AT MAKABULUHANG PAMAMAHAYAG.
LIGTAS NA BALIK-ESKWELA
96.5% ng mga estudyante, bakunado na
96.5% ng mga estudyante, bakunado na
Panibagong hamon sa mga mag-aaral ng BCNHS ang tuluyang pagkasira ng Marabong Bridge matapos bumagsak ang pundasyon ng tulay dala nang walang tigil na pag-ulan, nito lamang buwan ng Marso.
Maliban sa pagkadismaya, ikinabahala ng ilang mga residente lalo na ng mga estudyante sa karatig–bayan na nag-aaral sa poblasyon.
Ayon pa sa estudyanteng mula pa sa Brgy, Mahagnao, malaking abala sa pagpasok sa paaralan ang pagsasara nito.
“Kinakailangan pa po naming maglakad nang malayo at magabang sa mahabang pila ng mga
motorsiklong magtatawid sa amin,” giit ni Michael Coranes. Dahil sa mahabang pila ng sakayan, naaantala sila sa pagpasok sa paaralan.
“Kahit po mas inagahan ko na ang paggising sa umaga, madalas pa rin po akong mahuli sa pagpasok sa klase. Kumakain nang malaking oras ang pagtawid sa tulay,” pahayag naman ni Neil Redoña ng Brgy. San Esteban.
Umaasa naman ang mga magaaral sa agarang pagkukumpuni ng nasabing tulay.
“Sana naman po, aksyunan agad ang pagpapaayos nito para hindi na kami nagkakandaugaga sa aming mga dalahin. Minsan po kasi, muntikan nang mahulog ang proyekto namin,” ani Justine Seno ng Brgy. Calsadahay.
Kaartehan o pag-iinarte. Ito minsan ang paglalarawan ng iba pagdating sa salitang “mental health”. Kung tutuusin ay wala itong kaibahan sa pisikal na kalusugan na kung nasusugatan o masama man ang pakiramdam ay normal lamang na magpatingin sa doktor, subalit kapag mental health na ang pinag-uusapan, sasabihing nababaliw o may sayad na kaagad ang utak. Nakadidismayang isipin na para sa ilan, ang pag-aalaga ng kanilang sariling mental na kalusugan ay nakahihiya at itinuturing pa rin na “stigma”.
Korona
Umabot sa 96.5% ng mga mag-aaral ang nabakunahan laban sa COVID-19 ngayong taong panuruan sa halos 3,624 sa kabuuang bilang nito, kung saan mas mataas ito kumpara sa porsiyentong nakalkula noong nakaraang taon.
Siniguro naman ng mga guro at school nurse na mabakunahan ang natitirang porsiyento ng mga magaaral, laloʼt tuloy-tuloy na ang daloy ng face to face classes matapos ang halos dalawang taong pandemya. “Kinukumbinsi namin ang mga mag-aaral sa school na magpabakuna na, dahil para ito sa kaligtasan ng lahat,” ani Gng Geraldine Salcedo, clinic-in-charge ng paaralan.
Inilatag din ni Gng.Salcedo ang impormasyon na ang pagpapabakuna sa mga estudyante ay ligtas at epektibo at ang bentahe nito sa kalusugan kontra COVID-19. Samantala, ang mga mag-aaral na hindi pa nabakunahan ay nag-aalinlangan dahil sa kumplikasyong maaaring makuha sa sakit at hindi pagpayag ng kanilang mga magulang.
Gayunpaman, may mga hakbang ang paaralan upang masigurong malalaman ng mga estudyante ang kahalagahan ng pagpapabakuna sa pamamagitan ng information drive na isinasagawa ng school nurse.
“Importante ang bakuna sapagkat nakatutulong ito upang masanay ang natural na panlaban ng katawan laban sa virus at maiiwasan ang pagkalat o pagkahawaan ng sakit. Higit sa lahat, maprotektahan din ang bawat isa sa mga panganib na maaari nitong maidulot,” giit ni Gng. Claude Aujero, nars ng paaralan.
sa mga numero
Bilang ng Bakunadong Estudyante 96.5%
SA PAHINA 1
Subalit ayon kay Justine, hindi niya ito itinuturing na isang hadlang sa kanyang pagaaral.
“Sayang po kung liliban ako sa klase dahil lamang sa suliraning iyon. Ilang buwan na lamang po at kami ay magtatapos ng pag-aaral bilang Senior High Student. Pangarap ko pong makagraduate,” mariing sabi ni Justine.
Matatandaang noong Oktubre nang nakaraang taon, nagdulot ng malawakang pinsala sa probinsya ng Leyte, kabilang na ang Marabong Bridge, ang
Bagyong Paeng na umabot pa sa Tropical Cyclone Wind Signal No. 1.
Sa kasalukuyan, pinapayagan ng mga awtoridad
ang pagdaan ng mga two-wheeler vehicle tulad ng motorsikloʼt biseklata upang mabawasan ang pagkaantala ng mga biyahero.
Simula nang opisyal na ipasara ang Marabong Bridge, pinayuhan ang lahat ng mga residente na dumaan sa alternatibong ruta na BurauenJulita-Dulag-Mayorga road section upang maiwasan ang pagkaantala.
“Hinihingi namin ang inyong pang-unawa dahil sa abalang maidudulot ng pagsasara ng tulay, ngunit ito ay para sa mas ligtas na daanan sa hinaharap,” paalala ni Konsehal
Vincent Enerlan sa mga residente.
Sa kabila ng mga nakalatag na protocol at restriksyong dulot pa rin ng pandemya, hindi isinantabi ang pagdaraos ng ika-77 Anibersaryo ng Pagkakatatag ng paaralan nito lamang Pebrero 27-28, kaugnay sa temang”Empowering Excellence”.
Pinangasiwaan ang selebrasyon ng BCNHS Faculty Club kung saan inumpisahan ang gawain sa pamamagitan ng isang Walk for a Cause.
Ipinahayag ni G. Marlon G. Gayanes, Pangulo ng nasabing organisasyon, ang kabuluhan ng pagdiriwang sa kabila ng pananatili pa ng dandemya.
“Mahigit dalawang taon ding pinid at tahimik ang kampus natin dahil sa Covid. Sanglit, pangagrayhak kita kay aadi kita yana natindog ngan waray
TATAK WORLD-CLASS
nagpapirde han pandemya,” mariing sabi ni G. Gayanes.
Kanya ring pinaalalahanan ang mga mag-aaral ang kahalagahan ng pagbabalik-tanaw sa nakaraan.
“We are reminiscing the past at maisaisip ng mga kabataan na it was then a long journey since our school was founded,” saad pa ni G. Gayanes.
Isang playground demonstration ang itinampok ng bawat grado bilang isang kompetisyon.
Itinanghal na kampyeon ang Grade 11, pumangalawa ang Grade 9 habang nakuha ng Grade 12 ang pangatlong pwesto.
Natapos ang gabi sa unang araw ng pagdiriwang sa pamamagitan ng isang patimpalak na Mr. & Ms. Campus Bet. Samantala, isinagawa ang Literary/Musical Contests at mga Laron ng Lahi sa huling araw ng pagdiriwang.
Matapos hindi paburan ng regional office ang pagbubukas ng panibago at panlimang paaralang sekundarya, nakatakda na ring buksan ito sa susunod na taong panuruan 2023-2024 bilang Armasen National High School sa Barangay Malabca, Burauen, Leyte.
Pumangatlo sa patimpalak-internasyunal ng SEAMEO INNOTECH TIKTOK
CHALLENGE si Bb. Jeanny Mae Renomeron, guro sa Grade 8 ng BCNHS na iginawad sa pamamagitan ng birtwal na seremonya noong Nobyembre 2022.
kahusayan sa larangan ng paglikha ng mga bidyo.”
Dagdag pa aniya, ang pagkakahirang sa kanya ay hindi niya inaasahan sapakat 117 mga gurong-kalahok ang kanyang makakatunggali.
“Hindi ko sukat akalain na akoʼy mapapabilang sa mga mananalo dahil napakarami po naming kalahok at sa ibaʼt-ibang panig pa ng mundo ang makakalaban ko.”
Kabilang ang mga bansang Thailand, Myanmar, Indonesia at ilan pang mga bansa sa Timog-Silangang Asya ang nakipagsabayan sa pandaigdigang patimpalak.
Ayon sa ipinalabas na Panrehiyong Memorandum ng DepEd noong Pebrero 28, 2023, ang Armasen National High School ay bubuuin ng tatlong silid-aralan at limang gurong magtuturo sa mga mag-aaral.
Magtatalaga rin sa nasabing paaralan ng OIC o Punong Guro, guidance counselor, EMIS Coordinator, librarian, property custodian at ilang utility workers.
Nauna nang pinangasiwaan ni G. Marlon G. Gayanes, nakatakdang Officer-In-Charge ng ANHS, ang mga dokumentong hinihingi at ilang pang kinakailangan para sa ganap na pagbubukas nito.
“Sa pagkakaroon ng paaralan sa inyong lugar, hindi na kinakailan-
gang magcommute at magbayad ng malaking halaga ang mga estudyante para sa gasolina at upa ng bahay. Inaasahan ding maiiwasan ang pagliban sa klase at ang pagtigil sa pag-aaral dahil sa kakulangang-pinansiyal,” pahayag ng alkalde.
Magmumula naman sa lokal na pamahalaan ang mga pundong kakailanganin sa pagbubukas ng paaralan, kasama na ang pagpapatayo ng gusali, lote, mga kagamitan sa silid-aralan at kagamitang pampagtuturo, allowance para sa mga guro, at iba pang pangangailangan ng paaralan.
PAGTUGON SA MALNUTRISYON
Muling ipinagpatuloy ang programang Gulayan sa Paaralan sa pangunguna ni Gng. Rosario Comora, GSP koordineytor na una nang itinaguyod noon pang taon 2012 bilang isang inisyatibo ng paaralan.
Ilan taon na ring nahinto ang nasabing programa kasabay ng pagsasara ng mga paaralan dahil sa pandemya.
Layunin ng programa ang magudyok ng kooperasyon sa pagitan ng paaralan at komunidad upang maibsan at maagapan ang malnutrisyon ng mga severely wasted na mga-aaral.
Nanggagaling sa gulayan ang mga pagkaing inihahanda sa tuwing nagsasagawa ng Feeding Program.
Bukod sa pagbibigay ng masustansyang pagkain, ang programa ay nakatutulong din sa karagdagang kita ng pangkat sa pamamagitan ng pagbebenta ng mga inaning gulay.
Sinabi ni Gng. Comora na mali-
ban sa pagpapabuti ng kalusugan ng mga mag-aaral, napalalakas din nito ang ugnayan ng mga magulang, komunidad at ng paaralan.. “Ang pagbabalik-muli ng programang itoʼy hindi lamang nakatutulong sa pagpapababa ng bilang ng mga mag-aaral na dumaranas ng malnutrisyon, kundi nakakatulong rin sa pagpapalakas ng samahan sa pagitan ng paaralan, mga magulang at magaaral,” ani Gng. Comora.
Katuwang ni Gng. Comora ang mga magulang na nabibilang sa 4 Pʼs gayundin ang ilan pang miyembro sa labas ng paaralan sa tuwing may pintakasi o araw ng anihan.
Kaakibat ng Programang Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS), dumating si Senador Imee R. Marcos sa bayan ng Burauen upang magpaabot ng kanyang tulong-pinansyal sa mga residente nito lamang Abril 1.
Pinangasiwaan ng Pamahalaang Lokal ng Burauen ang pagtanggap kay Sen. Marcos sa pangunguna ng Alkalde Juanito E. Renomeron, kasama ang kanyang Bise-alkalde Noel P. Alpino, maging ang Presidente ng Liga ng mga Barangay, Fe S. Renomeron at ilan pang miyembro ng Sangguniang Bayan.
Pinasalamatan ni Mayor Renomeron ang senador sa kanyang pagpapaunlak na bisitahin ang bayan gayundin ang pagbibigay ng tulong sa mga Buraueno.
“Napakapalad po ng mga Buraue-
“Dahil sa pandemya, unti-unting napabayaan ang kagandahan at kalinisan ng ating paaralan. Kaya ito naman ang bibigyang-prayoridad natin.”
Ito ang mariing sabi ni Gng. Natividad E. Destajo, itinalagang Cleanliness & Beautification
Coordinator sa kanyang panayam sa harap ng Pangalawang Punong Patnugot, Daphne Lyn Grape Aguirre.
Ipinahayag ni Gng. Destajo ang kanyang agam-agam sa pagkakatalaga sa kanya ni Gng. Glendale B. Lamiseria, punong guro sa panibagong gawaing kanyang pangangasiwaan.
“Hindi biro ang kahaharapin kong gawain sapagkat napakalawak ng ating kampus. Isa pa, ilan taon ding napabayaan ang kalin-
isan at kagandahan ng paaralan dahil sa pandemya.”
Sinabi naman niyang malaki na ang pinagbago at ikinaganda ng paaralan dahil sa pagbibigay-prayoridad ng punongguro sa School Projects and Beautification.
“Mabuti na lamang at hands-on din ang ating punong-guro sa pagbabagong-bihis na ito. Pati ang utility workers natin ay masigasig sa kanilang mga gawain mapaganda lamang ang paaralang ito.”
Ani Gng. Destajo, ipagpapatuloy pa ang pagpapaganda at pagsasaayos sapagkat lalahok
ang paaralan sa National Level Eco-Friendly Competition.
“Hangad nating masungkit-muli ang titulo bilang isang eco-friendly school upang mas makilala pa ang BCNHS bilang isang paaralan na nagbibigay-halaga sa kalikasan.
“Cleanliness is need to godliness. Ang pagbibigay ng kahalagahan sa kalikasan ay para sa kinabukasan ng mga kabataan,” pagtatapos ni Gng Destajo.
Kabilang sa mga bagong imprastrakturang itinayo ay ang fountain, logo ng paaralan, bagong disenyo ng gate, plant boxes, pagpapapintura ng social hall, at iba pa.
no sapagkat sa kabila po ng inyong pagiging abala bilang senador ng bansa ay naisingit niyo po kami sa inyong maraming gawain. At higit sa lahat, makatatanggap pa ang isang libong kababayan ko ng tulong-pinansyal galling sa inyong butihing tanggapan,” pahayag ng alkalde.
Binigyang-diin naman ni Sen. Marcos na may pusong Burawanon siya dahil ang kaniyang lolo na si Justice Norberto Romualdez, Sr. ay nanirahan din sa bayan ng Burauen.
Kanya ring binisita ang itinayong memorial park ni Justice Norberto Romualdez, Sr. na matatagpuan sa tabi ng Immaculate Conception Parish.
Nagpahayag naman ang senador ng kanyang positibong layunin sa pagbisita at hangarin para sa bayan.
“Nawaʼy ang makabuluhang kaganapang ito ay magsilbing simula sa magandang ugnayan at mas marami pang tulong ang maibabahagi ko sa bayang ito,” ayon pa kay Sen. Marcos.
Kaugnay sa pagdiriwang ng World Thinking Day, kabilang si Cadet Girl Scout Ryzah Dupay, mag-aaral sa Grade 11 ng Burauen Comprehensive National High School sa mga kinatawan ng Leyte Council, Region VIII na ginanap sa Baguio City nito lamang Pebrero 24-26.
Itinuring ni Dupay na isang karangalan ang mapili at maipadala ng Leyte Council bilang isa sa mga representante ng rehiyon.
Ayon kay Dupay, ang mga napulot niyang aral at karanasan ay hindi mangyayari kung hindi siya pinagkatiwalaan at sinuportahan ng paaralan kasama na ang mga taong
malapit sa kanya.
“Marami akong natutunan sa loob ng tatlong araw na iyon sa Baguio tulad ng pag-utilize namin ng banana leaves bilang plates. Lubos po akong nagpapasalamat sa suportang natanggap ko mula sa mga taong nagtiwala sa aking kakayahan. Kay Tita V na nagguide sa akin through
the camp, and ʻyung mga Titaʼs sa school, saka ang Council Board,” pasasalamat ni Dupay.
Nakaangkla ang nasabing selebrasyon batay sa temang
“Our World, Our Peaceful Future”.
Umabot sa 142 ang nagbahagi ng kanilang dugo at 121 indibidwal ang nagparehistro sa ginanap na Bloodletting Activity na pinangasiwaan ng Burauen Rural Health Unit at sa pakikipagtulungan ng Eastern Visayas Regional Medical Center (EVRMC) nito lamang Pebrero 20 sa Burauen, Leyte.
Nagsimula ang nasabing donation drive mula 8:00 ng umaga hanggang 4:20 ng hapon na pinamunuan ni Dr. Felino Gualdrapa, EVRMC Chief.
Isa itong hakbangin ng pamahalaan upang makatulong sa mga kababayang nangangailangan ng dugo gaya ng mga biktima ng aksidente, pasyenteng may kanser, at iba pa sa panahon ng krisis at biglaang pangangailangan.
Ayon kay Dr. Gualdrapa, hindi matatawaran ang tulong na ipinaabot ng mga taong patuloy na naghahandog ng donasyon at sumusuporta sa nasabing gawain.
“Malaki ang naiambag ng
mga blood donors natin. Hindi lamang nila natutulungan ang kanilang kapwa, ngunit nakatutulong din sila sa buong komunidad. Salamat sa suporta ng LGU ng Burauen sa pagpapatuloy ng ganitong aktibidad,” mariing sabi ni Dr. Gualdrapa. Dagdag pa nito, mahalagang magpacheck-up bago magdonate ng dugo upang masiguro ang kaligtasan ng nagbibigay ng dugo at ng taong tatanggap nito.
Batay naman sa datos ng Department of Health (DOH), mahalaga ang regular na bloodletting activity upang mapanatili ang suplay ng mga blood products para sa mga nan-
Upang mapalawak ang kaalaman at mapalago ang kakayahan ng mga mag-aaral sa larangan ng pananaliksik, nagsagawa ng intensibong pagsasanay ang paaralan na pinaunlakan ng Pisay Training Team ang imbitasyon hinggil sa Proyektong STILTS o Science and Technology Idea Laboratory for Teachers and Students nito lamang Pebrero 15-17.
Sa pangunguna ng Research Head ng Pisay na si Gng. Janeth Morata-Fuentes at kaniyang Research Team, tinalakay nila ang mga kaligiran at uri ng SIP, ibaʼt-ibang dulog at teknik ng pananaliksik, at iba pang kaugnay na paksa.
Nilahukan ang nasabing seminar ng mga guro sa Science Department at mga mag-aaral sa
Bilang tugon sa National Disaster Consciousness Month, isinakatuparan ng Burauen Comprehensive National High School noong Marso 9 ang isang pagsasanay upang maging handaʼt alerto sa oras ng sakuna at lindol.
Pinamahalaan nina Gng. Glendale B. Lamiseria, Prinsipal IV at G. Arwyn Abuyot, School Watch Team Coordinator ang nasabing gawain sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa mga ahensyang kasapi sa programa.
Naimbitahan ang mga ahensya
ng BFP, PNP, DRRM at Burauen District Hospital.
Bago pa man marinig ang hudyat sa pagsisimula ng dril, tinalakay ng mga gurong-tagapayo sa mga mag-aaral ang ilang pangunahing kaalaman at paghahanda sa harap ng sakuna.
Nagsilbing hudyat ang wang-wang upang lisanin ng mga guroʼt mag-aaral ang
PAGBIBIGAY-DIIN
kanilang klasrum at hanapin ang ligtas na lugar bilang evacuation area.
Ginampanan din ng mga opisyal ng Supreme Student Government (SSG) at Active Lifesavers and Emergency Response Team (ALERT) ang kanilang tungkulin sa naturang aktibidad.
Science Technology and Engineering.
Ikinalugod ng mga guro ang pagsasakatuparan ng naturang pulong sapagkat rin ay nakinabang sa ibinahaging dunong at mga impormasyon.
“Maswerte tayo na nandito ang Pisay Research team sa ating paaralan upang mas malinang ang kaalaman natin sa pananaliksik.
Hindi lamang para sa mga magaaral, kaming mga guro rin ang makikinabang,” pahayag ni Bb. Jeanny Mae Renomeron, guro sa klase ng STE.
Ayon naman kay Erika Mae Borlaza ng STE 8-Aristotle, marami siyang natutunan sa loob ng tatlong araw na iyon, lalo naʼt inaasahan silang makagagawa ng SIP sa klase.
Sa pamumuno ng SK Federation President ng Burauen, G. Frances John R. Fernandez, kasama ang Local Youth Development Officer, Bb. Yiftah T. Raga, nailunsad ang dalawang araw na kampanya para sa Substance Abuse Awareness at Adolescent Sexual at Reproductive Health Care nito lamang Marso 3-4 na ginanap sa Executive at Legislative Building ng Burauen.
Nilahukan ang nasabing kampaya ng ilang piling magaaral ng Burauen Comprehensive National High School, Hibunawan National High
School, TAU GAMMA PHI at ng mga out-of-school youth. Sa unang araw, ibinahagi nina Police Captain John Rey R. Layog at SB Member Vincent G. Ener-
lan ang kanilang kaalaman at mensahe sa mga kalahok ukol sa masamang epekto ng paggamit ng droga.
Samantala, nakatuon naman
ang paksa hinggil sa adolescent mental at reproductive health care na inilahad ni Bb. Aime Grace Cagara, resource speaker para sa ikalawang araw.
Ibayong ginahawa para sa nakararami ang panukalang ibalik ang lumang akademikong kalendaryo. Kung sasariwain ang nakalipas na dalawang binagong akademikong kalendaryo, ito ay umani ng kaliwaʼt kanang hinaing mula sa mga guro, magulang at mag-aaral sapagkat wala sa dating talatakdaan ang pagbubukas ng klase at di napag-aralang mabuti ang mga salik na makaaapekto lalo na ang usapin sa klimang naaayon sa pag-aaral. Ang isinusulong na panibagong mungkahing ito ay mainam na hakbang upang hanapan ng solusyon ang napakainit na panahon at mapag-ingatan ang pisikal na kagalingan ng lahat.
Matatandaang ang dating Hunyo hanggang Marso na talatakdaan ay matagal nang ginagamit ng mga paaralan sa bansa, ngunit nang hampasin ang mundo ng COVID-19, opisyal na kinupkop ng gobyerno ang panibagong school calendar na Agosto hanggang Mayo upang makahabol ang mga mag-aaral. Malinaw na hindi ito naging madali para sa mga guro at estudyante. Mas limitado ang oras ng mga guro na magturo at magbigay ng sapat na atensyon sa bawat mag-aaral, habang ang mga mag-aaral ay madalas nang nakararamdam ng “burn-out” batay sa isang pananaliksik ng American University sa dami ng mga gawain at aktibidad na dapat tapusin sa maikling panahon,
Punong Patnugot
dagdag pa ang temperatura ngayong panahon ng tag-init. Sa pagtahak sa landas ng kinabukasan, isang tinig ang kumakatok sa puso ng bayan — ang tinig ni Senador Win Gatchalian. Ayon sa kaniya, dapat nang ibalik ang dating kalendaryo ng paaralan upang magbigay ng pahinga sa mga mag-aaral sa panahon ng tag-init.
Ang panawagang ito ni Senador Gatchalian ay may katuturan at pinagtutuunan ng pansin. Ang pagbabalik sa dating kalendaryo ng paaralan ay magdadala ng samuʼt saring biyaya para sa mga mag-aaral at kanilang mga pamilya. Una, batay sa mga pag-aaral na sinuportahan ng Alliance of Concerned Teachers
T.P. 2022-2023
sa SciTech
Patnugot sa Isports
(ACT), malinaw na hindi angkop sa konteksto ng Pilipinas ang kasalukuyang akademikong kalendaryo dahil sa hindi kaayaayang mga kondisyon ng kilma. Pangalawa, ito ay magpapakita ng paggalang sa mga tradisyunal, kultural at pampamilyang gawain tulad ng mga bakasyon, piyesta, at mga pagtitipon ng pamilya, na karaniwan nang sinusunod at pinahahalagahan ng mga magulang at pamilya. Higit sa lahat, sambit pa nga ng mag-aaral ng ikalabing-isang baitang na si John Michael Petronio, “May ʻsense of normalityʼ at kasiguraduhan ang mga estudyante, guro, at magulang na sanay na sa dating school calendar.”
Nasaan na ang pangako ng
Kagawaran ng Edukasyon na bibigyang prayoridad nila ang malasakit sa kalusugan, kaligtasan, at kagalingan ng mga mag-aaral, guro, at kawani? Nawaʼy hindi ito mapasama sa listahan ng mga pangakong napapako.
Sa kabila ng pagtutulak ng naunang opsyon sa pagbubukas ng klase, siguraduhing balanse ang pagbibigay sa pagitan ng dekalidad at mapagkalingang edukasyon. Yakapin din natin ang “bagong normal” nang may kahabagan at sensibilidad upang ang pag-aaral ay hindi maging isang banta sa mga mag-aaral, guro, iba pang manggagawa, at mga magulang, sa halip ay maging mabisang bakuna sa gitna ng krisis.
Nasaan na ang pangako ng Kagawaran ng Edukasyon na bibigyang prayoridad ang malasakit sa kalusugan, kaligtasan, at kagalingan ng mga mag-aaral, guro, at kawani?
sa mga numero
60.4%
100 NA RESPONDENTE ANG PABOR SA PAGBABALIK NG DATING TAONG PANURUANG KALENDARYO DATOS MULA SA: ANG KALAPATI ESTATISTIKO
SIPING EDITORYAL AT LAYUNIN
“Ang papel ng mamamahayag ay maging boses ng bayan at maghatid ng katotohanan.”
— Jessica Soho
Mga
Glendale B. Lamiseria Gillian Ysabelle Costa
Sa bawat pahina ng “Ang Kalapati”, ang inyong tinig at damdamin ay mabibigyang-buhay. Hindi lamang ito basta pahayagan, ito’y isang espasyong naghahasik ng pagbabago sa puso’t isipan ng bawat mambabasa. Dalawang adhikain ang nagsisilbing pundasyon ng “Ang Kalapati”: makabuluhan at inobatibong pamamahayag. Ito ay naglalayong magbigay ng sariwang perspektiba, pagpapahalaga sa orihinalidad, at pagtataguyod ng kabutihang-asal sa ating lipunan.
Ang bullying ay isang laganap na karahasang nakaaapekto sa mga mag-aaral sa ibaʼt ibang baitang ng komunidad ng Burauen Comprehensive National High School (BCNHS). Ito ay hindi lamang isang simpleng pang-aasar, pang-uuyam, o pagiging isa sa mga “cool kids”, kundi isang ʻdi makatarungang pag-uugaling nakaiimpluwensya sa holistikong kalusugan at pagganap ng mga biktima nito. Kung hindi mabibigyang-pansin, ang bullying ay magdudulot nang malubhang pinsala sa lipunan at hahantong sa isang walang imik at madugong labanan.
Alinsunod sa pag-aaral na isinagawa ng organisasyong National Center Against Bullying (NCAB), kabilang sa mga pangunahing uri ng bullying ay name-calling, verbal, at physical bullying na nakaugat sa diskriminasyon batay sa kapansanan, itsura, o kulay ng balat. Ito ay personal nang nasaksihan ng guidance counselor ng paaralan, si Bb. Minelyn Almodal. Aniyaʼy ang mga ganitong uri ng karahasan ay magdudulot ng kawalan ng tiwala sa sarili, depresyon, anxiety, at maging suicidal thoughts. Malaon nang nakaaapekto ng pagkawasak ang ganitong uri ng mga pangya-
yari sa pundasyon ng kabutihan, na unti-unting nagpapalala sa kalagayan ng ating lipunan. Hindi biro ang ganitong mga insidente sa paaralan. Ito ay isang salot na sumisira rin sa pagkakaibigan at pagkakaisa ng mga estudyante. Ayon sa datos ng UNICEF, anim sa bawat sampung Pinoy na kabataan ay nakararanas ng bullying sa paaralan, at karamihan sa kanila ay biktima rin ng “cyberbullying” o pang-aabuso sa internet. Dahil dito, marami ang walang imik na nawawalan ng gana sa pag-aaral, nagkakaroon ng mababang pagpapahalaga sa sarili, at nagdudu-
lot ng pinsala sa kanilang pisikal at emosyonal na kalusugan. Ito ba ang gusto nating mangyari sa mga susunod na henerasyon? Kaya naman, mahalagang gumawa ng inisyatiba ang ibaʼt ibang sektor ng gobyerno upang ituro sa mga paaralan ang respeto at simpatya sa kapwa-tao, imbis na ituring na kutong-lupa ang “mas nakabababa” sa kanila. Gawing prayoridad ng Department of Education (DepEd) ang ligtas at masayang kapaligiran sa mga paaralan, kung saan ang lahat ay may pantay-pantay na karapatan at oportunidad. Katulad ng adhikaing itinataguyod ni
Bb. Minelyn Almodal, kung saan bahagi ng landas na kaniyang nais tahakin ay ang pakikipag-ugnayan sa magulang, pagsasagawa ng follow-up meetings sa mga biktima at bully, at pagpapatupad ng “values integration” ng mga guro.
Bilang mga mamamayan, tayo ay may pananagutang pangalagaan at mahalin ang mga kabataan. Nawaʼy palakasin pa ang kakayahan at liderato ng mga kinauukulan upang makamit ang isang kinabukasang puno ng pagasa at oportunidad para sa lahat.
Kaya naman, mahalagang gumawa ng inisyatiba ang ibaʼt ibang sektor ng gobyerno upang ituro sa mga paaralan ang respeto at simpatya sa kapwa-tao, imbis na ituring na kutong-lupa ang “mas nakabababa” sa kanila.
7 sa 10
estudyante ang nakaranas ng pambubully.
Ang mahasa ang magkatimbang na kasanayan ng mga mag-aaral sa literasi at numerasi ang pangunahing hangad ng mga paaralan sa elementarya at sekondarya upang matiyak na sila ay magtatagumpay sa pag-aaral at makasasabay sa isang mundong bukas sa maraming mga posibilidad. Nararapat ding tugon sa mga posibilidad na iniiwasang mangyari sa kanila katulad ng mga kaganapan sa pelikulang
Abakada… Ina. Ito ay isang pelikulang idinirehe ni Eddie Garcia at pinagbidahan ni Lorna Tolentino na mabisang pamukaw-isipang ang kakulangan ng kaalaman ay isang malaking kawalan. Inilarawan dito ang realidad ng pag-iral na kapag hindi marunong magbasa, magsulat at magbilang ay malaking pasanin sa pang-araw-araw na buhay.
Bago pa man nangyari ang paglaganap ng COVID-19, nasasalat na natin ang krisis pampagkatuto sa ating bansa. Sa “new normal” ay higit na pinalala pa nito ang epekto ng pagkatuto ng mga mag-aaral sapagkat marami sa kanila ang nahihirapang umunawa ng aralin. Malaki rin ang kinalaman sa tagilid na kalagayang ito ng mga mag-aaral ang social media at online games. Marami sa kanila ang nahuhumaling sa mga ito at nakalilimutan na ang kanilang tungkulin sa paaralan. Ayon sa ulat ng Common Sense Media, umaabot sa 9 na oras sa isang araw ang inilalaan online ng mga kabataang lampas sa edad 8-12. Mahigit 90% ng mga kabataang edad 13-17 ay gumugugol nang sobrang oras sa mga social digital network.
Dahil dito, patuloy ang pagtataguyod at pagpapalakas ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) sa mga programang magpapaunlad ng kakayahan ng mga magaaral sa pagbasa at pagbilang. Sa ipinalabas na press release noong Pebrero 02, 2023, inilahad na ang pagpapaunlad ng programa sa literasi at numerasi at ang pagsasama ng “peace competencies” ang ilan sa mga nangunguna sa listahan ng Kagawaran ng Edukasyon sa pagsasaayos ng K to 12 curriculum upang lumikha ng handa sa trabaho, aktibo at responsableng mamamayan. Kaya, sa pamunuan
ng Kagawaran ng Edukasyon, palagiang igalaw ang baso. Bilang kaagapay sa hakbang na ito ng Kagawaran ng Edukasyon, pinagtuunan nang pansin ng Burauen Comprehensive National High School sa pangunguna ng punong-guro na si Gng. Glendale B.Lamiseria ang usapin sa pagbasa at pagbilang. Ipinatupad niya sa paaralan ang sumusunod na pamamaraan: (1) Bago ang panimulang gawain ng bawat klase ay nagbibigay ang guro ng maikling tekstong babasahin at nagpapasagot pagkatapos ng limang katanungan mula sa binasa; (2) Binibigyan din ng panlunas na gawain (remedial activity) ang sinumang mag-aaral na nabibilang sa pagkabigong antas (frustration level) ng pagbasa at may kakapusan sa Matematika; at (3) nagdisenyo ng bawat guro sa wika at matematika ng interbensyong mabisang magagamit sa kanya-kanyang klase sa hikayat na rin ng punong-guro ng paaralan. Nagtaguyod ng kabi-kabilang mga pamamaraan o interbensyong sa paaralan upang tuldukan ang suliranin ng mga mag-aaral sa literasi at numerasi. Hangad
ng paaralang matamo ang “zero non-literate” at “zero non-numerates”. Ganyan nga mga ahente ng pagbabago, patuloy na igalaw ang baso.
Sama-samang igalaw ang baso ng lahat ng bumubuo ng Kagawaran ng Edukasyon upang malunasan ang kakapusan sa litersi at numerasi. Lumikha nang mas konkretong hakbangin at pangmatagalang programa ukol dito, hindi “band-aid solution” at
lalong walang puwang ang “ningas cogon” . At pangatawanan ang pagiging kabahagi sa isisilang na bagong anyo ng buhay (banyuhay) ng itinuturing na mga “inapo ng mga bayani”. Ika nga ng ating Pangalawang Pangulo at Kalihim ng Edukasyon na si Sara Z. Duterte, “Our children are the children of heroes. They are the descendants of Dr. Jose Rizal, Gabriela Silang, Francisco Dagohoy, and Sultan Kudarat. Our children are bound for greatness”.
Lumikha nang mas konkretong hakbangin at pangmatagalang programa ukol dito, hindi “band-aid solution” at lalong walang puwang ang “ningas cogon”.
At pangatawanan ang pagiging kabahagi sa isisilang na bagong anyo ng buhay (banyuhay) ng itinuturing na mga “inapo ng mga bayani” .
Sumali sa Opisyal na Publikasyon ng BCNHS at samahan kaming isulong ang inobatibo at makabuluhang pamamahayag
Ang pagtatalo tungkol sa pagbabalik ng mandatory ROTC (Reserve Officersʼ Training Corps) ay nagdulot ng hating opinyon sa mga mag-aaral ng Burauen Comprehensive National High School (BCNHS). Ang panukala ni Senador Dela Rosa na tanggalin ang exemption sa Senior High School na mga mag-aaral sa naturang programa ay nagmarka ng hindi maipintang mukha sa iilan, habang ang iba naman ay nasasabik sa potensyal na benepisyo ng programa. Ang tanong, tinatahak ba ng ROTC ang tamang landas upang makabuo ng mga bayani ng kinabukasan?
Matatandaang noong taong
2019, binigyan ng “green light” ng House of Representatives ang ROTC sa kolehiyo, ngunit ang panukalang batas ay nakabinbin pa rin sa purgatoryo ng Senado. Samantalang nakaraan lamang ay
humiling si President Ferdinand Marcos Jr. sa kongreso na gawing mandatory ang programang ito sa Senior High School.
Ang hakbanging ito ay sinag ng pag-asang nababanaag sa mga mata ng mga hangad
na isulong ang ROTC. Batid nila ang potensyal na benepisyo ng nasabing programa. Kabilang dito ay ang paghubog ng disiplina, paghahanda sa mga sakuna, at pagbubuklod ng mga kabataan para sa iisang layunin. Ngunit isang malaking katotohanang may posibilidad na magdala ito nang panganib sa kaligtasan ng mga mag-aaral. Kung kayaʼt umuusbong ang tanong na, “Katumbas nga ba talaga ng tunay na pagiging bayani ang paglahok sa ROTC?”
Sa pahayag ni Senadora Risa Hontiveros, “May ibaʼt ibang paraan para mahalin at magsilbi kay inang bayan.” Bukod pa sa argumentong ito, tunay ring hamon ang pagpapatupad ng programang ROTC sa bawat paaralan. Mula sa kakulangan ng mga pasilidad, kakapusan ng mga kagamitan, at ang laging umiiral na banta ng katiwalian at pang-aabuso ng mga
may kapangyarihan. Magdadagdag din ito ng pasanin sa mga mag-aaral dahil kailangan nilang maglaan ng higit na maraming oras at pagsisikap sa pagsasanay sa halip na magtuon sa kanilang pag-aaral. Ito ay maaaring magdulot ng mas mababang marka at akademikong pagganap. Itoʼy sinang-ayunan ng ilan sa mga estudyante ng BCNHS tulad na lamang ni Crystal Taño. Aniya pa, “Ang mandatory ROTC ay mainam para sa ating bansa, ngunit mas maganda kung hindi sapilitan ang pagsali sa programa dahil maraming mamamayan lalo na ang mga kabataan ang nagnanais ng kalayaan.” Pag-ingatan sana ng pamahalaan ang bawat desisyong tinatahak dahil ito ang lililok sa kinabukasan ng mga kabataan. Bumuo rin ang Kagawaran ng Edukasyon nang malinaw na mga alituntunin at patakaran upang mapangalagaan ang karapatan at kapakanan ng mga kabataang maituturing na mga bayani ng kinabukasan.
...tunay ring hamon ang pagpapatupad ng programang ROTC sa bawat paaralan. Mula sa kakulangan ng mga pasilidad, kakapusan ng mga kagamitan, at ang laging umiiral na banta ng katiwalian at pang-aabuso ng mga may kapangyarihan.
Pagpupuyat. Isang mapanlinlang na salaring umaabusoʼt pumipinsala sa ating kalusugan at kabuuang produktibidad. Ang paggamit ng mga cellphone at iba pang gadyet, pati na rin ang mga responsibilidad sa trabaho o paaralan, ay nagiging malaking salik sa ating pagtulog. Kung hindi natin bibigyan ng sapat na oras ang ating pagpapahinga, mahihirapan tayo sa pakikipaglaban sa mga hamon ng ating buhay.
Bagamaʼt alam ng karamihan sa atin ang kahalagahan ng “beauty rest”, hindi pa rin natin magawang tuparin ito nang wasto. Mapanupil na nga ba tayo sa hindi matapos-tapos na paggamit ng mga gadyet, panonood ng pinakabagong labas na Netflix series at paghihintay na mag-”Good night” sa atin ng ating mga crush? Kahit na nakasanayan na nating magmukmok sa kuwarto o ʻdi kayaʼy
gumawa ng mga takdang aralin sa hatinggabi, mahalaga pa rin ang papel na ginagampanan ng pagtulog sa ating kalusugan. Bagay na hindi binibigyang-diin ng lahat, lalo na ng mga kabataan. Ayon sa mga pananaliksik ng Healthline at The Sleep Foundation, napakaimportante ng sapat na pagtulog upang mapabuti ang ating memorya at kakayahang mag-isip. Ito ay lubhang
kailangan lalo na sa pag-aaral upang makapagpokus tayo sa mga leksyon ng ating mga guro. Kapag natutulog tayo, ang ating katawan ay nagkukumpuni rin ng nasirang tissues at naglalabas ng mga hormone na nakatutulong sa pagpapanatili ng ating kabuuang kalusugan. Bukod pa rito, nababawasan ang tsansa ng depresyon at nagiging malakas din ang ating resistensya laban sa stress. Kung hindi natin
bibigyan ng sapat na pansin ang oras ng ating pagpapahinga, maaaring magdulot ito ng ibaʼt ibang mga problema sa ating katawan, sa pisikal man o sa aspetong pangkaisipan.
Ilang beses na bang nasabi sa atin na kailangan nating magkaroon ng sapat na tulog? Anim hanggang walong oras na tulog kada gabi ang kailangan upang maging malusog ang isang tao. Mukhang mas nanaisin pa ng
ibang magpuyat kakanood ng mga bidyo sa TikTok at walangsawang maki-chismis online. Tara na, higa tayo. Panahon na para ibalik ang disiplina sa ating mga buhay. Sa mundong puno ng mga responsibilidad at pagkabalisa, ang pagtulog ang susi para maging masigla at mabigyang hustisya ang bawat araw na ipinagkaloob sa atin.
Animoʼy hilahang lubid o “tug of war” ang labanan sa pagitan ng social media at pag-aaral sa mga kabataan. Hugot dito, batak doon. Higit na naging mahigpit ang paligsahan lalo na sa kasalukuyan dahil sa patuloy na pag-angat ng teknolohiya. Nakapanghihina ng loob na higit pang itinatangi ng mga mag-aaral ang nakakaakit na alok ng mga gadyet kaysa sa napakalaking oportunidad na maibibigay ng edukasyon.
Sa kasalukuyang panahon, hindi maikakaila ang malaking papel na ginagampanan ng social media sa ating pang-araw-araw na buhay. Dahil sa platapormang ito, mas nagiging madali ang komunikasyon at koneksyon sa mga taong malayo sa atin — mapa-Pilipinas o ibang bansa man iyan. Ayon sa pananaliksik ng Backlinko, halos 4 na bilyong katao sa buong mundo ang gumagamit ng social media. Sa Pilipinas, mahigit 84.45 milyon ang “active users” ng social media
at ginagamit ito ng ilan para patalastas ang sariling negosyo. Tunay na malaking oportunidad ito para sa mga negosyante at naghahanap ng trabaho.
Gayunpaman, sa kabila ng pagiging instrumento upang mapabilis ang koneksyon sa pagitan ng mga tao sa buong mundo, kaakibat nito ang ilan sa mga hindi kaaya-ayang epekto sa kalusugan ng kabataaan.
Batay sa isang artikulo mula sa MedicalNewsToday, maaaring
magdulot ng anxiety, depresyon, at iba pang psychological disorder ang labis na paggamit ng social media nang mahabang oras.
Bukod pa rito, ang stress na dulot nito ay magbubunga ng mga isyu sa pagtulog at posibleng magresulta sa pagbaba ng akademikong pagganap, at makaapekto sa asal at appetite ng bata.
Ang malaking katotohanan, nanaisin pa ng iba na magpatianud at sumugal sa buhay ng social media kaysa sa magsunog
ng kilay sa ngalan ng pag-aaral.
Nasa kamay ng bawat isa ang desisyon kung saang panig nila hihilahin ang lubid. Ngunit mas mainam na hilahin ang lubid tungo sa direksyong maglalatag ng maraming oportunidad.
Balansehin ang paggamit ng mga gadyet at ang pag-aaral, sapagkat anumang sobra o kulang ay masama.
Ang
malaking katotohanan, nanaisin pa ng iba na magpatianud at sumugal sa buhay ng social media kaysa sa magsunog ng kilay sa ngalan ng pag-aaral.
Marami ang nangangalandakang mas maayos at mas maganda diumano ang henerasyon ngayon dahil pantay-pantay ang mga tao. Ngunit, makatotohanan nga ba ang sinasabing pagkakapantay-pantay kung ito ay pabor lamang sa tradisyunal na pagkakakilanlan ng kasarian at hindi sa mga itinuturing na bahaghari ng lipunan? Ang hindi makatarungang pagtanggap sa mga miyembro ng LGBTQ+ ay malaon nang nangyayari sa lahat ng sektor ng lipunan.
Sa mga nakalipas na taon, lubos na nagpakita ng pagbabago ang komunidad ng LGBTQ+ hindi lamang sa larangan ng pagtanggap at pagkakapantay-pantay, pati na rin sa siyensiya. Ayon sa American Psychological Association, ang mga bata na pinalaki ng magulang na may parehong kasarian ay “walang pagkakaiba sa kanilang pangkalahatang katalinuhan, psychosocial adjustment, gender identity, o sexual orientation.”
Sa pagsusuri naman ng Williams Institute sa UCLA School of Law, napagtanto na ang tamang suporta at pagbibigay ng karapatan sa mga miyembro ng LGBTQ+ community ay may malaking epekto sa kanilang kalagayan. Ayon dito, mayroong 14% na pagbaba sa bilang ng mga pagtatangka ng pagpapakamatay sa mga indibid-
wal na LGBTQ+ na indikasyong tumataas ang tamang pagkilala at pagbibigay karapatan sa kanila sa lipunan. Ito ay patunay na ang pagbibigay ng suporta at respeto sa kanilang mga karapatan ay may positibong epekto sa kanilang buhay at kalagayan.
Ang pagsulong ng mga organisasyon tulad ng Cannot Live in a Closet (CLIC), Lesbian Equality Alliance (LeA), at Akbayan Citizenʼs Action Party ay nagpapakitang determinado silang labanan ang diskriminasyon. Gayunpaman, hindi pa rin sapat ang kanilang mga pagsisikap dahil laganap pa rin ang diskriminasyon at pagtanggi ng ilang sektor ng lipunan na tanggapin sila. Ayon sa FBI, halos 19 porsyento ng mga hate crime incidents na naitala noong 2018 ay may kaug-
nayan sa anti-LGBTQ bias. Sa mga insidenteng ito, ang mga gay na lalaki ang pinakamadalas na target (60 porsyento), samantalang ang mga lesbian naman ay may 12 porsyento. Sa buong mundo, hindi bababa sa 67 bansa ang may mga batas na nagpaparusang kriminal sa mga homosekswal na aktibidad. Mula sa multa, panghabang-buhay na pagkakakulong, hanggang sa kamatayan.
Ang lahat ng ito ay nag-ugat sa iisang rason — pagmamahal sa kapwa nila kasarian. Ipinaglalaban nila ang kanilang pagmamahal at karapatan na maging malaya, kahit pa hindi ito makatutugon sa mga pangkaraniwang pananaw ng karamihan. Ang karapatang ito ay hindi nararapat na ikait sa kanila dahil lamang sa makitid na pag-iisip at
pagkakaiba-iba. Ang lahat ay may karapatan sa pantay na pagtrato at pagmamahal, ano man ang kasarian.
Ang bahaghari ay hindi lamang isang magandang tanawin ng ibaʼt ibang kulay, kundi simbolo ng pagkakapantay-pantay at pagtanggap sa ibaʼt ibang bahid ng kasarian sa lipunan. Sa pagsulong ng usaping ito, ang unang hakbang ay buksan ang ating isipan at unawain hindi lamang ang ating sariling kapakanan, kundi pati na rin ang kapakanan ng LGBTQ+. Hindi lamang ito tungkol sa pagbibigay ng respeto, kundi pagiging bukas sa pag-unawa at pagtanggap sa kanilang karapatan bilang kabahagi ng nilikhang nilalang ng Diyos sa mundong ibabaw.
Ang karapatang ito ay hindi nararapat na ipagkait sa kanila dahil lamang sa makitid na pag-iisip at pagkakaiba-iba. Ang lahat ay may karapatan sa pantay na pagtrato at pagmamahal, ano man ang kasarian.
Isa sa mga malalaking suliranin ng ating lipunan ay ang tumataas na bilang ng kaso nang maagang pagbubuntis. Kahit may pagsisikap na ang ibaʼt ibang sektor ng lipunang gampanan ang kanilang papel upang maiwasan ang mga salik na kaakibat ng problemang ito, ang bilang ay nananatili pa ring nakababahala. Hindi naaayon ang ganitong hakbang na mabilisan at wala sa plano dahil masisira ang pag-aaral at ang pagkakataon ng mga kababaihang maranasan ang pagiging dalaga.
Sulyap pa lamang sa datos ng Commission on Population and Development (Popcom) ay makikitang mataas ang bilang ng mga kababaihang edad 15 hanggang 29 na nabubuntis. Hindi na bago ang balita tungkol dito at masakit mang amining bunga ito ng kakulangan ng kaalaman sa proteksyon at responsableng pagpaplano ng pamilya. Hindi pa handa ang katawan ng mga batang ito sa maagang pagbubuntis at sa responsibilidad ng pagiging magulang. Kaya naman, maaaring maging banta ito sa kanilang kalusugan at kina-
bukasan. Tulad ng kasabihang, “Prevention is better than cure,” mahalaga ang pagbibigay sa kanila nang sapat na edukasyon at suporta upang maiwasan ang teenage pregnancy. Sa ganitong paraan, higit na gaganda ang hinaharap ng ating mga kabataan at maging nang buong lipunan. Bukod sa kakulangan ng edukasyon, isa pang dahilan ay ang mga kultural na paniniwala. Sa kultura ng Pilipinas, minsaʼy pinipilit ang mga kabataang magpakasal sa murang edad upang maging tagapagtatag ng pananalapi, ngunit hindi ito ang
tamang solusyon upang umahon sa kahirapan.
Ilan sa mga proteksyong paraan ay ang paggamit ng condom at mga contraceptive pills. Ito ay hindi lamang nagbibigay ng proteksyon sa pagbubuntis kundi pati na rin sa pagkalat ng mga sexually transmitted diseases (STDs). Isa itong napakahalagang aspeto ng edukasyon tungkol sa kalusugan at produktibong hindi nabibigyang-diin. Ito rin ang dahilan kung bakit ang karunungan ay nagsisilbing sandata upang labanan ang kahit anong suliranin
Bayanihan ang sigaw nating mga mamamayan upang isalba ang mga bagong sibol na kababaihan sa ating lipunan. Para sa pamahalaan, palakasin pa ang kampanya laban sa maagang pagbubuntis. Para sa pamilya, tuloy-tuloy na ipamulat ng mga magulang na ang pagtatalik ay sagrado. At para sa katulad nating mga nene kung ituring, umiwas sa tukso at panganib sa landas ng kabataan at patunayang tayo ay mayuming dalagang Pilipinang
Mahal naming Tagapatnugot, Nakaranas ang aming klase ng isang nakapanlulumong kompetisyon. Sa halip na magtulungan at magkaisa upang matuto, ang ilan sa aming mga kasamahan ay nagiging mapanuri at mapanghusga. Nalulunod na ako sa mga tuntunin at hindi na kayang maging masaya pa. Anuman ang aking nagawa, hindi sapat para sa kanila at sa kanilang mga mata. Hindi ako sapat.
Bilang isang Tagapatnugot, hinihiling ko ang inyong opinyon tungkol sa isyu na ito. Ano ang maaaring gawin upang lutasin ang suliraning ito?
may mararating. upang
Sa iyo, Henrietta, Laganap ang ganitong uri ng kompetisyon sa maraming paaralan at lugar sa mundo, ngunit huwag kang mawalan ng pag-asa. Una, bigyang halaga muna ang iyong sarili at huwag pumayag na masira ng mga mapanghusga na pananaw ang pagtingin mo sa iyong sarili. Ikalawa, maghanap ng mga taong tutulong at magbibigay ng positibong suporta sa iyo. At higit sa lahat, huwag kang mawalan ng pag-asa at patuloy na magpakatatag sa kabila ng mga hamon. Tandaan, “Pag-aralan mong mahalin at yakapin ang sarili, dahil tanging ikaw ang makapagsasabi ng iyong tunay na halaga.”
sa kanilang buhay.
sa mga numero na respondente
Panukalang SOGIE Bill
sa 125
77.6% 16% 6.4%
sang-ayon hindi sang-ayon neutral
DATOS MULA SA: ANG KALAPATI ESTATISTIKO
At para sa katulad nating mga nene kung ituring, umiwas sa tukso at panganib sa landas ng kabataan at patunayang tayo ay mayuming
dalagang Pilipinang may mararating.
Gusto mo ba ng adventure? Nasubukan mo na ba ang feeling na parang nakatayo sa tuktok ng mundo habang pinagmamasdan ang makapigil-hiningang tanawin? Kun waray pa, pakadi na gud ha Burauen.
Ating tuklasin ang mga natatagong hiyas ng isang bayang kilala bilang Spring
Matatagpuan dito ang tatlong kaakit-akit na lawa – ang Matigbao, na kailangang akyatin ang matarik at malubak na kagubatan bago ito marating; Malagsum, may berde at maasim na tubig na isang santuwaryo ng libo-libong mga ligaw na pato, at ang Mahagnao, ang pinakamalawak na lawa ng Burauen na mainam para sa pamamangka, pagkakayak, stand-up paddling, at paglangoy. Makikita dito ang Mahagnao Volcano bilang sentro ng lugar, ito ang pupukaw ng atensiyon kung papasyalan ang Mahagnao Volcano Natural Park.
LAKE MATIGBAO
Ito ay may sariling alindog. Mapagtatanto mo ito kapag marating at maigala mo ang iyong mga mata sa palibot. Para itong bakas ng paa ng isang higante kung matatanaw mula sa himpapawid. Ito ang pinakamataas na lawa ng Burauen. Ang lawa ay tinawag na “Matigbao” dahil matatagpuan ito sa “igbao” o taas ng Mahagnao. Tahanan ito ng mga tutubi at mga kuliglig, at tunay ngang, itoʼy may mala-paraisong kagandahan.
LAKE MALAGSUM
Isang lawa na may berdeng maasim na tubig at tahanan ng napakaraming ligaw na pato na ang tawag sa kanila ay Philippine Duck (Anas Luzunica). May tinatayang 110 uri ng hayop ng ibon sa loob ng MVNP. Ang mga Philippine Ducks ay lokal na
protektado, sa nagbabalak manghuli nito ay may karampatang parusa at multang 1 milyon sa mga mangangahas na manakit o manghuli nito.
Ito ang pinakamalawak na lawa ng Burauen, mas malawak kumpara sa Lake Malagsum at Lake Matigbao. Ang berdeng tubig nito ay nakabibighani sa mga mata. Makikita rin dito ang ilang mga ligaw na pato na mula sa kabilang lawa. Ito ay isa rin sa mga binabalik-balikan ng mga turista sa Mahagnao Park.
CALOR HOTSPRING
Napakasarap sa pandinig ang malamyos na agos ng tubig. Nakapapaso sa balat ang mainit nitong tubig. Kapansin-pansin din dito ang nababahirang kayumangging mga bato dulot ng mga deposito ng asupre. Nagmula ang pangalang Calor sa salitang “color” na nangangahulugang kulay sa tagalog, itoʼy dahil sa mala-kalawang nitong kulay ng tubig. Nagkataon lang na ang “Calor” ay terminong Espanyol ng “mainit”. Ang bukal na ito ay matatagpuan din sa Mahagnao.
GUIN-ANIBAN FALLS
Nakalululang pagmasdan ang matarik, mabato, at nakakaakit na Guin-aniban Falls. Itoʼy nakagagaan ng loob lalo na ang banayad at malamig na dulot ng simoy ng hangin. Napakasarap naman sa pandinig ang agos ng tubig at mga huni ng ibong nag-aawitan. Bukod pa riyan, maraming matatayog na mga puno at makikita rito ang naggagandahang mga bulaklak.
Kay anu pa man, arat na ha Burauen nga Naturally Cool!
“Karasa nala! Maagain-again.”
Tikman mo. Papakin mo. Iuwi mo. Ibahagi mo, ha? Huwag kang magworry, nakakaumay free ang beauty ko.
Ako ang numero unong suki ng sugar industry. Talaga! Masarap akong tikman. Hindi naman ako kagandangn ngunit pinipilahan. Inis nga sila sa akin kasi suki na raw sila kay Mr. and Mrs. Dentista.
“Ate, tag-nine na gadla!” Iyan ang inda ng mga ultimate suki kong mabunganga.
Patok ako dahil sa mga dala kong nira-tira, pakumbo, umol, camote candy, cocObar, lawhit, lisgis at ang fave ni Manong Dayo, ang bukayo!”
“Kaibigan, saan ang punta mo?”
“Ha Arado, mapalit hin bukayo. Upod ka? Tara.”
Aligaga sa pagkakaupo. Sabik na sabik mapanood ang kanyang sinusubaybayang teleserye.
Inaabangan ang linyahan nina Mike Enriquez, Mel Tiangco at Vicky Morales na “...dahil hindi natutulog ang balita nakatutok kami 24 oras.”
Sa isang pitik ng daliri, nagmukhang kahapon ang kapaligiran sa screen. Ito ang mahikang bumabalot sa kaibuturan ng mga die-hard fans ng Maria Clara at Ibarra na umiiri tuwing alas otso ng gabi sa GMA Kapuso Network.
Isang lokal na serye ng dramang Pilipinong pumatok sa panlasa ng mga Gen Z kung saan karamihan sa kanilaʼy nilamon ng sistemang K-Drama. Itoʼy nagsilbing time capsule sa mga kabataan sapagkat animoʼy dinadala sa kanila sa sinaunang panahon.
Sa tulong ng magagaling na aktor at aktres na nagbigay-buhay sa mga karakter ng serye gaya ni Barbie Forteza (bilang Klay) kung saan ipinamalas niya ang kakuwelahan at kahusayan
sa ginampanang katauhan. Minulat ang mga mata sa kasaysayan gaya ng pagmamahal sa kanyang bayang sinilangan.
Nandyan din ang karakter ni Maria Clara na ginagampanan ni Julie Anne San Jose na nagpapakita ng pagiging isang dalagang Pilipina. Mayumi, magalang, may respeto sa sarili.
At ang panghuli ay si Crisostomo Ibarra na ginampanan ni Dennis Trillo. Kay husay ng kanyang pagsasabuhay sa karakter na nagdagdag ng kulay sa kabuuan ng istorya.
Sa loob ng limang buwang pag-ere ng palabas sana nasagot na ang tanong ni Klay kay Mr. Torres kung ano nga ba ang pakialam niya sa Noli o sa kasaysayan at struggle ng bansa. At kagaya ng hinahangad ni Mr. Torres, nawaʼy mamulat ang isipan ng mga kabataan sa totoong itsura ng kasaysayan para maipagpatuloy ang labang inumpisahan ng ating dakilang bayani, si Gat Jose Rizal.
Rampa!
Tumatagaktak na ang pawis ng mga palaban. Animoʼy may naghahabulang determinasyon at husay sa kanilang umaangat at mayroong nananalo. Sino tinanghal na Ms. Campus Bet 2023.
Pinangarap mo bang manalo sa Mr. and Ms. Campus Bet?
“Sa totoo latng, hindi ko naman pinangarap na manalo rito. Gusto ko lamang maranasan ang pagsali sa nasabing patimpalak.”
Ninais mo bang mapasali sa mga ganitong paligsahan?
“Dati pa naman akong sumasali sa mga ganitong paligsahan, masaya ako sa aking ginawa kaya naman patuloy parin akong sumasali.”
Paano mo pinaghandaan ang paglahok sa nasabing kompetisyon?
“Patuloy lamang akong nag-eensayo. Araw-araw ang naging paghahanda namin at masasabi kong go with the flow ang ginawa ko. Syempre nais ko parin na ibigay ang lahat-lahat sa mismong kompetisyon kaya naman maraming nagulat sa ipinakita ko roon.”
Suportado ka ba ng iyong mga magulang sa pagsali sa pageant?
“Masasabi ko na todo suporta si Mommy sakin. Suportado ako all through out, kaya naman nakatutuwa talaga dahil hindi lamang si Mommy, pati na rin ang mga guro, kaklase, at kaibigan ko ay nagpakita ng suporta nila sa pagpunta sa pageant.”
Ano-ano ang mga kinaharap mong pagsubok?
“Isa sa mga kinaharap ko ay ang problema sa pakikipagkumunikasyon. Talaga namang mahirap ang pakikipagkuminikasyon sa ibang tao, lalo na kapag nasa harap ka ng maraming manonood.”
TEKSTONG ISPIRITWAL
Tugatog
kandidoʼt kandidata subalit naaaninag pa rin ang kanilang pusong naghahabulang mga daga sa kanilang dibdib habang rumarampa, ngunit ang kanilang larang ay kitang-kita para sa pangarap na titulo. Sa bawat laban, may Sino nga ba ang maswerteng nakakuha ng korona? Kilalanin natin ang
Ano ang mensaheng gusto mong ipaabot sa mga nais pang sumali sa ganitong patimpalak?
“Nais kong sabihin na huwag silang panghinaan ng loob, dahil kung nais mo ang isang bagay makakamit mo ito sa pagsisikap. Kapag determinado ka, walang imposible. Kahit na ano pa man ang kaharapin mo, huwag sumuko.”
Ano ang plano mo matapos manalo?
“Nais kong makatulong sa abot ng aking makakaya, at ipakita na kahit na nasa akin na ang korona hindi pa rin ako magbabago. Patuloy akong magsusumikap at magiging inspirasyon para sa iba pang mag-aaral.”
Ano ang iyong kasagutan na siyang naging daan ng iyong pagkapanalo?
“Yes it is important to seek excellence in all aspects of our lives because through this we will feel happy, have inner satisfaction or contentment and do good to others as well. We can only achieve excellence by making it as our top priority. We should grow, learn, work hard, work smart, and do everything that our future self will thank us for.”
Ang lahat ng pagod, kaba at pagsusumikap niyaʼy hindi nasayang. Napatunayan niyang karapat-dapat siyang hiranging Ms. Campus Bet 2023 mula sa 9-Einstein, siya ay si Roreza Thadea Raga.
Likas na sa kaugaliang Pilipino ang pagiging maaruga, mababait at may matinding pananampalataya. Ito ay kapansin-pansin sa dami ng namamanata at nagsisimba sa alin mang simbahang nakalagak sa ibaʼt ibang panig ng bansa.
Tinatayang 600,000 simbahan sa Pilipinas, di pa kasama ang mga kapilyang nagtataglay ng kani-kaniyang katangian, istraktura at nirerepresentang santo.
Sa hindi mabilang na simbahan sa probinsya ng Leyte, itinuturing na isa sa pinakamalaking simbahang naipatayo ang Our Lady of Immaculate Conception Parish ng Burauen. Ipinagdaraos ang kapistahan sa nasabing parokya tuwing Disyembre 8.
Noong ika-3 ng Hunyo sa taong 1804, ang parokya ng Burauen ay nagpasakop sa Immaculate Conception of Mary sa tulong ni Fr. Pedro Gomez. Sa paglipas ng 54 na taon, noong 1858 si Fr. Francisco Lopez ay nanguna naman sa pagpapatayo ng simbahan sa lawak na 186 talampakan at 48 espasyo. Sa panahong ito, itinuturing itong pinakamalaking Katolikong simbahan sa buong probinsiya ng Leyte. Ngunit sa paglipas ng panahon marami na ang naipatayong mas malalaking simbahan.
Ang dating itsura nito na mas payak at simpleng disenyo ay unti-unting binago hindi lamang ng panahon maging ng sakuna at pandemya. Dahil dito, ilang kura paruko ang naghangad na maisaayos at mapaganda ang naturang simbahan. Sinimulan ni Msgr. Jaime C. Villanueva ang unang pagplaplano.
Noong taong 2014, matapos ang pananalasa na itinuturing na pinakamalakas na bagyong sumalanta sa Samar at Leyte, mas lumala ang sira ng simbahang ito. Ngunit sa pangunguna ng bagong pari na si Rev. Fr. Ambrosio “Butch” Avelino Jr., ang plano ay naisakatuparan. Iginaya sa Arkitektural na Gotiko ang disenyo na nagmula pa sa Europa sa ika-12 siglo.
Sa kabuuan, halos pitumpung porsyento na ang natapos sa pagsasaayos at pagpapaganda ng simbahan. At sa susunod na taon, mag-iisang dekada na ito simula nang maumpisahan ang konstruksyon ng simbahan.
Isang mahirap na pahina sa buhay-estudyante ang makaranas ng hagupit ng isang terror teacher. Iyun bang hakbang pa lang niyaʼy namumutitik na sa pawis ang buo mong katawan.
Marahil isa ka sa mga nagtatanong nito, paano ba maging close sa terror teacher?
Narito ang ilang tips:
Pagpasok niya, agad itong batiin nang may masayang mukha. Batiin rin siya sa tuwing makakasalubong sa daan at try mong mag “finger heart”.
Huwag maunang magbiro at ʻpag siya na ang nagbiro, tawanan mo kahit hindi mo gets masyado.
Maging mapagtanong sa klase dahil ibig sabihin nito, interesado ka sa kanyang leksyon. Wag lang OA, baka mairita pa siya saʼyo.
Palaging gawin ang takdang-aralin dahil ang terror teacher, kailanmaʼy hindi makakalimutang hingin ito.
Sundin ang kanyang mga ipinagbabawal. Breath. Be cool kahit nasasaid ka na.
Kung ikaw ay kanyang pagagalitan, dumepensa ka pero siguraduhin mong tama ka at maisasaad mo ito sa tamang paraan.
Huwag matakot pagsabihan siya ng compliment. Hindi ka man niya pansinin pero deep inside “salamat” ang gusto niyang sabihin.
Huwag subukang sumalungat sa mga sinasabi niya. Sumang-ayon ka lang kahit alam mong mali siya.
Try mong humugot lines sa recitation, siguradong matatawa siya saʼyo.
Add mo siya sa fb at like mo status niya.
Kung effective ang tips na ito, i-share mo sa mga kaibigan mo, para silaʼy mapa
Change is beautiful.
You look back at your past at mapapasabi ka na lang na malayo na pala ang narating ko, ang laki din ng pinag bago ko. Ngunit hindi lahat ng tao’y pabor at nakauunawa sa pagbabagong ito. Bata pa lamang ako’y I already felt na iba ako kumpara sa ibang bata. Naglalaro ako ng barbie dolls at naglalaro ng damit-damitan, habang sila’y naglalaro ng baril-barilan at laruang kotse.
May nagawa ba akong mali kaya nararanasan ko ang mga ito?
Habang tumatagal ay di ko namamalayang namamanhid na ako. Who cares about sa sinasabi nila,
I am a proud member of LGBTQ+. Hindi ko kailangan ang opinyon ng iba upang pagsabihan ako kung ano at sino ako dapat.
Bilang isang trans-student, it was hard fitting in at hindi naging madali ang aking pag-aaral.
Natatandaan ko noong first day of class hanggang ngayong flag ceremony, nasa linya ako ng mga lalaki when really hindi ako pabor dito. Mahirap din para sa akin na napipilitang magsuot ng damit na hindi tumutugma sa aking gender identity. Kaya nama’y naisipan ko na lamang magtahi ng sarili kong uniporme na ayon sa aking kagustuhan. Ngunit hindi ito bistida. Ano naman ang magagawa ko. Kahit anuman ang nais kong isuot na uniporme na ayon sa aking gender identity, hindi ko masuot dahil sa patakaran ng aming paaralan.
I really hope in the future payagan na ako at kapwa ko transgender na makapagsuot ng unipormeng ayon sa aming gender preference You might say na “uniporme lang yan at anong kinalaman nyan sa pag-aaral?”
Para sa akin hindi lamang po ito uniporme This alone ang nagpaparamdam sa ‘kin nang totoo kong pagkatao.
Though di natin sila mapipilit na tanggapin kami, kahit respetuhin na lamang for who we truly are. If we really want change and mean the quote na “We for gender equality and inclusive society” sa ating lipunan, it should start first sa tao, dahil walang magbabago kung ikaw mismo di mo kayang magbago.
Girl, boy, bakla, tomboy o maging ano ka pa man. Mayaman, mahirap, pulubi, magnanakaw, doktor, abogado, guro, dentista. Sa mundong maraming pinagpipilian, alin at saan ka roon? Ang Nanay mo’y nangangarap na ika’y maging isang doktor. Ang sabi naman ng iyong Tatay, sa pagiging inhinyero ka nababagay. Sa tingin ng lola mo’y likas sa iyo ang pagiging isang pintor. At nang iyong masira ang koleksyon ng cd tapes ng lolo mo noong ika’y tatlong taong gulang pa lamang, hula niya’y magiging pasaway ka balang-araw.
Subalit ano nga ba ang gusto mo? At papaano nga ba nagiging matagumpay ang isang tao? Narito ang ilang mga gabay para sa iyong tagumpay ngayon at sa hinaharap.
Huwag maging nega. Talunan ka kung parating reklamo ang laman ng iyong bunganga.
Magtiwala. Walang pangarap na hindi kayang abutin.
Maging matatag at malakas sapagkat ang buhay ay hindi bed of roses.
Kung kaya mong pangarapin, kaya mong gawin. Push lang nang push.
Maging goal-oriented. Wika nga, “Work with a purpose.” Alamin mo ang iyong kahinaan at kalakasan at gawin itong batayan kung ano, saan at paano maaabot ang naisin mo sa buhay.
Hadlang sa tagumpay ang pagdrop-out sa pag-aaral. ‘Wag ka nang dumagdag pa!
Ang pahirap at problema sa buhay ay pawang pagsubok lamang. Mabuting kaibigan ang kaberks mo kung sinasabihan ka niyang “Go for it friend! You can do it!”
Kapag nakamit mo ang iyong pangarap, iyun ang totoong tagumpay.
“Baka mapagod ka lamang niyan? Di mo na matututukang maigi ang mga subjects mo.” Makailang beses kong maririnig sa aking Mama at Papa ang mga pag-aalinlangan nila sa aking pagkapanalo bilang Auditor sa School Student Government Organization ng aming paaralan.
Alam kong kapakanan ko lamang ang intensyon ng aking mga magulang, subalit hinding-hindi ko pinagsisihan ang pagiging parte sa nasabing pangkat.
Sa ganang akin, lumawak ang dimensyon ng aking pagkatuto at pagkatao. Akma lamang sabihing makabuluhan ang mga gawaing isinasakatuparan namin.
Dʼ Vanguards ang taguri sa amin at ipinagmamalaki kong mahalaga ang aming kontribusyon partikular na sa pagganap ng apat na core values ng paaralan.
Maka-Diyos
Bible Verse of the Week
Pagbabahagi ng mga salita ng Diyos. Makabago man ang paraan, hindi pa rin matutumbasan ang kab- uluhan nito sa kapwa ko kabataang hindi na aga sa buhay-ispiritwal. Gamit ang social DʼVanguards, lingo-linggong ibinibigay ng kanilang alam o paboritong Bible verse.
Pabasa ʻIka nga, edukasyon ang susi sa magandang kinabukasan. Kaya naman, malugod kaming nakikiisa sa programang pagbasang inilunsad ng paaralan. Isang Reading Activity ang isinasagawa ng pangkat upang mapataas ang kompyansa sa sarili ng mga estudyante at umunlad ang kanilang kasanayan sa pagbabasa nang may pag-unawa.
Makakalikasan Clean Up Drive Zero Waste Management. Eco-friendly School. Proper Waste Segregation. 3 Minute Clean Up
Drive.
Lahat ng mga nabanggit ay sama-sama naming ginagampanan kasama ang iba pang organisasyon ng paaralan.
Makabansa Feeding Program
Kaagapay at suportado rin ang aming pangkat sa paglaban sa malnutrisyon sa mga isinasakatuparang Feeding Program ng paaralan.
Bagaman, may pagkakatong nakakapagod din, ang pagganap at pakikiisa ng Dʼ Vanguards sa ibaʼt-ibang gawain, mapaloob at labas ng paaralan ay ilan sa mga karanasang hinding-hindi ko makakalimutan.
Maaasahan niyo kami at laging kasangga anumang oras.
VISION
The Supreme Student Government-Vanguards envision to represent and support the interests of the student body through initiatives, programs, and services that enrich students’ lives. We are committed to exemplary public service as catalyst of change that values the students’ right.
The Supreme Student Government-Vanguards are dedicated in creating a participative, informative, and responsible student government in the service of its studentry, with great obedience to the will of God and the dedication in promoting honest, dignified, and quality service to the school; thus, strengthening the integrity, responsibility, and stability of every student to build up character
geared toward a positive change in the society.
Angel NarcaMula sa ibinabang memoramadum panrehiyon, RM 1148, serye 2022, nakiisa ang Burauen Comprehensive National High School sa Global Handwashing Day Celebration na pinangasiwaan nina Bb. Gelyn Udtohan, G. Arnold Saavedra at Gng. Marie Charisse Geniston, School Based Management Wash in School Coordinators (SBM WinS) nito lamang Oktubre 24.
Isinasagawa ang lingguhang paghuhugas ng mga kamay upang makaugalian na ng mga esudyante ang nasabing adbokasiya.
“Weekly iyong handwashing na isinasagawa ng mga estudyante at may schedule rin na sinusunod. Halimbawa, sa Junior High School mula Grade 7-8 everyday kada Tuesday, habang ang Grade 9-10 ay every Wednesday, at sa Senior High naman tuwing Thursday,” ayon pa kay Bb. Udtohan.
Sinabi rin niyang kapaki-pakinabang ang pagpapaigting ng nasabing programang pampaaralan upang maituro sa mga magaaral ang wastong paraan ng paghuhugas ng kamay “Matuturuan ang mga estudyante natin ng tamang paghuhugas ng kamay. Gayundin, matatanto rin nilang ang taong malinis sa kanyang sarili ay malalayo sa anumang uri ng sakit at magtataglay nang malusog na pangangatawan.
PAG-IWAS SA SAKIT. Sa simpleng paghuhugas ng kamay, naiiwasan ng mga mag-aaral ang mga sakit at bakteryang kumakapit sa kamay. Larawang kuha ni Gwynnavere Aralar
Kaalinsabay sa pagdiriwang ng International Day of Forests ayon sa proklamasyong itinakda ng United Nations General Assembly (UNGA) noong ika-21 ng Marso, nagsagawa ng tree planting activity ang Pamahalaang Lokal ng Burauen sa Brgy. Tambis, Burauen, Leyte.
Ipinahayag ni Gng. Carla
A. Ferrer, community Stakeholders Specialist ng Burauen Tourism Office at iisa ring registered Professional Forester, ang magandang maidudulot ng pagtatanim ng maraming puno.
“Sa pagtatanim ng mga punongkahoy, makaiiwas tayo sa posibleng pagbaha. Makapagbibigay din ito ng malinis
samganumero
SA MGA NUMERO
na hangin sa kapaligiran. We should help each other by planting more trees for our own good,” wika ni Gng. Ferrer.
Sinabi rin niyang patuloy na itinataas ng Burauen ang kalidad ng buhay ng mga tao sa pamamagitan ng pagpapaunlad sa kapaligiran.
“Kaisa ng barangay ang munisipalidad sa pagtataguyod ng mga gawaing may kinalaman sa
3,624 na mga estudyante ang sang-ayon sa paggamit ng tumbler bilang alternatibo sa paggamit ng plastic wrappers
kagubatan at likas na yaman,” dagdag pa aniya.
Nilahukan ang nasabing aktibidad ng Tambis Community Association, BLGU officialʼs ng Brgy. Tambis sa pamumuno ni Brgy. Captain Irene Dongsal at Tambis Elementary School workforce sa ilalim ni Bb. Gresina Venezuela, punong-guro.
Matatagpuan sa Burauen, Leyte ang kauna-unahang ipinatayong Hydro Micro Renewable energy sa Eastern Visayas na sakop sa prangkisa ng Don Orestes Romualdez Electric Cooperative (DORELCO) noong Oktubre 2022.
MULA SA: Ang Kalapati Istatistiko
Mula sa kabuuang populasyon na 3,624 ng mga mag-aaral sa BCNHS, umabot sa 86.3% ng mga magaaral ang positibo ang tugon sa paggamit ng tumbler upang maibsan ang paggamit ng ice water wrappers sa paaralan.
Ito ang lumabas na resulta mula sa isinagawang sarbey ng Ang Kalapati, nito lamang Marso 15, bilang bahagi ng pagpapatupad ng Zero Waste Management.
Ayon kay Angel Fiona Clemente, SSG President, maganda ang ipinatupad na bagong kautusan ng punong-guro dahil sa kawalan ng disiplina ng kanyang kapwa-estudyante sa pagtatapon ng mga basura.
“Mabuti na lamang at isa ito sa mga resolusyong
nakita ng paaralan upang mabawasan na rin ang pagdami ng basura sa kampus natin. Ang iba kasi, walang pakialam. Tapon lamang ng tapon, hindi naman marunong maglinis,” saad ni Clemente.
Sa kabilang dako, may ilan namang negatibo sa patakarang itinakda ng paaralan.
“Hindi ako gaanong kumbinsido sa inisyatibong ito sapagkat hindi naman lahat nagdadala ng tumbler. Mga kalimtanon gihap it iba,” tugon ni Pia Padilla, mag-aaral sa 9-Einstein.
Sa pinagsanib-puwersa ng ilang pampubliko at pribadong ahensiya kabilang na ang DORELCO, napaandar ang Daguitan Hybrid Micro Hydro System na inilagak sa irrigation canal ng Camp Kawayan Resort, Burauen.
Ayon kay G. Morry Houshmand, Chief Operation Officer (COO) ng Helios Atlas Corporation at lead developer at supplier ng Micro hydro, ang Camp Kawayan ang nakitaan ng magandang lokasyon upang mapaglagyan ng Micro Hydro system dahil ang irrigation canal ay nasa loob mismo ng resort.
“Camp Kawayan is an ideal location especially for this project since it has an easy access irrigation canal. Mr. Romeo Malasaga, who is the owner, is very cooperative and interested in the project, both for renewable energy and for electrical cost-reduction,” dagdag pa aniya.
May kakayahan ang power wheel mag-generate ng 6kw at possible pa itong madagdagan depende sa dami ng tubig ng irrigation canal.
“Aside sa hydro, naglagay din kami ng solar panel kasi hybrid yung system. The purpose of the system is to also showcase na pwede siyang off-grid set up, sa lugar na walang kuryente,” pagbabahagi ni Jim Venezuela, Tech Head ng One Renewable Energy Enterprise, Inc.
Bagamaʼt hindi pa sapat ang naisusuplay na kuryente mula sa Micro Hydro, malaki pa rin ang naitutulong nito para sa Camp Kawayan ayon sa may-ari.
Ibinahagi naman ni Gng. Evelina Openiano, DGM at Special Project Manager, ang renewable pollu-standard ay alinsunod sa mandatong ibinigay ng Departament of Energy.
Kaartehan o pag-iinarte. Ito minsan ang paglalarawan ng iba pagdating sa salitang “mental health”. Kung tutuusin ay wala itong kaibahan sa pisikal na kalusugan na kung nasusugatan o masama man ang pakiramdam ay normal lang na magpatingin sa doktor, subalit kapag mental health na ang pinag-uusapan, sasabihing nababaliw o may sayad na kaagad ang utak. Nakadidismayang isipin na para sa ilan, ang pag-aalaga ng kanilang sariling mental na kalusugan ay nakahihiya at itinuturing pa rin na “stigma”.
Ayon sa World Health Organization (WHO), ang mental at behavioral disorder ay humigit kumulang 14% ng pandaigdigang pasanin ng sakit at aabot sa 450 milyong tao ang dumaranas ng mga sakit na ito. Ang Philippine WHO Special Initiative for Mental Health na isinagawa sa unang bahagi ng 2020 ay nagpapakita na hindi bababa sa 3.6 milyong Pilipino ang dumaranas ng isang uri ng mental, neurological, at substance use disorder. Nakababahala ang patuloy nitong pagtaas kung hindi pagtutuunan ng pansin.
Isa sa mga pinakamahalagang isyu na dapat nating bigyan ng pansin ay ang depresyon. Ito ay isang kondisyong nagdudulot ng laganap na kalungkutan at kawalan ng interes sa mga bagay sa paligid. Hindi lamang ito nakakaapekto sa ating emosyon, kundi maaari rin itong magdulot ng seryosong mga pisikal na suliranin. Kayaʼt hindi dapat natin balewalain ang epekto nito sa ating buhay. Ang mental health ay isang mahalagang aspeto ng ating pangkalahatang kalusugan na partikular na tumutukoy sa kalagayan ng ating isipan at damdamin. Sa tuwing may problema tayo sa ating mental health, maaaring mawalan tayo ng kakayahang mag-isip nang malinaw at makapagsagawa ng mga bagong kasanayan. Hindi ito maituturing na biro kung ang epekto naman nitoʼy maghahantong sa mas maagang kamatayan.
Layunin ng Philippine Mental Health Law o Republic Act 11036 na mapabuti ang mental health sa Pilipinas. Ito rin ay binibigyang pansin na ang karapatan ng bawat Pilipino sa mabuting pag-aalaga ng kanilang kalusugang mental. Pinaigting na wellness programs at mental health education ay layunin din ng batas na ito. Kasa-
ma rin sa Mental health program na isinulong ng batas na ito ang suicide prevention, response, at intervention para sa mga kabataan.
Ito na ang tamang panahon upang labanan ang kamangmangan na nakapaligid sa konsepto ng mental na kalusugan dahil hanggaʼt hindi pa napupuksa ang mga paniniwala ng mga ignorante,
hindi rin tapos ang laban. Dinggin ang tinig ng mga taong binabalot ng kadiliman ng gabi, at bigyan ng sapat na pansin ang kanilang kalagayan bago pa mahuli ang lahat.
Kapirasong saplot sa mukha bilang proteksyon sa anumang banta. Nakasanayan na natin ang pagsusuot ng face mask simula nang magbanta ang COVID-19 sa kaligtasang pangkalusugan ng lahat. Subalit ngayong nasa new normal na ang lahat, dapat pa rin bang magsuot ng face mask o hindi na?
Ito na ang tamang panahon upang labanan ang kamangmangan na nakapaligid sa konsepto ng mental na kalusugan dahil hanggaʼt hindi pa napupuksa ang mga paniniwala ng mga ignorante, hindi rin tapos ang laban.
Hati ang opinyon at paninindigan ng mga mamamayan sa rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force (IATF) at ang Departamento ng Kalusugan (DOH) na maging opsyunal na lamang ang pagsusuot ng face mask. Bagamaʼt patuloy na bumababa ang kaso ng COVID-19, hindi ito dapat balewalain. Ilan sa mga mamamayan ang gusto pang ipagpatuloy ang pagsusuot nito habang may iilan namang sabik nang alisin ito. Parehong may katwiran dahil sagabal naman talaga ang pagsusuot ng face mask at dagdag sa kanilang gastusin. Subalit ang karamihan ay naniniwala pa ring dapat ipagpatuloy ang pagsusuot ng face mask upang maproteksyonan ang sarili sa anumang bantang pangkalusugan.
Ayon sa ating Kalihim Pan-
turismo na si Christina Frasco, malaki ang maitutulong ng boluntaryong pagsusuot ng face mask na makahikayat ng mga dayuhang turista at investors. Malaki aniya ang magagawa sa pagpapaunlad ng turismo kung hindi na sapilitan ang pagsusuot ng face mask.
Face mask ang isa sa mga nagsilbing balute natin upang maprotektahan tayo mula sa panganib ng pandemya. Hindi maipagkakaila na malaki ang ginampanang papel ng face mask sa ating buhay. Kaya ngayong bumalik na ang kaginhawaan sa mundo, ay ibabasura na lamang ba natin ito?
Gayunpaman, mas mabuti pa ring isaalang-alang natin ang kaligtasan ng bawat isa. Hindi ito para lamang sa isang indibidwal, kundi sa pangkalahatang kaayusan at kaligtasan.
PAGGAMIT NG VAPE ANG KALAPATI POLL
Kung ikaw ang tatanungin mas mabuti nga ba sa kalusugan ang paggamit ng vape kaysa sa sigarilyo na may tabako?
Walang sinuman ang nagnanais na malagay sa anumang peligro.
Hindi ito para lamang sa isang indibidwal, kundi sa pangkalahatang kaayusan at kaligtasan.
Pareho silang may epekto sa kalusugan natin, kung kayaʼt mas mabuti pa ring dahan-dahang iwanan ang paninigarilyo.
Para sa akin, mas mabuting gamitin ang vape kaysa sa sigarilyo, kasi sa vape, mas maliit yung exposure niya.Jamila T. Garcia, 9-Garnet Ferry Perote, 10-Amorsolo
Lagnat. Kawalan ng ganang kumain. Pamamaga ng lalamunan. Ito ang madalas na nararamdaman ng katawan natin sa tuwing tayoʼy nagkakasakit. At malamang, liliban na naman tayo sa klase upang hindi makahawa ng sakit sa iba. Hindi pa nga lubusang naglalayas si Manong Covid sa ating kapaligiran, may panibago na namang mikrobyo ang nakisawsaw sa masikip na nating mundo.
Kamakailan lamang ay nagpahayag ng pagkabahala ang Departamento ng Kalusugan sa tumataas na kaso ng highly contagious hand, foot, and mouth disease (HFMD) sa Eastern Visayas ngayong taon. Ang DOH ay nakapagtala ng 116 na mga kaso ng HFMD mula Enero 1 hanggang Pebrero 25, 2023, na mas mataas pa kaysa sa 22 kaso na naitala sa parehong panahon noong nakaraang taon.
Ayon sa DOH, ang lalawigan ng Leyte ang nagbahagi ng pinakamataas na bilang ng kaso na may 51, sinundan ng Southern Leyte na may 45, Northern Samar na may 11, Biliran na may 6, Eastern Samar na may 2, at Samar
province na may 1. Karamihan sa mga nahawaang tao ay lalaki at mula sa mga sanggol hanggang 17 taong gulang.
“Ang HFMD ay isang nakahahawang sakit na kadalasang nakaaapekto sa mga sanggol at bata. Karamihan sa mga kaso ng HFMD ay mild, self-limiting, at non-fatal ngunit maaaring umunlad sa meningitis, encephalitis, at polio-like paralysis kung hindi agad maaagapan,” paabiso ng DOH Region VIII (Eastern Visayas) sa mgaa mamamayan.
Ang sakit ay naililipat sa pamamagitan ng pagdikit sa ilong at lalamunan, sa laway ng
mga taong nahawahan, at mga kontaminadong bagay.
Ilan sa mga sintomas na maaaring maobserbahan sa isang taong nahawaan ng HFMD ay ang mga sumusunod:
• Nilalagnat
• Namamagang lalamunan
• Masakit, mapula, parang paltos na mga sugat sa dila, gilagid, at loob ng pisngi
• Pulang pantal, walang pangangati, ngunit kung minsan ay may paltos sa mga palad, talampakan, o puwit
• Pagkamayamutin sa mga sanggol at maliliit na bata; at pagkawala ng gana
Upang maiwasan ang pagkakaroon ng HFMD, pinapayuhan ng
DOH ang publiko na magsagawa ng mandatoryong paghuhugas ng kamay gamit ang sabon at malinis na tubig, gumamit ng alcohol-based sanitizers sa lahat ng pagkakataon at okasyon, lalo na sa mga lugar tulad ng ospital, sambahayan, at paaralan.
Ang pagbabahagi ng mga personal na bagay, tulad ng mga kutsara, tasa, at kagamitan ay hindi hinihikayat. Hinihiling din sa publiko na sundin ang pinakamababang pamantayan
sa kalusugan ng publiko, tulad ng physical distancing at paggamit ng naaangkop na personal protective equipment, lalo na kapag may mga sintomas, tulad ng maayos na pagkakabit ng mga face mask at guwantes.
Hindi lamang tukso ang laganap sa kasalukuyang panahon. Hindi lamang tukso ang lalayuan ko sa ngayon. Mahirap na. kaya please lang, mikrobyo, layuan mo ako!
Fan ka ba sa pag-inom ng softdrinks? Yung tipong hindi pwedeng lilipas ang lunch time o dinner time na walang softdrinks sa hapag mo? O kayaʼy di mapapawi ang pagkauhaw mo kung hindi iinom ng soda? Paalala lamang, alam mo bang nasa panganib ang iyong kalusugan? Oo ngaʼt masarap ang pag-inom ng sofrdrinks lalo na kung mainit ang panahon. Ngunit ang soda ay nagtataglay ng phosphoric acid na pumapatay sa calcium at magnesium na mabuti para sa operasyon ng ating immunity.
Anumang inuming naglalaman ng asukal tulad ng softdrinks ay nagbabanta ng pangmatagalang problema sa kalusugan kung ito ay iinumin araw-araw sa isang buwan.
Narito ang masamang naidudulot ng soda sa ating katawan: Nakakasira ng tissues sa ating katawan.
Nagiging sanhi ito at nagpapalala ng sakit na diabetes dahil itoʼy may mataas na fructose corn syrup na naglalaman ng mataas na lebel ng free radicals.
Pagdaranas ng panghihina at sakit sa katawan. Naglalaman ng caffeine ang inuming ito. Bagamaʼt non-toxic, ang pagiging addictive
nito ay magdudulot pa rin ng pagpapawis, pangangalatal ng katawan, palpitations, mabilis na paghinga, hindi makatulong at pagkakaroon ng migraine. Nakakasira ng ngipin. Natutunaw ng soda ang emmel ng ating ngipin sapagkat matamis at matapang ang taglay nitong acid. Kidney stone. Kung
palagian ang pag-inom ng softdrinks, ang likido nitoʼy halos napupunta sa kidney dahil wala naman itong sustansyang-hatid sa katawan ng tao. Kapag napuno na ang kidney, itoʼy nagiging solid at nauuwing kidney stone.
Nagpaparupok ng mga buto. Nagiging sanhi ito ng pagbaba ng
calcium level lalo na sa mga bata. Sa halip na lumakas at tumibay ang buto ay nagiging manipis at marupok ang loob ng buto ng isang taong umiinom ng soft drinks. Tandaan, kung gusto ninyo ng malusog na pangangatawan, iwasan o tigilan na pag-inom ng softdrinks.
PARANGAL.
Pia PadillaWagi ang may alam!
Napahanga ni Angel Nheazy Nicole A. Po ang madla nang maipanalo ang lahat ng laro laban sa limang area sa naganap na Leyte Provincial Meet 2023 Chess Tournament for Girls Standard Game (Secondary) sa 5-0 record na ginanap sa Leyte Sports Academic Center noong Pebrero 9-10.
PALARONG PANSANGAY
Wala pa ring tatalo sa tibay at bagsik ng koponang may pusong palaban!
Dahil sa sipag, lakas at tiyaga winalis ng BCNHS ang koponan ng Dulag at Julita, 2-0 sa Area 2B Meet Basketball Boys Secondary na ginanap sa Burauen Municipal Gymnasium noong Pebrero 4.
Wala pa ring tatalo sa tibay at bagsik ng koponang may pusong lumaban!
Dahil sa sipag, lakas at tiyaga winalis ng BCNHS ang koponan ng Dulag at Julita, 2-0 sa Area 2B Meet Basketball Boys Secondary na ginanap sa Burauen Municipal Gymnasium noong Pebrero 4. Sa unang laro sa pagitan ng Burauen laban sa Julita, pinakita ng Bura ang bunga ng kanilang ginawang paghahanda at ensayo ng hagupitin nila ang Julita sa pangunguna ng star player ng team na si Cholo Avila ng magpaulan ito ng 3 magkasunod na 3-point shot at fast break lay up na tuluyang nagpalobo ng kanilang kalamangan.
Wala namang naging pansagot ang team ng Julita sa mga binitawang “clutch shots” na ito sapagkat masyadong mahigpit ang depensang pinatikim sa kanila ng BCNHS hanggang sa matapos ang laro sa iskor na 74-52.
DEPENSANG HINDI NATIBAG
Pagdating naman ng championship game, mainit na sinimulan ng magkabilang koponan ang laro kung saan gitgitan ang laban ng kapwa nagpakitang gilas ng kani-kanilang mga three-point shots, lay-ups, at mga plays na tinatapatan ng matitibay na depensa.
Sa unang yugto ng laro, nakuha ng Dulag ang kalamangan, 2422 subalit kaagad naman itong itinabla ng Burauen sa pagtatapos ng 1st half, 49-49.
Sumisingasing naman na sinimulan ng Dulag at Burauen ang 2nd half kung saana nagpalitan ng and-one play ang parehong big man ng magkabilang team na si Andrade ng Burauen at Cinco ng Dulag.
Parehong determinado ang bawat koponan na maipanalo ang laban kayat maging ang mga manonood ay kinakabahan sa kung sino ang magwawagi dahil sa mahigpit na laban at natapos
Emmanuel John Canamaqueang 3rd quarter na half-shot ang lamang ng Burauen, 67-66.
Sa huling yugto ng laro ay talagang ibinuhos na ng bawat koponan ang kanilang natitirang lakas at galing upang patunayan sa lahat kung sino talaga ang karapat dapat na maglaro para sa Provincial Meet 2023.
Dito nagpalitan ng malulupit na opensa at depensa ang bawat isa kung saan kayod marinong pinangunahan ne Avila ng BCNHS gamit ang kanyang malakidlat na bilis at handles kaya umabot sa 5 ang kanilang kalamangan. Subalit sa nalalabing 4 na minuto ng laro ay uminit ang shooting ng Burauen at nakapukol ng 3 jump shots kaya nagkaroon sila ng 6-0 run at dahil nanlamig ang opensa ng Dulag kayat wala silang naging pambawi dito.
Sinamantala ng BCNHS ang momentum na iyon at tuluyang tinambakan ang kalaban hanggang sa matapos ang laro, 85-73.
Nagpakitang-gilas kaagad si Po nang madaliang pinisak ang unang nakaharap nang gamitan niya ito ng agresibong Ruy Lopez opening kung saan madali niyang winasak ang depensa ng black piece at naging dahilan ng pagka-checkmate ng kalaban, 1-0.
Sa second round ng laro, nakaharap naman niya ang manlalaro ng Biliran kung saan black piece siya at ginamitan naman niya ito ng Sicilian Defense na nagpalito sa opensa ng white piece at binaligtad ang takbo ng laro kaya nabigyang-pagkakataon na makalamang ng posisyon sa kalaban.
Dahil sa magandang posisyon, nakuha niyang maka one-piece at nakipagpalit kaagad siya ng pieces para samantalahin ang kalamangan at maipanalo na naman ang round na iyon, 2-0.
Pagdating ng 3rd round nakasagupa naman ni Po ang Calbayog City kung saan baon niya ang mga paalala ng kanyang coach kung kayaʼt mas naging maganda pa ang kanyang nilaro sa pagdodomina nito gamit ang kanyang mga brilliant moves at malulupit na taktika upang tuluyang pasukuin ang kanyang kalaban, 3-0.
Sa ika-apat na yugto ng laro nakaharap naman niya ang kalahok ng Ormoc kung saan kapwa nila pinahirapan ang isaʼt isa dahil sa parehong estilo ng paglalaro na nakapokus sa matibay na depensa at mapanlinlang na mga opensa kayaʼt nagtapos ang laban na “stalemate” o patas kayaʼt kapwa sila nakakuha ng 0.5 na puntos, sanhi upang maging 3.5 ang iskor ne Po ng Leyte.
Sa huling round ng laro, nag-iinit na sinimulan ng agresibong manlalaro ng Samar ang laban gamit ang kanyang English opening subalit hindi naman nagpatinag si Po at sinabayan ang opensa gamit naman ang Caro-Cann defense. Isang malaking panalo ito para kay Po at sa Burauen Comprehensive National High School ng Leyte division sa pagsungkit ng pilak na medalya sapagkat sigurado na siyang mapapabilang at aabante sa hanay ng mga kakatawan para sa Palarong Pambansa 2023 dahil sa natamo nitong panalo.
Hindi na binigyang-pagkakataon ng Burauen Strikers na makabawi ang Area IV nang kanila itong durugin sa iskor na 3-0 sa ginanap na Provincial Meet sa Burauen Sports Complex noong Marso 4. Pinagtatambakan at nilampaso ng Burauen ang kalaban nang magpakita nang malalakas na strikes at matibay na depensa upang selyuhan ang laro.
Pinagtatambakan at nilampaso ng Burauen ang kalaban nang magpakita nang malalakas na strikes at matibay na depensa upang selyuhan ang laro.
Malaking hakbang ito para sa Burauen dahil sa panalong ito, sila ay may pwesto na sa paparating na EVRAA.
Mainit na sinimulan ng dalawang koponan ang laro nang magpamalas ito ng kani-kanilang
liksi at bilis upang agad na makakuha ng goal subalit kapwa matibay at malakas ang depensa ng bawat isa kaya walang nakapuntos.
Lalo pang tumindi ang tensyon ng laro nang biglang magpakawala ng thunderous strike si Ernesto Ilagan galing sa magandang assist ni Lloyd Perante subalit hindi niya ito naipasok. Kapwa hindi nakapagtala ng
puntos ang magkabilang koponan dahil sa malapader na depensa ng bawat isa kaya umabot ang laro sa shoot out play.
Sa kabila ng matinding kaba sa laro, hindi nagpatinag ang mga manlalaro ng Burauen kayaʼt matapos kumalma ay sinipa na nila ang bola at ibinuhos nina Ilagan, Perante at Lebosada ang kanilang lakas para selyuhan ang laban sa iskor na 3-0.
BCNHS ‘Azkals’, sumipa ng tagumpay, 3-0SUSUNGKITING Puspusang pagsasanay ang hinarap ni Angel Po, kalahok at Gng. Betsy Colilihan, tagapagsanay bilang paghahanda sa nalalapit na EVRAA ngayong Abril 25-27. Larawang kuha ni Gwynnavere Aralar PANGMALAKASANG SIPA. Nagpakawala ng thunderous strike si Ernesto Ilagan upang maselyuhan ang larong football. Larawang kuha ni Gwynnavere Aralar
Kaartehan o pag-iinarte. Ito minsan ang paglalarawan ng iba pagdating sa salitang “mental health”. Kung tutuusin ay wala itong kaibahan sa pisikal na kalusugan na kung nasusugatan o masama man ang pakiramdam ay normal lang na magpatingin sa doktor, subalit kapag mental health na ang pinag-uusapan, sasabihing nababaliw o may sayad na kaagad ang utak. Nakadidismayang isipin na para sa ilan, ang pag-aalaga ng kanilang sariling mental na kalusugan ay nakahihiya at itinuturing pa rin na “stigma”.
Batay sa pananaliksik na isinagawa ng isang pangkat ng mga magaaral sa senior high school, sa 10 klase ng ika-7 baitang ng Burauen
Comprehensive National High School, 85% ng mga mag-aaral ay mayroon ng sariling cellphone.
Batay sa datos na ito, hindi natin maitatangging lumaki na talaga ang bahagdan ng mga kabataang gumagamit ng internet.
Sa katunayan, mas tumaas pa ang porsyento ng mga kabataang gumagamit ng gadgets nang lumaganap ang pandemya. Dahil dito, nagkaroon nang malaking pagbabago sa mga nakahiligang laro ng mga kabataan at ito ay ugat na rin ng pansamantalang pagbabawal ng kahit na anong uri ng aktwal na isports noong kasagsagan ng pandemya.
Sinasabi ng mga kabataang mahilig sa mobile games na mas mainam ito sapagkat maiiwasan ang pagkukumpol-kumpol ng bawat isa at hindi na kailangan pang lumabas bastat mayroon lang mobile internet makakapaglaro na kaagad. Lalo paʼt hindi pa tuluyang nagwawakas ang pandemya.
Sa kabuuan, mas mainam pa rin ang aktwal na isports kaysa sa mobile games na ito sapagkat dito ay mas maraming magagandang bagay ang makukuha. Bukod sa mahuhubog ang malusog at masiglang katawan ay mahahasa rin ang aspetong mental at intelektwal ng mga kabataan. Higit sa lahat ay matutunan din nila ang kahalagahan ng isports sa pagiging isang disiplinadong mamamayan ng ating lipunan upang itaguyod at gampanan ang pagiging isang aktibong kabataan na handang makipagsapalaran para sa kapakanan ng ating bayan.
samganumero
8 sa 10
ang pagiging isang aktibong kabataan na handang ating bayan.
Dati pa man, ang isports ay isa sa mga bagay na kinahihiligang gawin ng mga tao. Bata man o matanda, babae o lalaki, malusog man o may kapansanan o kahit anong estadoʼt kalagayan sa buhay ay naging marahuyo na sa atin ang isports. Magkakaibang perspektibo ang pagbibigay-halaga natin dito. Sa mga baguhan, ang mahasa at mapaunlad pa ang kakayahan. Sa mga propesyonal o bihasa na, maaari itong maging hanapbuhay at pag-angat ng kanilang popularidad. At, sa isa namaʼy libangan lamang.
Ngunit para sa ating mga estudyante, ano nga ba ang nagtutulak sa atin para pasukin ang larangang ito? Mabuti sanang isaisip na ang pangunahing dahilan natin ay malinang ang kakayahan at abilidad natin sa palakasan. Maliban pa, ang pagtataglay nang malakas at malusog na pangangatawan na isa ring magandang adhikain upang magamit sa ating pag-
aaral. Mas gagaling at huhusay tayo sa ating pag-aaral kung tayoʼy physically fit. Bukod pa Nitong
riyan, marami tayong matututunang magandang pag- uugali gaya pa lamang ng pagiging isport at mabuting pakikitungo sa kapwa. Subalit, may mga pagkakataong hindi na balanse ang ating pagbibigay- tuon sa pag- aaral at pampalakasan. Nahuhumaling tayo minsan sa laro. Nababaling ang atensyon natin sa pagsasanay ng laro dahilan upang unti- unting mapag- iwanan at mapabayaan ang pag- aaral. Nitong Marso lamang ay naging abala ang paaralan bunsod ng sunod- sunod na mga paligsahan. Ang mga araw na nakalaan sana para
sa pagtuturo ay nagamit bilang oras ng pagsasanay.
Alin nga ba ang dapat bigyang- prayoridad? Alin ang mas matimbang? Akademiks o isports? Sino nga ba ang may pagkukulang? Ang guro o kanyang tagapagsanay o ang atleta?
Sa totoo lang, wala naman talagang dapat sisihin at piliin. Sa ganang akin, ang isang disiplinadong mag- aaral o atleta ay kayang bumalanse ng kanyang oras sa pag- aaral at paglalaro.
Iyan ang tunay na henyong atleta!
estudyante ang mulat sa masasamang epekto ng sobrang online games.
Mabuti sanang isaisip na ang pangunahing dahilan natin ay malinang ang kakayahan at abilidad natin sa palakasan. Maliban pa rito, ang pagtataglay nang malakas at malusog na pangangatawan na isa ring magandang adhikain upang magamit sa ating pag- aaral. Mas gagaling at huhusay tayo sa ating pag-aaral kung tayoʼy physically fit.
malusog na pangangatawan na isa ring
“Ang buhay ay isang larong chess. Kailangan mong lumaban at umatras kapag ʻdi mo na kaya.” Ang kasabihang ito na pinatanyag ng sikat na comedian host na siVice Ganda ay akmang gamitin upang ilarawan ang kanyang karanasan bilang tagpagsanay ng chess.
Sa umpisa, mailap sa kanila ang tagumpay. Hindi man nakaabante sa mataas na kompetisyon sa sa unang dalawang taon niyang paghawak bilang tagpagsanay, hindi ito umatras sa laban.
Betsy:Bilangisangtagapagsanay,marami-ramipa akongkailangangmatutunandahilmalayopaako samgacoachesnamatagalnasalarongito.Gustoko ringhasainangakingsariliupangmagibahagikoang akingkaalamanattamangpaggabaysaakingmanlalaro.
Pia: Ano-anong paghahanda ang inyong ginagawa bago sumabak sa paligsahan?
Kapag
laban
ng
mag-
Betsy:Nag-eensayokamingakingestudyantearawaraw,pagkataposngklasekosapagkatnaiskongpatuloynamahasaatmapahusayangkanyangkasanayan sachesscompetition.
Nagbunga rin ang bawat pagpupursige nila ng kanyang manlalaro. Gaya ng paglalaro ng chess, ginamit niya ang kanyang taktika upang makapo ang kampyeonato. Naiuwi rin nila saw akas ang medalyang pilak sa nakalipas na EVRAA Meet nitong
Abril sa Leyte.
Pia: Anu-anong pagsubok ang pinagdaanan mo bago ka maging isang winning coach?
Pia: Anong mensahe ang nais mong ipabatid sa mga manlalaro upang maging matagumpay sa larong chess?
Betsy:Magtiwalalamangsasariliatsakadapat disiplinado.Dahilitoʻymahalagasapagkamit ngtagumpay.Sakawagagadmawawalanng pag-asasatuwinghindimananalo.Gawing itongmotibasyonat inspirasyonparasa susunod,masusungkit na ang tagumpay.
Matibay. Determinado. Bukod-tangi. Ang mga nabanggit na katangian ay tugma sa ipinamalas na galing at abilidad ng tagapagsanay na ito.Tatlong taon nilang ibinandera ang paaralan sa pagiging kampeon sa larong futsal. Kahitbaguhansalaranganngfutsal,natuntongniyaagadangPalarong Pambansataong2016.Itoʼypatunaylamangsamahusayniyangpamamahala sa mga gawaing pagsasanay gayundin ang pagpapahalaga ng disiplina at kagandahang asal sa loob at labas ng court. Mahusay siyang mag-udyok ng kanyang mga manlalaro upang magpakita ng kanilang pinakamahusay na kakayahan. Mataas ang pagpapahalaga niya sa disiplina at dedikasyon sa isports. Hindi lamang siya nagtuturo ng mga teknikal na aspeto sa laro, itinuturo rin niya ang mga positibong katangian gaya ng pagiging mapagkakatiwalaan, pagkakaroon ng tiwala sa sarili, at pagiging mabuting lider. Hindimotalagamaikakailanasiyaʼyisangcoachsaisportsnanagbibigay-kagitingan at inspirasyon sa kanyang mga manlalaro. Puno ng positibong pananaw sa buhay at nakakapagbigay ng lakas ng loob sa kanyang mga atleta upang magtagumpay sa isports at sa buhay sa pangkalahatan. Sa kabuuan, ang isang winning coach ay nagtataglay ng matibay na pagkatao, may malawak na karanasan, at may kakayahang magbigay ng inspirasyon sa kanyang mga manlalaro. Nagsilbi siyang haligi ng kanilang koponan at nagdala ng tagumpay sa bawat laban. Talagang hindi maitatatwa, si Gng. Raquel Brigoli ay maituturing na bukod-tanging alas ng kanyang koponan.
umaatrashindisa
atginamitan
taktikangmalupit, siguradong
wawagi!Pia Padilla Shannen T. Mendez Kuha ni Shanley Renomeron
Matutulis na long strikes at nag-aapoy na dunk ang pinakawalan ng BCNHS Futsal team upang solidong makuha ang panalo laban sa koponan ng Calubian National High School sa iskor na 5-2 sa ginanap na 2023 Provincial Meet Futsal Tournament, Burauen Sports Complex nito lamang Marso 4.
Pinagpatuloy ng BCNHS ang kanilang “streak” bilang kasapi sa EVRAA magmula pa noong 2016.
bilang
Sa kabila nang napakalaking pressure na maputol ang streak, hindi nito ikinabahala ng BCNHS at pinatunayan kung bakit sila karapat-dapat na makatuntong sa entablado ng EVRAA.
Sa unang set, nagpakitang-gilas ang dalawang ko-
ponan nang pangmalakasan at nakaaakit na power shots na nagpabuhay sa mga manonood. Dahil sa matibay na depensa ng BCNHS, nalamangan nila ang CNHS 3-2. Sinubukang pumalag ng Calubian nang magpakawala nang malupit na dribble drive at malakidlat na strike ang kanilang star player na si Garcia subalit hindi nagpatinag ang BCNHS sa pangunguna ng kanilang main defender na si Jovelyn Refuerzo sa ipinamalas niyang mala-pader na depensa upang pigilan ang agrisibong atake galing sa kalaban. Dahil sa determinasyong manalo, kayod-marinong pinangunahan ni Simomette Ilagan ang kanilang opensa at nakakuha ng goal kung saan tumaas na naman ang kanil-
SOLIDONG ATAKE. Ibinuhos ni Simonette Ilagan ang kanyang matulis na long strikes laban sa Calubian tungo sa pagsungkit ng kampeonato. Larawang kuha ni Shanley Sai Renomeron
Marbibi, hindi nagpakabog sa Poomsae
Pangmalakasang sipa at galawan, iyan ang ipinamalas ng kinatawan ng Burauen Comprehensive National High School na si Khent Marbibi sa EVRAA Meet 2023 ng Poomsae Taekwondo Individual Category na ginanap sa Robinson North Abucay, Tacloban City nitong Abril 25 - 26.
Bilang kwalipikadong manlalaro ng Palarong Pambansa taong 2018, napanatili ni Marbibi ang angking husay sa larangan ng taekwondo na nagpatinag sa mapanupil niyang katunggali.
Nasungkit niya ang tatlong gintong medalya sa Provincial Meet at nagkamit ng isang tansong medalya sa EVRAA pagkatapos patiwarikin ang kalaban sa nagsusumidli niyang istratehiya.
“Ang kagandahan kay Khent, siya ay isang senior player. Alam niya kung anong diskarte ang gagamitin upang Manalo. Matagal na siyang manlalaro. Naglalaro na siya mula pa noong elementarya at ito ay isang kalamangan para kay Khent,” pahayag ni coach Monique Pedere.
Patungong entablado, napanatili niya ang tindig at ipinamalas ang kahanga-hangang sipa at depensa na nagpanginig hindi lamang sa mga saksi ng laro kundi sa mga hurado.
Sa bawat talon at mala-tigre niyang sipa, namutawi ang husay at bangis ng kaniyang galaw kung nakaririnding hiyawan ang maririnig sa mga tagasuporta at manonood.
Sa pag-usad ng laro, matatanaw ang lakas ng bawat tira at depensa ng manlalaro.
Ang kaniyang determinasyon para sa karangalan ng kaniyang ipinaglalabang laro ay malinaw sa kaniyang mukha.
Sa pagtatapos ng laro, malinis niyang naipamalas ang angking galing sa Poomsae. Kaniyang ginulat ang mga hurado at natamo ang tamis ng tagumpay.
“Bago ako sumalang sa laro, pinagbuti ko ang pag-eensayo para ikondisyon ang aking katawan,” wika ni pinapagpapawisang manlalaro.
SIPANG NANGGIGIGIL. Lakas ng tira at depensa ang pinakawalan ni Khent Marbibi upang masigurado ang puwesto sa Palarong Pambansa. Larawang kuha ni Gwynnavere Aralar
PERSPEKTIBO
Dati pa man, ang isports ay isa sa mga bagay na kinahihiligang gawin ng mga tao. Bata man o matanda, babae o lalaki, malusog man o may kapansanan o kahit anong estadoʼt kalagayan sa buhay ay naging marahuyo na sa atin ang isports. Magkakaibang perspektibo ang pagbibigay-halaga natin dito. Sa mga baguhan, ang mahasa at mapaunlad pa ang kakayahan. Sa mga propesyonal o bihasa na, maaari itong maging hanapbuhay at pag-angat ng kanilang popularidad. At, sa isa namaʼy libangan lamang.
ang kalamangan, 4-2.
Sa kabilang banda, hindi pa rin binigyan ng pagkakataon ng BCNHS na makabawi ang kalaban kung saan sa huling 2 minuto ng laro, muli na namang nagpakawala nang malalakas na strikes ang koponan ng BCNHS na tuluyang dumurog sa CNHS, 5-2.
“Pakay naming makakuha ng panibagong gold medal sa paparating na EVRAA,” pahayag ni Gng. Raquel Brigoli, tagapagsanay.
Dahil sa pagsungkit ng gintong medalyang ito ay tila malaking momentum boost sa koponan ng BCNHS Futsal para mas pagbutihin at galingan pa nila ang laro sa darating na EVRAA Meet.
Leyte, Tacloban punong-abala sa EVRAA 2023
Wala pa ring tatalo sa tibay at bagsik ng koponang may pusong palaban!
Dahil sa sipag, lakas at tiyaga winalis ng BCNHS ang koponan ng Dulag at Julita, 2-0 sa Area 2B Meet Basketball Boys Secondary na ginanap sa Burauen Municipal Gymnasium noong Pebrero 4.
Umabot sa 5,149 estudyanteng manlalaro mula sa 13 dibisyong-pampaaralan sa Rehiyon 8 ang naitalang lumahok sa nasabing palaro.
Naganap ang pagbubukas ng palatuntunan sa Leyte Sports Development, Tacloban noong Abril 25 at dinaluhan ng mga opisyal sa nasyunal at lokal na pamahalaan. “Sports and physical education provide a great opportunity for children to head outside, get active, and focus on developing different skills. The benefits of sports in education are vast, and they arenʼt just physical benefits,” pahayag ni Dr. Evelyn Fetalvero, DepEd Regional Office Sa kanyang pahayag, nagbigay ng P2 milyon mula sa DepEd Central Office at P1.5 milyon naman ang alokasyong ibinigay ng regional office para sa mapagkukunang badyet sa palaro.
Director.
Ipinaabot ni Leyte Superintendent, Mariza Ethel S. Magan ang kaniyang pasasalamat sa mga taong nagbigay suporta at tulong para sa ikatatagumpay ng EVRAA 2022. Sa kabilang dako, nakaantabay ang mga kapulisan at iba pang tauhan sa pagpapatupad ng seguridad at kaayusan sa buong kaganapan ng kompetisyon.
samganumero
piso ang naging badyet para sa EVRAA 2023
DATOS MULA SA: REGIONAL OFFICE DEPED
3.5M P