PALETA
VI
“
Hindi na kinaya ni Cedric at tinalikuran na lamang ang taong sanhi ng kanyang pagdaramdam.
SINO ANG PUMATAY NG ILAW?
“
-Apo, ano itong umiilaw? Tanong ni tatay Felipe sa kanyang apong si Cedric. -Ilaw! Lamok na may ilaw! Sambit ni Cedric na halatang saka pa lamang dinadatnan ng kamusmusan. Tumawa si Tatay Felipe, at ipinaliwanag niyang -Hindi apo, ang tawag dito ay alitaptap. Inulit-ulit banggitin ni Cedric ang katagang alitaptap at kitang-kita sa kanyang mga mata ang pagkamangha sa mga ito. Ngunit para kay Tatay Felipe, walang alitaptap ang mas nakamamangha sa liwanag sa mga mata ni Cedric. -Apo, ano itong umiilaw? Tanong ni tatay Felipe sa kanyang apong si Cedric. -Ahmmm… moon po. Sabay ngiti ni Cedric, na siya ring nagdulot ng pagkurba ng labi ni Tatay Felipe. Nakikita n’ya na unti-unti nang lumalaki si Cedric. -Apo, ano itong umiilaw? Tanong ni tatay Felipe sa kanyang apong si Cedric. -Gameboy, lolo. Ang ganda, ‘di ba? Bigay sa akin ni Papa. Tingnan mo oh, lo. Laro tayo, tuturuan kita. Wika ni Cedric kay Tatay Felipe na nakangiti sa galak at kuryosidad sa tinatawag ng apo niyang ‘gameboy.’ -Apo, ano itong umiilaw? Tanong ni tatay Felipe sa kanyang apong si Cedric. -Lo, cellphone po yan. Binigay po sa akin ni mama. Napatango si tatay Felipe, sapagkat ‘di niya inakalang may ganoong klase ng cellphone na pala, ni hindi man lang niya nakita ang pindutan at parang salamin ang nipis. Napaisip si Tatay Felipe, -Tumatanda na pala talaga ako.
92