Paleta 5

Page 89

PALETA

Mabuhay Ka, Lumad Mbuhy= K, lumd=

Mga katutubong pangkat sa lupang sinilangan. Araw ng pag-asa’y napalitan ng malamig na gabi. Buhay na tahimik, kapayapaa’y naglalaho. Uhaw at tigang sa kalayaang pinakaaasam. Hinaharangan, pinahihirapan at ipinagkakait. Aangat ay makasariling hangarin. Yamang likas na magpapasabog ng sandamakmak na salapi. Kinikitil at walang awang tinatakot. Ang mga karapatang pantao ay inaabuso. Lahing nararapat isalba sa lalong madaling panahon Upang umukit sa patuloy pang kasaysayan. Magpayaman sa kulturang napapalitan na ng bihis. Agarang aksyon at pagtutulungan nang masugpo Dambuhalang dayuhang gahaman at mapagmalabis. 79


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook

Articles inside

Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.