PALETA
hindi ako si jose rizal
“Tumaas daw pala ang bahagdan ng ekonomiya nitong mga nakaraang taon.”
Hin+di Ako si hose Rizl+ Puting papel, itim na tintang panulat at madilim na gabing pinaliliwanag lamang ng isang gaserang lampara. Hindi ako manunulat mula sa makalumang panahon. Isa akong kabataang namumuhay sa ikalawang milenya. Walang ilaw sapagkat hindi na naman nakabayad si Nanay. Sa ‘di kalayuan, nakarinig ako ng sunod-sunod na putok ng baril. Lumabas ako at nakita ang ilang katawang nakahandusay. Nakatataranta. Dali-dali akong pumasok ng bahay, isinara ang pinto at ibinaba ang bintanang yari sa tarpaulin ng isang pambansang kandidato. Saka ko napagtantong malapit na pala ulit ang halalan. Bumalik ako sa kinauupuan at nagpatuloy sa aking sulatin nang mapansin ko ang isang dyaryo sa aking tabi. Tumaas daw pala ang bahagdan ng ekonomiya nitong mga nakaraang taon. Napangiti ako at nagpatuloy na lamang sa aking ginagawa.
46