PALETA
“May batas po tayo pero pagbibigyan ko po kayo ngayon.”
kolorum Kolorum+
Kasisikat pa lamang ng araw, nag-uumpisa pa lang dumami ang mga sasakyan sa kalsada. Papasok na sa paaralan at trabaho ang mga estudyante at manggagawa. Mag-iisang oras na rin akong nagmamaneho nang biglang may naka-unipormeng pumara sa akin. -Boss, lisensya po? -Sir, baka po pwedeng ito na lang? Sabay abot ng limang daang piso. – Magpapadala pa po ako sa pamilya ko sa probinsya. -Boss, may batas po tayo pero pagbibigyan ko po kayo ngayon. Tinanggap ang limang daang piso. – Mag-ingat na lang po sa susunod. Hindi ito ang unang beses. Nagpatuloy ako sa pagmamaneho nitong sasakyang puti na may puting plaka, kinakailangang maglulan ng pasahero. Muli kong binaybay ang kahabaan ng Ortigas patungong Ayala. 24