PALETA
INIT Tumatagaktak. ‘Di mapigilang pagpatak. Magkasama ang luha, Sarap, Sakit. Umungol, Abot hanggang kabilang bahay Habang hinahalay Ng demonyong may limang daan. Hirap, Pawis, Pagod, Pasakit, Walang imik, Nakatuwad. Bumabayo Habang inaani ang palay. Nagpapakamatay Para sa maliit na halaga ng barya Na ang dapat kanila ay higit pa sa isang Kaban.
LAMIG Hindi matatakpan, Malulunasan Ng kahit gaano kakapal ang jacket O mukha Ang malamig na puso Ng nakaupo sa magandang upuan. Hindi kumakain Pero lumalamon Ang nanghihinang kalooban. Nakahiga sa gilid ng daan, Katabi ang lata, Kasiping ang lungkot, Kakambal ang kahirapan Habang nangangalay Ang marumi, Naabuso, Makakalyo, May bakas ng pighati Na mga palad. Ang giniginaw na katawang Nakahiga sa kama Pero hindi kanya. Nag-aalaga Sa hindi ka-ano-ano Kapalit ng kaunting halaga ng papel. Kung hindi lumisan Sana’y kapiling ang mainit Na pagmamahal.
Sala sa init, Sala sa Lamig Sl s Init=, Sl s Lmig+
68