PALETA
Jeepney [but not] Love Story “Ang pangkaraniwang pangyayaring ito ay pang-aabuso rin sa karapatan.”
Nang magising, kami’y nasa May-it. Tumigil sa eskwelahan para isakay ang mga batang paslit. Sikip na pero ang mga bata’y isiniksik. Nakatayo na sila’t sa bakal nakakapit.
Author’s note: This is a nonfiction story. Mainit. Maalinsangan. Tanghaling tapat pero ako’y nasa daan. ‘Di ko ba alam kung bakit ang tagal kong tambay sa bahay. Tipong alas-sais na sinet ang alarm pero mahigit alasonse umalis sa tahanan. Take note! 11:30 A.M. ang aking time. ‘Ayan tuloy, ako’y naglalakad sa kainitan ng umaga. Sayang ang ligo, sarili’y naging pawisan. Parang ang limang tabong tubig ay katumbas ng limang pahid ng pawis.
Antok pa ako pero isang bata ang pumukaw sa aking pansin. Nasa harap ko siya, ang mga batang maliit. Grade 1 o Grade 2 pa lamang siguro siya sa aking paningin. Batang lalaki siyang mukhang pagod na’t takam sa pagkain. Tumingin siya sa taas upang sipatin ang kapitan. Tumikdi siya
Sampung minuto. Ako’y naghihintay pa rin ng jeep. Sigurado akong late na. Buti na lang walang quiz. Walastik! Ako’y banas na banas na, lagkit na lagkit pa. Kinse minutos… Sa wakas may dumaan ding jeep! Pwesto sa may bintana para mapreskuhan kahit daplis lamang. Hay! Ako’y relax na. Makaidlip nga muna. 97