Paleta 5

Page 14

PALETA

Huli Na Nang Nalaman Ko

“Alam kong marami kaming nasa ganitong sitwasyon.”

Huli n nN= nlmn= ko

–Wala akong makitang rason. Wala naman akong masamang ginawa. Para lang akong batang napag-trip-an – kinulong at pinahirapan. Nagtiis na lamang ako, hindi na nagreklamo. Inisip ko na lang na hindi ako nagiisa. Alam kong marami kaming nasa ganitong sitwasyon.

–Kumusta? –Ako? Ako ba? Ngumiti ako sa kanya para malaman niyang siya na nga ang kinakausap ko. –Kumusta ka? muli kong inulit ang tanong ko sa kanya.

*

–Ako? Ayos lang naman ako. Medyo nag-iisip-isip lang. Ikaw ba?

Nag-uuli ako sa malaburol na parte ng St. Thomas’ Haven. Tahimik. Lahat ay nasa kanya-kanyang pwesto upang dalawin ang mga mahal nila na sumakabilang-buhay na. Napansin kong may nakaupo sa palagi kong tinatambayan dito. Lumapit ako, medyo nag-aalala. Gusto ko siyang kausapin dahil tila mayroon siyang malaking problema. Nag-ipon ako ng lakas ng loob para siya ay kausapin. Baka kasi sabihin niya ay feeling close ako. Gusto ko lang naman siyang tulungan.

–Ayos lang din ako. Ako nga pala si Darlene. Ikaw? Ano ba ‘yang iniisip mo? –Karanasan? Nakaraan? ‘Yon lang naman ang pumupuno sa isip ko. Ako nga pala si Alfred. –Penny for your thoughts? Nakangiti kong inabot ang baryang hawak ko sa kanya. Gusto ko siyang tulungan, bigyan ng payo o mapangiti ko man lang siya. 4


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook

Articles inside

Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.
Paleta 5 by The Spark - Issuu