PALETA
VI
“
“
SIOPAO
May langit raw sa kabilang buhay ngunit paulit-ulit kong pipiliin ang langit sa piling mo sa ating kwadradong tahanan.
Para sa aking minamahal,
Ikaw ang pinakamagandang nangyari sa aking buhay. Mas maganda ka pa sa sinag ng araw. Ang mga mata mo na puno ng pag-asa ang hudyat ng aking simula. Masaya akong gumigising sa umaga na ang mga labi mo na may kurba ang bubungad sa’kin. Daig pa ng lamesang puno ng pagkain ang almusal natin na pritong tuyo at sinangag. Tanda mo ba ang araw na sinabi ko sa’yo na magiging tatay ka na? Hindi matutumbasan ng kahit anong salita kung gaano tayo kasaya nang mga minutong iyon. Isa iyon sa mga alaala na hindi mawawala sa aking puso at isipan. Ganoon kita kamahal, at ang magiging anak natin. Hindi ko alam, marahil hindi ito ang perpektong mundo pero para sa’kin, nabubuhay ako sa paraiso na tayo lang ang nakaaalam. May langit daw sa kabilang buhay ngunit paulit ulit kong pipiliin ang langit sa piling mo sa ating kwadradong tahanan. Hindi ko matanggap. Kasabay ng pagdilim ng langit at paglaho ng mga bituin ang aking pagdadalamhati. Ang mundo ko na kinulayan mo, ngayon ay naging purong itim. Tumigil na ang orasan mo, kasunod nito ang pagbagal ng
16