PALETA
VI
Alam kong hindi ako nag-iisa. Alam ko, nararamdaman ko. Hindi ako nakararamdam o nakakikita ng multo. Ang totoo, natatakot ako kung sakaling makakita ako pero ang mas kinakatakot ko ay ang mga “buhay.” Oo, silang humihinga at silang may kakayahang pumatay. Matagal na rin akong nalulugmok sa aking kinatatayuan. Matagal na ring natatakot humiyaw. Lalo’t higit ay matagal na akong ‘di naniniwala sa sarili kong kakayahan. Alam kong hindi ako nag-iisa dahil marahil isa ka sa mga kagaya kong takot sa ‘di nakasanayan. Ibilang mo ako sa grupo ng sakto lang - ‘di magaling , ‘di rin mangmang. ‘Di ko lang sure kung makakasali ako sa grupuhan dahil madalas akong naiiwang mag-isa at walang makausap man lang. Takot akong mahusgahan. Takot akong makipagsapalaran. Takot akong sumubok ng bago. Takot akong humarap sa maraming tao. Takot akong magpakatotoo. Takot akong ilabas ang tunay na nasa loob ko. Takot akong makipaglaban. Takot akong manindigan. Hindi ko alam kung bakit ako nababalot ng takot pero natatakot ako sa mga taong may kapangyarihang pumatay at may kakayahang magpabago ng aking 18
“
At mga kamay na sinabing hahawakan ka ngunit hihilahin ka pala pababa.
“
TAKAS