PALETA
Basang Likod BsN= Likod+
“Naglalakbay at nagbabaka-sakaling may maratnan na lugar na magbabalik ng dating ngiti at halakhak.”
pangalan ay ‘di man lang namin alam. Naglalakbay at nagbabakasakaling may maratnan na lugar na magbabalik ng dating ngiti at halakhak ng aking mga anak at papawi ng lumbay sa aking asawa . Kaunting lakad pa ay may napulot si Totoy na puting bato. Sa kagalakan at inip ay ikinuskos sa kalsada, gumuhit ng kwadradong may tatlong butas, tatsulok sa itaas, sa tabi ay apat na tao – may buhok, damit at mga ‘di pilit na ngiti. Kami ay naupo at kumain ng tinapay na dala habang nagkukuwentuhan sa tabi… ng aming tahanan.
Damang-dama ko ang init sa putol-putol na kalsada. May habang isang kilometro, lapad ay tatlong metro at kapal na apat na pulgada, may kabuuang 300 kilometro kwadrado. Salamat sa kanilang mga nagpapagawa ng kalsada arawaraw. May kasama pang tarpaulin na may nakangiting unggoy, ”Daang matuwid: Proyekto ni Ka Unggoy para sa mga minamahal kong kapabayaan, este kababayan.” Akala ata niya ay pera niya ang pinangpagawa. At dahil diyan, simulan na natin ang istorya namin. Naglalakad kami hindi dahil namamasyal, hindi rin dahil wala kaming kotse. Wala na kasi kaming matutuluyan kaya ngayon ay naghahanap kami ng pag-aaruga at pagmamahal kahit sa mga taong
Teka, sino nga ba ang may kasalanan? 50