PALETA
VI
“
Hindi naman pala ganoon kasama ang pagiging buto’t balat.
“
SARANGGOLA
-Buto’t balat lumilipad! Si Popoy o! Hahahaha! At muling nagtawanan ang mga bata. Araw-araw, ganito ang kalagayan ni Popoy, kinukutya ng mga bata sa kanilang baranggay sa tuwing binabagtas ang kalye patungo sa karinderyang madalas n’yang puntahan. Malapit na s’ya. -Kuya Emer… -O, Popoy, medyo hapon na. Bakit ngayon ka lang? Si Emer, hindi n’ya kaanoano ngunit napakabuti sa kanya. -Si Ina, may iniutos. Sabay pahid sa likidong nasa kanyang ilong gamit ang marumi at sira-sirang kamiseta na kanyang suot. -O, heto. Pasensya na Popoy. Nagkaubusan kami ng ulam at kanin. May liga kasi ngayon. -Salamat kuya Emer! Biglang nabuhayan ang kaninang lambuting si Popoy. Nakangiti itong tumakbo dala ang supot na may lamang bahaw at dalawang mangkok na sabaw. Tumakbo ito upang hindi na rin marinig ang pangungutya ng mga bata kapag dumadaan siya. -Oooooow, lamapayatot kasi! Buto’t balat pa! Popoy, buto’t balat! Hiyaw ng mga bata matapos talapirin si Popoy. Natapon ang kanin na nasa dala-dala nitong supot. Mangiyak-ngiyak n’yang inilagay itong muli sa supot. Nang makarating s’ya sa kanila’y agad n’ya itong itinago sa kanyang bulsa. -Oy gago! Akin na ‘yang nasa bulsa mo, dali! -Para ‘to kina Nita at Juma. Kanina pa sila umiiyak kas... -Wala akong pakialam! Bilis! Alam n’yang totoo ang sinasabi ng mga kapitbahay nila, na gumagamit ito ng droga at alam din n’ya ang maaaring gawin sa kanya ng kanyang ina kapag sinuway 90