PALETA
VI
SINO AKO? Ayon sa mga artikulong sinulat ng tao Makasalanan ba ako? Ayon sa hatol na binigay ng putang nakapwesto, poposasan ba ako? Buhat sa batutang hawak mo Mapapalo mo ba ‘ko? Sa mga baril na ikinasa at itinutok mo, mapuputukan ba ako? Sa mga perang ninakaw at ipinamudmod mo, mabibili mo ba ako? Sa mga taong nakakabasa nito, mababalewala na naman ba ako? Naglipana na ang mga putang pinaiikot ng karangyaan at katanyagan. Mga prosting nagpapagamit sa kung sino man Mga walang’yang nagdudyosdyosan. Mahal kita ngunit hindi ko sinabing mahalin mo ako, pero umiikot ang mundo Sana naman mapakinggan mo ako dahil sa lahat ng bahid meron ang sistemang ito, ‘di ko na kilala ang sarili ko, pati ba naman kayo?
Dito sa mundong pabago-bago? ‘Asan ako? Dito sa sistemang bulok at mabaho? Papanig ba ako? Buhat sa mga mapanlinlang at pekeng tao? Maniniwala ba ako? Sa mga nagmamalinis at nagdudyosdyosan, mapapasamba ba ako? Sa mga sindak ng malalaking tao, kakabahan ba ako? Sa mga maskarang nakaharang sa mukha mo, Magpapanggap ba ako? Sa mga kinubling salita ng katarungan, isasakdal ba ako? Sa mga lumilibak at naninirang puri, Masasaktan pa ba ‘ko? Mula sa alingasaw ng mga mabulaklak na bibig Hihinga ba ko? Sa mga ganid at korap na tao, makakain mo ba ko? Sa hubad na pigura ng taong ipinakita mo, titigasan ba ako? Sa mga talsik ng katas ko malalasap mo ba ako?
46