no abuse of power and bribery will occur if these mining projects bring positive effects to the community.

Meanwhile, APMC is allegedly linked to the Gatchalian clan. Kenneth Gatchalian, brother of Senator Sherwin Gatchalian and Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian, is the direct beneficiary of APMC’s parent firm.

During public scoping facilitated by APMC last January, the public in Sibuyan already declared the activity as “full of irregularities”. The venue for the scoping is different from the invitation sent to the residents, and they also failed in providing details in the notice of the deadline for submitting comments.

Both mining companies, INC and APMC, also failed to secure complete legal permits for their operations.

Aside from failing to secure Mayor’s Permit, INC also operates without CP. The IP community has long been raising concerns over the lack of CP by the mining company. According to Section 59 of the Republic Act No. 8371 or Indigenous Peoples’ Rights Act of 1997 (IPRA), a CP from the NCIP shall be required in any agreement involving ancestral lands. However, INC took advantage of

technicalities and claimed that its MPSA predates the IPRA’s effectiveness. They asserted to be exempted from requiring a CP since their MPSA was issued on August 5, 1993, more than three years before the IPRA went into effect. Sibuyanons, on the other hand, triumphed in suspending APMC’s operations due to their handful of violations.

A Notice of Violation (NOV) was issued by DENR, which was received by AMPC last February 2. The company violated PD 1067 known as the Water Code of the Philippines and DAO 2004-24 and its Implementing Rules and Regulations. The violations are due to the shore easement construction of structures and the absence

of a foreshore lease agreement, respectively.

In addition, two violations were added as it was further found that the mining company was responsible for violations of Section 4 of PD 1586 – construction of causeway without Environmental Compliance Certificate (ECC) and Section 77 of PD 705 – cutting/clearing of trees without a permit.

These violations were included in the NOV which was supposed to be served on February 3, but there was no authorized person to receive the said document.

Despite these violations, police forces still favored the operations conducted by the mining company. This led to a violent incident that left two Sibuyan defenders injured.

“The police should have ensured a

peaceful protest and respected the position of the Sibuyan people against the mining company. They have no business taking the side of the mining company, especially since the Altai mining has no necessary permits for their oper ations,” National Coordinator of ATM Jaybee Garganera said.

CULTIVATING CALLS AGAINST MINING

Both Sibuyan and Brooke’s Point defenders unite to call for the cancellation of MPSA during the Anti-Mining Solidarity Week of Alyansa Tigil Mina. This is to completely revoke the mining activities in the said communities. Under MPSA, the government grants the mining contractor the right to mine a specific area, but not to title it over. The government also benefits from the production of the contractor as the owner of the minerals. Although DENR’s Cease and Desist Order against APMC is a victory for Sibuyan residents, this is only a suspension of the mining operations in the area.

“Likas Yaman Ipamana, Huwag Ipamina” is the rallying call among anti-mining groups during the anti-mining solidarity week. To formally launch the event, environmental groups marched towards DENR, on March 7, to conduct protest action. The groups walked under the banner of “Barikada ng Mamamayan” to enjoin Brooke’s Point’s “Barikada ng Bayan” and Sibuyan’s “Barikada Kontra-Mina”.

Aside from this, several mobilizations also took place in different parts of the country throughout the week. ATM and anti-mining groups also joined the protest for International Women’s Day (IWD), March 8, to forward their solidarity with women in communities affected by mining.

Last February 10, the House Committee on Natural Resources approved House Bill 259, or the People’s Mining Bill which has been lobbied by progressive groups for years. House Bill 259 primarily aims to develop mineral resources in the country to sustain national industrialization and the development of the agricultural sector. It also involves regulating mining activities towards a pro-environment and pro-people framework.

This bill also challenges the current mining law implemented in the country – the Mining Act of 1995. Aside from the large-scale environmental destruction it brings, this law allows foreign owned-corporations to exploit the country’s natural resources.

During the 28th year of its passage last March 3, student groups staged a mobilization at Vinzons Hall to call for its junking, as well as the immediate passage of HB 259. They also cited the recent incidents in Brooke’s Point and Sibuyan Island that involved the intervention of state forces.

Moreover, anti-mining groups demanded the current administration heed their calls to stop destructive mining activities in the country. “We call on the PBBM administration to listen to the demand of the people, especially those holding barricades in Sibuyan, Romblon, Brooke’s Point, Palawan, and Brgy. Didipio, Kasibu, Nueva Vizcaya,” Garganera stated.

Kasibu, Nueva Vizcaya is also a victim of large-scale mining that plunders the natural resources in the area. During the peak of the COVID-19 pandemic, Oceanagold mining company indiscriminately conducted its mining operations with the aid of police forces who violently dispersed barricading residents. [P]

JANUARY-MARCH 2023 UPLBPERSPECTIVE.ORG NEWS | 5

Sa gitna ng mahinang pasada at mababang kita, pasan din ng mga drayber ngayon ang nakaambang jeepney phaseout dala ng Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP) sa bansa.

ONLINE uplbperspective.org

#NoToJeepneyPhaseout #SaveOurJeepneys #StandWithOurDrivers

Sa laban ng drayber, kasama ang komyuter: Tigil-pasada, ikinasa sa Timog Katagalugan

Nitong ika-anim ng Marso, isinasagawa ang nationwide week-long transportation strike ng halos 40,000 na tsuper sa bansa. Pinangunahan ito ng transport groups na Malayang Alyansa ng Bus Employees at Laborers para sa Karapatan sa Paggawa (MANIBELA) at Pagkakaisa ng mga Samahan ng Tsuper at Operator Nationwide (PISTON).

Ang transportation strike ay isang pagkilos laban sa ipinasang Memorandum Circular 2023-013 ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na nagbabawal sa mga traditional public utility jeepneys (TPUJs) na mamasada sa susunod na taon hangga’t hindi nakakasali sa mga kooperatiba o korporasyon.

Parte ito ng Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP) ng gobyerno na naglalayong palitan ang mga lumang TPUJs ng mga ‘modernized jeepney’.

Ayon kay Carla Ac-ac, Community Rights and Welfare Committee (CRAW) Head ng UPLB University Student Council (USC), bagaman naglalayon ang ‘jeepney modernization’ ng isang ligtas na pamamasada sa parehong drayber at pasahero ay malaking hamon naman ito sa pinansyal na kakayahan ng mga tsuper.

“Sa kasulukuyan, required na sumali ang mga jeepney drivers sa isang COOP [cooperative] para maka-renew ng prangkisa at dahil sa pandemya ay karamihan ay kinakailangan na ito. Ang COOP ay pumapailalim

sa LTFRB at ang COOP ang magbibigay ng prangkisa pero kinakailangan ng PA [Provisional Authority]. Ang PA ay makukuha ng ating drivers sa loob ng tatlo hanggang anim na buwan at kinakailangan nilang dumaan sa tatlong hearing bago makuha ito. Hindi na rin nagbibigay ng five year franchise ang LTFRB sa mga jeep dahil na rin sa jeepney modernization.” paliwanag ni Ac-ac.

BANTA NG MALAWAKANG

‘JEEPNEY PHASEOUT’

“Kung intensyon ng pamahalaan ay safety ng mga pasahero, hindi phaseout ang sagot dahil inaasa lang nila sa mga drivers ang modernization”, ani Mariah Dela Provicencia ng Serve The People Brigade (STPB-UPLB).

Sa isang emergency meeting na ginanap noong ika-lima ng Marso na dinaluhan ng iba’t ibang organisasyon at alyansa ng mga kabataan sa Timog Katagalugan, ibinoses nila ang pangambang unti-unti nang sinisimulan ng pamahalaan ang jeepney phaseout sa pamamagitan ng franchise consolidation.

Sa ilalim nito, tatanggalan ng karapatan ang mga tsuper at operators na malayang makapamasada sa pamamagitan ng pagsuko ng prangkisa sa mga kooperatiba, at dadaan sa napakaraming proseso bago maaprubahan na makapasadang muli.

Bukod dito, labis ring ikinabahala ng mga tsuper ang presyo ng mga modernong jeepney kung sakali mang matuloy ang phaseout.

Tinatayang aabot sa 1.6 milyon hanggang 3.4 milyon ang halaga ng nasabing modernong jeepney, ngunit nasa higit isang daan at animnapu’t libo lamang ang ayudang handang ipamahagi ng LTFRB sa mga driver.

Hinihikayat din ng naturang sangay ng gobyerno na kumuha ng ‘financial support’ ang mga tsuper sa iba’t ibang bangko at mga pinansyal na institusyon na siya namang mariing tinututulan ng maraming drayber ng jeep dahil anila, lalo lamang silang mababaon sa utang.

Bago pa man harapin ng mga drayber ang banta ng jeepney phaseout, marami pa rin ang ilan sa kanila na hindi pa nakakabangon sa pinsalang idinulot ng pandemya sa kanilang hanapbuhay, kung kaya’t labis ang pagtutol nila dito sa madaliang pagpasa ng gobyerno sa jeepney phaseout.

Sa kasalukuyang estado ng ekonomiya ng bansa, patuloy na naitutulak sa hikahos na kalagayan ang mga tsuper. Nananatiling naglalaro sa 8.7% ang inflation rate sa bansa nitong Enero, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), na higit na nakaapekto sa paglobo ng presyo ng krudo at mga mahahalagang bilihin.

“Mabigat para sa kanila [week-long strike] kasi isang linggo silang mawawalan ng kita, [pero] kailangan nilang gawin para ipaglaban upang hindi tuluyang ma-phaseout ‘yung mga jeepney kasi kabuhayan nila ‘yun. Once mawala yun, mas matagal ‘yung magiging paghihirap nila… kaya importanteng maipakita ng kabataan ang

suporta para sa mga jeepney drivers.” dagdag ni Mariah ng STPB-UPLB sa malawakang strike na pinangunahan ng mga tsuper.

PAKINGGAN ANG BUSINA NG MASA

Sa kabila ng napakaraming pag-alma mula sa iba’t ibang sektor ng lipunan patungkol sa jeepney phaseout, tanging red-tagging at pambabanta lamang ang naging sagot ni Vice President Sara Duterte, at ng mga opisyales ng Department of Transportation (DOTr). Sa inilabas na pahayag ni Duterte laban sa ACT Partylist na nagpakita ng suporta sa malawakang transport strike na ikinasa ng mga tsuper, sinabi nitong ang isasagawang kilos-protesta ay communist-inspired at hindi nakakatulong sa pag-aaral ng mga bata.

Agad namang sinagot at binatikos ng ACT ang naging pahayag ng ikalawang pangulo at sinabing hindi red-tagging ang sagot sa totoong kinakaharap na krisis ng mga mag-aaral at mga guro sa edukasyon.

“... quit red-tagging and face the concerns of teachers and learners. It is shameful how DepEd Secretary VP Sara Duterte resorted to red-tagging the Alliance of Concerned Teachers Philippines instead of addressing the valid concerns of teachers and students in light of the scheduled transportation strike,” pahayag ng partylist.

(“…itigil ang panre-redtag at harapin ang mga hinaing ng mga guro at mag-aaral.

JANUARY-MARCH 2023 UPLBPERSPECTIVE.ORG
6 | NEWS
LITRATO MULA SA [P] FILES NINA MARKUS FABREAG AT MARILOU LORZANO

Nakakahiya kung paano humantong si DepEd Secretary VP Sara Duterte sa panre-redtag ng Alliance of Concerned Teachers Philippines sa halip na tugunan ang mga balidong hinaing ng mga guro at mag-aaral dahil sa nakatakdang transport strike.”)

Agaran namang pinuna ni Mody Floranda, National President ng PISTON, ang binitawang pahayag ni Duterte ukol sa idadaos na strike.

“Palpak ang pamamalakad mo sa DepEd. Mabuti pa gamitin mo itong susunod na linggo para mag muni-muni sa mga solusyon para sa classroom shortage at historical distortions sa curriculum natin”, aniya.

Hindi rin naging maganda ang pagtanggap ng publiko sa inilabas na pahayag ni Duterte sapagkat anila, hindi lamang ang mga tsuper, kundi iba’t ibang sektor ng lipunan ang nagkakaisa upang suportahan ang panawagang ibasura ang jeepney phaseout.

Bukod sa panre-redtag na ginawa ng ikalawang pangulo, naglabas din ng pagbabanta ang DOTr na tuluyang mawawalan ng prangkisa at haharap sa administrabo at kasong kriminal ang mga drayber ng dyip at operators na lalahok sa malawakang strike.

“Department of Transportation ba to o Department of Threats? Binabantaan nyo ng kaso ang jeepney drivers dahil sa ilang araw na tigil-pasada pero wala kayong problema na mawalan sila ng kabuhayan kapag tuluyang mawala sa kalsada ang mga jeep dahil sa jeepney phaseout?” agarang pagkondena ni Ivan Sugcang, National Chairperson ng League of Filipino Students sa pagbabantang ginawa ng DOTr laban sa mga tsuper. Sa kasalukuyan, nagsasagawa ngayon ng malawakang kilos-protesta hindi lamang ang hanay ng mga tsuper, kundi maging iba’t ibang mga progresibong grupo upang palakasin ang panawagang ihinto ang jeepney phaseout. Nakiisa rin ang mga tsuper mula sa lalawigan ng Rizal at Laguna upang ipanawagan ang pagbasura sa jeepney phaseout.

REHABILITASYON, HINDI PHASEOUT

Sa pag-ugong ng banta ng jeepney phaseout sa bansa, hindi lamang ang mga tsuper ang nanganganib mawalan ng pangkabuhayan, ngunit kabilang sa mga maapektuhan ang mga komyuter kasama ang mga estudyante sa nasabing ‘modernization’.

Sa patuloy na paglala ng pang-ekonomiyang krisis sa bansa, gaya na lamang ng pagtaas ng presyo ng gasolina at ng iba pang mga bilihin, magiging dagdag pasanin na sa mga Pilipino ang pang-araw-araw na gastusin sa pamasahe.

Mula sa Php 12 base fare na pamasahe ng

mga regular na komyuter, tataas ang pamasahe mula Php 25 hanggang Php 35 sa mga modern jeepney.

Isa rin sa mga kakaharaping hamon ng mga tsuper ang pagkuha ng mga modernong jeepney sa malalaking korporasyon. Dahil nga sa ibang bansa pa uungkatin ang mga jeepney, magiging dagdag pahirap din sa mga tsuper ang pagkuha ng mga piyesa nito kung sakali mang magka-aberya sa mga bagong jeepney.

Ayon kay Mang Rolly Perez, presidente ng samahan ng mga tsuper ng El Danda-Forestry-Junction Operators Divers Assoc. (ELF-JODAI), na eksklusibong nakapanayam ng Perspective, malaking dagok sa kanila bilang mga tsuper ang banta ng modernisasyon.

“Hanggang ngayon, napakalaking dagok pa rin ng modernisasyon sa hanay ng transport.” daing ni Mang Rolly.

Kabilang ang samahan nila Mang Rolly sa mga hindi sang-ayon sa panukalang jeepney modernization dahil anila ay lalo lamang sila nitong inilulugmok sa kahirapan, kabaliktaran sa nais palabasin ng gobyerno.

SA LABAN NG DRAYBER, KASAMA ANG KOMYUTER

Dahil sa malawakang strike na ikinasa ng iba’t ibang transport groups, nagkaisa ang iba’t ibang sektor ng lipunan upang magpaabot ng tulong sa mga drayber na mawawalan ng kita sa loob ng isang linggo.

Ang ilang mga progresibong grupo tulad ng STPB-UPLB, Youth Advocates for Peace with justice (YAPJUST-UPLB), All UP Academic Employees Union (AUPAEU-UPLB), at iba pang mga progresibong grupo ay nagsasagawa ng community pantries sa iba’t ibang lugar. Nagkasa rin ng donation drives ang mga nasabing grupo upang mabigyan ng tulong-pinansyal ang mga tsuper na walang iuuwing kita ngayong linggo.

Pinangunahan ng STPB-UPLB kasama ang iba’t ibang organisasyon mula University of the Philippines Los Banos (UPLB) ang pag-organisa ng community pantries sa lungsod ng Los Banos para sa mga tsuper na maapektuhan.

Maliban sa mga itatayong community pantries sa Timog Katagalugan, marami ring kampuhang bayan ang ikinasa sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila gaya ng Caloocan, Paranaque, Manila, Pasay, Quezon, Pasig, at Muntinlupa City. Sa mga kampuhang ito itatampok ang pamimigay ng polyeto, pamimigay ng mga pagkain sa mga tsuper na lumahok sa strike, at marami pang iba.

Sa kabila ng pananakot ng gobyerno laban sa isinagawang strike ng mga tsuper, dagsa-dagsa pa ring donasyon at suporta ang natanggap nila mula sa publiko. [P]

“Napakahirap ng biyahe ngayon. Walang pasahero, talagang tatakbo ka ng walang laman.” Ito ang mga katagang binitawan ni Rolly Perez patungkol sa hirap na dinaranas ng mga tsuper bunsod ng pandemya. Eksklusibong nakapanayam ng Perspective si Mang Rolly Perez, ang presidente ng samahan ng mga tsuper ng

El Danda-Forestry-Junction Operators Drivers Assoc. Inc. (ELF-JODAI) na matatagpuan sa Los Baños, Laguna; isa siya sa mga tsuper na humina ang kita dahil sa kasalukuyang pangkalusugang krisis. Hindi pa man nangyayari ang krisis na kinakaharap natin ngayon, binabagtas na nila ang mga kalsada ng Laguna.

Humigit isang taon na ang nakalipas nang magarahe at tila mabalahaw ang mga manggagawa sa sektor ng transportasyon. Ang dati nang hindi sapat na kita’y pinalala pa nang kawalan ng pasahero dulot ng pisikal na limitasyon sa ating mga pampublikong transportasyon.

Isang taong diperensya, ngunit iisang hinaing pa rin ang pilit na sinisigaw ng mga tsuper, ang makabalik sa kalsada upang makapag hanapbuhay at maibsan ang pang araw-araw nilang kalbaryo.

LUBAK NA DAAN

Bago mangyari ang krisis, tinatahak na ni Mang Rolly at ng kanyang dyip ang kahabaan ng Calamba hanggang sa kampus ng UP Los Baños. Kumikita siya ng P500 kada araw. Ngunit bumaba ang kita sa pasada nang lumaganap ang COVID-19; ang dating limandaang pisong naiuuwi sa pamilya ay naging P100 na lamang.

“Sa akin kasi, mahirap para doon sa mga miyembro mo na nakikita mo na walang biyahe.” wika ni Mang Rolly.

Ayon kay Mang Rolly, napakahirap para sa kanya bilang presidente ng kanilang asosasyon na makitang naghihirap ang kanyang mga kabaro. Dagdag pa niya, sa 147 na tsuper, walo lamang ang pinapayagang bumiyahe. 50 sa 147 na mga indibidwal na ito ay mga senior citizen na umaasa lamang sa kanilang kinikita sa pamamasada.

Sa datos lamang mula sa Metro Manila, halos 98% ng mga jeepney ang tumigil sa operasyon noong mga unang buwan ng pandemya; ito ay humigit kumulang 70,000 tsuper na umaasa sa kanilang pang araw-araw na pasada. Hindi pa kasama dito ang mga tsuper mula sa probinsya gaya ng Los Baños.

“Hindi talaga kami nakaka-boundary,” aniya. Sa kabila ng pagpayag sa iilan, tila lugi pa ang mga ito dahil sa gastos sa gasolina. Hindi sapat ang 100 pisong kita upang paandarin nang matagal ang isang dyip.

Sa hirap ng sitwasyon ng mga tsuper sa El Danda, nagsusulat na sila ng mga liham upang makatanggap ng tulong at ayuda. Samu’t-saring mga progresibong

organisasyon naman ang bukas sa pagtulong gaya ng Anakbayan, Samahan ng Kabataan para sa Bayan (SAKBAYAN), at Bayan Muna.

Bunsod ng mga lokal na inesyatiba ng iba’t-ibang organisasyon at samahan, nakatanggap na rin sina Mang Rolly ng ayuda. Noong Hunyo 3, 2020 ay pinasinayaan ng Serve the People Brigade Task Force Community Unit Response (STPB TF CURE), isang relief organization na nakabase sa UP Los Baños, ang isang donation drive na naglalayong tulungan ang mga nabakanteng tsuper sa pamamagitan ng pamimigay ng relief packs; ito ay pinangalanang “Drive for Elbi Drivers.” Dumagsa rin ang tulong mula sa iba pang mga asosasyon gaya ng mga nagtulong-tulong na mga alumni ng Philippine Science High School System (PSHS) na naglunsad naman ng programang ‘TAHAKin 19: Tulong at Ayuda para sa HAri ng Kalsada’, para sa mga naghihikahos na drayber.

BANTA NG MODERNISASYON

“Hanggang ngayon, napakalaking dagok pa rin ng modernisasyon sa hanay ng transport.” pahayag ni Mang Rolly.

Humina ang hanay ng transportasyon dahil sa mga limitasyon tulad ng pagsasara ng mga rota. Bukod sa hirap na dulot ng pandemya, isang malaking banta pa rin ang modernisasyon at ang napipintong pag-phaseout sa mga lumang modelo ng dyip. (Basahin: ‘Sa bawas-tao, bawas ang kita’: Mga tsuper ng UP College, hirap dahil sa kawalan ng pasahero)

Dagdag pa niya, ang modernisasyon ay magmimistulang kooperatiba na kukunan lamang sila ng pera. Tila ba ito’y magiging negosyo dahil sa mga gastos na kailangan nilang punan gaya ng mga loan at iba pang singilin.

Sa pahayag ng ELF-JODAI, noon pa man ay hindi na sila sang-ayon sa panukala ng modernisasyon ng mga PUV, dahil imbis na makaahon sila sa kanilang mga bayarin, ito mismo ang lulubog sa kanila sa utang.

Ayon sa Department of Transportation (DOTr), magtatayo ng isang loan program na maglalaan ng P1.5 bilyon upang tustusan ang mga pangangailangan ng mga jeepney driver sa nalalapit na modernisasyon. Ngunit tutol pa rin ang mga kagaya ni Mang Rolly dahil pinupwersa nito sa mga tsuper ang isang sistemang sila rin ang maaagrabyado sa huli.

“Walang mangyayari sa modernisasyon, iilan lang ang kikita diyan.” dagdag pa ni Mang Rolly.

JANUARY-MARCH 2023 UPLBPERSPECTIVE.ORG NEWS | 7
BASAHIN ANG BUONG ULAT SA PAMAMAGITAN NG QR CODE NA ITO ONLINE uplbperspective.org
Byaheng Kalbaryo: Gaano na kalayo ang narating ng ating mga tsuper?

FEBFAIR: SA HIMIG AT INDAK NG PAKIKIBAKA

JANUARY-MARCH 2023 UPLBPERSPECTIVE.ORG 8 | FEATURES
NI ALIAH ANNE ZYRELLE PINE
PULSO

Pebrero, buwan ng mga puso.

Buwan na inaabangan ng mga nagmamahal at patuloy na umaasa – buwan ng pag-ibig, ika nga. Sa panahon ding ito taunang ipinagdiriwang ng Unibersidad ng Pilipinas Los Baños (UPLB) ang taunang protest fair sa anyo ng February Fair o mas kilala sa tawag na UPLB Feb Fair. Kagaya ng buwan ng Pebrero, hubog din sa pagmamahal at diwang makabayan ang ugat nito – sa pakikibaka at sa militanteng pagkilos.

Nakalinya sa kultura at kasaysayan ng unibersidad ang progresibo at militanteng pagkilos na maiuugnay sa mga estudyanteng hinuhubog ng pa mantasan. Sa ilalim ng diktaduryang Marcos na patuloy binubusalan ang mga progresibong samahan, ano ang nananatili at mananatiling diwa ng kolektibong pagkilos at bigkisan ng mamamayang patuloy na umaasa para sa sistemang hindi kumikiling sa iilan? Bagkus ay sa isang sistemang nagmamahal at mapagmahal. Sa kabila ng nakasisilaw na mga pailaw at kabi-kabilang mga pagtatanghal, batid kaya ng sangkaestudyantehan ang tunay na esensya ng Feb Fair?

SA LIKOD NG MGA PAILAW AT PAGTATANGHAL

Umusbong ang protest fair mula sa kasaysayan ng panggigipit ng estado dahil sa mga namumuong insurhensiya at mga pag-aalsa sa panahon ng Batas Militar. Nakaugat sa nasabing fair ang masikhay at kolektibong pagkilos mula sa pwersa ng sangkaestudyantehan noong Setyembre 1972.

Mula sa pinakaunang UPLB September Fair nang magprotesta ang nasabing mga estudyante at kabataan sa tapat ng DL Umali Freedom Park laban sa diktaduryang Marcos, naging hudyat ito upang maging tradisyon na ng unibersidad ang dating September Fair na kalaunan ay naging February Fair. Ito ay dahil sa muling pagbubukas ng opisina ng University Student Council (USC) noong 1978, at upang mabigyan ng mas mahabang preparasyon ang mga ganap sa matagumpay na protestang inilunsad. Simula noon ay taunan nang idinaraos ang fair dala ang mga panawagan ng masa at linya ng aktibismong naging hudyat ng muling pagkatatag ng konseho ng mga mag-aaral (USC). Dagdag pa rito ang UPLB Perspective bilang publikasyon na naitatag noong 1973, pati na rin ang ilang mga organisasyon sa loob ng unibersidad. Saklay ng mga panawagang ibinababa sa fair ang mga multi-sektoral na kampanya para sa karapatang pantao ng mga Pilipino, higit lalo ang mga manggagawa, magsasaka, pesante, at mga kababaihan ng Timog Katagalugan. Sa kabila ng mga restriksyon nitong pandemya sanhi ng COVID-19 at pagsasara ng mga unibersidad, hindi natinag ang pagkilos ng mga estudyante ng Elbi upang ipagpatuloy ang anwal na tradisyon ng Feb Fair sa online na aspeto nito.

HIGIT PA SA SAYA AY ANG PAGPAPAINGAY NG MGA PANAWAGAN

Ayon kay Kenzo Publico, University Freshman Council (UFC) Chairperson at tubong Los Baños, hinding hindi mawawala ang mga pagtatanghal na inaabangan ng mga tao. Bukod pa rito ay ang mga shawarma booths sa bawat gilid at mga musikerong

naglalaban sa Battle of the Bands na palagi niyang inaabangan taon-taon.

“Inaabangan ko talaga ang mga booth ng iba’t-ibang org at syempre, ang mga concert,” saad naman ni Christine Andal, Batch 2021 mula College of Agro-Industrial Engineering (CEAT).

Bilang bago lang ang konsepto ng fair sa kanya, hindi maikakaila na ang kabi-kabilang pagtatanghal ng mga iba’t ibang mga banda, musikero, at grupo ang pumupukaw ng pananabik ng mga estudyante at kabataan katulad ni Christine.

Kada taon ay nakabase ang tema ng fair sa mga kasalukuyang isyung panlipunan na kinahaharap ng bansa. Sa pagbabalik ng on-ground February Fair na may temang

“BIGKISAN: Pagkakaisa para sa Tunay na Kalayaan, Kapayapaan, at Katarungan”, mas paiigtingin ang mga kampanya ukol

sa tahasang pamamaluktot sa kasaysayan. Bukod pa rito, bibigyang diin din ng nasabing tema ang kahalagahan ng “human chain”, literal man o metapora, sa mga mobilisasyon. Kaisa ang kahalagahan ng bigkisan, tagalog na salita ng “unity” na siyang gamit na propaganda ng kasalukuyang administrasyong Marcos-Duterte.

Sa ilalim ng madilim na kasaysayan mula sa pangingikil ng administrasyong Marcos Sr. at sa muling pag-upo ng isa na namang Marcos, giit ng mga organisador ng programa ay nananatili at mananatiling isang protesta ang Feb Fair.

“Hindi lang siya iikot sa mga performances, sa saya, at pagiging festive ng fair dahil palagi natin siyang iuugnay sa mga multisektoral na kampanya at mga panawagan,” tugon ni Nimuel Yangco mula sa UPLB-USC at kasalukuyang Program Head ng pagdiriwang.

Ngayong humaharap ang unibersidad at mga akademikong institusyon sa malawakang budget cut, tahasang red-tagging, at kakulangan sa mga espasyo para sa face-to-face classes, pagratsada sa Mandatory ROTC at militarisasyon sa loob ng mga campus, higit na mas paiingayin ang tema ng Feb Fair ngayong taon.

Bilang namulat na sa tunay na esensya ng feb fair, pahayag ni Kenzo ay: “Talagang masaya ang pagdiriwang ng Feb Fair at [taunang] inaabangan. Hindi lang ang Timog Katagalugan pati na rin ang mga dumadayo dito. Pero ‘wag natin kalimutan ang bigat ng mga panawagan na [dapat] isasapuso sa bawat pagpunta.”

BIGKISAN SA ILALIM NG MULING BANGUNGOT NA DIKTADURYA

Bawat araw mula Pebrero 14-18 ay may mga nakalatag na pagtatanghal at mga programang pinangungunahan ng iba’t ibang organisasyon sa loob ng UPLB na iikot sa tema ng bigkisan.

Mula sa sektor ng mga mag-aaral at kabataan para sa panawagan ng isang inklusibong edukasyon, patungo sa sektor ng mga kababaihan at LGBTQIA+ para sa patas na karapatan, kaugnay ang sektor ng mga manggagawa, magsasaka, at mga pesante para sa pagbuwag sa sistemang mapagsamantala – hanggang sa bigkisan ng masa laban sa tiranya’t inhustisya para sa pagkamit ng kapayaang nakabatay sa katarungan, at higit lalo ang pagtindig ng masang Pilipino laban sa tambalang Marcos-Duterte.

Sa bigkisan ng mga sektor na ito nababalot ang limang araw na pagdiriwang para sa ngayong taong selebrasyon ng Feb Fair.

Ayon kay Jainno Bongon, dating USC Chairperson, malaking bahagi ng programa ay para maging plataporma at espasyo ng iba’t ibang sektor sa Timog Katagalugan upang magpahayag ng mga kasalukuyang kalagayan ng kanilang mga sektor.

“’Yung Feb Fair naman ay avenue siya para tipunin natin ‘yung pinakamaraming tao, hindi lang sa UPLB ngunit mula rin sa Timog Katagalugan upang igiit ang ating mga karapatan,” dagdag pa niya.

Bilang karamihan sa mga estudyante ng UPLB ang bago sa taunang tradisyong ito, inaasahan na hindi lamang isang concert ang tingin nila dito, bagkus ay isang pagtitipon upang magsilbing plataporma sa mga panawagan ng mga mamamayan. Isang malaking pagtitipon upang ipagpatuloy ang diwang makabayan, militanteng pagkilos, at bigkisang mapagpalaya.

“Nawa ay maging avenue ito para makapagpakilos pa ng mas maraming tao laban sa pahirap at pasista ng administrasyong Marcos. Sana ay makasama rin sa mga kampanya labas pa sa Feb Fair dahil mahalaga na hindi natatapos ang ating pakikiisa at pagkilos. Malaki ang ating gampanin lalo pa ngayon,” mensahe ni Bongon para sa mga kabataan at mga estudyante ng UPLB. Sa likod ng entablado, sa harap ng mga pailaw – ang diwa ng UPLB February Fair ay nakaugat sa makasaysayang pagtindig ng sangkaestudyantehan noong panahon ng diktaduryang Marcos. Bukod sa himig ng musika’t pagtatanghal, higit na dapat palakasin ang ingay ng himig ng protesta at mga panawagan. Ang ganitong taunang pagdiriwang sa unibersidad ang siyang dapat magsilbing bigkisan upang makamit ang tunay na kalayaan, katarungan, at kapayapaan. [P]

JANUARY-MARCH 2023 UPLBPERSPECTIVE.ORG FEATURES | 9
[P] FILES

Mula kaliwa hanggang kanan: Mervyn Mercado ng Mommy Lode Restobar, Susan Cadapan ng R.M. Cadapan’s Canteen, at Victoria Morales ng H2 Cafe

SILHOUETTES

Tres Marias ng Elbi: Sa loob at labas ng kusina

Tanyag ang komunidad ng Los Baños, o mas kilala sa ngalan na Elbi, bilang isang munisipalidad na matatagpuan sa paanan ng Bundok Makiling – isang tulog na bulkang hinehele ni Maria Makiling, ang diwatang bantay ng nasabing kabundukan. Nagsilbing mukha ng kababaihan ng Los Baños si Maria Makiling – mula sa logo seal ng munisipalidad, kay Mariang Banga na matatagpuan malapit sa Molawin Creek, hanggang sa iskultura ng The Rose of Marya: Service through Excellence sa dulo ng Freedom Park.

Ngunit higit pa kay Maria Makiling, ang Elbi ay binubuo rin ng mga Mariang naging inspirasyon at malaking parte ng komunidad. Sila ang mga kababaihang nagsilbing tanglaw, pundasyon at, higit sa lahat, huwaran na nanay ng mga residente ng Elbi.

Kilalanin at tunghayan ang mga kwentong itinampok ng ilan sa mga kababaihan na bumuo at patuloy na bumubuo ng kasalukuyang komunidad ng Elbi – sa loob at labas ng kusina.

MARIA NG PAGMAMAHAL AT PUNDASYON

Palubog na ang araw, ngunit hindi pa

SUSAN CADAPAN

R.M. Cadapan’s Canteen

rin humuhupa ang mga nakapilang estudyante nang puntahan namin ang malaking karinderya sa gitna ng Ruby Street sa Raymundo – ang R.M. Cadapan’s Canteen. Inabutan namin doon si Nanay Susan Cadapan, nakangiti habang inaabot ang barya-baryang sukli sa kanyang customer.

Si Nanay Susan Cadapan, 60 anyos, ang ina ng patok na Cadapan’s Canteen sa Elbi. Ngunit sa kabila ng katanyagan nito, lingid sa kaalaman ng mga tao ang matamis na istorya kung paano ito nabuo.

Bagama’t dalawang dekada na ang nakalipas, sariwa pa rin sa alaala ni Nanay Susan kung paano naging pundasyon ang pagmamahalan nilang mag-asawa upang maitaguyod ang karinderyang bumubuhay sa mga estudyante ng UPLB.

“Ako, nagtrabaho ako [dati] sa Ellen’s Fried Chicken… Dalaga pa ako nun, doon ako nagtrabaho. After 4 years, nag-asawa na ako. ‘Yung napang-asawa ko, pamangkin ng may-ari ng Ellen’s. 2003 kami nag-umpisa ng Cadapan,” kwento ni Nanay Susan habang bakas ang ngiti sa kanyang mga labi.

Dalaga pa lamang, umikot na ang buhay ni Nanay Susan sa pagluluto at paghahain ng mga pagkain. Dito na rin niya nakilala ang lalaking tutuwang sa kanya – sa hirap man o

sa ginhawa. Sa kusina nagsimula ang kanilang pagmamahalan at ito rin ang siyang nagpatibay sa kanila nang buuin nila ang Cadapan’s. Inamin ni Nanay Susan na hindi naging madali ang pagbuo nila ng sariling kainan. Ito na marahil ang pinakamalaking hamon na kanyang kinaharap bilang babaeng negosyante. Ngunit kagaya ng kanilang pagmamahalan, nagsilbing inspirasyon din ang mga estudyante ng UPLB sa kanilang karinderya.

“Malaki ang naitulong ng Elbi sa amin. Lalo na ‘yung mga estudyante. Kung walang mga estudyante, wala rin kami, e. Mga customer namin, nakakatuwa. Kapag may kumain na isa, pagbalik may kasama na ulit na ilan. Hangga’t sa ayun, nakilala na kami [Cadapan’s Canteen],” sambit ni Nanay Susan. Kilala ang Cadapan’s sa mga inihahain nitong masasarap at abot-kayang lutong alam na putahe. Higit sa lahat, labis na tinatangkilik ng mga estudyante ang paghahain nila ng “half serving” o kalahating ulam, pati na rin ang free soup. Ayon kay Nanay Susan, ito ang sikreto kung bakit patok na patok ang karinderya nila sa mga taga-Elbi. Tunay ngang ang pagiging isang babae ay hindi lamang nalilimita sa pagiging ilaw ng tahanan. Pinatunayan ni Nanay Susan na nagsisilbi ring pundasyon

JANUARY-MARCH 2023 UPLBPERSPECTIVE.ORG
10 | FEATURES
NINA SAM DELIS AT ALEX DELIS MGA LITRATO KUHA NINA VANESSA REYES AT JEAVER AOANAN
Saka kung ano mang mga pagsubok, wag kang bibigay.
Kami, parang isang pamilya kami dito.

ang kababaihan sa kung anuman ang kanilang gustong itaguyod sa buhay.

MARIA NG KALINGA AT ARUGA

“Sa akin, bilang ano, kumbaga marami kasi akong naalagaang estudyante… Siguro ‘yong puso ko, para kayong mga anak ko na rin.” Bagama’t napaliligiran ng kabi-kabilang mga cafe at eatery, nangingibabaw ang munting pwesto ng H2 Cafe dahil sa taglay nitong makulay, maliwanag, at mala-tahanan na ambiance.

Tanghaling tapat at abala ang mga tao nang bumisita kami sa H2 Cafe. Ngunit sa kabila nito, nangingibabaw pa rin ang liwanag sa mga ngiti ni Victoria Morales o mas kilala sa ngalan na Mommy Vicky.

Tubong Los Baños at ilang dekada nang nagnenegosyo si Mommy Vicky sa Elbi, kung kaya’t kilala na ang kanyang pangalan bilang isa sa mga kababaihang bumuo ng komunidad. Bago pa man mabuo ang H2 Cafe, ilang mga kainan na ang naitaguyod ni Mommy Vicky. Ilang taon bago mangyari ang pandemya, kilala si Mommy Vicky sa kanyang mga breakfast meals na tinangkilik ng mga estudyante dahil sa malalaking servings at abot-kayang presyo ng mga ito.

Dahil sa dagok ng pandemya, napilitang magsara sina Mommy Vicky. Ngunit sa kabila ng pagsubok na ito, hindi siya natinag at nagpatuloy pa rin siyang magnegosyo sa pamamagitan ng online selling upang suportahan ang kanyang pinakamamahal na pamilya.

Nang magbalik na ang face-to-face classes sa UPLB, nagdesisyon si Mommy Vicky at ang kanyang pamilya na itaguyod ang H2 Cafe na ipinangalan sa kanyang dalawang babaeng anak na sina Hannah at Hosannah.

“Ito kasi, itong lugar na ‘to, ito daw ay parang bodega noong una. Actually, ayoko na sana mag-put up ulit ng ganito. (…) Nag-start kami [mag-open ay] September 28, 2022. So ‘yong soft opening namin, 6:00 in the evening, ninenerbyos ako noon.”

Bukod sa busog na kalamnan, nabubusog din ni Mommy Vicky ang puso ng bawat customer na dadayo sa H2 Cafe dahil sa kanyang pag-aaruga. Kilala si Mommy Vicky mula noon bilang “nanay” ng ilang mga estudyante dahil sa kanyang kalinga na parang isang tunay na ina. Bilang karamihan sa mga estudyante ng Elbi ay malayo mula sa kani-kanilang mga pamilya, napakalaking bagay na magkaroon ng isang nanay sa isang mala-estrangherong komunidad.

Mula sa kanyang mga meals na ika nga ay close to home kagaya ng kape, pastries, at pasta meals, hanggang sa kanyang pag-aalaga sa kanyang mga customer – patunay si Mommy Vicky na iba magmahal ang isang babae, higit sa lahat, ang isang nanay.

“Sa akin, bilang ano, kumbaga marami kasi akong naalagaang estudyante.

‘Yong mga malalapit sa’kin, mga [galing sa] broken family. At natutuwa ako kasi kahit graduate na sila, napunta pa rin sila. (…) Siguro ‘yong puso ko, para kayong mga anak ko na rin.”, sambit ni Mommy Vicky habang nangingilid ang kanyang mga luha.

Saksi ang buong komunidad ng Elbi kung paano tumayong nanay si Mommy Vicky sa kanyang mga anak-anakan at customer mula pa sa kanyang mga food establishment noon hanggang sa H2 Cafe ngayon.

“Iba kasi ang babae talaga (…) at saka iba ‘yung malasakit ng babae. (…) [Para] sa akin, sa mga kababaihan, kung gusto niyo gamitin ‘yong talent niyo, gamitin niyo.”, mensahe

ni Mommy Vicky para sa mga kababaihan.

Bakas sa kanyang mukha ang pagtangis habang inaalala niya ang motorcycle accident na siyang nagpabago ng agos ng kanilang buhay.

“…Dead on the spot po ‘yung asawa ko. Kumbaga po, ‘yong scenario na ‘yong anak ko ay nagma-march sa school [graduation] nila, siya lang mag-isa. Tapos ako po that time ay 50:50 tapos ‘yong tatay po nila ay nakaburol.”, ani Tita Mervyn sa pagitan ng mga hikbi.

Bilang ina at babae, naging matapang si Tita Mervyn sa pagharap ng matinding pagsubok na kinaharap ng kanyang pamilya. Sa kabila ng trahedyang ito, hindi naging hadlang ang kanyang mga saklay sa pagpapatuloy ng takbo ng kanyang buhay. Buong tapang na bumangon si Tita Mervyn, sa kabila ng pagkadurog ng kanyang sarili – pisikal at emosyonal.

“Ang hirap mag-move on, ang hirap tanggapin ‘yong mga bagay. (…) Ang daming mga physical na sakit ang talagang tiniis ko para lang maitayo ito. Ngayon, tatanungin nila ako kung masakit. Wala pong word na pwedeng mag-describe sa sakit.”

Saksi ang pandemya sa kung paano sinimulan ni Tita Mervyn ang munting Mommy Lode Restobar. Mula sa walong libong pisong puhunan, napalago ni Tita Mervyn ang kanyang negosyo, sa tulong na rin ng kanyang mga butihing staff.

Sa kabila ng pagkadurog, nabuo ang munting restobar na patuloy na tinatangkilik ng mga taga-Elbi – mula sa mga estudyante at propesor, hanggang sa mga residente ng nasabing lugar. Sino nga bang mag-aakala na ang restobar na nabuo mula sa kwento ng isang trahedya ay nakakubli sa pagitan ng kaliwa’t kanang mga bars sa LB Square?

Patunay si Tita Mervyn, o mas kilala bilang Mommy Lode, na ang mga kababaihan ay nagtataglay ng katapangan at determinasyon ano man ang pagsubok na dumaan sa kanilang buhay. Isang tunay na idolo, isang tunay na lodi.

SA LABAS NG KUSINA

Tulad ng pananaw ni Mommy Vicky, ang lugar ng kababaihan ay hindi lamang nakakulong sa apat na sulok ng tahanan. Hindi lamang pusong mamon o talento sa kusina ang kayang ipamalas ng isang babae. Natural na para sa isang babae ang magmalasakit – kadugo man o hindi. Iba ang pagmamahal ng isang babae, lalo’t higit ng isang nanay. Saludo sa mga kababaihan gaya ni Mommy Vicky na tumayong nanay ng ilang mga estudyante ng Elbi na nangungulila sa kalinga ng isang tunay na tahanan.

MARIA NG KATAPANGAN AT PAGBANGON

Ikinuwento naman ni Lettie, dating ma“Ang hirap mag-move on, ang hirap tanggapin ‘yong mga bagay. Ngayon, tatanungin nila ako kung masakit. Wala pong word na pwedeng mag-describe sa sakit.”

Sa aming pagtahak sa pasikot-sikot na daan ng LB Square, natagpuan namin ang munting restobar ni Tita Mervyn, o mas kilala bilang Mommy Lode. Tanghaling tapat at kasabay ng maalinsangan na panahon ay ang nag-aalab na emosyon sa mga mata ni Mervyn Mercado, 43 anyos at ang mukha sa likod ng Mommy Lode Restobar sa Elbi.

Higit dalawang taon pa lamang nang maitaguyod ang nasabing kainan sa loob ng tanyag na LB Square, ngunit hindi matutumbasan ng kahit ilang taon ang kwento kung paano nabuo ang Mommy Lode. Dama sa mga mata at mga kilos ni Tita Mervyn ang pighati at pagkaulila habang ibinabahagi niya ang kwento sa likod ng Mommy Lode.

“Actually po, tinayo po itong restaurant dahil gusto ko maka-move on sa pinagdaraanan sa buhay. Parang ginawa ko po siyang outlet para makalimot.”, madamdaming pahayag ni Tita Mervyn habang nangingilid ang kanyang mga luha.

Taong 2019, bago pa man maitayo ang Mommy Lode Restobar, mapait na trahedya ang sumapit sa pamilya nina Tita Mervyn.

Tampok sa mga estudyante ng Elbi ang mga rice meals sa sizzling plates ni Mommy Lode na abot-kaya – mula limampu hanggang isangdaang piso. Nang tanungin si Tita Mervyn tungkol sa mga student-friendly meals na kanyang inihahain, damang dama sa kanyang mga pahayag ang puso ng isang babae, at higit sa lahat, ang alaga ng isang nanay.

“Bilang isang negosyante at nanay, ganun ko tinuring [ang] mga customer namin. Syempre po, ‘pag pamilya turing mo sa kanila, ‘di ka po magbibigay ng sobrang taas na interes. Pangalawa, hindi po namin inaalis sa isip namin na ang mga customer po namin ay mga estudyante.”

“‘Wag po natin sanayin ‘yong sarili natin sa comfort zone. Always po natin i-encourage ‘yong sarili natin na lumabas sa comfort zone.”, mensahe ni Mommy Lode para sa mga kababaihan.

Sinasalamin ng kwento nina Nanay Susan, Mommy Vicky, at Mommy Lode kung paano nagsilbing instrumento ang kusina upang maitaguyod ng kababaihan ang komunidad ng Los Baños. Ngunit ito ay isa lamang sa napakaraming paraan na kayang gawin ng isang babae. Sa labas ng kusina, malaki rin ang gampanin ng kababaihan sa ginagalawang lipunan. Patuloy ang paglaban ng mga babae sa opresibo at patriyarkal na sistema upang makamit ang pantay na oportunidad. Ang International Women’s Day o IWD ay isang pandaigdigang selebrasyon tuwing ika-walo ng Marso upang kilalanin ang karapatan ng mga kababaihan at isulong ang gender equality. Nagsimulang ipagdiwang ang IWD sa nasabing araw dahil sa malaking kontribusyon ng kababaihan sa anyo ng pakikibaka taong 1917.

Nagkaroon ng “Peace, Land, and Bread Movement” sa Russia noong Marso 8, 1917 – isang malawakang kilusan na pinaniniwalaang nagpasiklab ng Russian Revolution. Naging makasaysayan ito sapagkat nanguna ang libo-libong kababaihan mula sa iba’t ibang sektor upang magmartsa papuntang Petrograd, Russia.

Ngunit sa kabila ng mga tagumpay, malaki pa rin ang pasanin na bitbit ng mga babae dahil sa umiiral na patriyarkal na sistema ng lipunan. Noong kasagsagan ng pandemya, tumaas ang mga kaso ng violence against women sa Pilipinas. Ayon sa datos ng Philippine National Police (PNP) taong 2021, pumalo sa higit-kumulang 8,000 ang kaso ng mga karahasan sa kababaihan sa bansa. Samantala, higit 5,000 ang naiulat na kaso noong first half ng 2022.

Nakararanas din ng hindi pantay na pagtrato sa lugar ng trabaho ang mga babae. Sa katunayan, nagsagawa ng diyalogo ang International Labour Organization (ILO) noong ika-16 ng Marso upang talakayin kung paano mapabubuti ang working conditions ng kababaihan sa Pilipinas. Samantala, mailap din ang hustisya para sa mga kababaihan. Nito lamang ika-15 ng Marso, hinatulang nagkasala ang babaeng human rights worker na si Alexa Pacalda sa isinampang gawa-gawang kaso laban sa kanya. Inaresto rin si Pacalda nang walang warrant taong 2019 habang nagsasagawa ng seminar tungkol sa karapatang pantao sa General Luna, Quezon.

Patunay sina Nanay Susan, Mommy Vicky, at Mommy Lode na malaki ang papel ng kababaihan sa komunidad na kanilang ginagalawan sa kabila ng pag-iral ng mga inhustisya at diskriminasyon. Tunay nga ang kasabihang, “Dalawa lang ang babalikan mo sa Elbi: ang lugar at ang mga tao”. Kagaya na lamang ng Tres Marias ng Elbi na isinasabuhay ang diwa ng pagiging babae at ina – nagmamahal, nag-aaruga, at bumabangon. [P]

JANUARY-MARCH 2023 UPLBPERSPECTIVE.ORG FEATURES | 11
‘Wag po natin ikulong ‘yong sarili natin at wag po natin bigyang
limitasyon ‘yong mga kakayahan natin.
MERVYN MERCADO Mommy Lode Restobar
Kung gusto niyo gamitin ‘yong talent niyo, gamitin niyo. Kumbaga, hindi natin pwede sabihin na “pang-bahay lang ako”
VICTORIA MORALES H2 Cafe

LIBEL IS A PARADOX.

These words were uttered by Maria Ressa, a Nobel Peace Prize aureate and Rappler CEO as libel law was effectively weaponized against her.

While the Filipino people enjoy the privilege of speaking out their minds both verbally and through online means, not all opinions are excusable by their right to free speech. Ever since the implementation of the Cybercrime Prevention Act of 2012, accounts on libel have been continuously used by those in power to silence their critics. Journalists, activists, and human rights defenders, in particular, have been shackled by the law to limit their scrutiny and remarks against the government.

As of May 2022, fifty-six journalists have been sued for libel. With our journalists subjected to relentless judicial harassment, it is no wonder that the Philippines ranked as 147th out of 180 countries in the World Press Freedom Index. This placement signifies

PODIUMS

WHAT LIES INLIBEL

that even though we are a democratic country with free speech in its constitution, our press cannot freely report events lest they risk their safety and reputation. Now that the media has reached a sorry state, the decriminalization of libel, a plea long fought for by several human rights defenders and journalists, should be realized in the shortest notice.

DEFINING LIBEL

Although libel is a familiar term, its exact meaning is often lost among other synonymous words such as slander and defamation. The general area of law that protects people from statements that could harm their reputation, is called defamation law. While libel is a defamatory statement that’s written, slander is a defamatory statement spoken orally.

In Article 353 of the Act Number 3815, also known as Revised Penal Code (RPC), libel is defined as any public and malicious imputation of a crime, vice, or defect, may it be real or imaginary. Any act, omission, status, or circumstance that would dishonor, discredit or contempt of a person, or to blacken the memory of a deceased. Under Article 353 of the RPC, a person found guilty of libel could be imprisoned for six years, and pay a fine of up to 6,000 pesos.

Meanwhile, the Cybercrime Prevention Act of 2012 definition focused on cyber libel – stating it as libel “committed through a computer system or any

other similar means which may be devised in the future.” This type of libel penalizes one degree higher than ordinary libel.

To differentiate if there is ground for a suit, there is a legal distinction between defamatory statements and stating opinions. Insults and statements that cannot be proven true or otherwise, won’t constitute defamation. On the other hand, accusations that could harm one’s reputation, such as the now taken-down article from Philstar.com titled ‘Influential businessman eyed in ex-councilor’s slay,’ count as a defamatory statement according to the law.

THE ACCUSED AND THE POWERFUL

In 2020, Maria Ressa, and former researcher-writer Reynaldo Santos Jr. were convicted of cyber libel by Judge Reinalda Estacio-Montesa of Manila Regional Trial Court Branch 46. The article that spelled out their fate was an article published four months before the Cybercrime Law was adopted. Businessman Wilfredo Keng filed the suit against the 2012-published article in October 2017, five years later since its publication. The DOJ ruled that since the article had an update in 2014 when the cybercrime law was implemented, the law would apply to it. However, the only difference it had was the correction of a missed typographical error, from “evation” to “evasion.” Even if it does count as

republication, the time to file the libel case has long expired in 2015, as stated in the libel law in the RPC. This decision was cruel, deemed to be nonsensical since the essence of the article never changed, and the law was twisted once again in favor of the oppressor.

During the same year, alternative media outlet Northern Dispatch editor-in-chief Kimberlie Quitasol and reporter Khim Russel Abalos were charged of cyber libel. The accuser was Police Regional Officer Cordillera Director Brigadier General, R’Win Pagkalinawan who claimed that the reporters “spliced” his statements. Fortunately, Judge Ivan Kim Morales of the Baguio City Regional Trial Court Branch 59 dismissed the case for lack of jurisdiction.

On the other hand, last August 2022, exvice presidential candidate Walden Bello was arrested due to a cyber libel case filed by Jefry Tupas, an aide of Vice President Sara Duterte and former Davao City Information Officer. The suit arose from a press conference where Bello accused Tupas of being involved with drugs during a beach party that was raided by authorities in 2021.

Just recently on December 13, Baguio Chronicle editor and Rappler correspondent Frank Cimatu was convicted over cyber libel charges. Judge Evangeline Cabochan-Santos of the Quezon City Regional Trial Court (RTC) Branch 93 stated that Cimatu is “guilty beyond reasonable doubt” in line with the charges filed by former Agriculture Secretary Emmanuel Piñol.

JANUARY-MARCH 2023 UPLBPERSPECTIVE.ORG 12 | FEATURES
We’re at the precipice, if we fall over we’re no longer a democracy.
It exists in democracy where it should not, and it is used to cover truths when it should fight against false statements.
GRAPHICS BY ANNE LEVASTY

Duterte’s administration yielded at least 37 libel cases against journalists according to the National Union of Journalists of the Philippines (NUJP). Meanwhile, under the current Marcos Jr. administration, NUJP has already reported 8 cyber libel cases against journalists. Marcos’ reign hasn’t even lasted a year just yet, but at this rate, even more journalists would be sued for libel by the time his term ends, when compared to Duterte. These cases may be independent of each other, but they all share the same formula. The accusers are those in high positions, and their targets are the vigilant and critical eyes that expose their violations. Time and again, it proves that libel law in the Philippines is a perfect excuse to weaponize their lie as truth in order to harass and muzzle the media.

DECRIMINALIZING LIBEL

Under the presence of the cyber libel law, 3,809 cases have been recorded since 2012 up to November of 2022. Data from the Department of Justice Office of Cybercrime shows that 482 cases stemmed from Southern Tagalog, the third region with the most cases next to Central Visayas which had 483, and NCR that had 703.

Not only is libel law a threat to free speech, it is a violation of Section 4 Article III of the 1987 Constitution which states that “No law shall be passed abridging the freedom of speech, of expression, or of the press.”

And the violations do not even end here.

Libel law also violates the International Covenant on Civil and Political Rights, in which the Philippines is a signatory. Disregarding these misalignments would mean losing the identity of our country, and surrendering our freedom of speech.

These problems have been addressed on repeat by various groups and individuals. Progressive media outlet, Altermidya stated that weaponization of libel “promotes impunity and censorship, breeding a scenario where people expressing opinions are adjudged criminal.”

NUJP even called for the help of UN Special Rapporteur on Free Expression, Irene Khan to look into the use of libel and cyber libel in repressing the media.

And in light of these events, a hopeful happenstance occurred.

“Our libel laws have been weaponized to stifle very basic fundamental rights. These laws have been used to constantly attack many of our freedoms, but particularly the freedom of the press. We need to decriminalize libel if we are to truly defend press freedom,” words uttered from Opposition Senator Risa Hontiveros as she filed a bill to decriminalize libel last December 13, 2022.

Senate Bill 1593 of the 19th Congress, known as Decriminalization of Libel Act repeals multiple articles from RPC and a section in Cybercrime Prevention Act, all of which are concerned with libel. Filed hours after Cimatu’s conviction, Hontiveros’ bill served as a protest against the decision of the court and all those in positions that abuse their power.

Libel is a paradox that only serves its creators. To report freely is a right, not a privilege. Even more concerning, is that everyone is entitled to the truth, not censored news that caters to fascists. Now that the Philippines is under the administration of a Marcos-Duterte tandem, the paradoxical nature of libel should be erased before it develops into a fully-realized weapon against freedom of speech. [P]

Defining the terms

DATA F ROM THE RE VISED PENAL COD E OF THE PHILIPPINES, ACT NO. 3815, S. 1930, AND REPUBLIC

defamation

A general term of publication of anything which is harmful to the good name or reputation of another or tends to bring him into disrepute.

libel

Defamation committed by means of writing, printing, radio, or similar means. A libel is a public and malicious imputation of a crime, or of a vice or defect, real or imaginary, or any act, omission, condition, status, or circumstance tending to cause the dishonor, discredit, or contempt of a natural or juridical person, or to blacken the memory of one who is dead.

slander

Slander or oral defamation is definced as speaking of base or defamatory words with an intention to prejudice another person in his or her reputation. Slander by deed, on the other hand, is an act committed that tends to dicredit or dishonor another individual.

cyber libel

Libel “committed through a computer system or any other similar means that may be devised in the future”. This type of libel penalizes one degree higher than ordinary libel.

Regions with the most cyber libel cases from 2012-2022

Department of Justice’s (DOJ) Office of Cybercrime (OOC) acquired data appears that almost four thousand cases have been filed since RA 10175 was ratified into law back in September 2012.

DATA FROM THE DEPARTMENT OF JUSTICE (DOJ) UPDATED AS OF NOVEMBER 2022

703 NATIONALCAPITAL REGION(NCR)

483 REGIONVII (CENTRALVISAYAS)

399 REGIONVI (WESTERNVISAYAS)

367 REGIONI (ILOCOSREGION)

413 REGIONIV-A (CALABARZON)

TOTALNUMBEROF CYBERLIBELCASES INTHECOUNTRY

3,809

JANUARY-MARCH 2023 UPLBPERSPECTIVE.ORG FEATURES | 13
ACT NO. 10175: CYBERCRIME
ACT
2012
PREVENTION
OF
Southern Tagalog is the 3rd region with the most number of cyber libel cases in the Philippines

PANGIL NG PAHAYAGAN

Hindi mapayapa ang EDSAI.

Noong elementarya, ang EDSA People Power I ay itinuro bilang simbolismo ng kapayapaan. Nakahahalinang mapakinggan na minsan sa kasaysayan ay nagkaisa ang mga Pilipino para sa isang “mapayapang protesta”. Hindi raw ito naging bayolente – nagdarasal ang mga madre at nagkapit-bisig ang mga tao. Ngunit hindi halos naituro ang mga istorya ng pagdanak ng dugo at pagyurak sa karapatan na siyang nagtulak sa rebolusyong ito. Binubura ng naratibong “payapa ang EDSA I” ang mga tagpo ng madugong pakikibaka sa mahabang taong pamumuno ng diktador na si Ferdinand Marcos Sr. noong Martial Law. Ang apat na araw na pagkilos noong Pebrero 22-25, 1986 ay nakaugat sa mahigit 20 taong paghihirap sa ilalim ng mapanupil na rehimen. Ang pagkahon sa EDSA I sa imaheng “mapayapa” ay tila rin pagsantabi sa mapait na mga tagpong pinag-ugatan ng pagkilos. Walang “payapa” sa 75,730 biktima ng human rights violations, 70,000 ikinulong ng walang basehan, 34,000 na tinorture, at 3,240 biktima ng extrajudicial killings.

Lalo’t higit ay hindi kailanman payapa ang dinanas ng mga mamamahayag na tinanggalan ng boses sa ilalim ng Batas Militar.

Ilang mamamahayag ang pinatahimik at pinatay habang ang mga progresibong pahayagan at istasyon ng radyo ay ipinasara na kabilang sa mekanismo ng rehimen upang pigilan ang pagsiwalat ng katotohanan. Sa panahon ni Marcos Sr., binansagang mosquito press ang mga pahayagan na kayang-kayang kitilin ng estado sa isang iglap. Ngunit sa kabila ng banta, sila ay kumilos at patuloy na kikilos na tila mga lamok – maliliit ngunit matalas sa pagsuri ng lipunan, mapanganib laban sa mapangapi, at kayang kumitil sa kasinungalingang ipinalalaganap ng huwad na rehimen.

PAGBABALIK NG PAMILYA MARCOS SA MALACAÑANG

Bagama’t napabagsak ng EDSA I ang paghahari ni Marcos Sr., hindi nito tuluyang nawasak ang pagnanasa ng sakim na pamilya. Nagbalik sa pwesto ang pamilya Marcos matapos manalo ni Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa nakaraang eleksyon sa pagkapangulo. Hindi naiiba si Marcos Jr. sa kanyang diktador at pasistang ama. Parehong bumulusok pababa ang ekonomiya ng bansa sa ilalim ng kanilang rehimen na nagresulta sa paghihirap ng mga Pilipino. Umabot sa 7.8% ang inflation rate sa bansa noong ikaapat na kwarter ng 2022 na siyang pinakamataas sa buong Timog Silangang Asya. Ayon sa IBON Foundation, ang isang pamilyang Pilipino na may limang miyembro ay nangangailangan ng P830 hanggang P1904 kada araw. Ngunit nananatili pa ring P350 hanggang P570 ang minimum wage sa bansa sa kabila ng pagtaas ng presyo ng bilihin at pangunahing serbisyo. Hindi ito nalalayo sa malalang kahirapang dinanas ng 27 milyong Pilipino o 49% ng populasyon sa ilalim ng administrasyong Marcos Sr., kung saan lumubog sa utang ang Pilipinas, bumaba ang sahod, at napilitang mangibang bansa ang mga manggagawang Pilipino.

Hindi rin maikukubli ang pananamantala ng mag-ama sa kanilang posisyon upang mangulimbat sa kaban ng bayan. Kamakailan lang ay isinusulong ng kasalukuyang administrasyon ang Maharlika Sovereign Wealth Fund upang mamuhunan sa mga proyekto gaya ng infrastracture projects at foreign currencies na lulutas umano sa krisis pampinansyal na kinahaharap ng bansa. Ito ay may kabuuang P250 bilyon at ilang porsyento nito ay manggagaling sa buwis na binabayaran ng mga Pilipino. Malaki ang pondong nais ilaan sa nasabing panukala ngunit kakarampot ang kayang ibigay para sa mga isyung mas kinakailangan ng agarang pansin gaya ng krisis sa transportasyon, implasyon, at edukasyon. Ang ganitong estilo ng pananamantala sa kaban ng bayan na itinatago sa wangis ng mga mapagpanggap na proyekto ay hindi nalalayo sa mekanismo ng kanyang ama. Lumobo mula $599 million noong 1965 hanggang $28.3 billion noong 1986 ang utang ng Pilipinas dahil sa umano’y “Golden Age of Infrastructure” na siyang ginamit ni Marcos Sr. upang mangulimbat para sa sariling interes. Kung gaano kalakas ang loob ng mag-ama sa mga maanomalyang mekanismo, ganoon naman kabahag ang kanilang buntot pagdating sa mga mamamahayag. Sa ilalim ng kanilang administrasyon, saksi ang lipunan sa walang habas at karumaldumal na pambubusal sa mga mamamahayag na silang nagsisiwalat sa baho ng estado. Isa si Percival Mabasa o kilala bilang Percy Lapid sa walang awang pinaslang sa ilalim ng administrasyong Marcos Jr., habang si Primitivo Mijares naman ay isang mamamahayag sa ilalim ng Martial Law na hanggang ngayon ay nawawala pa rin. Kapwa nila ginamit ang kapangyarihan ng peryodismo upang magsalita laban sa anomalya sa gobyerno, ngunit ito rin ang nagdala sa kanila sa kapahamakan. Ilan lamang sila sa marami pang peryodistang kinitilan at patuloy kinikitilan ng karapatan ng estado.

PAPEL NG MGA MAMAMAHAYAG SA PAG-ULIT NG KASAYSAYAN

Sa paggunita ng EDSA People Power Revolution, kinikilala rin ang naging gampanin ng midya partikular na ang mosquito press sa tagumpay ng pag-aalsa at panghahamig.

Sa ilalim ng deklarasyon ng Martial Law, ipinasara ni Marcos Sr. ang mga pahayagang tumuligsa sa mga polisiya hindi makatao at makatarungan. Isinama rin sa “National List of Target Personalities” ng Armed Forces of the Philippines ang ilang mamamahayag mula sa the Manila Times, The Daily Mirror, The Philippines Herald, The Manila Chronicle, The Philippine News Service, The Evening News at Taliba. Ang mga pahayagang pinahintulutan lamang sa ilalim ng kaniyang rehimen ay yaong pinatatakbo ng kaniyang kaalyansa na siyang nagpapabango sa kaniyang ngalan – sa madaling salita ay mga pahayagan na kontrolado ng estado.

Dahil sa tahasang pambubusal na ito, umusbong ang mosquito press na itinaguyod ng mga alternatibong midya upang pigilan ang paghahari ng kasinungalingan sa bayan. Sa kabila ng banta ay tumindig ang mga pahayagan gaya ng Ang Pahayagang Malaya, kasama ang mga pahayagang pangkampus sa ilalim ng College Editors Guild of the Philippines, kabilang na ang UPLB Perspective. Ginamit ng mga mosquito press ang peryodismo upang ibasura ang mga kasinungalingan ng administrasyon tungkol sa krisis sa ekonomiya, extrajudicial killings, at iba

pang porma ng paglabag sa karapatang pantaong pilit pinagtatakpan ng pamahalaan.

Sa kasalukuyang panahon kung saan tila nauulit ang kasaysayan habang may Marcos muli sa Malacañang at ginigipit na naman ang mga mamamahayag, nananatili ang tungkulin ng midya upang maging tagapagtanggol ng masa at tagatuwid ng mga baluktot na kasinungalingan ng estado. Sa kabila ng nagbabadyang “Mosquito Press 2.0”, kung saan tahasan ang media censorship at patuloy na ginagamit ang state funded media para sa makasariling propaganda, patuloy pa rin sa paglaban ang mga pahayagang humaharap sa mga makabagong hamon sa ilalim ng administrasyong Marcos Jr. Sa mas bumibilis at lumalawig na agos ng modernisasyon, nagsisilbing malaking hamon sa midya ang paglaban sa mga pekeng balita at pagbaluktot sa kasaysayan na nagkalat sa mga onlayn na plataporma gaya ng Facebook. Isa sa mga makinarya ng pamilya Marcos ay ang pagkakalat ng mga istoryang puno ng kasinungalingan upang mapabango ang kanilang pangalan at upang makabalik ang pamilya sa Malacañang. Ngayong nagtagumpay ang taktika ng ganid na pamilya, mas lumalaki ang pangangailangan sa malakas na puwersa ng progresibong pahayagan na hindi lamang simpleng nakatayo sa gitna ng mga isyu, bagkus ay nakatindig sa panig ng masa – kritikal na nagsusulat at nag-uulat at kahanay ng mga Pilipino sa pakikibaka.

HAMON NG EDSA I SA PROGRESIBONG PAMAMAHAYAG

Ang taunang pag-alala sa EDSA People Power Revolution ay hindi lamang basta pagbabalik-tanaw sa isang malawakang protesta noong dekada 80. Kaakibat ng pagbibigay pugay sa libu-libong Pilipinong nakiisa sa EDSA I ay ang paggunita sa libu-libo ring Pilipinong inabuso, pinatahimik, at pinatay habang nakikipaglaban sa diktadura. Ngayong ika-37 anibersaryo ng EDSA I, malaki ang papel ng midya upang mapanatiling buhay at hindi nababaon sa limot ang mga kwento mula sa makasaysayang rebolusyon. Hindi lamang ang mismong mga tagpo sa pagkilos kung hindi maging ang mga karumaldumal na istorya sa mahabang panahon ng Martial Law na siyang pinag-ugatan ng kilusan at paglaban. Saksi ang madugong kasaysayan sa pagpapatahimik ng mga Marcos sa mga progresibong pahayagan. Ngunit saksi rin ito sa kung paano lumaban, lumalaban, at patuloy pang lalaban ang mga peryodista para sa sinumpaang tungkulin sa bayan. Bagama’t nagpapatuloy pa rin ang pambubusal ay mas lumalakas na ang puwersang sumusulong para sa karapatan ng mga mamamahayag at mas lumalawak ang plataporma ng mga pahayagan upang magsiwalat ng katotohanan. Mananatiling patay na mga datos ang mga numerong nakalatag sa madugong yugto ng kasaysayan kung hindi ito bubuhayin sa anyo ng patuloy na paglalathala ng mga kwento sa likod ng mga numerong ito. Ang EDSA People Power I ay humihimok sa mga Pilipino upang magkaisa at manindigan. Gayundin, ito ay nagpapaalala sa mga mamamahayag na may makapangyarihang pakikibaka sa labas ng kalsada. Gaya ng mga lamok na may nakabibinging alingawngaw at kagat na nagmamarka, ang mga pahayagan sa panahon ng diktadurya ay mananatiling maingay at may pangil sa pagsisiwalat ng katotohanan. [P]

JANUARY-MARCH 2023 UPLBPERSPECTIVE.ORG 14 | FEATURES
SEDULA
NI WILLIAM GEM
LITRATO MULA SA SINAG

It may be a sentence so overused many do not even acknowledge it but, indeed, everything is political. Even the most mundane scenarios like riding a jeepney and paying the minimum fare, that specific event alone reflects the existing socio-economic situation that our country is facing. We see that the situation of the country’s jeepney drivers—low pay and unfair jeepney phaseout—is a lived and shared experience among their sector.

Because of this, multisectoral groups mainly composed of jeepney drivers, union leaders, and transport organizations conducted a week-long transport strike to resist the government’s questionable jeepney modernization program.

This recent act of resistance shows that the spirit of the EDSA People Power is still alive and well 37 years later. And now that the son of the ousted dictator sits in Malacañang, the people power’s spark must prevail.

DEBUNKING THE “BLOODLESS REVOLUTION”

Commemorating the EDSA Uprising always comes with the notion that it brought something new to the world: that change is possible without taking arms. Traditional history books occasionally state that it was through bloodless means that Marcos Sr. was ousted. Unfortunately, the scenarios which took place before the actual uprising were bloody with all the state-sponsored harassments, illegal arrests, torture, and extra-judicial killings against innocent citizens and progressive activists who were resisting the dictatorship.

In a series of interviews by UPLB Perspective on Martial Law survivors, Rolando Santos, former Managing Editor of Perspective, recalled the unjust experience his father, who was a fisherfolk, had to encounter. He was arrested and tortured in Camp Crame by the Philippine Coast Guard. He was accused of being with the New People’s Army without any clear evidence. His sister was also brought to Crame with the same allegations, where she was also tortured and raped.

BEYOND EDSA

resist the controversial collection of funds intended for the coco levy fund. This peaceful protest to call out the government and to address land reform and rampant militarization turned bloody when soldiers, according to witnesses, killed two farmers and injured thousands on February 1, 1981.

Thinking of EDSA People Power as a bloodless event erases the sacrifices of martyrs and desaparecidos who offered their lives by standing up against fascism. As recorded by Amnesty International, 70,000 people were imprisoned and 34,000 were tortured during the term of Marcos Sr. Additionally, 3,240 people were killed from 1972 to 1981. And even when the Marcoses got kicked out from Malacañang, their cronies were still rampant all over the country.. Years after their exile, Imelda Marcos even tried to run for president. And now, three decades later, their children became president and senator. Which begs the question, is the EDSA People Power still relevant?

REALITIES ON THE GROUND 37 YEARS LATER

It is unfair to invalidate the collective effort of the masses that collectively toppled down the dictatorship during Martial Law. The narrowest target still is the semi-feudal and semi-colonial structure of the Philippines that did not change even when former President

ica, and with the tremendous amount of debt that the Marcos regime gathered, the Filipino people are left to pay.

Even when Marcos was ousted, the Philippine government still hindered the legislation of the genuine land reform act which would give land to farmers. Our education system is also still commercialized which benefits Western countries and leaves many students deprived of basic education. This and other systemic issues of the country continue to plague the people.

The administration of former President Rodrigo Duterte imposed severe policies which took the lives of many Filipinos. His drug war brought extrajudicial killings to innocent people like Kian Delos Santos and Carl Arnaiz. The creation of the National Task Force to End Local Communist Armed Conflict also put the lives of progressives at risk because of their red-tagging sprees. The Bloody Sunday Massacre and the New Bataan 5 are recent examples of Duterte’s crimes.

Now that Bongbong Marcos is seated in Malacañang the fascism continues. The inhumane arrest of development workers Dyan Gumanao and Armand Dayoha in Cebu last January is a testament that the state is scared of those that oppose them. With all these struggles the people face, worsening inflation and increasing prices of goods and services, there is a clear need to resist the status quo and to struggle alongside the masses.

Just recently, the Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operators Nationwide (PISTON), one of the broadest transportation groups in the country, and Manibela, a coalition of public utility vehicle (PUV) drivers and operators, organized a nationwide strike last March 6. It was originally set for a week until government officials in Malacañang met their leaders on Tuesday night, March 7, where they decided to end the strike on Wednesday.

This just means that the kind of opposition they made was a force to be reckoned with because of the impact of the nationwide strike they organized. PISTON leader Mody Floranda expressed that in their meeting with Malacañang, they were left with nothing but to study and review the contents of the Department of Transportation Department Order 2017-011 Omnibus Franchising Guidelines (OFG) and the Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP) until December 31, 2023. They also assured that drivers, operators, and commuters will be part of the entire process.

The strike was also felt in Los Banos. Jeepney drivers and multi-sectoral groups stood together to oppose the planned phaseout, summing up the impact it gave to the people.

In UP Los Banos, the strong and palpable student movement was showcased through the week-long FebFair, where different calls and advocacies were amplified. Through this free and accessible event, the calls were able to reach different kinds of audiences, many of whom probably heard these calls for the first time. Demonstrations and protests all over the country continue to call for the abolition of the mandatory ROTC that has been shown to perpetuate values and practices that do harm and showcase a false sense of patriotism.

Recently the Dumagat-Remontados, a broad group of indigenous peoples, together with progressives walked for 9 days from General Nakar, Quezon to Metro Manila as an act of protest against the controversial Kaliwa Dam. Although they were unfairly blocked by state forces in Mendiola, their message is clear: they will continue the fight against the dam at all costs.

At the end of the day, we are making history

JANUARY-MARCH 2023 UPLBPERSPECTIVE.ORG CULTURE | 15

ANG PAGBUNGKAL NG MAPAGPALAYANG PAKIKIBAKA

Deka-dekadang paghihirap ang patuloy pa ring sinusuong ng sektor ng agrikultura sa kasalukuyan bunga ng pyudal na sistema ng pamamahala. Kinakaharap pa rin ng mga magsasaka ang malawakang problema sa kanilang lupang sakahan, kasama ang mga patong-patong na isyu ng panggigipit, paglabag sa karapatang pantao, at mga kapabayaan ng estado ukol sa tunay na repormang agraryo.

Sa kasalukuyan, kumikirot na rin ang buong sambayanan sa patuloy na pagtaas ng mga bilihin sa merkado. Ang simpleng mga sangkap ng pang araw-araw na putaheng pinoy ay nagmamahalan katulad ng sibuyas at bawang. Sa isang pahayag ng IBON Foundation, sinabi nilang walang binigay na makabuluhang solusyon ang gobyerno sa nararanasang pagtaas ng presyo ng mga produkto sa bansa. Sa halip, ang naging tugon ng gobyerno rito ay ang agarang pag-angkat ng mga nasabing produkto upang pataasin ang suplay, na siyang nagpahina naman sa presyo ng lokal na produksiyon.

At sino muli ang pinakaapektado dito? Ang ating mga magsasaka at manggagagawang bukid.

Sa pagsapit ng Global Day of the Landless na pinapangunahan ng malawak na alyansa ng Asian Peasant Coalition, muli nating kilalanin ang malakas na pwersa ng mga uring magsasaka sa patuloy na pagtataguyod ng panawagan para sa tunay na hustisya sa lupa, pagkain, at katarungan sa klima kahit sa gitna pa ng tumitinding opresiyon ng estado.

UGAT NG BUNGKALAN

Mula sa pananamantala na naranasan ng ating mga magsasaka, nagbinhi ang isang uri ng pakikibaka sa porma ng bungkalan. Ang bungkalan, na isang kolektibong gawaing agrikultural, ay uri ng pagkilos upang panatilihin ang karapatan ng mga magsasaka sa

lupang kanilang ipinaglalaban. Ito ay isang anyo ng reklamasyon o sapilitang paglilinang sa lupang sa kanila naman talaga na patuloy ipinagkakait ng estado at mga panginoong maylupa.

Simula pa man ng panahong kolonyal kung

saan ang sistemang pyudal ay namamayani, hawak ng mga imperyalistang bansa ang produksyong agrikultural at mga inangking sakahan. Ginawang alipin ang mga magsasakang gusto lamang ipagpatuloy ang pag-aararo sa mga katutubong lupain, patuloy lamang

silang ibinaon sa hirap. Nang umalis kuno ang mga imperyalista, umusbong naman ang mga lokal na panginoong maylupa sa bansa na parehas lang ang sistemang pinairal, sakanila pa rin ang kalakhan ng kita at ang mga magsasaka’y hindi pa rin nababayaran nang wasto at wala pa ring pinagmamay-aring sakahan.

Naka-ugat ang kasalukuyang bulok na repormang agraryo sa pagpapatuloy ng kontrol ng mga naghaharing-uri. Bigo ang gobyerno sa pangako nitong ibigay sa mga pesante ang lupang nararapat sa kanila dahil ang pamahalaan mismo ang siyang nagpanatili ng pyudal na sistema.

Upang makaiwas sa mandato ng Presidential Decree 27 sa panahon ng rehimeng Marcos Sr., na nag-uutos na mailipat ang pagmamay-ari ng mga sakahan na may pangunahing tanim na palay at mais sa mga magsasakang lumilinang nito, marami sa mga panginoong maylupa ang sapilitang binago ang nakatalagang tanim sa kanilang mga lupain. Hindi napigilan ang ganitong sistema, dahil sa mga lantarang limitasiyon mismo ng polisiya. Nagsilbng huwad ang nasabing batas dahil wala rin itong naging makabuluhang tulong sa sektor ng mga magsasaka. Bunga naman ng patuloy na korupsiyon at hindi malinaw na implementasiyon, bigo rin ang Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) na tugunan ang sentralisadong pamamahagi ng lupa, at suportang agrikultural sa sektor ng mga magsasaka. Tatlong dekada na ang nakalipas ng maisabatas ito, malabo pa rin ang pagtugon at sistema ng Kagawaran ng Repormang Pansakahan (DAR) sa kanilang mandato na ayusin ang mga ganitong isyu sa mga lupang agrikultural, kasama ng kakulangan ng pagtingin at suporta ng Kagawaran ng Agrikultura (DA) sa kanilang mga magsasaka. Sa kasalukuyan, dinaranas pa ng maraming komunidad sa kanayunan ang masidhing red-tagging sa pangunguna ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict

JANUARY-MARCH 2023 UPLBPERSPECTIVE.ORG 16 | CULTURE
NINA POLO QUINTANA AT FEDERICK BIENDIMA DIBUHO NI KATRINA GONZALES

DAY OF THE LANDLESS MARCH 29

#NoLandNoLife #TunayNaRepormaSaLupa #UringMagsasakaPangunahingPwersa

The Day of the Landless, which is held annually on March 29 under the leadership of the Asian Peasant Coalition (APC) since 2015, brings together landless rural peoples’ movements and land advocates to highlight the struggles for land in the Global South.

(NTF-ELCAC) at matinding panghaharas mula sa mga pwersa ng estado dahil sa mga protesta at mga reklamasyon na kauri ng bungkalan na kanilang isinusulong. Patunay ang mga ito na huwad ang aksiyon ng gobyerno sa pagbibigay ng lupa sa sektor, dahil nangingibabaw pa rin ang kanilang personal na interes at ganansiya.

LUMALAGO AT LUMALABAN

Sa kabila ng pagkitil ng mga pwersa ng estado sa uring magsasaka, umusbong at patuloy na lumalago ang pakikibaka nila. Higit na ipinapakita ng ating magsasaka na handa silang lumaban at tumindig para sa kanilang kabuhayan at karapatan.

Matatagpuan sa gitna ng urbanisasyon sa Lungsod ng Dasmariñas, Cavite ang 372 ektaryang lupain na mas kilala bilang Lupang Ramos (LR). Ilang dekada nang hinaharass at inaabuso ang mga magsasaka at manggagawang bukid sa LR sa ilalim ng pamilyang Ramos na namamahala ng sakahan. Kaya naman, umusbong ang kolektibong pagbawi sa lupa ng mga magsasaka sa pagkabuo ng Katipunan ng mga Lehitimong Magsasaka at Mamamayan sa Lupang Ramos (KASAMA-LR) bilang punong organisasyon ng komunidad, na nanguna sa paglunsad ng malawakang bungkalan noong 2017.

Matapang silang nagtayo ng kubol upang ganap nilang mabakuran at maprotektahan ang komunidad mula sa paggambala ng mga pwersa ng estado na patuloy sa panggigipit sa kanila para angkinin ang nasabing lupa. Ngunit hindi naging madali para sa mga magsasaka ng LR ang pagsasagawa ng bungkalan dulot na rin ng kakulangan ng kagamitan at pag-uusig ng ilan sa kanilang mga mismong kasamahan na mas piniling iwanan ang kanilang pagkilos. Isa ito sa pinakamasakit na pagsubok ng komunidad, ang iwanan ng ilan sa kanilang mga kasama dulot na rin ng walang katapusang hirap na kanilang dinaranas.

Sa ngayon, buhay at matatag pa rin ang kubol kung saan ito’y boluntaryong binabantayan ng kanilang komunidad. Masasabing matagumpay ang bungkalan dahil nakakapag-ani na sila ng sapat na pagkain at para na rin maibenta sa merkado, at ang lumalakas na pwersa ng pag-oorganisa ng kanilang komunidad. Sa isang panayam ng Perspective sa mga nagbabantay ng kubol sa LR, ipinahayag ni ‘Mang Sergio’ ang lalim ng bolunterismo sa kanilang komunidad, “ang pagbabantay po namin dito ay upang maprotektahan [ang] Lupang Ramos na aming ipinaglalaban; hangga’t kami’y nakakatayo hindi namin titigilan itong pagbabantay.”

Sa kasalukuyan, ang kaso ng LR ay nakahain pa rin sa korte na tila walang katiyakan sa resulta, dahil na rin sa sa pangigipit ng estado at ng mga negosyanteng

nakikipagkumpitensyang makuha ang sakahan. Sa kabila nito, klaro sa halos tatlong dekada nilang pag-oorganisa na buo ang kanilang kapasyahan na hindi sumuko sa kanilang ipinaglalaban.

Hindi rin nalalayo ang karanasan ng mga pesante sa Hacienda Yulo na matatagpuan sa bayan ng Calamba, Cabuyao, at Sta. Rosa, Laguna, kung saan matinding intimidasyon at karahasan ang ipinamamayani ng gobyerno at mga korporasiyon nagnananais na agawin ang sakahan.

Taong 2010, ang mga tauhan mula sa Land Estate Development Corporation at San Cristobal Realty Development Corporation (SCRDC) na pagmamay-ari rin ng mga Yulo ay nanguna sa mga gawang pananakot at pagkulong sa ilang magsasaka, mga residente at mga estudyantedng menor de edad kung saan ang ilan pa sa kanila ay sinaktan at aktwal na binugbog. Ipinapakita ng korporasyon ang kapangyarihan nila upang intimidahin at pwersadong paalisin ang komunidad para sa personal nilang layunin sa lupa. At nitong nakaraang Agosto 2020, isang kaso na naman ng pang-haharass ng mga armadong gwardya sa mga kababaihang pesante ang naitala, kung saan nanira at nagsunog pa sila ng tatlong bahay sa nasabing lugar. Dahil sa karahasan at mga pananamantalang ito, binakuran na ng mga residente ang sitio bilang proteksiyon na rin sa kanilang kabuhayan at komunidad. Nakakatakot kapag dahas na ang ginagamit ng estado at ng mga korporasiyon, ngunit patunay na matapang ang mga residente at magsasaka ng Hacienda Yulo dahil nanatili sila sa kanilang lupa sa gitna man ng ganitong opresiyon.

Sa probinsya naman ng Tarlac sa Hacienda Tinang, lumalago rin ang kultura ng bungkalan sa kalakhan ng mga magsasaka roon. Bunga rin ito ng panghihimasok ng mga pulisya at militar, na tila ba pagpapatigil sa nagiging organisado nilang komunidad. Nakikita man ang mga balakid na ito na hinarap ng mga magsasaka, ganap ang pagsama ng kolektibong pwersa ng masa sa kanila.

Sinasalamin ng ilang mga kasong ito, ang pangkalahatang kondisyon at mahabang kasaysayan ng pagbabaka ng sektor, sa kabuuan. Ang mga kuwento ng kanilang pakikibaka, katatagan, at walang tigil na pag-asa sa kanilang minimithi ay inspirasyon sa pagsupil sa pyudal na sistema. Sa ganitong paraan pinapakita ng uring magsasaka na handa at kaya nilang tumindig para sa tunay na kalayaan ng kanilang lupa.

BUNGA NG BIGKISAN

Ilang dekada nang tinitiis ng masang anakpawis ang patong-patong na karahasan at pang-aapi mula sa iba’t ibang pwersang nananamantala. Ngunit, ilang dekada na rin nilang pinapatunayan na hinding hindi sila magpapatinag sa ganitong karanasan.

“Until now big landholdings exist. Tingnan mo ang Hacienda Luisita, tingnan mo ang Negros, ‘di naman talaga na distribute iyan, tingnan mo ang Coron. Marami pa, despite may sinasabi na CARP, they were never distributed,” mga pahayag ni Angie Ipong ng Unyon ng mga Manggagawa sa Agrikultura (UMA) sa isang panayam ng CNN Philippines ukol sa masidhing ugat ng kanilang malakas na panawagan ng tunay na pagbabagong agraryo. Mababatid na dito umusbong ang iba’t ibang porma at anyo ng pagtindig ng mga magsasaka mula sa bungkalan patungo sa pagtatayo ng kubol, pag-oorganisa, pagmomobilisa ng

mga kasama, hindi sila naduduwag sa pag-intimida ng ilehitimong pwersa ng estado.

Iba’t ibang mga progresibong agrikultural na organisasyon gaya ng UMA at Sama-samang Artista para sa Kilusang Agraryo (SAKA) ay suportado at isinusulong na rin ang malawakang bungkalan sa maraming agrikultural na lugar sa kanayunan. Naniniwala sila na sa gitna ng pambansang krisis sa sektor ng agrikultura, isa ang bungkalan sa pangunahing pagkilos na maaring magamit ng ating mga magsasaka upang ipaglaban ang kanilang karapatan na matagal ng nayuyurakan.

Ang kolektibong pagpapaunlad ng mga ipinaglalabang lupa tungo sa isang organikong pamamaraan ng pagsasaka ay kapwa adbokasiyang pangkalikasan at matapang na protesta para sa tunay na agraryong reporma.

HIGIT SA PAGKAKAROON NGSEGURIDADSA

PAGKAINAT

IKABUBUHAY, SIMBOLO

ANGBUNGKALANNG

TAGUMPAY NG MGA NAGKAKAISA, NAGBUBUKLOD, AT NAGBIBIGKISANG

KOMUNIDAD.

Buwagin man ang bawat kubol, ipatigil man ang pagbubungkal, sunugin man ang mga tahanan, at magbuwis pa ng buhay ang iilan, pinapatunayan ng kolektibong aksyon ng masang anakpawis na sisibol at magbubunga pa rin ang mapagpalayang pakikibaka ng mga magsasaka, pesante, at manggagawang bukid. At sa bawat bungkal ng lupa at pagbabayanihan ng sektor, sumama tayong masa sa pagasang aani rin sila ng tagumpay na katapat ng kanilang dugo, pawis, at hirap na iniaalay para sa bayan. [P]

RELATED STORIES

READ: Plight of the peasants

READ: Buhay ng mamamayan, nakasalalay sa kapakanan ng agrikultura

READ: In a state of the landed: land is power, (and the landed refuse to give)

It’s time to answer the call.

As PANANAW XVI celebrates its 16th issue with the theme “Ugnayan sa Marahang Pagningas”, we tackle the power of the collective and the political capacities of rest in a time of fatigue, weariness and collapse of spirit.

JANUARY-MARCH 2023 UPLBPERSPECTIVE.ORG CULTURE | 17
“ #DayOfTheLandless2023 #StopKillingFarmers #TunayNaRepormaSaLupa ONLINE uplbperspective.org

Sa

mamamayang Pilipino laban sa matinding kahirapan at kagutuman.

Ang mabilis na pagtaas presyo ng mga bilihin at ang nanatiling mababang sahod ay naguudyok sa mas mahirap na buhay para sa mga manggagawang Pilipino. Tumataginting na 8.1% ang inflation rate sa Pilipinas noong Disyembre 2022. Ito ang pinakamataas na naitala sa nakalipas na 14 taon mula noong Nobyembre 2008. Tandaan na nababawasan ang halaga ng sinasahod ng mga manggagawa tuwing may pagtaas sa antas ng inflation sa bansa.

Ayon sa IBON Foundation, para sa isang pamilyang may limang-myembro na nakatira sa NCR, dapat Php 1,140 kada araw ang kinikita upang matustusan ang kanilang pang araw-araw na pangangailangan. Sa kasalukuyan, Php 570 lamang ang daily minimum wage na ‘di hamak na mas maliit sa nirerekomendang sahod.

Ang tanong, paano pinagkakasya ng mga Pilipino, lalong-lalo na ng mga nasa laylayan, ang kanilang sahod laban sa mahal na mga bilihin? Paano nila natutustusan ang kulang na kita para ipambayad sa mga gastusin? Madalas na sagot dito ay “nasa kaniya-kaniyang diskarte lang naman iyan.” Bago ang Pasko, niregaluhan ng Department of Trade and Industry (DTI) ng sakit sa ulo ang mga Pilipino matapos maglabas ng “price guide” para sa handa ng Noche Buena. Ayon kay DTI Undersecretary Ruth Castelo, kasyang kasya ang Php500.00 dahil “dapat kung magluluto, mayroon ka namang bawang, sibuyas, at mantika na.”

Dito palang ay makikita na kung gaano kawalang-alam ang gobyerno sa estado ng kanilang pinagseserbisyuhan. Kahit na may krisis sa sahod at bilihin sa Pilipinas, tinutulak pa rin sa mga tao ang pagiging matatag (resiliency) at diskarte sa halip na magpahayag ng hindi pagsang-ayon o pagtutol sa kasalukuyang pamamalakad ng administrasyon.

PAGSUSURI SA “DISKARTE”

Ang diskarte ay walang direktang kasingkahulugan sa Ingles, ang pinakamalapit na pagsasalin dito ay strategy o approach. Ginagamit ang diskarte sa iba’t-ibang konteksto tulad ng sa panliligaw, mga negosasiyon, at sa paglutas ng mga problema.

Sa loob ng dalawang taon ng pandemya, maraming manggagawa ang nawalan ng trabaho dahil sa mga pinairal na lockdowns. Sa kabila ng mga problema at pagsubok na kinakaharap, nagagawan pa rin ng paraan ng mga Pilipino na makahanap ng ibang mapagkakakitaan. Nauso ang mga live-selling at may mga nanghihingi ng tulong pinansiyal sa mga social media platforms para pambayad sa ospital o pambili ng gadyet para makapagpatuloy sa pag-aaral.

Ang salitang diskarte ay may iba’t-ibang implikasyon; maaaring ito ay isang saloobin o pananaw sa buhay. Ang diskarte ay kadalasang

ANGMITONG DISKARTE

ating mga mamamayan para lamang mairaos ang kanya-kanyang pamilya, kung ano-anong mga gimik at raket ang pinapatulan upang malampasan ang kahirapan. Mga trabahador na sumusweldo ng minimum wage o mas mababa pa ay kumakayod araw-araw habang ang mga kapitalista ay mas lalong lang nagpapayaman.

Ang pahayag ni Donnalyn Bartolome tungkol sa back to work matapos ang bakasyon ay isang manipestasyon ng nakakalasong pag-iisip dala ng kapitalismo. Hindi lahat ng tao ay may pribelihyo upang itigil ang pagtatrabaho o may kakayahang makapaghanap ng alternatibo. Sa simula pa lang, wala na silang resources upang matugunan ang mga ito. Kamakailan lamang, tumanggap ng batikos ang (DTI) dahil sa kanilang iminungkahi na noche buena sa Pasko na nagkakahalagang Php 500.00 na umano’y sapat na para sa pamilya na may limang miyembro. Ginamit na naman dito ang diskarte bilang solusyon sa problema ng pagtaas presyo ng mga bilihin. Sa ganitong sitwasyon, hugas-kamay ang mga dambuhalang negosyante, korap na politiko, at mga panginoong may lupa sa kanilang mga pananamantala. Binabaling ng mga kapitalista ang kanilang mga kalapastanganan sa mga uring manggagawa at pinaparating na kulang o wala silang diskarte sa buhay kaya hindi umuunlad ang kanilang kalagayan sa buhay.

Nabulag ang mga Pilipino sa totoong dahilan kung bakit talamak ang kahirapan, kagutuman, at hindi pagkakapantay-pantay dahil tinuruan tayong sisihin ang ating mga sarili kung bakit hindi tayo umuunlad. Sa katotohanan, walang kakayahan ang ating gobyerno na makapagbigay ng solusyon sa intergenerational poverty na dinaranas ng halos lahat ng pamilyang Pilipino. Walang kahit ano mang diskarte ang magbibigay sa lahat ng pantay-pantay na kaginhawaan sa buhay.

PANANDALIANG SOLUSYON SA SISTEMIKONG PROBLEMA

pinaparangalan bilang isang asal (cultural behavior) kung saan ang isang tao ay may sariling paraan para maiwasan ang anumang hadlang para mapagaan ang pamumuhay. Ang isang madiskarte na tao ay maaaring mailarawan bilang mapamaraan (resourceful) o street smart. Sa kasamaang palad, napipilitan ang ilan sa mga mamamayan na dumiskarte sa hindi legal na paraan katulad na lamang ng pagsingit sa linya, pandaraya sa pagsusulit, pagamit ng fixers, palakasan sa mga opisyal ng gobyerno, at panunuhol tuwing na-ticketan sa daan. Ang iba ay humahawak pa sa patalim—pagbebenta ng droga o kaya nama’y pagnanakaw—para lamang may mapangkain.

Mayroon namang iba na puhunan ang kanilang kasanayan katulad ng pagtayo ng community pantries sa kasagsagan ng lockdown, pagiging part-timer habang nag-aaral, pagbebenta ng mga handicrafts, pagkokomisyon ng mga artworks, pangangalakal, pagiging labandera, at iba pa.

Mabuti man o masama, hindi natin mapagkakaila na ang mga gawing diskarte ay bunga ng kapabayaan ng estado sa pamamahala at kabiguang magbigay ng sapat na mga serbisyong pampubliko. Sa isang malakolonyal at malapyudal na lipunan, ang tagumpay ay madalas na sinusukat sa karangyaan

ng pamumuhay. Iniuugnay natin sa taong matagumpay ang pagiging masipag, matiyaga, at determinado. Lubos na mauunawaan ang diskarte ng isang indibidwal kung alam natin ang kanilang personal at panlipunang kalagayan na nag-udyok sa paggamit nito.

PAGIGING MADISKARTE SA

PILIPINAS

Ayon sa naitalang datos noong Nobyembre 2022, mayroong 21.5 milyong manggagawa ang napapabilang sa impormal na sektor, kung saan binubuo nila ang 43.2% ng mga employed. Salungat sa pahayag ng gobyerno, ang pagtaas ng employment rate dahil sa mga part-time at impormal na mga trabaho ay hindi pahiwatig ng pagbabalik lakas ng ating ekonomiya. Ang pag-giit ng gobyerno sa isang malakas na labor market base lamang sa employment rate ay pagbabalewala sa pagdami ng mababang kalidad na trabaho, na pinipilit lamang ng mga Pilipino na subukan ang mga ito para lamang may maipangtawid sila sa kanilang pangaraw-araw na gastusin. Ang diskarte ay nagmumula sa hindi pantay na ugnayang panlipunan, isang direktang resulta ng kapitalismo. Kapit sa patalim ang

Mayroong 19.99 milyong indibidwal ang nabubuhay sa ilalim ng poverty threshold o 18.1% ng kabuuang populasyon ng Pilipinas ang hindi nakakatanggap ng sapat na sahod para matugunan ang mga pangunahing pangangailangan. Ang walang pagkakapantay-pantay sa oportunidad ng paggawa, trabaho, at edukasyon ang nagtatakda kung paano nalilikha at nagagamit ang mga “diskarte”. Ang taong madiskarte ay karaniwang nanggagaling sa mababang posisyon sa lipunan.

Ang diskarte ay ginawang panandaliang solusyon sa ating sistemikong problema sa bansa. Inilipat nito ang sisi mula sa kawalan ng kakayahan ng gobyerno na bigong makapagbigay sa mga mamamayan ng sapat na serbisyong pampubliko na nararapat na matamasa ng mga mamamayang Pilipino. Nakakalusot ang mga korap na opisyal sa gobyerno sa kanilang mga katiwalian dahil namanipula nila ang sambayanang Pilipino sa pag-iisip na ang kalagayan nila sa buhay ay umaasa lamang sa diskarte nila.

Kailangan ng panagutin ang mga kapitalista sa kanilang mga paniniil sa sambayanan. Ipagpatuloy at mas paigtingin ang pangangalampag laban sa mapagsamatala at pasistang awtoridad. Panahon na upang ang gobyerno naman ang dumiskarte upang makapaglahad ng konkretong solusyon at tunay na tulong sa mga uring manggagawang Pilipino at mahihirap. [P]

JANUARY-MARCH 2023 UPLBPERSPECTIVE.ORG 18 | CULTURE
PAGLALAPAT NI JEAVER AOANAN
pagsisimula ng bagong taon, patuloy pa rin ang masalimuot na pakikipagsapalaran ng

POINT OF VIEW

BUHÁY NA ARKIBO NG PAKIKIBAKA

TRIGGER WARNING: Ang artikulong ito ay naglalaman ng ilang mga sensitibong detalye kagaya ng police brutality.

Ang artikulong ito ay mga sipi mula sa panayam ni Aira Angela J. Domingo kay Ka Jimmy Devilla Calanog at salin naman ni Stefano Gumata.

Tatlumpu’t pitong taon na ang nakalipas mula nang maganap ang EDSA People Power Uprising kung saan napatalsik ng taumbayan ang pasista at diktador na si Ferdinand Marcos Sr. Sa kasalukuyan, ang anak naman nitong si Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang nakaupong pangulo ng Pilipinas.

Hanggang ngayon, patuloy pa rin ang pagtanggi ng pamilyang Marcos sa mga krimeng ginawa nila lalo na noong panahon ng Batas Militar. Subalit sa kabila ng mga pagtanggi at pagbaluktot sa kasaysayan, may ilan pa ring buhay na patunay na patuloy ang pagsasalaysay ng kanilang karanasan at patuloy na nakikibaka laban sa mapang-aping estado.

Ano ang naging karanasan niyo noong panahon ng Batas Militar?

Marami. Actually, mas particular ako sa aking nakikita [at] nadidinig. Maliit na bahagi lamang ‘yung naranasan ko [sa] hitsurang aktibista. [Sa aking karanasan], sinaktan [at] hinuli nila ako. Binatukan, sinampal, tinadyakan, dinibdiban, talagang nagdidilim ang paningin ko, ‘di na ako makakita. Doon sa parte na ako ay nabugbog [ng MetroCom]. Nung una, ako ay galit pero paguwi ko sa amin, ‘yung galit ko natakpan ng takot, trauma. Basta ako’y nakakita ng MetroCom (Metropolitan Command), ako’y nanginginig [at] natatakot ako. Kaya ‘yung tinatawag nating “alab ng pakikibaka” ay nawala [sa’kin], [ito’y] natabunan ng takot.

Pero yung, aking nakikita [noong Batas Militar], nung pumunta ako ng Quezon at nakita ko doon yung mga ginagawa ng military sa kanayunan. Merong mga taga-nayon na may alagang baboy, limang-buwan na ‘yung baboy, titrenta kilos pa lang, napakaliit ng trenta kilo. Pero ganoon sila nagtitiyaga, para kahit pagdating ng panahon ay pwede nilang gawing pera ‘yun. Pag [duma]daan ang military, dahil kailangan nila ng pagkain sa operation, bibitbitin nila ‘yung baboy. As in binitbit lang, parang [nag] snatch ka lang. Walang halaga sa kanila [militar] kung ano ‘yung kalagayan at nararamdaman ng mga mamamayan na naapektuhan ng kanilang ginagawa [at kinuhanan ng produkto].

At kasabay nun, ‘yung [mga] nababalitaan ko, halimbawa may mga kaibigan ako, dating kaklase, na nabalita ko lang sila ay nagtatago. [Bilang] mga kilala silang aktibista, kung baga sa ngayon sila ay nakaredtag. Doon sa mga safehouse nila [ay] mahuhuli sila, [tapos] papatayin. May ilang kaibigan akong nabalitaang

ganoon ang nangyari. Dahil noon ay may news blackout, ‘yung government television lang ang talagang mapapanood mo sa T.V. Lahat ng pabor sa gobyerno, ‘yung magaganda kunwari na ginagawa ng gobyerno ay ‘yun lang ang iyong mapapanood. Nung panahon na ‘yon ay wala kang pahayagan na maaaring mabasa na tungkol sa tunay na nangyayari sa ating bayan.

Itong malaya, [Balita ng Malayang Pilipinas] ito’y underground [na pahayagan] na kumbaga para itong shabu na patagong binebenta, ‘yung mga malaya lang [pahayagang nagbabalita ng katotohanan].

Tapos palalabasin ng mga taga-kabilang bakod na nagkaroon daw ng golden era noong panahon ng Martial Law. Wala akong nakikita, hindi ko matawag na golden era, baka kaya tinawag nila na golden era dahil ‘yung bigas na iyong bibilhin ay may halong mais [at] nagkukulay gold. Pero ‘yung ginhawa ay wala.

Pero ano ba ang mga ginawa ng administrasyon Marcos Sr.? Kung titingan mo, parang may maganda namang ginawa. Nakapagbukas sila ng government corporation at napakaganda nito sa isang estado. Pero kung titingnan natin, kung [tatasahin] natin, ano ba naman ang nangyari? Lahat ng korporasyon na ito ay ginawang milking cow ng ating gobyerno. Ang mga kinikita nito ay kanilang kinukuha [at] dadalhin sa ibang bansa, sa Swiss Bank [halimbawa] at tsaka dinideposito sa kanilang pangalan. Sabi nila na maganda ang mga achievements ng dating pangulong Marcos pero ilang bilyon [naman] ang kanyang inutang. At ang halaga na ito ay nasa kalahati lamang ang nagamit, at ang iba [ay] saan [ba] napunta? Ayun, binulsa ng mga Marcoses.

[Sa kasalukuyang Marcos] Isipin mo, sa buong mundo, sa Pilipinas lamang nagkaroon ng ganito kamahal na presyo ng sibuyas. Pero nababalitaan natin sa social media na sa Mindoro ay 8-15 pesos nila makukuha from the farmer. Pagkatapos, mabebenta nila ng 500 to 800 Pesos. Tapos mababalita mo ang dami nang nabulok na sibuyas. Ngayong panahon ng anihan, nag-import tayo ng sibuyas. Anong klaseng sistema ang ginagawa ng gobyernong ito? Ang DepEd, ang [niraratsada] nila ngayon ay ROTC. And dahil sila mag pro-provide ng mga kailangan sa ROTC, billions na naman na budget. Ang dami nilang dapat bigyan ng pansin [kagaya kung] gaano karami[ng] libo-libong classrooms pa ang kailangan. Ang baba ng sahod ng mga teachers kung ikukumpara natin sa mga sundalo at mga kapulisan. Pero bakit ganito ang kanilang mga ginagawa?

Ang suma-total ng aking sinasabi na ito, ang matandang Marcos at bagong Marcos, ay walang pinag-iba. Ito lamang, batang Marcos ay mapagkunwaring si mapagkumbaba, mabait, mahal niya ang tao. Pero ang lahat ng kanyang sinasabi ay taliwas sa kanyang ginagawa. Pero katulad din nung sinasabi ko, kung papaano nung panahon ng Martial Law. Ang ating mga militar ay pinahihirapan ang taong bayan, lalo na sa lugar ng kanayunan ay ganoon din ang ginagawa ngayon. Walang pinag-iba. Nagpalit baro lang, ‘yung nag-disguise siya na matino.

Wala akong makita na maganda tayong hinaharap sa administrasyon na ito. At yun nga, ‘yung [paglulunsad] ng panibagong people power. Ang [sa’kin] naman doon ay hindi yung biglaan na people power. Not on the 25, pero ito’y isang maaring magamit nating chomping

board sa ating nakikita. Ang kailangan natin ay pag-oorganisa. Patuloy na pangangalap ng mapapaniwala natin sa tunay na nangyayari. Kung papaano natin sila mabibigyan, magkakaroon ng paniniwala na maging makabayan, wag ‘yung sarili lamang. Ito ‘yung magdadala sa atin sa tamang panahon sa pagbabago. At maaaring hindi katulad nung 1986 na people power ang susunod. Pero dahil punong-puno na ang tao, nakikita nila ang paghihirap at kawalang kilos ng pamahalaan para sa ikabubuti ng mamamayan. Ang taong bayan ay kusang mag-aalsa.

Sa inyong palagay, ano ang kahalagahan na lumaban at makibaka laban sa mapang-aping estado?

‘Yan ay isang moral obligation ng bawat Pilipino. Alam mo minsan, yung mga tao, ay ang tingin nila sa mga aktibista ay mga rebelled. Katulad ng ginagawa na pangungumbinsi ng militar na ang mga aktibista ay mga terorista. Hindi. Ipinapakita natin ang ating mga kilos-protesta, paghahayag ng ating pagka-disgusto sa sistema ng pamahalaan. Tayo ba ay lumalaban sa gobyerno? Hindi, yung mga taong [nasa] gobyerno ang ating linalabanan dahil mali ang kanilang ginagawa.

Ano

ang masasabi niyo sa kasalukuyang gobyerno?

Aba, ay nako napakabulok. Wala akong makitang magandang pinaplano ng gobyernong ito. Lahat ng [ginagawa] nila ay paano sila kikita. Meron bang hustisya? Anong nangyari kay dating senador De Lima? Wala nang ebidensya [at] wala nang testigo na lumalaban sa kanya, pero nakakulong pa rin. Pero ‘yung anak ni Remulla, redhanded nahuli doon sa mga marijuana, dahil lang sa pagkakamali nung nag-file nung pangalan, dismissed yung kaso. May hustisya ba?

‘Yung nangyari kay Manny Asuncion. Nakakausap ko sila, nagkakausap kami, nagkaka-chat kami. Hustisya ba to? Ito ba yung hustisyang tinatawag nila? Ito ba yung sinasabi ni Remulla na meron tayong parehas na hustisya? Mali na. Bakit ngayon, si Gloria Macapagal Arroyo ay nag-file ng isang bill para proteksyonan si Duterte. Alam natin ang mga kahayupang ginawa ni Duterte. Ang kaniyang mga paglabag sa karapatang pantao. Kung ibabase natin doon sa alam nating nangyari, siya ay guilty at magiging guilty for crimes against humanity. Bakit itong congress eh maglalabas ng batas para siya ay proteksiyonan. Wala akong nakita na isa man na ginagawa ang ating pamahalaan para sa kabutihan ng ating bayan. [P]

JANUARY-MARCH 2023 UPLBPERSPECTIVE.ORG CULTURE | 19
Si Ka Jimmy ang regional chairman for good governance ng Southern Tagalog Regional Ecumenical Affair Movement (STREAM). PAGLALAPAT NI NICOLE COLET

MUMBLINGS

ANG PUNA AY MAPAGPALAYA

“Ang galing mo”, “ang ganda ng gawa mo’, “napakahusay”, kay sarap marinig ang mga salitang ito. Gayundin, dapat maging bukas tayo sa mga “constructive criticisms” na siyang mas magpapabuti ng ating mga gawa at mas magpapatalas sa ating isipan. Ngunit, paano kung sa dalawang ito, wala kang matanggap Nitong nagdaang semestre, magkahalong emosyon ang aking naramdaman sa aking mga grado. Kasabay ng kasiyahan ang pagtatanong kung “deserve” ko ba ’to o binasa kaya ‘to ni prof.? Mayroon kasing mga pagkakataon na hindi na nakapagbibigay ng “feedback” ang mga propesor. Dahilan sa kakulangan ng feedback, hindi gaanong umuusad ang pagkatuto at nagiging sanhi rin ng hilaw na kalidad sa kaalaman. Hindi ko matumbok kung ano ang mga dapat pa bang baguhin, at ano-ano ang aking mga kahinaan at kalakasan. Gayunpaman, madali man manisi at mag-demand sa ating mga guro/propesor na magbigay ng feedback at ‘wag grado lang, marapat ding tingnan at pagtuunan ng pansin ang kasalukuyang kalagayan ng ating edukasyon.

ANG PAKIKIPAGSAPALARAN SA

BIRTWAL AT PISIKAL NA MUNDO

Matapos ang humigit-kumulang dalawang taong online classes, ipinatupad ng mga paaralan at unibersidad ang hyflex learning na kung saan magkahalo ang online at face-to-face classes. Bago pa man ito ipatupad sa University of the Philippines Los Baños (UPLB), umusbong na agad ang mga kritisismo at maraming nagpabatid ng kanilang pagkabahala rito. Ngayong natapos ang isang semestre sa ilalim ng blended learning, masasabi kong hindi ito naging madali para sa akin sapagkat dumoble lang ang aking problema. Ang dating isang kape ay hindi na sapat para sa matinding puyatan. Kinakailangan ko pang pagsabayin ang online at face-to-face classes. Pagkatapos sa online class ay diretsong maghahanda para pumasok sa classroom.

Talagang nakakapanibago at nakakabaliw na magpalipat-lipat sa dalawang mundo.

Kaya naman hindi ko maipagkakaila na maraming pagkakataon na late ang aking ipinasang mga exercises na nagiging sanhi rin ng pagkaantala ng pagbibigay ng feedback at marka ng aking mga propesor. Pasalamat na lamang ako dahil nagbibigay sila ng sapat at karagdagang panahon upang ito ay aking matapos. Kung tayong mga estudyante ay nahihirapan, tiyak na pati ang ating mga propesor ay marami ring bitbit na problema. Kaya’t marapat na tingnan din natin ang problema sa kanilang lente.

Matapos kong makausap isang propesor mula sa DevCom nakita ko ang bigat ng kanilang dinadala. Kagaya ng mga estudyante, doble rin ang kanilang trabaho. Ayon sa All Academic Employees Union sa isang Press Release ng Rise for Education UPLB nitong nakalipas na taon, nagkakaroon ng dual personality ang teachers at maging sila ay nangangapa

rin sa bagong set-up. Dagdag pa rito, sinabi naman ni Sir Guien na may tatlo pa silang gampanin sa akademya na kung tawagin ay “trilogy of functions”. Binubuo ito ng: instruction, research, at extension; at syempre mayroon pang mga administrative work. Bukod sa nasabing problema, nariyan din ang pahirap na Student Academic Information System (SAIS). Dahil madalas magkaubusan ng slots, hindi pa nagsisimula ang semestre ay stressed na agad ako sa pagmamakaawa sa units para lamang hindi maging underload. Kaya’t napipilitan akong mag-apply para sa prerogatives. Habang tayo ay nagkukumahog para sa full units, ‘di naman mapakali ang mga propesor natin sa bulto na mga emails na kanilang natatanggap mula sa mga estudyante. Karugtong nito, sa oras na tumanggap sila ng estudyante ay madadagdagan din ang bilang ng mamarkahan at bibigyan ng “feedback”. Nariyan din ang pasakit ng patuloy na pagtaas ng presyo ng bilihin na nagpapalala sa krisis ng edukasyon.

IMPLIKASYON NG INFLATION

Bunsod pa rin ng patuloy na pagtaas ng bilihin, hindi na lang ang pag-aaral ang kailangan atupagin ng mga estudyante at propesor. Kinakailangan talagang maging masinop sa paggastos dahil halos wala nang

pagkain na bababa sa Php 50.00. Dagdag pa rito ang renta sa dorm at syempre, hindi na mawawala ang mga fieldwork, kung kaya’t kailangan ko rin maglaan ng pera.

Paano na lamang ang mga kapwa ko estudyante na nakatira sa mga lugar na halos walang internet connection, at nagpa-paload pa para sa data. Kapansin-pansin din ang kakulangan sa espasyo sa pag-aaral, nakatutulong man ang ilang learning hubs ngunit madalas ay mahina ang signal dito.

Samantala, ang mga guro naman ay halos parehas din ng sitwasyon. Hindi rin naman kalakihan ang sweldo ng mga guro o propesor lalo na iyong mga nasa mababang ranggo pa lamang. Subalit, isa sa pinapagtaka ng aking propesor na si Sir Guien ay ang pagkakaroon ng tax sa kanilang bonus — maliit na nga ang kinikita, may kaltas pa. Nawala rin ang internet allowance kung kailan mas kailangan.

Pagdating ng petsa de peligro, pare-parehas tayong nagtitiis sa gutom, dahil may mga pagkakataon talaga na dahil sunod-sunod din ang aking face-to-face classes ay hindi na ako nakakakain ng tanghalian. Mabuti na lamang dahil may mga kainan na kahit papaano ay budget-friendly pa rin — ang masama lang, magkaka-cholesterol na yata ako kakakain ng mga silog sa We Deliver. Dito pa lamang ay makikita na natin ang patong-patong na problema kaya’t hindi rin

natin maaaring sisihin at i-antagonize ang isa’t isa — parehas tayong apektado ng bulok na sistema ng ating edukasyon. Mahalagang makita rin natin ito bilang intersectional na problemang hindi lang nakakulong sa loob ng UPLB. Isa itong malawakang problema ng edukasyon sa Pilipinas na produkto ng neoliberal na prayoridad ng ating sistema. Ang kawalan ng espasyo para sa pagpuna ay isang anyo ng pagpapatahimik sa kritikal na pag-iisip sa ilalim ng neoliberal na sistema. Ang puna, sa akademya man o politika ay isang mahalagang aspeto ng pagbaka tungo sa pagpapalaya ng kaisipan at ng sambayanan. Kaya naman, tayo, estudyante man o guro ay patuloy na manawagan para sa dagdag pondo at sapat na benepisyong pang-edukasyon sapagkat ang isang intersectional na suliranin ay kinakailangan ng multi-sectoral at kolektibong pagkilos. Sa gitna ng lumalalang sistema ng edukasyon, ang hindi dapat mawala ay ang kritisismo at pagbibigay ng puna sa pamamalakad at pagtrato ng gobyerno. [P]

JANUARY-MARCH 2023 UPLBPERSPECTIVE.ORG 20 | OPINION
#AcadEaseNow #EducationIsARight #LigtasNaBalikEskwela ONLINE uplbperspective.org
DIBUHO NI ROANNA ILOIZA VITUG

PAATRAS, ‘KAD!

Mabusisi, mahaba, at pihikan ang naging pagpupulong upang ipasa ang resolusyong naglalayong kundenahin ang pagpapatupad ng

Mandatory ROTC o MROTC noong nakaraang ika-54 na General Assembly of Student Councils (GASC).

Sa gitna ng nabubulok na sistema ng edukasyon ay isinulong ng kasalukuyang Secretary ng Department of Education (DepEd) na si Sara Duterte ang isang panukalang matagal nang nangangalingasaw dahil sa malagim nitong nakaraan ng awtoritaryanismo, karahasan, at kurapsyon.

Bilang isang estudyante at guro sa hinaharap isang malaking sampal ang pagpapaliyab ng karahasan sa halip na pag-aapula sa nanganganib na kinabukasan ng kabataan - ngunit hindi na ito nakakagulat sa rehimeng umaabante dahil sa karahasan, kahit na atrasado na ang buong bansa.

‘AS YOU WERE!’

Ang ROTC o ang Reserve Officers Training Corps ay ipinapatupad sa mga kolehiyo bilang elective ng National Service Training Program (NSTP). Isang klase ng edukasyon na tumatago sa huwad na mukha ng patriyotismo at nasyonalismo. Sa halip na magturo ng mga nararapat na asal at nagpapataas ng diwa upang aralin ang mga isyung panlipunan ay itinatanim nito sa kaisipan ng mga kabataan na kasalanan ang sumuway sa utos at laging tama ang pamahalaan Sa katunayan, hindi nasusunod ng ROTC ang hangarin na magsilbi sa bayan bagkus isa lamang itong pagpapasa muli ng gobyerno ng responsibilidad sa kanilang mamamayan.

Sa halip na baguhin ang anyo ng kurap na sistema ng AFP at PNP, inaasa pa ni Bato Dela Rosa ang responsibilidad sa mga mamamayang dapat nakatuon ang pansin sa pagaaral. Baluktot ang pangangatwiran ni Dela Rosa na ang MROTC ay magpapalawak ng pwersa na lalaban sa China sakaling mangyari ang gyera. Isa itong walang kabuluhang sakripisyo dahil nilalabag nito ang batayang karapatang mag-aral ng mga kabataan upang hubugin ang sarili.

Marapat lamang na buwagin na ang sistemang awtoritaryan ng MROTC dahil nakahulma ito sa patriyarkal at kolonyal na sistema. Ang mga ROTC sa iba’t-ibang dako ng mundo ay nagmula sa Estados Unidos (EU), ito ay pangunahing naka-angkla sa sistema ng agham-militar na mayroong awtoritaryan na

pundasyon. Sa ilalim nito, nasa iisang kamay lamang ang kapangyarihan at may istriktong pagtanaw sa pagsunod sa utos. Ito ay isang delikadong sistema na hindi nagbibigay daan upang magkaroon ng kalayaang mag-isip at kritikal na makibaka. Kung sakaling ganap na itong ipapatupad sa Pilipinas, hindi malabong malagay sa panganib ang buhay ng mga estudyante dahil sa berdugong imahe ng militar at kapulisan sa ating bansa.

Sa likod ng hindi kaaya-ayang imahe ng mga militar at kapulisan ay ang madugong kasaysayan din ng mga programang hawak ng mga pwersa ng estado. Umalingawngaw ang mga panawagang ihinto ang ROTC dahil sa pagkamatay ng estudyante na si Mark Welson Chua - pinatay at natagpuan na lamang palutang-lutang sa ilog matapos ibunyag ang korapsyon sa sistema ng ROTC sa University of Santo Tomas. Sa ilalim ng administrasyong kung saan ang bayad sa kalayaang magsalita ay kapahamakan , tiyak na marami ang susunod sa yapak ni Mark Welson Chua - nararapat nang buwagin ang programang kumitil na ng buhay at lalabag pa sa mga karapatang pantao ng mga mag-aaral.

“TIKAS KATAWAN, NA!”

Hindi maaaring pwersahin ng estado ang mga kabataan na lumahok sa sapilitang pagbibilad sa init at pag-gawa ng mga

nakakapagod na aktibidad dahil ito ay pumapasok sa usaping kalusugan. Hindi lahat ng mga mag-aaral ay may pisikal na kakayahang gumawa ng mga drills at exercises na ipinapakita ng mga cadet dahil sa layo ng kakayahan at kasanayan ng mga ito. Maaari ring magmanipesta ang pagod na nararamdaman ng mga estudyante sa kanilang lagay ng akademiko. Bagaman importante ang pagpapahalaga sa pisikal na kakayanan, may bahid ng patriyarkiya ang MROTC dahil nakahulma ang balangkas nito sa gawaing militar. Maraming iba’t ibang paraan upang palakasin ang resistensya at pangangatawan ng isang mag-aaral batay sa pisikal nitong pangangailangan at hindi sa pamamagitan ng atrasadong disiplina ng pulis at militar.

Higit ding tututulan ng komunidad ng LGBTQIA+ and ROTC dahil hindi ito kumokomporoma sa kinagisnang sistema na macho-pyudal, patriyarkal, at awtoritaryan. Pinipilit ng ROTC na humulma ang mga sasali rito sa pagkakaroon ng hairstyle at pananamit na nakabalangkas sa hilatsa ng isang lalaki sa isang steryotipikal na lipunan - maikli ang buhok, balot ang katawan, at ang pagkilos ay nakabase sa nakagisnang gawi ng militar.

Sa ilalim ng patriyarkal at militarisadong pamumuno, makararanas ng panunukso at pandidiskrimina ang sektor ng LGBTQIA+. Magkakaroon din ng paglabag sa karapatang ipakilala ang sarili sa pananamit dahil sa hindi

makatarungang polisiya ng programa - dapat maikli ang buhok, hindi gumagamit ng kolorete at paghihigpit sa kasuotan kung saan dapat ay kagaya ng sa militar.

“TUMINGIN NANG TUWID!”

Malinaw ang interes ng gobyerno, lalong-lalo na ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) (NTF-ELCAC) sa institusyonalisasyon ng MROTC - magsilbing mata sa mga progresibong estudyante at ihalintulad ang mga ito sa mga terorista. Sa UPLB, hindi pa man naikakasa sa kamara ang panukalang batas ay minamanmanan na ang mga student-activist ng iilang mga pwersa ng estado gayundin ang walang pakundangang paglabasmasok ng mga pwersa ng estado sa kampus.

Sa pag-arangkada ng MROTC ay siya ring paglawak ng militarisasyon sa iba’t-ibang dako ng campus. Hindi magandang signo ang presensya ng militar lalong-lalo na sa mga institusyong naghahasa ng mga estudyanteng magkaroon ng makamasang oryentasyon at kritikal na diwa. Sa bisa ng rin ng ipinapanukala ng mga konseho sa buong UP System, kailangang masigurong maayos at epektibong maipatupad ang Safe Haven Resolution na naglalayong bigyan ng ligtas at dekalidad na kapaligiran ang mga mamamayan.

Ang pagdami at pagdalas ng presensya ng mga pwersa ng estado sa mga eskwelahan ay laging may kaakibat na pagtaas ng kaso ng mga paglabag sa karapatang pantao na dulot ng mga pwersa ng estado gaya na lamang ng paniniktik, panre-redtag, pangha-harass, at pagbabanta sa buhay. Ang pagkasa ng MROTC ay ang paglelehitimo sa pagpasok ng AFP at PNP sa mga institusyo. Binibigyan nito ng pagkakataon na magmanman sa sangkaestudyantehan at manghimasok sa mga buhay nito. Hindi dapat pinapahintulutan ng sambayanan ang ganitong posibleng pangyayari. Ito ay lumalabag sa kasunduan ng UP-DND Accord at UP-DILG Accord na hindi nagpapahintulot sa pagtapak ng mga ito sa campus ng UP System.

Bilang isang estudyanteng saksi sa hirap ng mga kapwa ko mag-aaral at bilang isang guro sa hinaharap na danas ang kababaan ng kalidad ng edukasyon sa bansa, maghihirap ang sambayanan sa patuloy na pagbabalewala ng tambalang Marcos-Duterte sa naghihingalong sistema ng ating edukasyon. Paatras ang magiging direksyon ng bansa pati na rin ang takbo ng kinabukasan ng mga batang dapat mas pinapahalagahan ang pag-aaral.

Sa pagratsada ng MROTC, kailangang umabante ang hanay ng kabataan at sangkaestudyantehan upang tutulan at labanan ang mala-diktaduryang programang tumatago sa huwad na hilatsa ng disiplina at nasyonalismo. Ang kolektibong pagbabasura ng isang programang may mantsa pa ng dugo ng nakaraan ay halimbawa ng pagiging makabayan - hindi nito nilalabag ang pambansang panawagan tungo sa makabayan, siyentipiko at makamasang edukasyon. [P]

JANUARY-MARCH 2023 UPLBPERSPECTIVE.ORG OPINION | 21
UNDER SCRUTINY
DIBUHO NI LEOJAVE ANTHONY INCON

UNDER SCRUTINY

EDCA: MAPANLINLANG NA ALYANSA, BALATKAYO NG IMPERYALISTA

Makalipas lamang ang mahigit kumulang apat na buwan mula ang pagbisita ng bise presidente ng Estados Unidos na si Kamala Harris, ang tinutulak na pagpapalawak ng Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) ay binigyang pahintulot ng rehimen ni Pres. Ferdinand Marcos Jr. Iniulat ng Philippine Department of National Defense na nakipagkasundo ang administrasyon kay U.S Defense Secretary Lloyd Austin na bumisita noong Pebrero, na bigyan ng apat na karagdagang base militar ang Estados Unidos.

Ilang dekada na ang lumipas, ngunit iisa pa rin ang kadahilanan na binibigay ng U.S. - ang kasinungalingan na ang presensya ng kanilang imperyalistang militar ay para sa kapayapaan at kaligtasan ng lahat. Ang totoo naman, nais lamang nila ipreserba ang kanilang pandaigdigang dominansya sa pamamagitan ng pagbabantay sa mga “vantage points” sa Tsina na kompetisyon nila.

Upang panindigan ang panlilinlanlang sa sambayanan, sinabi ng Ambasador ng Pilipinas sa Estados Unidos na si Jose Manuel Romualdez, na mahigit 90 porsyento ng mga Pilipino ay sang-ayon sa EDCA. Sa kabila nito, wala namang ibinigay na impormasyon si Ambasador Romualdez kung saan niya kinuha ang kanyang datos. Ang lehitimong datos ay nararapat na may mapagkakatiwalaan na sanggunian at tamang statistika. Kung wala ang mga ito, opinyon at pagmamanipula sa impormasyon lamang ang ginagawa ni Ambasador Romualdez, upang pilit na kumbinsihin ang masa na ito ang hiling ng nakakarami. Pinapakita nito kung paano nila tinatakpan ang kawalan ng demokratikong konsultasyon at pagtanaw sa mga pangangailangan ng mga mamamayan.

May kaunti mang katotohanan o wala sa mga sinasabi ni Romualdez, hindi nararapat na pahintulutan ang EDCA. Isipin mo na lamang, kung mayroong lumapit sa’yo upang maghain ng pakikipagkaibigan kapalit ang malaking bahagi ng iyong pera at mga ari-arian, papayag ka ba? Marahil ay iisipin mo na ito ay isang napakalaking “scam”. Ang ganitong pangyayari ay hindi kanais-nais, ngunit nakakalungkot man isipin, ganito ang dinamiko ng relasyong militar at pang-ekonomiya ng Pilipinas at U.S. simula nung una pa lamang. Hindi dapat kalimutan kung paano ilang dekadang nilapastangan ng U.S. ang soberanya at ekonomiya ng ating bansa sa pamamagitan ng 1947 Military Bases Agreement (MBA) at 1946 Bell Trade Act. Umabot pa sa punto kung saan noong 1970s, 42 porsyento sa pinakamalalaking korporasyon ay pagmamay-ari ng mga dayuhan. Isang kalagayang pang-ekonomiya kung saan mapapatanong ka na lamang kung sino ba talaga ang nagmamay-ari sa inang bayan. Sa kasalukuyan, walang pinagkaiba ang EDCA sa mga nabanggit na kasunduan. Ayon sa inilatag na mga punto ni Kamala Harris noong siya ay bumisita, bukod sa

pagpapalakas ng kapasidad ng Armed Forces of the Philippines (AFP), bahagi ng EDCA ang mga pang-ekonomiyang interes, kasama na ang pagmimina, pagpapaluwag ng mga polisiya sa investment ng Amerika, at modernisasyon ng mga daungan. Kung ang nais talaga nila sa pagtatag ng mga base militar ay magbigay ng proteksyon para sa mga tinawag nilang “kaalyado”, bakit may katambal pang pananamantala sa ekonomiya ng bansa na mas maliit pa sa kanila? Hindi maitatanggi na ito ay isang anyo ng neo-kolonyalismo kung saan pilit nilang tinatago sa likod ng maskara ng mga alyansa o kooperasyon ang kanilang panghihimasok at eksploytasyon.

“Malapit na yan”, ang sabi ni Marcos Jr. na tila ba minamadali ang pagpapatupad ng mga EDCA site. Ito ay sa kabila ng patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin at krudo. Sa dami ng mga isyung panlipunan ang kailangan mabigyan ng solusyon, mas pinili pa ng rehimen na unahin ang kasunduan na ito.

Kailan pa ba naging para sa masa ang pagbibigay ng prayoridad sa militar? Hindi ba ang “special treatment” at pangunginsinte sa karahasan ng militar ang syang kumitil sa buhay ng mga inosente, kabilang na ang mga katutubo, pesante at mangingisda? Tulad na lamang noong ‘Bloody Sunday Massacre’ kung saan

siyam na mga progresibo mula sa iba’t ibang sektor ang pinatay, habang anim ang illegal na inearesto. Hindi ba sila rin ang salarin sa pagkamatay ng mga aktibistang nagsisilibi sa mga mamamayan tulad na lamang ni Chad Booc? Hindi ba sila rin ang walang habas na napaslang sa mga akademikong naghahanap ng katotohanan tulad ni Leonard Co?

Kung ang sarili na ngang militar ng Pilipinas ang siya ring nang-aapi sa mga Pilipino, paano pa kaya kung ito ay tatambalan ng impluwensyang militar ng imperyalistang dayuhan? Hindi maitatanggi na ang pinagsisilbihan lamang ng mga militaristikong polisiya ng rehimen ay ang mga dayuhan lamang at silang mga nasa kapangyarihan.

Noong eleksyon, iginiit ng kampo ni Marcos Jr. na ang kasalanan ng ama ay hindi kasalanan ng anak. Ngunit ano ang saysay ng katagang ito kung ang kasalanan ng ama ay inuulit ng anak?

Sa muling pagpapalakas ng kapangyarihan ng

U.S. sa Pilipinas sa pamamagitan ng pagpapalawak ng EDCA, pinatunayan lamang ni Marcos Jr. na siya ay walang pinagkaiba sa kaniyang ama - isang tuta ng mga imperyalista.

Walang masama na magkaroon ng mga kaalyado. Hindi rin masama na maghanap ng seguridad. Ngunit hindi dapat makamit ang mga ito sa pamamagitan ng pagpapakawala

sa prayoridad ng isang estado, na walang iba kundi ang mga mamamayan. Kung ang mga Pilipino, lalo na ang mga nasa laylayan ang dehado, hindi maituturing na tunay na alyansa ang isang kasunduan tulad ng EDCA.

Mali ang pag-unawa na hindi kailangan ng armadong hukbong-sandatahan ng isang estado, dahil isang mahalagang elemento ito sa pagbaka sa mga banta sa soberenya at kalayaan ng bansa. Ngunit sa kasalukuyang estado ng militar, nakikita na ang prayoridad nito ay pangalagaan ang mga nasa taas. Kaya kasama sa ideolohiya ng reporma o rebolusyonaryong pagbabago ng lipunan ang pagkakaroon ng hukbong-sandatahan na tunay na kumikilos para protektahan ang taumbayan, hindi para gipitin ang sino mang kritikal sa makapangyarihan.

Ang paghahanda ng militar sa pinapalalang “worst case scenario” ng mga imperyalistang bansa ay walang silbi kung hindi bibigyang pansin ang mga lehitimong panawagan ng mga Pilipino. Ano ang saysay ng paglaban sa isang digmaan na bago pa magsimula ay namamatay na sa gutom at kahirapan ang mga mamamayan? Tila paulit-ulit, pero dapat ipaalala, ang seguridad at kapayapaan ay hindi para sa iilan, ito ay tunay na nakakamit kapag ito ay nararanasan ng buong sambayanan. [P]

JANUARY-MARCH 2023 UPLBPERSPECTIVE.ORG 22 | OPINION
PAGLALAPAT NI CHRISTIAN LOBRICO

THE SOCIOECONOMICS BEHIND “LF: COMMISSIONER”

“Looking For (LF): Commissioner” has become an intriguing buzz across social media, especially on the blue bird platform. Apparently, these so-called “commissioners” do academic “services” to get paid. With the advent of technology, these academic services became more prevalent and convenient – from easier file transfer, anonymous commissioners and clients, to e-money transactions.

Academic commission services began to blow up ever since the online and hybrid learning setup started – where learning and cheating became “one click away”. The cases of academic dishonesty are no stranger to us even before the pre-pandemic learning. In a neoliberal education system where quantity over quality is the centerfold, and learning becomes only a footnote, some students take the most desperate measure to survive – even if it means grappling with academic dishonesty. These kinds of services are gradually becoming “real” jobs for both students and working adults. Apparently, “commissioners” and “clients” are the keywords to look for when searching for academic services. “Proposed budget”, “task deadline”, “rate per word count”, and other details can also be posted along with the tags “LF: Commissioner”. Commissioners, as they call it, bombard the comment section by offering their so-called services and payment deal. Whoever is chosen will win the lottery of LF: Commissioner.

It is indeed unfortunate that academic dishonesty is now considered a job for some. While academic commission services will never be ethical in any way, it is also imperative to trace how this dilemma began and continually persists inside the academe.

Academic disparity is one thing. Students who excel academically offer their “forte” for money, while those who need help seek someone to do the work. However, the disparity does not only manifest academically. This issue is also a matter of socioeconomic disparity – an issue of class struggle.

Most of the students offering academic commission services are those who need to fund and support their own studies. Truth be told, education is not free in our country. Students have to pay for various fees – tuition, miscellaneous, and laboratory among others –just to acquire the quality education that they rightfully deserve for free.

Some might argue that students, especially those in public schools, do not pay tuition fees so why demand for a free education? Well apparently, it is not free at all due to school projects that require students and parents taking something out of their pockets. Take pandemic learning as an example. It gravitated to how education became a privilege to those who have gadgets, internet connection, and a peaceful learning space at home. At the height of the pandemic in 2021, almost five million students dropped out of school brought about by the burden of distance learning. How ironic to the Department of Education’s motto of “no student will be left behind”.

Still dampened by the pandemic, the country is yet to recover from health and economic scarring. Based on the 2021 Family Income and Expenditure Survey (FIES) by the Philippine Statistics Authority (PSA), it is recorded that 18.1% or almost 19.99 million Filipinos are living below the poverty threshold. With this and considering the rising prices of basic commodities due to a sky-high 8.7% inflation rate – the highest since November 2018 – students are forced to hustle extra hard not only to sustain their studies but also their living expenses.

However, there are also some cases where those who accept academic commission services are already graduates or working adults. Either way, they cannot be blamed for doing this side hustle due to lack of opportunities in the country. While the quality of jobs in the Philippines improved from the latest figures of PSA, the country’s unemployment rate is still hanging at 4.3% based on the 2022 Labor Force Survey.

Now that Sara Duterte is at the helm of the education sector, the call that education is a right needs to be more amplified.

We call for the kind of education that sees no social and economic status, where students are free to learn what they want to learn, a place where they can hone their skills and critical thinking without being milked and exploited by the system that treats learners as business clients.

As long as this kind of education is not achieved, there will always be students who will accept academic commission services to pay their academic fees and basic human commodities. Moreover, there will always be students as well who will continue to pay others to do their work.

It is true that academically speaking, offering and accepting academic commissions are unethical and illegal. But how can you say this to a struggling student who, like everyone else, is just a victim of the anti-democratic, neoliberal type of education?

Academic commission services are rooted from both academic and socioeconomic disparity; thus, it is also an issue of class struggle.

Instead of calling out these commissioners and clients as “opportunist, mercenary, and predatory”, it is imperative to understand that academic integrity cannot be asserted if students are forced to survive the economic quicksand. It is indeed an unfortunate fact that an imperialist-oriented and corrupted educational system overpowers academic integrity and ethics because it is rooted from oppressing the material conditions of the society – a manifestation of how the neoliberal education works in a developing country [P]

Alexandra Delis

• Joshua Dula • Gerard Gonzales • Pierre Hubo • Marilou Lorzano • Vianne Redoblado • Therese Sagaya • Shane Agarao

• Samantha Antonio • William Buenaseda • Norland Cruz • Samantha Delis • Zoe Gajo • Stefano Gumata

Klyde Painor

Enrique Salegumba • Rosemarie Sollorano • Chryzel Alano • Justin Celemente • Vera Criste • Zachary Del Mundo • Joshua Echalas • Juliana Escueta • Christabel Genovaña

Philip Li

• Datu Zahir Meditar

• Vee Mendoza

• Jonathan Merez

• Angge

Piguing

• Polo Quintana

• Iloiza Vitug

• Waya Waya Silarde

• Nicole Colet

• Vince Dizon

• Hanalit Zafra

• Kennlee Orola

• Justine Fuentes

• Khayil Sorima

• Katrina Gonzales • Vanessa Reyes

• Christian Lobrico

• Ericson Narciso • Jeaver Aoanan •

Axcel Beltran

• John Michael Monteron

• Robert Gallardo

• Giancarlo Morrondoz

• Mark Famatigan

• Iana Balobalo

• Franklin Masangkay

Lacap

• Archie

• Ethan Pahm

• Reignne Francisco

• Josiah Bumahit

• Dayniele Loren

• Denise Aguirre

• John Paul Famorcan

• Miguel Lubag

• Shelow Monares

• Ron Jeric Babaran

• Jolyssa Gundayao

• Beyonce Nava

• James Bajar

• Phrancelle Hubilla

• Jermaine Valerio

• Mikko Bartolome

• Kyla Jimenez

• Edan Aguilon

• Jemielyn

• Caleb Buenaluz

• Jonas Atienza

JANUARY-MARCH 2023 UPLBPERSPECTIVE.ORG OPINION | 23
MUMBLINGS
Silid
SINCE 1973 • TAON 49, BILANG 1 Ang opisyal na pahayagan ng mga magaaral ng Unibersidad ng Pilipinas Los Baños Miyembro, UP Systemwide Alliance of Student Publications and Writers’ Organizations (UP Solidaridad) at ng College Editors’ Guild of the Philippines (CEGP)
11, 2nd Floor Student Union Building, Mariano M. Mondonedo Avenue, UPLB 4031
MGA
EDITORIAL perspective.uplb@up.edu.ph OPINION opinion.uplbperspective@gmail.com ORGWATCH orgwatch.uplbperspective@gmail.com
KAWANI Claudette Alba
Robbie Alcibor
Saulo Bautista
Marian Calabia • Charleston Chang Jr
Bergosa • Allaisa Calserada • Ralph Caneos • Princess Anne Curioso • Toni Ysabel Dimaano • Emerson Espejo • Moesha Estillero • Laeh Patrick Garcia • Jeco Gonzalez • Clairenz Monserate • Hanz Samuel Majadas • Michael Christopher Rebudilla • Reysielle Reyes • Celeste Samin • LJ Verastigue
ONLINE uplbperspective.org
#AcadEaseNow #EducationIsARight #LigtasNaBalikEskwela

Baklasin ang makinarya, Biguin ang diktadurya!

Tatlumpu’t-pitong taon na ang nakalilipas nang umalingawngaw sa kahabaan ng Epifanio de los Santos Avenue (EDSA) ang ingay ng mga nakibaka upang matamasa ang lehitimong kalayaan sa kamay ng pasistang rehimeng Marcos noong batas militar ng dekada ‘70.

Gaya ng panahon ni Marcos Sr., patuloy na nagiging mainit sa mata ng estado ang midya at kali-kaliwang pagsesensura o media censorship. Binubusalan hindi lamang ang mga mainstream at alternative media, maging ang mga pahayagang pangkampus. Kaya, may pangangailangan na palakasin ang pakikipag-ugnayan sa mga publikasyon upang sumandig ito sa iisang linya – pagpapatambol sa

ng estado, paglikha ng mga gawa-gawang kaso, pag-tortyur, at pagkitil ng mga inosenteng buhay na bakas noong nagdaang batas militar. Manipestasyon ito ng isang atrasadong lipunan kung saan hindi naman tuluyang naalis nang mawala ang diktadurya bagkus ay nananatili pa rin dahil sa pamamayani ng mga naghaharing-uri at mga namumuno para sa pansariling interes.

kontrol sa masa. Patunay rito ang panreredtag at paniniktik ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTFELCAC) katuwang ang PNP-AFP sa paghahasik ng intimidasyon at pagpaslang ng mga progresibo.

Ang mga ganitong anyo ng pag-atake ay hindi kaiba sa mga ginawa ni Marcos Sr. noon upang lagyan ng pangil ang estado para pilayin at kitilin ang kakayahan ng taumbayan na ganap na itakwil ang mga ekonomikong polisiyang itinatatag ng pamahalaan na kinasasaklawan naman ng matinding korapsyon.

Salungat sa pinapalabas ng pamilyang Marcos na naging ‘Golden Era’ ang pamumuno ni Marcos Sr., sandamakmak na mga white elephant project sa kaniyang panahon ang mayroon na naging repleksyon ‘di umano ng masaganang ekonomiya sa panahon niya. Nalugmok ang bansa dahil sa mga utang na ‘di naman nabawi at nabayaran. Dagdag pa rito ang mga korapsyon at ‘cronyism’ na malala sa administrasyon ni Marcos Sr. Ang mga kapalpakan ng kahapon ng kaniyang ama ay nagiging repleksyon ng kasalukuyang takbo ng ating ekonomiya sa ngayon. Unti-unti nang nakikita ang pansariling interes ni Marcos sa ating ekonomiya at pagpabor sa mga malalaki at multi-national investors para pagsamantalahan ang ating mga yaman.

Habang nakikita at nagiging klaro na ang mga palatandaan ng isang madugong rehimen, ngayon na ang pinakamainam na panahon upang isadiwa at isakilos hindi lang dahil sa nangyaring pag-aaklas ng taumbayan 37 taon na ang nakalipas, kundi maging ang pagsusulong ng makatwirang rebolusyon para sa mas pangmatagalang solusyon sa krisis ng lipunan. Panahon na upang baklasin ang nangangalawang nang makinarya at muling biguin ang matagal nang ipinatumbang diktadurya!

JANUARY-MARCH 2023 UPLBPERSPECTIVE.ORG 24 | EDITORYAL
[P]
DIBUHO NI ROANNA ILOIZA VITUG

Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.