PALETA
VI
“
“
LATA
Magkano kaya ang laman ng aking lata?
Saan ba ang langit? Pwede na ba akong pumunta ‘don? Isang tanghali, mataas ang sikat ng araw, maingay ang mga taong nagtatawaran sa pamilihan. Maalinsangan ang panahon na pinalala ng usok ng mga sasakyang dumadaan sa konkreto ngunit baku-bakong kalsada. Narito ako sa isang sulok kapiling ang isang lata, mahigit tatlong oras nang sinasambit ang ‘pahingi pong barya’ sa bawat estrangherong lumalapit sa aking kinatatayuan. Nang biglang may isang lalaking malagong ang boses ang kumausap sa akin. -Bata, bawal ‘yan. Sumama ka sa’kin. Matapos kong marinig ito ay dali-dali kong dinampot ang aking lata at tumakbo papalayo. Habang tumatakbo, muling nanumbalik sa aking alaala ang nakaraan. Masaya ang aming pamilyang naninirahan sa isang baryo, nagtatanim ng palay at ng ibang mga gulay bago sila dumating. Bago dumating ang mga lalaking pare-pareho ang kasuotan at may malalaking baril. Bago nila ipakain sa apoy ang aming lupang tinatamnan kasama ang aming tahanan. Bago mawala ang aking… Pagod na ako sa pagtakbo. Saan ako pupunta? Magkano kaya ang laman ng aking lata? Saan ba ang langit? Manunumbalik ba ang paningin ko sa pagpunta ‘don?
4